Nagising si Katie na kumakalam ang kaniyang sikmura. Kinapa niya ang orasan sa gilid ng kama ngunit wala siyang makapa. Bigla siyang napabangon. Noon lang nag-sink in sa isip niya na nasa ibang silid siya. Wala siya sa codo, kun’di nasa Villa Ciudad Napayakap siya sa kumot na nakatabing sa katawan niya. Nagtaka pa siya na nakakumot na siya. Ang alam niya kasing yakap kanina ay unan. Huminga siya nang malalim, pagkuwa’y bumangon. Nakita niya ang kaniyang mga gamit sa lapag at ang gown na gagamitin kinabukasan. Napangiti siya. Kulay mint green iyon na alam niyang magpapalabas sa angkin niyang alindog. It will show some of her skin, most especially her cleavage. bukas, sa kuwarto ni Cassey siya pupunta. Doon na lang din daw siya magpaayos. Ayaw pa nga sana niya dahil mas gusto niyang light makeup lang. Pero mapilit ang babae kaya sinang-ayunan na lang niya. Tumayo siya at nagpalit ng damit. Kumuha siya ng leggings at isang manipis na sando saka nagsuot ng hoodie jacket. Itinali rin ni
Mavy and Cassey’s wedding is one of the most beautiful military weddings she witnessed. Isa iyong beach wedding na napapalamutian ng mga magagandang bulaklak sa gilid, hanggang dulong bahagi ng aisle Hindi maalis-alis sa mukha niya ang masayang ngiti sa mga labi habang pinagmamasdan kabuuan ng lugar. Ang selected army men ay nakasaludo habang naglalakad ang kaibigan niyang si Mavy sa gitna ng aisle. Napakakisig nito sa suot na tuxedo. Hindi rin nawawala ang ngiti sa mga labi nito. Senenyasan sila ng coordinator na mga abay na ang susunod na maglalakad. Kinakabahang pumila sila. Iyon kasi ang kauna-unahang beses na a-attend siya ng kasal. At hindi niya alam na wala pala siyang kapareha. Hindi kasi niya nabasa ang invitation na ibinigay ni Cassey sa kaniya. Ilang sandali pa ay siya na ang susunod na maglalakad. Mahigpit niyang kinapitan ang bulaklak na iniabot sa kaniya kanina ng isang empleyado roon. She took a deep breathe. Then, she held her head high with confidence. Itinaas niya
“Teka lang po. Baka ngkakamali kayo ng sinasabi,” ani Katie. Tumawa ang emcee at mga bisitang naroon. “Ano ka ba naman, Ma’am Ganda. Ganoon talaga ang patakaran noon pa. Saka, kung girlfriend ka naman mam ni Sir Pogi, walang problema. Hindi ba, sir,” wika pa ng emcee. “Yeah! And this is only a game, right?” game na sagot ni Zach. Sumama naman ang loob niya sa sinabi nito. Paulit-ulit iyong nag-echo sa tenga niya. Kaya sa inis sinagot niya ito. “Okay! Game lang naman pala ang lahat, eh. Let’s do it!” Sarkastiko ang tinig niyang iyon. Kumunot ang noo ni Zach, pagkuwa’y ngumiti. Pinanood nila ang ginawa nina Mavy at Cassey. Nag-toast ang mga ito at kumain ng cake. Sumunod naman sila. Matapos iyon, nanlaki ang mga mata niya sa sunod na ginawa ng bagong kasal. Ang garter na hawak ni Zach ay ilalagay sa legs niya gamit ang bibig. “Teka lang! Sandali!” Napatayo siya nang nasa may paa na niya iyon. Malakas na tawanan ang pumuno sa paligid. Sinabayan pa iyon ng hiyawan nina Tolentino at
