“Sir, ang sabi ng kaibigan wala na ho doon si Ms. Eloisa.”Pinatong ko sa table ang tasa ko nang marinig iyon. Wala naman siguro siyang ibang pupuntahan bukod doon sa kaibigan niya. Where did she go?“Really. . .wala ba siyang ibang nabanggit na pupuntahan?” Pag-uusisa ko.“Wala ho, e. Parang ayaw po magpahanap.”Napahimas ako sa panga ko. Saan naman siya magpupunta? At bakit siya umalis nang walang paalam? She is still my secretary. How dare she leave her work?Tinawagan ko agad si Kelvin. Sa palagay ko ay mas kilala niya si Eloisa more than I do.“Kelvin.” Malamig na wika ko sa kabilang linya.“O, bro. Napatawag ka? Aren’t you working out today?” tanong nito sa kabilang linya.“Nah, hindi na muna. Eloisa is missing. Can you help me find her?” I asked him.“Missing? Why the hell is she missing? Baka naman umalis lang?” sagot naman nito.Mas lalong umiinit ang ulo ko kapagka ganito. Pinahihirapan niya ba kaming lahat? Bakit bigla bigla na lang siyang naglalaho nang walang pasabi? Tha
ELOISA’S POV SUNOD sunod na tawag ang gumising sa akin sa gitna ng gabi. I received several calls from Kelvin. Napakunot noo ako. Hindi pa ba siya napapagod katatawag sa akin? Ayoko nga muna silang makausap. Padabog kong binalik sa bed side table ang cell phone ko. I was about to sleep again. Ipipikit ko na dapat ang mga mata ko nang muling mag-ring ito. Badtrip naman, e. Ano bang kailangan nila-- Kai? Si Kai ang tumatawag. “Hello, Kai? Bakit ba? Anong oras na o. gabing gabi na. Hindi ka pa rin natutulog? Aba’t nagawa mo pang tumawag? It’s too late to have chika okay? Bukas na lang ‘yan--” “Si Maximo, sinugod sa hospital.” Napalunok ako ng laway at agad na napabangon. “A-Ano?” “P-Pinapatanong ni Kelvin kung pwede ka raw bang magpunta sa hospital?” “H-Hindi. T-Tumanggi ka. And don’t ever tell them my address, naiintindihan mo ba, Kai? Nandiyan naman si Abigail so I suppose may mag-aalaga naman sa kanya. I already cut off my connections with him. Masaya na siya kahit wala ako. P
NANATILI siyang nakatitig sa akin samantalang ako ay ni hindi maihakbang palayo ang mga paa ko. I badly want to escape from here. Hindi ko alam kung paano sasagutin ang mga tanong niya. Iniisip niya ba na ginusto kong h’wag sabihin sa kanya ang totoo? I tried. Sinusubukan ko na ipakilala ang sarili ko sa kanya the moment I realized he has totally forgotten about me, pero mas lalong magiging masakit dahil alam ko na mahihirapan ako na paniwalain ang isang taong nabura na ang alaaala tungkol sa ‘kin. Napawi ang mga ngiti ni Maximo. I was the witness how his tears roll down his cheeks. Parang sinusugatan ang puso ko nang makita ko ang mga mata niya na napuno ng luha. Patawad, Maximo. Patawarin mo ako kung sinikreto ko--- namin mula sa ‘yo. Iyon ang mga salitang gustong sabihin ng isip ko pero tila ayaw lumabas sa bibig ko. “S-Sagutin mo naman ako,” umiiyak na pakiusap nito. Umiwas ako ng aking tingin dahil pakiramdam ko ay ako naman ang luluha habang pinagmamasdan ko siya. Hindi ko
