Ramdam ni Victor ang tensyon sa loob ng kuwarto. Hindi niya inaasahan na ang mama ni Nadja ang matalik na kaibigan ng kanyang ina. What a small world talaga! Alam na niya ang kahihinatnan nito sa bandang huli. Ni hindi siya inimikan ng kanyang ina habang naglalakad sila. Nadatnan nilang gising na ito at kasalukuyang inihahanda ang kanyang pagkain. Hindi halos nag-imikan ang mag-ina sa kuwarto ng kanyang ama. Nakakagulat ang mga rebelasyon. “Where have you been?” tanong ni Max. Masaya siyang bumaling kay Victor bago pa makasagot ang asawa. “Balita ko ay may girlfriend ka na raw. Totoo na ba iyan?” “Yes, Papa.” “Nakilala na yata ng mama mo. I hope na iba siya sa lahat ng mga babaeng nakasama mo sa kama. ”Lalong kinabahan si Victor. Tahimik lang si Sharon ngunit masama na ang tingin nito sa anak. “Kailan mo naman ipapakilala sa akin?” “Kapag magaling na po kayo.” Hindi pa alam ng lalaki na may anak na si Nadja. “Max, magpahinga ka muna. May pag-uusapan lang kaming mahalagang bagay
“Hanapin mo si Kelly. Kailangan niyang kumpirmahin kung sino ang babaeng iyon.” “Boss, hindi ko alam kung saan hahanapin ang Kelly na iyon.” “She is just infront of us, Sharko. Hindi natin siya mamumukhaan dahil nagpa-plastic surgery siya.” “What?” “Nagpakilala na siya kay Nadja. They are best of friends. Talent siya ng Titan Music. She is now Sunny Amarin.” Inabangan ni Sharko si Kelly sa Titan Music. Eksaktong kalalabas lang ni Kelly sa Titan Music ng gabing iyon. Nakita niyang tumingin pa sa kaliwa’t kanan ang babae na parang may hinihintay. “Bogart, bilisan mo!” Pinaharurot ng lalaki ang kotse at huminto sa tapat ng babae ang puting kotse. Walang nakapansin ng dukutin nila ito dahil papunta sana siya sa parking area. “Sino kayo? Anong kailangan ninyo sa akin?” “Ilang taon lang tayong hindi nagkita, Miss. Nakalimutan mo na kaagad ako.” “Girlfriend mo ba siya, Sharko!” “Manahimik ka, Bogart. Intindihin mo ang pagmamaneho mo!” “Hindi ko alam ang sinasabi mo. Hindi kita kila
Sabay nang nagtungo ng ospital sina Victor at Nadja. Sweet na sweet pa ang dalawa sa loob pa lang ng kotse. Para silang mga ibon na malayang lumipad at dumapo sa kung saan nila gusto. Masaya silang sinalubong ni Holly. Kinarga siya kaagad ni Victor. Nilapitan naman ni Nadja si Mackie habang tinatanggal na ang dextrose sa kamay niya. “Good morning, Doc.” Ngumiti ang batang doctor. Ibinaba nito ang kanyang salamin upang sipatin ang bumati sa kanya at muling inilagay ng maayos ang kanyang mata. “Everything is miracle, Mrs. Santiago.” “Ms. Santiago po, Doc.” Itinama ni Nadja ang sabi ng doktor at napangisi na lang ang dalawa. “Soon-to-be Mrs Peralta.” sabat naman ni Victor. “I have settled the bills now, Nadja. We can bring home the kids already.” “You settled the bills? Are you sure?” Hindi makapaniwala si Nadja tumango si Victor. “Bakit? Bawal ba? Hindi ba puwedeng ako naman ang magbayad ng hospital bills para sa kanila?” “You don’t have to do that, Victor.” saway ng babae. Hindi
OCAMPO BROADCASTING NETWORK STUDIO 29 LIVE INTERVIEW Host: Miss D Humanda ang buong team para sa live telecast ng Special Coverage na iyon para kay Djana. Gusto lang bigyan ng linaw ng singer ang ilang mga issue sa huli nitong interview. May kailangan rin siyang linawin tungkol sa pagkakasangkot nito kay Sophia Santiago na pinaniniwalaang ina nito. Maging sina Abby at Minerva ay katulad rin ng iba na naghihintay sa pag-ere ng naturang interview. “Tingnan natin kung paano nila malulusutang mag-ina ang isyung ito.” “Mama, ano kayang mangyayari?” “Duwag silang pareho kaya, ano pang inaasahan mo? Tiyak na magdi-deny lang silang dalawa. Iyon lang naman ang kaya nilang gawin.” “They both live in the Entertainment World right now.” Tuluyang nakipaghiwalay si Benedict kay Abby. Kumpleto ang miyembro ng team kasama sa loob ng studio kasama ang ilang piling live audience. Mahigpit ang kanilang panuntunan sa loob. Walang magli-leak ng anumang mga larawan at video habang umeere ang pal
