Tahimik na nakatingin sa puntod ng kaniyang mga magulang si Katie, habang hinahampas ng mabining hangin ang kaniyang balat. Tahimik din siyang lumuluha. Miss na miss na niya ang mga ito. Kung pwede nga lang sanang ibalik ang oras, ginawa na niya. Pero walang siyang kayayahan para gawin iyon.
“Pangako, Ma, Pa, makukuha rin natin ang hustisya.” Pinahid niya ang mga luha, saka naglakad palayo roon.Umuwi siya sa Palawan para dalawin ang mga ito. Pagkatapos ng training niya, binigyan siya ng isang linggo para magbakasyon. Wala naman siyang sinayang na sandali. Agad niyang pinuntahan ang mga ito, dahil sa loob ng apat na taon ay hindi niya nakuhang bisitahin ang mga magulang.Noong una, ayaw siyang payagan ni Mavy, pero nagmatigas siya. Kaya heto siya ngayon. Muling ininda ang sakit na hindi naman nawala sa puso niya sa pagdaan ng panahon.Napatingala siya sa langit. Mukha pa yatang uulan.Nagmadali siya sa paglalakad. Madilim na nang sapitin niya ang kanilang bahay. Ang bahay na dating punong-puno ng pangarap at saya, ngunit ngayon, tanging mga alaala na lang iyon.Mabuti na lang kahit hindi siya nagagawi roon ay matyagang inaasikaso ng Tyang Amy niya ang kanilang bahay. Ito ang pinatira nang mangyari ang trahedya, ang mga ito ang tumulong sa kaniya para maibsan ang pangungulila sa mga magulang. Eksakto rin naman na walang matirhan ang mga ito dahil pinalayas sa lupang tinitirhan, kaya doon na niya pinatira. Sila na rin ang pinag-asikaso niya sa kanilang bukirin. At ngayon nga ay masagana ang ani.“Ate Katie!”Napalingon siya sa tumawag na babae. Nakangiti ito at patakbong yumakap sa kaniya.“Taniya!” Excited na ginantihan niya rin ito ng yakap.“Naku, ikaw na bata ka! Akala ko kung nasaan ka na. Kanina ka pa hinahanap nitong pinsan mo,” anang Tita Amy niya. Halata sa mukha nito ang pag-aalala.“Kahapon ka pa pala rito, ate, bakit hindi mo sinabi kila Tatay na darating ka? Nasundo ka sana nila sa Airport,” sabi ni Tanya.Napakamot siya sa ulo.“Malaking abala pa iyon, Taniya. At saka, biglaan din lang ang pagbabakasyon ko,” sagot niya.“Dalagang-dalaga ka na, ah. Huwag muna magpapaligaw, ah,” dugtong niya.“Naku, Ate, wala pa sa isip ko iyan. Pag-aaral muna. Pero sa graduation ko kailangan naroon, ah,” ungot nito.Ginulo niya ang buhok ni Taniya at tumango, bago nilingon ang tyahin.“Tiyang, sumaglit lang ako kila Papa at Mama. Hindi na ako nagpaalam kanina kasi tulog pa kayo ni Tiyo,” paliwanag niya.“Ay, siya, sige na. Pumasok na kayo rito at kakain na tayo,” sabi nito.Masaya silang kumain at nagkwentuhan. Ang alam lang ng mga ito ay nagtatrabaho siya sa isang ospital sa Maynila. Hindi na rin kasi niya gustong bigyan pa ng alalahanin ang mga ito.“Ikaw ba, Katie, ay wala pang balak mag-asawa?” tanong ng Tiyo Manny niya.Napaubo siya sa narinig.“Oo nga, ate. Wala ba sa mga katrabaho mo ng nanliligaw sa iyo? Grabe ang mga mata nila kung wala man lang. O baka naman ikaw ang pihikan,” sabad ni Taniya.Nakita niyang tumatawa ang tiya niya.“Hindi pa yata natutukóy ang bahay na ito, Tiyo, kaya hindi ko pa siya nakilala,” natatawang tugon niya.“Kung may maliligaw ba rito na manliligaw sa ’yo, eh, magiging asawa mo na, ate?” Nanlaki ang mga mata ni Taniya habang umiinom ng tubig.“Asawa agad? Hindi ba pwedeng nobyo muna, Taniya,” singit ng tiya niya.Nagtawanan ang mga ito. Masarap kasama ang pamilya ng tiya niya. Ito ang madalas niyang na-m-miss sa kanila.