WOUNDS
"Ahh! Faster Terrence!""Like this? Huh?""Yes! Yes! Oh God you're so big! Ahh.. Shit!.."Pilit na tinatakpan ng unan ni Corazon ang kanyang dalawang tenga upang hindi marinig ang nakaririnding kaganapan sa kabilang kwarto subalit kahit anong gawin niya ay umaabot pa rin sa kanyang silid ang ungol ng mga ito."I'm cumming baby.." Paos na tinig ng kanyang asawa."Me too! Shit! Ohh Fuck.."Maya maya pa, nawala na ang ungol at salpukan ng katawan. Marahil tapos na ang mga ito at nakatulog na samantalang siya ay nakaupo pa rin sa paanan ng kama habang tigmak sa luha ang mga mata.Sino ba naman ang hindi? Asawa niya ang nasa loob at nagpapakasaya sa kandungan ng ibang babae habang heto siya't umiiyak at nasasaktan.Pitong buwan na ang nakaraan simula ng ikasal sila ni Terrence pero hanggang ngayon, patuloy pa rin siyang nasasaktan sa piling ng kanyang asawa. Terrence never cared for her o kahit na ituring siyang asawa ay hindi nito magawa. Palagi itong galit o di kaya hindi siya pinapansin. Minsan naman, umuuwi itong lasing at nananakit. Ang mas masahol pa, nagdadala ng babae ang asawa niya sa sariling pamamahay nila at doon ginagawa ang bagay na dapat para sa kanilang mag asawa.Hiwalay sila ng silid. Ayaw na ayaw siya nitong nasa malapit. Tiningnan niya ang larawan nila sa kasal na nakasabit sa dingding. Makikita sa kanyang mga mata at ngiti kung gaano siya kasaya sa araw na iyon samantalang parang pinagsakluban ng langit at lupa ang mukha ni Terrence.Napilitan lamang ang lalaki na pakasalan siya dahil hindi siya umatras at sumunod sa pakiusap nito. Akala niya dala lang ng emosyon kaya nasabi ni Terrence ang mga bagay na yun sa kanya pero hindi pala. Dahil sa ngayon halos mamanhid na ang puso niya sa sakit.Naalala niya pa nung una niyang makita ang lalaki habang naglalaro siya sa gilid ng kalsada sa kanilang tubuhan.(Flashback)"Ouch!" D***g niya.Pilit siyang tumayo sa pagkakadapa pero mas lalo lang siyang naiyak nang makitang nagkasugat ang kanyang tuhod."Anong nangyari sayo bata?"Agad siyang nag angat ng tingin sa binatilyong nasa harapan niya at nasilayan ang pinakamagandang abo na mga mata sa tanang buhay niya. Napayuko ito sa tuhod niya at naipinta ang pag aalala sa mga mata."Halika gagamutin ko yang sugat mo," alok pa nito pero nanatili lamang siyang tulala.Nanlaki ang mga mata niya nang bigla siya nitong binuhat at isinakay sa puting kabayo saka dinala sa malaking puno na pagitan ng hacienda nila at ng hacienda Saavedra.Kumuha ang lalaki ng dahon saka pinukpok ng bato bago inilagay sa sugat niya."Aray! Masakit!""Sorry, sorry, di'ko sinasadya…" hinging paumanhin ng binatilyo saka hinipan ang sugat niya.Pakiwari niya may magic ang hininga nito dahil agad na napawi ang sakit niyang nararamdaman o siguro bunga lang ng kanyang imahinasyon dahil sa labis na paghanga sa lalaki kahit pa sa murang edad."Anong pangalan mo?" Maya maya ay tanong nito."C—corazon…Corazon Villaluna," nahihiya niyang pakilala."Talaga? So sa inyo pala ang hacienda na yan," turo nito sa malawak nilang tubuhan.Tumango naman siya at tiningnan ang binatilyo."Nice, ako nga pala si Terrence Mikael Saavedra," pakilala ng lalaki at naglahad ng palad. Atubili niya iyong tinanggap at sa pagdaop ng mga palad nila, iba na ang kanyang nararamdaman. Para bang nagrigodon ang puso niya sa saya."Siya nga pala, ito naman si Leo," turo nito sa kabayong puti.Napangiti siya at ganun din ang binatilyo. Mas lalo lang itong gumuwapo sa paningin niya. Mula ng magkakilala sila ay palagi na siyang nag aabang ng palihim kung kailan ito dumaan sa kalsada sakay ng kabayong si Leo para masilayan ang kagwapuhan ng binatilyo.