** eres tan hermosa- you're so beautiful Te echo de menos- I miss you Yo tambiém te extraño- I miss you too
SUSPICIONTension filled the atmosphere. Nagtataka ang mga tingin ng magulang nila sa katagang binitawan ni Tyrone. Pinandilatan niya ng mata ang kaibigan para sawayin pero mukhang wala itong planong makinig sa kanya."What are you trying to say Tyrone?" Kunot noong tanong ni Donya Luisa.Tyrone smiled. A mocking smile. Napalingon siya kay Terrence. Nagtatagis ang bagang nitong nakipagsukatan ng tingin sa kapatid. Kung nakamamatay lang ang tingin, kanina pa nalagutan ng hininga si Tyrone panigurado."Nothing Mom. I just felt like Kuya doesn't like me being here. Look at the way he glares at me," panunuya pa nito.Lihim siyang napabuntong hininga. Palihim niyang sinipa ang paa ni Tyrone sa ilalim ng mesa. Sandali lang itong lumingon sa kanya bago ibinalik ang tingin kay Terrence."What going on between the two of you?" Pormal na tanong ni Don Thiago sa mga anak nito. "Don't tell me the two of you are fighting over something, do you?""No. Not at all, Dad, Tyrone is just messing around,
BETRAYALBoth of their parents bid goodbye to them after lunch samantalang hindi pa nag-aagahan nauna ng nagpaalam si Abbie. Hinayaan na kang muna niya ang kaibigan dahil baka may mahalagang bagay itong gagawin. Mukha ring nagmamadali ang dalagang makaalis.Nakaramdam siya ng kahungkagan habang tinatanaw ang sasakyan ng mga itong papalayo. She felt like crying. It's just minutes pero agad niyang namiss ang mga magulang niya. Ang bigat-bigat ng kanyang loob.Kalaunan ay pumasok na siya sa loob ng bahay. Naabutan naman niya si Terrence na pababa ng hagdanan. Nakabihis ang lalaki at mukhang may lakad ito."Aalis ka ba ngayon Terrence?" Tanong niya kahit na halata naman. She just wanted to start a little light conversation with her husband.Tumango ito saka siya tinapunan ng tingin. "Take all your belongings back to your old room Corazon. Wala na ang mga magulang natin kaya wala na ring rason para doon ka pa manatili."She felt a slight pang on her chest pero binalewala niya iyon. Pasasaa
WAKE UP CALL"C—Corazon…" Labis na gulat ang rumehistro sa mukha ni Abbie nang makita siya.Namutla ang babae na animo nakakita ng multo. She was disgusted seeing her nakedness infront of her. Balewala namang isinuot ni Terrence ang slacks nito. He was smirking as if he was so proud of what he did."Kailan pa?" Unang katagang lumabas sa kanyang bibig pagkatapos ng ilang segundong pagkatulala.Nagmamadaling isinuot ni Abbie ang pang-ibabang damit na nahubad nito. Agad itong lumapit sa kanya at sinubukan pa siyang hawakan subalit mabilis siyang umiwas."Corazon, I—I'm sorry…"She scoffed. Pinahid niya ang mga luhang nag-uunahan sa kanyang pisngi gamit ang kanyang kamay. "I'm sorry? Ganun lang yun pagkatapos mo akong traydurin?"Tumungo si Abbie. Terrence on the other hand sat on the edge of his table with his arms crossed on his chest while watching the two ladies in front of him. Para siyang nanonood ng isang palabas sa telebisyon."Sa lahat ng maaaring manloloko sakin, ikaw ang pinaka
