Isang linggo na ang lumipas nang makabalik si Katie sa kampo, pero ni anino ng loko-loko niyang superior ay hindi niya nakikita. At naiinis siya dahil apektado siya niyon.
Kasalukuyan silang may ensayo sa araw na iyon. Nakasuot siya ng kaniyang umiporme, dala ang kaniyang baril. Iyon ay para raw mahasa pa sila sa paggamit ng armas.Sa pagkakaalam niya, dapat ay nasa kampo lamang siya kasama ang iba pang mga medic. Pero sinabihan siya ng isang kasamahan na maghanda, kaya naroon siya ngayon sa isang malawak na lupain sa may bandang Antipolo kasama ang iba pa.Nilapitan siya ng isa niyang kasamahan. Si Pvt. Leigh Esteban, isa sa magaling na cadet noong nag-tr-training pa sila. “Pvt. de Guzman, willing ka bang maka-one on one? Hindi kasi ako nag-jogging kanina!” mataas ang tinig na wika nito.Kahit medyo kinakabahan ay nagkibit-balikat siya. Isa ito sa mga ka-buddy niya. Masaya at masarap naman itong kasama.“Alright!” Hinubad niya ang uniporme at itinira ang sandong may tatak ng army. Hindi napigilang sumipol ng ilang kalalakihan sa nakita. Tumambad kasi sa mga ito ang makinis niyang mga braso.Ibinaba niya ang baril sa isang gilid, saka pumwesto sa harap ni Esteban. Sa hudyat ng kamay nito, agad itong nagpakawala ng flying kick na naiwasan naman niya. Gumanti siya ng sipa sa tagiliran nito pero madali rin itong nakaiwas. Ang hindi niya inaasahan ay ang mabilis na pagbwelta nito. Nasapol siya sa may tagiliran at bumagsak sa damuhan.Kahit masakit ang natamo, ngumiti siya at bumangon. “Nice one.” Tumango siya rito, kasabay ng pagpapakawala ng sunod-sunod na pag-atake.Hindi niya ito tinantanan hanggang sa mapagod ito. Doon siya bumwelta at binigyan ito ng malakas na spike sa balikat. Mas pinili niya iyon dahil alam niyang makatutulog ito kung mukha ang pupuntiryahin niya.Bumagsak sa damuhan si Esteban. Nang sugurin niya itong muli ay mabilis itong nagtaas ng kamay tanda ng pagsuko.Dumistansya siya rito. Iniabot niya ang isang kamay para tulungan itong makatayo.“Grabe! Lakas mong humataw, buddy. Parang hindi mo na ako bubuhayin, ah!” Tinapik siya nito sa balikat habang patuloy sa paghahabol ng hininga.Inabutan niya ito ng tubig. “Pinagpawisan ka na ba?”“More than that!” Siniko siya nito.Sabay silang nagtawanan. Kasunod niyon ang malakas na palakpakan sa paligid. Paglingon nila ay nakita niya ang grupo ni Mavy na naroon na rin.Natigil siya sa pagtawa at kunot-noong tiningnan ang grupo ng kaibigan. Tingin niya kasi sa mga ito bully. Pero magagaling silang lahat. Wala pa kasi sa natutunan nila ang alam ng mga ito. Well, given na iyon dahil mas nauna ang mga ito sa kanila.Nang lumapit sila ay biglang natahimik ang mga ito, sabay pugay-kamay.Paglingon niya sa likuran ay naroon na ang lalaking laman ng isip niya sa mga nakalipas na araw. Si Lt. General Zach.May pagmamadaling sumaludo rin siya sa lalaki. Nilagpasan siya nito bago nagbigay pugay sa lahat.Gusto nang tumaas ng isang kilay niya. Bakit pakiramdam niya umiiwas sa kaniya ang lalaki? Bakit parang iba ang pakitungo nito sa kaniya ngayon? Hindi na iyon kagaya noong nasa Palawan sila.At affected ka naman? Kastigo ng kabilang bahagi ng isipan niya.Palihim siyang sumimangot, bago nagbigay atensyon sa bagong dating. Nakita niya kung gaano ito kaseryoso sa bawat galaw nito. Mukha namang takot lahat ng naroon sa lalaki.Habang nakatitig siya rito na-i-imagine niya ang mga nakaw na halik na ginawa nito sa kaniya. Ibang-iba iyon sa anyo nito noon. Kung pakiramdam niya ay inaakit siya nito, ngayon naman parang lalamunin sila nito ng buhay.