Start a new life, Nadja. Fighting!
TUMINGIN ang inosenteng bata kay Nadja. Ngumiti siya at kinuskos ang buhok ng bata. Kung sinuman ang kamukha ni Mackie tiyak na kamukha siya ng misteryosong lalaki na iyon. “Why are we here, Mommy?” “How do you like the place?” “I love it here, Mom.” sabi ni Mackie. “I love it here too, Mommy. Are we going to live here?” Tumingin si Nadja kay Nessa. Hinawakan nito ang bata. “Salamat sa inyo ni Cogie para tingnan ang mga bata tuwing aalis ako.” “Wala pong problema, Ma’am Nadja. Kung hindi rin naman po dahil sa inyo ay hindi rin po giginhawa ang aming buhay. Para na po naming mga kapatid sina Holly at Mackie.” Napabuntung-hininga si Nadja. Ibang tao pa ang tatrato sa kanya na parang pamilya. “Hindi mo kailangang umalis sa lumang bahay. Ipinamana talaga iyan ni Mama kay Ate Sofia. Nagkataon lang na wala siya kaya ikaw ang puwedeng pansamantalang tumira diyan.” Ayaw niyang dagdagan ang gulo sa pagitan nila ni Abby. Maraming beses na siya nitong sinugod sa bahay na iyon at ayaw n
TUWANG-TUWA niyang tinitingnan ang mukha ng kanyang kambal. Naisip na lang niya na may lahi siguro ng kambal ang lalaking kanyang nakaniig ng gabing iyon. Maaring sa kanila rin nakamana ng kagandahan ang mga ito dahil maganda at pogi ang kanilang naging supling. Dumarating lang talaga ang mga pagkakataon na naitatanong niya sa sarili kung bakit kailangan niyang pagdaanan ang ganoong pagsubok sa buhay. Kapag hindi na niya kaya, nilulunod niya ang sarili sa alak hanggang makatulog. Kapag hindi nadaan sa alak, doon siya nakakahugot ng inspirasyon upang gumawa ng kanta. Malaking bahay ang binili ni Nadja. Masyadong malaki para sa kanilang tatlo, kasama ang yaya at family driver niya. Tatlong palapag ito. Sa unang palapag ang maid’s quarter at driver’s room. Sa ikalawang palapag ang sariling kuwarto ni Nadja at may kanya-kanyang kuwarto ang kambal dahil babae’t lalaki sila. Sa ikatlong palapag naman ang entertainment rooms nila. May mini-theather ang bahay. Mayroon silang malaking telebis
WALA SIYANG LABAN kung ganoong klase ng labanan ang pag-uusapan. She has been a conservative type who thinks that sex is sacred only for married couples. That’s what she learned. Ngunit paano pa niya ibibigay ang sarili kay Benedict sa unang pagkakataon kung ganito lang pala niya patutunayan. Hindi niya nakita ang pagmamahal sa ganitong paraan lalo pa’t naninniwala siya sa kasal. Kung magpapakasawa na sila sa kama bago pa lang sila ikasal ay hindi niya masisigurado kung talagang seryoso siya sa kanilang relasyon. Hindi rin niya mapapatawad ang lalaking lumapastangan sa kanya dahil mas masahol pa siya kay Benedict. Napaiyak si Nadja. Hindi naman niya tahasang sinasabing nasira ang buhay niya. Marami pa siyang pangarap at nabago lang ng konti ang kanyang landas na tinatahak ngayon dahil sa pagdating ng kambal na biyaya sa kanya, sina Holly at Mackie. Ibinukas ni Cogie ang malaking gate at ipinasok na niya ang kotse. Nakaabang na ang mga bata sa pinto. Kumaway ang mga ito sa kanya at I