Mabilis na dumaan ang isang linggo. Hindi man lang nagparamdam ang binata sa kaniya. Kahit text o tawag ay wala man lang siyang natanggap. Tulalang tinitigan niya ang picture nito sa may lamesa. Ano na kayang nangyari na rito? Gusto niyang tanungin si Mavy pero alam niyang katakot-takot na kantyaw ang aabutin niya, kaya hindi na lang. Napaigtad siya nang biglang tumunog ang telepono sa kaniyang tabi. Patamad niyang sinagot iyon. “Hello? Who’s this?” tanong niya sa nasa kabilang liniya. “Mavy here! Sunduin kita ngayon diyan sa opisina mo,” wika nito. “At bakit?” “We need to go to Congressman Capili’s party tonight. His friend and men will be there, kaya kailangan nating magmatyag nang mabuti. I will explain everything to you kapag nagkita na tayo,” anitong bakas ang kaseryosohan sa tinig. Tumango naman siya. Pagkatapos magpaalam ni Mavy, inaayos na niya ang mga gamit at hinintay ito. The phone rang again. Agad niyang dinampot iyon. “Mavy,” sagot niya. “I’m here at parking lot,
Isang ungol ang kumawala sa mga labi ni Katie ng diinan ng binata ang halik sa kaniya. Hinawakan nito nang mahigpit ang beywang niya. “I miss you, sweetie,” bulong nito, saka siya inalayo nang bahagya sa sarili. Tinitigan siya nito. Nahiya siya sa ginawang pagyakap sa batok nito kaya mabilis siyang bumitaw. “Miss mo ang mukha mo!” Inirapan niay ito. “Akala ko ba nasa Mindanao ka?” pasinghal niyang tanong. Ngumiti ito at muli siyang niyakap sa beywang. Ipinasok Siya nitong muli sa silid na pinanggalingan. “Seven pa lang naman, may isang oras pa tayo, sweetie,” bulong nito sa kaniya. “Isang oras na?” Bumitaw siya rito. Parang hindi niya gusto ang tinatakbo ng isip nito. Ngumisi ito nang nakaloloko, saka siya muling hinapit. “Para sagutin ang mga tanong mo. Pero ako muna ang magtanong,” wika ng lalaki. “Hindi ka na ba galit?” dugtong nito. Tinaasan niya ito ng isang kilay. “Bakit ako magagalit?” “Simula nang umuwi tayo rito sa Manila, hindi mo na ako pinansin.” Nang-aarok ang mga ma
Pagdating sa party, naiwan siya sa isang upuan. Natanaw niya si Zach na kinakausap ang mga matataas na opisiyal sa gobyerno at si Congressman Capili. Natanaw niya rin ang babaeng minsan na niyang nakita sa opisina ng binata. Hindi siya maaring magkamali, si Anne iyon. Nakahawak ang kamay nito sa lalaking— Teka! Iyon ang kasama ni Leigh noong nakaraang araw. Nakita kasi niya ang kaibigan noong natuloy siya sa mall. Napakunot ang noo niya. Ano kaugnayan ni Anne sa lalaki? Kilala ba ni Leigh ang mga ito? Mataktikang pinagmasdan niya ang mga kilos ni Anne. Iginala nito ang mga mata sa paligid, saka mabilis na humalik sa lalakimg kasama at iniwan ito. Naningkit ang kaniyang mga mata nang makitang papalapit ito kay Zach. Hindi siya nagdalawang-isip na tumayo. Mabilis siyang lumapit sa kinaroroonan ni Zach. Marahan siyang humawak sa braso, na ikinapagtaka naman nito. “What take you so long? Hmm. . . ?” Pinalambing niya ang tinig. Kitang-kita pa niya ang pagsilay ng ngiti sa mga labi ni Z
“What take you so long?” tanong ni Zach pagkalabas niya ng banyo. Napahawak siya sa dibdib at hinampas ito. “Bakit ba nanggugulat ka?” inis na tanong niya. Pero sa halip na sumagot ay hinapit siya nito sa bewang. Awang ang mga labing napatingin siya rito. “A-ano ba. . .” mabuway niyang piksi. Hinawi nito ang ilang hibla ng buhok na tumatakip sa mukha niya. “What did Anne do to you? What did she tell you?” tanong nito imbis na bitawan siya. Umingos siya. “Wala. Lasing siya at napagkamalan niya akong babae mo. Effective siguro ang acting natin kanina. Kaya kung nag-away man kayo dahil doon, ayusin na ninyo, Sir!” Diniinan talaga niya ang huling sinabi, sabay baklas sa kamay nito. Tuloy-tuloy siyang umalis hanggang sa makalabas ng hotel. Ang lalaki na rin naman ang may sabi na tapos na ang misyon nila kaya maaari na siyang umuwi. Pagdating sa labas ay naisip niyang tawagan si Leigh. Hindi na kasi niya ito nakita kanina. Gusto niyang tanungin kung ano ba talaga ang ipinagawa ni Zach d
