Share

Chapter 2

last update Huling Na-update: 2022-11-04 15:19:22

BEREAVEMENT

"A—anong oras ka pala uuwi mamaya Terrence?" Alanganin niyang tanong.

Mula sa pagkababa nito ng hagdanan ay kunot noong napalingon sa kanya ang asawa.

"Why are you asking me that?"

"K—kasi…Balak sana kitang ipagluto ng paborito mong chicken curry, mas masarap yun kapag bagong luto diba?"

Nagpakawala ng mapang uyam na ngiti si Terrence kaya nagtataka siyang tumingin dito.  "Yan lang ba talaga ang dahilan mo o gusto mo lang malaman kung saan ako pupunta."

"H—hindi sa ganun Terrence, gusto ko lan—"

"Oh, just cut the crap Corazon! Gusto mo lang talaga akong manmanan dahil desperada ka. Diba nakipagsabwatan ka pa kay mommy para lang maikasal tayo? At dahil dyan sa kadesperadahan mo ay kaya mong sirain ang buhay ng pinsan mo! Diba?!" Asik nito at hinawakan ng mahigpit ang kanyang mukha.

Unti unting namamasa ang kanyang mata. Kahit na gustong gusto niyang makasal sa lalaki ay hindi niya magagawang sirain ang buhay ni Lara kahit kailan. Hindi rin niya ito hiniling sa mga magulang nila, kusa lang na dumating ang alok ng ginang na Saavedra sa kanyang harapan na agad niya ring sinunggaban. Kung may pagkakamali man siyang nagawa, yun ay ang hindi niya pagsunod sa kagustuhan ni Terrence na umatras siya sa kasal.

"Hindi ko kayang gawin yun Terrence…Maniwala ka sa'kin," pagsusumamo niya.

"Yeah," sarkastiko nitong tugon saka siya binitawan "...cut the drama Corazon. You're such a manipulator bitch kaya hindi ako madadala dyan sa acting at iyak mo!"

Tinapunan siya nito ng masamang tingin bago tumalikod at lumabas ng bahay. Bahagya pa siyang napapitlag dahil sa lakas ng pagkakasara ng lalaki sa pinto. Muli siyang naiwang mag isa sa kanilang malaking bahay na naging saksi na ng kalungkutan niya.

Habang nagpupunas siya ng mga pigurin ay tumunog ang telepono. Dali dali niya itong pinulot at umupo sa sofa.

"Hello Corazon anak?"

"Mama…" Mahinang anas niya.

Kahit pambungad pa lang ng ina niya, naiiyak na siya sa labis na pangungulila dito. Terrence decided to live in Manila dahil nandito ang trabaho nito kaya kahit labag sa loob niyang iwanan ang lupang kinagisnan at mamuhay sa magulong syudad sinuong niya ang hindi pamilyar na pamumuhay makasama lang ang asawa.

"Kamusta ka na dyan? Ayos ka lang ba? Hindi ka ba

pinapabayaan ni Terrence?" Sunod sunod nitong tanong.

Mariin siyang napapikit. Minsan naiisip na niyang magsumbong ng hinaing sa mama niya para naman gumaan ang saloobin niya kahit papaano pero alam niyang hindi iyon makabubuti sa relasyon nila ni Terrence at ng dalawang pamilya. Terrence's father Thiago Saavedra and her father Crisostomo are best friends. Ano na lang ang mangyayari kapag nalaman ng papa niya na sinasaktan siya ng kanyang asawa?

"A—ayos lang po ako Mama, maalaga po si Terrence sa akin kaya huwag po kayong mag alala."

"Talaga? Teka bakit parang sinisipon ka anak? Umiiyak ka ba dyan?"

"Naku! Namiss ko lang po kayo kaya ako naiyak," kinagat niya ang pang ibabang labi para pigilin ang kanyang hikbi.

Patawarin nawa siya ng Panginoon sa mga kasinungalingan niya.

"Bakit pa ba kasi kayo lumayo eh pwede namang manatili kayo dito sa hacienda sa Bukidnon diba?" Nagtatampong wika ni Amira.

"K—kasi…Kasi marami pang project si Terrence, Ma. Kaya hindi pwede pero hayaan niyo po at pakikiusapan ko po siya."

"Sige ha, aasahan ko yan anak."

"Kamusta po pala si Papa, Ma?" Pag iiba niya ng usapan.

