SAMANTALA, NANG MABASA NAMAN NG MGA empleyado ni Lucas ang kanyang ipinadalang mensahe ay bigla na lamang nag-ingayan ang mga ito sa mismong gc. “Posibleng nagkamali lang si sir ng pag-send at sa halip na sa asawa niya ito i-send ay sa GC niya nga naisend.”Nagkaraoon ng ingay sa kanilang GC. “Grabe, apat na ang anak nila pero sobrang sweet pa rin nila sa isat-isa.” sabi ng isa na may ibat-ibang emoji.“Nakakainggit naman si Miss Annie!”“Mula ngayon, hindi ko na lang idol si sir pagdating sa kanyang pagiging magaling na boss kundi idol ko na rin siya sa pagiging mabuting asawa.” reply naman ng isa.Napailing na lamang si Lucas nang mabasa niya ang mga usapan ng kanyang mga empleyado sa GC at mabilis na nag-type. “Mali ako ng send, sa asawa ko dapat ito isesend.” sabi niya at isinend iyon. Ngunit bigla na lamang siyang may naisip kaya muli siyang nag-type. “Makinig kayong lahat, kahit na sino sa inyo, kapag tumagal ang pagsasama niyo ng mga asawa niyo at nanatiling kasal at nagmamaha
“PASENSYA NA. Mukhang napa-sobra ang sinabi ko dahil paano nga ba naman ang isang katulad ni Mr. Fuentes ay umibig sa isang kagaya ko na wala pa namang napapatunayan sa industriya.” sabi niya rito. Napuno ng lungkot ang kanyang mga mata at tumingin siya rito. “Tristan, nakikiusap ako sayo hayaan mo na akong umalis…” sabi niya sa nagsusumamong tinig.“Nakikita mo, hindi ako marunong sumunod sayo. Wala akong ibang gagawin kundi ang makipag-away lang sayo at isa pa, isa ako sa nagpapagalit sayo kung pananatilihin mo ako sa tabi mo, tiyaka na hindi ka magiging masaya.” dagdag niya pa. Nang mga oras na iyon ay nag-iinit na ang sulok ng kanyang mga mata. “Palayain mo na ako…” ulit niya. “Isa pa, mainam na magkanya-kanya na lang tayo ng buhay, aabutin ko ang pangarap ko at ikaw, buuin mo ang pamilya na gusto ng magulang mo at ipinapangako ko sayo na hinding-hindi kita guguluhin kahit na anong mangyari.”Nang matapos niyang sabihin ang mga salitang iyon ay biglang sumakit ang puso niya. Tu
LUMUNOK SIYA AT hindi niya napigilang magtanong. “Pero, gusto ko lang sanang malaman kung ano ang lagay niya? Sobrang delikado ba?” tanong niya sa nanginginig na tinig at humigpit din ang hawak niya sa dulo ng damit niya. Hindi niya lubos akalain na maaaksidente ito. Parang panaginip lang ang lahat ng iyon para sa kaniya.“Huwag kang mag-alala, ang mga pinakamahusay na mga doktor sa ospital ang nasa loob ng operating room kaya tiyak na gagaling at gagaling siya.” sabi nito, ngunit kahit na ganun ay napuno pa rin ng pag-aalala ang puso niya. “Hiniling ko kay Alvin na samahan ka na muna niya rito at kung may kailangan ka ay sabihin mo lang sa kaniya at siya na ang bahala.” sabi nito.“Maghihintay ako sa labas ng emergency room at ipapaalam ko sayo kaagad kapag may balita na.” sabi nito at tumayo na mula sa kinauupuan nito. Mabilis na tumango naman si Olivia rito.Pagkaalis nito ay biglang bumagsak ang katawan niya sa sofa. Napapikit siya at ang kanyang noo at mga palad ay napuno ng pawi