***Mabilis na lumipas ang isang linggo. Kinabukasan ay nakatakda na siyang lumipad pabalik ng Manila.Dumalaw muna siya sa kaibigang si Faith sa ospital kung saan niya ito nakilala. Nakasuot siya ng Leafy Jump Suit at kitang-kita ang maputi niyang legs. Sa taas niya five-feet two-inches, masasabing long legged siya. Sleeveless ang itenerno niya roon na medyo labas ang cleavege. Sa paa naman ay flat na sandals with sling bag.Inilugay niya ang mahaba niyang buhok, na may kaunting waivy na sadyang pinakulayan niya. Hangga’t maari ayaw niyang ipahalata sa mga tao na isa siyang sundalo. Sa tagal na rin ng panahon, ngayon lang siya nakapag-suot ulit ng ganoon. Pakiramdam niya lumabas ang totoong Katie kapag umuuwi siya sa bayan nila.“Faith!” palatak niya sa bunga pa lang ng pintuan nito.Napakunot-noo ang babae, kasabay ng panlalaki ng mga mata.“Oh my God! Katie, is that you?” Sabay tayo nito at yumakap sa kaniya.“Yes, Faith, how are you?” Gumanti siya ng yakap dito.“Ito may dalawa ng anak. Ikaw, how are you na? Grabe! Iba rin nga ang doctor ng Manila,pakiramdam ko ang kaharap ko ay isang model o artista. Ang ganda at ang blooming mo!” Manghang tinitigan siya nito.Natawa siya nang malakas. “Grabe siya, oh!”Marami sila napagkwentuhan nito. Niyaya niya pa itong kumain sa labas. Sa dami kasi ng kwento nito baka abutin pa sila ng umaga.Masayang siyang nakasamang muli si Faith. Ito ang kauna-unahang tao na nagpakita sa kaniya ng simpatya noon. Isa rin ito sa naging dahilan kung bakit buhay pa rin siya hanggang ngayon. Naging mabuting kaibigan ito sa kaniya.Sinulit niya ang maghapon na iyon. Namasyal siya at namili na rin. Dumaan din siya sa isang fast food para bumili ng pasalubong kina Taniya. May isang bucket ng chicken, pizza at milktea. Paborito kasi iyon ng pinsan niya.Pagkatapos niyon sumakay na siya ng tricycle. Pagdating niya sa bahay nila ay nagpatulong pa siya sa driver para bitbitin ang kaniyang mga pinamili, saka ito binayaran.Pero nagulat pa siya nang pagpasok niya sa loob ng bahay ay may bisita ang tiyo niya. Nakatalikod ito at masayang nakipagkwekwentuhan kina Taniya.“Ate katie, nandito ka na pala. Ang daming pagkain nito, ah,” salubong sa kaniya ni Taniya.“Hi po, Tiyo, Tiya.” Binalingan niya si Taniya. “Oo nga. Pero mauna na kayong kumain. Pahinga lang ako sandali sa itaas.” Hindi niya pinansin ang bisita ng mga ito. Subalit pakiramdam niya ay sa kaniya ito nakatingin.“Katie, paano itong bisita mo? Kanina pang tanghali ito naghihintay,” sabad ng tiyo niya.Nilingon niya ang tinutukoy ng tyuhin habang salubong ang mga kilay. Wala naman siyang inaasahang bisita. At mas lalong hindi siya basta-basta nag-iimbita sa kanila.Napalunok siya nang makilala ang lalaking nakatayo na at titig na titig sa kaniya. Blangko ang ekspresyon ng mukha nito. Nakasuot ito ng khaki shorts ito at black t-shirt na tenernuhan ng puting rubber shoes. Naka-army cut at napakakisig tingnan.Biglang lumakas ang kabog ng dibdib niya, kasabay ng pag-iinit ng kaniyang mukha. Hindi niya malaman kung tatalikod ba siya o hindi. Pero kung gagawin naman niya iyon, magtataka ang kaniyang tiyo at tiya, pati na rin si Taniya.“Hay, naku! Ikaw talagang bata ka. Magbihis ka muna sa taas. Katagal mo sa labas may darating ka palang bisita.” Hinarap nito si Taniya. “Sige at aayusin ko muna ang pagkain sa kusina. Tulungan mo ako, Taniya.”Tumango si Taniya at sinundan ang ina.