“Laway mo, de Guzman. Malapit nang tumulo. Baka naman matunaw si LG niyan sa iyo,” kantyaw sa kaniya ni Esteban.Inirapan niya ito. “Hindi noh! Wala akong balak na patulan ang lalaking iyan!” may diing bulong niya rito.Humagikhik ito. “Sus, de Guzman! Halata namang gwapong-gwapo ka.” Tumawa itong muli.Mariing nagdikit ang kaniyang mga labi. “Nope!” napalakas niyang sabi dito.Lahat ay napatingin sa kaniya kahit na ang superior nila. Salubong na ang mga kilay nito.“Ang pinakaaayaw ko sa lahat ay iyong hindi nagseseryoso, Pvt. de Guzman,” mababa ngunit makapanginig tuhod na wika nito. “May problema ba kayo ni Pvt. Esteban?” tanong pa nito.Nakita niyang nawalan ng kulay ang mukha ni Esteban. Magsasalita pa sana siya pero muling nagsalita ang lalaki.“Gusto ko kayong makausap lahat! Sa headquarters! Move!” buong-buo ang tinig na utos nito.Nagbago ang ekspresyon ng mukha ng mga kasama niya. Maging si Mavy ay nakakunot din ang noong sumunod sa mga ito. May pagmamadali pa itong naglakad.“Move, soldiers! Move! Kailangan nating makarating sa headquarters before lunch!” sabi ni Mavy at tumingin sa akin.Sumakay ang mga ito sa kaniya-kaniyang mga motor. Sumeniyas si Mavy na rito na siya sumakay. Si Esteban ay nakaangkas na rin sa isa sa mga kasama niya.Wala siyang magawa kundi ang lumapit dito. Akmang sasakay na siya sa likod nito nang may magsalita sa likuran nila.“Here is your helmet. Hop in!” ani Lt. Silva na nakasakay na rin sa magarang motor.Napatingin siya kay Mavy. Ngumiti ito sa kaniya.Inirapan niya ito saka lumingon sa kanilang superior. “Thank you, Sir. Pero kay Sgt. Felipe na ako sasabay,” magalang niyang sagot dito.Ayaw niyang ipahiya ang lalaki hangga’t maaari. Hindi niya rin gustong sungitan ito, dahil kahit papaano, boss niya pa rin ito at kailangan niya ang trabahong iyon.Tumaas ang sulok ng labi ng lalaki at nilagpasan siya ng tingin. “Sgt. Felipe, move! Sa akin siya sasabay!” Kung nakamamatay siguro ang tingin ay kanina pa bumulagta si Mavy.Nakipagsukatan naman si Mavy ng tingin dito, hanggang sa napailing ito. Pinaandar na nito ang motorsiklong sinasakyan at iniwan siya roon.Napaawang ang mga labi niya sa nasaksihan. Hindi siya makapagsalita.At ang loko, iniwan talaga siya sa mas hambog pa rito! The nerve of this men!Naniningkit ang mga matang hinarap niya si Lt. Silva. “Alam mong kay Mavy ako sasabay, pero pati iyon pinigilan mo? At talagang ginagamit mo pa ang katungkulan mo, ha?” inis na sita niya rito.Walang emosyong bumaba ito sa motorsiklo at lumapit sa kaniya. Ito na mismo ang naglagay ng helmet sa ulo niya.Bahagya siyang napaurong dahil napakalapit nila sa isa’t isa. Iba kasi ang pakiramdam niya kapag nasa tabi nito. Parang may mga paruparong nagliliparan sa kaniyang tiyan.Tinangay ng hangin ang amoy ng lalaki papunta sa kaniya. Napakabango nito. Pati hininga ganoon din. Para bang sa isang sanggol.Hindi na niya napigilan ang sarili na pumikit. Ramdam niya ang malakas na pagbayo ng kaniyang dibdib. Para iyong tinatambol sa lakas ng pagtibok.