Home / All / MARCO BROTHER'S (BOOK 1) BABIES GENDER / CHAPTER THREE - THE AGREEMENT

Share

CHAPTER THREE - THE AGREEMENT

Author: Ms.aries@17
last update Last Updated: 2021-09-09 13:10:08

        "WHAT?" malakas nyang bulalas na um- echo pa sa apat na sulok ng kwartong iyon. Kasabay nitong napatayo pa sya sa pagkagulat sa sinabi nito. 

          'Is this a joke? No, he can't be.' he thought. This can't be real.

         "Are you kidding, dad?" sabi nya kahit pa alam naman nyang seryoso ito. Gusto pa rin nyang maging sigurado.  Maaring nagkamali lang ito. 

         Tumingin sya sa iba pang mga kasamang naroon. Tahimik lang ang mga ito at walang sinumang nagtangkang umimik sa mga narinig. Lumingon sya kay Estella baka sakaling ito ang makatulong sa kanya, pero nagkibit balikat lang, na para bang sinasabing wala ng magagawa at iyon na yon.

         "Dad, tell me, it is just a joke. Thats can't be true."

       "Maybe, there's another option for him, dad?" said Randel. Seryoso rin ito

        "Is that final?" said Estella too.

        Rainier, remain in his silence. He doesn't want to talk to.

         "Yes it is." said don Gregorio 

         "Please, dad. Not this." sabi nya.

         "That's final. Go get your girl and get married and present to me your son." seriously said of don Gregorio. 

         "What if Im not?" madiing sabi nya.

         "It's up to you. Rainier will be the CEO, then." his father again. He look at him. At desidido nga talaga ang ama.

         "It is not a joke, dad."

          "Yes, i know. "

         "Tita, please?" then he look to the woman.

           "I'm sorry, dear. Nothing I can do. He's seriously doing that." said in a very low voice. 

         "You're only have one and a half year, after that. My decisions is final."

        You're insane, dad." hindi rin  napigilang sabi nya kahit pa nga ama nya ito. at nanlalambot ang mga tuhod na muling napa upo.

       "Yes, maybe I am."  he smirk "But I'm sure, in the end you will thank me. I'll assure you. "

        Napailing pa sya at naipukpok ang palad sa dinning table.

        "Oh, fuck!"

        Matalim ang mga matang napasulyap kay Rainier na ni hindi man lang kinontra ang sinabi ng ama.

       'Ofcourse, it is for his own good too, if you didn't.' Bulong ng isip nya. Imagine, he need to have a son. How can he do that, if he doesn't have a right woman? He doesn't have any serious relationship,  and take note, he has only one and a half year. At mayroon pa talagang time limit ha. 

        'Where on earth I can find a girl who will give me a son?'

        "Ahhhhh.... damn...." pakiramdam nya parang gusto nyang manakit sa mga oras na iyon. Nanatili namang tahimik ang iba pa at tinitingnan lang sya.

         How can he fulfill his wish?

A silence remain in the whole dinning room. No one dare's to talk. 

         "Why don't we continue this conversation in the living room. That's more convenient. " Estella's broke to the silence between all of them. She stand and call their maids to clean up the messy table. 

         "Come on, guys."

         Walang kibong kanya- kanyang nag silabasan sa komedor ang lahat. Walang kakibo- kibong sumunod si Raiver sa kanila. Hindi pa rin ma process ng husto ng utak nya ang mga narinig nya sa ama.

        Sino ba naman matutuwa , pano ka naman mag aasawa ni wala ka ngang girlfriend.

NANG makalabas ang lahat. Kanya kanyang upo sa sofang naroon.

        "I hope that you didn't fail me." Don Gregorio said to him.

         "But, how can I do that? I don't even have a girlfriend, dad. Please dad, not this. Ask me anything to do but not this one." he demanded to him.

          Natawa ito sa kanya.

          "Then start searching her." 

          "What?" kakamot- kamot sa ulong sabi nya. Ang weird din naman nitong ama nya oh.

        Nilapitan sya nito at marahang tinapik sya sa balikat.

       "I know you can do that. If not, I am sorry, you know me, son. I have a word." 