“Hijo, saglit lang at kukunin ko muna ang kabayo sa likod bahay. Ililipat ko lang sa kulungan at mukhang uulan. Katie, ikaw na ang bahala sa bisita mo,” anang kaniyang tiyo. Tinungo na nito ang likod-bahay.Lalo siyang na-tense nang sila na lang dalawa ang naiwan sa sala. Mabilis siyang sumaludo rito na noon niya lang naalalang gawin.“Sir!”Pero imbis na sumaludo ito pabalik, lumapit ito sa kaniya at inayos ang kamay sa kaniyang may sintido. Mukhang hindi pa yata perpekto ang pustura niya kaya ganoon.“Saan ka galing? And look at your dress!” Bigla nitong hinapit ang beywang niya. Nakakunot ang noo nito na inilapit pa nang husto ang mukha sa kaniya.Mabilis niyang ibinaba ang kamay at iniharang sa pagitan ng mga dibdib nila. Naisip niya kung gagamitan niya ito ng self-defense, baka magulat ang mga kasama niya sa bahay. Isa pa, sa laki nito hindi siya mananalo. Mas may karanasan pati ito sa kaniya.Sobrang lakas ng kabog ng kaniyang dibdib. Iyong tipong nais nang kumawala ng puso niya roon.Ngayon lang siya nakadama nang ganoon. Pakiramdam tuloy niya, pinangangapusan siya ng hininga.Napatitig siya rito, bago ito mabilis na itinulak at tinapakan ang paa. Pero hindi natinag ang lalaki. Mas lalo pang humigpit ang yakap nito sa kaniya.“Why are you wearing such clothes, huh?” tanong nito habang unti-unting inilalapit ang mukha sa kaniya.Hindi na siya nakailag nang sakupin ng mga labi nito ang sa kaniya. Nanlalaki ang mga mata niyang nakatitig lang dito.Naisip niyang baka pinarurusahan siya nito dahil sa kaniyang suot. Pero wala naman siya sa kampo. She was now a civilian that could wear anything she wanted.At teka, paano nito nalaman ang bahay niya?Tinatanong pa ba iyan, Katie? Natural alam niya dahil sundalo rin siya. Madali na sa kaniyang alamin ang bagay na iyon, sagot ng kabilang bahagi ng isipan niya.Nawala na siya sa pag-iisip dahil sa aptiloy nitong pag-angkin sa mga labi niya. Kaunting-kaunti na lang at madadala na siya, pero pinanatili pa rin niya ang katinuan ng isip. Nanlaban siya, pero hinigpitan pa nito ang hawak sa bewang niya.He expertly put his arm around her, while the other was massaging her nape. Nagdudulot iyon ng ibayong kiliti sa kaniya kaya hindi niya napigilang mapaungol.Kusa na siyang tumugon dito. Kaya ito naman ang napaungol sa ginawa niya.“Ate Katie, kakain na raw—ay! Mukhang istorbo ako. Sunod na lang kayo.” Mabilis na tumalikod si Taniya.Natauhan siya at ubod lakas na itinulak ang pangahas na lalaki. Natumba ito sa sahig.Pero mukhang hindi naman ito tinalaban dahil nakangisi pa ito sa kaniya.“Katie, anong ingay iyan?” Mabilis na pumasok sa sala ang tiyang niya habang nakasunod si Taniya rito na ngingisi-ngisi.Pinandilatan niya ito ng mga mata. Napakagat-labi ito na lumabas, pero nakangisi pa rin.“Ah, tiyang, magpapalit lang po ako ng damit. Pahinga rin lang ako saglit.” Hindi na niya hinintay pa ang sagot nito. Madali siyang tumakbo sa kwarto niya.Bago tuluyang maisara ang pintuan ay narinig pa niya ang kaniyang tiyahin na nagsalita. “Hijo, bakit diyan ka nakaupo sa sahig. Tumayo ka na riyan at kakain na tayo. Bilisan mo Katie at lalamig ang pagkain.”Pagkapasok niya sa kwarto ay napahawak siya sa dibdib. Now, her first kiss was gone! At dahil iyon sa superior niya na akala mo kung sino makaasta! Akala mo boyfriend niya! Hah!Sunod-sunod siyang huminga nang malalim. Sandali niyang pinakalma ang sarili, bago mabilis na nagbihis. Baka kasi kung anong masabi ng lalaki sa kaniyang mga tiyahin. Malilintikan siya.Sinipat