(FRUSTRATIONS AND MOTIVATIONS)ISANG panibagong araw na naman ang ipagpapa-tuloy ko. Hindi ako naka-tulog ng maayos kagabi dahil nababahala ako sa susunod na ipapagawa sa akin ni Fiandro.Umunat muna ako sabay bangon sa higaan. Humabol pa ang aking paghikab at kinusot ang mga mata para magising lalo. Pagkatapos noon ay umalis na sa kama at sinuot na ang tsinelas.Nag-hilamos muna ako bago bababa para mag-handa ng agahan. Inayos ko ang aking buhok at tinali ng ponytail style.Habang bumababa ako ng hagdan ay may naaamoy na akong niluluto mula sa kusina. Nang tuluyang makababa ay nakita ko si manang Linda, nagluluto ng agahan.Lumapit ako sa gilid ng island counter. "Mukhang okay na kayo manang Linda." bati ko sa kanya.Kaagad siyang bumaling sakin at ngumiti. "Magandang umaga." bati niya. "Sa awa ng diyos ay gumaling din ako. Akala ko nga hindi na'ko gagaling eh." dagdag pa nito tsaka binaling ulit sa niluluto.Nilapitan ko pa siya lalo. Nadungaw ko ang prinipritong bacon na malapit ng
(ADVICE)HALOS idikit ko na ang aking mukha sa papel na pinag-guguhitan. Ni hindi rin ako maka-usap o malapitan ni Harley dahil alam niyang abala ako sa ginagawa.Hindi ko pa naigagalaw ang pagkaing binili para sakin ni Harley noong oras ng break time na carbonara with toasted bread. Dahil wala akong gana, at parang sayang pa sa aking oras.Tanghalian na, ngunit wala pa rin akong balak na umalis para kumain. Nagka-ugat na ata ako sa aking kinauupuan, dahil di ko kayang iwan itong ginagawa ko."Bakla? Lunch na. Di ka pa kakain?" bulong sakin ni Harley ng ayain nakong kumain."Hindi pa. Di pa ko nagugutom. Mauna ka na lang." sagot ko ng di siya binabalingan."Okay. Text me kung may ipapabili ka. Una na'ko." paalam niya."Sige." ngiti ko kahit di tumitingin kay Harley.Naiwan ulit akong mag-isa sa office, lahat sila nagsi-alisan para kumain. Maya-maya pa ay may narinig akong katok mula sa labas ng cubicle. Nang balingan ko iyon ay si Kim na may dala ulit na puting styro.Nagka-ngitian ka
(GET IN THE WAY)NAGKATITIGAN kami ni Fiandro ng ilang segundo sa walang emosyon nitong mukha. Samantalang puno ako ng katanungan kung bakit nandito ako ngayon.Tumingin ako sa aking katawan kung may nagbago ba. Wala naman. Walang butones na nakabukas o kaya nabawasang saplot ko.Suminghal siya kaya bumaling ako sa kanya sabay irap sa hangin tsaka lumakad papunta sa kanyang kabinet at binuksan iyon. "You're exaggerating things. Huwag kang assuming." wika niya na tila ba alam ang iniisip ko.Ngumuso ako at umiwas na lang ng tingin sa bandang kanan ko. Tanaw ko doon ang swimming pool mula sa full body window nitong kwarto niya at may malaking umbrella malapit sa pool. Iyon siguro ang nakita ko noon nong unang punta ko dito.So, ito ang penthouse niya dito sa kanyang building? Simple pero elegante. Now that I'm here, how many women did he took in his penthouse? Dito ba niya dinadala ang mga nakaka-fling niya?I suddenly shut my eyes. Gad, Tina! Pati ba iyon tatanungin mo? Tsaka bakit ko