NANG IBABA NI LUCAS ANG TAWAG ay eksakto namang itinulak si Tristan palabas ng emergency room. Agad na tumakbo ang ina nito sa tabi ng stretcher. “Tristan, ako to ang Mommy mo. naririnig mo ba ako?” tanong nito habang sinasabayan ang pagtulak rito sa mahinang tinig.Nang mga oras na iyon ay nananatiling walang malay si Tristan kaya paano ito makakasagot. Pagdating sa silid ay maayos an ang lahat at stable na rin ang kalagayan nito. Dahil doon ay nakahinga ng maluwag si Moira. Kasabay nito ay lumingon siya kay Lucas. “Salamat, Lucas sa pagsama sa amin rito ngayon. Hindi mo iniwan si Tristan hanggang sa mataposa ng operasyon niya.” maluha-luhang sabi nito kay Lucas.“Wala po iyon, Tita. isa pa ay ano pa naman ang pagkakaibigan namin kung hindi ko iyon gagawin.” mabilis naman na sagot ni Lucas rito.“Kailangan ko pa ring magpasalamat sayo. Napakabuti mo talagang kaibigan kay Tristan. Isa pa ay anong oras na, nahihiya na ako sayo kung patuloy pa kitang aabalahin lalo pa at alam kong may t
MATAPOS PAKINGGAN NI Annie ang mga sinabi ni Lucas ay mas lalo pa siyang nag-alala kay Olivia. Bumuntung-hininga siya. “Listening to what you said, I really feel very lucky na nakilala ko si lola at ang mga magulang mo na hindi ako nagustuhan dahil sa background ko kundi dahil sa ugali ko. Buong puso nilang tinanggap ang katayuan ko. Sobrang swerte ko na sa pamilya Montenegro ako napunta.” sabi niya na may bahid ng ngiti sa kanyang labi ngunit bigla niyang naalala si Via kaya nabura ang kanyang ngiti. “Pero nag-aalala pa rin ako kay Via. tiyak na ang pamilya ni Tristan ay napakahigpit at napakataas ng standard kaya paano siya makakapasok doon at matatanggap ng mga ito?”Muli siyang napabuntung-hininga. “Kahit na hindi niya sabihin sa akin ay alam ko na may natitira pa rin siyang pagmamahal para kay TRistan sa pinaka-sulok ng puso niya.”Ilang sandali pa ay agad na hinawakan ni Lucas ang kamay niya. “Alam mo na ngayon, natitiyak na gagawin niya ang lahat para paghiwalayin sila pero ang
PAGLABAS NA PAGLABAS NI Moira sa silid ni Tristan ay agad itong nilapitan ni Kent. “ma’am, ihahatid ko na po kayo…” magalang na sbai niya rito ngunit hindi pa man siya nakakahakbang ay agad niya nang narinig mula sa loob ang pagtawag sa kaniya ni Tristan.“Pasensya na po ma’am.” sabi niya at nagmamadaling pumasok sa loob ng silid.Masama ang mukha ni TRistan habang nakaupo sa kama. “Hindi niya ba alam na naaksidente ako?” malamig na tanong niya.Bakas din ang inis sa mga mata nito ng mga oras na iyon. Hindi man nito binanggit kung sino ang tinutukoy nito ngunit alam niya na si Miss Olivia ang tinatanong nito. “Hindi ba ka ba magsasalita? Ano nawala na ba ang dila mo?” inis na tanong ulit nito nang hindi siya sumagot kaagad.Napalunok na lamang si Kent. “sir, tumawag kami kaagad sa kaniya nang maaksidente ka para malaman niya.” sagot niya agad rito.“So ibig mong sabihin ay alam niya?” nakataas ang kilay na tanong nito.Mabilis siyang nagbaba ng ulo. Nang mga oras na iyon ay ramdam na
“Ano?” tumingin si Lucas sa kaniya na may halong panunukso. “Nagbago na ba ang sinabi mo kanina?”“Syempre, ngayon alam ko na nagmamalasakit pa rin pala siya sa akin kahit na papano.” nakangusong sagot niya kay Lucas. “Isa pa ay hindi mo naman ako masisisi na isipin iyon dahil hindi naman biro ang maaksidente ano. Kung hindi mo lang sinabi sa akin na siya pala ang nagluluto ng sopas na ito ay patuloy ko pa ring iisipin na wala talaga siyang pakialam sa akin kahit na mamatay na ako. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ako pinupuntahan rito.” puno ng hinanakit na bulalas niya.Napabuntung-hininga si Lucas. “Ang totoo niyan ay noong natanggap niya ang balita na naaksidente ka ay hindi na siya mapakali pa at umiyak ng umiyak sa labis na pag-aalala hanggang hindi natatapos ang operasyon mo ay nakatulala siya sa pag-alala at tungkol naman sa hindi niya pagpunta rito ay sinadya ko talaga na pigilan siya na pumunta rito dahil ang daming nakabantay na tauhan ng iyong ina sa labas.” sabi