Nagising si Katie na kumakalam ang kaniyang sikmura. Subalit, ayaw pa niyang bumangon. Masarap pa ang matulog. Muli niyang ipinikit ang mga mata. Ngunit, napakunot ang kaniyang noo nang maramdaman ang matigas na bagay sa ilalim ng kumot, pati na ang mabigat na braso na nakadagan sa kaniya. Pagbukas ng kaniyang mga mata ay matagal muna siyang tumitig sa kisame. Pagkuwa’y dahan-dahan niyang nilingon ang katabi. Noon lang nag-sink in sa kaniyang isip ang nangyari. Malakas siyang napasinghap, kasabay ng mabilis na pagtatakip sa bibig. “Hmm. . .” Gumalaw si Zach. Mas hinapit pa siya nito palapit sa katawan nito. Tumitig siya sa mukha ng binata. Bakit kasi ang perfect ng mukha nito— na halos wala na siyang maipintas pa maliban sa isang pilat nito sa noo. Hindi iyon pansin sa malayo o kapag kaharap mo lang ito. Sa ganoong posisyon lang iyon makikita. Wala rin siyang maipipintas sa kabuan nito. Ang katawan nito ay pang-hollywood star. Kahit ang mga labi nitong sobrang lambot ay lagi siyan
Bigla ang pagbundol ng kaba sa kaniyang dibdib. Sabay silang napalingon dito ni Zach.Nanlaki ang mga mata niya. Si General Santiago!“Naunahan mo akong makipagkita sa kaniya, Lt. General Silva. This all the reports that I need to present to her. But anyway, thank you for inviting me here,” anito.Nakipagkamay ito kay Zach habang nagbeso naman siya rito.“Apat na buwan na mula nang magising ako at nakabawi ng lakas. Almost one and half years ang ginawa ni Jalva sa akin, pero hindi ko iyon pinagsisihan. Dahil kahit sa impyerno susundan ko siya, para lang mailigtas ang mag-ina mo, at sisiguraduhin kong hindi na siya makababalik pa dito sa lupa,” nakangiting wika nito.“I’m sorry, General Santiago. Pati iakw nadamay dito,” napayukong wika niya.Umiling ito. “No! Ramdam ko ang pagnanais mo na mailigtas ang anak mo noon. Salamat sa pagtitiwala sa akin, dahil doon, nakasama ko ang future husband mo sa laban. Ikaw ang tumupad ng usapan namin.” Tumawa ito. “Asan ang triplets?” Iginala nito an
Chapter 77Halos tatlong sunod-sunod na araw na bumisita at natulog si Zach sa bahay nila. Palagi itong hindi nawawalan ng mga dalang pasubong sa triplets. Kung hindi damit, laruan, ay ipinapasyal naman nito ang mga bata na kasama siya. At ngayon nga ay nasa museum sila. May mga replika na helicopter doon at malalaking canyon. Mayroon ding iba’t ibang hugis at laki ng bala ng mesiles. Naka-display din doon ang uniporme ng mga magigiting ng sundalo noong World War II at iba’t iba pang mahahalagang kaganapan sa kasaysayan ng Estados Unidos. Nakita ang excitement sa mukha ng mga anak. Kahit naman siya ay namangha rin sa mga nakita. Sa laki ng museum, tantiya niya, hindi kayang libutin iyon ng maghapon.“Daddy, I’m so excited to ride here. Come on, guys!” si Evan iyon na sumakay sa replikang helicopter. Tila naman kinikilig ang dalawa nina Chase at Asher na sumunod sa kapatid. Nagkagulo pa ang mga ito sa kung sino ang uupo sa driver seat. Napangiti na lang siya at napailing.“How I mis