         Naguguluhan syang nagpa alam na sa mga ito mas mabuting iwan nalang ang mga ito para mas makapag isip sya ng maayos. Kailangan yata nya ng hangin.

        He look at his wristwatch 9:45 in the evening.  Marahil nasa gimik pa ang mga barkada nya. 

       "I have to go. " walang ganang sabi nya. 

       "Huh?" Si Estella. "Why? don't you want to spend your night here, just this one."

       "Im sorry but Im not." "I have to go."

       "Okey, take care!." said Estella 

       "Thank you," he said and leave.

       

Lulan ng kanyang sasakyan. Lumabas sya ng mansyon.  Habang nasa daan at nagda drive. Agad nyang kinuha sa bulsa ng kanyang coat na nakasampay sa sandalan ng upuan ng kotse ang cellphone at sinimulang idial ang number ni Drake. 

        Matagal pa syang nag dial bago may narinig na sagot sa kabilang linya. Napahilamos pa sya ng mukha ng tinig ito ng isang babae.

        'Oh. Busy marahil kaya matagal sumagot.' 

        "Hello?" 

         "Where's Drake?" tanong nya.

         "He's in the bathroom." sagot nito.

          "Wait!"

           At narinig naman nyang tinawag nito ang kaibigan dahil hindi man lang nito tinakpan ang mouthpiece ng phone.

          "Who's that?" narinig nyang sigaw nito.

         "Umnn... Raiver?" sabi nito. Hindi sya tinanong ng babae, marahil nabasa sa screen.

         Matapos nito, wala na syang narinig at ilang sandali lang ang boses na ng kaibigan ang narinig. 

        "Oh, how was your dinner with family?" bungad nito sa kanya.

        "Not good." inis nyang sagot.

         "What?" he heard him chuckled.

         "Where are you?" he ask.

          "Oh, somewhere in the city. You want to join with us?" tanong nito. Marahil nahulaan nito ang nasa isip nya.

          "I'll be there in a minute. I'm on my way." agad na sabi nya at inikot ang sasakyan papunta sa sinabi nitong lugar. Siguro mas kailangan muna nya ito ngayon ng marelax ang isip. 

       

BAGO sa kanya ang lugar na sinabi ni Drake. Maayos naman ang paligid at may mga security camera's sa palibot ng gusali. Mabilis niyang inilabas ang kanyang i.d ng hingin ito ng guard bago sya payagang makapasok sa loob. Ng makapasok sa parking lot ng club agad na inabot nya sa isang boy ang susi ng sasakyan at nagbigay ng malaking tip rito. Namangha rin sya ayos at laki ng club. Isa itong high class club and hotel . At alam niyang halos mayayaman rin ang mga nasa loob nitong Customer. 

       Ng makapasok sa loob. Inikot nya ang paningin para hanapin ang grupo ni Drake. Hindi nya ito nakita, maya maya may isang babae ang lumapit sa kanya at tinanong sya kung anong hanap nya., marahil isang prostitute din ito dito.

Mukha namang hindi basta basta lang ang mga babae rito. May mga class din naman tingnan.

       "Are you looking Mr. Drake, sir?" sabi ng babaeng lumapit sa kanya.

       "Yes." maikling sagot nya na hindi tinitingnan ang babae.

       "Follow me, sir." magalang na sabi nito at bahagyang yumuko sa kanya na para bang isa syang master.

         Agad syang sumunod sa babae. At dahil nauuna ito sa kanya. Noon lang nya napansin ang katawan nito. Hindi nya gaanong napansin ang mukha nito kanina pero alam niyang may hitsura rin ito. 

        Naglalakad ang babae na nauuna sa kanya Kaya mabilis nyang mapag aaralan ang katawan nito dahil hindi rin naman sya nito mapapansin. Maganda ang hubog ng katawan nito. Maliit ang beywang at matambok ang pigi. Mahahaba ang maputing binti at hita na kitang kita sa suot nitong maiksing bestida na kulay purple at bahagyang nakadagdag sa tangkad nito ang may 2 inch na taas na sandals kung kaya umabot hanggang sa balikat nya ang taas nito. at habang naglalakad ito bahagya ring nagsu- sway ang nakalugay nitong buhok na tuwid at itim na itim na aaminin nyang nakadagdag sa appeal nito. The way she walk is like a beauty queen, with posture. The way she sway her hips while walking turning his on and made a spark on him.

