"ANDOY!" She called for that little boy.
Nakanguso naman sa kaniyang tabi si Pierce na pinanlakihan niya ng mata.
Tumakbo palapit sa kanila si Andoy at nang makita si Pierce sa kaniyang tabi ay umismid.
"Bakit ate Phoebe?" Tanong nito, ayaw pa rin balingan ng tingin ang kasama niyang lalaki.
"Ito, oh." Ibinigay niya sa bata ang mga biniling tsokolate at iba pang pagkain.
"Dalhin mo roon. Hati-hati kayo, ha? Walang mag-aaway." Bilin niya.
Malaki ang pagkakangiti ni Andoy nang kunin iyon sa kaniya ngunit naglaho din agad nang makita si Pierce. Bumusangot ito lalo.
"Siya ba ang crush niyo, ate?" Kuryuso nitong tanong, inginuso si Pierce.
Nagtaas naman ng kilay ang lalaki sa kaniyang tabi at tinitigan pa lalo ang inosinteng bata.
"Ah, oo." Natatawa niyang sabi.
"Kaya pala." Sabi n
MAHIGPIT niyang hinawakan ang seradura ng pinto, nangingilid na ang luha sa kaniyang mga mata pero pinigilan niya ang sarili na huwag umiyak. Abot-abot ang kaniyang kaba. The door made a creaking sound, ngunit hindi magigising ang mga taong nasa loob ng kwarto dahil lang sa mahinang langitngit na iyon.Marahan niyang inihakbang ang sariling mga paa papasok ng kwarto at lumapit sa malaking kama na naroon kung saan dalawang pares ng paa ang nakikita niya.Nanlamig ang buo niyang pagkatao nang lubusan siyang makalapit. Mas lalo pang nanginig ang kaniyang mga kamay at nanlambot ang kaniyang mga tuhod nang makita niyang tama nga siya ng hinala.Alam niyang kapwa hubad ang dalawang taong natatabunan ng makapal na kumot at tanging ang mga mukha lamang ang nakikita. Magkayakap pa ang dalawa at mahimbing na natutulog.Mariin niyang kinagat ang ibabang labi para hindi siya makagawa n
BAR, it is her second home. Liquor and loud music is the nature of her life, tila hindi mabubuhay ang isang Brianne Phoebe Henson kapag wala ang mga bagay na iyon. Doon lang siya mahahanap sa tuwing wala siya sa kaniyang condo, at himala kung hindi siya magpupunta roon tuwing gabi.Prente siyang nakaupo sa liquor counter habang sumisimsim ng inorder na Margaretta, she sexily sipped on like she's seducing every male species who's looking at her. Samantala, hindi na magkamayaw ang mga lalaki sa pagpigil na lapitan siya, at alam niyang konting-konti na lang dudumugin na siya.Yeah, she's like that. A temptation, a tease, a bitch, and she likes to be like that.Marahan niyang ibinaba ang hawak na babasaging baso at lumingon sa dance floor kung saan kitang-kita niya ang isang babae na halos palibutan na ng mga lalaki pero todo pa rin kung sumayaw at swabeng iniindak ang balakang sa saliw ng tugtugin. The wo
TITIG na titig si Phoebe sa babaeng ngayon ay kaharap ang kaniyang matalik na kaibigan at kulang na lang makipagsabunutan. Namumula pa ang mga mata nito, halatang kagagaling lang sa pag-iyak."Miss, hindi ko alam kung anong problema mo at kay aga-aga nambubulabog ka na rito sa café ko." Mahinahong sabi ni Love sa babae.Bigla na langi itong pumasok at galit na galit na hinahanap si Love. Kadarating pa lang nila kaya nabigla rin ang kaibigan niya na may naghihintay na pala ritong tigre. Si Karin ang nagbubukas ng café kaya pagkakarating nila bukas na ito."Huwag kang magmaang-maangang malandi ka!" Hasik nito habang dinuduro si Love. "Hindi mo 'ko kilala, ha?""I actually don't know you... really." Love answered calmly.Kaunti pa lang ang mga tao, tanging ang mga staff pa lang at dalawang customers ang narito."Ako ang
SHE can hear some familiar voices in her head. She tried her best to ignore it, pero mukhang hindi yata panaginip lang lahat kaya unti-unti niyang binuksan ang mga mata.The very familiar white ceiling greeted her, nakipagtitigan muna siya roon at hindi maproseso ng kaniyang isipan kung anong nangyari sa kaniya. Slowly, memories rushed to her.Naalala niyang may dumukot sa kaniya nang paalis na siya sa café ni Love. Agad siyang napabangon. She groaned in annoyance when her head hurts."D*mn." Mura niya at sinapo ang nanakit na parte sa kaniyang ulo."She's already awake." Anang isang boses ng babae.Tiningnan niya ang nagmamay-ari noon at para bang nanlamig ang buo niyang katawan nang makita ang kaniyang mommy na nasa isang single cushion at nakatingin din sa kaniya.There eyes met, those eyes.. those eyes that reflects her own golden brown eyes. Iyon