Miss na miss na rin niya ang ama. She was a daddy's girl kaya ganun na lang  siya nahirapang mag adjust sa buhay niya dahil unang beses niya ring nawalay sa mga ito.

"Ayun, sobrang busy na sa hacienda anak pero 'wag kang mag alala. Ayos lang ang daddy mo. Malakas pa sa kalabaw yun," biro nito at binuntunan ng tawa.

She felt guilty about it dahil siya na dapat ang mag aasikaso ng business nila lalo't nag iisa siyang anak pero dahil nag asawa na siya ay napilitan din siyang tumigil.

"Pasensya na po kayo Mama kung hindi na ako nakakatulong sa in—"

"Ano ka ba Corazon, ang mahalaga ay basta masaya ka, masaya na rin ako, kami ng daddy mo."

"I love you Ma."

"I love you too anak…"

Matapos ang tawag ay hindi na niya napigilan pang sumabog ang kanyang pininigilang emosyon sa dibdib. She will just cry dahil yun lang ang paraan niya para maibsan ang sakit na nararamdaman. She was hurt by the changes in her life but losing Terrence hurts more. Hindi niya kaya at pakiramdam niya, mamatay siya kapag naghiwalay sila.

Masaya siya ng maagang narinig ang ugong ng sasakyan ng asawa. Alas syete pa lang ng gabi ay nandito na ito kaya naninibago siya. Madalas hating gabi o di kaya ay madaling araw na kasi itong umuwi.

"Good Evening Terrence, maaga ka palang uuwi ngayon?" Masiglang bungad niya sa asawa pero nilampasan lang siya nito at parang walang nakita.

Sinundan niya si Terrence at inalalayang mahubad ang coat nito saka kinuha ang attache case na dala ng asawa. Nang humarap siya sa lalaki, nakita niya ang markang lipstick sa kwelyo ng longsleeve nito. Sinundan naman ni Terrence ang mga mata niya at napaismid ang lalaki.

"Ngayon ka pa ba nakakita ng ganyan? You saw something more than like this Corazon kaya wag kang aarte dyan na parang maiiyak ka na. Napaka OA mo talaga," pang aasar nito saka siya tinalikuran at umakyat sa silid nito.

Naiwan siyang namamasa ang mga mata habang mahigpit ang hawak sa coat ng kanyang asawa. Unang beses na magdala ng babae si Terrence sa pamamahay nila ay hindi niya napigilang tingnan ang ginagawa ng dalawa pero nagsisi siya sa naging desisyon. Nasaksihan niya kung paano gumuho ang kanyang mundo ng makita sa unang pagkakataon ang kataksilan ng asawa.

Ilang araw siyang hindi nakatulog at nakakain ng maayos dahil sa sakit na kanyang naranasan. Para bang namanhid ang buo niyang katawan at nawalan siya ng lakas. Hindi rin siya makakilos ng maayos dahil madalas siyang tulala na ikinagalit ni Terrence at dumating pa sa puntong nasaktan siya ng lalaki ng pisikal.

Hindi nagtagal nakita niyang pababa ng hagdanan ang asawa habang bihis na bihis na.

"Saan ka pupunta, gabi na tsaka nakahanda na ang mesa Terrence."

"Just eat on your own."

"Pero nagluto ako ng pabori—"

"Could you just shut up!" Napaatras siya sa gulat dahil sa lakas ng boses nito. "Nakakairita marinig yang mga sinasabi mo! Just stop acting like a perfect wife dahil hindi bagay sayo!"

"Gusto lang naman kitang alagaan Terrence at tsaka asawa mo ako at hindi kung sino lang," paliwanag niya.

Mas lalo lang nagliyab ang poot sa mga mata ng lalaki sa sinabi niya. Agad nitong hinablot ang kanyang braso at pinanlisikan siya ng mata. "Kasal tayo pero sa papel lang kaya wala kang karapatang pagsabihan ni tanungin ako ng kung ano ano!" May diin nitong bigkas saka marahas siyang binitawan.

"Hindi bagay sayo ang tawaging asawa ko, Corazon. Alam mo ba kung anong papel mo sa buhay ko? Taga silbi lang kita dahil kahit sa pagiging puta hindi ka papasa!"

"Terrence…"

Nginisihan siya ng lalaki "…why? Are you hurt? I already told you before pero hindi ka nakinig so bear with it," malamig nitong bigkas saka siya iniwan.

