“AAAAAAHHHHHH!” Halos mayanig ang buo kong sistema dahil sa pagkalakas lakas na sigaw na nakapagpagising sa ‘kin. Ang sarap sarap pa naman sana ng tulong ko habang nakadapa, tapos bigla bigla akong mawiwindang sa sigaw na ‘yon. Kinusot-kusot ko muna ang mga mata ko. “Kai, ano ba?” Saway ko sa kanya. Napakurap kurap pa ito na tila hindi makapaniwala sa nakikita niya. “Hindi. Hindi ikaw si Eloisa. Doppelganger ka lang niya! H’wag mo akong kausapin at lumayas ka sa bahay ko!” sigaw nito na mukhang hindi pa rin convinced na ako ang kaharap niya. Hindi ba kapani-paniwala? “Kai, h’wag ka ngang mag-isip nang kung anu ano dyan. Kaninang madaling araw ako umalis ng mansiyon dahil ayaw kong magpang-abot pa kami ni Maximo sa umaga.” Pagpapaliwanag ko naman. “E bakit kasi nakadapa kang matulog? You’re creeping me out! Halos humiwalay ang katawan ko sa kaluluwa ko nang makita kong may naninigas na tao dito sa labas e alam ko naman na kami lang ni Maxine ang andito.” Pagpapaliwanag naman ni
“Ayos lang. Basta kapag kailangan niyo ng tulong o ano man, just tell me okay? Sigurado ako na hahanapin ka ni Maximo but don’t worry, hayaan na lang muna natin siya.”I just nodded. “Opo marami pong salamat. Iyan lang ho ba ang itinawag niyo?” I asked again.“Oo. Gusto ko lang masigurado na nakalipat na kayo at ayos lang kayong mag-ina. After all, kargo pa rin kayo ng Walton.”“Sige po, grandma--” Ibaba ko na dapat ang tawag nang putulin niya ang sasabihin ko.“And about Abigail, don’t worry, kakausapin ko siya tungkol sa pagpapakasal nila ni Maximo.”Napakagat ako ng labi. “I will file an annulment, Grandma. H’wag niyo na po silang pigilan. Ayaw ko na pong masaktan pa si Maximo.”“W-What?? s-sigurado ka na ba diyan, hija? Hindi iyan ganon kadali. H’wag mo namang kawawain ang sarili mo. Ipapaubaya mo na ba talaga ang apo ko?”Mas lalo ko pang kinagat ang labi ko para pigilan ang paghikbi ko dahil nararamdaman ko na naman ang pangingilid ng luha sa aking pisngi. Nag-iiinit na naman a
“Sir, ang sabi ng kaibigan wala na ho doon si Ms. Eloisa.”Pinatong ko sa table ang tasa ko nang marinig iyon. Wala naman siguro siyang ibang pupuntahan bukod doon sa kaibigan niya. Where did she go?“Really. . .wala ba siyang ibang nabanggit na pupuntahan?” Pag-uusisa ko.“Wala ho, e. Parang ayaw po magpahanap.”Napahimas ako sa panga ko. Saan naman siya magpupunta? At bakit siya umalis nang walang paalam? She is still my secretary. How dare she leave her work?Tinawagan ko agad si Kelvin. Sa palagay ko ay mas kilala niya si Eloisa more than I do.“Kelvin.” Malamig na wika ko sa kabilang linya.“O, bro. Napatawag ka? Aren’t you working out today?” tanong nito sa kabilang linya.“Nah, hindi na muna. Eloisa is missing. Can you help me find her?” I asked him.“Missing? Why the hell is she missing? Baka naman umalis lang?” sagot naman nito.Mas lalong umiinit ang ulo ko kapagka ganito. Pinahihirapan niya ba kaming lahat? Bakit bigla bigla na lang siyang naglalaho nang walang pasabi? Tha
ELOISA’S POV SUNOD sunod na tawag ang gumising sa akin sa gitna ng gabi. I received several calls from Kelvin. Napakunot noo ako. Hindi pa ba siya napapagod katatawag sa akin? Ayoko nga muna silang makausap. Padabog kong binalik sa bed side table ang cell phone ko. I was about to sleep again. Ipipikit ko na dapat ang mga mata ko nang muling mag-ring ito. Badtrip naman, e. Ano bang kailangan nila-- Kai? Si Kai ang tumatawag. “Hello, Kai? Bakit ba? Anong oras na o. gabing gabi na. Hindi ka pa rin natutulog? Aba’t nagawa mo pang tumawag? It’s too late to have chika okay? Bukas na lang ‘yan--” “Si Maximo, sinugod sa hospital.” Napalunok ako ng laway at agad na napabangon. “A-Ano?” “P-Pinapatanong ni Kelvin kung pwede ka raw bang magpunta sa hospital?” “H-Hindi. T-Tumanggi ka. And don’t ever tell them my address, naiintindihan mo ba, Kai? Nandiyan naman si Abigail so I suppose may mag-aalaga naman sa kanya. I already cut off my connections with him. Masaya na siya kahit wala ako. P