niya muna ang suot na ternong pajama, bago lumabas ng silid niya. Huminga ulit siya nang malalim, bago nakuhang ihakbang ang mga paa pababa ng hagdanan.Kung anuman ang ginagawa roon ng lalaki, iyon ang dapat niyang alamin.Naabutan ni Katie na masayang nag-uusap ang mga ito sa harap ng pagkain. Mabilis na tumayo ang kaniyang superior at ipinaghila siya ng upuan. Hindi naman napigilang umikot ang kaniyang mga mata. Akala mo kasi kung sino ito kung makaasta. “Katie, hindi mo man lang ba ipakilala itong gwapong binata na ito sa amin? Kanina pa kami nag-uusap pero hindi pa namin siya kilala. Saka, sa kwarto mo nga pala ko siya pinatuloy kanina para makapagpahinga. Alam mo namang walang iba pwedeng mapagpapahingahan kundi roon. Kaya mamaya, sa kwarto ka na lang ni Taniya matulog,” tuloy-tuloy na wika ng kaniyang tiyahin. Napamulagat sya. “Ho!? Tiyang naman. . . Paano kung mandurugas ang lalaking ito at nanganib buhay niyo? Dapat ho hindi kayo nagpapatuloy at nagtitiwala agad-agad.” Tiningnan niya nang masama ang lalaking katabi na para namang hindi apektado ng kaniyang mga sinabi. Umiling naman ang tiyo niya na hindi pa halos nalulunok ang pagkain sa bibig. “Hindi naman sa ganoon, Katie. At saka, ipinakita
Isang linggo na ang lumipas nang makabalik si Katie sa kampo, pero ni anino ng loko-loko niyang superior ay hindi niya nakikita. At naiinis siya dahil apektado siya niyon. Kasalukuyan silang may ensayo sa araw na iyon. Nakasuot siya ng kaniyang umiporme, dala ang kaniyang baril. Iyon ay para raw mahasa pa sila sa paggamit ng armas. Sa pagkakaalam niya, dapat ay nasa kampo lamang siya kasama ang iba pang mga medic. Pero sinabihan siya ng isang kasamahan na maghanda, kaya naroon siya ngayon sa isang malawak na lupain sa may bandang Antipolo kasama ang iba pa. Nilapitan siya ng isa niyang kasamahan. Si Pvt. Leigh Esteban, isa sa magaling na cadet noong nag-tr-training pa sila. “Pvt. de Guzman, willing ka bang maka-one on one? Hindi kasi ako nag-jogging kanina!” mataas ang tinig na wika nito. Kahit medyo kinakabahan ay nagkibit-balikat siya. Isa ito sa mga ka-buddy niya. Masaya at masarap naman itong kasama. “Alright!” Hinubad niya ang uniporme at itinira ang sandong may tatak ng army
“Pwede ba, Sir, kung nagmamadali kayo, ibaba niyo na lang ako!” sigaw niya rito. “Just hold on me. Bakit ba ang kulit mo?” ganting sigaw nito. Gusto na niyang batukan ang lalaki, pero baka naman mas mapahamak sila. Ayaw pa niyang mamatay nang maaga. Kaya wala siyang nagawa kundi ang sundin ang gusto nito, imbis na makipagtalo pa rito. Yumakap siya sa bewang nito at napahigpit pa iyon nang dumaan sila sa zigzag. May oras na bigla itong nagmemenor kaya napasusubsob ang mukha niya sa likuran nito. Mga trenta minutos din ang itinagal bago nila marating ang headquarters. “Did you enjoy our short ride?” nakangising tanong habang tinatanggal ang helmet sa ulo niya. Sinamaan niya ito ng tingin. “Yes, Sir. Sa sobrang enjoy ko muntik ko ng makalimutan na buhay pa ako,” pasinghal niyang sagot dito. Wala siyang pakialam kung mataas ang ranggo nito. Bukod sa yabang na taglay, alam naman niyang palikero rin ito. At kapag ganoon ang ugali ng isang lalaki, talagang nakaiinit ng dugo. Natawa ito
