HINABOL ni Sharon ang lalaki. Nanginginig ang kanyang mga kamay at sinampal niya ito kasabay ang pagtulo ng kanyang luha.
"Ikaw lang ang babae sa buhay ko kaya tigilan na natin ang isang dekadang tsismis at away na paulit ulit din lang nman."
"Nag iisang babae? I still don’t believe you Max!"
"Kailan ka ba naniwala sa akin? And that’s your problem. Sino ba ang babaeng tinutukoy mo? Si Sophia?"
Si Sophia Santiago ang sikat na babae sa likod ng mga kanta na paulit-ulit na pinakikinggan ni Sharon. Matalik niya itong kaibigan bago siya ibahay ni Max. Nagkahiwalay ang dalawa na may samaan ng loob ng masangkot ang asawa sa isang malaking kontrobersya. Buntis ang babae at nakuhanan sila ng mga larawan habang papasok si Max sa isang hotel. Muntik pa silang maghiwalay habang buntis din ang asawa. Hindi pumayag si Max na makipaghiwalay si Sharon sa kanya. Gusto niyang manatiling buo ang kanyang pamilya.
But that was three decades ago. Matagal siyang walang balita sa babae. Sa ngayon ay ibang boses na ang kinahuhumaling niya. Ang nakakapagtaka lang, Sharon loves her voice. It’s the same voice as Sofia.
DJANA’S DRESSING ROOM
Abala si Nadja sa paghahanda sa kanyang first major concert. Masayang-masaya ang kanyang bukod-tanging kaibigan na si Kelly.
“How do I look with my gown?”
“Perfect na girl! OMG! So proud of you!” Mahigpit na nagyakapan ang dalawa.
Sikat na singer si Nadja sa likod ng maskara. Nakilala siya sa ganda ng kanyang boses ngunit walang nakakakilala kung ano ang tunay niyang hitsura. Tanging malalapit na kakilala at ilang mga kasama niya sa industriya sa kaparehong entertainment company, managed by Philip Consunji ang nakakakilala sa kanyang tunay na identity. Kung bakit siya nagtatago sa likod ng maskara ay isang malaking katanungan.
Sa kabila ng kanyang kasikatan, inuulan din siya ng problema sa pamilya lalo na sa kanyang nakababatang kapatid.
“Ipaliwanag mo kung anong ibig sabihin ng mga litratong ito? Bakit kayo magkasama ni Benedict?” Kibit-balikat lang ang isasagot nito kaya lalong nanggigigil si Nadja. Palagi lang siyang magpapasensiya dito tulad ng madalas na payo ng ina.
“Bata pa siya. Mabilis magbago ang damdamin nila. Infatuation lang ‘yan at hindi pa true love.”
“Kinakampihan pa rin ninyo ang babaeng iyan!”
“Ano ba? Tama na! Dahil lang sa lalaki ay nagkakaganyan ka na sa kapatid mo. Mas matimbang pa ang lalaking iyon kaysa sa pamilya mo!” Malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Nadja.
“Lalaki lang! Is that how you call it? Ang lalaking iyon lang naman ang boyfriend ko at sa kanya ko lang naramdaman ang pagmamahal na hindi ninyo naipakita sa akin!” Hindi na rin nakatiis si Nadja. Sinagot niya ang ina.
Hindi mamatay-matay ang isyu tungkol sa kanilang dalawa. Palagi namang itinatanggi ng kanyang boyfriend na nagkataon lang ang lahat.
“Prove to me that you love me.” Hiniling ni Benedict ang katunayan ng kanyang pagmamahal.
Nakahandang patunayan ni Nadja na mahal niya ang bf ngunit late na siyang nakarating sa hotel ng araw na iyon. Nagkaroon ng problema sa kanyang couturier para sa mga gowns na isusuot niya sa kanyang concert. Si Abby ang nakipagkita kay Benedict. Nakasalubong ni Nadja ang kasintahan pababa habang huling lumabas ng elevator si Abby. Nagkasundo sina Abby at Benedict na magsasama pagkatapos ipagtapat ang kanilang tunay na relasyon sa kapatid.