NARAMDAMAN ni Victor ang pagbuhos ng tubig sa kanya kaya siya nagising. Dinig niya ang malakas na tawanan ng mga goons. Napapaligiran siya ng mga kalalakihan katulad ng kanyang mga alalay ngunit mula ito sa grupo ng mga FilthyRich. Hindi niya alam kung saan siya naroroon dahil madilim ang buong paligid bukod sa isang ilaw sa gitna na animo’y investigation room. Sumagi sa kanyang alaala ang pagtatanong nila sa ina kumbakit wala palagi ang ama. Umiiyak pa si Victoria sa telepono habang kausap ang ama. “Stop crying, Victor!” Naalala niyang sigaw ng ama. “Walang iyaking Peralta. STOP CRYING! STOP IT!” Pinilit niyang huminto sa pag-iyak. Pagkatapos noon ay aaluin siya ng ina at sasabihing busy lang ang ama sa trabaho. Uuwi din ito. Hindi niya kailangang mag-alala. “Really, Mama! Daddy will come home soon!” “Yeah, he will come and he often does. Tulog lang kasi kayo palagi.” Kahit hindi niya gusto ang trabaho ng ama, pilit na ipinakilala sa kanya ang maruming mundo ng Mafia. Hindi niy
NATANGGAL ang tatlong butones ng kanyang polo. Kulay abuhin ang kanyang plantsadong slacks at halatang maganda at signatured ang leather belt at sapatos. Napansin nito ang kanyang wedding ring. Naisip niyang baka nagkaroon ng foul play sa kasal ng lalaki at kailangan siyang patayin ng isang third party. Baka biktima siya ng mga summer execution dahil sa droga o kaya naman ay baka hindi siya nakabayad sa utang sa isang gambling lord. Lalong kinilabutan si Nadja. Sa kanyang unang tingin ay mayaman ang lalaki. Kumontak siya ng rescue sa kalapit na ospital sa mismong lugar na iyon. Delikadong galawin ang lalaki lalo na kung may mga fracture na ito sa katawan. Magiging kahina-hinala ito sa susundo sa kanya dahil sa kanyang hitsura. Pinangatawanan ni Nadja ang iniisip na sitwasyon. Bago dumating ang ambulancia ay panay ang iyak nito. “Inigo! Inigo! OMG! Naglalakad lang kami ng may dumating na mga kalalakihan. Binastos kasi ako ng mga lalaki kaya siya ang binalingan. Sorry, Sweetheart!
SUMILIP si Nadja sa salamin ng ICU. Hindi niya mawari kumbakit siya masayang makita ang mukha ng lalaki. She really took the pleasure to look at him closely. Napapangiti siya sa kaloob-looban niya kahit hindi niya alam kung anong klase ng tao ang lalaki ito. Namamaga ang mukha ng lalaki at nangingitim pa ang dalawang mata nito. Putok ang kanyang labi at kitang-kita na pinahirapan siya kung sinuman ang gumawa nito sa kanya. Clean cut pa ang kanyang buhok and his body seemed well-built. Maganda ang kanyang daliri bagama't sugatan ng mga pagkakataong iyon. May mga hiwa ng kutsilyo ang magkabila niyang braso. “He has six broken ribs.” “Is he going to undergo surgery for that?” “Not necessarily. Our body has its own way to heal. You are his savior. Mahal na mahal mo siguro ang lalaking ito. He must be lucky to find you.” Hindi alam ni Nadja kung matutuwa sa compliment na iyon ng doktor. Maging ang mga batang kasambahay na sina Nessa at Cogie ay nagtiyaga rin sa pagbabantay sa pasyen
TULUYANG napahagulgol si Sharon sa tabi ng asawa. Sumubsob siya sa tabi ng kutson. Kung nalulungkot siya sa sinapit ng asawa, mas lalong hindi siya mapalagay hangga’t hindi pa nalalaman kung nasaan ang anak. “Iho, you know I have a friend. A very close friend of mine.” “May BFF ka pala, Mama?” “Anong akala mo sa akin? Kahit kailan talaga!” Kiniliti niya ang anak sa tagiliran. “Halika, lumapit ka sa akin. I hope, you would find her daughter through this.” “Mama, ano ba namang kalokohan iyan? Isipin na lang ninyo ang kalagayan ko. May magmamahal ba sa akin kapag nalaman na Mafia ang tatay ko?” “Wala siguro pero maiintindihan niya ang sitwasyon mo.” “Sus, may babae pa bang ganoon?” “Hindi ko na kasi alam kung nasaan na si Pia. Hindi ko alam kung nag-asawa na ba ang anak niya?” “Mama, ano ba ito?” “Initials daw 'yan ng pangalan ng anak niya. Jaja ang palayaw niya.” “Hay naku, Mama. Naghahanap na nga lang nag mapapangasawa, pahihirapan pa ninyo akong hanapin kung sino si Jaja?”