“There is no fairytale, de Guzman. Hop in!” anito. Hindi niya namalayang nakasakay na pala ito sa motor nito.Namula siya lalo na nang makita ang ngising-aso nito. Pero kahit na ganoon hindi naman nabawasan ang kagwapuhan ng lalaki. Mas lalo pa nga itong gumwapo sa paningin niya.Mabilis niyang ipinilig ang ulo. Kung ano-ano kasing agaiw ang pumapasok doon. Nagmumukha tuloy siyang t*nga sa harapan nito.Niyakap niya ang kaniyang uniporme na hinubad kanina at sumampa sa likuran ng motor nito. Mas pinili niyang maglagay ng puwang sa pagitan nila at humawak sa likuran.Bahagya siya nitong nilingon. “If I were you, I wouldn’t do that. Dahil sinisiguro ko sa iyong hindi mo ako magagawang iwasan. So, you better put your hands on my waist or you’ll regret it later,” banta nito.Mariin siyang umiling. “No, I’m okay, Sir. Let’s go!” Umayos pa siya ng pagkakaupo. Mas dumistansya pa siya rito.Ngunit, bigla nitong pinaandar patalon ang motorsiklo. Napabitaw siya sa pagkakahawak sa likuran at napakapit sa mga balikat nito.“I told you, you wouldn’t want to do that!” malakas na wika nito kasabay ng nakalolokong pagtawa.Mas bumilis pa ang sinasakyan nila at hindi mapigilan ni Katie na makadama ng takot. Para kasing nakipagkakarera sila kay kamatayan. At hindi pa niya gustong mamatay sa mga sandaling iyon!Hindi pa!“Pwede ba, Sir, kung nagmamadali kayo, ibaba niyo na lang ako!” sigaw niya rito. “Just hold on me. Bakit ba ang kulit mo?” ganting sigaw nito. Gusto na niyang batukan ang lalaki, pero baka naman mas mapahamak sila. Ayaw pa niyang mamatay nang maaga. Kaya wala siyang nagawa kundi ang sundin ang gusto nito, imbis na makipagtalo pa rito. Yumakap siya sa bewang nito at napahigpit pa iyon nang dumaan sila sa zigzag. May oras na bigla itong nagmemenor kaya napasusubsob ang mukha niya sa likuran nito. Mga trenta minutos din ang itinagal bago nila marating ang headquarters. “Did you enjoy our short ride?” nakangising tanong habang tinatanggal ang helmet sa ulo niya. Sinamaan niya ito ng tingin. “Yes, Sir. Sa sobrang enjoy ko muntik ko ng makalimutan na buhay pa ako,” pasinghal niyang sagot dito. Wala siyang pakialam kung mataas ang ranggo nito. Bukod sa yabang na taglay, alam naman niyang palikero rin ito. At kapag ganoon ang ugali ng isang lalaki, talagang nakaiinit ng dugo. Natawa ito
