AGGRAVATED
Naalimpungatan si Corazon at napagtantong nakatulog pala siya sa sofa kakahintay kay Terrence. Tiningnan niya ang orasan at nakitang alas dos na ng madaling araw. Umakyat siya sa taas at sinilip ang silid ng asawa sa pagbabakasakaling umuwi na ito pero walang bakas ni Terrence doon.Nanlulumo siyang bumaba ng hagdan at kinuha ang cellphone para tawagan ang asawa pero nakailang ring na siya'y wala paring sumasagot. Madaling araw na kaya nag aalala siya at kung napano na kaya ito.Maya maya pa ay nakarinig na siya ng ugong ng sasakyan kaya agad siyang tumayo at inihanda ang ngiti bago pagbuksan ang asawa subalit napalis lamang iyon nang makitang hindi ito nag iisa. Lasing na lasing ito habang kaagapay ang isang seksing babae na hindi pamilyar sa kanya."Hey.. Careful, matutumba tayo," natatawang pigil ng babae."It's fine basta sayo ako babagsak.."Tugon ni Terrence at bahagya pang tumawa. Hindi na siya nakatiis pa at agad naman siyang lumapit para kunin ang asawa mula sa babae."Miss ako ng bahala sa kanya," walang emosyon niyang saad.Agad na ngumiti ang babae, halatang lasing rin ito."Oh mabuti naman at may katulong ka Terrence dahil sobrang bigat mo," anito.Hindi na siya nag abalang itama pa ang sinabi ng babae tungkol sa pagiging katulong niya dahil lagi naman niya iyong naririnig sa mga kalandian nitong hindi nakakakilala sa kanya. Akmang lalapit na siya sa asawa pero itinulak siya nito palayo."Don't touch me!" Bulyaw ni Terrence.Nabitin sa ere ang kamay niya at napahiya. Kumirot ang puso niya sa reaksyon ng asawa. Kahit sa kalasingan nito ay bakas pa rin ang disgusto ng lalake sa kanya."Babe, ihatid mo ko sa kwarto ko.. I still can't get enough of you." Mapupungay ang mga mata nitong tumingin sa kasama."You're so insatiable Terrence! Kakatapos lang natin sa car kanina eh.." Kunwari ay reklamo ng babae.Lumunok si Corazon ng ilang beses para mawala ang bikig sa kanyang lalamunan at hindi tuluyang malaglag ang namumuong luha sa kanyang mga mata. Imbes na maging manhid dahil ilang beses na siyang nakasaksi ng ganitong pangyayari mas lalo lang dumoble ang sakit.Agad na yumakap sa babae si Terrence at naghalikan pa sa harap niya. Unti unting pumasok ang dalawa nang hindi naghihiwalay ang mga labi. Napaatras pa siya nang masagi siya ng mga ito.Humigpit ang kapit niya sa doorknob at pinigilan ang sariling lumingon. Mas lalo lamang siyang madudurog sa makikita niya kaya tumingala siya sa kisame at pinaypayan ang mga mata."Wag kang umiyak.. Wag kang umiyak Corazon. Kaya mo to, kakayanin mo. Mahal mo siya hindi ba? Please.. Please don't cry." Kausap niya sa sarili.Pero nang magsimulang umungol ang dalawa ay hindi na niya napigilan pa ang sarili. Hindi magkamayaw ang mga luha niya na parang sinaksak ng libo libong punyal ang kanyang dibdib. Upang maiwasan ang mga ito pinili niyang sa hardin na muna manatili kahit madaling araw na.Walang naging maayos na tulog si Corazon kinabukasan pero pinilit niya pa ring bumangon para ipaghanda ng almusal ang asawa. Kasalukuyan siyang nagluluto nang maramdaman niyang may ibang tao sa kusina. Lumingon siya at nakita ang babaeng kasama ni Terrence kagabi habang suot nito ang longsleeve ng asawa. Hindi niya ito pinansin at nagpatuloy lang sa ginagawa."Are you a maid here? You're rude! Hindi ka ba marunong bumati sa girlfriend ng amo mo!" Asik ng nito.Huminga siya ng malalim upang hamigin ang sarili na huwag pumatol dito."Tonta! At talagang balak mo pang mag bingibingihan huh!"Nabigla