Nagngingit ang kalooban ni Zach na bumalik sa kaniyang opisina. Hahabulin niya sana ang kaibigan at si Pvt. de Guzman, pero hindi na niya itinuloy. Binalot ng kung anong ngitngit ang puso niya nang makita kung gaano ka-close ang dalawa. Padarag siyang naupo sa kaniyang swivel chair at sandaling ipinikit ang mga mata. Kanina, nang makita niyang muli si Katie, iba ang hatid niyong init sa buong katawan niya. Mas lalo na noong naghubad ito ng uniporme nito at makipag-sparring sa kasamahan. Kitang-kita niya ang makinis nitong balat na unti-unting dinaluyan ng pawis. At bawat galaw ng dalaga ay napalulunok siya. Pero hindi lang siya ang nagmamasid sa dalaga, kaya mas lalo siyang nagngitngit. Kitang-kita niya na halos lumuwa na ang mga mata ng mga lalaking nakapalibot sa mga ito. Kaya dala ng inis, muli niyang pinabalik sa kampo ang grupo. Hindi natuloy ang dapat sanay pag-eensayo nila roon. At nang makita niyang kay Mavy sana ito sasakay, mabilis niya itong pinigilan. Habang nagbubunyi a
Gustong matawa ni Zach sa sarili. Doon niya napagtanto na wala na siyang kawala pa sa kung anong mahikang ibinalot sa kaniya ni Katie. Dahil kahit hindi siya umaamin sa nararamdaman, para namang may sariling isip ang kaniyang mga paa. Sa dalaga talaga siya dinala ng mga ito. Tiningnan niya ang paligid kung safe ba roon. Naiiling na dinukot niya ang telepono sa bulsa at may tinawagan, saka siya bumaba sa motor. Luminga siya sa paligid. May kadiliman doon. Wala rin siyang makitang tao sa labas kaya tumalon siya sa bakod na pader. Umikot siya at naghanap ng mapapasukan sa mismong apartment ni Katie. Napataltak siya sa sarili. Sundalo siya pero nag-aakto siyang magnanakaw para lang sa babae. Napatigil siya sa paghakbang nang biglang bumukas ang ilaw sa loob. Mabilis siyang umikot sa tabi ng bintana, pero naka-lock iyon. Bumalik siya sa harap. Wala na siyang ibang pagpipilian pa kundi ang kumatok sa pintuan nito. Ngunit, nakalimang katok na siya pero walang nagbubukas niyon. Napakunot-
Bakit ba ang tagal mo?” ulit na tanong nito. Halata ang iritasyon sa tinig. Nagdikit nang mariin ang kaniyang mga labi, kasabay ng pagtataas ng isang kilay. “Sino ho bang may sabi na magpunta kayo rito?” pasupladang tanong niya. “Ako? Bakit masama ba?” ganting wika nito. Ang sarap kutusan! Naku! Kung hindi lang kita boss, at kung hindibka lang gwapo, kanina pa kita nasapak! Gigil na wika ni Katie sa sarili. Pero mabilis din siyang natigilan. Bakit may kasamang gwapo? Eh, ang hambog kaya ng kaharap niya! Hmp! “Gusto niyo bang malaman ang sagot ko?” “And why do I care about your answer?” “Because I care about myself! Dahil sa tuwing nariyan kayo, kumukulo ang dugo ko!” There, she said it! Sa sobrang inis niya rito, hindi na niya napigilan ang sarili. Pero kalahati lang naman iyon ng katotohanan. Dahil hindj naman siya totally naiinis dito. Ngumisi ito, sabay taas ng isang kilay. “Well, baka naman ibang pagkulo ng dugo ang nararadaman mo?” At pinapungay pa nito ang mga mata. Na
Dahan-dahang nagmulat ng kaniyang mga mata si Katie. Sinalubong siya ng puting kisame at matinding liwanag. Muli niyang ipinikit ang mga mata at pinakiramdam ang paligid. Naramdaman niyang may humahaplos sa kaniyang pisngi, kaya muli siyang nagmulat ng mga mata. Pagtingin niya sa kaniyang tabi ay naroon ang isang napakagandang batang babae. Nasa may ilong na niya ang kamay nito at nilalaro iyon. Napakunot ang noo niya. Anghel ba ang nakikita niya? Nasa langit na ba siya? Sunod-sunod na tanong niya sa sarili. Ngunit ngumiti ito nang makitang gising na siya. Pagkuwa’y nagsalita, “Hi! Are you okay?” Nakahinga siya nang maluwag. Buhay pa siya. Wala naman kasing anghel na marunong mag-English. Hindi ka sigurado sa sinasabi mo, Katie, anang isang tinig sa kaniyang isipan. Pero muling nagsalita ang bata. “Are you hungry?” Napakurap siya. Hindi nga siya nananaginip. Totoong buhay pa siya. Bahagya siyang tumango rito. “Water, please. . .” sagot niya. Kinuha naman ng bata ang tubig sa
