Share

Chapter 28 Fearful Heart

Author: Armand Panday
last update Last Updated: 2023-04-28 07:13:05

SA pagkakataong ito ay kakaiba ang pag-salubong nina Elisa at Aling Lagring. Tahimik lamang si Elisa habang pinapakain si Vivo. Si Aling Lagring naman ay abala sa paghahanda ng pagkain sa kusina.

Datirati ay makuwento si Aling Lagring at maging si Elisa ay madaldal. Ngunit ngayon ay tipid ang bawat salita. Tila naninimbang at halatang pinipili ang bawat sasabihin.

Batid ni Oliver na maraming gustong itanong ang dalawa. Una na marahil ay kung bakit kamukha rin ng naunang dalawang sanggol ang anak ni Teacher Badette.

“Nagkausap na ba kayo ni Teacher Badette?” Binasag ni Oliver ang katahimikan.

“Opo Sir.” Tipid na sagot naman ni Elisa.

Naghintay si Oliver ng kasunod na sasabihin ngunit wala nang idinugtong pa ang dalaga. Mga ilang sandali muna ang lumipas bago muling nagsalita si Elisa.

“Gusto ka pong makausap ni Teacher Badette, Sir.”

“Bakit ka pa makikipag-usap sa kanya, Sir. Tama lang sa kanya ang magkaanak ng panget. Masyado siyang mapang-api at mapamintas.” Gigil sa galit na sabat n
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • MAMAW: Pahiram ng Kasalanan   Chapter 29 Shadow of Doubt

    Habang papunta sa ospital ay abot-abot uli ang kabang nararamdaman niya. Isa na naman uling panget na sanggol ang madadagdag sa mundo. Sising-sisi si Oliver dahil sa ginawa niyang paghihiganti sa mga taong nang-api at umalipusta sa kanya noon at ngayon ay ang mga anak niya ang nakatakdang magdusa. Tiyak na aapihin at aalipustain rin sila ng mapang husgang lipunan.Marahil nga ay tama lang na huwag ng bumalik sa dati ang sigla niya bilang lalake. Kalooban siguro ng tadhana na magkaroon siya ng Erectile Dysfunction para hindi na dumami pa ang mga panget niyang anak.Isang maliit na private hospital yon kung saan nanganak si Elizabeth. Pagpasok pa lamang ni Oliver sa lobby ng hospital ay nagtitinginan na ang mga nurses. Kilala na siya ng halos lahat ng mga tao sa bayan nila. After all, siya si Oliver Calderon ang philanthropist. May-ari ng Calderon Medical Center na ngayon ay magkakaroon na ng branch sa bayan nila. At nagpapatayo ng bahay ampunan. Madalas lumabas sa Telebisyon ang mukha

    Last Updated : 2023-05-11
  • MAMAW: Pahiram ng Kasalanan   Chapter 30 Worthless

    Vina Chu was prettier in person. Iyon kaagad ang naging konklusiyon ni Oliver ng makita ito. Ang hapit na kasoutan ay lalong nagpatingkad sa hubog ng katawan nito. Balingkinitan at halos perpektong mga binti. Ang buhok na hanggang balikat ay tila banayad na alon na sumasabay ang galaw sa bawat hakbang nito. Ang kutis ay maputi na tila porcelana.Ang event ay isang charity auction na ang pondong malilikom ay para sa mga street children. Mostly ay mga paintings ng mga local painter ang ibenebenta. Ngunit mayroon ding mga pre-owned clothing ng mga kilalang celebrity. Dinaluhan iyon ng mga kilalang mga negosyante upang ipakita ang kanilang goodwill and showing off their company’s corporate social responsibility. Marketing strategy para sa mga produkto nila.Nang magkaroon ng pagkakataon ay nilapitan ni Oliver si Vina Chu.“Hi.” Nakangiting bati ni Oliver. “I’m sorry to interrupt but I can’t forgive myself kung hindi ko makikila ang isang napakagandang binibini. Ako nga pala si…”“Oliver C