“I am really going to kill her so don’t you dare cheat on me!” sabi ni Abby.
Magkagayunpaman, si Benedict pa rin ang huli nitong pinaniniwalaan.
“Do well with your concert and I’ll come and see you.” Kuntento na si Nadja sa simpleng salita ng binata. Hindi niya kailangang matakot. May tiwala pa rin siya sa kasintahan.
GLOBAL ARENA CENTER
SATURDAY NIGHT
8PM
Dumating ang pinakahihintay na gabi ni Nadja. Matapos ang ilang buwang pag-i-ensayo ay heto na ang katuparan ng kanyang pangarap. Lahat ng mga singer ay pangarap na mapuno ang loob ng Global Arena Center sa kanilang concert.
That was another breakthrough that night.
“Just be yourself, Djana. I am here!” Hindi niya kailanman binigyan ng kahulugan ang pagiging close ni Philip sa kanya dahil manager niya ito. Inisip niya na ganito talaga siya sa kanyang mga alaga. Sweet and caring boss without any malice kahit palagi siyang binibiro ni Kelly na halatang may gusto sa kanya ang kanilang manager.
Samantalang kanina pang tinatawagan ni Nadja si Benedict. Bakante ang VIP SEAT na nakalaan para sa kanya. Hindi rin nito sinasagot ang tawag niya. Nilapitan siya ni Philip.
“Puwede bang isipin mo muna ang iyong concert at huwag puro boyfriend ang iniintindi mo?” mariing nitong sabi sa kanyang alaga. Sinipat mabuti ang kanyang mukha. “Wenks, punasan ng konti ang ilong ni Djana. Pinagpapawisan na siya.”
Nagmadali ang make-up artist nito. Iniabot din ang kanyang mineral water na may straw.
Matinding disiplina ang kanyang ginawa upang manatiling maganda ang kanyang boses. No softdrinks, no cakes, no ice cream and no candies. Bawal din siya sa maanghang na pagkain.
Umikot ang mga strobe light sa concert stage at nagsimula ang masiglang sayaw ng mga back-dancer sa stage. Nasa itaas ang banda na kasamang tutugtog para kay Nadja.
She is known as Djana.
Pinaupo si Djana sa isang swing na napapalamutian ng mga dahon. Mula sa mataas na bahagi ay ibaba siya na parang Diwata at umalingawngaw ang kanyang nakakabighaning boses sa loob ng buong arena. Manghang-mangha ang lahat sa kanilang nasasaksihan. Nabalot ng puting usok ang buong entablado hanggang makitang nakatayo sa harapan ang isang babae hawak ang kanyang glittery microphone. May earpiece ito sa tenga habang kinulot ang kanyang mahabang buhok.
Naging matagumpay ang unang tatlong kanta hanggang sa pang-lima at pang-anim. Panay sigawan at palakpakan lang ang maririnig sa tuwing matatapos ang kanta.
Nagkaroon muli ng intermission number habang ipinasok si Djana sa loob ng kanyang dressing room. Halos gumuho ang kanyang mundo sa natanggap na mensahe sa cellphone.
Gusto niyang sugurin ang boyfriend at kapatid ng mga oras na iyon. Tumakbo siya sa labas ng concert arena. Hinabol siya ng kanyang personal security.
Sa MEN’S CR siya pumasok at nagtago.
Impit ang kanyang iyak. Ni hindi niya magawang sumigaw sa sobrang galit.