(FIRST CLIENT)AGAD sumabog ang pangalan ko sa buong building ni mokong ng malaman nilang natapos ko ang isa sa interior drawing ni sir Elbueno sa isang araw lang.Maraming lumapit sakin at nakipag-kilala. Ang iba naman eh binati ako at inulan ng maraming papuri.Time flies so fast. Hindi ko namamalayan na pasukan ko na sa lunes sa papasukang unibersidad na pag-aaralan.Ganoon din kabilis ang araw na nagdaan sa pagtatrabaho ko kay Fiandro. At maniwala kayo sa hindi, puro na lang lahat pakopya ng mga interior designs ang mga pinapa-trabaho sakin.Halos lahat na ng mga ka-officemate ko nagtataka na at pala-isipan bakit ganoon pa din ang pinapagawa ni Fiandro.Although I want to ask him too, but I think it's not that big deal for me. Trabaho pa rin 'to, tsaka sumasahod naman ako.Nabigla ako ng makuha ko ang unang sahod. Umabot ng 15k ang aking natanggap sa pay slip. Kinsenas-katapusan ang sahuran na aabot ng 30k sa isang b
(LISTEN)NAGING maayos ang deal nina Fiandro at Kurt kahit medyo nagkaroon ng konting iringan sa pagitan nila. Nagpasya na rin kaming tatlo na umuwi dahil sa tapos na ang appointment namin.Pinauna ko na silang lumabas. Nagpaalam muna ako na pupunta sa restroom saglit.Nang matapos akong nag-restroom ay lumabas nako ng restaurant papuntang parking lot. Habang naglalakad ay sa di kalayuan may naririnig akong parang nagsasagutan ngunit di ganoon kalakasan ang mga boses nila.Mula sa gilid ng poste sa likod ng resto ay sumilip ako. Nabigla ako ng si Fiandro at Kurt ang nagsasagutan.Dahil medyo malapit ako ay klaro kong naririnig ang boses nila."Kung ano mang pumapasok diyan sa kokote mo, tigil-tigilan mo na." banta ni Fiandro na nasa tabi ng kotse ni Kurt sa bandang driver seat.Sinara naman ni Kurt ang pinto ng sasakyan nito na siguro'y papasok na sana sa loob tsaka hinarap si Fiandro. "Kung ano mang tumatakbo
(CARELESS)KINAHAPUNAN no'n ay pumunta na kami sa lokasyon ng bahay ni Kurt. Gamit namin ang sasakyan ng kompanya na van papunta doon. At kasama ko si Harley para may assist ako na utos ni Fiandro.Dapat si Fiandro ang makakasama ko, kaso may urgent meeting sila ng mga ka-business partners niya kaya si Harley na lang ang pinasama sakin.Residential ang pinagpatayuhan ni Kurt nang pasukin namin ang arkong gate papasok sa loob.Marami kaming nadaanang mga malalaking bahay. At ang sabi ni Harley halos lahat ng bahay na nakatayo doon ay si Fiandro ang nagpa-construct ng mga iyon.Dagdag pa niya ay dating lupain ni lolo Enrique ang buong residential lot na hekta-hektarya ang laki. Pinabenta lang nito sa mga magulang ni Kurt at ginawa nilang negosyo pagpatayo ng mga bahay.Tinanong ko siya kung bakit binenta. Ang sagot ay di rin alam. Basta nalaman nalang ng ilang empleyado doon na binenta na ang lupang iyon.Balita nga rin ni
(PLAYING FIRE WITH FIRE)FIANDROHINDI ko alam kung anong pwede ko pang gawin para makinig sakin ang babaeng iyon. Palagi kong sinasabihan sa mga bagay na bawal niyang gawin o lapitan.Pero grabe, mapapataas ako ng mga kamay sa ere sa sobrang katigasan ng ulo niya. Di ba siya tinuruan ng mga magulang niya na makinig sa isang salita?Lagi ko siyang sinasabihan na huwag lumapit o makipag-kaibigan kay Kurt dahil kilala ko ang burdagol na siraulong 'yon. But she still insisting to be friend with him. And top of that, he don't deserve a woman like her.I am more frustrated and stress to that woman than my company I'm handling. Kulang ata sa aruga kaya ganoon ang inuugali. Mga simpleng salita na hirap na gawin at minsan kinokomplikado pa.Truly unbelievable woman!"Really dude? She told you that?" my friend Helio said between his laugh.Sinabi ko sakanya ang sinabi ni Shawntina kagabi sakin. Humihiling na makipag-divo