Hindi nagtagal, narinig na lang niya ang ugong ng sasakyan palayo. Napabuntong hininga siya. Saan na naman kaya maglalakwatsa si Terrence. Sigurado siyang babae na naman ang kikitain nito or worse ay dadalhin ulit sa kwarto ng asawa o 'di kaya kasama na naman nito ang mga barkada.

Kailan ba darating ang panahon na tatanggapin siya ng asawa. May pag asa pa kayang mangyari yun o habang buhay na lang siyang magdudusa sa piling ng lalaking mahal niya?

Kaugnay na kabanata

  • MARRIED to a HEARTLESS COWBOY   Chapter 3

    AGGRAVATEDNaalimpungatan si Corazon at napagtantong nakatulog pala siya sa sofa kakahintay kay Terrence. Tiningnan niya ang orasan at nakitang alas dos na ng madaling araw. Umakyat siya sa taas at sinilip ang silid ng asawa sa pagbabakasakaling umuwi na ito pero walang bakas ni Terrence doon.Nanlulumo siyang bumaba ng hagdan at kinuha ang cellphone para tawagan ang asawa pero nakailang ring na siya'y wala paring sumasagot. Madaling araw na kaya nag aalala siya at kung napano na kaya ito.Maya maya pa ay nakarinig na siya ng ugong ng sasakyan kaya agad siyang tumayo at inihanda ang ngiti bago pagbuksan ang asawa subalit napalis lamang iyon nang makitang hindi ito nag iisa. Lasing na lasing ito habang kaagapay ang isang seksing babae na hindi pamilyar sa kanya."Hey.. Careful, matutumba tayo," natatawang pigil ng babae."It's fine basta sayo ako babagsak.."Tugon ni Terrence at bahagya pang tumawa. Hindi na siya nakatiis pa at agad naman siyang lumapit para kunin ang asawa mula sa baba

    Huling Na-update : 2022-11-04
  • MARRIED to a HEARTLESS COWBOY   Chapter 4

    SICKMasama ang pakiramdam niya nang magising ng mga sumunod na araw pero agad ding napabalikwas ng bangon nang makitang alas syete na ng umaga. Dahil sa kanyang pagmamadali, nagdilim ang kanyang paningin at nabuwal pero sinubukan niya paring tumayo. Terrence might starve if she won't move and cook for him. Isa pa ay ayaw niyang magalit sa kanya ang asawa.Paglabas niya ng silid, bumungad sa kanya ang nakabusangot na mukha ni Terrence kaya naman agad niya itong nilapitan para kausapin."P—pasensya kana Terrence, tinanghali ako ng gising. Masama kasi ang pakiramdam ko," hinging paumanhin niya."Anong gusto mong palabasin? That I should take good care of you because you're sick?" Terrence smirked at her.She swallowed the lump in her throat "...hindi naman sa ganun Terrence kaya lang—""Kaya lang ano? Magpapaawa ka na naman ba? Walang epek sakin yan Corazon kaya tigilan mo yan at gawin mo na ang trabaho mo," asik nito.Tumuloy na lang siya sa kusina at ipinaghanda ang asawa kahit pa ramd

    Huling Na-update : 2023-01-03
  • MARRIED to a HEARTLESS COWBOY   Chapter 5

    OUT OF PLACEMukha ni Tyrone ang una niyang nasilayan pagdilat ng kanyang mga mata. Somehow she felt a little comfort knowing her best friend was here with her. Tyrone was Terrence's younger brother. Nakilala niya ito noong lagi niyang inaabangan si Terrence na dumaan sa hacienda nila.(Flashback)Busy siya sa pagsilip kay Terrence habang nakakubli sa damuhan upang hindi siya nito mahalata. Kausap ng binatilyo ang isa sa kanilang trabahador na nasa pagitan ng kani-kanilang hacienda. Maya maya pa ay may naramdaman siyang presensya sa kanyang likuran. Dahil sa pag-aakalang si Malia, ang kanyang matalik na kaibigan ang naroon, napangiti siya ng hindi na nag-abala pang lumingon."Ang gwapo niya talaga," parang nanaginip niyang sambit."Talaga?"Halos mapatalon siya sa gulat nang makitang hindi si Malia ang nasa kanyang likuran kundi isang lalaking hindi nalalayo sa kanyang edad ang naroon. Namilog ang kanyang mga mata at akmang sisigaw subalit mabilis nitong tinakpan ang kanyang bibig."Sh