        Habang pinag aaralan nya ang babae. Nakaramdam sya ng matinding pagnanasa na angkinin ang babaeng ito hindi pa  man nya nakikita ang kabuuang hitsura ng babae. Iba yata ang tama nya rito.

         'Huwag mong pairalin ang kalibugan mo sa katawan. Hindi ito ang time para dyan. Mas kailangan mong mag isip muna.' Kastigo nya sa sarili.

        Napa iling na lang sya at nagpatuloy sa pag sunod rito.

   

Pumasok sila sa isang silid at doon nakitA ang mga kaibigan. Masaya ang mga ito habang nag eenjoy sa mga babaeng kapareha.

        "So, what do you think about this place?" ask Drake

        Nagkibit lang sya ng balikat at hindi nag kumento. Nanatili lang syang tahimik. Napansin nya ang babaeng kasama kanina na nakatingin sa kanya. Agad na nag iwas ng tingin sa kanya ng sulyapan nya ito. Tama nga sya, maganda ang mukha nito. Simpleng ayos lang meron sa mukha nito, light make- up at lipstick na bumagay sa kanyang simpleng aura. Mabibilog na mga mata na binagayan ng mahahabang pilik- mata. At hindi kakapalang kilay. Matangos ang ilong at labing maninipis at mapula na parang laging ang sarap siilin ng halik.

          Nakita nyang inabutan ito ng kaibigan ng malaking tip na agad naman nitong kinuha at tinago. Napailing sya, habang sinusundan ito ng tanaw papalayo, wala namang nakapag tataka dahil ito ang trabaho nya.

         "Ang akala ko ba wala kang balak mag happy happy ngayon." tanong ni Jake

        "Nakaka bwisit lang kasi eh." sabi niya.

        "Ano bang meron?"

         "Hindi kasi magandang biro ang gusto ni dad." simula nya

          "Ano ba kasi yon?" hindi nakatiis si James at sumabat sa usapan. Curious ito sa problema ng kaibigan. 

         Para sa kanila, kung may problema na itong iniisip  ibig sabihin, normal na itong nilalang. At ang makita itong tahimik at walang kibo ay totoong nakakapanibago. Sanay lang talaga silang makitang parang wala itong paki alam sa mundo , o tamang sabihing may sariling mundo.

        "I need to be married." matamlay nyang sagot.

         Napanganga ang lahat at walang naka imik isa man sa kanila. Sino ba naman kasi ang hindi matatanga kung kailanganin mong mag pakasal ng wala ka naman talagang girlfriend o boyfriend, di ba.

          "And I need to have a son and I have only one and a half year." he added. Napayuko sya habang sabunot   ang buhok. Maya maya bigla itong napasuntok sa mesang nasa harapan na puno ng inumin.

             "Ahhhhhh... damnnn!"

             At mas lalo pang napuno ng katahimikan ang kanina'y maingay na paligid ng silid. Nahinto ang mga ito sa pag to- toast.

         Tanging ang ingay na nanggagaling sa labas na lamang ng silid na iyon ang maririnig. Ilang minutong katahimikan bago muling binasag ito ni Drake.

          "Are you serious?" walang kangiti- ngiting tanong nito.

          "Hindi naman siguro problema yon. Dami ka namang girl. Pwede ka ng mamili ngayon." sabi ng isa sa kaibigan nya. Sinamaan nya ito ng tingin. Hindi nya alam kung biro ba ito, pero nainis pa rin.

          "At san ka naman pupulot ng magiging future wife and mother of your kids? You don't even have a girlfriend." nanlalaki ang matang bulalas naman ni Jake.

          "Tsk... tsk... tsk..." si James. Habang pailing iling.

         "What should I do?" magulo ang isip na tanong nya. Mabilis nyang dinampot ang kopitang may lamang alak at diretsong ininom.

         Nagkatinginan ang magkaka- ibigan, at ni isa wala ring nakapag- suggest. 

         "Bakit hindi ka nalang muna mangibang bansa ulit?" si Jake

        "For what?" sabi nya. "Para ibigay ang pagkakataon sa anak ni dad sa labas na magtake- over sa mga bussiness namin?"

