KATE POV
Maaga pa lamang ay kaagad ng nag ayos ng kanyang sarili si Kate. Kinuha niya mula sa ilalim ng kanyang kama ang kanyang phone na mula ng makarating sya rito sa isla ay hindi na niya nagamit pa muli. Halos kulang dalawang linggo rin yata ang ginugol niya na pamamalagi rito kaya alam niya na talagang nag aalala na ang kanyang pamilya sa kanya lalo pa at hindi na sya naka katawag sa mga ito.
Salamat na nga lamang at nag bago pa ang isip ng lalaking iyon. Kung hindi siguro ay baka maburo na sya rito na walang kaalam alam ang kanyang mga kapamilya kung nasaang lupalop na sya ng mundo napadpad.
Siguro nga dapat na rin na buksan niya ang kanyang isip sa mga posibilidad ng mga sinabi sa kanya ng mga ito. Kailangan niya na malaman pa ng higit kung may iba pa bang itinatago sa kanya ang kanyang bestfriend. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman noya matapos ang pag uusap nilang tatlo kahapon. Hi
RAINIER POV Simula pa man ng lisanin nila ang isla ay pansin na ng binata ang masayang mood ng babae. Ngunit ramdam niyang unti- unti rin iyong nag bago habang pa- palapit sila sa lungsod. Pansin niya ang pagiging balisa nito, marahil ay dala ng isiping ka- kaharapin nito pagdating na pagdating nito sa sarili nitong lugar. Nanatiling tahimik at walang imik na ang babae ng tuluyan na silang maka baba ng chopper. "Excited or nervous?" nagawa pang itanong sa kanya ni Direk. At mabilis rin nitong kinuha at ibinaba ang kanyang dalang gamit mula sa kanilang sinakyan. "Actually, both!" aniyang tugon na halata namang medyo na te- tense na. "You can do that! Kaya mo iyan, ikaw pa ba ang susuko sa mga ganitong bagay? Alam ko na malakas at matatag ka kaya su- suportahan kita. Kung may ibang kailangan ka man o kailangan
RAINIER'S POV Mabilis na tumayo at sinalubong nang binata ang taong bagong dating. Ang ipinag ta- taka lang niya, ay kung bakit ito sumunod pa sa condo niya, gayung alam naman na nito na uuwi rin naman s'ya ng mansyon maya- maya lang. "Tita? You surprise me. Why are you here?" naka ngiting salubong na tanong niya sa babaeng masayang lumapit sa kanya. Humalik si Rainier sa pisngi nito. "Yes, 'iho. Nalaman ko na ngayon ang balik mo, at kasama mo rin ang babaeng-" at hindi na nito naituloy pa ang nais sanang sabihin, nang bigla muling sumingit ang binata. "Ah, yes, tita. But please let me explain about it later, okay? Nandito pa kasi ang mga bisita ko, eh." hiling nito sa ginang. "Yah, ofcourse, go on. Gusto 'ko lang naman kasi siyang makita ng personal, kaya ako naparito. Anyway, where is she?" anito sa
KATE'S POV "Mabuti naman at naalala mo pang umuwi?" sarkastikong sabi ng kaibigan, na humalukipkip pa ang mga braso sa harapan ng dibdib nito. Saka s'ya agad na pinasadahan ng tingin, mula ulo hanggang paa. Na tila ba sinusuri pa s'ya ng mabuti. "Hindi rin biro iyong ilang araw mong wala, 'ha? Ilan na nga ba?" anito na sabay nag bilang sa mga daliri. "Oh! It's more than a week, 'huh? Saan ka ba kasi nag suot, at mas mukhang nag enjoy ka pa yata na nawala ka?" taas kilay na muli nitong sabi, at inikutan s'ya habang tinititigan. Napa pikit si Kate sa inasta nito. Daig pa nito ang isa s'yang kriminal, na nag tago sa lungga sa 'kung saan. Ni hindi nga niya ito nakitaan ng pag ka- concern para sa kanya. Ni hindi nga nito natanong kung ayos lang ba s'ya, o kung ano ang nangyari matapos na mawala s'ya. Nakaka lungkot lang isipin, na mukhang tama nga ang iba na ginagamit lang s'ya nito. &n