ALMOSTMabigat ang kanyang pakiramdam nang magising siya kinabukasan subalit pilit parin siyang bumangon dahil may importante siyang lakad. Suot ang isang kulay itim na halter jumpsuit at flat sandal ay bumaba na siya ng silid. Tahimik ang buong bahay, hindi niya alam kung umuwi ba si Terrence kagabi o hindi. Masyado siyang abala sa sakit na nararamdaman niya para intindihin pa ang ibang mga bagay."Aalis po kayo Ma'am?" Tanong ni Manang Glory.Nakasalubong niya ang kanilang katulong mula sa kusina. May bitbit itong laundry basket na naglalaman ng mga nilabhan nila noong nakaraan. Tipid siyang ngumiti at tumango sa babae."Hindi po ba kayo mag-aalmusal man lang?""Hindi na po. Sa labas na lang po ako kakain," aniya at tinalikuran na ang matanda.Sinundan naman siya ng tingin ni Manang Glory bago hinugot mula sa uniform nito ang cellphone para tawagan ang amo niya at ireport ang kilos ni Corazon.Taxi parin ang sinakyan ni Corazon patungong Connoisseur Deluxe kung saan niya kikitain si
WOLF IN A SHEEPPadabog na bumaba si Terrence ng sasakyan at iniwan siya sa loob. Humigpit ang kapit niya sa kanyang sling bag na dala. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala-wala ang kaba sa kanyang dibdib dahil sa nangyari kani-kanina lang. She could've been hit and got hospitalized or worse, she could've died in an instant kung hindi siya mabilis na nailigtas ni Terrence.She's thankful to him pero kung tutuusin may kaibahan ba ang sitwasyon niya kanina sa ngayon? Parang wala naman. Terrence was also slowly killing her inside with the things he constantly did to her.'Kasi hinayaan mo!' Kastigo ng isip niya.Napalingon siya sa nakabukas na pintuan ng kanilang bahay. She gulped. Pinahid niya muna ang kanyang mga luha bago napagpasyahang bumaba ng sasakyan. Pagpasok niya sa loob ng bahay, naroon na si Terrence sa sofa at mukhang hinihintay siya. Masama pa rin ang tingin nito sa kanya."Are you awake now? What made you do that Corazon? Nababaliw ka na ba?" Sita nito sa kanya."Alam ko
TURNING POINT"Corazon, hija…"Napatayo siya sa kanyang kinauupuan nang dumating ang taong hinihintay niya, si Mommy Luisa. After her argument with Terrence yesterday, her husband walkout of the house at hindi ito umuwi kinagabihan.Ngumiti siya at nagmano sa ina ni Terrence bilang pagbibigay galang dito. The two of them sat together at the table of Lava Cafe which she intentionally reserved. Nag-order din sila ng maiinom bago siya nagsimula sa pakay niya sa ginang."I'm so glad you called me nang may makausap naman ako lalo na't napakaboring dito sa Maynila. All you could see is pollution everywhere unlike in our hacienda," komento pa nito.She smiled and nodded in agreement. Talaga ngang mas masarap tumira sa hacienda nila kaysa Maynila. Tahimik ang lugar at sariwa ang hanging nalalanghap. Kapag umaga naman, maririnig mo ang masasayang huni ng ibon sa mga puno sa paligid ng kanilang mansion. "Nga pala, you told me on the phone na may importante kang sasabihin, hija, what is it? Mag
THE BET Terrence was drinking his Hennessy Cognac while staring at the dancefloor for a while now. Hindi niya alintana ang kanyang mga kasama sa table na nag-uusap ng kung anu-ano. He was home a while ago and found out Corazon already left the house. "Where is Corazon Manang?" Bungad niya sa kanilang katulong nang pagbuksan siya nito ng pinto galing sa opisina. Kita niyang napakamot ng ulo si Manang Glory at alanganing ngumiti. "U—umalis na po si Ma'am Corazon dala lahat ng gamit niya." Hindi siya agad nakahuma sa ibinalita ni Manang Glory sa kanya. Si Corazon umalis dala ang mga gamit niya? Wow! Magseselebrate na ba siya? Pero sa kabilang banda, hindi basta-basta aalis si Corazon. She was a desperate woman na gagawin ang lahat manatili lang sa buhay niya kaya imposible ang sinasabi ng katulong. "Sigurado ka ba dyan Manang? Baka namalikmata ka lang?" Natatawa niyang tanong. Subalit seryoso ang mukha ni Manang Glory habang nakatunghay sa kanya. "Ang bilin niya po sakin ay may iniw
