"May problema ba? May nasabi ba akong mali?" muli ay tanong ni Direk kay Kate sa hindi nito agad pag sagot sa kanyang nai tanong.
"H- hindi naman sa ganoon. Wala kang nasabi na hindi maganda. Ang totoo nga niyan-" sagot niya na hindi nagawang ituloy pa. Napa kagat labi muna sya at napa isip kung tama ba na sabihin niya pa rito kung ano ang nangyari? Sabagay, mabuti na rin iyon ng mabawasan naman ang dinadalang bigat sa dibdib nya. Anong malay ba niya kung biglang magkaroon ng himala at tulungan pa sya nito kay Rainier na maka alis rito sa isla? Sandali syang naka hinga ng maluwag sa kanyang naisip. Pwede rin naman na maawa ito sa kanya at himukin na lang ang kaibigan nito na pauwiin na rin sya.
Napansin niya ng bumuntong hininga ang kaharap matapos ng sinabi niya. At muli naman syang nag patuloy sa kanyang pag sasalita.
Habang sandaling natigilan nama
KATE POV "NO!" tila na shock na sabi niya. Hindi sya makapaniwala sa mga sinabi ng lalaki. At tama nga ba na maniwala sya? Gayung mas kilala nya ang kanyang kaibigan kesa sa lalaki na ito na nag sasabi na masamang tao ang bestfriend niya, at bagong kakilala pa lamang niya. Sa simula pa man, alam na niya ang ugali ni Cassandra at mahinhin ito. Maliban na lamang kung masama ang mood kaya madaling umiinit ang ulo. Hirap syang mapaniwalaan na member nga ito ng maling grupo. Lalo na ang mag lihim ito sa kanya. "Hindi naman namin sa iyo sinasabi na maniwala ka kaagad. Ang sa amin lang, bakit hindi mo muna pag aralan pang mabuti kung ano nga ba ang ugali talaga ng kaibigan mo, para mas masabi mo kung nag sasabi ba kami ng totoo o hindi. Hindi namin intensyon na manira ng dignidad ng ibang tao kung wala kaming maayos at totoong pag babasehan, kaya ngayon pa lang sinasabi
RAINIER POV "Whew!" agad na bungad ni Direk pag pasok pa lamang niya ng pinto at nabungaran ang kaibigan sa sala na may kaharap na computer. Dumiretso itong pabagsak na naupo sa ibayong sopa na kaharap rin ni Rainier, at agad na isinadal ang likuran sa backrest ng upuan. "How's your conversation with her?" agad naman na tanong niya rito. Parang alam na niya na hindi naging maganda ang tinakbo ng usapan ng dalawa. Napa buntong hininga sabay tapik ng palad sa hita nito at nai lapat na pantay ang mga labi at umiling. Parang sinabi na rin nito na 'pasensya walang magandang resulta ang naging pag uusap namin.' Matagal na walang inimikan ang dalawang mag kaharap na lalaki. Maging sya ay umaasa na kahit papaano ay makukumbinsi nito na may malaman pa sa da
KATE POV Madilim na ang paligid ng mag pasya na lumabas ng sarili niyang silid si Kate upang mag pahangin sa may baybay dagat. Maliwanag noon ang sinag ng buwan kaya hindi sya mahihirapan na mangapa ng kanyang daraanan. Aaminin niya na gulong gulo pa rin ang utak niya sa ibang mga bagay na sinabi ng kaibigan ni Rainier na si Direk. Kahit naman siguro sino ay hindi madaling ma po- proseso ang mga nalaman ng ganoon kabilis. Hindi pa rin naman sya kumbinsido na baka ginagamit nga lamang talaga sya ng kanyang bestfriend. Alam niya na hindi mangyayari iyon dahil sa tagal ng pinagsamahan nilang dalawa. Ngunit talaga nga ba na posibleng may iba pang itina tago sa kanya ang kaibigan? Oo nga at palagi niya itong naka kasama at nakikita ngunit ni minsan ay hindi naman sya inaya nito sa mga lugar na pinu puntahan nito.