    Last Updated : 2023-05-17
  • MAMAW: Pahiram ng Kasalanan   Chapter 31 Danger

    MASAYANG masaya si Elizabeth habang kalong ang kanyang baby. Larawan na ito ng isang babaeng kumpleto na sa buhay. Kung sabagay ano pa nga ba ang mahihiling niya ngayon. May negosyong kumikita ng maayos at isang sanggol na napakaganda. Maliban sa isang bagay. Ang muling maangkin si Oliver Calderon.Iniabot ni Elizabeth sa yaya ang baby. Muli namang sinulyapan ni Oliver ang sanggol. Walang dudang sa ina nagmana ang baby kaya maganda.“Dalhin mo muna sa kanyang kuwarto.”“Yes Ma’am.”Nang tumalikod ang yaya ay tila naglalambing na hinarap nito si Oliver.“Alam mo masayang masaya ako dahil kinilala mo ang anak mo. Pero mas masaya siguro kung dito ka na titira para makagawa tayo ng isa pa.” nakangiting sabi.“Masyado kang palabiro.”“Hindi ako nagbibiro Oliver. Para sana kumpleto. Isang girl and then isang boy.”Muntik nang matawa si Oliver. Paano niya gagawin yon eh hindi na nga nakikisama ang manoy niya. Isa pa kung sakali man na lalaki ang kasunod, walang katiyakan na hindi ito magigin

    Last Updated : 2023-05-28
  • MAMAW: Pahiram ng Kasalanan   Chapter 32 The Vigilante

    NASA upisina na si Oliver ngunit hindi pa rin nawawala sa isip niya ang naging usapan nila ni Sarge. Totoo pala ang kasabihang kahit ibinigay mo na ang iyong kanang kamay ay hihingin pa rin ng mga taong mapag-samantala ang kaliwa mong kamay.Tulad na lang halimbawa ni Sarhento Eduwardo Rada. Lahat naman ng kaya niyang ibigay ay ibinibigay niya dito. Ngunit ngayon ay tuluyan na niyang nakita ang tunay na ugali nito. Mapag-samantalang uri at balak pa yata siyang huthutan. Kung minsan ay hindi pera ang dahilan ng pagiging kuripot ng isang tao at pag-tangging magpautang kung hindi ang kawalan ng tiwala. Halos lahat naman kasi ng mga nangungutang sa eksperinsiya niya ay matamis lang ang dila kapag nangangailangan ngunit kapag napautang na’y nagkakaroon na ng sakit ng pagkalimot o amnesia.Gayon pa man nalungkot rin siya kahit paano sa nangyari sa kanila ni Sarhento. At nanghihinayang rin kahit paano dahil nawalan siya ng magaling na imbestigador.Ang malalim na pag-iisip ni Oliver ay nagam

    Last Updated : 2023-05-31
  • MAMAW: Pahiram ng Kasalanan   Chapter 33 Vengeance from vengeance

    SA loob ng kulungan, lamang palagi ang may pera. Sabi nga wala na raw hindi nabibili ang pera. Maging ang moralidad at prinsipiyo ng tao ay may katapat ng halaga. Kung ang ibang bilanggo ay nag-sisiksikan sa isang maliit na selda, si Congressman Welmore De Asis ay tila isang hari sa loob. Kumpleto ang mga gamit, gadgets, TV, Refrigerator at lahat ng kailangan niya para maging komportable sa loob.Hindi lang yon. Ang mga bantay ay tila mga utusan lamang niyang sumusunod sa bawat sabihin niya. Ang mga bawal ay nabibili ni Congressman. Ang ilang bantay na matitino ay nananahimik na lamang. Sabi nga, ang isang matinong kamatis kapag nahalo sa basket ng mga bulok ay nabubulok na rin ito. Ang kalakaran sa loob ay pina-iiral ng isang tagong kodigo or silent code.Sumama, makisama o manahimik.Ang ilang matitinong guwardiya ay pikit mata na lamang at ibinabaling ang tingin sa malayo. Mahirap nga namang mapag-initan at mawalan ng trabaho. Ang mga katulad ni Congressman Welmore ay may mga galam

    Last Updated : 2023-06-25
  • MAMAW: Pahiram ng Kasalanan   Chapter 34 The Proposal