Meet Djana
ANG BOSES ni Nadja ang kinahumalingan naman ni Sharon. Hindi niya pinalampas na bumili ng mga CD nito at paulit-ulit na pinatugtog ito sa kanyang buong mansion. Maging si Victor at nakukuriri ang tenga kapag ito na ang nagpatugtog. Kaya lang, laking pagtataka ng ina. Wala man lang itong isang larawan kundi ang isang iconic mask na cover ng kanyang album. “Don’t forget my concert ticket!” paalala nito sa anak. “Ano bang nagustuhan ninyo sa kanta niya?” “I like her voice. It reminds me of someone.” “First love ninyo?” Tiningnan ng masama ni Sharon ang anak. Kung magsalita ito ay parang si Max kung magselos. “First love kaagad? Parang kang ang ama mo kung magsalita. Tigilan mo ako!” Binilhan na rin ni Victor ang ina ng VIP ticket para sa isang music concert ng isang baguhang singer. Ito lang naman ang kanyang kaligayahan. Naghanda si Sharon sa kanyang paglabas. Ipinadala ni Victor ang larawan ng ticket. Katunayang nakabili na ito para sa kanya. Nagmadali itong magbihis. Pumili siya
VERY SATISFIED si Sharon sa muli niyang panunuod ng concert. Hangang-hanga siya sa boses ng babae. Gusto sana niya itong nakausap ng personal. Gusto niyang makita ang mukha nito. Ofcourse, it was long ago when she heard that same voice of Djana to her bestfriend. Sa isang hindi magandang biro ay nasira ang kanilang pagkakaibigan. She regretted everything when she lost her. Hindi man lang niya binigyan ng pagkakataon ang babae na makapagpaliwanag ng kanyang sarili. Tuluyan siyang nawalan ng kaibigan. Naglabasan na ang mga tao at inalalayan niya ang ina. Niyaya siya ni Victor upang mag-late night dinner sa isang yate na kanyang ipina-reserve para sa kanilang dalawa. “Why don’t you go on a romantic date with your girlfriend, Iho?” “Wala pa po akong girlfriend, Mama.” “Walang girlfriend but you are busy hanging around with women seven days a week?" pang-aasar ng ina. “They are just some random girls your son could meet.” “Hey, siguraduhin mong walang mag-iiwan ng bata sa mansion ng
HINAGILAP nito ang kanyang punung-tenga pababa sa kanyang balikat at mukhang nagising ang kanyang katawang lupa. Nakaramdam ng kakaibang sensasyon at bigla itong tumugon. “You are not as innocent as I thought.” Kinagat niya pababa ang saplot nito sa baba. Sinalat ng daliri ang bukana at siniguradong siya ang una. “JACKPOT!” Naibulalas ng lalaki ang labis nitong kasiyahan. True enough, Nadja did it first with him. Lalong nagustuhan ni Victor ang perpektong gabing iyon. Wala sa plano niya na ibenta si Nadja. Kahit paano ay naging malapit silang magkaibigan. Matalik na kaibigan ang turing ng singer sa kanya. Pareho silang nagsisikap ngunit tila ba mas sinusuwerte ang kaibigan kaysa sa kanya. “Beauty and brains kasi itong si Nadja. Tapos ng pag-aaral at talentado. Talented ka naman, Kelly. But you somehow lacked appeal to the audience.” Kaya tampulan siya ng kantyaw sa kanilang agency. Pareho silang hawak ng Titan Entertainment sa pangangalaga ni Philip Consunji. Istrikto siya ngu