RAINIER POV Halos manigas ang buong katawan ng binata matapos na marinig niya ang sinabi ng babae. Alam niya na lasing na ito at hindi na dapat pang isipin ang kung anong mga sinasabi nito. Ngunit aaminin niya sa kanyang sarili na kakaiba ang dating sa kanya sa tuwing madidikit ang kanyang katawan sa malambot na katawan ng babae. Sobrang nakaka akit rin ang halimuyak ng gamit nitong pabango. Dagdag pa ang suot nitong may kanipisang damit na halata rin sa liwanag ng buwan ang pang ilalim nitong suot. Parang nadadarang syang lapatan ng kanyang labi ang mga mapupula nitong mga labi na ilang beses na rin naman niyang naangkin. Parang gusto niya na muling maulit ang mga nararamdaman na iyon ng lalaki. Ewan ba kung bakit ang lakas ng impact ng dating sa kanya ng babae. Mabilis na nakakaramdam sya ng malakas at mabilis na tibok ng kanyang dibdib m
KATE POV Matinding sakit ng ulo ang naramdaman ni Kate ng magising sya kinabukasan. Inikot niya ang kanyang tingin at napansin niya na tila mataas na ang sikat ng araw base sa sinag nito na na aaninag sa kurtinang naka takip sa bintana. Bahagya pa syang nag inat ng kanyang katawan upang maalis ang tila pananakit ng kanyang mga kasukasuhan. Ngunit biglang natilihan ng biglang malilis ang kumot na nakatabing sa kanyang katawan at makaramdam ng lamig. "Oh shit!" bulalas niya. Saka lamang niya na realize na hubad ang kanyang katawan. Namimilog ang mga mata at tarantang inangat niya ang kumot upang silipin ang sarili sa ilalim noon at natantong nakahubad nga sya at walang kahit na anong saplot sa katawan maliban sa naka takip na kumot sa kanya. "Oh my my, what happend?" bigla syang napa balik ng hila
KATE POV Maaga pa lamang ay kaagad ng nag ayos ng kanyang sarili si Kate. Kinuha niya mula sa ilalim ng kanyang kama ang kanyang phone na mula ng makarating sya rito sa isla ay hindi na niya nagamit pa muli. Halos kulang dalawang linggo rin yata ang ginugol niya na pamamalagi rito kaya alam niya na talagang nag aalala na ang kanyang pamilya sa kanya lalo pa at hindi na sya naka katawag sa mga ito. Salamat na nga lamang at nag bago pa ang isip ng lalaking iyon. Kung hindi siguro ay baka maburo na sya rito na walang kaalam alam ang kanyang mga kapamilya kung nasaang lupalop na sya ng mundo napadpad. Siguro nga dapat na rin na buksan niya ang kanyang isip sa mga posibilidad ng mga sinabi sa kanya ng mga ito. Kailangan niya na malaman pa ng higit kung may iba pa bang itinatago sa kanya ang kanyang bestfriend. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman noya matapos ang pag uusap nilang tatlo kahapon. Hi
RAINIER POV Simula pa man ng lisanin nila ang isla ay pansin na ng binata ang masayang mood ng babae. Ngunit ramdam niyang unti- unti rin iyong nag bago habang pa- palapit sila sa lungsod. Pansin niya ang pagiging balisa nito, marahil ay dala ng isiping ka- kaharapin nito pagdating na pagdating nito sa sarili nitong lugar. Nanatiling tahimik at walang imik na ang babae ng tuluyan na silang maka baba ng chopper. "Excited or nervous?" nagawa pang itanong sa kanya ni Direk. At mabilis rin nitong kinuha at ibinaba ang kanyang dalang gamit mula sa kanilang sinakyan. "Actually, both!" aniyang tugon na halata namang medyo na te- tense na. "You can do that! Kaya mo iyan, ikaw pa ba ang susuko sa mga ganitong bagay? Alam ko na malakas at matatag ka kaya su- suportahan kita. Kung may ibang kailangan ka man o kailangan
RAINIER'S POV Mabilis na tumayo at sinalubong nang binata ang taong bagong dating. Ang ipinag ta- taka lang niya, ay kung bakit ito sumunod pa sa condo niya, gayung alam naman na nito na uuwi rin naman s'ya ng mansyon maya- maya lang. "Tita? You surprise me. Why are you here?" naka ngiting salubong na tanong niya sa babaeng masayang lumapit sa kanya. Humalik si Rainier sa pisngi nito. "Yes, 'iho. Nalaman ko na ngayon ang balik mo, at kasama mo rin ang babaeng-" at hindi na nito naituloy pa ang nais sanang sabihin, nang bigla muling sumingit ang binata. "Ah, yes, tita. But please let me explain about it later, okay? Nandito pa kasi ang mga bisita ko, eh." hiling nito sa ginang. "Yah, ofcourse, go on. Gusto 'ko lang naman kasi siyang makita ng personal, kaya ako naparito. Anyway, where is she?" anito sa