Nagngingit ang kalooban ni Zach na bumalik sa kaniyang opisina. Hahabulin niya sana ang kaibigan at si Pvt. de Guzman, pero hindi na niya itinuloy. Binalot ng kung anong ngitngit ang puso niya nang makita kung gaano ka-close ang dalawa. Padarag siyang naupo sa kaniyang swivel chair at sandaling ipinikit ang mga mata. Kanina, nang makita niyang muli si Katie, iba ang hatid niyong init sa buong katawan niya. Mas lalo na noong naghubad ito ng uniporme nito at makipag-sparring sa kasamahan. Kitang-kita niya ang makinis nitong balat na unti-unting dinaluyan ng pawis. At bawat galaw ng dalaga ay napalulunok siya. Pero hindi lang siya ang nagmamasid sa dalaga, kaya mas lalo siyang nagngitngit. Kitang-kita niya na halos lumuwa na ang mga mata ng mga lalaking nakapalibot sa mga ito. Kaya dala ng inis, muli niyang pinabalik sa kampo ang grupo. Hindi natuloy ang dapat sanay pag-eensayo nila roon. At nang makita niyang kay Mavy sana ito sasakay, mabilis niya itong pinigilan. Habang nagbubunyi a
Gustong matawa ni Zach sa sarili. Doon niya napagtanto na wala na siyang kawala pa sa kung anong mahikang ibinalot sa kaniya ni Katie. Dahil kahit hindi siya umaamin sa nararamdaman, para namang may sariling isip ang kaniyang mga paa. Sa dalaga talaga siya dinala ng mga ito. Tiningnan niya ang paligid kung safe ba roon. Naiiling na dinukot niya ang telepono sa bulsa at may tinawagan, saka siya bumaba sa motor. Luminga siya sa paligid. May kadiliman doon. Wala rin siyang makitang tao sa labas kaya tumalon siya sa bakod na pader. Umikot siya at naghanap ng mapapasukan sa mismong apartment ni Katie. Napataltak siya sa sarili. Sundalo siya pero nag-aakto siyang magnanakaw para lang sa babae. Napatigil siya sa paghakbang nang biglang bumukas ang ilaw sa loob. Mabilis siyang umikot sa tabi ng bintana, pero naka-lock iyon. Bumalik siya sa harap. Wala na siyang ibang pagpipilian pa kundi ang kumatok sa pintuan nito. Ngunit, nakalimang katok na siya pero walang nagbubukas niyon. Napakunot-
Bakit ba ang tagal mo?” ulit na tanong nito. Halata ang iritasyon sa tinig. Nagdikit nang mariin ang kaniyang mga labi, kasabay ng pagtataas ng isang kilay. “Sino ho bang may sabi na magpunta kayo rito?” pasupladang tanong niya. “Ako? Bakit masama ba?” ganting wika nito. Ang sarap kutusan! Naku! Kung hindi lang kita boss, at kung hindibka lang gwapo, kanina pa kita nasapak! Gigil na wika ni Katie sa sarili. Pero mabilis din siyang natigilan. Bakit may kasamang gwapo? Eh, ang hambog kaya ng kaharap niya! Hmp! “Gusto niyo bang malaman ang sagot ko?” “And why do I care about your answer?” “Because I care about myself! Dahil sa tuwing nariyan kayo, kumukulo ang dugo ko!” There, she said it! Sa sobrang inis niya rito, hindi na niya napigilan ang sarili. Pero kalahati lang naman iyon ng katotohanan. Dahil hindj naman siya totally naiinis dito. Ngumisi ito, sabay taas ng isang kilay. “Well, baka naman ibang pagkulo ng dugo ang nararadaman mo?” At pinapungay pa nito ang mga mata. Na
Dahan-dahang nagmulat ng kaniyang mga mata si Katie. Sinalubong siya ng puting kisame at matinding liwanag. Muli niyang ipinikit ang mga mata at pinakiramdam ang paligid. Naramdaman niyang may humahaplos sa kaniyang pisngi, kaya muli siyang nagmulat ng mga mata. Pagtingin niya sa kaniyang tabi ay naroon ang isang napakagandang batang babae. Nasa may ilong na niya ang kamay nito at nilalaro iyon. Napakunot ang noo niya. Anghel ba ang nakikita niya? Nasa langit na ba siya? Sunod-sunod na tanong niya sa sarili. Ngunit ngumiti ito nang makitang gising na siya. Pagkuwa’y nagsalita, “Hi! Are you okay?” Nakahinga siya nang maluwag. Buhay pa siya. Wala naman kasing anghel na marunong mag-English. Hindi ka sigurado sa sinasabi mo, Katie, anang isang tinig sa kaniyang isipan. Pero muling nagsalita ang bata. “Are you hungry?” Napakurap siya. Hindi nga siya nananaginip. Totoong buhay pa siya. Bahagya siyang tumango rito. “Water, please. . .” sagot niya. Kinuha naman ng bata ang tubig sa