(End of FlashBack)Natawa siya sa kanyang sarili. Hindi niya lubos akalain na ang lalaking gumamot sa maliit niyang sugat sa nakaraan ang siyang magdudulot ng mas malaki pang sugat hindi lang sa pisikal na aspeto kundi sa damdamin niya sa kasalukuyan.Pinahid niya ang luha sa kanyang pisngi at tumayo. Hindi siya dapat malungkot dahil kahit papaano natupad ang pangarap niyang makasal sa nag iisang Terrence Mikael Saavedra—ang lalaking mahal niya simula pagkabata.Pabaluktot siyang humiga sa kama at pilit na ipinikit ang mga mata. Maaga pa siyang gigising bukas upang ipagluto ang asawa dahil wala naman silang katulong. Ipinatanggal ni Terrence lahat at ipinasa sa kanya ang responsibilidad ng mga ito mula sa paglilinis, paglalaba, pagluluto at iba pa.Tutol man ang mga magulang nila sa desisyon ni Terrence, walang nagawa ang mga ito nang sinang-ayunan niya ang desisyon ng asawa.Kinabukasan maaga siyang nagising at sinimulan na ang pagluluto. Naghanda siya ng bacon, hotdog at fried egg pati na rin fried rice. Gumawa na rin siya ng toasted bread. Hindi nagtagal ay natapos na siya at kape na lang ang kulang.Mula sa kusina ay natanaw niya si Terrence pababa ng hagdanan. Hinagod niya ng tingin ang asawa at pinagmasdan ang magulo nitong buhok pababa sa maskuladong pangangatawan sa suot na sando at sweat pants subalit kumirot ang kanyang dibdib nang kaagapay nito ang babaeng kasama kagabi.She was sexy kaya napatingin siya sa suot niyang daster. Ang layo ng agwat nilang dalawa kung ikukumpara sila. Kasabay ng pag aalaga niya kay Terrence, nawalan siya ng panahon para sa sarili."Aren't you gonna stop by for breakfast?"Malambing nitong tanong. Bagay na kailanman hindi niya narinig sa asawa. Palagi itong masungit sa kanya at madalas pabulyaw ang paraan ng pagsasalita ng lalaki."No.. Hinahanap na ako sa amin," malanding sagot ng babae at tumingin pa sa gawi niya bago siya binigyan ng nakakalokong ngisi.Pamilyar ang mukha ng babae. Kung hindi siya nagkakamali ay anak ito ng gobernador at alam nitong kasal na sila ni Terrence pero malakas pa rin ang loob at sumama pa talaga sa pamamahay nila."You sure?""Oo nga.. Ito naman oh, namiss mo na ba ako kaagad?"Mahinang natawa si Terrence."Of course! Who wouldn't? You were so good last night.."Nakita niya ang paghapit ni Terrence sa bewang ng babae at lumapat ang mga labi nito sa labi ng kaharap. Agad niyang ibinaling ang tingin sa kabilang gawi upang hindi masaksihan ng sariling mga mata ang harap harapang pagtataksil ni Terrence.Maya maya pa narinig na niya ang pag alis ng babae. Agad niyang pinahid ang luha na hindi napigilang tumulo at baka makita pa siya ni Terrence. Ayaw nitong nakikita siyang umiiyak dahil para sa lalaki, kaartehan niya lang iyon.Pumasok na si Terrence sa kumedor at napatingin sa kanyang hinanda. Lumingon ito sa gawi niya habang nakakunot ang noo."Where's my fucking coffee?" Malamig nitong tanong.Napakurap kurap siya at agad nataranta. Dahil sa kakatingin niya sa dalawa kanina, hindi niya namalayang nakalimutan pala niyang magtimpla ng kape. Dahil sa pagmamadali ay nabitawan niya ang tasa nang patungo na sana siya sa coffee maker.Lumikha ng ingay sa buong kusina ang pagkabasag niyon.Agad na lumapit si Terrence at pinanlisikan siya ng mata. "Ang tanga tanga mo! Yan na nga lang ang trabaho mo hindi mo pa magawa ng maayos!""P—pasensya na Terrence.. Hindi ko naman sinasadya. Pupulutin ko na lang.." Mahinang anas niya.Narinig niya ang malakas na buntong hininga ng lalaki."No, make my coffee first, bago mo pulutin yan. Bilis!"Bulyaw nito. Napapitlag siya