Lakad-takbo ang ginawa niya hanggang sa makalabas siya sa kanilang gate. Mabuti na lamang at saktong may padaan na taxi. Pinara niya iyon at dali-daling lumulan."Bilisan mo kuya." Utos niya rito nang masabi niya sa lalaki ang lugar kung saan naroon ang café ni Love.Nang umandar ang sasakyan, mahigpit niyang ikinuyom ang kamao at mariin na kinagat ang ibabang labi. Samu't saring pangyayari ang biglang dumumog sa kaniyang isip. Nakokonsensya siya na umalis siya, pero iyon ang pinakamagandang pagkakataon!Tears fell from her eyes, damang-dama niya ang pagsikip ng kaniyang dibdib. Marahas niyang pinunasan ang mga luhang naglandas sa kaniyang mukha. Hindi siya babalik, hinding-hindi siya babalik kahit ano pang mangyari.Alam niyang hindi nagbibiro ang kaniyang daddy sa sinabi nito. This time, kailangan niyang mag-ingat ng doble. Kung kinakailangan pang umalis siya ng Manila at magtago muna sa mal
HUMUGOT siya ng malalim na buntonghininga bago pinihit ang seradura ng pinto kung saan naroon ang kaniyang daddy. Nang tuluyan niyang mabuksan ang pinto, nakita niya ang kaniyang mommy at si Penelope... nakayakap sa isang lalaki na apat na taon din niyang hindi nakita, si Kevin. Nagtagis ang kaniyang bagang, sandaling sumikip ang kaniyang d****b pero pinilit niya ang sarili na huwag magpakita ng kahit na anong emosyon. And she mastered it. "Phoebe." Halos pabulong na sambit ng kaniyang mommy nang mapatingin ito sa kaniya. Nag-angat ng tingin si Penelope at tumingin sa kaniya maging ang asawa nito pero binaliwala niya iyon. "How is he?" She monotonously asked. "Wala kang karapatan pumunta rito!" Pigil ang boses na saad ni Penelope at kita ang galit at pagkamuhi sa namumugto nitong mga mata. Sandali niya itong tinapunan ng tingin at napairap sa hang
MARAHAS siyang napasandal sa swiveling chair at humugot ng malalim na buntong-hininga. She really hates sitting for too long. Ibinaba niya sa marmol na mesa ang hawak na sign pen at tinitigan ang nakabukas na folder kung saan kakatapos niya pa lang permahan ang ilang pahina nito.Napailing siya at mapait na ngumiti. Inilibot niya ang paningin. The office is very manly, well-organized and lifeless. A combination of white and gray is the motif of this office, ang tiles ay kulay puti habang ang ceiling at wall ng silid ay kulay abo. May mga painting na nakasabit at iyon lamang ang nagbibigay ng ibang kulay sa walangbuhay na opisina and obviously, it was her father's office.Tatlong araw na siyang nagtatrabaho bilang acting-CEO ng kompany at sa tatlong araw na iyon hindi niya maiwasang hindi mairita. Hindi dahil sa ayaw niya sa trabaho, kung hindi dahil sa isiping bumalik siya para sa pamilya niya at ngayon unti-unti n
SHE looks intently at the picture hanged on the wall. It's a family picture. Twelve years old siya doon habang thirteen naman si Penelope. Mas matanda lang ito sa kaniya ng isang taon kaya minsan napagkakamalan silang kambal.She's prettier than Penelope, she's confident and sure about that. Dati halos lahat ng bagay na meron siya dapat meron din ang kapatid niya, at kung ano ang meron si Penelope dapat sa kaniya lang iyon. People oftenly said magkamukhang magkamukha sila but now that they are already a grown up, ang dami ng pinagkaiba nila.Titig na titig siya sa larawan. Napakainosinte niyang tingnan roon, may mumunting ngiti sa kaniyang labi habang katabi niya ang kaniyang daddy at seryoso ang mukha. Nasa gitna silang dalawa ni Penelope at magkatabi, sa isa pang dulo naroon ang kaniyang mommy at matamis na nakangiti.Ang ganda ng pagkakakuha sa litrato. Naaalala niya pa ang araw na iyon. Ang araw kung kailan kaarawan