KATE'S POV Halos manindig ang lahat ng balahibo ni Kate sa katawan, sa nakikitang klase ng titig sa kanya, nang lalaking kasama ni Cassandra. Pakiramdam talaga niya, ay malisyoso ang paraan nito ng pag titig sa kanya. Napansin pa niya ang pagtutok ng tingin nito sa kanyang hinaharap. Nakita ni Kate ang ginawang pag tataas ng kilay ni Cassandra, habang naka titig sa kanya, at matapos, ay sa kasama nito. "You may leave! Magkita na lamang tayo mamaya sa opisina mo. Or, just message me." ani Cassandra, saka nito iginiya ang lalaki, patungo sa harapang pintuan. Napansin pa ni Kate, ang ginawang pag ngisi ng lalaki, habang nakatitig sa kanyang mukha. Sa tingin pa lang niya, ay mukhang manyakis na ito. Sandali lang rin ay muling bumalik si Cassandra sa harapan niya. Tumayo ito na naka halukipkip ang dalawang braso,
RAINIER POV Habang papalapit ng papalapit sa kanya ang dalawang bagong dating, ay hindi maiwasan nang binata, na mas lalo pang makaramdam ng malakas, at mabilis na kabog nang kanyang dibdib. Halos ilang araw rin niya na hindi nakita ang maamong mukha na iyon, na ilang gabi nang halos mag pabaliw sa kanya sa pag iisip rito. Hindi n'ya maintindihan ang kanyang sarili, kung bakit tila mas lalo s'yang nahihibang na makita ito muli. Hanggang sa hindi niya inasahan nang biglang tumawag sa kanya si Direk, at sinabi na gustong maki pag kita ang babae, sa hindi malinaw na rason. Walang pagdadalawang isip na mabilis niyang i- pinasundo sa kaibigan ang babae. At habang dumadaan ang mga oras, ay hindi niya mapigilang makaramdam ng pagka- inip, at kulang na lang ay hilahin ang oras, upang mapadali iyon. "We'r
KATE POV Parang gustong ilabas lahat ni Kate, ang kanyang natitirang kilig sa katawan, sa isang simpleng alok lamang sa kanya ng gwapong Marco. Sa isang simpleng alok lang nito, ay hindi na niya mawari kung ano nga ba ang talagang pakiramdam niya. Naroon ang saya, ang kilig, at ewan pero kung bakit naman ang lakas- lakas ng kabog ng kanyang dibdib sa simpleng salita na iyon. Ibig na bang sabihin nito ay nag ki- care na rin ang binata sa kanya? 'O, my! kung p'wede lang sana kitang halikan right here and there!' Gigil na bulalad niya sa kanyang isip. Parang gusto nang kumawala ang kung anong may sa- demonyang kalandian sa katawan niya, sa tuwing mahuhuli n'ya, ang malagkit na tingin sa kanya ng lalaki. Hindi naman s'ya dati ganitong mag isip, pero ganito yata talaga ang epekto nang pag ka- kakulong niya sa poder nito ng may ilang araw. At ilang gabi na, na na
KATE POV Muling lumabas ng bahay si Cassandra at iniwan si Kate, kasama ang lalaking kasama rin nito ng nagdaang gabi. Ang lalaking mukhang foreigner na tila ba may saping demonyo, habang tini- ti- tigan s'ya. "Cassandra!" habol na sigaw niya sa kaibigan, ng buksan nito ang pinto kanina, pero hindi s'ya nito pinakinggan, bagkus ay sinabihan pa s'ya nito ng "behave", bago tuluyang naglaho sa sumaradong pintuan. "P- please! L- let me go!" paki- usap niya sa lalaki, na naka tinging hayok na hayok sa kanya. "No darling! Just behave, okay?" P- please! D- don't do this to me!" Akmang sisigaw na sana ng tulong si Kate, ngunit mabilis na natakpan ng lalaki ang kanyang bibig, at mahigpit na hinawakan ang kanyang kamay patalikod sa kanyang likuran. Halos t
RAINIER POV Gabi na, nang maka- uwi sa kanyang condo unit ang binata, matapos ang kanyang ginawang overtime. Kinailangan kasi niyang maihabol ang ilang mga papeles, para sa bagong project ng kanilang kumpanya, at kinailangan niyang i- review iyon para umabot sa deadline. Sinipat niya ang kanyang relo sa bisig, at napansin na pasado alas diyes na ng gabi. Hindi pa rin s'ya kumakain ng hapunan, dahil sa isang biscuit at black coffee pa lamang ang laman ng kanyang tiyan. Agad s'yang dumiretso sa kanyang mini kitchen, at nag handa ng toasted bread at pinalamanan iyon, kasama ang fruit juice. Mukhang hindi na naman s'ya nito agad dadalawin ng antok. Matapos niyang makakain, ay agad rin s'yang nagtungo sa banyo, upang mag shower sandali. Ilang sandali pa at tinungo na niya ang silid n'ya at nahiga. Ngunit kahit anong pilit niya na ipikit ang