at nasagi ng kanyang paa ang bubog pero hindi na niya ito pinansin at kumuha na siya ng panibagong tasa.Matapos mailagay sa tabi nito ang kape ay iniligpit niya ang mga bubog sa sahig. Tumayo siya sa isang tabi habang pinagmamasdan ang asawa na maganang kumakain. Kahit na parang katulong ang trato nito sa kanya ay masaya na siya basta mapagsilbihan lang ang asawa."Could you fucking leave the kitchen and stop smiling like an idiot? Hindi ako matutunawan sa pagkain Corazon! Get out!""P—pasensya na.."Lumabas siya ng kusina at doon sa sala umupo upang hintayin itong matapos. Sa loob ng ilang buwan, hindi kailanman sila nagsabay na kumain dahil ayaw ni Terrence. Lahat ng bagay na hindi gusto ng asawa ay sinusunod niya para hindi sila mag away.Mahal na mahal niya ito at umaasa siya na balang araw, matututuhan din siya nitong mahalin gaya ng pagmamahal niya sa asawa.Tiningnan niya ang sugatan niyang paa. Tumayo siya at kumuha ng medicine kit upang gamutin ang sugat niya dahil hindi na siya bata at malamang wala ng Terrence na gagamot pa doon gaya noon.BEREAVEMENT"A—anong oras ka pala uuwi mamaya Terrence?" Alanganin niyang tanong.Mula sa pagkababa nito ng hagdanan ay kunot noong napalingon sa kanya ang asawa."Why are you asking me that?""K—kasi…Balak sana kitang ipagluto ng paborito mong chicken curry, mas masarap yun kapag bagong luto diba?"Nagpakawala ng mapang uyam na ngiti si Terrence kaya nagtataka siyang tumingin dito. "Yan lang ba talaga ang dahilan mo o gusto mo lang malaman kung saan ako pupunta.""H—hindi sa ganun Terrence, gusto ko lan—""Oh, just cut the crap Corazon! Gusto mo lang talaga akong manmanan dahil desperada ka. Diba nakipagsabwatan ka pa kay mommy para lang maikasal tayo? At dahil dyan sa kadesperadahan mo ay kaya mong sirain ang buhay ng pinsan mo! Diba?!" Asik nito at hinawakan ng mahigpit ang kanyang mukha.Unti unting namamasa ang kanyang mata. Kahit na gustong gusto niyang makasal sa lalaki ay hindi niya magagawang sirain ang buhay ni Lara kahit kailan. Hindi rin niya ito hiniling sa mga magulang n
AGGRAVATEDNaalimpungatan si Corazon at napagtantong nakatulog pala siya sa sofa kakahintay kay Terrence. Tiningnan niya ang orasan at nakitang alas dos na ng madaling araw. Umakyat siya sa taas at sinilip ang silid ng asawa sa pagbabakasakaling umuwi na ito pero walang bakas ni Terrence doon.Nanlulumo siyang bumaba ng hagdan at kinuha ang cellphone para tawagan ang asawa pero nakailang ring na siya'y wala paring sumasagot. Madaling araw na kaya nag aalala siya at kung napano na kaya ito.Maya maya pa ay nakarinig na siya ng ugong ng sasakyan kaya agad siyang tumayo at inihanda ang ngiti bago pagbuksan ang asawa subalit napalis lamang iyon nang makitang hindi ito nag iisa. Lasing na lasing ito habang kaagapay ang isang seksing babae na hindi pamilyar sa kanya."Hey.. Careful, matutumba tayo," natatawang pigil ng babae."It's fine basta sayo ako babagsak.."Tugon ni Terrence at bahagya pang tumawa. Hindi na siya nakatiis pa at agad naman siyang lumapit para kunin ang asawa mula sa baba
SICKMasama ang pakiramdam niya nang magising ng mga sumunod na araw pero agad ding napabalikwas ng bangon nang makitang alas syete na ng umaga. Dahil sa kanyang pagmamadali, nagdilim ang kanyang paningin at nabuwal pero sinubukan niya paring tumayo. Terrence might starve if she won't move and cook for him. Isa pa ay ayaw niyang magalit sa kanya ang asawa.Paglabas niya ng silid, bumungad sa kanya ang nakabusangot na mukha ni Terrence kaya naman agad niya itong nilapitan para kausapin."P—pasensya kana Terrence, tinanghali ako ng gising. Masama kasi ang pakiramdam ko," hinging paumanhin niya."Anong gusto mong palabasin? That I should take good care of you because you're sick?" Terrence smirked at her.She swallowed the lump in her throat "...hindi naman sa ganun Terrence kaya lang—""Kaya lang ano? Magpapaawa ka na naman ba? Walang epek sakin yan Corazon kaya tigilan mo yan at gawin mo na ang trabaho mo," asik nito.Tumuloy na lang siya sa kusina at ipinaghanda ang asawa kahit pa ramd