    Huling Na-update : 2023-01-03
  • MARRIED to a HEARTLESS COWBOY   Chapter 6

    TRASHTatlong araw ang itinagal niya sa ospital subalit sa loob ng panahong iyon hindi man lang niya nakitang dumalaw si Terrence sa kanya. She was sad pero ano pa bang inaasahan niya? Her husband wants her gone kaya hindi na dapat siya umasang kahit isang saglit lang ay makita niya ito."Pasok ka muna Ty," aniya kay Tyrone nang makarating sila sa bahay ni Terrence."Hindi na Corazon. I might kill your husband this time kung sakaling makita ko siya," malamig nitong tugon.Hindi na lang siya sumagot dahil naiintindihan din niya kung bakit nagkakaganun si Tyrone. Her kind of relationship with Terrence isn't a secret to him. Ang ipinagpasalamat lang niya, hindi pa ito nagsasalita sa mga magulang nila dahil malaking gulo iyon kapag nagkataon."Ingat ka pabalik ng Mindanao Ty," bilin niya sa lalaki nang makababa siya ng sasakyan."Take care too, Corazon."Hinatid tanaw niya ang sasakyan ng kaibigan bago napagpasyahang pumasok sa loob. Tahimik ang buong kabahayan pagdating niya, wala rin ang

    Huling Na-update : 2023-01-04
  • MARRIED to a HEARTLESS COWBOY   Chapter 7

    ARRESTED"Look who's here? Diba ikaw ang maid ng boyfriend ko?" Tanong ni Bea at pinasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa.Nagpakawala siya ng isang buntong hininga at inabot ang card ni Terrence mula sa babae pero mabilis itong iniwas ni Bea at nginisihan pa siya."A black card huh? I'm sure this thing belongs to Terrence. I wonder why you have this one?" Litaniya nito at sinipat pa ang hawak na card."Look Miss, ayoko ng gulo kaya kung pwede akin na yan at nang makaalis na ako," malamig niyang saad."And who says you're gonna get outta here alone?""Anong ibig mong sabihin?""You can get out of here kasama ang mga pulis! You're a thief! Ninakaw mo ang card ng boyfriend ko just so you can shop this kind of dress!" Nanlilisik ang mga mata nitong akusa sa kanya."Wala akong ninakaw Miss Bea kaya maghinay-hinay ka sa mga akusasyon mo," malumanay subalit puno ng poot niyang sagot."Talaga lang ha? Watch me!" Mapanghamon nitong sabi at hinarap ang saleslady. "Call your manager now,

    Huling Na-update : 2023-01-04
  • MARRIED to a HEARTLESS COWBOY   Chapter 8

    WHY"Let's talk for a while, Terrence."Napahinto si Terrence sa paglalakad palabas ng presinto at hinarap si Lolo Herman. "Sure, Lo."Nagpatiuna sa paglalakad si Herman at huminto sa isang sulok kung saan madalang lang ang mga taong dumadaan. Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga bago napagpasyahang magsalita."Anong…nais ninyong pag-usapan natin Lolo Herman," tanong niya sa abuelo ng kaibigang si Niccolo."Didiretsuhin na kita Terrence. Hindi ko nagustuhan ang nangyari ngayong araw at kung hindi lang nakiusap sakin ang asawa mo, agad na makakarating sa mga magulang ninyo ang gulong ito," nayayamot nitong sagot.Siya naman ay napailing sa narinig. So Corazon was playing a hero to save his face from his family? Ganun ba ang gusto nitong palabasin? For what? So that he will thank her for her act of kindness? At sa tingin ba nito ay gagawin niya iyon? In her dreams!"Paano na lang kung hindi ako dumating ng mas maaga. Your wife would surely be compromised by your mistress.