"ANDOY!" She called for that little boy.Nakanguso naman sa kaniyang tabi si Pierce na pinanlakihan niya ng mata.Tumakbo palapit sa kanila si Andoy at nang makita si Pierce sa kaniyang tabi ay umismid."Bakit ate Phoebe?" Tanong nito, ayaw pa rin balingan ng tingin ang kasama niyang lalaki."Ito, oh." Ibinigay niya sa bata ang mga biniling tsokolate at iba pang pagkain."Dalhin mo roon. Hati-hati kayo, ha? Walang mag-aaway." Bilin niya.Malaki ang pagkakangiti ni Andoy nang kunin iyon sa kaniya ngunit naglaho din agad nang makita si Pierce. Bumusangot ito lalo."Siya ba ang crush niyo, ate?" Kuryuso nitong tanong, inginuso si Pierce.Nagtaas naman ng kilay ang lalaki sa kaniyang tabi at tinitigan pa lalo ang inosinteng bata."Ah, oo." Natatawa niyang sabi."Kaya pala." Sabi n
PINAKIRAMDAMAN niya ang sarili nang tumigil sa kaniyang harap si Pierce. Inaasahan na niya na lalakas ang tibok ng kaniyang puso ngunit nagkamali siya, unti-unti iyong bumagal hanggang sa hindi niya malaman kung tumitibok pa ba ito."How did you know this place?" She asked calmly.She doesn't have to ask. Alam naman niyang ang kaniyang pamilya ang nagsabi. Hindi niya lang alam kung paano napapayag ni Pierce na sabihin sa kaniya ang lugar na ito.Naglakad siya papunta sa maliit na mesa na pinasadya sa ilalim ng malaking puno ng acacia. Inabot niya ang kaniyang see through at isinout iyon.Bumakat pa rin ang sout niyang itim na two piece ngunit pinagsawalang bahala niya iyon. Kinuha niya ang towel at pinunasan ang kaniyang mukha bago muling balingan ng tingin si Pierce na ngayon ay mataman sa kaniyang nakatingin.Nothing really changed. Aside from he grew a stubble, nothing r
SHE smiles as she watches the calm sea as the flirtious wind whispers on her ears. It tells her secrets about this country and its nature. The sky stretched bright and blue overhead. There is something in this place that could make her feel comforted and protected.Tahimik ang paghampas ng alon sa dalampasigan at may ilang kabataan ang nagdaan sa kaniyang harapan. Malaya silang naghahabulan habang umalingawngaw ang kanilang tawanan.Those children from the neighborhood.The contradicting words are here again. Peace and noise.Ngumiti siya nang makita ang isang batang babae na kumaway sa kaniya. Itinaas niya rin ang kamay para kumaway ngunit natigilan din nang makita ang isang batang babae na umismid nang makita siya.Anna, the little girl who waved her hand and Calista the little snobbish girl. Sa dalawang buwan niyang pananatili rito, nalaman na niya ang pangalan ng ilang batang
NARIRINIG niya ang kaguluhan sa loob ng silid hanggang sa marating niya ang hagdan. Mabilis ang bawat niyang hakbang. Mabilis din ang tibok ng kaniyang puso dahil sa pinaghalong galit at pagkabigla.She gritted her teeth and her hands fisted.Nasalubong niya ang driver na agad gumilid nang makita ang madilim niyang mukha.Ayaw niyang umiyak ngunit hindi pa man tuluyang nakakalabas ng bahay ay nagsitulo na iyon. Mabilis ang pagbuhos ng luha na pilit niyang pinaglalabanan. Sa tuwing pinupunasan niya'y mayroon na namang bago.Nanginginig ang kaniyang mga kalamnan, gusto niyang manakit ng mga oras na iyon ngunit ayaw niyang maging marahas."Phoebe!" Umalingawngaw sa boung kabahayan ang malakas na boses ni Pierce.Hindi siya nagpaawat. Tuloy-tuloy ang lakad niya hanggang sa makalabas siya ng bahay. Hindi siya lumingon kahit na naririnig niya ang yabag nito na sumu
