NIYAKAP SIYA NG MAHIGPIT ni Tristan. “Olivia, huwag mo na akong iiwan ulit ha?” sabi nito na may pagmamakaawa at paglalambing ang tinig. “Sorry… inaamin ko na kasalanan ko ang lahat at alam kong nasaktan kita ng sobra pero sana ay bigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon para makabawi ako sayo.” masuyong bulong nito sa kaniya.Patuloy ang pagragasa ng luha sa mukha ni Olivia ng mga oras na iyon. Sa totoo lang ay hindi niya inaasahan na maririnig niya ang mga salitang iyon mula rito at higit sa lahat ay hindi niya inaasahan na hihingi ito ng paumanhin sa kaniya at sasabihin nito ang dahilan kung bakit ito pumayag na ma-engage sila ng babaeng iyon.Ngunit sa kabila nun ay hindi niya maiwasang mapaisip, ginusto rin kaya nito ang engagement na iyon? Dapat ba siyang maniwala rito? Sa kabila ng sinabi nito ay paano niya malilimutan ang mga nangyari noon kung napakalalim ng sakit? Lalo na ang mga peklat na dala ng ina nito. Habang nakapikit ay hinayaan niyang tumulo ang kanyang mga luha.Kum
NAGTAGIS ANG MGA BAGANG NI TRISTAN sa kanyang narinig at humigpit din ang kanyang hawak sa cellphone niya ng mga oras na ito. “E ano ngayon kung gawun ko nga?” hamon niya rito.“Kung ganun ay magsubukan tayo dahil tototohanin ko ang sinabi ko.” galit din na sabi ni Moira sa kaniya. Pagkatapos nun ay pareho silang natahimik ng ilang minuto ngunit wala ni isa sa kanila ang nagbaba ng tawag. Ilang sandali pa ay si Moira ang unang nagbuka ng bibig. “Alam ko na maganda nga ang babaeng iyon kaya may posibilidad na mabaliw ka sa kaniya. Kung gusto mo siya at gusto mo siyang habulin wala akong pakialam, sige. Hindi ko kayo pakikialamn pero may isang bagay ako na gusto kong gawin mo, at iyon ay ang pakasalan si Missy at siguraduhin mo na hindi maaapektuhan ang magiging pagsasama nito dahil lang sa kaniya pero…” tumigil ito.“Kapag nalaman ni Missy ang tungkol sa inyong dalawa ng babaeng iyon ay kailangan mo siyang tanggalin sa buhay mo agad para maging maayos kayo.” dagdag nito.“Pwede ba…” in
HINAWAKAN NAMAN NI MISSY ang mga kamay niya. “Pero TRistan, gusto kita at gusto kong magpakasal tayong dalawa.” malambing na sabi nito sa kaniya. “Wala akong pakialam kung ano pa man ang dahilan bakit tayo magpapakasal, kung dahil sa pamilya ko e ano naman? Gusto ako ni Tita para sayo at gusto ka rin ng pamilya ko, hindi ba sapat na iyon na dahilan?” Agad naman na napailing si TRistan sa sinabi nito. “Siguro para sayo ay sapat na lahat ng sinabi mo, pero ako, ayaw kong magpakasal sayo at iyon ang pinakamalaking problema.” sabi niya rito habang nakatitig sa mga mata nito. “All these years at sa mga susunod pa na taon ay hindi pa rin magbabago ang tingin ko sayo. Mananatili kang kapatid sa akin.” mahinang sabi niya at pilit na ipinapaunawa rito ang sinasabi niya.Mabilis naman itong umiling sa kaniya. “Hindi Tristan. Ayokong maging kapatid mo lang dahil gusto ko yung mas higit pa doon at iyon nga ang maging asawa mo.” sabi niya at halos mamula na ang kanyang mga mata. “Tristan hindi ak
