Hello po, thank you po sa inyong lahat. Kung may time po kayo ay pwede po ba akong humingi ng review or rate sa story na ito. thank you po. Ingat po kayo palagi ❤️❤️❤️
MIREYA'S POV"I hate liars," sagot ko sa asawa ko."Okay, love." Matipid na sagot niya sa akin kaya tumingala ako para tingnan ang mukha niya."Kahit gaano ka pa ka-gwapo. At kahit sabihin mo pa sa akin na mahal na mahal mo ako. Kapag ako niloko mo o nagsinungaling ka sa akin ay hindi kita mapapatawad." Nakatingin ako sa kanya pero hindi ko kayang isinatinig ang nasa isipan ko. Si Xandro ang lalaki na hindi ko kayang basahin ang ekspresyon ng mukha niya. Kaya hinahanda ko ang sarili ko dahil baka saktan niya ako bigla."Bakit ganyan ka makatingin? May dumi ba ako sa mukha?" Tanong niya sa akin."Wala po, ang gwapo mo kasi. Kaya alam ko na marami akong kaagaw sa 'yo." Nakangiti na sabi ko sa kanya."Loyal lang ako sa 'yo." Nakangiti na sabi ko sa kanya."Tsk! Sinasabi mo lang 'yan ngayon." "Ano ba ang gusto mong gawin ko para maniwala ka na ikaw lang?" Nakangisi na tanong niya sa akin."Oops.. matulog na tayo alam ko na naman ang iniisip mo. I need to rest na," saad ko sa kanya.Alam
MIREYA'S POVPumunta kami ni mommy sa mall. Naggrocery at bumili kami ng mga mahahalagang pangangailangan sa Isla. Kasama namin ang mga bodyguards ni Mom. Si mommy kasi ay hindi puwedeng lumabas na walang kasama. Si Xandro naman ay may pinuntahan lang na importante. Hindi ko na lang alam kung nasaan siya dahil ayoko na masakal siya sa akin. I trust him at kung sisirain niya iyon ay wala naman akong magagawa."Kumusta si Xandro, anak? Mabait ba siya sa 'yo?" Biglang tanong sa akin ni mommy."He's a nice man, mommy." Nakangiti na sagot ko sa aking ina."Kahit gaano pa ka-ganda ang pinapakita niya sa 'yo ay magtira ka pa rin ng para sa sarili mo. Huwag mong ibigay ang lahat anak." "Alam ko po, mommy kaya huwag na po kayong mag-alala sa akin." Sagot ko sa kanya."Natatakot lang ako na baka masaktan ka, anak. Mag-iingat ka palagi, hindi ko kakayanin kung may hindi magandang mangyari sa 'yo.""Mom, don't worry. Kaya ko ang sarili ko. Si Xandro, asawa ko na po siya at hindi naman po ako papa
MIREYA'S POVHindi ko na lang pinansin ang text message na nakita ko. Ayaw kong makialam lalo na sa mga personal na gamit niya. Lumabas ako at nakita ko siyang nagsisibak ng kahoy kasama ang mga ibang taga-rito."Good morning, love." Nakangiti na bati ko sa kanya."Good morning," nakangiti na sagot niya sa akin.Lumapit ako sa kanya at pinunasan ko ang pawis sa mukha niya. Ganoon rin sa mga braso niya. Napasarap pala ang tulog ko sa biyahe kaya hindi ko namalayan. Nang matapos ko na siyang punasan ay pumunta ako sa mga ginang na busy sa paghahanda ng mga gulay."Good morning po sa inyo." Masigla na bati ko sa kanilang lahat "Good morning rin sa 'yo, ganda.""Mukha pong busy po ang lahat. May okasyon po ba?" Tanong ko sa kanila."Wala namang okasyon. Gusto lang namin magluto ng kaunting salo-salo dahil bumalik kayo. Nag-ambagan ang mga taga-rito. Masaya kami na bumalik kayo dito. At higit sa lahat masaya kaming malaman na asawa mo na pala si Xandro." Sagot sa akin Aling Teresa."Sabi k