KATE'S POV Napamaang at hindi makapaniwala ang dalaga habang nakatitig sa seryosong mukha ng lalaking kaharap. Kaya narito sila sa gitna ng parang sa ilalim ng tirik na tirik na sikat ng araw, nakuha pa rin nitong magbiro? Natampal niya ang braso nito, "ikaw ha, pupunta ka lang rito para magbiro ng ganyan, pati ang pamilya ko idinamay mo pa." nakalabing tugon rito ng dalaga kahit pa nga panay ang malakas at mabilis na kabog ng kanyang dibdib. Hindi siya naniniwala sa mga pinasasabi nito dahil malamang na nang gu-goodtime na naman ito sa kanya. "Mukha ba naman akong nagbibiro? Bakit ayaw mo ba?" seryosong sagot- tanong nito. "What do you mean na ayaw ko?" naguluhang balik tanong ng dalaga sa binata. "Mukhang Hindi ka kasi naniniwala sa mga sinasabi ko." Tumawa ng pagak ang dalaga, "alam mo, sa susunod mag practice ka na muna kung paano magbiro ng tama. Hindi mo kasi bagay." "Mukha pa ba akong nagbibiro nito?" seryoso pa rin na tanong nito sa
KATE'S POV "Ano naman ang tungkol kay Sandy? Kung ano man ang mga bagay na iyon, wala naman na akong karapatan pa para malaman iyon. Sa inyo naman na dalawa iyon, so, bakit naman ako manghihimasok? Don't worry, walang problema sa akin" Nakangiti na sabi niya at tumayo na rin. "I think kailangan ko na rin siguro na mag ayos ng mga gamit ko. Baka mahuli pa kasi ako sa biyahe ko, eh. Tamang- tama pa naman na may pwedeng biyahe mamayang hapon. Habol pa ako sa oras. Sige! Maiwan na muna kita diyan." aniya at tumalikod na rito. "Sandali lang, Kate!" Habol tawag ng binata. Lumingon si Kate. "May sasabihin ka pa ba?" "Ah, wala! Sige, mag-ayos ka na at ihahatid na lang kita sa station." ani Rainier na biglang natigilan. Tumango si Kate. "Okay!" At bahagyang ngumiti. Habang nag-aayos ng kanyang mga personal na gamit ang dalaga, ay pinilit niya na labanan ang nagbabantang pag patak ng kanyang luha. Kahit hindi man sabihin ng binata sa kanya ang bagay
Marahang napalunok si Kate habang pilit na pinaglalabanan ang mga titig ng binata. Kita sa malamlam nitong mga mata ang kung anong emosyon na hindi niya matiyak. Unti- unti ay bumaba pa ang mukha nito sa kanya, dahilan para mabilis siyang mapa-iwas bago pa man tuluyang lumapat ang mga labi nito sa labi niya. Mariin naman na napa-pikit ang binata. Muntik na naman mawala ang kontrol nito sa sarili. Hindi rin niya alam kung bakit ganito ang epekto sa kanya sa tuwing malalapit siya sa dalaga. Tila ba ayaw na niyang pakawalan pa ito sa tuwing malalapat ang kanyang mga palad sa balat nito. May bumubulong sa kanyang manatili ito sa tabi niya at protektahan anumang oras. "I think we need to sleep." paanas na bulong ng binata sa punong tainga ng dalaga. "Y- yup!" pa-utal na tugon ng dalaga at mabilis na akmang tatayo. Maya- maya ay muling bumaling sa binata. "Ikaw na muna sa silid mo, ako na lamang dito." Umiling ang binata, "go on! I can manage myself here. Get ins
Halos manginig ang buong katawan ni Cassandra, habang namumutla matapos na umalingawngaw ang isang putok ng baril, matapos noon ay nahulog ang hawak nitong baril na hawak sa mga kamay. Walang nakaka-alam kung sino ang nagpaputok, ngunit nagmula iyon sa bahay nina mang Serio. Hindi makapaniwala si Kate sa nangyayari ganun din ang pagkabiglang rumehistro sa mukha ng mga kasama nito. Bakas ang pamumutla at takot sa mukha nito. Mabilis naman na sinamantala ng mga pulis ang pagkakataon at nilapitan agad sina Cassandra at ang mga kasama nito at agad na inaresto. Tulala at hindi nakapagsalita si Cassandra matapos noon. Ganoon rin si Kate na agad na nilapitan ni Rainier at mahigpit na niyakap niya ito. "Are you okay?" tanong ng lalaki kay Kate. "I'm sorry for what's happening today." "What happened? Cass-" "Shh!