NAPAHIGPIT ANG HAWAK ni Moira sa kanyang cellphone ngunit pinilit pa rin niyang magsalita ng mahinahon. “Ano iyon hija?”Narinig niya ang paghugot nito ng malalim na hininga mula sa kabilang linya. “Totoo ba na may mahal ng iba si Tristan?” tanong nito.Mabilis naman na itinanggi ni Moira ito. “Ano bang sinasabi mo hija? Wala na ang babaeng iyon dahil matagal na itong umalis. Isa pa, ganun naman talaga ng mga lalaki, nagpapakipot at kung ano-anong sinasabi. Huwag mong isipin iyon hija.” sabi niya rito.Agad naman na tumango si Missy rito. Mabuti na lamang, kahit papano ay naniwala ito sa kanyang sinabi. “Okay po Tita. salamat po.” sabi nito sa kanya.SAMANTALA, dahil sa pangako ni TRistan na babalik ito kaagad ay hinintay siya ni Olivia. Ngunit alas diyes na nang gabi ngunit hindi pa rin ito bumabalik. Kanina pa niya pinipigilan ang kanyang antok hanggang sa naipikit niya ang kanyang mga mata. Papunta na ang tulog niya nang marinig niya ang pagbukas ng pinto. Kasunod nito ay naramdama
MAS LALO PANG NAGDILIM ANG MUKHA ni Pierce ng mga oras na iyon at ang kanyang galit ay talagang umabot na sa sukdulan. “Gusto kong bukas na bukas ay humingi ka ng paumanhin sa kaniya at aminin na ikaw ang may pakana ng lahat ng iyon at pagkatapos ay mag-impake ka ng mga damit mo at pumunta sa France.” mariin na sabi ni Pierce.Namutla ang mukha ni Beatrice at napuno ng matinding hinanakit ang kanyang mga mata. “Hindi ba at wala naman na ang mga post? Bakit kailangan pa na humingi ako ng paumanhin sa kaniya online? At talaga bang ipapaamin mo sa akin na ako ang may gawa nun? Paano na lang ang mga sasabihin ng ibang tao?” hindi makapaniwalang tanong niya sa kanyang pinsan.“Ikaw ang may gawa niyan hindi ba? Bakit hindi mo naisip yan nung bago mo gawin ang mga bagay na iyon?” malamig ang mga mata ni Pierce na nakapukol sa kaniya.“Pero Couz, kung mapapahiya ako, mapapahiya din ang pamilya natin…” pakiusap pa ni Beatrice rito.“Kapag hindi mo sinunod ang inuutos ko sayo, baka itakwil na k
SA LABAS NG BANYO ay narinig ni TRistan ang pagsusuka ni Olivia, dahil rito ay bigla tuloy siyang nagsisi bigla dahil sa pagpipilit niya ritong kumain. Kung hindi niya sana ito pinilit, tiyak na hindi ito magsusuka ng mga oras na iyon.Naghilamos at nagmumog si Olivia at pagkatapos ay nagsuklay na rin bago siya lumabas ng banyo. Agad siyang sinalubong ng nag-aalalang mukha ni Tristan. “Kamusta ang pakiramdam mo? Okay ka na ba?” mahinang tanong nito sa kaniya.“Okay na.” pagod namang sagot niya rito. Ilang sandali pa ay binuhat siya nito at inihiga sa may kama. Sa sumunod na sandali ay naramdaman na lang niya na hinaplos nito ang kanyang pisngi. “Olivia, handa akong gawin ang lahat para sayo. Kung gusto mong kumain ng hipon, ipagbabalat kita. Kung gusto mong maglambing sa akin, okay na okay sa akin.” biglang lumalim ang boses nito. Nakita niya rin na nabalot ng lungkot bigla ang mga mata nito. “Handa ko namang sundin ang lahat ng gusto mo pero palagi mo pa akong ginagalit ng paulit-uli
SA KATUNAYAN AY NAPAKARAMI niyang nakahandang tanong rito ngunit hindi niya na kailangan pang itanong. Kung kagabi noong hinihintay niya ito ay gusto na niyang itanong rito kung mahal ba siya nito at kung papipiliin siya kung ang pamilya nito o siya, sino ang pipiliin nito ngunit mabuti na lang at hindi siya nakapagtanong rito.Kung sakaling natanong niya ito ay baka napahiya lang siya. Naisip niya rin kagabi na iyon na siguro ang tamang oras para sabihin rito na noon ay nagkaroon sila ng anak ngunit sa kasamaang palad ay namatay ito, ngunit ngayon ay tuluyan nang nagbago ang isip niya at hindi na niya sasabihin pa rito ang tungkol sa mga bagay na iyon.~~~~SA IKATLONG araw na umalis si Olivia ay naisipan niya na lumabas. Sa mga nakaraang araw ay nanatili lang siya doon at nagkulong at bored na bored na siya. Agad siyang nagbihis at bumaba ngunit hinarang siya ng mga tauhan ni TRistan. Kahit na sinabi niya na gusto niya lang namang puntahan si Annie ay hindi pa rin pumayag ang mga it