si Corazon ng hilahin nito ang kanyang buhok kaya napasigaw siya. Biglang sumulak ang galit sa puso niya dahil sa pang aapi ng babae. Hindi pa ba sapat na kumalantari ito sa asawa niya, may gana pa talaga itong manakit sa kanya?Sinubukan niyang tanggalin ang kamay nito sa kanyang buhok pero ayaw siyang bitawan ng babae at tuloy lang ito sa pagtatalak. Tuluyang nagdilim ang kanyang paningin at siniko ang tiyan ng babae. Marahil hindi nito inaasahan ang ginawa niya kaya mabilis siyang nabitawan. Hindi pa siya nakuntento at ginantihan ito ng pagsabunot."Hindi ako nagreklamo kagabi na andito ka pero ang saktan mo ako.. Sobra naman yata yun!" Nanggigil niyang sambit. Nagpupumiglas ito pero hindi niya pinakawalan. "Damn you bitch!! Ipapatanggal kita kay Terrence!" Nanggagalaiti nitong sigaw.Napanting ang tenga niya sa narinig kaya't iniharap niya ito at mahigpit na hinawakan ng isa niyang kamay ang mukha ng babae. "Subukan mo! Dahil bago mo ako matatanggal sa buhay niya ipapakulong muna kita dahil kabit ka ng asawa ko! Naririnig mo ba ako? Kabit kalang at bahay ko to kaya lumayas ka dito!"Hawak pa rin niya ang buhok nito at kinakaladkad patungo sa salas. Panay naman ang sigaw at iyak ng babae pero parang wala siyang narinig. Nasa kalagitnaan na siya ng pagkaladkad nang dumagundong ang galit na boses ni Terrence sa buong salas."What are you doing Corazon! Get your filthy hands off her!"Para namang siyang nahimasmasan sa kanyang nagawa kaya binitawan niya agad ang babae. Pasalampak itong bumagsak sa sahig na agad na dinaluhan ni Terrence. Para siyang naitulos sa kinatatayuan, hindi niya akalaing magagawa niya ang bagay na iyon."Terrence.. She hurt me! Totoo bang asawa mo siya? She's just lying right?" Umiiyak nitong tanong.Hinintay ni Corazon na aminin ni Terrence sa babae ang totoo pero taliwas ang nangyari."No.. She's just a maid and a bit of a freak. Pasensya ka na Bea, I'll talk to her. Hindi na ito mauulit.." Anito at matalim ang mga matang bumaling sa kanya."Freak naman pala, eh bakit hindi mo pa siya ipatanggal? Humanap ka na ng iba Terrence. Fire her right now in front of me.""Magaling siya sa gawaing bahay kaya ayos lang yan. Wag mo na siyang paglaanan pa ng panahon Bea, she's just nothing, okay?"Parang pinira piraso ang puso niya sa narinig. Alam niyang masakit ang ginawang pambabalewala ni Terrence pero mas may isasakit pa pala kapag ipagkakaila ka ng taong mahal mo ng harap harapan."Come on, umakyat ka muna.. I'll help you fix yourself," malambing nitong turan. Lumingon ulit sa gawi niya si Terrence " Mag usap tayo mamaya Corazon." Tiim bagang nitong saad bago siya tinalikuran at umakyat ng silid kasama ang babae.Kanina pa nakatulala si Corazon sa baso ng tubig na nasa kanyang harapan. Paulit ulit na sumagi sa isipan niya ang nangyari kanina. Wala ring patid ang pagtulo ng mga luha sa kanyang mga mata.Hanggang kailan ba siya sasaktan ng lalaking mahal niya? Hanggang kailan ba siya magtitiis para sa lintik na pagmamahal niya para dito?Tumayo siya nang pumasok si Terrence sa kusina."Are you that rude?! Ano bang karapatan mong saktan si Bea, Corazon!" Bulyaw ni Terrence.Mariin siyang napapikit. Hanggat maari ay ayaw niyang makipagtalo kay Terrence pero parang sumusobra na yata ang lalaki."Rude? You call it rude Terrence? Sino ba sa atin ang rude? Ako ba na walang ginawa kundi ang intindihin ka o ikaw na hindi man lang ako nirerespeto?" Walang amor siyang natawa. Siya na nga ang inapi pero parang kasalanan pa