LUMUNOK SIYA AT hindi niya napigilang magtanong. “Pero, gusto ko lang sanang malaman kung ano ang lagay niya? Sobrang delikado ba?” tanong niya sa nanginginig na tinig at humigpit din ang hawak niya sa dulo ng damit niya. Hindi niya lubos akalain na maaaksidente ito. Parang panaginip lang ang lahat ng iyon para sa kaniya.“Huwag kang mag-alala, ang mga pinakamahusay na mga doktor sa ospital ang nasa loob ng operating room kaya tiyak na gagaling at gagaling siya.” sabi nito, ngunit kahit na ganun ay napuno pa rin ng pag-aalala ang puso niya. “Hiniling ko kay Alvin na samahan ka na muna niya rito at kung may kailangan ka ay sabihin mo lang sa kaniya at siya na ang bahala.” sabi nito.“Maghihintay ako sa labas ng emergency room at ipapaalam ko sayo kaagad kapag may balita na.” sabi nito at tumayo na mula sa kinauupuan nito. Mabilis na tumango naman si Olivia rito.Pagkaalis nito ay biglang bumagsak ang katawan niya sa sofa. Napapikit siya at ang kanyang noo at mga palad ay napuno ng pawi
NANG IBABA NI LUCAS ANG TAWAG ay eksakto namang itinulak si Tristan palabas ng emergency room. Agad na tumakbo ang ina nito sa tabi ng stretcher. “Tristan, ako to ang Mommy mo. naririnig mo ba ako?” tanong nito habang sinasabayan ang pagtulak rito sa mahinang tinig.Nang mga oras na iyon ay nananatiling walang malay si Tristan kaya paano ito makakasagot. Pagdating sa silid ay maayos an ang lahat at stable na rin ang kalagayan nito. Dahil doon ay nakahinga ng maluwag si Moira. Kasabay nito ay lumingon siya kay Lucas. “Salamat, Lucas sa pagsama sa amin rito ngayon. Hindi mo iniwan si Tristan hanggang sa mataposa ng operasyon niya.” maluha-luhang sabi nito kay Lucas.“Wala po iyon, Tita. isa pa ay ano pa naman ang pagkakaibigan namin kung hindi ko iyon gagawin.” mabilis naman na sagot ni Lucas rito.“Kailangan ko pa ring magpasalamat sayo. Napakabuti mo talagang kaibigan kay Tristan. Isa pa ay anong oras na, nahihiya na ako sayo kung patuloy pa kitang aabalahin lalo pa at alam kong may t
MATAPOS PAKINGGAN NI Annie ang mga sinabi ni Lucas ay mas lalo pa siyang nag-alala kay Olivia. Bumuntung-hininga siya. “Listening to what you said, I really feel very lucky na nakilala ko si lola at ang mga magulang mo na hindi ako nagustuhan dahil sa background ko kundi dahil sa ugali ko. Buong puso nilang tinanggap ang katayuan ko. Sobrang swerte ko na sa pamilya Montenegro ako napunta.” sabi niya na may bahid ng ngiti sa kanyang labi ngunit bigla niyang naalala si Via kaya nabura ang kanyang ngiti. “Pero nag-aalala pa rin ako kay Via. tiyak na ang pamilya ni Tristan ay napakahigpit at napakataas ng standard kaya paano siya makakapasok doon at matatanggap ng mga ito?”Muli siyang napabuntung-hininga. “Kahit na hindi niya sabihin sa akin ay alam ko na may natitira pa rin siyang pagmamahal para kay TRistan sa pinaka-sulok ng puso niya.”Ilang sandali pa ay agad na hinawakan ni Lucas ang kamay niya. “Alam mo na ngayon, natitiyak na gagawin niya ang lahat para paghiwalayin sila pero ang