(COFFEE FEELS)UMAGA, at unang araw ng pasukan. Maaga akong nagising at hindi na hinintay pa sina manang Linda at Pipay na makapunta dito para maghanda ng almusal.Sisimulan ko ng ako ang gagawa ng para sa akin. Kahit na magalit si Fiandro ay susumbatan ko rin. Di ko dapat tinatanggap ang mga ginagawa nila sakin hindi dahil asawa ako ng kanilang amo. Dahil sa nangyari kagabi, mas naging pursigido akong maging independent.Nagbabalak na rin akong umalis dito, humahanap lang ako ng tiyempo. Ayokong magpadalos-dalos. Bukod sa pag-uugali ni Fiandro, ay mahirap din itong pakisamahan sa lahat ng bagay.Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Kaya medyo napuyatan ako ng magising. Iniisip ko kasi ang sinabi ko kay Fiandro na mag-file na ng divorce para mapirmahan ko na at ng makawala na dito sa kanyang puder. Kahit wala akong kasiguraduhan kung legal nga ba kaming mag-asawa o palabas lang.Nanunumbat na siya, at siguro rin na kasalanan ko ang ibang
Hello readers!Sorry to disappoint you. Nasa isang reading plat form na itong story ko. It's Dreame app. You can search it on google play or apps store. Same pen name and same title din po ito. Nasa chapter 70 na po itong story. Hindi ko na po itu-tuloy dito ang story doon na po sa Dreame app.Sana po doon ma-suportahan ninyo ako. At hindi pa rin kayo magsa-sawang suportahan ako. Maraming salamat sa naghihintay sa update nito. Pasensya na sa paghintay at pag-dismaya sa inyo ng napaka-tagal.Salamat po sa inyong malalim na pag-unawa. Love you all po! 🫶🏻
(ENJOY)PINUNTA niya ako sa isa na namang mamahaling restaurant. I pursed my lips as I breathe out while looking outside the resto. Sa totoo lang hindi ako nag-eenjoy sa mga ganitong klaseng kainan. Namamangha ako sa itsura pati sa pagkain kaso bukod sa mahal na, hindi pa nakakabusog. Para sa akin."We're here." he said as we stopped in front of the resto.Tumingin ako sa kanya. Tatanggalin na sana ang seatbelt pero napansin niya ang aking itsura. "Bakit ganyan itsura mo? May problema ba?"Inimpit ko ang bibig ko at tinaas ang mga balikat sabay sulyap muli sa kainan. Tumingin ako sa kanya at tipid ngumiti sabay iling."Wala." ani ko tsaka tinanggal na ang seatbelt para wala siyang maisip na ayaw ko rito.Nakakahiyang sabihin kung ayaw kong kumain doon. Tsaka baka nagreserve na din siya ng mauupuan namin. Mas nakakahiya na naman 'yon.Napatango si Fiandro at tuluyan na ngang tinanggal ang seatbelt. Sabay kaming lumabas ng kotse. Mabilis niya 'kong nilapitan para igiya sa restaurant. H