OUT OF PLACEMukha ni Tyrone ang una niyang nasilayan pagdilat ng kanyang mga mata. Somehow she felt a little comfort knowing her best friend was here with her. Tyrone was Terrence's younger brother. Nakilala niya ito noong lagi niyang inaabangan si Terrence na dumaan sa hacienda nila.(Flashback)Busy siya sa pagsilip kay Terrence habang nakakubli sa damuhan upang hindi siya nito mahalata. Kausap ng binatilyo ang isa sa kanilang trabahador na nasa pagitan ng kani-kanilang hacienda. Maya maya pa ay may naramdaman siyang presensya sa kanyang likuran. Dahil sa pag-aakalang si Malia, ang kanyang matalik na kaibigan ang naroon, napangiti siya ng hindi na nag-abala pang lumingon."Ang gwapo niya talaga," parang nanaginip niyang sambit."Talaga?"Halos mapatalon siya sa gulat nang makitang hindi si Malia ang nasa kanyang likuran kundi isang lalaking hindi nalalayo sa kanyang edad ang naroon. Namilog ang kanyang mga mata at akmang sisigaw subalit mabilis nitong tinakpan ang kanyang bibig."Sh
TRASHTatlong araw ang itinagal niya sa ospital subalit sa loob ng panahong iyon hindi man lang niya nakitang dumalaw si Terrence sa kanya. She was sad pero ano pa bang inaasahan niya? Her husband wants her gone kaya hindi na dapat siya umasang kahit isang saglit lang ay makita niya ito."Pasok ka muna Ty," aniya kay Tyrone nang makarating sila sa bahay ni Terrence."Hindi na Corazon. I might kill your husband this time kung sakaling makita ko siya," malamig nitong tugon.Hindi na lang siya sumagot dahil naiintindihan din niya kung bakit nagkakaganun si Tyrone. Her kind of relationship with Terrence isn't a secret to him. Ang ipinagpasalamat lang niya, hindi pa ito nagsasalita sa mga magulang nila dahil malaking gulo iyon kapag nagkataon."Ingat ka pabalik ng Mindanao Ty," bilin niya sa lalaki nang makababa siya ng sasakyan."Take care too, Corazon."Hinatid tanaw niya ang sasakyan ng kaibigan bago napagpasyahang pumasok sa loob. Tahimik ang buong kabahayan pagdating niya, wala rin ang
ARRESTED"Look who's here? Diba ikaw ang maid ng boyfriend ko?" Tanong ni Bea at pinasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa.Nagpakawala siya ng isang buntong hininga at inabot ang card ni Terrence mula sa babae pero mabilis itong iniwas ni Bea at nginisihan pa siya."A black card huh? I'm sure this thing belongs to Terrence. I wonder why you have this one?" Litaniya nito at sinipat pa ang hawak na card."Look Miss, ayoko ng gulo kaya kung pwede akin na yan at nang makaalis na ako," malamig niyang saad."And who says you're gonna get outta here alone?""Anong ibig mong sabihin?""You can get out of here kasama ang mga pulis! You're a thief! Ninakaw mo ang card ng boyfriend ko just so you can shop this kind of dress!" Nanlilisik ang mga mata nitong akusa sa kanya."Wala akong ninakaw Miss Bea kaya maghinay-hinay ka sa mga akusasyon mo," malumanay subalit puno ng poot niyang sagot."Talaga lang ha? Watch me!" Mapanghamon nitong sabi at hinarap ang saleslady. "Call your manager now,