PAGLABAS NA PAGLABAS NI Moira sa silid ni Tristan ay agad itong nilapitan ni Kent. “ma’am, ihahatid ko na po kayo…” magalang na sbai niya rito ngunit hindi pa man siya nakakahakbang ay agad niya nang narinig mula sa loob ang pagtawag sa kaniya ni Tristan.“Pasensya na po ma’am.” sabi niya at nagmamadaling pumasok sa loob ng silid.Masama ang mukha ni TRistan habang nakaupo sa kama. “Hindi niya ba alam na naaksidente ako?” malamig na tanong niya.Bakas din ang inis sa mga mata nito ng mga oras na iyon. Hindi man nito binanggit kung sino ang tinutukoy nito ngunit alam niya na si Miss Olivia ang tinatanong nito. “Hindi ba ka ba magsasalita? Ano nawala na ba ang dila mo?” inis na tanong ulit nito nang hindi siya sumagot kaagad.Napalunok na lamang si Kent. “sir, tumawag kami kaagad sa kaniya nang maaksidente ka para malaman niya.” sagot niya agad rito.“So ibig mong sabihin ay alam niya?” nakataas ang kilay na tanong nito.Mabilis siyang nagbaba ng ulo. Nang mga oras na iyon ay ramdam na
“Ano?” tumingin si Lucas sa kaniya na may halong panunukso. “Nagbago na ba ang sinabi mo kanina?”“Syempre, ngayon alam ko na nagmamalasakit pa rin pala siya sa akin kahit na papano.” nakangusong sagot niya kay Lucas. “Isa pa ay hindi mo naman ako masisisi na isipin iyon dahil hindi naman biro ang maaksidente ano. Kung hindi mo lang sinabi sa akin na siya pala ang nagluluto ng sopas na ito ay patuloy ko pa ring iisipin na wala talaga siyang pakialam sa akin kahit na mamatay na ako. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ako pinupuntahan rito.” puno ng hinanakit na bulalas niya.Napabuntung-hininga si Lucas. “Ang totoo niyan ay noong natanggap niya ang balita na naaksidente ka ay hindi na siya mapakali pa at umiyak ng umiyak sa labis na pag-aalala hanggang hindi natatapos ang operasyon mo ay nakatulala siya sa pag-alala at tungkol naman sa hindi niya pagpunta rito ay sinadya ko talaga na pigilan siya na pumunta rito dahil ang daming nakabantay na tauhan ng iyong ina sa labas.” sabi
HALOS ISANG ORAS NA NAGHINTAY si TRistan at nang makita niyang si Kent ang may dala ng baunan ay bigla na lamang siyang napasimangot. “Hindi talaga siya dumating at iniwan lang yan?” tanong niya rito na hindi maipinta ang mukha.Agad naman na tumango si Kent. “opo sir, iniwan lang daw po sa front desk e.” sagot naman nito.“Lagyan mo na lang ako sa mangkok.” inis na sabi na lamang niya. Ang akala pa naman na niya ay makikita na niya sa wakas si Olivia ngunit hindi pa rin pala. Inabot sa kaniya ni Kent ang mangkok at pagkatapos ay agad siyang sumubo ngunit nang malasahan niya ito ay agad na nagsalubong ang kilay niya.Nilingon niya si Kent. “sigurado ka ba na siya ang nagpadala ng sopas na ito?” nagtatakang tanong niya. Agad naman na natigilan si Kent nang marinig niya ang tanong nito dahil ang totoo ay hindi niya ito nakita mismo dahil nang puntahan niya ito ay ang thermos na lang ang nasa desk ng nurse.“May problema po ba?”“Iba ang lasa nito.” sagot niya kaagad at nang matapos siya
NAPABUNTUNG-HININGA NA LAMANG SI Tristan dahil sa sinabi nito at kitang-kita niya kung paano nga ito ka-desidido. Wala siyang ganang makipagtalo rito kaya agad siyang lumayo rito at ibubuka na sana niya ang kanyang bibig ngunit natigil siya nang magsalita ito.“Hindi ba at gusto mo na akong umalis?” tanong nito sa kaniya at pagkatapos ay inabot nito ang mangkok kung saan ay may sopas pa. “Kainin mo na muna ito at pagkaubos mo ay aalis na rin ako kaagad.” sabi nito sa kaniya.Sa kagustuhan ni Tristan na umalis na ito ay pumayag na lamang siya. “Sige, pero sana ay totohanin mo ang sinabi mo.” sabi niya rito. Pagkatapos niyang sabihin iyon ay kinuha na niya ang mangkok sa kamay nito upang kainin na sana niya iyon ngunit inilihis nito ang kamay nitong nakahawak sa mangkok.“Ang ibig kong sabihin ay hayaan mo akong subuan ka na ubusin ito.” nakangiting sabi nito sa kaniya.Malamig na napalingon si TRistan rito. “Kailangan pa ba iyon? Hindi ba ang mahalaga ay ang maubos ko yan?”Nakangiti p