          "No choice ka pa rin naman. Anong gagawin mo, manghihila ng babae para magpakasal at aanakan mo. And one thing, you want to take over on your company, kaya mo na ba? Ni kahit nga minsan hindi mo naman in try, di ba? Much better pa rin na ang half brother  mo nalang, atleast he know's." si Drew

         Matalim ang matang sinulyapan sya ni Raiver. Agad naman itong humingi ng apology sa nasabi.

         "I'm sorry, just a say."

          "Pwede rin, make a deal with her, why not?" bilang sabat ni Drake na seryoso pa rin. Napatingin tuloy dito ang lahat.

        "Mukhang pwede nga, medyo complicated pero ang tanong may qualified ba?"si James. "Sa panahon ngayon mahirap makahanap ng babaeng mentally  and physically fit maging ina ng anak mo. Pano kung may sayad pala napili mo, tsk.. tsk..."  iiling iling pang sabi nito.

         "Simple. Make sure na nag undergo sya ng test to-"

          "Will you please shut up!" naiinis na sabi nya. But deep in his mind. Nagkaroon sya ng idea. Parang alam na nya ang gagawin.

          'May sense din naman pala kausap ang mga ito' he whispered.

           At hindi  sinasadyang sumilay ang  isang ngiti sa labi na ikina pagtaka ng mga kasama nya. Nagkatinginan pa ang mga ito at saka ipinag- kibit- balikat nalang at ipinagpatuloy ang naudlot na pagsasaya.

          

  

E

Related chapters

  • MARCO BROTHER'S (BOOK 1) BABIES GENDER   CHAPTER FOUR - FIRST MEET

    Raiver got another bottle of wine and drink this without using any cup. He straightly drink from the opened bottle while sitting at the corner of the room. His friends are busy drinking and dancing while the other is in private rooms doing their fucking businesses. He's busy on thinking to where he can find the girl who will agreed to carry his baby and got marriage . It is not an easy task for him but he didn't understand why his father doing this to him. He's against to this, but he doesn't want the position goes to Rainier. So, he had no choice, just he need to do what he said.SECOND POV"OH, ano, kumusta ang gabi mo?" sabi ng baklang kaibigan ni Sarah ng lumapit sya sa counter at kumuha ng order na alak. "As usual, wala pa ring pag babago, Che. Ang hirap nga eh, di ko na alam kung anong diskarte pa kaya ang gagawin ko par

    Last Updated : 2021-09-09
  • MARCO BROTHER'S (BOOK 1) BABIES GENDER   CHAPTER FIVE - OUT WITH HIM

    It feels so magical for both of them while their kissing. As for Raiver, all the girl was the same for him but this time, this girl was something different from all of them. It is funny, but he turned on to her when he first set his eyes on her. And he had this feeling that he needs to know her more, wanting more. He was very intrigue to this girl after he look at her eyes and he found that there is something behind those looks. Ofcourse he's aware that she's a prosty girl, but something back on his mind telling him to get closer to her, and comfort her. When this girl approached him earlier while his drinking, he felt his a*****l . At kanina pa nya pinipigil ang sariling angkinin ito. And now that their kissing t******y without any hesitation, he want her more deeply, he want to feel his inside her and he knows that he's feeling was only a lust, maybe tommorow after he had her, it will gone just like the other girl he had with.&

    Last Updated : 2021-09-09
  • MARCO BROTHER'S (BOOK 1) BABIES GENDER   CHAPTER SIX - A FAVOR

    Hiyang hiya si Sarah sa kanyang sarili matapos makita ang lalaking mabilis na lumabas ng silid. 'Ano ka ba naman, pag kakataon mo na yon pinalampas mo pa.' nahihinayang na sermon nya sa sarili. 'Na turn off pa yata sa akin? Haisst!' napa iling sya sa sarili. Kung ano ba naman kasing pumasok sa isip nya at yung naroon na sya ay bigla pang gumana ang kanyang pagiging santa. 'Para sex lang nag pakipot ka pa. E ano naman kung nakuha ka nya? E di ba ikaw naman ang kusang sumama sa kanya?' mabilis nyang dinampot ang mga damit na ito pa ang pumulot sa sahig at mabilis na muling isinuot. Naka ramdam sya ng malaking hiya dahil matapos nyang nag pahalik at kitang kita pa naman nito kung paano na nag enjoy rin sya kanina. Tapos sa ganito lang pala mau uwi. Solve sana ang problema nya kahit lang naman sana para sa pambili ng gamot ng mga magulang nya. Napa buntong- hininga na napa iling sya. She look at her s