(OFFICIAL)AKALA ko sa pelikula ko lang makikita ang ganitong eksena, ngayon sa akin ko na nararanasan. Hindi ko aakalaing ganito sa pakiramdam kapag may taong umamin sayo na gusto ka.Nakaka-kaba, ang sarap sa feeling, na parang umaangat ka sa ere. Halo-halong emosyon ang mararamdaman mo pagkatapos umamin sayo. Ang tagal bago ako bumalik sa tamang katinuan kasi talagang na blangko ang aking pag-iisip nang sabihin ni Fiandro na gusto niya ako.Ang hirap paniwalaan at hindi ko rin 'to aasahan. Dahil inaakala ko noon na imposibleng magkaka-gusto siya sa isang katulad ko. Ang dami ko ring tanong sa isipan na bakit, paano, saan, ano, at kailan siya nagka-gusto sa akin. Na kahit sinong tao din naman ay mapapatanong ng ganito.Ngunit sa lahat ng aking mga katanungan ay nangibabaw ang sayang aking nararamdaman ngayon. Hindi talaga ako makapaniwala na gusto niya ako. Grabeng kilig ang bumabalot sa buong katawan ko."I like you, Shawntina." ulit niya na para bang hindi ko narinig ang unang sa
(CONFESS)"I CAN'T believe it, Shawntina. Asawa mo si Fiandro? Bakit mo hindi mo sinabi sakin 'to?" pabulong na reklamo ni Elly. Nakayakap ang mga bisig niya sa braso ko at nasa likod namin si Fiandro habang sinusundan papasok ng bahay.Napasinghal ako. Sa totoo lang, hindi na nga importante na sabihin 'yon kay Elly. Never naging big deal sakin na kailangang sabihin na ako ang asawa ni Fiandro sa lahat ng kilala ko.Ang hindi ko pa maintindihan sa mokong na'to kung bakit sinasabi niya na asawa niya 'ko? Dapat walang nakakaalam ang tungkol saming dalawa. Dahil alam naming pareho ang mangyayari kung isa sa amin ang mag-bulgar.May binabalak ba siya? At kung anumang mga binabalak niya ay dapat ko ding malaman. Dapat ay pinag-uusapan namin ito kasi kapag malaman ng publiko ay husgahan siya at baka hindi na ibigay ang posisyon sakanya ng kanyang lolo."Paano kayo nagkakilala? Kasi noong nasa America ako, nabalitaan ko agad na ikakasal si Fiandro pero hindi binanggit ang pangalan. Ikaw pal
(WIFE)"SALAMAT po." magalang kong ani sa may-ari ng condo unit.Tinupi nito ang hawak na paypay at ngumiti. "Wala iyon. Ito lang ba muna ang ipupunta mo dito sa condo mo?" bahagya nitong tanong tsaka dinungaw ang iilang gamit na nasa aking likod.Nilingon ko ang gamit ko pagtapos tumingin ulit sa may-ari nitong condo."Opo. Pailan-ilan muna akong maglalagay dito ng mga gamit. Kaunti lang naman ang mga gamit ko at iyong iba bibilhin ko nalang.""Bakit kasi hindi ka nalang maghire ng magbubuhat niyan? Isang bagsakan para di ka na mahirapan sana." suhestyon nito.Inilingan ko siya."Ayos lang po talaga. Salamat po." ngiti ko rito.Kumibit ito ng balikat sabay ngiwi."Ikaw ang bahala. Sige mauna na ako. Kung anong gusto mong ipabagong posisyon sa mga gamit na narito, bahala ka na. Tutal rent to own naman ang binayad mo." ani ng may-ari. Tumango ako bago ito umalis.Nilingon ko na ang buong condo unit. Sakto talaga 'to para sa akin. Isang master's bed, isang maliit na guest room. Sa salas
(DATE)PAGKABALIK ko sa cubicle ay bitbit ko pa rin ang malaking ngiti. Pag-upo ko napatanong si Harley."Ngiting-ngiti ka bakla? Anong sinabi ni sir Fiandro sayo?" usisyo ni Harley.Tumingin ako sakanya di mawala-wala ang ngiti ko sa saya."May bagong kliyente daw ako sabi ni sir. Imemeet namin mamayang lunch break." mahina kong ani.Kumurap ang mga mata niya at umawang ang bibig."Talaga? Ang tagal din noong huling proyekto mo kay sir Kurt ah? Congrats!""Salamat." tapos binaling ko na ang sketch ko tsaka pinagpatuloy iyon."Akala ko kung ano na ang sasabihin sayo. Kinabahan pa ako." sabay mahinang tawa.Nakitawa din ako ngunit hindi na sumagot.Di nako magkanda-ugaga ng sumapit na nga ang lunch break. Mabilis kong inayos ang mga gamit na nasa mesa ko at nag-ayos ng itsura."Grabe naman ang excited mo bakla." puna ni Harley ng mag-ayos din ng gamit."Ewan ko ba. Excited na e