    Huling Na-update : 2023-01-16
  • MARRIED to a HEARTLESS COWBOY   Chapter 9

    SLEEPING TOGETHERTyrone brought her to a restaurant, ito na rin ang nag-order ng pagkain para sa kanilang dalawa. Habang siya ay parang hindi pa rin nahihimasmasan sa nangyari kanina. Naghalo-halo ang emosyong nararamdaman niya sa loob ng kanyang dibdib."Ty…""Hmm?""Thank you…""For what?" Tinaasan siya nito ng kaliwang kilay."Sa lahat." Tyrone chuckled. "Stop thanking me, Corazon. You know I would do anything for you.""That's why I'm thanking you at hinding hindi ako magsasawang uulit-ulit ang pagpapasalamat ko sayo," nakangiti niyang wika.Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Tyrone. "I don't want to hear your gratitude, Corazon. All I want is for you to wake up from your foolishness thinking that my brother will soon change and will treat you nicely. He's rude and forever he will be.""Ty…""Yeah, I know what you are going to say. Mas mabuti pang kumain na lang tayo or the food will turn cold."Tyrone was tending all her needs. Asikasong asikaso siya ng kaibig

    Huling Na-update : 2023-06-25
  • MARRIED to a HEARTLESS COWBOY   Chapter 10

    LITTLE REUNION Marahang tapik sa pisngi ang gumising sa mahimbing na pagtulog ni Corazon. Dahan dahan siyang nagmulat ng mata at nasilayan ang gwapong mukha ng kanyang asawa habang nakadungaw sa kanya. Napangiti siya. Sana'y ganito araw-araw ang makikita niya paggising niya sa umaga. "Stop daydreaming and get the fuck up Corazon! Ilang oras na lang darating na ang mga magulang natin!" Agad siyang nahimasmasan sa kanyang pantasya at bumalik sa realidad. Oo nga't nakadungaw si Terrence sa kanya subalit hindi na maipinta ang mukha nito sa labis na inis. Bigla ay naconcious siya. Pinakiramdaman niya ang sarili. Baka may dumi pa siya sa mata o di kaya ay may laway sa gilid ng bibig. "Ano? Tititigan mo lang ba ako at hindi ka kikilos?" "S—sorry," agad siyang bumalikwas ng bangon. Napatingin siya sa salaming bintana at nakitang sumikat na ang araw sa labas. "Anong oras na pala?" Terrence tsk. "Alas otso na mahal na reyna," sarkastiko nitong tugon. Mabilis siyang bumaba ng kama at hinan

    Huling Na-update : 2023-06-27

Pinakabagong kabanata

  • MARRIED to a HEARTLESS COWBOY   Chapter 75

    LARA ALCARAZ She grew up different from other children. Noon ay hindi niya maintindihan kung bakit ganun na lang ang galit ng kanyang Nanay Fatima sa kanya. "Ikaw ang dahilan kung bakit nagdudusa ako ngayon! Kung hindi ka sana dumating sa buhay ko, hindi sana ako maghihirap ngayon!" Wala siyang naisagot kundi tanging hikbi lang. Wala naman siyang ideya kung ano ang ibig sabihin ng kanyang Nanay. Dahil sa kanyang pag-iyak ay mas lalong nanlisik ang mga mata ni Fatima at sinimulan siyang paluin. "T-tama na Nay..." Palahaw niya pero hindi ito nakinig at patuloy lang sa pagpalo sa kanya. "Putangina mong bata ka! Ikaw ang dahilan kaya iniwanan ako ni Thiago! Pareho kayo ng walang kwenta mong ama!" Sigaw nito sa kanya. Matapos nitong ibuhos sa kanya ang lahat ng galit ay umalis ito ng bahay at iniwan siyang nakasalampak sa sahig habang may mga latay sa kanyang mumunting binti. Mariin siyang napapikit. Nakita niya minsan ang pinsan niyang si Corazon kasama ang mga magulang nito. They a

  • MARRIED to a HEARTLESS COWBOY   Chapter 74

    EPILOGUE Abot langit ang kaba ni Terrence habang hinihintay ang kanyang bride sa malaking simbahan ng Santa Catalina. Today is going to be his wedding with Corazon. Parang kailan lang ay kinasal din silang dalawa ng babae. Naalala niya noon kung gaano siya kagalit habang hinihintay ito sa altar. He was cursing the very gorgeous woman with her wedding dress to the core. Nagdasal pa nga siya na sana bumagyo at bumaha para hindi matuloy ang kasal nila. "Are you happy now? Natupad na ang gusto mo!" May diin niyang bigkas nang makalapit na ito sa kanya. Wala siyang pakialam kahit ano pa ang sabihin ng mga taong naroon. He was so damn livid. May namumuong luha sa mga mata ng babae but who cares. Ito lang ang masaya. Siya hindi! This wedding is a curse! "Tandaan mo ang sinabi ko sayo, pagsisisihan mo ang araw na ito Corazon!" But Corazon didn't answer. Yumuko lang ito na mas lalong nagpakulo ng kanyang dugo. This is what Lara told him. Corazon always plays demure pero tumitira ito pailali