MAGING ANG SCHEDULE ng check-up at pagdalaw ng doktor ay na-memorized kaagad ni Nadja. Istrikto rin ito sa pagpapainom ng gamot pati na pagpapakain sa kanya. Kung pandilatan siya ng mata ni Inigo at lalo rin niya itong pinandilatan ng mata. Madalas ay tumanggi ito sa hospital food ngunit wala siyang magawa kapag si Nadja na ang lumapit at kumuha ng kutsara. “Bakit ba kailangang pahirapan mo pa kami ng pagpapakain sa iyo, Senyorito? Is that how you are raised?” “Wala ba akong kamay? Kaya ko namang kumain mag-isa.” “Kumusta na ang asawa mo?” Nadatnan sila ng doktor na may konting tensyon. “Okay lang po, Sir. Naku, Sir. Kung mag-aasawa po ako, hindi ako pipili ng kasing -sungit niya.” “Be patient with him. Ganyan talaga ang mga pasyente lalo na sa kanilang kalagayan.” Tahimik na kumain ang binata at saka nagpahinga. Lalong nasubukan ang pasensiya ni Nadja ng magpatigas ang lalaki na magpa-therapy. “Inigo, your therapists are here.” Nakatayo lang ang dalawang physical therapists. S
Late nang gumising si Nadja. Hindi niya maintindihan ang kanyang pakiramdam ng umagang iyon. Maaga naman silang natulog ngunit parang antok na antok pa siya. Iminulat niya ang kanyang mga mata at nakita sa kanyang paanan ang magandang wedding picture nila ni Victor. Habang nagmumuni-muni ay lumabas si Victor sa banyo. Itinukod niya ang kanyang tuhod sa kama at yumukod sa asawa. Winisikan niya ng tubig mula sa kanyang basang buhok si Nadja. “Victor, what are you doing? Get off me!” Nagtalukbong pa ng kumot si Nadja. “Hay naku, may sumpong na naman ang asawa ko. Palagi ka na lang may sumpong. Let’s date. Manuod tayo ng sine.” “I am not in the mood to go out. I don’t like to watch any movies.” “Let’s eat.” “Ayoko nga. Bakit ba ang kulit mo?” “May sumpong ka nga. By the way, wala ka bang pupuntahan? Ipapasundo kita mamaya. Come with me in RBR.” “Whatever!” Nilapitan ni Victor si Nadja para magpaalam. Bihis na bihis na siya at nakasuot ng putim-puting sleeves and polka-dotted neckt
May nakapagbulong kay Max sa loob ng bilibid na may huling assassin ang manggugulo sa kasal nina Nadja at Victor. Pinakilos kaagad ni Max ang kanyang mga tauhan na i-secure ang buong lugar. Kumilos din ang mga kapulisan at naka-undercover sila upang mahuli kaagad ang salarin. Nasa roof top ng resort ang dalawa ng gabing iyon matapos iwan ang ibang nagkakasayahan sa bonfire. “Victor, alam mo bang napakasaya ko ngayon. Sana, palagi tayong ganito. Masaya at walang problema.” “Mafia ang asawa mo at kaya kong gawing masaya ang buhay natin, Nadja. Bakit ba takot na takot ka? Kaya kitang protektahan. Let’s get married tomorrow.” “As in bukas na.” “OO naman. Bukas na bukas na.” “Paano ang gown ko? My gosh! Hindi ako prepared, Victor.” Si Victor pa ba ang hindi handa? Halos hindi nakatulog si Nadja at si Victor sa kanilang tent. Para silang mga excited na bata ng malamang may magaganap na kasiyahan kinabukasan. “Hintayin mo lang at patutunayan ko ang lahat.” Pinatunayan nga ni Victor a
