“Aalis ka o ipapakulong kita?” Galit na sabi ni Sir Miguel, habang tumatayo si Drew. Pinupunasan niya ang bibig niya, at lalapit sana ulit sa akin. Pero hinarang siya ni Sir Miguel. Ang tangkad niya talaga, parang pader na naman.“May araw ka din sa akin, hindi ako papayag na ganituhin nyo ako lalo ka na Serenity” pamamanta nya bago sya tuluyang umalis.Parang lalong nawala ang lakas ko sa mga paa ko nang marinig ko ang pagbabanta ni Drew. “May araw ka din sa akin, hindi ako papayag na ganituhin nyo ako lalo ka na Serenity.”Pero di ko na pinansin ang sinasabi nya dahil bigla nalang mas nanghina ang mga tuhod ko kaya muntik na ako bumagsak pero buti nalang at nasalo ako ni sir Miguel. Ang init ng katawan niya, ang bango niya.“Are you okay Serenity?” tanong niya habang nakaalalay sa akin ang matitigas nyang mga bisig. Napatingin naman ako sa mga mata nya na punong puno ng pag alala habang Dahan dahan nya akong itinatayo. Halo-halo ang emosyon na nararamdaman ko, natatakot p
“Never ka niyang ipapahamak kung tunay siyang kaibigan. Ang tunay na kaibigan, hindi lang puro sarili ang iniisip kundi pati ang kapakanan ng kaibigan niya. Kung nararamdaman mong ikaw lang lagi ang nag-e-effort sa friendship n’yo at nandyan lang siya pag kailangan ka niya, baka kailangan mong pag-isipan kung deserve ba niya ang pagmamahal mo sa kaniya.” Seryosong sabi ni Sir Miguel sa akin. Nalungkot naman ako sa sinabi niya kasi somehow may point siya. Madalas nararamdaman ko yun kay Lea na andyan lang sila pag kailangan nila ako at wala talaga silang pakialam sa nararamdaman ko. Parang biglang nangilid ang luha ko.“Natatakot po ako na baka wala na akong maging kaibigan kapag nilayuan nila ako.”“Minsan kailangan mo ding alisin sa buhay mo yung mga taong nakakaharang para makita mo yung mga totoong taong handa kang mahalin kung sino ka at hindi dahil may kailangan lang sila sa iyo. Kaya better to avoid those people na walang mabuting maidudulot sayo. Paano kung hindi ako nagpunta d
Kinabukasan, nagmamadali akong tumungo sa bus station. Mabuti na lang at hindi pa dumadating ang bus, kaya nakatayo lang ako habang naghihintay. Maya-maya, nakita ko na ang bus, kaya nag-ready na ako.Maya-maya, nakita ko naman ang BMW ni Sir Miguel at parang papunta sa kinakaroonan ko ang sasakyan niya. Nagsimula na namang bumilis ang tibok ng puso ko, kaya bigla akong kinabahan. Dahil hindi ko alam ang gagawin, kumaway na lang ako sa kanya sa malayo para magpaalam at tumakbo na agad ako papunta sa bus kahit di pa siya tuluyang nakakalapit.Pagkapasok ko sa bus, nakita kong punuan na bus kasi may mga nakatayo na kaya naman tumayo na lang din ako. Ang init, ang sikip.Habang bumabyahe, naramdaman ko na parang may humihimas sa may legs ko na nagdulot ng kaba at takot sa akin. Parang nanigas ako sa kinatatayuan ko.Sinubukan kong lumayo pero lumapit pa din sya. Walang nakakapansin dahil abala lahat sa phone nila. Parang wala akong magawa.Naiiyak na ako dahil sa ginagawa ng manyakis
“You know what, masyadong maikli ang palda mo sayo, kaya ang dali dali mong matyansingan,” sabi niya habang nakatingi siya sa kin at naka crossed arms. Chineck ko naman ang suot kong palda at ganun naman talaga ang sukat ng uniform dito. “Uhm sir nakasunod naman ako sa proper size ng uniform, ito po ang required na haba,” tugon ko.“Tsk, mag rerequest ako na palitan na yang uniform na yan!” naiinis niyang sabi. Halatang nagaalala siya para sa akin. Alam ko namang hindi ako dapat kiligin, na dapat mag ingat ako pero hindi ko maiwasang maging masaya kapag kasama ko siya. Nagsimula na kaming maglakad at sinabayan niya lang ako pero bigla akong na bother paligid ko dahil feeling ko baka pinagtitinginan kami ng ibang mga students. Baka kung ano ano ang isipin ng iba sa amin pag nakita kaming magkasamang naglalakad. Nataranta tuloy ako at napakagat ako ng labi ko dahil sa pag aalala.Nakita ko agad ang isang bench na malapit sa akin kaya dali dali akong umupo dun at nagkunwari akong nag