Kinabukasan maagang nagising si Katie dahil pakiramdam niya may tao sa loob ng kwarto. Nakita niya ang isang matandang babae. “Magandang umaga po, Ma'am. Pasensiya na kung nagising ko kayo. Ipinapasok po ni Sir Zach ang mga maleta niyo rito sa kwarto,” wika nito. Nagtaka siya sa narinig. Ang alam niya sa condo ng lalaki siya titira at hindi roon. Pero makatatanggi pa ba siya? Baka nga hindi na rin matuloy ang binabalak niya. Paano nga ba? Kapag ginawa niya iyon, siguradong aalisin siya ni Zach sa misyon nila. “Hindi ho kasi alam ni Ma'am Denisse kung ano ang ibibigay sa inyo. Puro pang-sexy ho kasi ang mga damit niya. Ayaw ni Sir Zach ipasuot. Kaya tinawagan ni Sir Zach ang sekretarya niya at ipnadala na lang dito ang mga gamit ninyo,” paliwanag nito nang mabasa ang laman ng isipan niya Napakunot ang noo niya. Bakit naman aayaw nitong ipasuot ang damit ng asawa sa kaniya? Tinatanong pa ba iyan, Katie? Ayon na naman ang tinig sa isip niya. Huminga siya nang malalim. “Salamat po. A
Bigla ang pagbundol ng kaba sa kaniyang dibdib. Sabay silang napalingon dito ni Zach.Nanlaki ang mga mata niya. Si General Santiago!“Naunahan mo akong makipagkita sa kaniya, Lt. General Silva. This all the reports that I need to present to her. But anyway, thank you for inviting me here,” anito.Nakipagkamay ito kay Zach habang nagbeso naman siya rito.“Apat na buwan na mula nang magising ako at nakabawi ng lakas. Almost one and half years ang ginawa ni Jalva sa akin, pero hindi ko iyon pinagsisihan. Dahil kahit sa impyerno susundan ko siya, para lang mailigtas ang mag-ina mo, at sisiguraduhin kong hindi na siya makababalik pa dito sa lupa,” nakangiting wika nito.“I’m sorry, General Santiago. Pati iakw nadamay dito,” napayukong wika niya.Umiling ito. “No! Ramdam ko ang pagnanais mo na mailigtas ang anak mo noon. Salamat sa pagtitiwala sa akin, dahil doon, nakasama ko ang future husband mo sa laban. Ikaw ang tumupad ng usapan namin.” Tumawa ito. “Asan ang triplets?” Iginala nito an
Chapter 77Halos tatlong sunod-sunod na araw na bumisita at natulog si Zach sa bahay nila. Palagi itong hindi nawawalan ng mga dalang pasubong sa triplets. Kung hindi damit, laruan, ay ipinapasyal naman nito ang mga bata na kasama siya. At ngayon nga ay nasa museum sila. May mga replika na helicopter doon at malalaking canyon. Mayroon ding iba’t ibang hugis at laki ng bala ng mesiles. Naka-display din doon ang uniporme ng mga magigiting ng sundalo noong World War II at iba’t iba pang mahahalagang kaganapan sa kasaysayan ng Estados Unidos. Nakita ang excitement sa mukha ng mga anak. Kahit naman siya ay namangha rin sa mga nakita. Sa laki ng museum, tantiya niya, hindi kayang libutin iyon ng maghapon.“Daddy, I’m so excited to ride here. Come on, guys!” si Evan iyon na sumakay sa replikang helicopter. Tila naman kinikilig ang dalawa nina Chase at Asher na sumunod sa kapatid. Nagkagulo pa ang mga ito sa kung sino ang uupo sa driver seat. Napangiti na lang siya at napailing.“How I mis