(TROUBLE)FIANDROAFTER a straight three days of leave, the next morning I went to my office. Inasikaso ko na agad ang mga naiwang trabaho at nadagdag na paperworks na dapat kong pipirmahan sana.I canceled all the meetings when I went to her hometown. Ngayon puno ang schedules ko diretsong isang linggo. At sa buong linggong 'yon, tig-iisang oras lang ang free time ko.Ayaw na ayaw ko sa lahat na napupuno ang schedule ko sa isang araw. Now it happened. Fantastic!Some of the papers need to be signed immediately. Ang iba ay dapat noong nakaraang araw pa pero iba ang ginawa ko...I followed her."Tititigan mo nalang ba iyang papel, o pipirmahan mo na?" Leo snapped out of me. I almost forgot he was there.Tumingin ako sakanya ng mahimasmasan."I am," I said.Nakaupo siya sa gilid ng mesa ko. His one hand put on the table and leaned forward then narrowed his eyes."Inoorasan kaya kita. Kanina mo pa tinititigan iyang papel. Nabasa mo na iyan bago ka nag-absent. Pirma nalang ang kulang." he
(HOPE)MAGMULA sa hacienda hanggang pauwi ay sobra akong natuliro. Paulit-ulit na umaalingawngaw sa isipan ko ang sinabi ni Fiandro.Bumalik ang dating ala-ala ko sa batang lalaki noon. Hindi ko aakalain na siya ang lalaking 'yon. And for Pete's sake! Siya ang napakasalan ko. Can you believe that?!Gusto ko ng magpalamon sa lupa sa kahihiyan! Iniisip ko na lamang na coincidence ito. Hindi naman niya alam na ako ang babaeng iyon noon. Ganoon naman madalas na nangyayari sa buhay, puro lahat coincindence at hindi itinakda.Right, Tina? Right...I mean, all those years I thought the boy I admired before will looked like the same when he get older. Soft, jolly, and feminine. Hindi ako makapaniwalang kabaliktaran ang nai-imagine ko.Naging matangkad, tigasin, malamig, at... sobrang gwapo na... Kahit sino naman ay magugulat ng bongga sa malaking pagbabago.Kahit naiisip ko ang pagbabago ng itsura't katauhan niya'y, ma
(FALL)WE decided to go home. Some of my cousins are sleepy and drunk already. Even I can feel the alcohol devouring my senses. Kaya habang kaya ko pang kontrolin ang sarili ko ay ginawa ko na.Napansin ni Fiandro ang pagtayo ko kaya tumayo na din ito. Saktong kababalik nina Jun-jun at tito Paul para sunduin na din ang mga babae kong pinsan at ihatid sa kanilang mga bahay gamit ang kulong-kulong.Si tito Kanor nagpaiwan, aayusin daw ang mga kalat na naiwan. "Sumabay na din kayo samin, Tina. Para minsanan ang uwi. Baka natamaan ka na din ng alak." bungad ni tito Paul ng makita na umalis nako sa bonfire."Ako na ang bahala sakanya." si Fiandro ang sumagot kaya nabaling ako sakanya na tumingin din sa akin.Tumingin ako kay tito. "Kaya ko pa naman tito. Sila nalang ihatid mo, mukhang lahat sila tinamaan na eh." tukoy ko sa mga pinsan ko.Si Mikai nakaupo at nakadumog. Si Patty nakahiga ang ulo sa mga hita ni Mikai. Si Gena