    NANG araw na yon ay dinalaw ni Oliver ang mga anak sa pangangalaga nina Aling Lagring at Elisa. Nagising siya ng umagang iyon na matamlay. Nang mga gabing nakaraan ay mailap sa kanya ang antok. Hindi siya makatulog kaya sadyang itinabi muna niya ang mga gadgets na maaaring maging istorbo sa kanyang pagtulog.Ang kanyang pagkabalisa ay sanhi ng sobrang lungkot na nadarama niya. Tila nawalan na kasi ng direksiyon ang kanyang buhay. May mga umagang nakakatamad na ang bumangon. Oo nga’t maraming naiinggit sa kanya bilang si Oliver Calderon na mayaman at magandang lalake ngunit sa kaibuturan ng kanyang puso ay siya pa rin si Banjo Canoy. Noon ay nililibang niya ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pakikipag-relasyon sa iba’t ibang babae ngunit ngayong wala na siyang kakayahang makipagtalik ay natapos na ang yugtong iyon ng kanyang buhay. Ang minsang kahihiyan na naranasan niya dahil nabigo siyang paligayahin ang isang babae ay ayaw na niyang ulitin. Kaya sadyang umiiwas na siya sa mga baba

    Last Updated : 2023-07-04
  • MAMAW: Pahiram ng Kasalanan   Chapter 35 True love's irony

    NANG sumunod na mga araw ay naging makulay ang lahat para kay Elisa. Ang pinipigilan niyang damdamin para kay Oliver ay nagkaroon na ng katuparan. Sa unang pagkakataon naman ay nakaramdam ng katiwasayan sa isip at puso si Oliver. Isang damdaming bago para sa kanya. Hindi niya ito naramdaman sa mga nauna na niyang mga nobya.Yung iba kasi ay bunga lang ng kanyang paghihiganti. Relasyon na may poot at pagkukuwari. Samantalang si Elisa ay busilak ang kanyang hangarin. Gusto niya itong makasama habang buhay at maging gabay sa kanyang pagtanda.May isang kulang na lamang dahil ng subukan niyang halikan ang dalaga ay tamis ng labi lamang ang kanyang nadama ngunit wala ang pagnanasa bilang lalaki.Nasa isang resthouse sila noon. Nasa tabing dagat at may natuklasan si Oliver. Nang magsuot ng pang-ligo si Elisa ay lalong lumitaw ang magandang hubog ng katawan nito. Lumabas ang tagong kinis na sadyang natural at hindi produkto ng mga pampaganda. Dati kasi ay laging pantalon at t-shirt lang ang

    Last Updated : 2023-07-20
  • MAMAW: Pahiram ng Kasalanan   Chapter 36 The Marriage

    PAG-ALIS sa restaurant ay tinawagan muna ni Oliver si Artem at sinabi dito na magkita na lamang sila sa bahay ni Elisa dahil babalik na sila ng Maynila.Habang tumatakbo ang sasakyan ay hindi napigilan ni Oliver na itanong kay Elisa ang narinig niyang usapan nila ng kapatid.“Naniniwala ka bang ang isang lalakeng babaero ay wala na talagang pag-asang mag-bago?”Ikinagulat ni Elisa ang tanong ni Oliver at nahulaan niyang narinig nito ang usapan nila ng kuya niya.“Pasensiya ka na kay Kuya. Masyadong judgemental.”“Natural lang yon dahil pinoprotektahan ka niya.”“Hindi na importante kung ano ang paniniwalaan ko Oliver. Isa lang ang masasabi ko, mahal na mahal kita at kahit ano ka pa ay pipilitin kong unawain yon. Kahit pa mambabae ka basta umuwi ka lang sa akin dahil ako ang asawa mo.”Labis na naantig ang puso ni Oliver sa naging sagot ni Elisa. Labis niya itong hinangaan. Pambihira kasi sa mga babae ang may ganoong attitude. Kadalasan kasi ay bengador ang mga babae. Dahil sa selos ay