MIREYA'S POVNapabalikwas ako ng bangon. Wala akong nakikita kundi kadiliman. Masakit ang buo kong katawan. Bigla akong binalot ng takot. Hindi ko alam kung nasaan ako. Naalala ko na-aksidenti pala kami ni Xandro. Pero nasaan siya? Bakit ako nandito? Nasaan ba ako? Mga tanong na hindi ko alam ang sagot.Pinilit kong tumayo pero hindi ko kaya. Nakakaramdam na ako ng lamig. Nilalamig ako, kaya napayakap ako bigla sa katawan ko. May narinig akong yabag ng paa. Hanggang sa biglang bumukas ang ilaw. Ngayon ko malinaw na nakikita ang buong paligid. Kahit na nasisilaw ako ay pinilit kong idilat ang mga mata ko. Nasa isa akong bodega. May mantsa pa ng dugo ang gamit ko. "Miss, lilinisin ko po kayo. Kailangan niyo po magbihis ng damit." Biglang sabi sa akin ng isang babae."Nasaan ako?" Tanong ko sa kanya."Hindi ko po alam, utusan lang po ako dito." Mahinang sagot niya sa akin."Paanong hindi mo alam? Palabasin niyo ako dito!" Sigaw ko sa kanya."Marami pong bantay at gustuhin niyo man po ay
MIREYA’S POVLumipas ang maraming oras o baka mga araw na. Dahil hindi naman ako sigurado kung anong araw na ba. Paulit-ulit lang ang mga nangyayari sa akin dahil nandito pa rin ako sa lugar kung saan nila ako ikinulong. Hindi na muling bumalik si Dahlia kaya nag-alala ako bigla sa kanya. Halos bago na ang lahat ng mga pumunta sa akin dito. Walang may gustong kumausap sa akin. Lahat sila ay tahimik maliban sa lalaki na sa tingin ko ay tauhan ni Gavin.“Loewi, sa tingin mo nasaan na si Dahlia?” Tanong ko sa alaga kong pusa.Simula noong napadpad ako dito ay itinuturing ko ng pamilya si Loewi. Siya ang karamay ko, siya ang nakakaalam sa sakit na nararamdaman ko at sa pangungulila ko sa asawa at pamilya ko. Walang gabi na hindi ako umiiyak, matapang ako pero unti-unti ng humihina ang pananalig ko na makakaalis ako dito. Pinipilit kong paniwalain ang sarili ko na makakaalis pa ako dito. Nang may marinig akong yabag ay inayos ko ang sarili ko. Kagaya ng laging nangyayari ay iniiwan lang ni
MIREYA’S POV “Ikaw? Paano–” Hindi ako makapaniwala na siya ang nakikita ko ngayon. Natulala ako pero mabilis rin akong naglakad papunta sa kanya. “Xandro,” mabilis akong lumapit sa kanya at yayakapin ko sana siya pero may humarang na mga lalaki. “What’s the meaning of this?” Naiiyak na tanong ko sa kanya. Naguguluhan ako dahil bakit ayaw niya na yakapin ko siya. Hindi siya sumasagot at nakatingin lang siya sa akin. Malamig ang uri ng tingin niya sa akin. Hindi ko ma-process sa utak ko ang mga nangyayari ngayon. Pero base sa tingin niya sa akin ay unti-unti ko ng nauunawaan ang mga nangyayari. “Sino ka ba talaga Alexandro? Ikaw ba si Gavin?” Tanong ko sa kanya habang pinupunasan ko ang mga luha ko. Hindi siya sumagot at nakatingin lang siya sa akin. Sa tingin ko ay wala siyang balak na magpaliwanag sa akin. “Hindi ka ba sasagot!” Sigaw ko sa kanya. “Yes, I am Gavin Alexandro Santillan.” Parang bombang sumabog sa pandinig ko ang sinabi niya. Naikuyom ko ang mga palad ko sa g
MIREYA’S POVNapabalikwas ako dahil naalala ko ang nangyari sa akin kanina. Wala na ako sa kulungan at nasa isang silid na ako. Hindi ko alam pero nasa maayos na akong lugar. Unang hinanap ng mga mata ko si Loewi. Nasaan kaya siya? Sana ay wala silang gawin sa pusa ko. Bumukas ang pintuan at pumasok si Axel. Masamang tingin kaagad ang ibinigay ko sa kanya. Pero para siyang walang pakialam sa akin.“Bakit niyo pa ako nilipat dito? Diba gusto niyo na mahirapan ako? Sana hinayaan niyo na lang ako doon.” Galit na saad ko sa kanya.“Kumain kana, kung talagang gusto mong makaalis dito ay sundin mo ang mga sinasabi ni Kuya.”“Huwag mo ng bilugin ang ulo ko. Dahil alam ko na papahirapan niyo lang ako,” saad ko sa kanya.“Kumain kana dahil baka makita ka pa ni mommy na ganyan at malalagot na naman kami. Sana magpasalamat ka na lang dahil nasa maayos ka ng kalagayan.”“Wala akong dapat ipagpasalamat sa inyo. Dahil kinamumuhian ko kayong lahat! Lalo na ang kuya mo! Mga h*yop kayo!” Sigaw ko sa k