Kinabukasan maagang nagising si Katie dahil pakiramdam niya may tao sa loob ng kwarto. Nakita niya ang isang matandang babae. “Magandang umaga po, Ma'am. Pasensiya na kung nagising ko kayo. Ipinapasok po ni Sir Zach ang mga maleta niyo rito sa kwarto,” wika nito. Nagtaka siya sa narinig. Ang alam niya sa condo ng lalaki siya titira at hindi roon. Pero makatatanggi pa ba siya? Baka nga hindi na rin matuloy ang binabalak niya. Paano nga ba? Kapag ginawa niya iyon, siguradong aalisin siya ni Zach sa misyon nila. “Hindi ho kasi alam ni Ma'am Denisse kung ano ang ibibigay sa inyo. Puro pang-sexy ho kasi ang mga damit niya. Ayaw ni Sir Zach ipasuot. Kaya tinawagan ni Sir Zach ang sekretarya niya at ipnadala na lang dito ang mga gamit ninyo,” paliwanag nito nang mabasa ang laman ng isipan niya Napakunot ang noo niya. Bakit naman aayaw nitong ipasuot ang damit ng asawa sa kaniya? Tinatanong pa ba iyan, Katie? Ayon na naman ang tinig sa isip niya. Huminga siya nang malalim. “Salamat po. A
Tuluyan ng gumaling ang sugat sa kaniyang balikat at natuloy din ang pagpunta nila sa Tagaytay. Ayaw sana niyang sumama, pero pinilit siya ni Denisse at ng cute na batang si Hillary. Hindi nila kasama si Zach na nagtungo roon. Nasa kampo ito. Pero nagsabi itong susunod kapag natapos ang mga inaasikaso roon. Halos tatlong araw rin itong hindi nagpakita sa kaniya. At ramdam niyang hinahanap-hanap niya ang presensya ng lalaki. Nauna na sa kanila ang mga magulang ni Zach. Kasabay naman nilang bumyahe si Ziggy. Habang daan ay nakamasid lamang siya sa labas ng bintana. Mas pinili ni Hillary na maupo sa kandungan niya. Si Denisse naman ay sa unahan, katabi ang nagmamanehong asawa. “Are you okay, Katie?” tanong ni Ziggy sa kaniya. Nilingon niya ito. “Oo naman, Sir. May kasama kasi akong cute na baby girl,” sagot niyang nakangiti. Napailing si Ziggy. “Just call me Kuya Ziggy. Hindi mo naman ako superior. We’re friends. Isa pa, wala ka sa kampo. Dapat kapag nasa labas ka, treat yourself a
Tumikhim si Katie at pinatatag ang sarili. Tinitigan niya ang lalaki sa mga mata. “Puwede ba, Sir? Ipamakahiya niyo naman ako. Naririto tayo sa bahay ninyo kasama ang mga magulang ninyo at kapatid. Paano na lang kung makita nila tayo?” Nagkibit ito ng mga balikat. “I don’t care. Alam naman nilang attracted ako sa iyo.” Sh*t! Biglang lumakas ang kabog ng kaniyang dibdib. May pakiramdam rin siyang halos magkulay-makopa na ang magkabilang pisngi niya. Hindi pala mapaaamin, ha? Ang lakas talaga ng loob mo, Katie! Sobra! Hanga na ako sa iyo, sarkastikong wika ng tinig sa kaniyang isip. Lumunok siya. “Tigilan niyo nga ako. Baka gutom lang iyan,” aniya saka mabilis na nag-iwas ng mga mata rito. Kung hindi niya gagawin iyon, baka bigla na lang siyang bumigay sa mga sinasabi nito. “Yes, I’m hungry. Pero hindi sa kalam ng sikmura ako nagugutom.” Kumindat pa ito. Nanlaki ang mga mata niya. Kagyat siyang lumayo rito na ikinatawa nito nang malakas. Nag-init naman bigla ang paligid. Pakiram