NANG MARINIG ITO NI Tristan ay agad niyang nilingon si Kent. “tingnan mo at alam kung siya nga iyon.” agad na utos niya rito.Nagtatakbo naman palabas si Kent at makalipas lamang ang ilang minuto ay bumalik ito. “Sir, dumating nga si Miss Olivia para maghatid sana sayo ng sopas.” humihingal na sabi nito.Nagtagis ang mga bagang ni Tristan at malamig na tumingin sa kaniya. “Ayusin mo ang paglabas ko.”Gulat naman si Kent na napatingin rito at napuno ng pag-aalala ang kanyang mukha. “Pero sir, hindi pa gumagaling ang sugat mo kaya hindi ka pa pwedeng lumabas ng ospital.” sabi niya rito.Ngunit mas malamig lang ulit itong tumingin sa kaniya. “Kailangan ko pa bang ulitin ang sinabi ko? Gusto ko ng lumabas ngayon, hindi bukas at mas lalong hindi sa susunod na linggo.”Nag-aalala naman si Kent sa kalagayan ng katawan nito kaya nanatili lamang siyang nakatayo doon at hindi gumagalaw. Hindi niya alam kung susundin niya ba ito o ano. Ngunit dahil sa hindi niya paggalaw ay agad itong bumaba mul
PAGLABAS NA PAGLABAS NI TRISTAN SA CONFERENCE room ay nagpahatid siya kay Kent sa bahay niya at nagkulong sa kanyang silid. Hindi siya kumain buong araw at kahit na ilang katok pa ang gawin sa kanyang pint ay hindi siya sumasagot.Ilang beses naman nang kumatok sa pinto si Kent ngunit ni isang simpleng sagot ay wala siyang narinig mula sa loob. Sa huli ay wala na siyang nagawa pa kundi ang tawagan si Olivia dahil alam niya na ito lang ang makakapagpakalma kay Tristan.Bumaba muna siya sa sala at doon niya ito tinawagan. Kaagad naman nitong sinagot ang tawag niya. “Pasensya na Miss Olivia kung nakaistorbo ako sayo.” sabi niya kaagad.“Kent? May problema ba?” kaagad naman na tanong ni Olivia rito.Nilingon ni Kent ang pangalawang palapag bago nagsalita. “Miss Olivia, hindi ka ba busy ngayon? Pwede niyo bang tawagan si sir para aliwin siya?” sabi niya rito.Agad naman na napakunot ang noo ni Olivia nang marinig niya ang sinabi nito. “Para aliwin siya? Bakit? Anong problema?” sunod-sunod
KINABUKASAN, NAKASAKAY NA SI TRISTAN sa kanyang sasakyan at handa nang umalis nang lingunin siya ni Kent. “sir, ang kotse ni madam.” sabi nito sa kaniya.“Hayaan mo siya. Umalis na tayo.” malamig na utos ni Tristan dito. Ang kanyang mga mata ay malamig na para bang isang normal lang na tao ito at ni hindi man lang nito kaano-ano. Dahil sa utos nito ay pinaandar na ang sasakyan ngunit bago pa man sila makaalis ay bigla na lang bumaba mula sa kotse ito at kumatok sa binta. “Tristan, may sasabihin ako sayo. Kailangan nating mag-usap.” sabi nito ngunit hindi ito pinansin ni Tristan at binalingan niya si Kent.“Paandarin mo na ang sasakyan.” sabi niya rito nang hindi man lang tinatapunan ng tingin ang kanyang ina.“Pero sir, paano po si—” puno ng pag-aalinlangan niyang tiningnan ito mula sa rearview mirror ng sasakyan ngunit bago pa man niya matapos ang kanyang sinasabi ay agad na itong nagsalita sa galit na paraan.“Kailangan ko pa bang ulit-ulitin? Umalis na tayo.” inis na sabi nito ka