HALOS ISANG ORAS NA NAGHINTAY si TRistan at nang makita niyang si Kent ang may dala ng baunan ay bigla na lamang siyang napasimangot. “Hindi talaga siya dumating at iniwan lang yan?” tanong niya rito na hindi maipinta ang mukha.Agad naman na tumango si Kent. “opo sir, iniwan lang daw po sa front desk e.” sagot naman nito.“Lagyan mo na lang ako sa mangkok.” inis na sabi na lamang niya. Ang akala pa naman na niya ay makikita na niya sa wakas si Olivia ngunit hindi pa rin pala. Inabot sa kaniya ni Kent ang mangkok at pagkatapos ay agad siyang sumubo ngunit nang malasahan niya ito ay agad na nagsalubong ang kilay niya.Nilingon niya si Kent. “sigurado ka ba na siya ang nagpadala ng sopas na ito?” nagtatakang tanong niya. Agad naman na natigilan si Kent nang marinig niya ang tanong nito dahil ang totoo ay hindi niya ito nakita mismo dahil nang puntahan niya ito ay ang thermos na lang ang nasa desk ng nurse.“May problema po ba?”“Iba ang lasa nito.” sagot niya kaagad at nang matapos siya
DAHIL NGA iyon na ang huling eksena ni Olivia ay dumiretso na siya sa kanyang tinutuluyan para magpalit ng kanyang damit. Naligo na rin siya pagkatapos ay nagbihis. Nang lumabas siya sa sala ay nakita niya doon si Ate Mia na nakaupo sa sofa ngunit nang makita siya nitong lumabas mula sa kanyang silid ay dali-dali itong tumayo para lumapit sa kaniya.Umupo ito sa harap niya na ikinataas niya ng kilay ngunit hinawakan lang nito ang kanyang bukong-bukong. Dahil dito ay niyuko niya rin ito at nakita niya na namamaga pala ito. “Huwag kang gumalaw…” sabi nito sa kaniya at pagkatapos ay inakay siya nito patungo sa may sofa at pinaupo.Iniunat ni ate Mia ang kamay nito at bahagyang pinindot ito at hindi niya napigilang mapasigaw sa sakit. “Ah masakit ate Mia! Huwag! Tama na tama na…” napapakagat-labi na pakiusap niya rito.Napabuntong hininga naman ito. “Mukhang masakit talaga dahil parang ngayon lang kita nakita na nag-uumiyak dahil sa sakit.” sabi nito.Hindi naman siya nakapagsalita kaagad
“Anong ginagawa mo sa tingin mo ha Olivia?!” bulalas ni Kyra at hindi na niya napigilan pa. “Tirik na tirik ang araw at napakarami pang tao ang nanonood pagkatapos ay ganyan ang ginagawa mo? Ang lakas din naman ng loob mo, hindi ka ba nahihiya?” sunod-sunod na tanong niya rito. Wala na siyang pakialam pa dahil ang tanging alam niya lang ng mga oras na iyon ay galit siya. Hindi lang basta galit kundi galit na galit.Ilang sandali pa nga ay narinig na niya ang tinig ni Humphrey. Ito na ang unang sumagot dahil hindi pa rin makapagsalita si Olivia marahil sa matinding gulat. “Mali ang pagkakaintindi mo.” sabi nito. “Muntik nang mahulog si Olivia dito sa hagdan at tinulungan ko lang siya. Mali ang iniisip mo.” dagdag pa nito.Dahil dito ay mabilis naman na lumayo na si Olivia mula kay Humphrey. “Salamat.” sabi niya rito at pagkatapos ay tiningnan si Kyra. “pasensya na sa gulo.” dagdag pa niya at pagkatapos ay hinawakan niya na ang kanyang palda para hindi na niya ito matapakan pa. Tumaliko