rin niya? "Asawa mo ako Terrence! May karapatan ako sayo! Mahirap bang intindihin yun?"Isang malakas na sampal ang dumapo sa kanyang pisngi. Napaatras siya at napahawak sa mesa dahil parang mawawalan siya ng ulirat sa ginawa ng asawa. Being physically hurt is bearable but emotionally really hits hard like this one. Hindi pa siya nakakabawi ay agad na hinawakan ng mahigpit ni Terrence ang kanyang panga. Sa higpit nito ay pakiramdam niya bumaon ang mga daliri ng asawa sa kanyang pisngi."You don't have the right to raise your voice at me! Asawa lang kita sa papel, kailangan bang paulit ulit kong sabihin yun sayo! Wala kang karapatan na awayin kahit sinong babae pa ang dalhin ko dito sa bahay o pakialaman ang gusto ko! Do you understand?!"Marahas nitong binitiwan ang kanyang mukha."Pero Terrence.. Hanggang kelan ba tayo ganito? Wala na ba talagang pag asa na magiging maayos tayo?""You already knew the answer to that."Why is it so hard for him to give her a chance to fix what they have? Palaging sarado ang utak ng lalaki sa usaping iyon. "Pwede bang kahit konti lang.. Kahit konti lang talaga, respetuhin mo naman ako," umiiyak niyang pakiusap sa asawa.Hindi pa siya nakatiis at lumuhod sa harapan ng asawa para magsumamo at baka sakaling maawa sa kanya ang lalaki. "Kahit yun lang Terrence…"Yumukod si Terrence at pinagpantay ang kanilang mukha. Walang bakas ng awa ang makikita sa itsura ng lalaki. Puro galit at pagkamuhi lang."Kasalanan mong lahat kaya nasadlak tayo sa sitwasyon na to Corazon. Have you forgotten it already? I told you to back off from the wedding, didn't I? Pero matigas ka, masyado kang desperada kaya pagbabayaran mo ang desisyon mo!"Tumayo si Terrence samantalang nanatili siyang nakaluhod sa sahig. "Araw araw kitang sasaktan hanggang sa mapagod ka ng tuluyan. I don't care.. Nagsisimula pa lang tayo kaya kung ako sayo hilingin mo na sa mga magulang natin na ipawalang bisa ang kasal dahil kahit kailan hinding hindi kita mamahalin!"SICKMasama ang pakiramdam niya nang magising ng mga sumunod na araw pero agad ding napabalikwas ng bangon nang makitang alas syete na ng umaga. Dahil sa kanyang pagmamadali, nagdilim ang kanyang paningin at nabuwal pero sinubukan niya paring tumayo. Terrence might starve if she won't move and cook for him. Isa pa ay ayaw niyang magalit sa kanya ang asawa.Paglabas niya ng silid, bumungad sa kanya ang nakabusangot na mukha ni Terrence kaya naman agad niya itong nilapitan para kausapin."P—pasensya kana Terrence, tinanghali ako ng gising. Masama kasi ang pakiramdam ko," hinging paumanhin niya."Anong gusto mong palabasin? That I should take good care of you because you're sick?" Terrence smirked at her.She swallowed the lump in her throat "...hindi naman sa ganun Terrence kaya lang—""Kaya lang ano? Magpapaawa ka na naman ba? Walang epek sakin yan Corazon kaya tigilan mo yan at gawin mo na ang trabaho mo," asik nito.Tumuloy na lang siya sa kusina at ipinaghanda ang asawa kahit pa ramd
OUT OF PLACEMukha ni Tyrone ang una niyang nasilayan pagdilat ng kanyang mga mata. Somehow she felt a little comfort knowing her best friend was here with her. Tyrone was Terrence's younger brother. Nakilala niya ito noong lagi niyang inaabangan si Terrence na dumaan sa hacienda nila.(Flashback)Busy siya sa pagsilip kay Terrence habang nakakubli sa damuhan upang hindi siya nito mahalata. Kausap ng binatilyo ang isa sa kanilang trabahador na nasa pagitan ng kani-kanilang hacienda. Maya maya pa ay may naramdaman siyang presensya sa kanyang likuran. Dahil sa pag-aakalang si Malia, ang kanyang matalik na kaibigan ang naroon, napangiti siya ng hindi na nag-abala pang lumingon."Ang gwapo niya talaga," parang nanaginip niyang sambit."Talaga?"Halos mapatalon siya sa gulat nang makitang hindi si Malia ang nasa kanyang likuran kundi isang lalaking hindi nalalayo sa kanyang edad ang naroon. Namilog ang kanyang mga mata at akmang sisigaw subalit mabilis nitong tinakpan ang kanyang bibig."Sh