BUKOD PA DOON AY KAILANGAN niyang aminin sa sarili niya na nag-aatubili ang puso niya na paalisin ito dahil halso kalahating oras pa lang itong dumating. Ilang sandali pa ay ngumiti ito sa kaniya. “Nag-aalala ka ba para sa akin?” tanong nito sa kaniya.Sa pagkakataong iyon ay hindi na niya itinago pa iyon dito at bukas palad na niyang inamin sa harap nito. “Masyadong delikado lalo pa at napakasama ng panahon. Ayoko na may mangyaring masama sayo.” sabi niya at habang nagsasalita siya ay napakababa ng kanyang boses at may kahinaan ito. Ang matinding pag-aalala ay bakas din sa kanyang mga mata.“Pasensya ka na Olivia.” sabi nito at hinawakan nito ang pisngi niya. “Sa susunod na punta ko ay magtatagal talaga ako pangako ko sayo. Isa pa ay kailangan ko talagang umalis dahil marami pa akong dapat gawin.” sabi nito sa kaniya na ang mga mata ay puno ng paghingi ng pang-unawa.Alam niya na walang silbi ang pakiusap na panatilihin ito kaya wala na lang siyang nagawa kundi ang tumango na lang di
SA LABAS NG PINTO AY NAPAKAPILIT NI Aiden. Hindi pa rin ito umalis doon at patuloy na nagtanong. “Ate Olivia, okay ka lang ba talaga?” tanong nito sa kaniya. “Bakit parang kakaiba ang boses mo? May lagnat ka ba?” tanong pa nito ulit.Mas lalo pa namang nagalit si Tristan nang marinig niya ang tinig nito. Talaga hindi pa rin ito sumusuko. Dahil doon ay ibinaba niya ang kanyang ulo at hinalikan ang balikat ni Olivia dahilan para mapapikit ito ng mariin at dahil sa inis niya ay bahagya niyang ibinuka ang kanyang bibig at kinagat ito.Nang maramdaman naman ni Olivia dahil sa kirot ng ginawa ni Tristan na pagkagat sa kaniya ay bigla na lang niyang itinaas ang kanyang paa na tumama sa may singit nito. Agad na napadaing ito at napasimangot na napatingin sa kaniya. Sa isip-isip ni TRistan ay napakawalang puso talaga ng babaeng kaharap niya. Samantala, nang mga oras an iyon ay napaka-bilis ng tibok ng puso ni Olivia dahil sa sobrang kaba. “Natutuwa ka ba ha?” malamig na bulong sa kaniya ni
NANG MATAPOS ANG EKSENA AY AGAD na lumapit sa kaniya si Aiden na may dalang isang jacket. “Isuot mo, dahil baka sipunin ka napakalamig pa naman ngayon.” sabi nito sa kaniya.“Bakit k naman isusuot yan?” tanong niya rito.“Kung ayaw mong isuot, itapon mo na lang.” sabi nito at pilit na inabot nito iyon sa kaniya at pagkatapos ay tinalikuran na siya nito ng tuluyan. Napabuntung-hininga na lang siya at dahil nga malamig naman talaga ay wala na din siyang nagawa kundi ang sinuot na nga lang ito ngunit pagtalikod niya ay bigla na lang niyang naramdaman na para bang may mga matang nakatitig sa kaniya ng napakatalim kaya dali-dali niyang iniikot ang kanyang mga mata sa paligid ngunit wala naman siyang nakita. Nagkibit balikat na lang siya, marahil ay masyado lang siyang nag-iisip ng kung ano-ano.Habang nakabalot sa kanyang ang jacket ay naglakad na siya patungo sa apartment na malapit lang din naman doon at may patakbo ba. Hindi nagtagal ay nakarating na siya doon at itinulak niya ang pinto
ILANG MINUTO PA AY BIGLA NA LANG TUMUNOG ang doorbell. Naiisip ni Olivia na baka may nakalimutan si Ate Mia at bumalik ito para kunin ito kaya hindi na siya masyadong nag-isip pa ay dumiretso na lang siya sa may pinto.Gayunpaman, nang makita niya si Aiden na nakasandal sa frame ng pinto na may kalmadong mukha at nakangiting labi, biglang napataaas ang kilay niya nang makita niya ito. “Bakit ka nandito?” kaagad niyang tanong dito.“Naaalala mo ba na may utang ka pa sa akin?” balik din naman nitong tanong sa kaniya na nakataas din ang kilay nito.“Ano naman yun?” agad niyang tanong dito.Tumaas ang sulok ng labi nito at mas ngumiti pa. “Nakalimutan mo na nang iniligtas kita noong gabing iyon?” tanong nito sa kaniya.Seryoso naman siyang tiningnan ni Olivia at dire-diretsong nagsalita. “Aiden, hindi ba at taimtim na akong nagpasalamat sayo? Diba sinabi ko na sayo na salamat dahil sa pagtulong mo sa akin?” sabi niya ngunit pagkatapos lang niyang sinabi iyon ay bigla na lang siyang hinila