CAUGHT Naalimpungatan si Corazon nang narinig ang maraming huni ng ibon sa labas. Kahit nakapikit pa ang kanyang mga mata ay napakunot noo siya. Kailan pa nagkaroon ng maraming ibon sa siyudad? Dahan dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata at saka lang niya naalalang nasa hacienda na pala siya at wala sa Maynila. Lumingon siya sa may bintana ng kanyang silid. Mukhang late yata siyang nagising ngayon base sa mataas na sikat ng araw sa labas. Marahan siyang umunat at bumangon para maglinis ng sarili. Naalala niyang dalawang araw na pala magmula ng makauwi siya galing Maynila. Hindi pa niya nakakalimutan ang labis na gulat sa mukha ng kanyang mga magulang nang makita siyang bitbit ang kanyang maleta sa labas ng kanilang mansion. "Hija? A-nong...Bakit-Nag-alsa balutan ka ba?" Bulalas ng kanyang Mamá. Hindi siya sumagot, bagkus ay sinugod niya ng yakap ang ginang at umiyak sa bisig nito. Nothing ever beats the feeling when you're finally home. Parang nakahanap siya ng kakampi sa kat
LARA ALCARAZ She grew up different from other children. Noon ay hindi niya maintindihan kung bakit ganun na lang ang galit ng kanyang Nanay Fatima sa kanya. "Ikaw ang dahilan kung bakit nagdudusa ako ngayon! Kung hindi ka sana dumating sa buhay ko, hindi sana ako maghihirap ngayon!" Wala siyang naisagot kundi tanging hikbi lang. Wala naman siyang ideya kung ano ang ibig sabihin ng kanyang Nanay. Dahil sa kanyang pag-iyak ay mas lalong nanlisik ang mga mata ni Fatima at sinimulan siyang paluin. "T-tama na Nay..." Palahaw niya pero hindi ito nakinig at patuloy lang sa pagpalo sa kanya. "Putangina mong bata ka! Ikaw ang dahilan kaya iniwanan ako ni Thiago! Pareho kayo ng walang kwenta mong ama!" Sigaw nito sa kanya. Matapos nitong ibuhos sa kanya ang lahat ng galit ay umalis ito ng bahay at iniwan siyang nakasalampak sa sahig habang may mga latay sa kanyang mumunting binti. Mariin siyang napapikit. Nakita niya minsan ang pinsan niyang si Corazon kasama ang mga magulang nito. They a
EPILOGUE Abot langit ang kaba ni Terrence habang hinihintay ang kanyang bride sa malaking simbahan ng Santa Catalina. Today is going to be his wedding with Corazon. Parang kailan lang ay kinasal din silang dalawa ng babae. Naalala niya noon kung gaano siya kagalit habang hinihintay ito sa altar. He was cursing the very gorgeous woman with her wedding dress to the core. Nagdasal pa nga siya na sana bumagyo at bumaha para hindi matuloy ang kasal nila. "Are you happy now? Natupad na ang gusto mo!" May diin niyang bigkas nang makalapit na ito sa kanya. Wala siyang pakialam kahit ano pa ang sabihin ng mga taong naroon. He was so damn livid. May namumuong luha sa mga mata ng babae but who cares. Ito lang ang masaya. Siya hindi! This wedding is a curse! "Tandaan mo ang sinabi ko sayo, pagsisisihan mo ang araw na ito Corazon!" But Corazon didn't answer. Yumuko lang ito na mas lalong nagpakulo ng kanyang dugo. This is what Lara told him. Corazon always plays demure pero tumitira ito pailali