TRASHTatlong araw ang itinagal niya sa ospital subalit sa loob ng panahong iyon hindi man lang niya nakitang dumalaw si Terrence sa kanya. She was sad pero ano pa bang inaasahan niya? Her husband wants her gone kaya hindi na dapat siya umasang kahit isang saglit lang ay makita niya ito."Pasok ka muna Ty," aniya kay Tyrone nang makarating sila sa bahay ni Terrence."Hindi na Corazon. I might kill your husband this time kung sakaling makita ko siya," malamig nitong tugon.Hindi na lang siya sumagot dahil naiintindihan din niya kung bakit nagkakaganun si Tyrone. Her kind of relationship with Terrence isn't a secret to him. Ang ipinagpasalamat lang niya, hindi pa ito nagsasalita sa mga magulang nila dahil malaking gulo iyon kapag nagkataon."Ingat ka pabalik ng Mindanao Ty," bilin niya sa lalaki nang makababa siya ng sasakyan."Take care too, Corazon."Hinatid tanaw niya ang sasakyan ng kaibigan bago napagpasyahang pumasok sa loob. Tahimik ang buong kabahayan pagdating niya, wala rin ang
ARRESTED"Look who's here? Diba ikaw ang maid ng boyfriend ko?" Tanong ni Bea at pinasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa.Nagpakawala siya ng isang buntong hininga at inabot ang card ni Terrence mula sa babae pero mabilis itong iniwas ni Bea at nginisihan pa siya."A black card huh? I'm sure this thing belongs to Terrence. I wonder why you have this one?" Litaniya nito at sinipat pa ang hawak na card."Look Miss, ayoko ng gulo kaya kung pwede akin na yan at nang makaalis na ako," malamig niyang saad."And who says you're gonna get outta here alone?""Anong ibig mong sabihin?""You can get out of here kasama ang mga pulis! You're a thief! Ninakaw mo ang card ng boyfriend ko just so you can shop this kind of dress!" Nanlilisik ang mga mata nitong akusa sa kanya."Wala akong ninakaw Miss Bea kaya maghinay-hinay ka sa mga akusasyon mo," malumanay subalit puno ng poot niyang sagot."Talaga lang ha? Watch me!" Mapanghamon nitong sabi at hinarap ang saleslady. "Call your manager now,
WHY"Let's talk for a while, Terrence."Napahinto si Terrence sa paglalakad palabas ng presinto at hinarap si Lolo Herman. "Sure, Lo."Nagpatiuna sa paglalakad si Herman at huminto sa isang sulok kung saan madalang lang ang mga taong dumadaan. Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga bago napagpasyahang magsalita."Anong…nais ninyong pag-usapan natin Lolo Herman," tanong niya sa abuelo ng kaibigang si Niccolo."Didiretsuhin na kita Terrence. Hindi ko nagustuhan ang nangyari ngayong araw at kung hindi lang nakiusap sakin ang asawa mo, agad na makakarating sa mga magulang ninyo ang gulong ito," nayayamot nitong sagot.Siya naman ay napailing sa narinig. So Corazon was playing a hero to save his face from his family? Ganun ba ang gusto nitong palabasin? For what? So that he will thank her for her act of kindness? At sa tingin ba nito ay gagawin niya iyon? In her dreams!"Paano na lang kung hindi ako dumating ng mas maaga. Your wife would surely be compromised by your mistress.