    Last Updated : 2021-10-20
  • MARCO BROTHER'S (BOOK 1) BABIES GENDER   CHAPTER SEVEN - SOLVING PROBLEM

    Para syang nanuno matapos ang narinig sa lalaki. Hindi nya sukat akalaing ito ang pabor na hinihingi nito. Tama nga ba ang narinig nya? Na anak ang gusto nito sa kanya? Paano naman nya ibibigay rito yon? At saka mahirap magpa migay ng anak. Hindi rin nya kilala ang lalaki paano naman sya papayag sa hiling nito sa kanya. Lumunok muna sya bago nakuha ang sariling salita. "I- iyan na ba ang pabor na sinasabi mo?" tila naninigurado nyang tanong. Hindi nya alam at mapag pasyahan kung papayag nga ba sya o hindi. Tila napaka hirap naman yata ng hiling nito sa kanya. Hindi biro ang gusto nito, pero paano kung dito naman naka salalay ang kanyang pagkaka taon para sa pangangailangan ng kanyang magulang? "Yes!" maikling tugon nito. Diretsong naka titig sa kanya na tila tinatantya ang kanyang reaksyon. Napalunok muna sya at hindi makuhang mag salita. "Pwede ko bang pag isipan muna?"

    Last Updated : 2021-10-20
  • MARCO BROTHER'S (BOOK 1) BABIES GENDER   CHAPTER EIGHT - MONEY

    Walang imik na muli nitong ibinalik sa pag mamaneho ang atensyon. Kapwa sila tahimik at tila walang ni isa man sa kanila ang hustong mag salita hanggang sa sapitin nila ang harapan ng hospital. Matapos na mai park ng ang lalaki ang sasakyan, mabilis na binuksan ito ni Sarah. Parang kasing pakiramdam nya hirap na hirap syang maka hinga sa loob lalo nat katabi nya ang lalaki. May inilabas ito na naka lagay sa isang puting sobre, at inabot sa kanya. "Kunin mo na, baka kailanganin mo." sabi nya na bahagya lang itong lumingon. "Ayokong malalaman na bumalik ka muli sa club. Susunduin kita mamaya rito pasado alas kwatro, kaya dapat ready ka na non." "Sige" at mabilis na kinuha ang ina abot nito at isinilid sa kanyang shoulder bag. "Salamat!" sabi nya na hindi rin ngumiti at pormal lang. Tinalikuran na nya ito at akmang papasok na sa loob.

    Last Updated : 2021-10-20
  • MARCO BROTHER'S (BOOK 1) BABIES GENDER   CHAPTER NINE - OPERATION

    Dumaan muna si Sarah sa bangko upang ideposito ang ilang bahagi ng perang ibinigay sa kanya ng lalaki. Alam nyang hindi naman safe sa kanya ang palaging nasa kamay lang nya ito. Matapos makapag deposit agad nag tungo sa bilihan ng mga fresh fruits para sa ina. Ang ama nya wala pa ring malay dala ng pagiging comma nito. Nag papasalamat sya ng husto sa lalaking hindi man lang nya nakilala ang pangalan kahit na nga may kapalit ang ibinigay nito. Tanggap na nya sana nga lang hindi magalit ang mama nya sa ginawa nyang desisyon, hindi sya sigurado sa laman ng kasunduang sinasabi nito, ngunit kailangan naman nyang sumugal para sa kapakanan ng magulang. Wala naman silang sapat na pera dahil ang ilang ipon ng magulang niya ay naubos na rin at nagamit sa ilang gastusin nila. Wala syang kilalang kamag anak nila na maari nyang mahingian ng tulong pinansyal. Matapos maka pili ng mga bago at sariwang prutas, nag tungo naman sya