MIREYA'S POVBinalot ng takot ang buo kong katawan. Bakit nandito ang larawan niya? Naglakad si Xandro at kinuha ang frame. "H-Huwag kang lumapit! H-Huwag! Ilayo mo sa akin 'yan!" Sigaw ko sa kanya. Nagpapanic na ako dahil bigla akong natakot.Pero patuloy siyang lumalapit sa akin. At nasa kamay niya ang larawan ng lalaking matagal ko ng gustong kalimutan. Ang bangungunot sa buhay ko. Ang dahilan ng lahat ng paghihirap ko."Kilala mo ba ang daddy ko?" Nakakunot ang noo na tanong niya sa akin."D—Daddy? S—Siya ang daddy mo?" Nanginginig ang boses ko habang tinatanong ko siya."Yes, daddy ko siya." Ngayon ko lubos na naintindihan kung bakit ganun na lang ang galit niya sa akin? Pero inosente ang pamilya ko. Kaya pinilit ko na pakalmahin ang sarili ko. "Nang dahil sa pamilya niyo kaya nasira ang pamilya namin. Nakulong si daddy at worst namatay." Puno ng galit na saad niya sa akin.Kitang-kita ko sa mga mata niya ang sakit at galit. Pero ano bang kasalanan ko? Wala akong kasalanan. Da
Hello po, kumusta po kayong lahat? Sana po ay nasa maayos kayong kalagayan. Lubos po akong nagpapasalamat sa inyong lahat na kumapit at sumama sa akin sa story na ito. Hindi man po madali ang lahat sa story na ito. Marami man akong pinagdaanan matapos ko lang ito ay masaya po ako na sinamahan niyo ako.Maraming salamat po sa bawat pag-add, pagbigay ng gems at pag-iwan ng comments. Sobrang na-appreciate ko po 'yun. Hindi po ako showy na tao pero sa loob ko ay sobrang nagpapasalamat po ako sa inyo. Kayo po ang dahilan kaya hindi ako sumuko sa story na ito.Sana po sa mga susunod ko pa na story ay samahan niyo pa rin ako. Hiling ko po ang lahat ng mga magagandang bagay sa inyong lahat. Ingat po kayo palagi at God bless you po!Mahal ko po kayo at see you po sa mga susunod kong story. Maraming salamat po! ❤️❤️❤️❤️AXEL & DAHLIA STORY (SECRETLY IN LOVE WITH MY BROTHER)
MIREYA’S POV“Love, isama na lang kaya natin ang mga bata?” Tanong ko sa asawa ko.“Love, three days lang tayo sa hacienda.” Sagot naman niya sa akin.“Okay, pero bawal tayo mag-extend ha.” Saad ko sa kanya.“Opo,” malambing na sagot niya sa akin.Ganito ako kapag hindi ko nakikita ang mga anak ko. Nag-aalala ako sa kanila at hindi talaga ako mapakali. Pero ayoko rin naman kalimutan na isa rin pala akong asawa at kailangan ko itong gampanan. “Naku, anak. Minsan lang ang honeymoon niyo kaya mag-enjoy kayo. Malapit lang naman ang hacienda at anytime puwede kaming pumunta doon.” Saad pa sa akin ni mommy.“Okay, mom and thank you po.” malambing na sabi ko at hinalikan ko siya sa pisngi bago ako sumakay sa kotse ni Xandro.Habang nasa biyahe kami ay masaya kaming nag-uusap ni Xandro. Marami kaming alaala na binabalikan. Lalo na nung nanganak ako. (FLASHBACK)Alam ko na kabuwanan ko na pero gusto ko pa rin na pumunta sa school ni Miracle. Kahit na nahihirapan akong maglakad ay talagang mak