    Last Updated : 2023-07-28

Latest chapter

  • MAMAW: Pahiram ng Kasalanan   Chapter 45 Dangerous Reunion

    NANG magising si Oliver ng umagang iyon ay muli niyang naramdaman ang matinding pagnanasa sa babae. Bumalik na nga ng tuluyan ang sigla ng kanyang pagkalalaki. Muli niyang naalala ang mga babaeng dumaan sa kanyang buhay.Marami sa mga ito ang sadyang nagpaalab ng husto sa kanyang pagkalalaki. Isa na roon si Chantal Meraville. Hindi yon nakapagtataka dahil sadya namang maganda ang hubog ng katawan ni Chantal. Isa itong beauty queen finalist kaya bukod sa maamong mukha ay may taglay itong mapanghalinang katawan.Ang ibang babae ay sakto lang. Iyon naman ay nagawa niyang ikama dahil sa pansariling dahilan. Paghihiganti. Sa lahat ng mga babaeng iyon ay ipinagtataka niya kung bakit si Elisa ang nagawa niyang pakasalan. Walang dating sa kanya si Elisa. Walang sex appeal ika nga. Naisip niyang marahil ay nangungulila siya noon at naguguluhan dahil sa kawalan niya ng kakayahang makipagtalik. Isang probinsiyana si Elisa at siguradong wala pa itong karanasan sa kama kaya siguradong hindi siya m

  • MAMAW: Pahiram ng Kasalanan   Chapter 44 The meeting

    Lumabas muna ng bahay si Elisa upang sumagap ng malinaw na signal ng telepono bago sinagot ang tawag ni Artem. Abot-abot ang kanyang kaba dahail tiyak na may kinalaman kay Oliver ang pagtawag ng dating driver/body guard nito.“Hello Artem.”“Ma’am Elisa. Kailangan hong magkausap tayo. Importante ho ang sasabihin ko. Kung puwede po ay lumuwas kayo ng Maynila.”“Tungkol ba ito kay Oliver?”“Opo ma’am. Mahirap po kasing ipaliwanag sa telepono kaya kailangang makita nyo ho mismo.”Hindi na nag-aksaya ng panahon si Elisa kaya pagkatapos ihanda ang mga iiwanan ay lumuwas na kaagad ito. Doon sila nagtagpo ni Artem sa tapat ng mansiyon ni Oliver. Magkahalong tuwa at kaba ang nararamdaman niya sa pahapyaw na balita ni Artem. Buhay si Oliver at Dr. Leonardo.“Tulad ho ng pangako ko sa inyo ay nag-imbistiga ako kaya madalas ho akong dumaan dito sa mansiyon ma’am. Nakita ko ho si Sir Oliver at Dr. Leonardo na pumasok sa loob sakay ng kanilang kotse.”“Nakausap mo ba si Oliver? Kumusta na siya?” e

  • MAMAW: Pahiram ng Kasalanan   Chapter 43 Doubt

    Nang makauwi si Elisa ay dinatnan niya sa kanila si Teacher Badette na kasama ang anak na si Junior. Ipinangalan ito sa kanyang ama kaya Oliver Calderon Jr. at Junior ang palayaw. Nagpapalahaw ng iyak ang bata kahit pa nga ipinaghehele na ito ni Aling Lagring.“Ang tagal mo naman Elisa. Kanina pa ako naghihintay sa’yo.” Bungad protesta kaagad ni Teacher Badette.Sadyang hindi pinansin ni Elisa si Teacher Badette sa halip ay si Aling Lagring ang kinausap.“Bakit ho ba umiiyak yan Aling Lagring.”“May kabag. Nilagyan ko na ang gamot.” Sagot naman ni Aling Lagring na ipinaghehele pa rin ang bata.Kinuha ni Elisa ang bata at saka pinahiga ng padapa sa kama. Ilang sandali pa ay tumigil na ito sa kaiiyak. Tuwang-tuwa namang nakatingin sina Vino at Eliseo sa bata na ngayon ay ngumingiti na at nakatingin rin sa kanila.“Kamukha, Vino ang baby.” Puna ni Eliseo.“Ikaw kamukha.” Sagot naman ni Vino.“Magkakamukha kayo. Pareho kayong mga panget.” Inis na singit ni Teacher Badette.“Huwag n’yo nam