But how did he know about my lies? Paano niya nalaman na nagsisinungaling lang ako? Na nagkunwari akong hindi parte ng buhay niya? “Hay! Nakakainis naman kasi ‘yang boss ko, e. balasubas rin. Tapos iiyak iyak siya kanina? Deserve niyang lumuha ng isang balde sa pag-ahas niya sa asawa mo. Alam mo, kung pwede ko lang siyang sabunutan, ginawa ko na e. pasalamat siya boss ko pa rin siya kahit na anong mangyari.” Kung pakikinggan ay mas iritable pa si Kai sa nangyayari e. ako kasi tamang iyak lang samantalang siya, kulang na lang pumasok sa katawan ko na para bang siya pa itong biktima. Ganyan yata talaga ako kamahal nitong si Kai. “What if tawagan ka ulit nila Kelvin?” tanong niya pa ulit matapos ang ilang sandaling katahimikan. Akala ko ay tatahimik na ito dahil kumakain na siya pero hindi pa rin pala sapat na busalan niya ang bibig niya ng foods dahil wala pa rin siyang ikatatahimik. Hmp! “Hahayaan ko na lang muna sila. Paano akong makaka-establish ng sarili kong business ngayon kun
Hindi pa man siya nakakasagot ay nagsalita ako ulit. “Umalis ka na.” Pagdidiin ko. Pero hindi ko inasahan ang sumunod na ginawa niya. “Please? H-Help us.” aniya habang nakaluhod sa harapan ko. Iniwas ko ang tingin ko. “Eloisa, patawarin mo ‘ko. Matapos kong malaman na gusto kaming bigyan ng pagsubok ni great grandpa para sa mana, nawala na ako sa huwisyo ko dahil sa mana. I admit I became greedy. I admit I did broke up with you for money. Patawarin mo ako kung pinagtaksilan kita at pinagpalit sa ate mo. Patawad.” Rinig na rinig ko ang paghagulgol nito. I hate to see him this way. Nagmumukha tuloy na ako ang nagpaiyak sa kanya. He must face the consequences of his actions. “Tumayo ka na dyan. Kalimutan mo na ang lahat nang ‘yon kung pwede lang. Huwag mo nang ulit ulitin o ibalik pa ulit dahil tapos na ‘yon. Naka-move on na ako. Hindi ka pa rin ba napapagoda na ipamukha sa akin na mas mahalaga pa ang pera kaysa sa akin? Good thing Maximo already told me about his intuition. At mukh
“Bakit ba kasi kayo nagpunta dito?” pag-uusisa naman ni Kai. “Hinatid lang namin si Maximo.” Si Kelvin ang sumagot. “And?” “And we need to take you out because we ‘re going on a date.” Hirit pa ni Enrico saka niya biglang binuhat si Kai na parang isang sakong bigas. Napatili ito. “Aaaahhh!!! ibaba mo ako, punyemas ka!” “Wag kang malikot dahil kapag binaba kita, bukol ang aabutin mo.” Pagbabanta ni Enrico. Sumunod naman sa kanya si Kelvin sa labas. Napasinghap ako sa gulat but I ended up laughing kasabay ng anak ko. Until I suddenly realized. . .tatlo na lang pala kaming naiwan ni Maximo at Maxine sa sala. I gulped. Sabay iwas ng tingin ko. I was breathing heavily. “Where are they going to take her?” nagtatakang tanong ng anak ko sabay kunot ng noo niya. Pinagpapawisan na talaga ako ng malamig. “Mamamasyal lang, Maxine. Sandali, do you want to play in your room instead? Mag-uusap lang kami ni Mr. Grumpy.” I asked her. Tulad ng inaasahan ay wala akong pagtutol na nakita sa m
Mga mata pa lang namin ni Maximo ang magkasalubong pero halos malunod na ako. Pakiramdam ko ay habol habol ko ang hininga ko while looking at his eyes. I couldn’t utter any more words. All I know is that he’s here and he can clearly remember me as his wife.Tahimik lang kaming dalawa at wala nang nagsalita. It was a long moment of silence until a scream shocked the both of us.“Mommy! Help!” sigaw ni Maxine.Nataranta ako na napatayo. “Anak, anong nangyari?!” kulang na lang ay lumipad ako papunta sa kwarto namin ni Maxine. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko.Dali dali kong binuksan ang pintuan and good thing it’s not locked. “Maxine, anak? Bakit?! mommy’s here!”“It’s a prank!” anito pa habang tawang-tawa sa naging reaksyon ko. She can’t stop laughing. Instead, napahawak pa siya sa tyan niya sa katatawa dahil sa pangpa-prank niya sa ‘kin.Napabuga ako ng hangin at kasabay non ay ang pagsalubong ng dibdib ko. “Maxine!” pinandilatan ko siya ng mata kaya agad siyang napayuko at nanahi