  • MARRIED to a HEARTLESS COWBOY   Chapter 73

    HOUSEMabilis na lumipas ang mga araw. Una siyang nakalabas ng ospital. Sumunod naman sa kanya si Terrence ilang araw matapos siyang madischarge while Chase is still staying in the hospital. Walang araw na hindi nila ito dinadalaw hanggang sa mailabas din nila ito ng ospital ang anak.They are staying at her parent's mansion for the meantime dahil request din ng kanyang mga magulang. They miss her so much and so was she kaya pumayag na rin siya."Oh my, he's drinking my milk!" Natutuwa niyang bulalas habang pinagmamasdan si Chase.He was very adorable while he's breastfeeding him. Terrence was also in front of her, watching the two of them."Wag masyadong matakaw Chase, magtira ka naman para kay Daddy," anito habang marahang hinahaplos ang maliit na braso ni Chase.Sinamaan niya ng tingin si Terrence. Nginisihan lang siya ng lalaki bago pinatakan ng mabining halik sa noo."I love you Mi amor. Thank you for making me happy," he said with pure sincerity in his voice.Napangiti naman siy

  • MARRIED to a HEARTLESS COWBOY   Chapter 72

    REUNITED"Cora my labs!" Matinis na tili ang pumukaw sa inaantok niyang diwa.Napalingon siya sa bukana ng pinto kung saan nakita niya ang nakangising mukha ni Jessie habang patakbo sa gawi niya. Nang makarating ito sa kinaroroonan niya ay niyakap siya nito ng mahigpit dahilan para mapangiwi siya."I miss you so much!" Humihikbi nitong sambit.Napangiti siya. "Namiss din kita." Aniya subalit napakunot noo siya nang mapagtanto ang umbok sa tiyan nito. "T-teka...What's this?" Inilayo niya si Jessie sa kanya at namilog ang kanyang mga mata sa nakita."Y-you're pregnant?" Bulalas niya."Yes! It's already four months, Cora.""Wow! Congratulations! Sino ba ang malas na lalaking nakabuntis sayo?" Biro pa niya.Jessie just chuckled. Bumukas ang pintuan at iniluwa nito si Solomon. Bahagya pa itong yumukod bilang pagbati sa kanya. "Welcome back Señorita." Solomon smiled subalit nagulat na lang siya nang inilingkis nito ang braso sa bewang ni Jessie."Oh my! Y-you two are-""Yes we are secretly

  • MARRIED to a HEARTLESS COWBOY   Chapter 71

    KARMABumalikwas ng bangon si Corazon mula sa kanyang pagkakahiga. Butil butil ang pawis sa kanyang noo habang humahangos."Something wrong?" Napalingon siya sa boses na nagsasalita. She was welcomed by Isaac's worried face. Hindi nagtagal ay nagsimula na siyang umiiyak. Hanggang ngayon ay ramdam parin niya ang walang mapagsidhang takot at sakit sa kanyang dibdib."Hey? Why are you crying? May masakit ba sayo?" Nag-aalalang tanong ni Isaac nang lapitan siya nito."I wanna see Terrence..." Humihikbi niyang sambit.She heard a deep sigh coming from him. "Okay, I will bring you to him."Inalalayan siya nitong makalipat sa wheelchair saka dinala sa kabilang silid. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang payapang nakapikit ang kanyang asawa habang may nakakabit na oxygen sa lalaki."P-pwede mo ba kaming iwan kahit sandali?" Baling niya kay Isaac."Sure." Mabilos nitong tango. "I'll be outside. Just call me if you need something.""Thank you."Tipid itong ngumiti bago tahimik na naglakad p