Bigla ang pagbundol ng kaba sa kaniyang dibdib. Sabay silang napalingon dito ni Zach.Nanlaki ang mga mata niya. Si General Santiago!“Naunahan mo akong makipagkita sa kaniya, Lt. General Silva. This all the reports that I need to present to her. But anyway, thank you for inviting me here,” anito.Nakipagkamay ito kay Zach habang nagbeso naman siya rito.“Apat na buwan na mula nang magising ako at nakabawi ng lakas. Almost one and half years ang ginawa ni Jalva sa akin, pero hindi ko iyon pinagsisihan. Dahil kahit sa impyerno susundan ko siya, para lang mailigtas ang mag-ina mo, at sisiguraduhin kong hindi na siya makababalik pa dito sa lupa,” nakangiting wika nito.“I’m sorry, General Santiago. Pati iakw nadamay dito,” napayukong wika niya.Umiling ito. “No! Ramdam ko ang pagnanais mo na mailigtas ang anak mo noon. Salamat sa pagtitiwala sa akin, dahil doon, nakasama ko ang future husband mo sa laban. Ikaw ang tumupad ng usapan namin.” Tumawa ito. “Asan ang triplets?” Iginala nito an
Chapter 77Halos tatlong sunod-sunod na araw na bumisita at natulog si Zach sa bahay nila. Palagi itong hindi nawawalan ng mga dalang pasubong sa triplets. Kung hindi damit, laruan, ay ipinapasyal naman nito ang mga bata na kasama siya. At ngayon nga ay nasa museum sila. May mga replika na helicopter doon at malalaking canyon. Mayroon ding iba’t ibang hugis at laki ng bala ng mesiles. Naka-display din doon ang uniporme ng mga magigiting ng sundalo noong World War II at iba’t iba pang mahahalagang kaganapan sa kasaysayan ng Estados Unidos. Nakita ang excitement sa mukha ng mga anak. Kahit naman siya ay namangha rin sa mga nakita. Sa laki ng museum, tantiya niya, hindi kayang libutin iyon ng maghapon.“Daddy, I’m so excited to ride here. Come on, guys!” si Evan iyon na sumakay sa replikang helicopter. Tila naman kinikilig ang dalawa nina Chase at Asher na sumunod sa kapatid. Nagkagulo pa ang mga ito sa kung sino ang uupo sa driver seat. Napangiti na lang siya at napailing.“How I mis
Walang pagsidlan ng tuwa ang mga anak niya. Halos maghapong kausap at walang kapagurang nakipaglaro sa ama nila.Gumawa siya ng snacks para sa mga ito. Ayaw muna niyang sumingit sa moment ng mag-aama. Tama lang naman iyon, because they had a lot of things to catch up on. Isa pa, noon niya lang nakitang ganoon kasaya ang triplets. Hindi naman niya gustong ipagkait iyon sa mga ito. Iiniwan muna niya sa salas ang mga ito na nakaupo sa carpet. Siya naman ay umupo at tinanaw ang mga ito sa isang sofa malapit sa television at nanood na lang hanggang hindi na niya namalayan na hinila siya nang antok.Yakap ang isang unan naramdaman niya ang mabining haplos sa mukha niya. Pero imbis na magmulat ng mga mata ninamnam niya iyon dahil sa panaginip niya.Nakatayo raw siya sa isang tabi nang biglang may yumakap sa kaniya at hinagkan siya sa batok. Napitlag siya at hindi agad nakapagsalita.“It’s been a year. I missed you.” Tinig iyon mula sa lalaki sa panaginip niya. Mainit ang halik nito sa kani