Walang pagsidlan ng tuwa ang mga anak niya. Halos maghapong kausap at walang kapagurang nakipaglaro sa ama nila.Gumawa siya ng snacks para sa mga ito. Ayaw muna niyang sumingit sa moment ng mag-aama. Tama lang naman iyon, because they had a lot of things to catch up on. Isa pa, noon niya lang nakitang ganoon kasaya ang triplets. Hindi naman niya gustong ipagkait iyon sa mga ito. Iiniwan muna niya sa salas ang mga ito na nakaupo sa carpet. Siya naman ay umupo at tinanaw ang mga ito sa isang sofa malapit sa television at nanood na lang hanggang hindi na niya namalayan na hinila siya nang antok.Yakap ang isang unan naramdaman niya ang mabining haplos sa mukha niya. Pero imbis na magmulat ng mga mata ninamnam niya iyon dahil sa panaginip niya.Nakatayo raw siya sa isang tabi nang biglang may yumakap sa kaniya at hinagkan siya sa batok. Napitlag siya at hindi agad nakapagsalita.“It’s been a year. I missed you.” Tinig iyon mula sa lalaki sa panaginip niya. Mainit ang halik nito sa kani
Pinilit ni Katie na kumawala sa mga bisig ni Zach, ngunit malakas ito.“Ano ba?! Bakit mo ba ito ginagawa, ha? Bakit ba naririto ka? Hindi ba dapat kasama mo ang girlfriend mo?” singhal niya rito, ngunit bigla ring natigilan.Nakita niyang ngumisi ito. “Jealous?” Hinawakan nito ang pisngi niya pero mabilis siyang nag-iwas ng mukha.“Wala akong pakialam kung makipagrelasyon ka sa iba. Tapos na tayo, hindi ba? Iniwana na kita, bakit pa ako magseselos?” taas-noong wika niya.“Tsk! You can’t hide what you really feel for me, Katie. I knew you well.” Masuyong pinaraanan nito ng daliri ang mga labi niya. Napalunok naman, lalo na at may hatid iyong kakaibang init sa buo niyang pagkatao.“S-stop it. . .” mabuway na saway niya rito.Dahan-dahan nitong inilapit ang mukha sa kaniya. “I won’t. Not unless you tell me that it was your fault.”Bigla siyang natauhan sa narinig. Tumigas ang kaniyang anyo. “Oo na! Kasalanan ko na! Masaya ka na?” nanunuyang wika niya bago ito itinulak. “Kung iyon lang a
Chapter 74Ilang beses na napakurap si Katie. Kahit pagod sa mga naganap kanina, hindi pa rin niya magawang makatulog. Naglalakbay ang diwa niya sa kung saan.She looked at Zach. Himbing na ang tulog nito pero nananatiling nakapulupot sa kaniya ang mga braso nito. Para bang ayaw talaga siyang pakawalan.Dahan-dahan niyang iniangat ang braso nito nang bigla itong gumalaw. “Sleep, sweetie. . .” bulong nito na ikinagulat niya.Napalingon siya rito. Nananatili pa rin itong nakapikit. Huminga siya nang malalim. Lasing, pagod at antok ito pero parang balewala ang mga iyon. Malakas pa rin ang pakiramdam nito.Matagal siyang napatitig sa kisame. Ni hindi niya maigalaw ang katawan kahit nangangawit na siya. Ayaw niyang tuluyang magising ang lalaki. Baka lalong hindi siya makaalis.Hindi tama na naroroon siya. Alam niyang may iba ng kasintahan ang lalaki at ataw naman niyang maging dahilan ng pagkasira ng relasyon nito. What happened to them is wrong. Nadala lang sila pareho ng bugso ng kani
Chapter 73Napaigtad si Katie nang biglang tumunog ang cellphone niya. Hinanap niya kung nasaan iyon dahil wala sa kama ang bag niya.Sabay silang napatingin sa center table. Mabilis siyang humakbang palapit doon. Baka kasi si Dr. Smith o Camila ang tumatawag sa kaniya. Alas-otso ang sinasabi ng orasan na nasa dingding, baka nag-iintay na ang mga anak niya.Bago pa niya mahawakan ang cell phone, nakuha na iyon ng lalaki. Mas lalong nagngalit ang mga bagang nito.“Michael, huh! Is he your lover?”Mabilis niyang kinuha ang cell phone sa kamay ng lalaki. Alam niyang si Camila ang tumatawag. Baka biglang mag-aalala ito kung sasagutin niya at marinig ang boses ni Zach.“Ibigay mo sa akin iyan! Tumatawag na siya, hindi ba’t iyan naman ang gusto mo? Ang kausapin ko siya?” Matalim niya itong tinitigan. “Naipaliwanag ko na ang side ko kung bakit ako umalis, kaya please. . . pakawalan mo na ako. Huwag mo na lang sabihin sa iba na nagkita tayo, dahil baka nasa paligid lang ang spy ni Bran—” Nati