“FIND her at all cost!” Hawak niya ang maskara. Saka lang niya napansin na wala ang relo na regalo ng kanyang ama noong ika-dalawampu’t isang kaarawan niya. Time will tell when they will see each other again. Seryosong nag-uusap ang mag-asawang Maura at Jayson habang nasa hapag-kainan silang dalawa. Kasalukuyang humihigop ng kape ang lalaki. “Kailangan na nating gumawa ng paraan upang mawala sa landas natin ang mag-ama,” mariing sabi ni Maura. Nakataas ang kilay nito at ipinakita ang buong suporta sa asawa. Gusto niyang hawakan ng asawa ang pamumuno sa Richman’s Club kasama na ang matagumpay nitong mga negosyo. “Hindi madaling kalaban si Max,” tugon ng lalaki. Alam niya ang kakayahan ng pinsan sa mga illegal na negosyo. “Ipatumba natin ang mag-ama.” Nagkatinginan ang mag-asawa. Ngumiti si Maura habang sinabi kay Jayson na umupa ng mga assasins para patahimikin si Victor. “I like your wit, my wife.” SHERATON HOTEL SUITE GONZALO MONDAY, 8AM Biglang napapitlag si Victor. Nagu
GUSTO niyang hanapin ang babae upang panagutan ang kanyang responsibilidad dahil natitiyak niyang magbubunga ang kanyang ginawa. She is nowhere to be found. That stupid mask which he didn’t dare to remove suddenly put him in big trouble. Saan niya hahanapin ang babaeng nakamaskara? Hindi niya sigurado kung magkikita pa silang dalawa. Sa kabila ng lahat ay ipinahanap niya ito. Akala ni Nadja ay makakabalik siya sa kanyang iniwang career. Akala niya ay pahuhupain lang niya ang sitwasyon at pagkatapos ay muling lalantad upang ipagpatuloy ang kanyang pagkanta ngunit nagbago ang lahat ng malaman niyang buntis siya matapos mapagsamantalahan ng isang misteryosong lalaki. Hindi naging maganda ang sitwasyon niya sa South Korea upang tuluyang magdesisyong bumalik na lang sa Pilipinas. Kailangan niyang maging matapang para sa kanyang mga anak. Katulad ng pag-alis noon ni Nadja ay ang kanyang tahimik na pagbabalik. Habang pababa na sila ng escalator ay muling bumalik sa alaala ni Nadja ang pa
“HINDI KITA KAPATID. Ang totoo, anak ka talaga ni Tita Sophia sa pagkadalaga. Well, what can you say? Like mother like daughter. Parehong pareho kayo ng tadhana. Pareho kasi kayong pakawala.” Malakas na sampal at sabunot ang ibinigay ni Nadja sa kapatid. Matagal na siyang nagtitimpi dito. “Kapag hindi mo itinikom ang bibig mo, paduduguin ko ang nguso mo.” Nanggigil siya sa sinabi nito. “Nadja, itigil mo ‘yan.” Inambaan niyang muli ito ng sampal. “Mama, sinampal ako ni Ate.” Dumating si Minerva at nagalit sa kanyang nadatnan. Nagsumbatan sila. Walang utang na loob ang tawag kay Nadja. Nagalit din si Nadja dahil sa paglilihim ng babae. “Kaya ba ganito ang trato ninyo sa akin! Ha! Bakit pa ninyo ako kinuha? Sana, hinayaan na lang ninyo akong mamatay!” Ipinagtabuyan niya ang dalawa sa sobrang sama ng loob niya. Nang gabing iyon, masinsinang kinausap ni Minerva ang pamangkin. Ipinagtapat niya ang katotohanan tungkol sa kanyang pagkatao. Inangkin niya ang bata dahil gustong magbagong b
TUMINGIN ang inosenteng bata kay Nadja. Ngumiti siya at kinuskos ang buhok ng bata. Kung sinuman ang kamukha ni Mackie tiyak na kamukha siya ng misteryosong lalaki na iyon. “Why are we here, Mommy?” “How do you like the place?” “I love it here, Mom.” sabi ni Mackie. “I love it here too, Mommy. Are we going to live here?” Tumingin si Nadja kay Nessa. Hinawakan nito ang bata. “Salamat sa inyo ni Cogie para tingnan ang mga bata tuwing aalis ako.” “Wala pong problema, Ma’am Nadja. Kung hindi rin naman po dahil sa inyo ay hindi rin po giginhawa ang aming buhay. Para na po naming mga kapatid sina Holly at Mackie.” Napabuntung-hininga si Nadja. Ibang tao pa ang tatrato sa kanya na parang pamilya. “Hindi mo kailangang umalis sa lumang bahay. Ipinamana talaga iyan ni Mama kay Ate Sofia. Nagkataon lang na wala siya kaya ikaw ang puwedeng pansamantalang tumira diyan.” Ayaw niyang dagdagan ang gulo sa pagitan nila ni Abby. Maraming beses na siya nitong sinugod sa bahay na iyon at ayaw n