NANG HAWAKAN SIYA KANINA ni TRistan ay alam na kaagad kung ano ang gusto nito. Nang umalis ito ay nakalaya siya sandali ngunit nanatili pa rin naman siyang nakakulong sa bahay nito. Habang pinipilit niyang matulog ay mas lalo naman siyang hindi makatulog.Dahil dito ay agad siyang nabalisa ng wala sa oras ngunit habang nababalisa siya ay mas bumilis naman ang tibok ng puso niya. Ilang sandali pa ay naramdaman na niya ang pagyakap ng isang tao mula sa likod niya. Walang ingay na maririnig sa loob ng silid ng mga oras na iyon kundi tanging ang kanilang mga paghinga lamang.Mahigpit ang yakap nito na kung saan ay halos wala siyang lusot rito. Ang mabangong amoy ng sabon ay agad niyang naamoy at hindi nagtagal ay narinig niya ang mababa at mahinang tinig nito sa kanyang tenga. “Na-miss kita ng sobra…” bulong niti sa kaniya. “Tatlong araw pa lang, pero halos mabaliw na akong hindi kita nakita…” dagdag pa nito.Samantala, ayaw niya namang marinig ang mga salitang iyon. “Ano ba…” pagtutol n
DAHIL NGA iyon na ang huling eksena ni Olivia ay dumiretso na siya sa kanyang tinutuluyan para magpalit ng kanyang damit. Naligo na rin siya pagkatapos ay nagbihis. Nang lumabas siya sa sala ay nakita niya doon si Ate Mia na nakaupo sa sofa ngunit nang makita siya nitong lumabas mula sa kanyang silid ay dali-dali itong tumayo para lumapit sa kaniya.Umupo ito sa harap niya na ikinataas niya ng kilay ngunit hinawakan lang nito ang kanyang bukong-bukong. Dahil dito ay niyuko niya rin ito at nakita niya na namamaga pala ito. “Huwag kang gumalaw…” sabi nito sa kaniya at pagkatapos ay inakay siya nito patungo sa may sofa at pinaupo.Iniunat ni ate Mia ang kamay nito at bahagyang pinindot ito at hindi niya napigilang mapasigaw sa sakit. “Ah masakit ate Mia! Huwag! Tama na tama na…” napapakagat-labi na pakiusap niya rito.Napabuntong hininga naman ito. “Mukhang masakit talaga dahil parang ngayon lang kita nakita na nag-uumiyak dahil sa sakit.” sabi nito.Hindi naman siya nakapagsalita kaagad
“Anong ginagawa mo sa tingin mo ha Olivia?!” bulalas ni Kyra at hindi na niya napigilan pa. “Tirik na tirik ang araw at napakarami pang tao ang nanonood pagkatapos ay ganyan ang ginagawa mo? Ang lakas din naman ng loob mo, hindi ka ba nahihiya?” sunod-sunod na tanong niya rito. Wala na siyang pakialam pa dahil ang tanging alam niya lang ng mga oras na iyon ay galit siya. Hindi lang basta galit kundi galit na galit.Ilang sandali pa nga ay narinig na niya ang tinig ni Humphrey. Ito na ang unang sumagot dahil hindi pa rin makapagsalita si Olivia marahil sa matinding gulat. “Mali ang pagkakaintindi mo.” sabi nito. “Muntik nang mahulog si Olivia dito sa hagdan at tinulungan ko lang siya. Mali ang iniisip mo.” dagdag pa nito.Dahil dito ay mabilis naman na lumayo na si Olivia mula kay Humphrey. “Salamat.” sabi niya rito at pagkatapos ay tiningnan si Kyra. “pasensya na sa gulo.” dagdag pa niya at pagkatapos ay hinawakan niya na ang kanyang palda para hindi na niya ito matapakan pa. Tumaliko