    Last Updated : 2021-10-21
  • MARCO BROTHER'S (BOOK 1) BABIES GENDER   CHAPTER TEN - THE CONTRACT

    Mabilis na lumapit si Sarah ng bumukas ang pinto ng operating at lumabas isa isa ang mga taong nasa loob. "K- kumusta na ho dok ang papa ko?" kinakabahan nyang tanong. "Don't worry, iha. He's in good now. Successfull ang operasyon. But still unconscious pa sya, ililipat na lang sya para obserbahan pa." Medyo nabawasan ang kabang kanina pa nararamdaman at halos hindi na sya makahinga. "Maari na po ba syang mag kamalay?" "Hindi pa natin sigurado sa ngayon. Pero maayos ang operasyon so anytime pwede na syang magising. Obserbahan pa sya para mas masiguro nating walang ibang naging pinsala sa kanyang ibang bahagi." paliwanag ng doktor. "Salamat po sa inyong lahat." mangiyak ngiyak na sabi nya at bahagya pang tumango sa harapan nito. Nagsi labasan na rin ang iba pang ka

    Last Updated : 2021-10-23
  • MARCO BROTHER'S (BOOK 1) BABIES GENDER   CHAPTER ELEVEN - TRANSFER

    Gabi pa lang sinimulan ng i- ayos lahat ni Sarah ang kanyang mga gamit na ili lipat sa condo ng binata. Kaunti lang naman ang mga gamit na kailangan nya. At sa tulong na rin ng perang nai bigay sa kanya ng binata ay hindi na rin tuluyang mai ilit ang bahay nilang nai sanla dahil sa pag kaka hospital ng kanyang ama. Nang matapos nyang mai lagay ang lahat ng kanyang gamit, tila pagod na pagod na napa upo sya ng gilid ng kama nya. Nai libot nya ang tingin sa kanyang paligid. Ma mi- miss nya ng sobra ang bahay nila. Dito kung saan nabuo ang maga gandang ala ala nila ng kanyang mga magulang. Ang mga magulang nyang alam nyang naging mabuti at kailanman ay hindi nang abuso sa iba. Guro ang kanyang ina sa isang pam publikong paaralan at huwarang pulis naman ang kanyang ama. Marami ang nag sasabing hindi aksidente ang pag kaka bangga ng mga ito na marahil ay talagang sinadya. Baka raw mayroong tao na ma

    Last Updated : 2021-11-11

Latest chapter

  • MARCO BROTHER'S (BOOK 1) BABIES GENDER   FINAL CHAPTER

    "Come on, baby, come to daddy!"Masayang sabi ni Raiver habang pinalalapit ang batang si Keith na kasalukuyan ng mabilis maglakad. Mag iisang taon na ito sa ikalawang araw kaya busy na naman sila sa pag hahanda para sa unang karawan nito. Isabay na rin ang pag papa binyag nila sa bata. "Da... da... da..." bungisngis na sabi nito habang pilit na lumalapit sa ama. Tuwang tuwa naman ang ama habang pinag mamasdan ang anak sa pag lalakad nito. Nadapa ang bata. Mabuti na lamang at may green grass ang paligid kaya hindi delikado rito na masugatan. "Oh, come on, get up. You can do it, baby." enganyong sabi ni Raiver. Dahan dahan muli na tumayo ang bata mula sa pag kakadapa at muling ipinag patuloy ang pag hakbang. He's laughing while looking to his dad and con

  • MARCO BROTHER'S (BOOK 1) BABIES GENDER   CHAPTER SIXTY-NINE - ANNOUNCEMENT

    MARCO MANSION Masayang nag ka- kasiyahan ang lahat ng nasa loob ng Marco mansion. Halos lahat rin ng miyembro ng pamilya ay naroon at masasabing kumpleto na, dahil sa bawat presensya ng mga ito. Masayang nag iinuman, kainan at sayawan ang lahat. Espesyal na okasyon at araw ito ni don Gregorio Marco. Na dinaluhan ng mga kakilala, kaibigan at kasosyo sa negosyo. At masasabi niyang masaya at kuntento sya ngayon na nakita rin niyang kumpleto at maayos ang kanyang mga anak at apo. Naimbitahan rin nila si Lester na hindi naman nag pa- hindi. "Kumusta ka na?" tanong kay Lester ng kala- lapit lang na si Sarah. Kasalukuyang mag ka- kaharap ang mga lalaking Marco kasama sina Lester at Norman. "Okay lang naman. At sya nga pala, congrats." bati nito sa kanya na ikinataka niya. "Ha? Para saan na