So, there’s more surprises to catch Nadja’s heart. Hindi natatapos sa kanyang proposal sa entablado ang lahat. Hindi inasahan ni Nadja ang mga sumunod na pangyayari. Hindi lang basta spending weekend with the family ang mangyayari kundi ang kaganapan ng lahat ay mangyayari na. “Bakit hindi mo sinabing kasal ninyo ngayon?” natatarantang sabi ng ina. Dumating ang make-up artist at sinimulan siyang ayusan ng babae. “Gawin mong simple ang lahat para sa aking mahal na si Nadja.” Iyon ang kabilin-bilinan ni Victor. “Hayan Ma’am! For sure, Sir Victor won’t take off his eyes on you.” “He’ll go crazy head over heels with me, right?” “Yes, Ma’am.” Narinig nila ang katok sa kuwartong iyon. Pareho silang napalingon at saka ito nagbukas. Tumayo na si Nadja sa kanyang kinatatayuan. Nilapitan siya ni Bob. Dahan-dahan silang naglakad papalabas ng kabahayan. “Nadja, masaya ka ba kay Victor?” “Yes, Papa. Masayang-masaya po ako.” “Wala ng atrasan ito, Iha. I guess, you have accepted everything a
Hinila ng kambal si Nadja na nakaupo sa high chair. “What is this?” Kinakabahan si Nadja. Muling kumanta sina Holly at Mackie samantalang isinayaw siya ni Victor sa gitna si Nadja. “Nadja, we’re not getting any younger. What more can I ask for? This is the only thing that a woman always dreamt of. Not just to grow old together and be with their love ones but also to take the promise to love each other for the rest of their lives” Nagbago ang background sa widescreen. Ipinakita dito ang isang lumang simbahan kaya biglang nagsigawan ang mga audience. Lalong kinabahan si Nadja sa tinutumbok ng mga pangyayari. Inilabas ni Victor ang singsing sa maliit na kahon. At lumuhod sa harap ni Nadja. Biglang nagbago ang background ng widescreen. “WILL YOU MARRY ME?” Hindi magkamayaw ang nakaririnding sigawan sa loob. Say “Yes” ang naririnig sa audience. Kinuha ni Mackie ang bulaklak at ibinigay sa ama. Naghihintay ng sagot si Victor hanggang sa lumuhod na rin si Mackie at maging si Holly.
Malakas talagang mang-asar si Victor. Kahit minsan ay hindi pa natuwa si Nadja sa mga jokes nito. “Niloloko mo ba talaga ako, Victor!” “Hinalikan pa nga ako noong babae bago lumabas at nakiusap na pumikit ako. I don’t know how she looked like. Pangit siguro ‘yun.” Sasabayan pa niya ng haglpak ng tawa. Bago pa matapos ang kuwento ni Victor ay hinalikan siya tulad ng halik ng babae. Natigilan bigla ang asawa. Napalunok ito. “Ikaw?” “Yeah, ako nga!” “That letter… who gave you that letter?” “Ah, iyan? Nakita ko lang iyan na nakasuksok sa locker ko. I was in grade school.” “OMG!” “Ano na naman ba? Napapraning ka na naman.” “So, ibig sabihin even before that thing happens in the hotel, we knew each other already?” “Huh! Bakit sa iyo ba galing ‘yung letter?” Nagkatitigan ang dalawa. Tinitigan ni Victor ang babae upang tingnan kong may pagkakahawig sila ng batang babae. “Ikaw?” Tumango si Nadja at hindi alam kung paano ipapaliwanag ang sarili. Wala nang mahihiling pa si Victor. Mas
Bumalik si Victor sa loob ng unit. Ni-review ang kuha ng CCTV. Noon lang mangyaring ganoon sa kanya. Lihim itong nagpalagay ng CCTV sa buong condo unit nito. Kaya sigurado siyang walang nangyari sa kanila ni Georgina. May nangyari nga nang gabing iyon sa loob ng kuwarto ngunit hindi si Victor ang nandoon. Si Bogart at Georgina ang kitang kita sa CCTV na nagsa-something-something. Hindi makapaniwala si Victor sa mga nakitang kuha ng dalawa. Matindi ang eksena nila. Pagkatapos ng makapigil hiningang pagniniig nilang dalawa, pumasok si Victor na susuray-suray at walang kaalam-alam sa nangyari. Nakita niyang hinubaran siya ni Georgina Pinaghahalikan ni Georgina ang walang malay na si Victor. Pumatong pa siya sa binata ngunit hindi kumilos si Victor. Hanggang sa humiga na lang siya at hindi rin natinag si Victor sa kanyang pagkakahiga. Biglang pumasok sa eksena si Nadja at hinampas siya ng bag. Natawa siya habang pinapanuod ang sarili at kung paano ito nagulat sa ginawa ni Nadja. Naramdam