Pinilit ni Katie na kumawala sa mga bisig ni Zach, ngunit malakas ito.“Ano ba?! Bakit mo ba ito ginagawa, ha? Bakit ba naririto ka? Hindi ba dapat kasama mo ang girlfriend mo?” singhal niya rito, ngunit bigla ring natigilan.Nakita niyang ngumisi ito. “Jealous?” Hinawakan nito ang pisngi niya pero mabilis siyang nag-iwas ng mukha.“Wala akong pakialam kung makipagrelasyon ka sa iba. Tapos na tayo, hindi ba? Iniwana na kita, bakit pa ako magseselos?” taas-noong wika niya.“Tsk! You can’t hide what you really feel for me, Katie. I knew you well.” Masuyong pinaraanan nito ng daliri ang mga labi niya. Napalunok naman, lalo na at may hatid iyong kakaibang init sa buo niyang pagkatao.“S-stop it. . .” mabuway na saway niya rito.Dahan-dahan nitong inilapit ang mukha sa kaniya. “I won’t. Not unless you tell me that it was your fault.”Bigla siyang natauhan sa narinig. Tumigas ang kaniyang anyo. “Oo na! Kasalanan ko na! Masaya ka na?” nanunuyang wika niya bago ito itinulak. “Kung iyon lang a
Chapter 74Ilang beses na napakurap si Katie. Kahit pagod sa mga naganap kanina, hindi pa rin niya magawang makatulog. Naglalakbay ang diwa niya sa kung saan.She looked at Zach. Himbing na ang tulog nito pero nananatiling nakapulupot sa kaniya ang mga braso nito. Para bang ayaw talaga siyang pakawalan.Dahan-dahan niyang iniangat ang braso nito nang bigla itong gumalaw. “Sleep, sweetie. . .” bulong nito na ikinagulat niya.Napalingon siya rito. Nananatili pa rin itong nakapikit. Huminga siya nang malalim. Lasing, pagod at antok ito pero parang balewala ang mga iyon. Malakas pa rin ang pakiramdam nito.Matagal siyang napatitig sa kisame. Ni hindi niya maigalaw ang katawan kahit nangangawit na siya. Ayaw niyang tuluyang magising ang lalaki. Baka lalong hindi siya makaalis.Hindi tama na naroroon siya. Alam niyang may iba ng kasintahan ang lalaki at ataw naman niyang maging dahilan ng pagkasira ng relasyon nito. What happened to them is wrong. Nadala lang sila pareho ng bugso ng kani
Chapter 73Napaigtad si Katie nang biglang tumunog ang cellphone niya. Hinanap niya kung nasaan iyon dahil wala sa kama ang bag niya.Sabay silang napatingin sa center table. Mabilis siyang humakbang palapit doon. Baka kasi si Dr. Smith o Camila ang tumatawag sa kaniya. Alas-otso ang sinasabi ng orasan na nasa dingding, baka nag-iintay na ang mga anak niya.Bago pa niya mahawakan ang cell phone, nakuha na iyon ng lalaki. Mas lalong nagngalit ang mga bagang nito.“Michael, huh! Is he your lover?”Mabilis niyang kinuha ang cell phone sa kamay ng lalaki. Alam niyang si Camila ang tumatawag. Baka biglang mag-aalala ito kung sasagutin niya at marinig ang boses ni Zach.“Ibigay mo sa akin iyan! Tumatawag na siya, hindi ba’t iyan naman ang gusto mo? Ang kausapin ko siya?” Matalim niya itong tinitigan. “Naipaliwanag ko na ang side ko kung bakit ako umalis, kaya please. . . pakawalan mo na ako. Huwag mo na lang sabihin sa iba na nagkita tayo, dahil baka nasa paligid lang ang spy ni Bran—” Nati