  • MARCO BROTHER'S (BOOK 1) BABIES GENDER   CHAPTER SIXTY-EIGHT - SWEET NIGHT

    Hapon na ng muling lumabas si Sarah bitbit ang kanyang anak. Wala si Raiver at hindi niya alam kung saan ito pumunta. Sinubukan na lang muna niya na ibaba ang anak sa sala upang maglaro. Medyo pa- padilim na rin sa labas at napansin niya na kailangan niyang maghanda ng para sa hapunan nila, since hindi naman sya makakabalik ng Batangas. Habang abala sya sa pag hahanap sa laman ng ref kung ano ang kanyang lulutuin ng biglang bumungad si Angela na kasama ang mga anak nito. "Hello?" malakas na sabi nito. "Hi baby!" at saka ito lumapit kay baby Keith at kinuha nito. Kasunod si Norman na hawak naman ang baby nila. Dumiretsong naupo naman ang batang si Vince. Lumabas si Sarah mula sa kusina. "Hello!" at mabilis na lumapit sa kanya si Angela habang kalong pa rin si baby Keith. "Kumusta? Atlast you're here." anito sabay beso sa kanya. "Tagal mong hindi nagpakita

  • MARCO BROTHER'S (BOOK 1) BABIES GENDER   CHAPTER SIXTY-SEVEN - REALIZE

    Mariing napa pikit si Sarah sa sensasyong muli na namang nagigising sa kanyang katauhan na akala niya noon ay wala na. Na hindi na sya maa- apektuhan muli kung sakali man na magkita na naman sila ng ama ng anak niya. Ipinangako na niya sa sarili na titigilan na niya ang pagiging hibang niya na umasa na may damdamin rin ito sa kanya. Ayaw niyang umasa at muli na namang masaktan. Ang tanging nais lamang niya ay ang mabuhay ng maayos at malaya na kasama ang anak niya. Ngunit ano na naman itong nararamdaman niya at tila kayang kaya siyang tangayin ng mga bawat haplos ng lalaki. 'Mali! Hindi ko dapat sya hinahayaan na gawin ito sa akin.' piping bulong niya sa sarili. Muli niyang iminulat ang mga mata at pinilit na maging kaswal. Pinilit niyang mag salita na hindi gagaralgal ng tinig. "Please! Don't do this to me." anas ni Sarah na pilit pina

  • MARCO BROTHER'S (BOOK 1) BABIES GENDER   CHAPTER SIXTY-SIX - UNEXPECTED

    "May problema ba?" tanong agad ni Raiver sa dalaga pagka babang pagka baba pa lamang nito sa sasakyan. Habang ang bata at ang yaya naman ay naiwan sa loob ng kotse nito. "Nag alala lang kasi si Sarah sa anak niya kaya naki- usap sa akin na kung pwede sya na sumama rito para tingnan ang bata." ani Lester. "Ganoon ba? Sige, sumama na lang muna kayo sa taas." sabi naman ni Raiver at kinuha ang bata bago inutusan na lumabas ang yaya nito. Mabilis naman na napalapit si Sarah sa bata at kinuha ito mula kay Raiver. Walang imik na ini- lapit naman ni Raiver ang bata rito at lumapit sa guard ng building. Inabot rito ang susi ng kanyang kotse upang ito na ang syang mag park ng sasakyan. "Hindi na rin naman ako mag tatagal, aalis na rin ako. Hinatid ko lang itong si Sarah rito." si Lester. &nb