MIREYA’S POV Suot ko ang isang napakagandang puting wedding gown at ngayon ang araw ng kasal naming dalawa ni Xandro. Sa loob ng maraming taon ay natupad rin ang pangarap ko na kasal. Ang kasal sa pagitan ng dalawang taong nagmamahalan. Noong kinasal kami noon ay alam ko sa sarili ko na minahal ko na siya. Hindi ko lang kayang tanggapin sa sarili ko dahil maikling panahon pa lang kami nagkakilala. Pero kahit na nakalimutan siya ng isip ko ay kilala na talaga siya ng puso ko. At ngayon ay dumating na ang araw na maglalakad ako papunta sa harap ng altar. Papalapit sa lalaking mahal ko. Ang lalaking hindi sumuko na mahalin ako. Sa lalaking kayang gawin ang kahit na ano para lang sa akin. Ginagawa ko ang lahat para lang pigilan ang sarili ko na umiyak. Pero sadyang traydor ang mga luha ko. Habang naglalakad ako ay nagsimula ng pumatak ang mga luha ko. Hanggang sa nakarating ako sa harapan niya ay umiiyak ako. Nakita ko rin na tumulo ang mga luha niya, na umiiyak rin siya. “I love you,”
XANDRO'S POVHindi ako makapaniwala kay Mireya. Medyo nahiya ako dahil gusto na pala niyang magpakasal. Pero may balak naman ako. "You're fired!" Galit na sabi ko sa secretary ko."Sir, wala naman po talaga akong ginagawang masama. Masyado lang pong masama ang ugali ng ex-wife niyo." Saad niya sa akin."Lumabas kana bago pa dumilim ang paningin ko at masaktan kita. Tigilan mo na ang kakasabi ng ex-wife dahil puputulin ko na 'yang dila mo!""S-Sir, diba type mo ako?" Tanong niya sa akin na ikina-init pa lalo ng ulo ko."What?! I don't like you!" hindi ko mapigilan ang sarili ko na sigawan siya."Sinasabi mo lang 'yan dahil sa Mireya na 'yun.""Kahit wala pa si Mireya ay hindi ako magkakagusto sa babaeng nagkukunwaring mahinhin pero haliparot.""Arghhh! I hate you!""Hate me all you want. I don't care! Now get out of my office!"Mabilis naman siyang lumabas. Kaagad akong tumawag kay mama. Dahil siya ang reason kaya hindi pa ako nagpo-prose kay Mireya. Gusto ko kasi na kumpleto ang pamil
MIREYA'S POV"Love, wake up na po. Dinner is ready." Naririnig ko ang bulong ni Xandro pero nagkukunwari pa rin akong tulog.Kahit na gaano pa siya ka-sweet sa akin ay wala akong pakialam. Hanggang ngayon ay naiinis pa rin ako sa kanya. Naramdaman ko ang malikot niyang kamay na ngayon ay nasa dibdib ko. Pero hinayaan ko lang siya."Love, alam ko na gising kana. Kapag hindi ka pa bumangon ay aangkinin talaga kita at sisiguraduhin ko na hindi ka makakalakad bukas."Pinagbabantaan pa talaga ako. Akala niya siguro ay natatakot ako sa kanya. Nakakainis dahil sa pag-angkin sa akin lang siya magaling. Pero sa pag-alok ng kasal ay hindi. Puro na lang kami gawa ng bata nito."Love, wake up ka na. Kanina pa tayo hinihintay nila mommy sa bab—""Nasa baba sila? Bakit ngayon mo lang sinabi?" Naiinis na tanong ko sa kanya at mabilis akong bumangon para pumasok sa banyo."Nandito pala sila pero hindi mo man lang sinabi. Nakakainis ka. Buong araw na akong naiinis sa 'yo! Sarap mong hiwalayan." Sa sobr
MIREYA’S POV Kahit na pagod ang asawa ko ay lumabas pa rin kami para sa family day namin. Pumunta kami sa isang park. Dumaan rin kami sa Griffin’s Diner para bumili ng pagkain wala na rin kasi kaming time pa na magluto kanina dahil nga sa biglaan lang. Balak kasi namin na magpicnic doon. Habang pinapanood ang dancing fountain. Sa aming lahat ay si Miracle talaga ang sobrang natutuwa. Kaya napapangiti na lang kami ni Xandro.Habang nakatingin ako sa mga anak ko ay palagi kong ipinadarasal na maging malusog sila. Na maging mabait at mabuting tao sila. Hiling ko rin na maging matapang sila. Marami silang pagdadaanan kapag lumaki na sila. At gusto ko na maging matibay silang magkapatid.“Are you okay, love?” biglang tanong sa akin ni Xandro.“Yeah, I’m fine. Hindi lang kasi ako makapaniwala ang bilis ng panahon. Binata na si Alec at si Miracle malaki na rin. Gustong-gusto ko na maalala ang lahat. Ang mga alaala na nakalimutan ko. Alam ko na maraming masakit na alaala pero alam ko na parte