SLEEPING TOGETHERTyrone brought her to a restaurant, ito na rin ang nag-order ng pagkain para sa kanilang dalawa. Habang siya ay parang hindi pa rin nahihimasmasan sa nangyari kanina. Naghalo-halo ang emosyong nararamdaman niya sa loob ng kanyang dibdib."Ty…""Hmm?""Thank you…""For what?" Tinaasan siya nito ng kaliwang kilay."Sa lahat." Tyrone chuckled. "Stop thanking me, Corazon. You know I would do anything for you.""That's why I'm thanking you at hinding hindi ako magsasawang uulit-ulit ang pagpapasalamat ko sayo," nakangiti niyang wika.Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Tyrone. "I don't want to hear your gratitude, Corazon. All I want is for you to wake up from your foolishness thinking that my brother will soon change and will treat you nicely. He's rude and forever he will be.""Ty…""Yeah, I know what you are going to say. Mas mabuti pang kumain na lang tayo or the food will turn cold."Tyrone was tending all her needs. Asikasong asikaso siya ng kaibig
LITTLE REUNION Marahang tapik sa pisngi ang gumising sa mahimbing na pagtulog ni Corazon. Dahan dahan siyang nagmulat ng mata at nasilayan ang gwapong mukha ng kanyang asawa habang nakadungaw sa kanya. Napangiti siya. Sana'y ganito araw-araw ang makikita niya paggising niya sa umaga. "Stop daydreaming and get the fuck up Corazon! Ilang oras na lang darating na ang mga magulang natin!" Agad siyang nahimasmasan sa kanyang pantasya at bumalik sa realidad. Oo nga't nakadungaw si Terrence sa kanya subalit hindi na maipinta ang mukha nito sa labis na inis. Bigla ay naconcious siya. Pinakiramdaman niya ang sarili. Baka may dumi pa siya sa mata o di kaya ay may laway sa gilid ng bibig. "Ano? Tititigan mo lang ba ako at hindi ka kikilos?" "S—sorry," agad siyang bumalikwas ng bangon. Napatingin siya sa salaming bintana at nakitang sumikat na ang araw sa labas. "Anong oras na pala?" Terrence tsk. "Alas otso na mahal na reyna," sarkastiko nitong tugon. Mabilis siyang bumaba ng kama at hinan
SUSPICIONTension filled the atmosphere. Nagtataka ang mga tingin ng magulang nila sa katagang binitawan ni Tyrone. Pinandilatan niya ng mata ang kaibigan para sawayin pero mukhang wala itong planong makinig sa kanya."What are you trying to say Tyrone?" Kunot noong tanong ni Donya Luisa.Tyrone smiled. A mocking smile. Napalingon siya kay Terrence. Nagtatagis ang bagang nitong nakipagsukatan ng tingin sa kapatid. Kung nakamamatay lang ang tingin, kanina pa nalagutan ng hininga si Tyrone panigurado."Nothing Mom. I just felt like Kuya doesn't like me being here. Look at the way he glares at me," panunuya pa nito.Lihim siyang napabuntong hininga. Palihim niyang sinipa ang paa ni Tyrone sa ilalim ng mesa. Sandali lang itong lumingon sa kanya bago ibinalik ang tingin kay Terrence."What going on between the two of you?" Pormal na tanong ni Don Thiago sa mga anak nito. "Don't tell me the two of you are fighting over something, do you?""No. Not at all, Dad, Tyrone is just messing around,
LARA ALCARAZ She grew up different from other children. Noon ay hindi niya maintindihan kung bakit ganun na lang ang galit ng kanyang Nanay Fatima sa kanya. "Ikaw ang dahilan kung bakit nagdudusa ako ngayon! Kung hindi ka sana dumating sa buhay ko, hindi sana ako maghihirap ngayon!" Wala siyang naisagot kundi tanging hikbi lang. Wala naman siyang ideya kung ano ang ibig sabihin ng kanyang Nanay. Dahil sa kanyang pag-iyak ay mas lalong nanlisik ang mga mata ni Fatima at sinimulan siyang paluin. "T-tama na Nay..." Palahaw niya pero hindi ito nakinig at patuloy lang sa pagpalo sa kanya. "Putangina mong bata ka! Ikaw ang dahilan kaya iniwanan ako ni Thiago! Pareho kayo ng walang kwenta mong ama!" Sigaw nito sa kanya. Matapos nitong ibuhos sa kanya ang lahat ng galit ay umalis ito ng bahay at iniwan siyang nakasalampak sa sahig habang may mga latay sa kanyang mumunting binti. Mariin siyang napapikit. Nakita niya minsan ang pinsan niyang si Corazon kasama ang mga magulang nito. They a