“Eloisa my dear!” Napalingon ako sa may kabilang hallway nang marinig ko ang boses ni grandma. I knew it was her from her voice alone. Napangiti ako. Nakaka-miss rin kapag tinatawag niya ako ng ganon. I feel like so dear and close to her. Para ngang apo na rin niya ako.“Grandma! Na-miss ko ho kayo.” maluha luha pa ako nang bigkasin ko ang mga salitang iyon.“At sa tingin mo ba, ako hindi kita na-miss? Matagal na rin kasi na hindi tayo nagkakausap because of everything that happened kaya kita inimbita rito. Besides, bahay mo rin naman ito, e. bahay niyo ni Maximo.“Salamat, grandma for welcoming me here always. Kahit na may mga araw na ang hirap nang i-handle ang lahat. You never got tired of Maximo and I.”“Bakit ko naman iyon gagawin? The moment we knew each other, I said to myself that I found the perfect one for my great grand child. Totoo ‘yan!”Natawa ako hindi dahil hindi ako naniniwala pero kasi, it was pure coinsidence dahil nang mga oras na ‘yon ay hindi naman talaga alam n
Ang sakit ng katawan ko nang gumising ako kinaumagahan. Nahirapan pa akong tumayo dahil nakailang rounds kami ni Maximo kagabi. Hindi niya ako tinigilan hangga’t hindi sumuko ang katawan niya. He threw himself on the bed when we finished. Tapos humirit pa ito kinagabihan. It’s like nag-ipon lang siya ng kaunting energy saka siya sumabak ulit. My gosh. I couldn’t feel my pearl down there anymore. Everyone was so busy helping me with the opening of the botique. Dahil sa pagod ay napatulala na lang ako sa isang gilid. Maging si Maximo ay mas aligaga pa nga sa pagtawag sa ‘kin. Ang sabi niya kasi ay mali-late siya sa opening. Magtatampo na nga sana ako pero dahil work related iyon, hindi naman ako makapagtampo dahil ayaw ko naman na isipin niya na napaka-imature ko naman. Hindi na kami mga teenagers para pag-awayan ang mga ganong bagay. “Huy!” Panggugulat ni Kai dahilan para mapatalon ako sa kaba. “What the heck, Kai! Bakit ka ba nanggugulat?” high pitch kong sagot. Napahawak pa ako sa
MONTHS after our daughter has been discharged of hospital, nabalitaan namin na umusad na rin pala ang kaso laban kay Abigail. Nasa kulungan na siya ngayon at malaking tulong ang ebidensya na hawak laban sa kanya para maipakulong siya. Kung ako ang tatanungin kung mapapatawad ko ba siya? I bet not. Maybe not now, not tomorrow, hindi ko alam. Ang alam ko lang, hindi ko matanggap ang ginawa niya sa anak ko. My daughter is suffering now. Ultimo paglalakad ay nahihirapang gawin ng anak ko. She’s not as cheerful as she was before. Iyon ang bagay na pinakana-mi-miss ko sa kanya. Mabuti na lang talaga at hindi napuruhan ang buto ng anak ko. It only caused minimal damage to her foot. Pag nagkataong napuruhan siya, baka mapatay ko na lang si Abigail. Nasa balcony ako ngayon ng kwarto ni Maximo and he’s still sleeping nang huli ko siyang tingnan. Nakatanaw lang ko mula dito sa taas. Nakatanaw sa anak ko. Nasa garden siya at nakaupo lang sa wheeled chair. She’s watching her cousins play at the ga