Walang pagsidlan ng tuwa ang mga anak niya. Halos maghapong kausap at walang kapagurang nakipaglaro sa ama nila.Gumawa siya ng snacks para sa mga ito. Ayaw muna niyang sumingit sa moment ng mag-aama. Tama lang naman iyon, because they had a lot of things to catch up on. Isa pa, noon niya lang nakitang ganoon kasaya ang triplets. Hindi naman niya gustong ipagkait iyon sa mga ito. Iiniwan muna niya sa salas ang mga ito na nakaupo sa carpet. Siya naman ay umupo at tinanaw ang mga ito sa isang sofa malapit sa television at nanood na lang hanggang hindi na niya namalayan na hinila siya nang antok.Yakap ang isang unan naramdaman niya ang mabining haplos sa mukha niya. Pero imbis na magmulat ng mga mata ninamnam niya iyon dahil sa panaginip niya.Nakatayo raw siya sa isang tabi nang biglang may yumakap sa kaniya at hinagkan siya sa batok. Napitlag siya at hindi agad nakapagsalita.“It’s been a year. I missed you.” Tinig iyon mula sa lalaki sa panaginip niya. Mainit ang halik nito sa kani
Pinilit ni Katie na kumawala sa mga bisig ni Zach, ngunit malakas ito.“Ano ba?! Bakit mo ba ito ginagawa, ha? Bakit ba naririto ka? Hindi ba dapat kasama mo ang girlfriend mo?” singhal niya rito, ngunit bigla ring natigilan.Nakita niyang ngumisi ito. “Jealous?” Hinawakan nito ang pisngi niya pero mabilis siyang nag-iwas ng mukha.“Wala akong pakialam kung makipagrelasyon ka sa iba. Tapos na tayo, hindi ba? Iniwana na kita, bakit pa ako magseselos?” taas-noong wika niya.“Tsk! You can’t hide what you really feel for me, Katie. I knew you well.” Masuyong pinaraanan nito ng daliri ang mga labi niya. Napalunok naman, lalo na at may hatid iyong kakaibang init sa buo niyang pagkatao.“S-stop it. . .” mabuway na saway niya rito.Dahan-dahan nitong inilapit ang mukha sa kaniya. “I won’t. Not unless you tell me that it was your fault.”Bigla siyang natauhan sa narinig. Tumigas ang kaniyang anyo. “Oo na! Kasalanan ko na! Masaya ka na?” nanunuyang wika niya bago ito itinulak. “Kung iyon lang a
Chapter 74Ilang beses na napakurap si Katie. Kahit pagod sa mga naganap kanina, hindi pa rin niya magawang makatulog. Naglalakbay ang diwa niya sa kung saan.She looked at Zach. Himbing na ang tulog nito pero nananatiling nakapulupot sa kaniya ang mga braso nito. Para bang ayaw talaga siyang pakawalan.Dahan-dahan niyang iniangat ang braso nito nang bigla itong gumalaw. “Sleep, sweetie. . .” bulong nito na ikinagulat niya.Napalingon siya rito. Nananatili pa rin itong nakapikit. Huminga siya nang malalim. Lasing, pagod at antok ito pero parang balewala ang mga iyon. Malakas pa rin ang pakiramdam nito.Matagal siyang napatitig sa kisame. Ni hindi niya maigalaw ang katawan kahit nangangawit na siya. Ayaw niyang tuluyang magising ang lalaki. Baka lalong hindi siya makaalis.Hindi tama na naroroon siya. Alam niyang may iba ng kasintahan ang lalaki at ataw naman niyang maging dahilan ng pagkasira ng relasyon nito. What happened to them is wrong. Nadala lang sila pareho ng bugso ng kani
Chapter 73Napaigtad si Katie nang biglang tumunog ang cellphone niya. Hinanap niya kung nasaan iyon dahil wala sa kama ang bag niya.Sabay silang napatingin sa center table. Mabilis siyang humakbang palapit doon. Baka kasi si Dr. Smith o Camila ang tumatawag sa kaniya. Alas-otso ang sinasabi ng orasan na nasa dingding, baka nag-iintay na ang mga anak niya.Bago pa niya mahawakan ang cell phone, nakuha na iyon ng lalaki. Mas lalong nagngalit ang mga bagang nito.“Michael, huh! Is he your lover?”Mabilis niyang kinuha ang cell phone sa kamay ng lalaki. Alam niyang si Camila ang tumatawag. Baka biglang mag-aalala ito kung sasagutin niya at marinig ang boses ni Zach.“Ibigay mo sa akin iyan! Tumatawag na siya, hindi ba’t iyan naman ang gusto mo? Ang kausapin ko siya?” Matalim niya itong tinitigan. “Naipaliwanag ko na ang side ko kung bakit ako umalis, kaya please. . . pakawalan mo na ako. Huwag mo na lang sabihin sa iba na nagkita tayo, dahil baka nasa paligid lang ang spy ni Bran—” Nati