Pagpasok sa loob ng kotse ay saglit lang na napasandal si Nadja sa frontseat. Himbing kaagad siyang nakatulog. Naalimpungatan siya at napalinga sa kanilang patutunguhan. May nadaanan silang makikipot na eskinita. “Huh! akala ko ba didiretso tayo sa bahay.” “Daan muna tayo sa mansion,” sabay kindat ng binata. Napangiti lang ang asawa. Sumunod na lang sa gusto ng binata. Inalalayan niya ito pababa ng kotse. Pagpasok ng mansion ay niyakap ng mahigpit ni Victor si Nadja. Hinalikan niya ito at inihagis ang bag na hawak sa sopa. “Na-miss kita Nadja!” “Hindi ba tayo papasok muna sa kuwarto mo?” Aakyat pa sila ng hagdan. “Puwede na ito kahit saan. Kahit dito sa carpet o sa ibabaw ng lamesa” “Victor, hmmm…. ahhh, teka. Teka lang.” “Ano? Bakit?” “Umakyat na lang muna tayo.” Ipinagpatuloy ng binata ang inumpisahan. Hinawakan niya si Nadja at mahigpit niya itong niyakap. Halos nakaliyad ang asawa habang hawak siya ni Victor sa beywang. Kumapit siya sa leeg at sinabayan ang lalaki. Kinarg
Napapaligiran na sila ng mga pulis at wala silang takas ng mga oras na iyon. Walang sinuman ang nasa lugar. Walang makakaalam ng posibleng mangyari. Walang media ang makakasaksi sa nangyayaring negosasyon. “Siguraduhin ninyong malinis at wala kayong ebidensiyang ilalabas tungkol sa pinsan ko. Sagot ko ang presinto ninyo.” Sabi ni Max sa kausap. “Kailangan na rin niyang manahimik at sundan si Maura. Mga hayop sila! Mga ulupong!” “DAMN IT! HUWAG MONG TUTUKAN ANG ANAK KO, JAYSON!” Hindi na niya naisip pang igalang ang lalaki. Humakbang papalapit si Victor. “Desperado si Jayson. Hindi siya nagbibiro.” Pinigilan siya ni Max. He is trying to negotiate his freedom. Kung may kailangan siya ay pag-uusapan nila kahit alam niyang hindi niya matatakasan ang batas. “Ano pang kailangan mo, Pinsan? Pag-usapan natin. Pakawalan mo na ang mga apo ko.” “Nasa akin na ang lahat ngunit walang halaga ang lahat ng iyon dahil sa ginawa mo kay Maura! HAYUP KA!” Tinutukan naman ni Jayson si Max ngunit nakah
“Umuwi na sina Nessa. Hindi na kita inabala. Antuk na antok ka eh.” “Yes, pinagod mo kasi ako eh.” Ngunit bumulong si Victor at kahit anong posisyon nilang dalawa ay hihirit at hihirit talaga ang lalaki. May saya ring hatid ang mga kakaibang posisyon ni Victor. Ngunit mas gusto pa rin niya ang missionary position ni Nadja. Ngunit kinabukasan ay gumuho ang mga pangarap ni Nadja. She already got her menstrustion. Hindi niya napigilan na hindi umasa. Delayed lang talaga siya. Halos walong taon na rin kasi ang mga bata. “Honey, baka stress ka lang. Let’s go back and work it out. Are you hoping?” Tumango si Nadja. Sinunod ni Nadja ang kagustuhan ni Victor. Nagpaalam sila ng maayos sa management ng JME at pinagkasunduan na sila ang magpaplano para sa unang concert ni Nadja sa Pilipinas. Pinayagan na lang nila itong umuwi. “Mama, Papa, we’re coming home with the kids.” Mensahe ni Victor sa kanyang mga magulang. “Tingnan mo nga naman ang pagkakataon. Umaayon ang pagkakataon sa atin. Uuw