Palinga-linga si Katie na naglalakad pagbaba sa parking lot, pakiramdam niya may laging nakasunod sa kaniya. Simula nang magkaharap sila ni Zach, parang bumabalik ang pagiging militar niya. Bigla ay naging alerto siya sa mga nangyayari sa paligid.“Katie! Itigil mo na ang pag-iisip mong ganyan!” sita niya sa sarili.Ngunit hindi pa rin niya mapigilan tingnan bawat taong nakakasalubong niya. Kakaiba kasi ang kutob na nadarama niya. Alam niyang ipahahanap siya ni Zach— imposible ang hindi. Pero nahiling niya na sana huwag na lang. Na sana, mas manaig ang galit dito para hindi na siya magambala pa. Saka, may isang linggo na rin ang nakalilipas mula noong magkita sila, pero wala namang nangyayari. Baka umuwi na ito ng Pilipinas. Sana nga. . .Napabuntonghininga na lang siya.“Good morning, Dra. Katie,” bati ni Liberty sa kaniya.“Good morning, Liberty. How many patients do we have today?” Ibinaba niya ang bag sa lamesa niya at isinuot ang doctors’ coat.“Almost twenty patients, Dra.”Nap
Matagal bago nakakilos si Zach sa kaniyang kinatatayuan. Huli na noong magawa niyang ihakbang ang mga paa palabas sa restaurant na iyon pasunod kay Katie. Nakasakay na ito sa isang kotse habang dina-drive ng isang lalaki.Mabilis niyang kinuha ang cell phone sa bulsa. He called the intel of the army that based in Las Vegas. He described what he needed to know.“I need that information tonight. Do you understand?” ma-awtoridad na wika niya sa kausap, saka pinatay ang telepono.“Baby! Hey!” tawag ni Olivia mula sa entrance ng restaurant. Dahil sa nangyari, nakalimutan na niyang kasama niya nga pala ito.Lumapit ito sa kaniya. “Why did you leave me like that? I thought you were just in the bathroom,” anito saka ipinulupot ang kamay sa kaniyang braso.Pumiksi siya at inalalayan ito sa siko. “Wait here. I’ll call you a cab,” malamig niyang wika.Nangunot ang noo nito. “What’s wrong?”“Nothing.” Sinabayan niya iyon ng pag-iling.“Then, there’s nothing wrong if we head out together.” Ikinawi
“Liberty, can you make a coffee for me?” ani Katie sa kaniyang assistant.Nasa clinic siya noon at wala pang pasyente. Sinadya talaga niyang mauna roon para maging occupied siya at mawala sa isip ang mga bagay na gumugulo sa kaniya. Balak niya rin namang umuwi nang maaga, dahil pakiramdam niya unti-unting sumisikip ang mundo niya, at tanging ang mga anak lamang ang makapagpapagaan sa kaniyang dinadala.“Your coffee, Dra. Katie.” Ipinatong ni Liberty ang kape sa ibabaw ng kaniyang lamesa.“Thank you,” nakangiting sabi niya sabay higop sa kape. “By the way, Liberty, if you have any appointment outside today— you may go. We will close the clinic early.”Napakunot ang noo nito sa tinuran niya. Sana’y ito na kpag ganoong araw ay inaabot sila ng gabi.“Really, Dra? Why?”“I have an appointment, too,” pagsisinungaling niya.Tumango na lang ito at hindi na nagtanong pa. Inabala na nito ang sarili sa pag-aayos ng mga records.Maya-maya pa, sunod-sunod na naman pasyente at hindi na niya namalay