  • MARCO BROTHER'S (BOOK 1) BABIES GENDER   CHAPTER SIXTY-FIVE - CHECK-UP

    Maaga pa lamang kinabukasan ng agad ng tinawagan ni Sarah ang yaya ng kanyang anak. Halos hindi rin kasi sya nakatulog kagabi sa labis na pag- iisip sa anak. Hindi sya sanay na malayo sa kanya ang anak, dahil ngayon pa lang ito nawalay sa kanya at halos ika- balisa na niya. Agad niyang idinayal ang numero ng yaya. "Hello?" tinig mula sa kabilang linya. "Yes, yaya." "Ai, hello ma'am, good morning po. Ang aga nyo naman po yatang napatawag?" "Kumusta si Keith? Ayos lang ba sya? Hindi naman ba sya nag iyak kagabi? o baka naman-" hindi na niya natapos pa ang sasabihin dahil pinutol rin agad ito ng yaya. "Si ma'am naman, baka naman ma stress ka na niyan sa sobrang pag iisip. Ayos lang naman po, hindi naman sya umiyak kagabi. Nagkaroon lamang po sya ng s

  • MARCO BROTHER'S (BOOK 1) BABIES GENDER   CHAPTER SIXTY-FOUR - FEVER

    "Really? I can't belive it! Oh my god, Sarah is mine, only mine." hindi maka paniwala na bulalas ni Raiver. Daig pa niya ang idinuyan sa alapaap sa sobrang saya sa nalaman. Natatawa naman ang kanyang mga kaharap habang pina panood ang hitsura niya na daig pa iyong nanalo sa sweepstakes. "I can't believe it. All along, Sarah is my wife. A real wife? Oh god! May karapatan pala talaga ako na bawiin sya?" hindi maka paniwala na sabi niya. "My god baby. Promise! Iba- balik ko agad si mommy rito. Mag ka- kasama sama rin tayo ng buo sa wakas. What a good fortune for me! Ang akala ko na talaga, hindi ko na sya mababawi ulit. Oh, thanks to god!" sabi niya sa nag u- umapaw na saya na sabi. Hindi niya ugali na mag- ala bata sa harapan ng mga ito pero matapos ang mga sinabi ng kanyang kapatid daig pa niya ang batang umiiyak n

  • MARCO BROTHER'S (BOOK 1) BABIES GENDER   CHAPTER SIXTY-THREE - LEGAL MARRIAGE

    "Oh!" hindi maka- paniwalang naka titig ang mga kaibigan ni Raiver sa mukha ng kanyang anak. Marahil sa nakikita ng mga ito ang napaka laking pag ka- kahawig ng mukha nila ng bata. "You didn't told to us na kamukhang- kamukha mo pala sya. Walang duda na sa iyo nga talaga ang bata." huma hangang bulalas ni Jake. "Para kayong pinag- biyak na bunga ah." "Bakit sino bang mag a- akala na papayag si Sarah na makasama ko rin ang anak ko?" saad naman ni Raiver. Kasalukuyan sila ngayon na nasa park at inila- labas ang bata. Sinadya niya talaga na tawagan ang mga kaibigan para naman may makasama sila sa pamamasyal ng araw na iyon. "Ba... ba... ba..." sabi ng batang kalong ni Raiver. Naka salpak rin sa maliit na bunganga nito ang kamao habang pilit na sinusupsop. "Hello, baby! Sana

  • MARCO BROTHER'S (BOOK 1) BABIES GENDER   CHAPTER SIXTY-TWO - GETTING HIS CHILD

    Parang biglang nagbago ang ihip ng hangin sa pagitan nina Sarah at Lester matapos ng kanyang sinabi. Matagal na katahimikan ang namayani sa pagitan nilang dalawa habang magka harap. Hindi makapaniwala si Sarah sa narinig mula mismo kay Lester. 'Ano raw? Mahal niya ako? No. Nagkamali ka lang ng pandinig. Magkaibigan lang kayo at tinu- tulungan ka lamang niya. Walang malisya sa pagtulong niya sa iyo.' piping bulong ng kanyang isipan. Nanlalaki ang mga mata na sumulyap siya kay Lester. Hindi pa rin makapaniwala sa mga sinabi nito. "A- anong sinabi mo? Lester, huwag kang mag biro ng ganyan dahil hindi nakaka- tuwa. Wala rito si Raiver para umasta ka ng ganyan." puno ng kaba ang dibdib na sabi ni Sarah ng mga sandaling iyon. "Totoo ang mga sinabi ko sa iyo kanina.

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status