HINDI NA NAKAPAGSALITA PA SI OLIVIA dahil kinaladkad na nga siya ni Aiden. “Hoy Aiden ano ba. Dahan-dahan lang naman alam mo namang nakatakong ako. Mamaya ay matapilok pa ako.” sabi niya rito. “At isa pa ay saan mo ba ako dadalhin?” tanong niya rito.Hindi nagtagal ay napahinto naman ito at pagkatapos ay nilingon nga ang mga paa niya. Walang sabi-sabi ay bigla na lang siya nitong binuhay at pagkatapos ay nagtatakbo. Nanlaki kaagad ang kanyang mga mata dahil sa gulat. “Aiden ano bang ginagawa mo? Ibaba mo ako!” sabi niya rito. “Set ito ano ka ba, panigurado na pinagtitinginan na nila tayo!” sabi niya rito.Wala namang pakialam si Aiden sa sinabi niya sa halip ay ngumiti pa ito sa kaniya. “Ano naman? Bakit natatakot ka ba? E magkapareha naman ang role natin ah, isa pa ay tiyak na iisipin lang nila na nagre-rehearse lang tayo.” sagot nito.“Kahit na! Ibaba mo na ako!” pagpupumilit niya ngunit hindi siya nito binitawan. Nagulat na lang siya nang bigla na lang siya nitong ipasok sa isang k
KINABUKASAN AY MAAGA ULIT silang bumangong dalawa ni Mia dahil maaga ang kanilang shoot. Pagdating nila sa set ay maririnig sa mga crew ang pangalang Aiden. Siya ba ang pangalawang bidang lalaki? Si Aiden Mallari? Hindi niya inaasahan na ito ang magiging second male lead sa totoo lang. Sa kasalukuyan nitong kasikatan ay tiyak na tama lang para dito ang maging bida at hindi niya akalain na papayag ito na maging pangalawang bida lang sa pelikulang iyon. “Talaga bang nandito siya para gumanap na pangalawang male lead?” hindi pa rin makapaniwalang tanong ni Olivia.Agad naman na tumango si Mia dahil mas nauna siyang dumating doon kaysa kay Olivia kaya kanina pa lang pagdating niya ay nabalitaan na niyang si Aiden nga ang pangalawang bidang lalaki.Hindi naman niyang inaasahan iyon at sa dami ng taong pwedeng maging pangalawang bida ay ito pa talaga. Ilang sandali pa ay nilingon siya ni Mia at bahagyang tinukso. “Olivia, ano ang nararamdaman mo ngayon na ang makakapareha mo ay isang napak
HINDI NIYA LUBOS INAASAHAN NA napakarami nitong gagawin para sa kaniya ng tahimik. Ilang sandali pa ay agad niya itong tinawagan pagkalipas ng ilang segundo. “Hindi ganun kadaling mangolekta ng impormasyong katulad nun ah. Paano mo nagawa iyon?” tanong niya kaagad dito.Sasabihin pa lang sana ni Tristan na ako pa ba, pero bigla na lang may pumasok sa isip niya kaya binago niya ang sinabi niya. “E ginawa ko ang lahat para makalap ang lahat ng iyon.” sabi niya rito. “Napakarami mo ng utang sa akin ngayon. Paano ka makakapagpasalamat sa akin?” tanong niya rito.Sandali namang nag-isip si Olivia pagkatapos ay sumagot. “Pwede bang ipagluto na lang kita pagbalik ko?” tanong niya rito.“Sige.” sagot nito at pagkatapos ay tuluyan nang nagpaalam. Tinawagan niya lang ito sandali at wala siyang balak na magtagal sa pakikipag-usap dito dahil kailangang-kailangan niyang bumalik sa set.Ilang sandali pa nga ay tuluyan na siyang bumalik at agad niyang naramdaman na para bang napakasama ng kapaligira