“Pero sir-” di na naituloy ni Lea ang sasabihin ng inalis ni sir ang kamay ni Lea sa pagkakahawak sa akin.“Wag na wag mong sinasaktan si Serenity” natigilan ako sa sinabi ni sir. Halata sa mga mata niya ang inis kay Lea. Sa inis naman ay biglang nagwalk out si Lea.“Okay ka lang” nataranta ako ng lumapit sa akin si sir. Nababakas sa mga mata niya ang pag-aalala. “O-okay lang po” pautal utal kong tugon“Please go to my office after mong mag lunch” he said then natulala nalang ako hanggang sa makaalis na si sir.“Oyy, anong meron? Bakit may pagtatanggol na naganap? Tapos bakit namumula ka? Dont tell me may crush ka na kay sir?” pang aasar ni Celine.“Wala noh, na-touch lang ako kasi kahit paano tinulungan niya ako,” sabi ko. “Totoo? Di nga?” Pangungulit ni Celine.“Hay naku, ang kulit mo. Alis na nga ako, pinapapunta pa ako ni sir sa office niya. Mauna na ako,” Paalam ko nalang kasi di ako titigilan ni Celine.Nagtungo na agad ako sa office ni sir Miguel. Nang makarating ako ay naabu
“Kayo po kasi eh, tinatawag nyo akong baby, nadala tuloy ako,” napakagat ako ng labi ng sinabi ko yun. “Okay lang naman sa akin na tawagin mo akong baby kapag andiyan siya,” nakita ko namang napalunok siya ng sinabi niya yun kaya palihim tuloy akong napangiti. "Eh baka naman po may magalit pag tinawag kitang baby… pag andiyan si Drew?" Curious talaga ako, gusto kong malaman kung may girlfriend ba siya. Tumawa siya, at umiling pero hindi pa rin ako kumbinsido sa sagot niya. "Walang magagalit noh, basta ikaw yung tumawag sa akin ng baby ayos lang." Parang hindi pa rin ako naniniwala. "Okay Baby, este sir," pang-aasar ko. Napansin kong namula ang tenga niya. Parang may kakaiba sa hangin, halo-halo ang saya at kaba. "Tsk, bigla ko tuloy naalala nung tinawag mo akong matandang binata last time eh," sabi niya, nakatingin sa akin. Hindi ko napigilang tumawa. Mukhang hindi pa rin niya nakakalimutan 'yon. “Sir I didn't expect that you were holding onto a grudge po ah” sabi ko “It
Miguel’s PovNaalala ko pa, 16 years ago, noong una kong makita si Serenity; she was around 5 years old at ako ay 10."Ma, andito na po ako sa school ni Cassy," sabi ko habang kausap si mama sa phone. "Yes, my little boy, text ka kapag magkasama na kayo. Malapit na din kami ni dad mo dyan. Hintayin nyo nalang kami sa loob ha," sabi ni mommy.Binaba ko na ang phone ko at naupo na muna sa may bench habang pinagmamasdan ang mga batang naghahabulan. Maya-maya, may biglang nadapa na batang babae sa harap ko at umiiyak siya. Kaya dali-dali ko siyang tinulungan na itayo, pero patuloy pa din ang pag-iyak niya. Kaya kinuha ko agad ang tissue sa bag ko."Tahana, baby," sabi ko habang inaayos ang buhok na nagulo dahil sa pagkakadapa niya. Kumuha din ako ng lollipop sa bulsa ko at ibinigay sa kaniya, kaya huminto na siya sa pag-iyak.Pinaupo ko siya sa bench habang nakaupo ako sa baba at nakaluhod ang isa kong tuhod para punasan ang nagasgas niyang tuhod sa pagkakadapa. Hinipan-hipan ko ito at ni