HOUSEMabilis na lumipas ang mga araw. Una siyang nakalabas ng ospital. Sumunod naman sa kanya si Terrence ilang araw matapos siyang madischarge while Chase is still staying in the hospital. Walang araw na hindi nila ito dinadalaw hanggang sa mailabas din nila ito ng ospital ang anak.They are staying at her parent's mansion for the meantime dahil request din ng kanyang mga magulang. They miss her so much and so was she kaya pumayag na rin siya."Oh my, he's drinking my milk!" Natutuwa niyang bulalas habang pinagmamasdan si Chase.He was very adorable while he's breastfeeding him. Terrence was also in front of her, watching the two of them."Wag masyadong matakaw Chase, magtira ka naman para kay Daddy," anito habang marahang hinahaplos ang maliit na braso ni Chase.Sinamaan niya ng tingin si Terrence. Nginisihan lang siya ng lalaki bago pinatakan ng mabining halik sa noo."I love you Mi amor. Thank you for making me happy," he said with pure sincerity in his voice.Napangiti naman siy
REUNITED"Cora my labs!" Matinis na tili ang pumukaw sa inaantok niyang diwa.Napalingon siya sa bukana ng pinto kung saan nakita niya ang nakangising mukha ni Jessie habang patakbo sa gawi niya. Nang makarating ito sa kinaroroonan niya ay niyakap siya nito ng mahigpit dahilan para mapangiwi siya."I miss you so much!" Humihikbi nitong sambit.Napangiti siya. "Namiss din kita." Aniya subalit napakunot noo siya nang mapagtanto ang umbok sa tiyan nito. "T-teka...What's this?" Inilayo niya si Jessie sa kanya at namilog ang kanyang mga mata sa nakita."Y-you're pregnant?" Bulalas niya."Yes! It's already four months, Cora.""Wow! Congratulations! Sino ba ang malas na lalaking nakabuntis sayo?" Biro pa niya.Jessie just chuckled. Bumukas ang pintuan at iniluwa nito si Solomon. Bahagya pa itong yumukod bilang pagbati sa kanya. "Welcome back Señorita." Solomon smiled subalit nagulat na lang siya nang inilingkis nito ang braso sa bewang ni Jessie."Oh my! Y-you two are-""Yes we are secretly
KARMABumalikwas ng bangon si Corazon mula sa kanyang pagkakahiga. Butil butil ang pawis sa kanyang noo habang humahangos."Something wrong?" Napalingon siya sa boses na nagsasalita. She was welcomed by Isaac's worried face. Hindi nagtagal ay nagsimula na siyang umiiyak. Hanggang ngayon ay ramdam parin niya ang walang mapagsidhang takot at sakit sa kanyang dibdib."Hey? Why are you crying? May masakit ba sayo?" Nag-aalalang tanong ni Isaac nang lapitan siya nito."I wanna see Terrence..." Humihikbi niyang sambit.She heard a deep sigh coming from him. "Okay, I will bring you to him."Inalalayan siya nitong makalipat sa wheelchair saka dinala sa kabilang silid. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang payapang nakapikit ang kanyang asawa habang may nakakabit na oxygen sa lalaki."P-pwede mo ba kaming iwan kahit sandali?" Baling niya kay Isaac."Sure." Mabilos nitong tango. "I'll be outside. Just call me if you need something.""Thank you."Tipid itong ngumiti bago tahimik na naglakad p
GONE"Damn it! Wait. Wait. Tell your baby to wait at wag matigas ang ulo gaya ng daddy niya!" Anito at tumayo saka inilibot ang tingin sa paligid. "Fuck! Hindi ko alam paano magpaanak!"Hindi na siya nag-abala pang sumagot dahil sa muling paghilab ng kanyang tiyan. Napasinghap siya ng mapagtantong may mga marka ng sariwang dugo ang puting cycling short niyang suot."Bilisan mo Tuazon. Ambagal bagal mo! I think Saavedra's wife is going to give birth damn it!" Rain was almost shouting at his earpiece. "Dalian mo at baka maging kumadrona pa ako!"Hindi nagtagal ay dumating si Isaac sa loob kasama ng ilan pa. Nakita rin niyang humahangos si Pierre papasok at nagpunta sa gawi niya."Corazon, can you still hear me?" Pukaw nito sa atensyon niya.Nanghihina siyang tumango."Call Xavier, Alice!"Mabilis na tumalima ang babae at tumakbo palabas. Isinandal siya ni Pierre sa mga bisig nito. She also felt someone took Terrence away from her arms. Nais niya mang tumutol, wala siyang nagawa dahil na