Palinga-linga si Katie na naglalakad pagbaba sa parking lot, pakiramdam niya may laging nakasunod sa kaniya. Simula nang magkaharap sila ni Zach, parang bumabalik ang pagiging militar niya. Bigla ay naging alerto siya sa mga nangyayari sa paligid.“Katie! Itigil mo na ang pag-iisip mong ganyan!” sita niya sa sarili.Ngunit hindi pa rin niya mapigilan tingnan bawat taong nakakasalubong niya. Kakaiba kasi ang kutob na nadarama niya. Alam niyang ipahahanap siya ni Zach— imposible ang hindi. Pero nahiling niya na sana huwag na lang. Na sana, mas manaig ang galit dito para hindi na siya magambala pa. Saka, may isang linggo na rin ang nakalilipas mula noong magkita sila, pero wala namang nangyayari. Baka umuwi na ito ng Pilipinas. Sana nga. . .Napabuntonghininga na lang siya.“Good morning, Dra. Katie,” bati ni Liberty sa kaniya.“Good morning, Liberty. How many patients do we have today?” Ibinaba niya ang bag sa lamesa niya at isinuot ang doctors’ coat.“Almost twenty patients, Dra.”Nap
Matagal bago nakakilos si Zach sa kaniyang kinatatayuan. Huli na noong magawa niyang ihakbang ang mga paa palabas sa restaurant na iyon pasunod kay Katie. Nakasakay na ito sa isang kotse habang dina-drive ng isang lalaki.Mabilis niyang kinuha ang cell phone sa bulsa. He called the intel of the army that based in Las Vegas. He described what he needed to know.“I need that information tonight. Do you understand?” ma-awtoridad na wika niya sa kausap, saka pinatay ang telepono.“Baby! Hey!” tawag ni Olivia mula sa entrance ng restaurant. Dahil sa nangyari, nakalimutan na niyang kasama niya nga pala ito.Lumapit ito sa kaniya. “Why did you leave me like that? I thought you were just in the bathroom,” anito saka ipinulupot ang kamay sa kaniyang braso.Pumiksi siya at inalalayan ito sa siko. “Wait here. I’ll call you a cab,” malamig niyang wika.Nangunot ang noo nito. “What’s wrong?”“Nothing.” Sinabayan niya iyon ng pag-iling.“Then, there’s nothing wrong if we head out together.” Ikinawi
“Liberty, can you make a coffee for me?” ani Katie sa kaniyang assistant.Nasa clinic siya noon at wala pang pasyente. Sinadya talaga niyang mauna roon para maging occupied siya at mawala sa isip ang mga bagay na gumugulo sa kaniya. Balak niya rin namang umuwi nang maaga, dahil pakiramdam niya unti-unting sumisikip ang mundo niya, at tanging ang mga anak lamang ang makapagpapagaan sa kaniyang dinadala.“Your coffee, Dra. Katie.” Ipinatong ni Liberty ang kape sa ibabaw ng kaniyang lamesa.“Thank you,” nakangiting sabi niya sabay higop sa kape. “By the way, Liberty, if you have any appointment outside today— you may go. We will close the clinic early.”Napakunot ang noo nito sa tinuran niya. Sana’y ito na kpag ganoong araw ay inaabot sila ng gabi.“Really, Dra? Why?”“I have an appointment, too,” pagsisinungaling niya.Tumango na lang ito at hindi na nagtanong pa. Inabala na nito ang sarili sa pag-aayos ng mga records.Maya-maya pa, sunod-sunod na naman pasyente at hindi na niya namalay