RAINIER POV
"Are you ready?" naka ngiting tanong ni Rainier kay Direk. Kasalukuyan ito na naka upo sa may balkonahe at mukha namang nag hihintay na lamang sa kanya ng go signal kung kailan sila aalis.
Nasa tabi rin nito ang kanyang dalang back pack na may ilang piraso ng mga personal na gamit.
Ninais niyang isama ito upang sya na rin ang mag tanong at kumausap kay Kate upang mas malaman niya ang iba pang ayaw nitong sabihin sa kanya. Baka magtagal ito roon ng may ilang araw rin bago muling bumalik.
"Yap! Ikaw lang naman ang hindi pa yata naka handa." anas naman nito sa kanya.
"Okay! We go then." at muli itong humarap sa mga magulang. "Aalis na muna kami, dad, tita." pamamaalam niya sa mga ito na mga kasalukuyang naka upo sa may sala.
"Sure! Take care, huh!" sagot naman ni do
KATE POV Habang ina abala nya ang kanyang sarili sa magandang tanawin na nasa paligid niya ay sandali niyang ini hilata ang kanyang katawan sa malamig at pinong puti na buhangin gamit na panapin ang may kahabaan niyang damit. Naka tihaya sya habang naka tanaw sa malawak na himpapawid. At habang ina abala niya ang sarili ay naka rinig sya nag isang ugong ng papalapit na sasakyan. Sandali lang muna syang nakiramdam bago naisip na ang chopper iyon na syang may likha ng ingay. Ilang sandali pa nga at bumungad sa paningin niya habang sya ay naka higa ang chopper na halatang pumapa ibaba na rin. Ilang sandali pa muna ito na nag tagal sa ere bago nag paikot ikot upang bumaba. Sandali syang bumangon at naupo habang hindi napu puknat ang tingin sa chopper at sa kung sino man ang laman niyon. Hindi lumubay ang kanyang tingin rito hanggang sa tuluyang bumaba ang chopper sa
KATE POV Matapos maka pag banlaw ng kanyang sarili ay mabilis rin syang nag bihis. Tanging cotton short at t- shirt na kulay white ang isinuot ni Kate. Mas komportable kasi syang gumalaw kung hindi fitted ang suot niyang damit lalo pa at may ibang tao sila muli na kasama nhayon, dagdag na lalaki pa rin ito. Bahagya rin syang nai ilang sa kanyang hitsura sa tuwing haharap sa mga ito, lalo na kay Rainier na palaging seryoso ang emosyon. Hindi tuloy niya mabasa kung ano nang laman at takbo ng isip nito. Mula ng may mangyari sa kanila ay hindi rin nag tangka ang sinoman sa kanila na ungkatin ang tungkol sa bagay na iyon. Kaya sa tuwing makikita niya ito ay halos manliit sya sa hiya rito sa isipin pa lang niya kung paano syang nag patangay sa lalaki dala ng tawag ng laman. Matapos na masigurong ayos na ang kanyang bihis ay mabilis syang humarap sa isang life size mirro
KATE POV Nauna ng lumabas ng komedor si Kate matapos niyang kumain. Pakiramdam pa nga niya ay hindi man lang yata sya nabusog dahil sa pagka pahiya niya na nahuli sya ni Rainier habang pinag mamasdan ito. Hindi naiwasan na may bigla syang naramdaman na pag lukso sa kanyang dibdib ng bigla na lamang itong kumindat sa kanya na ikina blush niya ng husto. Daig pa yata niya ang teenager na nakita lang ang crush ay kinikilig na. Mabuti na nga lamang at walang ibang naka pansin noon sa mga kaharap nila kahit si Direk na abala rin sa sarili nitong pagkain habang nag ku kwento. Hindi pa nga sya nakaka move on sa pagka pahiya kanina ay nasundan na naman. Ewan din ba sa sarili niya at palagi na lamang syang nawawala sa kanyang sarili lalo na kapag nasa paligid lang ang lalaki. Tila ang lakas lakas yata naman ng nagiging epekto sa kanya ng presensya nito. Pakiramdam tuloy niya ay napa praning na sya sa sobrang pag iisip. &n