THE DOWNFALL"Hello Corazon, long time no see?" Nakangising bungad ni Lara sa kanya habang papasok ito sa loob ng underground."What took you so long?" Naiinis namang wika ng lalaking bumaril kay Manang Salve kay Lara.Her cousin rolled her eyes on him. "Hello? That damn green eyed handsome creature outside was so good at fighting! Nahihirapan ang mga tauhan mong papasukin ako agad, Marcus."Tumango tango ang lalaking nagngangalang Marcus at napangisi. "Oh, that's Forest and you're right, he's a very skilled fighter. A very skilled fighter who can't even protect his own family...""You know him?""Of course. We were in the same team before," tugon ni Marcus subalit hindi parin humihiwalay ng titig sa kanya."Ugh! Enough with him. He's giving me headaches. This is all your fault! Kung bakit pa kasi hindi mo na lang siya tinuluyan nung nasa yate siya!"Kinilabutan siya sa sinabi ni Lara. Ano bang ginawa ng panahon sa pinsan niya at naging ganito ito kasama? How can she easily say those w
REVENGE Mabagal na sumapit ang gabi. Ang tanging ginawa lang ni Corazon buong araw ay magkulong sa kanyang silid. Nawalan na siya ng ganang lumabas. Hindi na siya natutuwa habang pinagmamasdan ang karagatan dahil namimiss na niya ang kanilang tubuhan. Ngayong nakakaalala na siya, pakiramdam niya'y hindi siya parte ng lugar na ito. Bumukas ang pintuan ng kanyang silid. Kahit na hindi siya mag-angat ng tingin, alam na niya kung sino ang pumasok. Pero kahit na ganun, nanatili siyang walang kibo. Lumundo ang gilid ng kama at saka niya naamoy ang mabangong aroma ng pagkain. Naglalaway siya habang nanunuot sa kanyang ilong ang mabangong aroma ng tempura na siyang paborito niya pero tinikis niya ang kanyang sarili. "Sabi ni Manang Salve hindi ka pa raw kumakain kaya dinalhan na kita ng hapunan dito sa silid mo," anunsyo nito. Dinig niyang inaayos ni Pierre ang mga kubyertos sa bedside table pero nagsawalang kibo pa rin siya. Nagpakawala ito ng malalim na buntong hininga. "I know you're a
BLACKMAIL"What are you talking about Carolina.."Halos pabulong ng sambit ni Pierre. Mariin siyang napapikit. "Stop calling me that name. Alam mong hindi yan ang pangalan ko," may diin niyang bigkas.Nitong mga nakaraang buwan ay walang ipinakitang pangit na ugali sa kanya si Pierre subalit hindi rin naman tamang itago siya nito sa isla gayong kilala pala nito ang tunay niyang pamilya dahil lang nangungulila ito sa mag-ina niya."Sa susunod na lang tayo mag-usap. You're just tired," anito at tumayo na para umalis ng silid."Are you avoiding my question? You need to return me to my family Pierre!" Bahagya ng tumaas ang boses niya habang tigmak sa luha ang kanyang mga mata.Lumingon ito sa kanya. He had this cold and hard expression on his face. "I can give you anything you want but not your freedom. You will stay here with me and if I need to lock you up para hindi ka makatakas then I'll do it. Huwag ka lang mawala sakin.""You're sick..." She uttered in anger.Sino bang matino ang ga