TUWANG-TUWA niyang tinitingnan ang mukha ng kanyang kambal. Naisip na lang niya na may lahi siguro ng kambal ang lalaking kanyang nakaniig ng gabing iyon. Maaring sa kanila rin nakamana ng kagandahan ang mga ito dahil maganda at pogi ang kanilang naging supling. Dumarating lang talaga ang mga pagkakataon na naitatanong niya sa sarili kung bakit kailangan niyang pagdaanan ang ganoong pagsubok sa buhay. Kapag hindi na niya kaya, nilulunod niya ang sarili sa alak hanggang makatulog. Kapag hindi nadaan sa alak, doon siya nakakahugot ng inspirasyon upang gumawa ng kanta. Malaking bahay ang binili ni Nadja. Masyadong malaki para sa kanilang tatlo, kasama ang yaya at family driver niya. Tatlong palapag ito. Sa unang palapag ang maid’s quarter at driver’s room. Sa ikalawang palapag ang sariling kuwarto ni Nadja at may kanya-kanyang kuwarto ang kambal dahil babae’t lalaki sila. Sa ikatlong palapag naman ang entertainment rooms nila. May mini-theather ang bahay. Mayroon silang malaking telebis
Late nang gumising si Nadja. Hindi niya maintindihan ang kanyang pakiramdam ng umagang iyon. Maaga naman silang natulog ngunit parang antok na antok pa siya. Iminulat niya ang kanyang mga mata at nakita sa kanyang paanan ang magandang wedding picture nila ni Victor. Habang nagmumuni-muni ay lumabas si Victor sa banyo. Itinukod niya ang kanyang tuhod sa kama at yumukod sa asawa. Winisikan niya ng tubig mula sa kanyang basang buhok si Nadja. “Victor, what are you doing? Get off me!” Nagtalukbong pa ng kumot si Nadja. “Hay naku, may sumpong na naman ang asawa ko. Palagi ka na lang may sumpong. Let’s date. Manuod tayo ng sine.” “I am not in the mood to go out. I don’t like to watch any movies.” “Let’s eat.” “Ayoko nga. Bakit ba ang kulit mo?” “May sumpong ka nga. By the way, wala ka bang pupuntahan? Ipapasundo kita mamaya. Come with me in RBR.” “Whatever!” Nilapitan ni Victor si Nadja para magpaalam. Bihis na bihis na siya at nakasuot ng putim-puting sleeves and polka-dotted neckt
May nakapagbulong kay Max sa loob ng bilibid na may huling assassin ang manggugulo sa kasal nina Nadja at Victor. Pinakilos kaagad ni Max ang kanyang mga tauhan na i-secure ang buong lugar. Kumilos din ang mga kapulisan at naka-undercover sila upang mahuli kaagad ang salarin. Nasa roof top ng resort ang dalawa ng gabing iyon matapos iwan ang ibang nagkakasayahan sa bonfire. “Victor, alam mo bang napakasaya ko ngayon. Sana, palagi tayong ganito. Masaya at walang problema.” “Mafia ang asawa mo at kaya kong gawing masaya ang buhay natin, Nadja. Bakit ba takot na takot ka? Kaya kitang protektahan. Let’s get married tomorrow.” “As in bukas na.” “OO naman. Bukas na bukas na.” “Paano ang gown ko? My gosh! Hindi ako prepared, Victor.” Si Victor pa ba ang hindi handa? Halos hindi nakatulog si Nadja at si Victor sa kanilang tent. Para silang mga excited na bata ng malamang may magaganap na kasiyahan kinabukasan. “Hintayin mo lang at patutunayan ko ang lahat.” Pinatunayan nga ni Victor a