SHE pulled Jerico for another set of desperate kiss. Hindi siya sigurado kung namalik-mata lamang siya o totoong naroon si Pierce at nakita niya. Nakapikit ang kaniyang mga mata at mapusok na hinahalikan ang lalaki ngunit iba ang dumudumina sa kaniyang isipan. Nang tugunin ni Jerico ang kaniyang mga halik at mas hapitin siya ng lalaki palapit ay malakas na tumambol ang kaniyang puso. She pressed her body to his. She wants to feel the warmth and passion but she feels nothing. Nag-init ang kaniyang mga mata. Namuo ang luha sa sulok niyon at rumagasa ang mga alaala sa kaniya. She doesn't believe in destiny since her boyfriend, Kevin, cheated with her sister. Kahit kailan hindi na siya naniwala na may magmamahal pa sa kaniya o tatanggap ng buo sa kung sino siya. Sa bawat lalaking nakilala niya, walang sinuman ang nagpabago sa kaniya. Walang nangahas na guluhin ang kaniyang
SA hapag kainan ay inanunsyo ni Penelope ang pagbubuntis nito. Maging si Kevin na tahimik na kumakain ay nabigla at agad napatingin sa asawa. Muntik pang mabitiwan ng kaniyang mommy ang hawak nitong baso."You're pregnant?" Her mommy asked softly.Masayang tumango si Penelope. Siya naman ay nagbaba ng tingin. Ibigsabihin, siya pala ang unang nakaalam sa bagay na iyon."Yes, I went to my OB this morning to confirm it and I'm really gonna have a baby." Masaya nitong sabi, hindi na matigil sa pagngiti."We're going to have a baby, Hon." Penelope faced her husband.Nakita niya ang pagdaan ng saya at takot sa mga mata ni Kevin. Mabilis itong nagbaba ng tingin sa tiyan ng babae at hinawakan iyon."Y-you sure?"Penelope laughed heartily."Yes.""Congrats, hija." Ang kanilang mommy nang makabawi na sa pag
SHE spent almost an hour staring to the crowds in the park. Malawak ang lugar at maraming tao. May iba't ibang pailaw din sa mga puno at maraming food vendors ang nagkalat.The place looks amazing and crowded. Ang ingay ay sapat para hindi na niya marinig ang mabilis na tibok ng kaniyang puso. She wants nothing but distraction."Hi." A young girl wearing pink dress approaches her.May dala itong cotton candy. Basa ang mga mata nito at namumula ang ilong at pisngi. Mukhang umiyak."Bakit?" Sinubukan niyang humukod upang makapantay ang batang babae."N-nanawala po k-kasi ako." Pag-amin nito.She tries to smile. May kaonting lungkot ang bumalot sa kaniya nang makita ang natatakot nitong mga mata. As a child, she's expecting her to be afraid. Inabot niya ang kamay sa bata."Come on, hahanapin natin sila."Kinuha nit
"PHOEBE?" Donna's husky voice echoes somewhere."Tumigil ka, Donna!" Sunod niyang narinig ang nagbabantang boses ni Patricia.May pagdadalawang-isip niyang nilingon ang lugar kung saan nanggaling ang mga boses at nang makita si Donna, Patricia, Jason at Jerico ay nanigas na lamang sa kinatatayuan.Nasa likod si Jerico kasama si Jason samantalang nakaantabay si Patricia sa pasuray-suray na si Donna. Sa kanilang lahat si Donna ang may pinakamaraming nainom. Kanina pa man ay lasing na ito at maingay."Holy f***! Ang gwapo." Donna shrieks and motions to come closer to them."Huwag na, Donna." Si Patricia na hinawakan ang babae sa braso bago ito hilahin palayo.Tumawa ang babae, kasunod ay ang pagturo nito sa kanilang direksyon."May boyfriend naman pala si Phoebe! Kung ganiyan ka-gwapo ang boyfriend ko surely as hell I would not deny him to m
NATAPOS ang gabi na hindi siya makapagpokus sa mga kasama. Kahit si Jerico, hindi niya na halos mapansin dahil lagi silang nagkakatinginan ni Love. Nangungusap ang mga mata nito, tila sinasabing huwag siyang gagawa ng kahit na ano dahil nakatingin si Pierce sa kaniya.Hindi niya makita ang lalaki kaya mas tumitindi ang frustrasyon niya."Let's dance!"Hinila siya patayo ni Donna at ni Love. Sumunod naman siya at nang makababa sila ng dance floor ay nakipagsiksikan sa mga tao roon. Hindi niya maramdaman na lasing siya. Parang wala namang epekto ang alak sa kaniyang sistema."Kanina ka pa binabantayan ni Pierce!" Pasigaw na sabi ni Love habang sumasayaw sila.She rolled her eyes. Hindi na niya napansin na naroon pa si Marisol. Parang wala ng babae sa grupo nila.Sumasayaw na siya't sinasabayan ang dalawa ngunit hindi siya komportable. Pakiramdam niya'y may naka