Kinabukasan ay gulat na gulat si Nadja ng magising siya sa halik ng kanyang kambal. Wala na sa kama si Victor. Tiyak niyang naghahanda na siya ng almusal. Napangiti siya habang yakap ang mga anak. “Wala na akong hahanapin pa sa buhay kung kayong tatlo ang kasama ko, Victor. Sana ganito na lang palagi ang buhay. Masaya, walang problema, nandito ka, magkasama tayo, may trabaho ako and I go home with someone waiting for me.” “Life isn’t like that, Nadja. Hindi laging magiging masaya ang buhay. Magkakaroon tayo ng problema, may pagkakataong wala ka, wala ako at maiiwan ang mga bata. Hindi puwedeng wala akong trabaho. Ano na lang ang iisipin ng mama at papa mo? Besides, I want you to be home with the kids. Iyon ang gusto ko sa babaeng mapapangasawa ko.” “Hmmm, I think napag-uusapan naman ang mga bagay-bagay pero ang mag-stay sa bahay as a plain housewife…it would be difficult in my situation right now. I love singing. I graduated in a music school and that is part of my profession.” “Na
Napauwing bigla si Nadja. Gamit niya ang kotse ni Philip. Nadatnan niyang nag-iiyakan ang mga bata. Ayaw nilang kumain ng tanghalian. Maging si Nessa at hindi matawagan ang cellphone ni Victor. Napilitan tuloy puntahan ni Nadja ang ina ni Victor. Tinanong kung napapagawi daw ba ito sa ospital ngunit tinanong niya kung gaano niya kamahal ang naak. “Mahal na mahal ko po siya. Ngayon lang po ako nagmahal muli.” “Mamahalin mo pa kaya siya kapag nakilala mo siya?” Nahiwagaan siya sa sinabi ng babae. Nilingon niya ang lalaking nasa hospital bed. Hindi lang niya iyon narinig sa ina kundi pati kay Victor. “Nasa RBR ngayon si Victor.” “Ha, ano pong ginagawa niya doon? Doon na po ba siya magtatrabaho ngayon?” Napilitang umuwi muna ni Nadja at kinausap ang kambal. “Mackie, Holly, stay with Ate Nessa and Kuya Cogie. I will find Daddy okay. I will bring him home.” “Can we go with you?” Umiling si Nadja. “Just stay here and wait. Stop crying now!” Pinigilan ni Nadja ang kanyang luha. Ayaw n
Tinanong niya ang ina kung totoong magkapatid sila ni Nadja. Ngunit si Max ang sumagot kay Victor. “Huwag mong tanungin ang iyong ina ng ganyan, Victor. Ako ang tanungin mo.” “Kapatid ko ba si Nadja, Papa?” “Hindi mo kailanman magiging kapatid si Nadja. Walang namamagitan sa amin ni Sophia. Si Jayson lang ang malikot sa babae kahit mukha siyang matino. Ako, kahit mukhang babaero, one-woman-man ako. Si Sharon lang ang babae sa buhay ko.” Yumakap si Sharon sa asawa. “Sorry, Max dahil pinagdudahan kita ng matagal na panahon.” “Sharon, alam mo naman ikaw lang ang babae sa buhay ko.” Noon lang nakita ni Victor na sweet-sweetan ang mag-asawa. Samantalang nagpupuyos ng galit si Nadja kay Sophia dahil sa mga sinabi nito. Tinanong niyang muli si Sophia kung totoo ang sinabi niya. “Hindi ka naniniwala sa akin?” “Hindi! Dahil minsan ka nang nagsinungaling sa akin. Matagal mong binilog ang ulo ko at posibleng magawa mo rin iyon para ilayo ako kay Victor.” “Hindi ka si Juliet, Nadja. Huw
“Bakit ba ang init ng ulo ni Boss?” “Para siyang hindi nadiligan kagabi.” Dinig na bulungan ng kanyang mga tauhan. Nag-una-unahan ang mga ito na lumabas ng kanyang opisina sa takot na sila ang balingan ni Victor. Sumandal si Victor sa kanyang upuan pagkatapos niyang ubusin ang laman ng kanyang baso. Nagngingitngit siya sa galit sa nangyari. Desidido siya na gumawa ng paraan upang makita si Nadja. “Boss, ready na po ang mansion. Anytime ay puwede nang makalipat sina Ma’am Sharon at Sir Max.” “Siguraduhin ninyong walang naiwang bakas ang mga traydor na iyon.” “Yes, Boss!” Mabilis din ang recovery ng kanyang ama. Masaya si Sharon sa estado ng kalusugan ng kanyang asawa. Natutuwa rin ang mga doktor dahil puwede na rin silang ma-discharge anytime soon. “Hayan narinig mo ba, Max? Malapit na tayong umuwi. Max gusto mo bang magpagupit bago umuwi ng mansion?” Humaba na rin ang buhok ng lalaki habang comatose ito. “Oo naman.” “Dito na lang kita pagugupitan.” “Si Sharko na lang ang mag