  • MAMAW: Pahiram ng Kasalanan   Chapter 42 Between Choices

    Ilang araw na ang nakakaraan ngunit tumatanggi pa rin ang isipan ni Elisa na paniwalaang wala na si Oliver. Halos wala na siyang mailuha. Mahigpit ang tangan niya palagi sa kanyang celfone at binabalikan ang masasayang pictures nila ni Oliver lalo na noong magkasama sila sa tabing dagat. Lalo siyang napaiyak habang pinagmamasadan ang mga iyon. Nakangiti at poging-pogi si Oliver sa mga kuhang larawan.Walang pagsidlan sa katuwaan ang puso noon ni Elisa. Daig pa niya ang nasa cloud nine. Ang pakiramdam niya noon ay siya na ang pinakamasuwerteng babae sa balat ng lupa. Isang guwapo, mabait at mapagmahal si Oliver at alam niyang maraming mga kababaihan ang nagkakandarapa para lamang mapansin ni Oliver Calderon at sa kabila ng siya ay isang simple at mahirap lamang ay siya ang pinili nitong pakasalan.“Mama, utom na ko.” Pabulol na banggit ni Vino.“Gatat, mama. Gusto ko gatat.” Ungot naman ni Eliseo.Dahil malalim ang iniisip ay nawala panandalian sa isipan ni Elisa na tanghali na pala at

  • MAMAW: Pahiram ng Kasalanan   Chapter 41 Disappearance

    NAGKAROON ng ibang kumplikasyon ang sakit ni Aling Lagring kaya’t tumagal sa probinsiya si Elisa. At habang nagdaraan ng mga araw ay lalo niyang naramdaman ang sobrang pananabik kay Oliver. May mga pagkakataong naiiyak siya sa gabi dahil sa pangungulila lalo na kapag sumasagi sa kanyang isip ang kalagayan nito.Gustuhin man niyang alagaan ito at palaging nasa tabi ay hindi rin naman niya maiwan si Aling Lagring lalo pa’t mahigpit ang bilin ni Oliver na huwag itong iiwanan dahil walang mag-aasikaso. Tanging sa telepono lamang sila nagkakausap ni Oliver at masaya na rin sana siya sa ganoong set up.Ngunit isang araw ay hindi na niya makontak ang telepono ni Oliver. Nag-umpisa na siyang kabahan ng kung ilang araw na niyang tinatawagan ito ngunit cannot be reached or unattended.“Hindi ko matawagan ang cellphone ng sir mo?” Sabi niya sa driver body guard na si Artem. Dahil sa kagustuhan ni Oliver ay si Elisa muna ang binabantayan nito. Baka raw kasi may magtangka rin sa buhay nito.“Ako n

  • MAMAW: Pahiram ng Kasalanan   Chapter 40 Uglier

    Abot-abot ang kaba at panay ang usal ng panalangin ni Elisa habang tinatanggal ang benda sa mukha ni Oliver. Mahigpit ang kuyom ng kanyang mga palad na para bang doon siya kumukuha ng lakas ng loob.Habang unti-unting tinatanggal ng doctor ang benda ay tahimik namang nakatingin sa malayo si Oliver. Malalim ang iniisip at tila hindi pa rin nagsi-sinked in sa kanyang kamalayan na ngayon ay muli siyang babalik sa pagiging Banjo Canoy o baka mas malala pa. Kung noon ay natural ang pagiging panget niya ay ngayon ay malamang na maging mas malala dahil sa mga pelat na maidudulot ng mga sugat na tinamo.Nang tuluyang matanggal ang benda ay halos napatulala ang lahat. Sinipat ni Oliver ang kanyang sarili sa salamin. Napatiim bagang siya. Sobrang na damage ang kanyang mukha. Ang bakas ng mga patalim ay nagdulot ng malalim na uka. Halos magsara na ang isang mata niya at ang ilong ay tuluyang natabingi. Ang kanyang mga labi ay tuluyan nang nabengot kaya’t hindi niya tuluyang maisara ang bibig. La