WHY"Let's talk for a while, Terrence."Napahinto si Terrence sa paglalakad palabas ng presinto at hinarap si Lolo Herman. "Sure, Lo."Nagpatiuna sa paglalakad si Herman at huminto sa isang sulok kung saan madalang lang ang mga taong dumadaan. Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga bago napagpasyahang magsalita."Anong…nais ninyong pag-usapan natin Lolo Herman," tanong niya sa abuelo ng kaibigang si Niccolo."Didiretsuhin na kita Terrence. Hindi ko nagustuhan ang nangyari ngayong araw at kung hindi lang nakiusap sakin ang asawa mo, agad na makakarating sa mga magulang ninyo ang gulong ito," nayayamot nitong sagot.Siya naman ay napailing sa narinig. So Corazon was playing a hero to save his face from his family? Ganun ba ang gusto nitong palabasin? For what? So that he will thank her for her act of kindness? At sa tingin ba nito ay gagawin niya iyon? In her dreams!"Paano na lang kung hindi ako dumating ng mas maaga. Your wife would surely be compromised by your mistress.
SLEEPING TOGETHERTyrone brought her to a restaurant, ito na rin ang nag-order ng pagkain para sa kanilang dalawa. Habang siya ay parang hindi pa rin nahihimasmasan sa nangyari kanina. Naghalo-halo ang emosyong nararamdaman niya sa loob ng kanyang dibdib."Ty…""Hmm?""Thank you…""For what?" Tinaasan siya nito ng kaliwang kilay."Sa lahat." Tyrone chuckled. "Stop thanking me, Corazon. You know I would do anything for you.""That's why I'm thanking you at hinding hindi ako magsasawang uulit-ulit ang pagpapasalamat ko sayo," nakangiti niyang wika.Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Tyrone. "I don't want to hear your gratitude, Corazon. All I want is for you to wake up from your foolishness thinking that my brother will soon change and will treat you nicely. He's rude and forever he will be.""Ty…""Yeah, I know what you are going to say. Mas mabuti pang kumain na lang tayo or the food will turn cold."Tyrone was tending all her needs. Asikasong asikaso siya ng kaibig
LARA ALCARAZ She grew up different from other children. Noon ay hindi niya maintindihan kung bakit ganun na lang ang galit ng kanyang Nanay Fatima sa kanya. "Ikaw ang dahilan kung bakit nagdudusa ako ngayon! Kung hindi ka sana dumating sa buhay ko, hindi sana ako maghihirap ngayon!" Wala siyang naisagot kundi tanging hikbi lang. Wala naman siyang ideya kung ano ang ibig sabihin ng kanyang Nanay. Dahil sa kanyang pag-iyak ay mas lalong nanlisik ang mga mata ni Fatima at sinimulan siyang paluin. "T-tama na Nay..." Palahaw niya pero hindi ito nakinig at patuloy lang sa pagpalo sa kanya. "Putangina mong bata ka! Ikaw ang dahilan kaya iniwanan ako ni Thiago! Pareho kayo ng walang kwenta mong ama!" Sigaw nito sa kanya. Matapos nitong ibuhos sa kanya ang lahat ng galit ay umalis ito ng bahay at iniwan siyang nakasalampak sa sahig habang may mga latay sa kanyang mumunting binti. Mariin siyang napapikit. Nakita niya minsan ang pinsan niyang si Corazon kasama ang mga magulang nito. They a
EPILOGUE Abot langit ang kaba ni Terrence habang hinihintay ang kanyang bride sa malaking simbahan ng Santa Catalina. Today is going to be his wedding with Corazon. Parang kailan lang ay kinasal din silang dalawa ng babae. Naalala niya noon kung gaano siya kagalit habang hinihintay ito sa altar. He was cursing the very gorgeous woman with her wedding dress to the core. Nagdasal pa nga siya na sana bumagyo at bumaha para hindi matuloy ang kasal nila. "Are you happy now? Natupad na ang gusto mo!" May diin niyang bigkas nang makalapit na ito sa kanya. Wala siyang pakialam kahit ano pa ang sabihin ng mga taong naroon. He was so damn livid. May namumuong luha sa mga mata ng babae but who cares. Ito lang ang masaya. Siya hindi! This wedding is a curse! "Tandaan mo ang sinabi ko sayo, pagsisisihan mo ang araw na ito Corazon!" But Corazon didn't answer. Yumuko lang ito na mas lalong nagpakulo ng kanyang dugo. This is what Lara told him. Corazon always plays demure pero tumitira ito pailali