Nanlilisik ang mga mata sa galit ni Cassandra habang nakatitig kay Kate. "I really didn't expect from you, na isa ka rin palang ahas na kaibigan. Ang akala ko kakampi kita pero patalikod ka rin pala kung lumaban. Bakit hindi mo ba kaya na harapin ako ng harapan, ha? At may gana ka pang magtago sa anino ng lalaking iyan. Oh pity you! Kahit kailan talaga wala kang sariling paninindigan. Palagi ka na lang naka depende sa iba." Kawawa ka naman pala. Now I realize, kung gaano ka talaga kahinang tao." At tumingin pa ito na tila naawa sa kanya bago naging muling mabangis ang anyo na tumitig sa kanya. "I'm sorry, Cass, pero wala akong alam na ginawang mali sa iyo. Ginawa ko na ang lahat ng gusto mo. Sorry kung hindi man iyon naging sapat para sa iyo. Pero ang sabihin mo na backfighter ako, mukhang nagkakamali ka yata. Dahil kung gusto ko man na maging ganoon sa iyo, sana hindi na umabot pa sa ganito. Pero dahi
KATE'S POV Hindi pa rin makapaniwala ang dalaga habang nakangangang nakatitig sa lalaking buong tibay na nakatayo sa gitna ng mga lalaking naghambalang sa paligid nito. Hindi niya sukat akalain na marunong pala ito pagdating sa mga self deffence. Sino ang mag- aakala na ang isang lalaking mukhang walang buto pagdating sa pakikipaglaban, ay heto at walang kagalos galos na nakatayo sa kanilang harapan. Maging ang mga pulis na nasa paligid nila ay hindi rin inasahan na magiging ganoon ang resulta ng mga ito. Nagawa nitong talunin ang ilang bilang ng tao na nag iisa lang at wala ni isa man sa nasa paligid nito ang nagtangka na tumulong sa binata. Halos mapasinghap ang dalaga sa bawat ginagawa nitong paghataw, ngunit hindi niya inasahan na magwawagi ito. Habang nagkanya kanya ng layo ang mga lalaking tinalo ng binata, ay
RAINIER POV "Kate?" agad na bungad tawag niya sa tarangkahan pa lamang ng bahay na itinuro sa kanila ng isang napagtanungan. Agad naman na sumalubong si mang Serio. "Ikaw ba ang taong susundo kay ms. Kate?" tanong nito agad ng tuluyan silang magkaharap. "Opo! Ako nga po, dito po ang itinuro sa amin na address." magalang na sagot dito ni Rainier. "Kung ganoon, ikaw si mr. Rainier Marco?" naninigurong tanong muli ng matanda. "Opo! Ako po. Nasaan po si Kate? Maari ko po ba siyang makita?" hiling ng lalaki. "Narito ako!" agad naman na sagot ng dalaga na naglalakad palapit habang kasunod ito ni mang Maria. "Kate!" bulalas nito na mabilis na inilang hakbang lang ang pagitan nila at niyapos siya ng mahigpit. Bahagyang nanlaki ang mata ni
Nagkatinginan ang tatlong magkakaharap sa sinabi ni mang Serio. Hindi nila alam ang gustong ipahiwatig ng ginoo. "Ang mabiti pa ay imisin ko na muna itong mga pinagkainan natin. Doon na muna kayo sa labas." biglang nasabi na lamang ng ginang matapos ang mahabang katahimikan. Walang imik na tumayo ang isa nilang kaharap na si Manoy at nagtungo sa may labas ng bahay at naupo sa silong ng lilim ng puno ng mangga. Walang salita na lumapit si mang Serio sa asawa nito at nag usapa ang mga ito ng mahina lamang. Matapos ay napansin niya na tila nag alala ang ginang at napasulyap pa sa kanya. 'Ano kaya ang pinag uusapan nila? Ako ba?' bulong niya sa sarili matapos makita na muli itong sumulyap ng tingin sa kanya. Nakita niya ng bahagyang tumango ang ginang at saka nito itinuon muli ang atensyon sa ginagawa.
KATE'S POV "What happened?" tanong ni Rainier sa kanya sa kabilang linya. Bakas sa tinig nito ang labis na pag-aalala. At kung marahil nakikita niya ito, ay tiyak na gulat na gulat ito. "Huh! Pasensya na po. Wala na po kasi akong ibang alam na matatawagan kasi kayo lang po ang pwede kong makontak na alam ko. Pasensya na po sa abala. Kagabi pa po kasi kami sumubok tumawag, pero hindi ninyo nasagot?" mahabang sabi ni Kate. "Yeh! And I'm sorry about last night. But where are you? A- are you safe? Your abductors called just earlier. And then now-" hindi na nito natapos ang gustong sabihin ng muling magsalita ang dalaga. "I am fine and safe now, sir. I just called to ask for help. It's a very far province, nakatakas ako sa kanila kahapon pa. Mabuti at may mabubuting loob na nakakita sa akin rito." "