EPILOGUE Abot langit ang kaba ni Terrence habang hinihintay ang kanyang bride sa malaking simbahan ng Santa Catalina. Today is going to be his wedding with Corazon. Parang kailan lang ay kinasal din silang dalawa ng babae. Naalala niya noon kung gaano siya kagalit habang hinihintay ito sa altar. He was cursing the very gorgeous woman with her wedding dress to the core. Nagdasal pa nga siya na sana bumagyo at bumaha para hindi matuloy ang kasal nila. "Are you happy now? Natupad na ang gusto mo!" May diin niyang bigkas nang makalapit na ito sa kanya. Wala siyang pakialam kahit ano pa ang sabihin ng mga taong naroon. He was so damn livid. May namumuong luha sa mga mata ng babae but who cares. Ito lang ang masaya. Siya hindi! This wedding is a curse! "Tandaan mo ang sinabi ko sayo, pagsisisihan mo ang araw na ito Corazon!" But Corazon didn't answer. Yumuko lang ito na mas lalong nagpakulo ng kanyang dugo. This is what Lara told him. Corazon always plays demure pero tumitira ito pailali
HOUSEMabilis na lumipas ang mga araw. Una siyang nakalabas ng ospital. Sumunod naman sa kanya si Terrence ilang araw matapos siyang madischarge while Chase is still staying in the hospital. Walang araw na hindi nila ito dinadalaw hanggang sa mailabas din nila ito ng ospital ang anak.They are staying at her parent's mansion for the meantime dahil request din ng kanyang mga magulang. They miss her so much and so was she kaya pumayag na rin siya."Oh my, he's drinking my milk!" Natutuwa niyang bulalas habang pinagmamasdan si Chase.He was very adorable while he's breastfeeding him. Terrence was also in front of her, watching the two of them."Wag masyadong matakaw Chase, magtira ka naman para kay Daddy," anito habang marahang hinahaplos ang maliit na braso ni Chase.Sinamaan niya ng tingin si Terrence. Nginisihan lang siya ng lalaki bago pinatakan ng mabining halik sa noo."I love you Mi amor. Thank you for making me happy," he said with pure sincerity in his voice.Napangiti naman siy
REUNITED"Cora my labs!" Matinis na tili ang pumukaw sa inaantok niyang diwa.Napalingon siya sa bukana ng pinto kung saan nakita niya ang nakangising mukha ni Jessie habang patakbo sa gawi niya. Nang makarating ito sa kinaroroonan niya ay niyakap siya nito ng mahigpit dahilan para mapangiwi siya."I miss you so much!" Humihikbi nitong sambit.Napangiti siya. "Namiss din kita." Aniya subalit napakunot noo siya nang mapagtanto ang umbok sa tiyan nito. "T-teka...What's this?" Inilayo niya si Jessie sa kanya at namilog ang kanyang mga mata sa nakita."Y-you're pregnant?" Bulalas niya."Yes! It's already four months, Cora.""Wow! Congratulations! Sino ba ang malas na lalaking nakabuntis sayo?" Biro pa niya.Jessie just chuckled. Bumukas ang pintuan at iniluwa nito si Solomon. Bahagya pa itong yumukod bilang pagbati sa kanya. "Welcome back Señorita." Solomon smiled subalit nagulat na lang siya nang inilingkis nito ang braso sa bewang ni Jessie."Oh my! Y-you two are-""Yes we are secretly
KARMABumalikwas ng bangon si Corazon mula sa kanyang pagkakahiga. Butil butil ang pawis sa kanyang noo habang humahangos."Something wrong?" Napalingon siya sa boses na nagsasalita. She was welcomed by Isaac's worried face. Hindi nagtagal ay nagsimula na siyang umiiyak. Hanggang ngayon ay ramdam parin niya ang walang mapagsidhang takot at sakit sa kanyang dibdib."Hey? Why are you crying? May masakit ba sayo?" Nag-aalalang tanong ni Isaac nang lapitan siya nito."I wanna see Terrence..." Humihikbi niyang sambit.She heard a deep sigh coming from him. "Okay, I will bring you to him."Inalalayan siya nitong makalipat sa wheelchair saka dinala sa kabilang silid. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang payapang nakapikit ang kanyang asawa habang may nakakabit na oxygen sa lalaki."P-pwede mo ba kaming iwan kahit sandali?" Baling niya kay Isaac."Sure." Mabilos nitong tango. "I'll be outside. Just call me if you need something.""Thank you."Tipid itong ngumiti bago tahimik na naglakad p