HOUSEMabilis na lumipas ang mga araw. Una siyang nakalabas ng ospital. Sumunod naman sa kanya si Terrence ilang araw matapos siyang madischarge while Chase is still staying in the hospital. Walang araw na hindi nila ito dinadalaw hanggang sa mailabas din nila ito ng ospital ang anak.They are staying at her parent's mansion for the meantime dahil request din ng kanyang mga magulang. They miss her so much and so was she kaya pumayag na rin siya."Oh my, he's drinking my milk!" Natutuwa niyang bulalas habang pinagmamasdan si Chase.He was very adorable while he's breastfeeding him. Terrence was also in front of her, watching the two of them."Wag masyadong matakaw Chase, magtira ka naman para kay Daddy," anito habang marahang hinahaplos ang maliit na braso ni Chase.Sinamaan niya ng tingin si Terrence. Nginisihan lang siya ng lalaki bago pinatakan ng mabining halik sa noo."I love you Mi amor. Thank you for making me happy," he said with pure sincerity in his voice.Napangiti naman siy
REUNITED"Cora my labs!" Matinis na tili ang pumukaw sa inaantok niyang diwa.Napalingon siya sa bukana ng pinto kung saan nakita niya ang nakangising mukha ni Jessie habang patakbo sa gawi niya. Nang makarating ito sa kinaroroonan niya ay niyakap siya nito ng mahigpit dahilan para mapangiwi siya."I miss you so much!" Humihikbi nitong sambit.Napangiti siya. "Namiss din kita." Aniya subalit napakunot noo siya nang mapagtanto ang umbok sa tiyan nito. "T-teka...What's this?" Inilayo niya si Jessie sa kanya at namilog ang kanyang mga mata sa nakita."Y-you're pregnant?" Bulalas niya."Yes! It's already four months, Cora.""Wow! Congratulations! Sino ba ang malas na lalaking nakabuntis sayo?" Biro pa niya.Jessie just chuckled. Bumukas ang pintuan at iniluwa nito si Solomon. Bahagya pa itong yumukod bilang pagbati sa kanya. "Welcome back Señorita." Solomon smiled subalit nagulat na lang siya nang inilingkis nito ang braso sa bewang ni Jessie."Oh my! Y-you two are-""Yes we are secretly
KARMABumalikwas ng bangon si Corazon mula sa kanyang pagkakahiga. Butil butil ang pawis sa kanyang noo habang humahangos."Something wrong?" Napalingon siya sa boses na nagsasalita. She was welcomed by Isaac's worried face. Hindi nagtagal ay nagsimula na siyang umiiyak. Hanggang ngayon ay ramdam parin niya ang walang mapagsidhang takot at sakit sa kanyang dibdib."Hey? Why are you crying? May masakit ba sayo?" Nag-aalalang tanong ni Isaac nang lapitan siya nito."I wanna see Terrence..." Humihikbi niyang sambit.She heard a deep sigh coming from him. "Okay, I will bring you to him."Inalalayan siya nitong makalipat sa wheelchair saka dinala sa kabilang silid. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang payapang nakapikit ang kanyang asawa habang may nakakabit na oxygen sa lalaki."P-pwede mo ba kaming iwan kahit sandali?" Baling niya kay Isaac."Sure." Mabilos nitong tango. "I'll be outside. Just call me if you need something.""Thank you."Tipid itong ngumiti bago tahimik na naglakad p