NANATILI siyang nakatitig sa akin samantalang ako ay ni hindi maihakbang palayo ang mga paa ko. I badly want to escape from here. Hindi ko alam kung paano sasagutin ang mga tanong niya. Iniisip niya ba na ginusto kong h’wag sabihin sa kanya ang totoo? I tried. Sinusubukan ko na ipakilala ang sarili ko sa kanya the moment I realized he has totally forgotten about me, pero mas lalong magiging masakit dahil alam ko na mahihirapan ako na paniwalain ang isang taong nabura na ang alaaala tungkol sa ‘kin. Napawi ang mga ngiti ni Maximo. I was the witness how his tears roll down his cheeks. Parang sinusugatan ang puso ko nang makita ko ang mga mata niya na napuno ng luha. Patawad, Maximo. Patawarin mo ako kung sinikreto ko--- namin mula sa ‘yo. Iyon ang mga salitang gustong sabihin ng isip ko pero tila ayaw lumabas sa bibig ko. “S-Sagutin mo naman ako,” umiiyak na pakiusap nito. Umiwas ako ng aking tingin dahil pakiramdam ko ay ako naman ang luluha habang pinagmamasdan ko siya. Hindi ko
But how did he know about my lies? Paano niya nalaman na nagsisinungaling lang ako? Na nagkunwari akong hindi parte ng buhay niya? “Hay! Nakakainis naman kasi ‘yang boss ko, e. balasubas rin. Tapos iiyak iyak siya kanina? Deserve niyang lumuha ng isang balde sa pag-ahas niya sa asawa mo. Alam mo, kung pwede ko lang siyang sabunutan, ginawa ko na e. pasalamat siya boss ko pa rin siya kahit na anong mangyari.” Kung pakikinggan ay mas iritable pa si Kai sa nangyayari e. ako kasi tamang iyak lang samantalang siya, kulang na lang pumasok sa katawan ko na para bang siya pa itong biktima. Ganyan yata talaga ako kamahal nitong si Kai. “What if tawagan ka ulit nila Kelvin?” tanong niya pa ulit matapos ang ilang sandaling katahimikan. Akala ko ay tatahimik na ito dahil kumakain na siya pero hindi pa rin pala sapat na busalan niya ang bibig niya ng foods dahil wala pa rin siyang ikatatahimik. Hmp! “Hahayaan ko na lang muna sila. Paano akong makaka-establish ng sarili kong business ngayon kun
Hindi pa man siya nakakasagot ay nagsalita ako ulit. “Umalis ka na.” Pagdidiin ko. Pero hindi ko inasahan ang sumunod na ginawa niya. “Please? H-Help us.” aniya habang nakaluhod sa harapan ko. Iniwas ko ang tingin ko. “Eloisa, patawarin mo ‘ko. Matapos kong malaman na gusto kaming bigyan ng pagsubok ni great grandpa para sa mana, nawala na ako sa huwisyo ko dahil sa mana. I admit I became greedy. I admit I did broke up with you for money. Patawarin mo ako kung pinagtaksilan kita at pinagpalit sa ate mo. Patawad.” Rinig na rinig ko ang paghagulgol nito. I hate to see him this way. Nagmumukha tuloy na ako ang nagpaiyak sa kanya. He must face the consequences of his actions. “Tumayo ka na dyan. Kalimutan mo na ang lahat nang ‘yon kung pwede lang. Huwag mo nang ulit ulitin o ibalik pa ulit dahil tapos na ‘yon. Naka-move on na ako. Hindi ka pa rin ba napapagoda na ipamukha sa akin na mas mahalaga pa ang pera kaysa sa akin? Good thing Maximo already told me about his intuition. At mukh
“Bakit ba kasi kayo nagpunta dito?” pag-uusisa naman ni Kai. “Hinatid lang namin si Maximo.” Si Kelvin ang sumagot. “And?” “And we need to take you out because we ‘re going on a date.” Hirit pa ni Enrico saka niya biglang binuhat si Kai na parang isang sakong bigas. Napatili ito. “Aaaahhh!!! ibaba mo ako, punyemas ka!” “Wag kang malikot dahil kapag binaba kita, bukol ang aabutin mo.” Pagbabanta ni Enrico. Sumunod naman sa kanya si Kelvin sa labas. Napasinghap ako sa gulat but I ended up laughing kasabay ng anak ko. Until I suddenly realized. . .tatlo na lang pala kaming naiwan ni Maximo at Maxine sa sala. I gulped. Sabay iwas ng tingin ko. I was breathing heavily. “Where are they going to take her?” nagtatakang tanong ng anak ko sabay kunot ng noo niya. Pinagpapawisan na talaga ako ng malamig. “Mamamasyal lang, Maxine. Sandali, do you want to play in your room instead? Mag-uusap lang kami ni Mr. Grumpy.” I asked her. Tulad ng inaasahan ay wala akong pagtutol na nakita sa m