Palinga-linga si Katie na naglalakad pagbaba sa parking lot, pakiramdam niya may laging nakasunod sa kaniya. Simula nang magkaharap sila ni Zach, parang bumabalik ang pagiging militar niya. Bigla ay naging alerto siya sa mga nangyayari sa paligid.“Katie! Itigil mo na ang pag-iisip mong ganyan!” sita niya sa sarili.Ngunit hindi pa rin niya mapigilan tingnan bawat taong nakakasalubong niya. Kakaiba kasi ang kutob na nadarama niya. Alam niyang ipahahanap siya ni Zach— imposible ang hindi. Pero nahiling niya na sana huwag na lang. Na sana, mas manaig ang galit dito para hindi na siya magambala pa. Saka, may isang linggo na rin ang nakalilipas mula noong magkita sila, pero wala namang nangyayari. Baka umuwi na ito ng Pilipinas. Sana nga. . .Napabuntonghininga na lang siya.“Good morning, Dra. Katie,” bati ni Liberty sa kaniya.“Good morning, Liberty. How many patients do we have today?” Ibinaba niya ang bag sa lamesa niya at isinuot ang doctors’ coat.“Almost twenty patients, Dra.”Nap
Matagal bago nakakilos si Zach sa kaniyang kinatatayuan. Huli na noong magawa niyang ihakbang ang mga paa palabas sa restaurant na iyon pasunod kay Katie. Nakasakay na ito sa isang kotse habang dina-drive ng isang lalaki.Mabilis niyang kinuha ang cell phone sa bulsa. He called the intel of the army that based in Las Vegas. He described what he needed to know.“I need that information tonight. Do you understand?” ma-awtoridad na wika niya sa kausap, saka pinatay ang telepono.“Baby! Hey!” tawag ni Olivia mula sa entrance ng restaurant. Dahil sa nangyari, nakalimutan na niyang kasama niya nga pala ito.Lumapit ito sa kaniya. “Why did you leave me like that? I thought you were just in the bathroom,” anito saka ipinulupot ang kamay sa kaniyang braso.Pumiksi siya at inalalayan ito sa siko. “Wait here. I’ll call you a cab,” malamig niyang wika.Nangunot ang noo nito. “What’s wrong?”“Nothing.” Sinabayan niya iyon ng pag-iling.“Then, there’s nothing wrong if we head out together.” Ikinawi
“Liberty, can you make a coffee for me?” ani Katie sa kaniyang assistant.Nasa clinic siya noon at wala pang pasyente. Sinadya talaga niyang mauna roon para maging occupied siya at mawala sa isip ang mga bagay na gumugulo sa kaniya. Balak niya rin namang umuwi nang maaga, dahil pakiramdam niya unti-unting sumisikip ang mundo niya, at tanging ang mga anak lamang ang makapagpapagaan sa kaniyang dinadala.“Your coffee, Dra. Katie.” Ipinatong ni Liberty ang kape sa ibabaw ng kaniyang lamesa.“Thank you,” nakangiting sabi niya sabay higop sa kape. “By the way, Liberty, if you have any appointment outside today— you may go. We will close the clinic early.”Napakunot ang noo nito sa tinuran niya. Sana’y ito na kpag ganoong araw ay inaabot sila ng gabi.“Really, Dra? Why?”“I have an appointment, too,” pagsisinungaling niya.Tumango na lang ito at hindi na nagtanong pa. Inabala na nito ang sarili sa pag-aayos ng mga records.Maya-maya pa, sunod-sunod na naman pasyente at hindi na niya namalay