“O-Okay po, m-mommy. What is it that y-you will say?” kunot noo at inosente nitong tanong.Napatingin ito kay Maximo sabay kunot ng noo niya. “Mr. Grumpy? Why are you crying?” nagtataka na tanong niya.Nasasaktan nat lahat pero palatanong pa rin tong anak ko.Sasagot pa sana si Maximo pero pinigilan ko na agad siya. Hinawakan ko ang kamay niya. Saka ako kumapit sa braso niya.“Sweety, you want to meet your daddy right? You met him in your dreams?” I asked.“Yes po.” she answered. It’s not as cheerful as her voice always sound but at least, she’s responding well.“It turned to reality just now, my love. You want to know why?” nakangiti ko pang tanong habang nagpupunas ng luha.Mas lalong tumindi ang pagkakakunot ng noo niya. “Why mommy?”Mas lalo ko silang pinaglapit ni Maximo. I know she’s starting to wonder but alam ko rin na naghihintay rin siya na ipaliwanag ko sa kanya.“Mr. Grumpy is your daddy, anak. Meet your dad.” Pagpapakilala ko.“You’re not lying mom aren’t you?” Paninigura
Inihiga ko siya sa isang vacant bed. Hawak niya pa rin yung flowers at hindi niya talaga iyon binibitawan. Natatawa nga ako habang pinagmamasdan siya na yakap yakap ang mga bulaklak. “Eloisa, pwede mo naman ipatong muna yan sa round table. Hindi mo naman kailangang itabi sa pagtulog, e.” Saway ko sa kanya. “No, I want to. Saka, sa ‘yo galing to. I treasure everything that you give me..” nagpapa-cute pa ito habang nakahiga na. Para siyang bata but how can I resist such cuteness? “Ang ganda mo.” Ngumiti ito ng pagkatamis tamis. “Gwapo mo rin, Sir. Pwde pa-kiss?” Pagbibiro niya pa. Akala niya siguro hindi ko gagawin ha? “Lumapit ka sa ‘kin at hahalikan kita. Kung gusto mo, sobra pa sa halik.” wika ko sa nang-aakit na tono. “Tsee! H’wag ka nga diyan. Hospital to okay? Hindi hotel. Saka akala ko ba ipagpapahinga mo ako? Bakit humihirit ka diyan?” Sinasabi ko na nga ba at magrereklamo siya agad. Kailan ba siya hindi nagreklamo? Sanay na rin ako kaya patawa-tawa na lang ako ngayon. An
Hindi ko inasahan na ganon kabilis ang paggising niya nang hawakan ko pa lang ang likod niya.“Wife,” usal ko.She was about to ignore me pero bago niya pa magawa iyon ay hinila ko na siya para yakapin ng mahigpit. Napatayo siya dahil sa lakas ng pagkakahila ko sa kanya. Nakataas pa nga ang kilay nito at nagsusuplada pa sa ‘kin.“Sorry na, wife. Sorry if I didn’t listen to you, okay?” mapanuyo kong bigkas.I badly want to make her feel na seryoso ako at sincere sa paghingi ko ng tawad sa kanya. If there’s a time to make up with everything, ito na ‘yon. Bawat araw ay panibagong araw para patunayan ko sa kanya na sa kanya lang umiikot ang mundo ko. Na mahal ko siya more than anything else. She’s my life-- no. They’re my life. Siya at si Maxine. Ang unica hija namin.“Bakit ka pa bumalik? I told you to leave, right?”“Wife naman, I came back dahil mali ako. Okay? Mali ako na inakala ko na hindi magagawa ni Abigail ang ganon kasamang bagay. Mali ako na pinaramdam ko sa ‘yo na sa kanya ak
MAXIMO’S POVNAGMAMADALI akong umuwi para tumulong sa imbestigasyon ng kaso. As a lawyer, magagamit ko rito ang pinag-aralan ko. I know the police officers can do their job but I think, mas bibilis ang usad kapag nag-conduct rin ako ng sarili kong imbestigasyon. But before I go home, sumaglit muna ako sa bahay nina Abigail. I badly wants to hear from her. Gusto kong marinig ang panig niya kung may kinalaman ba talaga siya sa nangyari. At kapag nalaman ko lang, hindi ko alam kung anong magagawa ko.“Abigail!” sigaw ko agad kahit nasa labas pa lang ako ng gate nila. Pero nagtataka ako kung bakit bukas iyon.Isa pa sa ipinagtataka ko ay kung bakit nandito sa labas yung sasakyan ng mga body guards ni daddy. Is he here? Kunot noo kong tanong sa isipan.Nang pumasok ako ay hindi ko akalain na makikita ko si Daddy. He seems to be having a fight with Abigail. Hawak rin ng mga body guards si Abigail sa braso nito dahilan kaya hindi ito makawala.What on earth is happening?“Dad? Anong nangyaya