PAGKATAPOS NILANG MAGNIIG ay parehong nakahiga sa kama sina Kyra at Humphrey. Ilang sandali pa ay nagsalita si Kyra at mahinahong binalaan siya. “Humphrey, binabalaan kita. Kapag niloko mo ako ay sinisiguro ko sayo na kaya kong sirain ka sa lahat.”Ngumiti lang naman si Humphrey at nilingon siya. “My god Kyra, sa tingin mo ba ay gagawin ko iyon? Napaganda mo para pakawalan ko pa kaya sinisiguro ko rin sayo na hindi na ako maglalakas loob pa na maghanap ng ibang babae.” sabi niya rito.“Mabuti naman.” sabi nito at pagkatapos ay isiniksik nito ang sarili sa kaniya kaya niyakap niya na lang ito. Pagkalipas lang ng ilang minuto ay tuluyan na ngang nakatulog ito habang nakayakap sa kaniya. Bahagya siyang lumayo rito at sumandal sa kama pagkatapos ay inabot ang isang kaha ng sigarilyo at naglabas ng isa para sindihan.Napuno ng usok ang loob ng silid at nang lingunin niya si Kyra na nakahiga sa tabi niya ay biglang naging malamig ang kanyang tingin dito. Binantaan siya nito na kapag niloko
PAGDATING NI OLIVIA sa lugar kung saan sila nag-shoshoot ay nakasalubong niya sa koridor si Humphrey. Dahil dito ay agad siyang nagpasya na liliko na lang bago pa man sila tuluyang magkasalubong na dalawa dahil sa totoo lang ay iwas na iwas siya rito at ayaw niya itong makasalamuha sa totoo lang.Dali-dali siyang tumalikod ngunit dahil sa ginawa niya ay mabilis din namang gumalaw ito at hinabol siya. Hindi nga nagtagal ay naabutan siya nito. “Olivia, nakabalik ka na rin sa wakas.” sabi nito sa kaniya.Sumimangot na lang siya bigla. “Ano bang sinasabi mo?” patay malisya niyang tanong dito at walang ganang hinarap ito. Pinagtyagaan na lamang niyang tingnan ang mukha nito kahit na sa totoo lang ay inis na inis na siya.“Huwag mo ng itago sa akin ang totoo. Narinig ko na umalis ka para sa isang bagay. Ano kamusta ang lahat? Tapos na ba? Naayos mo na ba ang inaayos mo o baka kailangan mo ng tulong, handa akong tulungan ka.” tuloy-tuloy na sabi nito sa kaniya.Blangko niyang tiningnan ito a
TUMITIG SI TRISTAN SA kanyang mga mata. “Bakit naman ayaw mong malaman niya?” seryosong tanong nito sa kaniya.Napalunok naman si Olivia at sinadyang hindi tumingin sa mga mata nito. “Syempre, unang-una dahil siya ang nobya mo at ako, wala lang naman ako…” sabi niya at pagkatapos ay naglakad palapit dito at inayos ang kwelyo ng damit nito. Ang kanyang mukha ay napaka-seryoso maging ang tinig niya. “Kahit na gaano pa kaganda ang relasyon natin ngayon ay darating at darating pa rin ang araw na pakakasalan mo siya at bubuo kayo ng sarili ninyong pamilya.” mahinang sabi niya.Napalunok siya kung saan pakiramdam niya ay para bang may kung anong bumara sa lalamunan niya pagkatapos niyang sabihin iyon ngunit sa kabila nun ay pinilit niya pa ring makapagsalita. “Hindi ba at mas maganda kung hayaan mo na lang akong umalis ng tahimik nang hindi niya nalalaman ang tungkol sa ating dalawa?”Nang marinig ito ni Tristan ay agad na nagdilim ang kanyang mga mata at nagtagis ang mga bagang niya. “Lagi
DAHIL DOON AY HINDI na nag-aksaya pa ng oras si Olivia para yakapin si Tristan. “Kahit na hindi ko pa nakikita ang ate mo ng sarili kong mga mata, mula sa kwento mo ay alam ko na kaagad na mahal na mahal ka nga niya bilang kapatid niya.” masuyong sabi niya rito. “Naiintindihan ko kung bakit ganun na lang ang nararamdaman mo sa ate mo lalo pa at ikaw na rin mismo ang nagsabi na siya na ang halos tumayong ina sayo.” Hinaplos niya ng bahagya ang likod nito. “Alam kong walang imposible kaya magtiwala ka lang. Maniwala ka na magkaroon ng himala at magtiwala sa magagawa ng Diyos dahil sa Kaniya ay walang imposible.” sabi niya rito.Naramdaman naman niya ang pagtango nito sa kaniya. “Salamat dahil nandito ka sa mga oras na ito.” sabi nito sa kaniya at pagkatapos ay biglang humiga ito sa kandungan niya. Ilang sandali pa ay hinaplos niya ang pisngi nito gamit ang kanyang daliri.“Matulog ka muna.” sabi niya rito.“Baka pag nagising ako ay wala kana rito paggising ko.” sabi nito sa kaniya.Umi