GONE"Damn it! Wait. Wait. Tell your baby to wait at wag matigas ang ulo gaya ng daddy niya!" Anito at tumayo saka inilibot ang tingin sa paligid. "Fuck! Hindi ko alam paano magpaanak!"Hindi na siya nag-abala pang sumagot dahil sa muling paghilab ng kanyang tiyan. Napasinghap siya ng mapagtantong may mga marka ng sariwang dugo ang puting cycling short niyang suot."Bilisan mo Tuazon. Ambagal bagal mo! I think Saavedra's wife is going to give birth damn it!" Rain was almost shouting at his earpiece. "Dalian mo at baka maging kumadrona pa ako!"Hindi nagtagal ay dumating si Isaac sa loob kasama ng ilan pa. Nakita rin niyang humahangos si Pierre papasok at nagpunta sa gawi niya."Corazon, can you still hear me?" Pukaw nito sa atensyon niya.Nanghihina siyang tumango."Call Xavier, Alice!"Mabilis na tumalima ang babae at tumakbo palabas. Isinandal siya ni Pierre sa mga bisig nito. She also felt someone took Terrence away from her arms. Nais niya mang tumutol, wala siyang nagawa dahil na
THE DOWNFALL"Hello Corazon, long time no see?" Nakangising bungad ni Lara sa kanya habang papasok ito sa loob ng underground."What took you so long?" Naiinis namang wika ng lalaking bumaril kay Manang Salve kay Lara.Her cousin rolled her eyes on him. "Hello? That damn green eyed handsome creature outside was so good at fighting! Nahihirapan ang mga tauhan mong papasukin ako agad, Marcus."Tumango tango ang lalaking nagngangalang Marcus at napangisi. "Oh, that's Forest and you're right, he's a very skilled fighter. A very skilled fighter who can't even protect his own family...""You know him?""Of course. We were in the same team before," tugon ni Marcus subalit hindi parin humihiwalay ng titig sa kanya."Ugh! Enough with him. He's giving me headaches. This is all your fault! Kung bakit pa kasi hindi mo na lang siya tinuluyan nung nasa yate siya!"Kinilabutan siya sa sinabi ni Lara. Ano bang ginawa ng panahon sa pinsan niya at naging ganito ito kasama? How can she easily say those w
REVENGE Mabagal na sumapit ang gabi. Ang tanging ginawa lang ni Corazon buong araw ay magkulong sa kanyang silid. Nawalan na siya ng ganang lumabas. Hindi na siya natutuwa habang pinagmamasdan ang karagatan dahil namimiss na niya ang kanilang tubuhan. Ngayong nakakaalala na siya, pakiramdam niya'y hindi siya parte ng lugar na ito. Bumukas ang pintuan ng kanyang silid. Kahit na hindi siya mag-angat ng tingin, alam na niya kung sino ang pumasok. Pero kahit na ganun, nanatili siyang walang kibo. Lumundo ang gilid ng kama at saka niya naamoy ang mabangong aroma ng pagkain. Naglalaway siya habang nanunuot sa kanyang ilong ang mabangong aroma ng tempura na siyang paborito niya pero tinikis niya ang kanyang sarili. "Sabi ni Manang Salve hindi ka pa raw kumakain kaya dinalhan na kita ng hapunan dito sa silid mo," anunsyo nito. Dinig niyang inaayos ni Pierre ang mga kubyertos sa bedside table pero nagsawalang kibo pa rin siya. Nagpakawala ito ng malalim na buntong hininga. "I know you're a
BLACKMAIL"What are you talking about Carolina.."Halos pabulong ng sambit ni Pierre. Mariin siyang napapikit. "Stop calling me that name. Alam mong hindi yan ang pangalan ko," may diin niyang bigkas.Nitong mga nakaraang buwan ay walang ipinakitang pangit na ugali sa kanya si Pierre subalit hindi rin naman tamang itago siya nito sa isla gayong kilala pala nito ang tunay niyang pamilya dahil lang nangungulila ito sa mag-ina niya."Sa susunod na lang tayo mag-usap. You're just tired," anito at tumayo na para umalis ng silid."Are you avoiding my question? You need to return me to my family Pierre!" Bahagya ng tumaas ang boses niya habang tigmak sa luha ang kanyang mga mata.Lumingon ito sa kanya. He had this cold and hard expression on his face. "I can give you anything you want but not your freedom. You will stay here with me and if I need to lock you up para hindi ka makatakas then I'll do it. Huwag ka lang mawala sakin.""You're sick..." She uttered in anger.Sino bang matino ang ga