PAGKATAPOS NILANG MAGNIIG ay parehong nakahiga sa kama sina Kyra at Humphrey. Ilang sandali pa ay nagsalita si Kyra at mahinahong binalaan siya. “Humphrey, binabalaan kita. Kapag niloko mo ako ay sinisiguro ko sayo na kaya kong sirain ka sa lahat.”Ngumiti lang naman si Humphrey at nilingon siya. “My god Kyra, sa tingin mo ba ay gagawin ko iyon? Napaganda mo para pakawalan ko pa kaya sinisiguro ko rin sayo na hindi na ako maglalakas loob pa na maghanap ng ibang babae.” sabi niya rito.“Mabuti naman.” sabi nito at pagkatapos ay isiniksik nito ang sarili sa kaniya kaya niyakap niya na lang ito. Pagkalipas lang ng ilang minuto ay tuluyan na ngang nakatulog ito habang nakayakap sa kaniya. Bahagya siyang lumayo rito at sumandal sa kama pagkatapos ay inabot ang isang kaha ng sigarilyo at naglabas ng isa para sindihan.Napuno ng usok ang loob ng silid at nang lingunin niya si Kyra na nakahiga sa tabi niya ay biglang naging malamig ang kanyang tingin dito. Binantaan siya nito na kapag niloko
PAGDATING NI OLIVIA sa lugar kung saan sila nag-shoshoot ay nakasalubong niya sa koridor si Humphrey. Dahil dito ay agad siyang nagpasya na liliko na lang bago pa man sila tuluyang magkasalubong na dalawa dahil sa totoo lang ay iwas na iwas siya rito at ayaw niya itong makasalamuha sa totoo lang.Dali-dali siyang tumalikod ngunit dahil sa ginawa niya ay mabilis din namang gumalaw ito at hinabol siya. Hindi nga nagtagal ay naabutan siya nito. “Olivia, nakabalik ka na rin sa wakas.” sabi nito sa kaniya.Sumimangot na lang siya bigla. “Ano bang sinasabi mo?” patay malisya niyang tanong dito at walang ganang hinarap ito. Pinagtyagaan na lamang niyang tingnan ang mukha nito kahit na sa totoo lang ay inis na inis na siya.“Huwag mo ng itago sa akin ang totoo. Narinig ko na umalis ka para sa isang bagay. Ano kamusta ang lahat? Tapos na ba? Naayos mo na ba ang inaayos mo o baka kailangan mo ng tulong, handa akong tulungan ka.” tuloy-tuloy na sabi nito sa kaniya.Blangko niyang tiningnan ito a
TUMITIG SI TRISTAN SA kanyang mga mata. “Bakit naman ayaw mong malaman niya?” seryosong tanong nito sa kaniya.Napalunok naman si Olivia at sinadyang hindi tumingin sa mga mata nito. “Syempre, unang-una dahil siya ang nobya mo at ako, wala lang naman ako…” sabi niya at pagkatapos ay naglakad palapit dito at inayos ang kwelyo ng damit nito. Ang kanyang mukha ay napaka-seryoso maging ang tinig niya. “Kahit na gaano pa kaganda ang relasyon natin ngayon ay darating at darating pa rin ang araw na pakakasalan mo siya at bubuo kayo ng sarili ninyong pamilya.” mahinang sabi niya.Napalunok siya kung saan pakiramdam niya ay para bang may kung anong bumara sa lalamunan niya pagkatapos niyang sabihin iyon ngunit sa kabila nun ay pinilit niya pa ring makapagsalita. “Hindi ba at mas maganda kung hayaan mo na lang akong umalis ng tahimik nang hindi niya nalalaman ang tungkol sa ating dalawa?”Nang marinig ito ni Tristan ay agad na nagdilim ang kanyang mga mata at nagtagis ang mga bagang niya. “Lagi
DAHIL DOON AY HINDI na nag-aksaya pa ng oras si Olivia para yakapin si Tristan. “Kahit na hindi ko pa nakikita ang ate mo ng sarili kong mga mata, mula sa kwento mo ay alam ko na kaagad na mahal na mahal ka nga niya bilang kapatid niya.” masuyong sabi niya rito. “Naiintindihan ko kung bakit ganun na lang ang nararamdaman mo sa ate mo lalo pa at ikaw na rin mismo ang nagsabi na siya na ang halos tumayong ina sayo.” Hinaplos niya ng bahagya ang likod nito. “Alam kong walang imposible kaya magtiwala ka lang. Maniwala ka na magkaroon ng himala at magtiwala sa magagawa ng Diyos dahil sa Kaniya ay walang imposible.” sabi niya rito.Naramdaman naman niya ang pagtango nito sa kaniya. “Salamat dahil nandito ka sa mga oras na ito.” sabi nito sa kaniya at pagkatapos ay biglang humiga ito sa kandungan niya. Ilang sandali pa ay hinaplos niya ang pisngi nito gamit ang kanyang daliri.“Matulog ka muna.” sabi niya rito.“Baka pag nagising ako ay wala kana rito paggising ko.” sabi nito sa kaniya.Umi