So, there’s more surprises to catch Nadja’s heart. Hindi natatapos sa kanyang proposal sa entablado ang lahat. Hindi inasahan ni Nadja ang mga sumunod na pangyayari. Hindi lang basta spending weekend with the family ang mangyayari kundi ang kaganapan ng lahat ay mangyayari na. “Bakit hindi mo sinabing kasal ninyo ngayon?” natatarantang sabi ng ina. Dumating ang make-up artist at sinimulan siyang ayusan ng babae. “Gawin mong simple ang lahat para sa aking mahal na si Nadja.” Iyon ang kabilin-bilinan ni Victor. “Hayan Ma’am! For sure, Sir Victor won’t take off his eyes on you.” “He’ll go crazy head over heels with me, right?” “Yes, Ma’am.” Narinig nila ang katok sa kuwartong iyon. Pareho silang napalingon at saka ito nagbukas. Tumayo na si Nadja sa kanyang kinatatayuan. Nilapitan siya ni Bob. Dahan-dahan silang naglakad papalabas ng kabahayan. “Nadja, masaya ka ba kay Victor?” “Yes, Papa. Masayang-masaya po ako.” “Wala ng atrasan ito, Iha. I guess, you have accepted everything a
Hinila ng kambal si Nadja na nakaupo sa high chair. “What is this?” Kinakabahan si Nadja. Muling kumanta sina Holly at Mackie samantalang isinayaw siya ni Victor sa gitna si Nadja. “Nadja, we’re not getting any younger. What more can I ask for? This is the only thing that a woman always dreamt of. Not just to grow old together and be with their love ones but also to take the promise to love each other for the rest of their lives” Nagbago ang background sa widescreen. Ipinakita dito ang isang lumang simbahan kaya biglang nagsigawan ang mga audience. Lalong kinabahan si Nadja sa tinutumbok ng mga pangyayari. Inilabas ni Victor ang singsing sa maliit na kahon. At lumuhod sa harap ni Nadja. Biglang nagbago ang background ng widescreen. “WILL YOU MARRY ME?” Hindi magkamayaw ang nakaririnding sigawan sa loob. Say “Yes” ang naririnig sa audience. Kinuha ni Mackie ang bulaklak at ibinigay sa ama. Naghihintay ng sagot si Victor hanggang sa lumuhod na rin si Mackie at maging si Holly.
Malakas talagang mang-asar si Victor. Kahit minsan ay hindi pa natuwa si Nadja sa mga jokes nito. “Niloloko mo ba talaga ako, Victor!” “Hinalikan pa nga ako noong babae bago lumabas at nakiusap na pumikit ako. I don’t know how she looked like. Pangit siguro ‘yun.” Sasabayan pa niya ng haglpak ng tawa. Bago pa matapos ang kuwento ni Victor ay hinalikan siya tulad ng halik ng babae. Natigilan bigla ang asawa. Napalunok ito. “Ikaw?” “Yeah, ako nga!” “That letter… who gave you that letter?” “Ah, iyan? Nakita ko lang iyan na nakasuksok sa locker ko. I was in grade school.” “OMG!” “Ano na naman ba? Napapraning ka na naman.” “So, ibig sabihin even before that thing happens in the hotel, we knew each other already?” “Huh! Bakit sa iyo ba galing ‘yung letter?” Nagkatitigan ang dalawa. Tinitigan ni Victor ang babae upang tingnan kong may pagkakahawig sila ng batang babae. “Ikaw?” Tumango si Nadja at hindi alam kung paano ipapaliwanag ang sarili. Wala nang mahihiling pa si Victor. Mas
Bumalik si Victor sa loob ng unit. Ni-review ang kuha ng CCTV. Noon lang mangyaring ganoon sa kanya. Lihim itong nagpalagay ng CCTV sa buong condo unit nito. Kaya sigurado siyang walang nangyari sa kanila ni Georgina. May nangyari nga nang gabing iyon sa loob ng kuwarto ngunit hindi si Victor ang nandoon. Si Bogart at Georgina ang kitang kita sa CCTV na nagsa-something-something. Hindi makapaniwala si Victor sa mga nakitang kuha ng dalawa. Matindi ang eksena nila. Pagkatapos ng makapigil hiningang pagniniig nilang dalawa, pumasok si Victor na susuray-suray at walang kaalam-alam sa nangyari. Nakita niyang hinubaran siya ni Georgina Pinaghahalikan ni Georgina ang walang malay na si Victor. Pumatong pa siya sa binata ngunit hindi kumilos si Victor. Hanggang sa humiga na lang siya at hindi rin natinag si Victor sa kanyang pagkakahiga. Biglang pumasok sa eksena si Nadja at hinampas siya ng bag. Natawa siya habang pinapanuod ang sarili at kung paano ito nagulat sa ginawa ni Nadja. Naramdam