XANDRO’S POV Uuwi ako dahil sa sobrang selos ko. Pinagtatawanan pa ako ni Mama at ni Lester dahil sa pagmamadali na ako ngayon. “Anak, masyado ka namang nagmamadali. Mahal ka nun, wala ka bang tiwala kay Mireya?” tanong sa akin ni mama. “Malaki ang tiwala ko sa kanya, ma. Pero sa mga lalaki na nakapaligid sa kanya ay wala.” Sagot ko kay mama. “Seloso talaga ng anak ko. Hala sige, umalis kana. Huwag kang mag-alala dahil nandito si Lester. Aalagaan niya ako,” nakangiti na sabi sa akin ni mama. “Thank you, mama. I love you… Hihintayin kita sa Manila.” hinalikan ko siya sa noo. “Ingat ka anak ko,” sabi niya sa akin. Hinatid ako ni Lester sa airport. Wala na talagang makakapigil sa pag-uwi ko. Alam ko na magugulat si Mireya pero wala e. Hindi ko na talaga kaya pang magtagal dito sa Canada. Dahil baka bigla na lang akong mamatay. Sa buong flight ko ay tulog ako. At sa wakas nakarating na rin ako bahay namin. Alam ko na nagulat ang mga kasama namin sa bahay pero ngumiti lang ako sa k
MIREYA’S POVSobrang nag-enjoy ako sa community service namin ni Miracle.“Baby, ano pala ang sinabi ng daddy mo kanina?” tanong ko sa kanya.“Wala naman po, mom. Gusto lang po niya akong makita and gusto rin niyang i-check ang ginagawa mo.” natatawa na sagot niya sa akin.“Ganun ba? Sorry, baby ha. Tatawagan ko na lang si daddy mo mamaya.” sabi ko sa kanya.“Okay po,” sagot niya sa akin at natulog na siya.Ako naman ay nagmaneho na para pumunta sa home of the aged. Magdadala kasi ako ng mga pagkain at mga gamot para sa mga naroon. Habang papasok ako ay kinakabahan ako. Natatakot ako dahil alam ko na galit sila sa akin.Nakangiti akong sinalubong ng mga matatanda. Kinakabahan man ako ay hiniling ko pa rin na makausap sila. Nang makita nila ako ay umiyak sila agad."Iha, patawarin mo ako. Patawarin mo kami," umiiyak na saad nila sa akin.“Patawarin niyo rin po ako, alam ko na nasaktan ko rin kayo.” saad ko sa kanila.“Wala kang kasalanan. Kami ang nagkamali, nagkamali kami sa pagpapalak
AFTER THREE MONTHS MIREYA’S POV Nakangiti ako habang nakatingin sa bulaklak na nakapatong sa itaas ng table ko. Araw-araw na lang ay may pa-bulaklak akong natatanggap mula sa Xandro ko. Ang dahilan niya ay araw-araw siyang nanliligaw sa akin. Ngayon talaga lumalabas ang sweet side niya. Tatlong buwan na rin ang nakalipas simula noong nangyari sa amin ang isa sa pinaka-pangit at pinaka-magandang pangyayari sa buhay namin. Pangit dahil na takot kami at maganda dahil sa wakas ay wala ng mananakit sa pamilya ko. Nabubuhay na kami ngayon ng masaya at malaya. Wala ng takot na baka may magtangka sa buhay namin. Kasabay ng pagkatupok ng lumang gusali ang pagkawala ng mga problema namin. May problema pero hindi na malaki. “Hello, love. Please lang, tama na ang paglulustay mo ng pera. Araw-araw na lang ay may pa-bulaklak ka. Alam ko na may discount ka kay mommy pero hindi naman ibig sabihin ay palagi ka na lang bibili. Punong-puno na ng bulaklak ang clinic ko. Saan ko na ito ngayon ilalagay