KAHAHATID LAMANG NI KENT si Missy ngunit pagbalik niya sa loob ng bahay ay bigla siyang nagulat nang makita niya ang isang babaeng naghihintay sa may sala. “Miss Olivia?” hindi makapaniwalang tanong niya at pagkatapos ay lumapit dito. “Paano kayo nakauwi?” gulat na gulat pa rin na tanong niya rito.“Nasaan na siya? Hindi pa rin ba siya lumalabas ng silid niya?” tanong naman kaagad ni Olivia kay Kent. marahan naman itong tumango kaya napabuntung-hininga na lang siya.“Nasa silid niya po siya Miss Olivia. Ihahatid ko po kayo hanggang sa pinto.” sabi nito at nauna nang naglakad patungo sa hagdan. Agad naman siyang sumunod dito at pagtapat nila sa pinto ay humarap ito sa kaniya. “Katulad nga po ng sabi ko sa inyo ay halos buong araw na siyang nakakulong diyan sa loob.” mahinang sabi nito sa kaniya.Hindi naman na binanggit pa ni Kent ang tungkol sa pagdating doon ni Missy at ang pagpupumilit nito na pumasok. “Sige, ako ng bahala sa kaniya pero gusto ko na maghanda ka ng pagkain.” sabi nit
PAGLABAS NA PAGLABAS NI TRISTAN SA CONFERENCE room ay nagpahatid siya kay Kent sa bahay niya at nagkulong sa kanyang silid. Hindi siya kumain buong araw at kahit na ilang katok pa ang gawin sa kanyang pint ay hindi siya sumasagot.Ilang beses naman nang kumatok sa pinto si Kent ngunit ni isang simpleng sagot ay wala siyang narinig mula sa loob. Sa huli ay wala na siyang nagawa pa kundi ang tawagan si Olivia dahil alam niya na ito lang ang makakapagpakalma kay Tristan.Bumaba muna siya sa sala at doon niya ito tinawagan. Kaagad naman nitong sinagot ang tawag niya. “Pasensya na Miss Olivia kung nakaistorbo ako sayo.” sabi niya kaagad.“Kent? May problema ba?” kaagad naman na tanong ni Olivia rito.Nilingon ni Kent ang pangalawang palapag bago nagsalita. “Miss Olivia, hindi ka ba busy ngayon? Pwede niyo bang tawagan si sir para aliwin siya?” sabi niya rito.Agad naman na napakunot ang noo ni Olivia nang marinig niya ang sinabi nito. “Para aliwin siya? Bakit? Anong problema?” sunod-sunod
KINABUKASAN, NAKASAKAY NA SI TRISTAN sa kanyang sasakyan at handa nang umalis nang lingunin siya ni Kent. “sir, ang kotse ni madam.” sabi nito sa kaniya.“Hayaan mo siya. Umalis na tayo.” malamig na utos ni Tristan dito. Ang kanyang mga mata ay malamig na para bang isang normal lang na tao ito at ni hindi man lang nito kaano-ano. Dahil sa utos nito ay pinaandar na ang sasakyan ngunit bago pa man sila makaalis ay bigla na lang bumaba mula sa kotse ito at kumatok sa binta. “Tristan, may sasabihin ako sayo. Kailangan nating mag-usap.” sabi nito ngunit hindi ito pinansin ni Tristan at binalingan niya si Kent.“Paandarin mo na ang sasakyan.” sabi niya rito nang hindi man lang tinatapunan ng tingin ang kanyang ina.“Pero sir, paano po si—” puno ng pag-aalinlangan niyang tiningnan ito mula sa rearview mirror ng sasakyan ngunit bago pa man niya matapos ang kanyang sinasabi ay agad na itong nagsalita sa galit na paraan.“Kailangan ko pa bang ulit-ulitin? Umalis na tayo.” inis na sabi nito ka