"May problema ba? May nasabi ba akong mali?" muli ay tanong ni Direk kay Kate sa hindi nito agad pag sagot sa kanyang nai tanong. "H- hindi naman sa ganoon. Wala kang nasabi na hindi maganda. Ang totoo nga niyan-" sagot niya na hindi nagawang ituloy pa. Napa kagat labi muna sya at napa isip kung tama ba na sabihin niya pa rito kung ano ang nangyari? Sabagay, mabuti na rin iyon ng mabawasan naman ang dinadalang bigat sa dibdib nya. Anong malay ba niya kung biglang magkaroon ng himala at tulungan pa sya nito kay Rainier na maka alis rito sa isla? Sandali syang naka hinga ng maluwag sa kanyang naisip. Pwede rin naman na maawa ito sa kanya at himukin na lang ang kaibigan nito na pauwiin na rin sya. Napansin niya ng bumuntong hininga ang kaharap matapos ng sinabi niya. At muli naman syang nag patuloy sa kanyang pag sasalita. Habang sandaling natigilan nama
KATE POV "NO!" tila na shock na sabi niya. Hindi sya makapaniwala sa mga sinabi ng lalaki. At tama nga ba na maniwala sya? Gayung mas kilala nya ang kanyang kaibigan kesa sa lalaki na ito na nag sasabi na masamang tao ang bestfriend niya, at bagong kakilala pa lamang niya. Sa simula pa man, alam na niya ang ugali ni Cassandra at mahinhin ito. Maliban na lamang kung masama ang mood kaya madaling umiinit ang ulo. Hirap syang mapaniwalaan na member nga ito ng maling grupo. Lalo na ang mag lihim ito sa kanya. "Hindi naman namin sa iyo sinasabi na maniwala ka kaagad. Ang sa amin lang, bakit hindi mo muna pag aralan pang mabuti kung ano nga ba ang ugali talaga ng kaibigan mo, para mas masabi mo kung nag sasabi ba kami ng totoo o hindi. Hindi namin intensyon na manira ng dignidad ng ibang tao kung wala kaming maayos at totoong pag babasehan, kaya ngayon pa lang sinasabi
RAINIER POV "Whew!" agad na bungad ni Direk pag pasok pa lamang niya ng pinto at nabungaran ang kaibigan sa sala na may kaharap na computer. Dumiretso itong pabagsak na naupo sa ibayong sopa na kaharap rin ni Rainier, at agad na isinadal ang likuran sa backrest ng upuan. "How's your conversation with her?" agad naman na tanong niya rito. Parang alam na niya na hindi naging maganda ang tinakbo ng usapan ng dalawa. Napa buntong hininga sabay tapik ng palad sa hita nito at nai lapat na pantay ang mga labi at umiling. Parang sinabi na rin nito na 'pasensya walang magandang resulta ang naging pag uusap namin.' Matagal na walang inimikan ang dalawang mag kaharap na lalaki. Maging sya ay umaasa na kahit papaano ay makukumbinsi nito na may malaman pa sa da
KATE POV Madilim na ang paligid ng mag pasya na lumabas ng sarili niyang silid si Kate upang mag pahangin sa may baybay dagat. Maliwanag noon ang sinag ng buwan kaya hindi sya mahihirapan na mangapa ng kanyang daraanan. Aaminin niya na gulong gulo pa rin ang utak niya sa ibang mga bagay na sinabi ng kaibigan ni Rainier na si Direk. Kahit naman siguro sino ay hindi madaling ma po- proseso ang mga nalaman ng ganoon kabilis. Hindi pa rin naman sya kumbinsido na baka ginagamit nga lamang talaga sya ng kanyang bestfriend. Alam niya na hindi mangyayari iyon dahil sa tagal ng pinagsamahan nilang dalawa. Ngunit talaga nga ba na posibleng may iba pang itina tago sa kanya ang kaibigan? Oo nga at palagi niya itong naka kasama at nakikita ngunit ni minsan ay hindi naman sya inaya nito sa mga lugar na pinu puntahan nito.
RAINIER POV Halos manigas ang buong katawan ng binata matapos na marinig niya ang sinabi ng babae. Alam niya na lasing na ito at hindi na dapat pang isipin ang kung anong mga sinasabi nito. Ngunit aaminin niya sa kanyang sarili na kakaiba ang dating sa kanya sa tuwing madidikit ang kanyang katawan sa malambot na katawan ng babae. Sobrang nakaka akit rin ang halimuyak ng gamit nitong pabango. Dagdag pa ang suot nitong may kanipisang damit na halata rin sa liwanag ng buwan ang pang ilalim nitong suot. Parang nadadarang syang lapatan ng kanyang labi ang mga mapupula nitong mga labi na ilang beses na rin naman niyang naangkin. Parang gusto niya na muling maulit ang mga nararamdaman na iyon ng lalaki. Ewan ba kung bakit ang lakas ng impact ng dating sa kanya ng babae. Mabilis na nakakaramdam sya ng malakas at mabilis na tibok ng kanyang dibdib m