GONE"Damn it! Wait. Wait. Tell your baby to wait at wag matigas ang ulo gaya ng daddy niya!" Anito at tumayo saka inilibot ang tingin sa paligid. "Fuck! Hindi ko alam paano magpaanak!"Hindi na siya nag-abala pang sumagot dahil sa muling paghilab ng kanyang tiyan. Napasinghap siya ng mapagtantong may mga marka ng sariwang dugo ang puting cycling short niyang suot."Bilisan mo Tuazon. Ambagal bagal mo! I think Saavedra's wife is going to give birth damn it!" Rain was almost shouting at his earpiece. "Dalian mo at baka maging kumadrona pa ako!"Hindi nagtagal ay dumating si Isaac sa loob kasama ng ilan pa. Nakita rin niyang humahangos si Pierre papasok at nagpunta sa gawi niya."Corazon, can you still hear me?" Pukaw nito sa atensyon niya.Nanghihina siyang tumango."Call Xavier, Alice!"Mabilis na tumalima ang babae at tumakbo palabas. Isinandal siya ni Pierre sa mga bisig nito. She also felt someone took Terrence away from her arms. Nais niya mang tumutol, wala siyang nagawa dahil na
THE DOWNFALL"Hello Corazon, long time no see?" Nakangising bungad ni Lara sa kanya habang papasok ito sa loob ng underground."What took you so long?" Naiinis namang wika ng lalaking bumaril kay Manang Salve kay Lara.Her cousin rolled her eyes on him. "Hello? That damn green eyed handsome creature outside was so good at fighting! Nahihirapan ang mga tauhan mong papasukin ako agad, Marcus."Tumango tango ang lalaking nagngangalang Marcus at napangisi. "Oh, that's Forest and you're right, he's a very skilled fighter. A very skilled fighter who can't even protect his own family...""You know him?""Of course. We were in the same team before," tugon ni Marcus subalit hindi parin humihiwalay ng titig sa kanya."Ugh! Enough with him. He's giving me headaches. This is all your fault! Kung bakit pa kasi hindi mo na lang siya tinuluyan nung nasa yate siya!"Kinilabutan siya sa sinabi ni Lara. Ano bang ginawa ng panahon sa pinsan niya at naging ganito ito kasama? How can she easily say those w
REVENGE Mabagal na sumapit ang gabi. Ang tanging ginawa lang ni Corazon buong araw ay magkulong sa kanyang silid. Nawalan na siya ng ganang lumabas. Hindi na siya natutuwa habang pinagmamasdan ang karagatan dahil namimiss na niya ang kanilang tubuhan. Ngayong nakakaalala na siya, pakiramdam niya'y hindi siya parte ng lugar na ito. Bumukas ang pintuan ng kanyang silid. Kahit na hindi siya mag-angat ng tingin, alam na niya kung sino ang pumasok. Pero kahit na ganun, nanatili siyang walang kibo. Lumundo ang gilid ng kama at saka niya naamoy ang mabangong aroma ng pagkain. Naglalaway siya habang nanunuot sa kanyang ilong ang mabangong aroma ng tempura na siyang paborito niya pero tinikis niya ang kanyang sarili. "Sabi ni Manang Salve hindi ka pa raw kumakain kaya dinalhan na kita ng hapunan dito sa silid mo," anunsyo nito. Dinig niyang inaayos ni Pierre ang mga kubyertos sa bedside table pero nagsawalang kibo pa rin siya. Nagpakawala ito ng malalim na buntong hininga. "I know you're a
BLACKMAIL"What are you talking about Carolina.."Halos pabulong ng sambit ni Pierre. Mariin siyang napapikit. "Stop calling me that name. Alam mong hindi yan ang pangalan ko," may diin niyang bigkas.Nitong mga nakaraang buwan ay walang ipinakitang pangit na ugali sa kanya si Pierre subalit hindi rin naman tamang itago siya nito sa isla gayong kilala pala nito ang tunay niyang pamilya dahil lang nangungulila ito sa mag-ina niya."Sa susunod na lang tayo mag-usap. You're just tired," anito at tumayo na para umalis ng silid."Are you avoiding my question? You need to return me to my family Pierre!" Bahagya ng tumaas ang boses niya habang tigmak sa luha ang kanyang mga mata.Lumingon ito sa kanya. He had this cold and hard expression on his face. "I can give you anything you want but not your freedom. You will stay here with me and if I need to lock you up para hindi ka makatakas then I'll do it. Huwag ka lang mawala sakin.""You're sick..." She uttered in anger.Sino bang matino ang ga