  • MARRIED to a HEARTLESS COWBOY   Chapter 70

    GONE"Damn it! Wait. Wait. Tell your baby to wait at wag matigas ang ulo gaya ng daddy niya!" Anito at tumayo saka inilibot ang tingin sa paligid. "Fuck! Hindi ko alam paano magpaanak!"Hindi na siya nag-abala pang sumagot dahil sa muling paghilab ng kanyang tiyan. Napasinghap siya ng mapagtantong may mga marka ng sariwang dugo ang puting cycling short niyang suot."Bilisan mo Tuazon. Ambagal bagal mo! I think Saavedra's wife is going to give birth damn it!" Rain was almost shouting at his earpiece. "Dalian mo at baka maging kumadrona pa ako!"Hindi nagtagal ay dumating si Isaac sa loob kasama ng ilan pa. Nakita rin niyang humahangos si Pierre papasok at nagpunta sa gawi niya."Corazon, can you still hear me?" Pukaw nito sa atensyon niya.Nanghihina siyang tumango."Call Xavier, Alice!"Mabilis na tumalima ang babae at tumakbo palabas. Isinandal siya ni Pierre sa mga bisig nito. She also felt someone took Terrence away from her arms. Nais niya mang tumutol, wala siyang nagawa dahil na

  • MARRIED to a HEARTLESS COWBOY   Chapter 69

    THE DOWNFALL"Hello Corazon, long time no see?" Nakangising bungad ni Lara sa kanya habang papasok ito sa loob ng underground."What took you so long?" Naiinis namang wika ng lalaking bumaril kay Manang Salve kay Lara.Her cousin rolled her eyes on him. "Hello? That damn green eyed handsome creature outside was so good at fighting! Nahihirapan ang mga tauhan mong papasukin ako agad, Marcus."Tumango tango ang lalaking nagngangalang Marcus at napangisi. "Oh, that's Forest and you're right, he's a very skilled fighter. A very skilled fighter who can't even protect his own family...""You know him?""Of course. We were in the same team before," tugon ni Marcus subalit hindi parin humihiwalay ng titig sa kanya."Ugh! Enough with him. He's giving me headaches. This is all your fault! Kung bakit pa kasi hindi mo na lang siya tinuluyan nung nasa yate siya!"Kinilabutan siya sa sinabi ni Lara. Ano bang ginawa ng panahon sa pinsan niya at naging ganito ito kasama? How can she easily say those w

  • MARRIED to a HEARTLESS COWBOY   Chapter 68

    REVENGE Mabagal na sumapit ang gabi. Ang tanging ginawa lang ni Corazon buong araw ay magkulong sa kanyang silid. Nawalan na siya ng ganang lumabas. Hindi na siya natutuwa habang pinagmamasdan ang karagatan dahil namimiss na niya ang kanilang tubuhan. Ngayong nakakaalala na siya, pakiramdam niya'y hindi siya parte ng lugar na ito. Bumukas ang pintuan ng kanyang silid. Kahit na hindi siya mag-angat ng tingin, alam na niya kung sino ang pumasok. Pero kahit na ganun, nanatili siyang walang kibo. Lumundo ang gilid ng kama at saka niya naamoy ang mabangong aroma ng pagkain. Naglalaway siya habang nanunuot sa kanyang ilong ang mabangong aroma ng tempura na siyang paborito niya pero tinikis niya ang kanyang sarili. "Sabi ni Manang Salve hindi ka pa raw kumakain kaya dinalhan na kita ng hapunan dito sa silid mo," anunsyo nito. Dinig niyang inaayos ni Pierre ang mga kubyertos sa bedside table pero nagsawalang kibo pa rin siya. Nagpakawala ito ng malalim na buntong hininga. "I know you're a

  • MARRIED to a HEARTLESS COWBOY   Chapter 67

    BLACKMAIL"What are you talking about Carolina.."Halos pabulong ng sambit ni Pierre. Mariin siyang napapikit. "Stop calling me that name. Alam mong hindi yan ang pangalan ko," may diin niyang bigkas.Nitong mga nakaraang buwan ay walang ipinakitang pangit na ugali sa kanya si Pierre subalit hindi rin naman tamang itago siya nito sa isla gayong kilala pala nito ang tunay niyang pamilya dahil lang nangungulila ito sa mag-ina niya."Sa susunod na lang tayo mag-usap. You're just tired," anito at tumayo na para umalis ng silid."Are you avoiding my question? You need to return me to my family Pierre!" Bahagya ng tumaas ang boses niya habang tigmak sa luha ang kanyang mga mata.Lumingon ito sa kanya. He had this cold and hard expression on his face. "I can give you anything you want but not your freedom. You will stay here with me and if I need to lock you up para hindi ka makatakas then I'll do it. Huwag ka lang mawala sakin.""You're sick..." She uttered in anger.Sino bang matino ang ga

DMCA.com Protection Status