  • MAMAW: Pahiram ng Kasalanan   Chapter 39 The Clone

    NASA private room na si Oliver ng dumating sa hospital si Elisa. Inabutan nila si Marco, ang exectutive assistant ni Oliver at si Artem na noon ay nakaupo sa isang wheelchair. May mga nakakabit pang dextrose kay Artem ngunit ligtas na ito at nagagawa ng kumilos.“Kumusta na siya?” tanging naitanong ni Elisa habang pinipigilan ang pagluha.“Hindi pa rin nagkakamalay pero ang sabi ng doctor ay ligtas na rin naman siya sa ngayon.” Matapat na sagot ni Marco. “Huwag lang daw magkaroon ng mga kumplikasyon.”Noon na napahagolgol ng iyak si Elisa. Tahimik namang niyakap siya ni Aling Rhodora na umiiyak rin.Balot na balot ng bandage ang buong mukha ni Oliver. Maraming nakakabit na apparatus sa katawan. Awang-awang hinawakan ni Elisa ang kamay ni Oliver.“Oliver. Si Elisa ito. Sana ay gumising ka na.” pabulong na sambit ni Elisa. “Kailangan kita. Huwag mo akong iiwan please. Mahal na mahal kita.”Tila narinig ni Oliver ang bulong ni Elisa kaya’t gumalaw ng bahagya ang mga daliri nito. Sumulak

  • MAMAW: Pahiram ng Kasalanan   Chapter 38 In love and pain

    Ngunit walang gustong bumiyahe ng gabi sa mga nilapitan ni Elisa. Ang iba ay pagod na raw at ang ilan naman ay natatakot dahil nga maghahating gabi na. May isa namang pumayag ngunit kinabukasan na ang gusto dahil wala pa raw siyang pahinga mula sa mag-hapong biyahe. Malungkot at bigong umuwi si Elisa.“Ang mabuti pa siguro ay matulog ka na muna Elisa.” Suhestiyon naman ni Aling Lagring. “Kailangan mo rin ng pahinga.”“Sige po Aling Lagring. Matulog na rin po kayo?”Ngunit mailap ang antok ng gabing iyon para kay Elisa. Wala pa raw malay si Oliver at habang tumatagal ay lalong tumitindi ang kanyang kaba. Hindi nawawala sa kanyang isip ang matinding pag-aalala kay Oliver. Napapaiyak siya tuwing naalala ang kalagayan nito sa hospital. Ayon kay Artem ay wala pa rin itong malay dahil sa dami ng dugong nawala bunga ng matinding tama sa ulo at mukha.Naitanong tuloy ni Elisa sa sarili kung bakit sadyang mapag-laro ang tadhana. Kung kaylan siya nagkaroon ng pag-ibig ay tila babawiin pa kaagad

  • MAMAW: Pahiram ng Kasalanan   Chapter 37 Kiss of Death

    Ang truck na mabagal na tumatawid ay tuluyan nang huminto kaya’t napilitan si Artem na bumagal ng takbo upang hindi sumalpok sa truck ngunit ng lumingon siya ay isang sasakyan ang mabilis na tumatakbo mula sa kanang bahagi ng intersection at bago pa nakahuma si Artem ay binangga na sila nito.Dahil sa lakas ng impact ay tumilapon ang kanilang sasakyan at nagpagulong-gulong sa kalsada. Duguan si Artem at nawalan kaagad ng malay dahil sa matinding tama sa ulo ng sumalpok sa bahagi ng sasakyan.Saglit na nawalan ng malay si Oliver at ng magkamalay siya ay dalawang lalake ang humihila sa kanya papalabas ng sasakyan. Sa kanyang nanlalabong paningin ay dinig niya ang isang pamilyar na tinig.“Huwag ninyong papatayin yan.” Sigaw ng boses na lumalapit kay Oliver. “Hindi siya dapat mamatay kaagad. Kailangang pagbayaran niya ang ginawa niya sa akin. Kailangan niyang magdusa ng unti-unti tulad ng pagdurusa ko sa kulungan.”Walang gaanong dumadaan sa lugar na yon kaya tila hindi nagmamadali ang m

DMCA.com Protection Status