Pagpasok sa loob ng kotse ay saglit lang na napasandal si Nadja sa frontseat. Himbing kaagad siyang nakatulog. Naalimpungatan siya at napalinga sa kanilang patutunguhan. May nadaanan silang makikipot na eskinita. “Huh! akala ko ba didiretso tayo sa bahay.” “Daan muna tayo sa mansion,” sabay kindat ng binata. Napangiti lang ang asawa. Sumunod na lang sa gusto ng binata. Inalalayan niya ito pababa ng kotse. Pagpasok ng mansion ay niyakap ng mahigpit ni Victor si Nadja. Hinalikan niya ito at inihagis ang bag na hawak sa sopa. “Na-miss kita Nadja!” “Hindi ba tayo papasok muna sa kuwarto mo?” Aakyat pa sila ng hagdan. “Puwede na ito kahit saan. Kahit dito sa carpet o sa ibabaw ng lamesa” “Victor, hmmm…. ahhh, teka. Teka lang.” “Ano? Bakit?” “Umakyat na lang muna tayo.” Ipinagpatuloy ng binata ang inumpisahan. Hinawakan niya si Nadja at mahigpit niya itong niyakap. Halos nakaliyad ang asawa habang hawak siya ni Victor sa beywang. Kumapit siya sa leeg at sinabayan ang lalaki. Kinarg
Napapaligiran na sila ng mga pulis at wala silang takas ng mga oras na iyon. Walang sinuman ang nasa lugar. Walang makakaalam ng posibleng mangyari. Walang media ang makakasaksi sa nangyayaring negosasyon. “Siguraduhin ninyong malinis at wala kayong ebidensiyang ilalabas tungkol sa pinsan ko. Sagot ko ang presinto ninyo.” Sabi ni Max sa kausap. “Kailangan na rin niyang manahimik at sundan si Maura. Mga hayop sila! Mga ulupong!” “DAMN IT! HUWAG MONG TUTUKAN ANG ANAK KO, JAYSON!” Hindi na niya naisip pang igalang ang lalaki. Humakbang papalapit si Victor. “Desperado si Jayson. Hindi siya nagbibiro.” Pinigilan siya ni Max. He is trying to negotiate his freedom. Kung may kailangan siya ay pag-uusapan nila kahit alam niyang hindi niya matatakasan ang batas. “Ano pang kailangan mo, Pinsan? Pag-usapan natin. Pakawalan mo na ang mga apo ko.” “Nasa akin na ang lahat ngunit walang halaga ang lahat ng iyon dahil sa ginawa mo kay Maura! HAYUP KA!” Tinutukan naman ni Jayson si Max ngunit nakah
“Umuwi na sina Nessa. Hindi na kita inabala. Antuk na antok ka eh.” “Yes, pinagod mo kasi ako eh.” Ngunit bumulong si Victor at kahit anong posisyon nilang dalawa ay hihirit at hihirit talaga ang lalaki. May saya ring hatid ang mga kakaibang posisyon ni Victor. Ngunit mas gusto pa rin niya ang missionary position ni Nadja. Ngunit kinabukasan ay gumuho ang mga pangarap ni Nadja. She already got her menstrustion. Hindi niya napigilan na hindi umasa. Delayed lang talaga siya. Halos walong taon na rin kasi ang mga bata. “Honey, baka stress ka lang. Let’s go back and work it out. Are you hoping?” Tumango si Nadja. Sinunod ni Nadja ang kagustuhan ni Victor. Nagpaalam sila ng maayos sa management ng JME at pinagkasunduan na sila ang magpaplano para sa unang concert ni Nadja sa Pilipinas. Pinayagan na lang nila itong umuwi. “Mama, Papa, we’re coming home with the kids.” Mensahe ni Victor sa kanyang mga magulang. “Tingnan mo nga naman ang pagkakataon. Umaayon ang pagkakataon sa atin. Uuw