Pinagsasabunutan ko na ang sarili ko.Nag-iiyakan pa rin ang mga ito.“Sis, hwag ka namang ganyan o. nasasaktan kami kapag nakikita ka naming nagkakaganyan, e. magiging okay si Maxine. She’ll wake up at ikaw ang una niyang hahanapin kaya hindi ka pwedeng humarap sa kanya na mahina, naiintindihan mo ba? Ikaw ang pagkukunan niya ng lakas.”I still cried like a river. Kahit pilitin kong tumahan, hindi ko magawa. Sinusubukan ko naman e. ang hirap lang talaga dahil pakiramdam ko tinanggalan ako ng isang paa.“Eloisa!”Napaangat agad ako ng tingin at hindi ko na napigilan pa ang sarili kong mapatayo when I saw Maximo na hinihingal pa at kararating lang sa hospitl. He’s standing in front of me looking so worried.“Maximo.” Napatayo ako agad para yakapin siya. I need his hug more than anything else. Nanghihina na ako kaiiyak. Hindi ko alam kung hanggang kailan pa pahihirapan ang buhay namin na para bang walang katapusan.“Sorry if I was late. Nag-report na ako sa police and don’t worry. Nasa
Napalunok ako ng laway. Ito na talaga ang hinihintay ko. I wonder what Maxine’s reaction will be once she finds out?Matuwa naman kaya siya kapag nalaman niya na ang daddy niya ay si Maximo? I am feeling a bit nervous. I hope everything goes well.“Sure. I will. H’wag kang mag-alala. Bukas na bukas rin ay nandyan na kami.” I assured him.“Wait. . . I will ask my men to pick you there. Don’t bother to drive on your own or commute, okay? Gusto ko sanang ako ang sumundo sa inyo, but I want to surpise that little girl kaya bukas na lang. I am excited to see her precious reaction.”Natawa ako. “Okay, okay. That will be great I guess. Sige na, ibaba ko na ang tawag--”“Wait, Eloisa.”“Why?” I asked him.“I love you,” he whispered on the line.“I-I think I can’t respond to that right now.” Naiilang kong sagot habang nakatingin kay Maxine. For sure nakikinig na naman ang batang yan e.“Bakit naman?” I can already imagine Maximo’s face na nakanguso dahil hindi napagbigyan.“Alam mong may littl
Naiiyak na naman ako. Habang sinasariwa ko kasi ang nakaraan, nasasaktan ako. Paulit ulit itong nag-iiwan ng sugat na parang hindi gumagaling.Napayuko ako “T-Tama na ho, Mr. Maximilio. Nasasaktan na ho kasi ako.” Awat ko sa kanya nang maramdaman ko na ang pag-iinit ng sulok ng mga mata ko. I am about to cry.“But I came here to say sorry and to welcome you to the family whole heartedly, Ms. Eloisa.”Agad kong inangat ang mga tingin ko sa kanya. “P-Po?” totoo ba ang sinasabi niya? Wala na ba iton halong pagpapanggap? Baka naman nang eechos lang ito ulit like the first time he saw me?“Hindi na ba kapani paniwala?” alanganin niyang tanong.Napakamot ako ng ulo. I guess, I need to forgive everyone now. Mahirap nga naman umusad kapag may nagho-hold back pa rin sa puso mo.“Ayos lang ho. Ang mahalaga, you came here to sincerely apologize. Mas mahirap po patawarin ang isang taong kailan man, hindi kayang humingi ng kapatawaran.”Napangiti si Mr. Maximilio. “Tama nga ang sabi ni Mama.”Napa