KAHAHATID LAMANG NI KENT si Missy ngunit pagbalik niya sa loob ng bahay ay bigla siyang nagulat nang makita niya ang isang babaeng naghihintay sa may sala. “Miss Olivia?” hindi makapaniwalang tanong niya at pagkatapos ay lumapit dito. “Paano kayo nakauwi?” gulat na gulat pa rin na tanong niya rito.“Nasaan na siya? Hindi pa rin ba siya lumalabas ng silid niya?” tanong naman kaagad ni Olivia kay Kent. marahan naman itong tumango kaya napabuntung-hininga na lang siya.“Nasa silid niya po siya Miss Olivia. Ihahatid ko po kayo hanggang sa pinto.” sabi nito at nauna nang naglakad patungo sa hagdan. Agad naman siyang sumunod dito at pagtapat nila sa pinto ay humarap ito sa kaniya. “Katulad nga po ng sabi ko sa inyo ay halos buong araw na siyang nakakulong diyan sa loob.” mahinang sabi nito sa kaniya.Hindi naman na binanggit pa ni Kent ang tungkol sa pagdating doon ni Missy at ang pagpupumilit nito na pumasok. “Sige, ako ng bahala sa kaniya pero gusto ko na maghanda ka ng pagkain.” sabi nit
PAGLABAS NA PAGLABAS NI TRISTAN SA CONFERENCE room ay nagpahatid siya kay Kent sa bahay niya at nagkulong sa kanyang silid. Hindi siya kumain buong araw at kahit na ilang katok pa ang gawin sa kanyang pint ay hindi siya sumasagot.Ilang beses naman nang kumatok sa pinto si Kent ngunit ni isang simpleng sagot ay wala siyang narinig mula sa loob. Sa huli ay wala na siyang nagawa pa kundi ang tawagan si Olivia dahil alam niya na ito lang ang makakapagpakalma kay Tristan.Bumaba muna siya sa sala at doon niya ito tinawagan. Kaagad naman nitong sinagot ang tawag niya. “Pasensya na Miss Olivia kung nakaistorbo ako sayo.” sabi niya kaagad.“Kent? May problema ba?” kaagad naman na tanong ni Olivia rito.Nilingon ni Kent ang pangalawang palapag bago nagsalita. “Miss Olivia, hindi ka ba busy ngayon? Pwede niyo bang tawagan si sir para aliwin siya?” sabi niya rito.Agad naman na napakunot ang noo ni Olivia nang marinig niya ang sinabi nito. “Para aliwin siya? Bakit? Anong problema?” sunod-sunod
KINABUKASAN, NAKASAKAY NA SI TRISTAN sa kanyang sasakyan at handa nang umalis nang lingunin siya ni Kent. “sir, ang kotse ni madam.” sabi nito sa kaniya.“Hayaan mo siya. Umalis na tayo.” malamig na utos ni Tristan dito. Ang kanyang mga mata ay malamig na para bang isang normal lang na tao ito at ni hindi man lang nito kaano-ano. Dahil sa utos nito ay pinaandar na ang sasakyan ngunit bago pa man sila makaalis ay bigla na lang bumaba mula sa kotse ito at kumatok sa binta. “Tristan, may sasabihin ako sayo. Kailangan nating mag-usap.” sabi nito ngunit hindi ito pinansin ni Tristan at binalingan niya si Kent.“Paandarin mo na ang sasakyan.” sabi niya rito nang hindi man lang tinatapunan ng tingin ang kanyang ina.“Pero sir, paano po si—” puno ng pag-aalinlangan niyang tiningnan ito mula sa rearview mirror ng sasakyan ngunit bago pa man niya matapos ang kanyang sinasabi ay agad na itong nagsalita sa galit na paraan.“Kailangan ko pa bang ulit-ulitin? Umalis na tayo.” inis na sabi nito ka