Noong una, natutuwa lang ako kay Serenity. Ang cute niyang bata. Tuwing magpupunta kami sa kanila Azriel, nakikita ko siyang nahihiya. Pero nang malaman kong may boyfriend na siya, nagalit at nagselos ako, lalo na nang malaman kong pamangkin ko pala ang naging boyfriend niya.Kahit alam kong mali dahil sa age gap namin, hindi ko napigilang aminin sa kanya ang nararamdaman ko. Pero nangyari ang aksidente kay Dad at kailangan kong pumunta ng England. Hindi ko intensyon na magtagal doon, gusto kong bumalik agad para kay Serenity.Habang nasa England, nakatanggap ako ng sulat mula sa Pilipinas. "Kuya," tawag ni Cassy. "Cassy, bakit? Tinatapos ko lang lahat ng mga naiwan ni Dad na trabaho at uuwi na rin ako sa Pilipinas.""Okay, may letter ka pala from Philippines," sabi niya sabay abot sa akin. Nagtaka ako kung bakit may sulat ako mula roon.Binuksan ko ang sulat at sinimulan kong basahin.Mahal kong Kuya Miguel,Narinig ko ang nangyari sa papa mo at nakikiramay ako sa'yo. Gusto ko lang s
Maya maya ay bumalik na siya na dala ang binili niyang pagkain. Nagulat naman ako ng inabot niya ang mineral water na binuksan niya. Napansin niya palang wala akong tubig. Natouch naman ako sa act of service niya, pero nabother ako bigla sa iisipin nila Aaron at Celine kaya nag-chat ako sa kaniya. To bhabe:Wag ka ngang pahalata bhabe!!!!Bigla namang nagring ang phone niya kaya kinuha niya at nagsimula siyang magreply. Maya maya ay nag ring ang phone ko kaya kinuha ko at chineck. From Bhabe:“Baby, sorry, I’ll try to be more discreet next time. I love you babyNapangiti naman ako sa chat niya kaya nag-reply ako. To Bhabe:“I love you too bhabe, kain ka na pakabusog ka” Then bigla uli tumunog ang phone niya pero this time di na niya tinignan kaya naisip ko tuloy baka naman iniisip niya na ang OA ko. Kaya nalungkot ako ng bahagya. Nagpatuloy kami sa pagkain habang nagkukwento naman si Celine ng mga kung ano-ano. Nang magsimula ng mag-uwian, nagmamadali akong naglakad sa hallway.
Nakauwi na kami sa condo namin. Inihatid niya na ako sa may pintuan ng condo ko. Magkahawak pa din kami ng kamay na para bang ayaw na naming magbitiw sa isat isa.“Magpahinga ka na baby,” anas niya habang nakahawak pa din sa mga kamay ko.“Baby? So baby talaga ang tawagan natin?” usisa ko. Natawa ako ng bahagya sa narinig.“Yeah, ayaw mo ba?” anas niya habang titig na titig pa din sa mga mata ko, na parang inaasahan ang sagot ko.“Gusto, medyo naninibago lang ako atsaka hindi pa ako sanay,” anas ko, napakagat tuloy ako ng labi ko.“Don’t bite you lip baby, natetempt lang akong halikan yan,” anas niya kaya agad kong hininto ang ginagawa ko, parang nahihiya ako.“By the way, I have a favor,” anas ko habang nakasandal sa pinto ng unit ko habang siya naman ay nakaharap sa akin at sobrang lapit niya kaya pakiramdam ko sinakop na talaga niya ang personal space ko.“Anything for you baby,” anas niya, na parang nag-aalangan.“Can we keep it a secret?” saad ko.“About what?” pagtataka niya, na
Pababa na sana ako ng narinig kong dalawang boses na pamilyar na ang uusap. Parang may mali.“Tell me Ava, what did you say to Serenity? Bakit nya ako iniiwasan?” Bulyaw ni Miguel, na halatang galit na galit.“I just told her the consequence kung magiging malapit kayo. Na possible na ma issue ka with her and machisms,” paliwanag niya, na parang nagtatanggol sa ginawa.“I don’t care if ma issue man ako sa kaniya, alam mo ba sa ginagawa mo pinapahirapan mo ako! You know how important Serenity to me,” singhal niya, na parang desperado na.“Paano naman ako! I love you, bakit ba hindi mo ako magawang mahalin?” Saad ni Ava. Bigla naman silang natigilan ng biglang tumunog ang cellphone ko at napatingin sila sa gawi ko kaya dahil sa taranta ay napatakbo ako pero naramdaman kong hinabol ako ni Miguel.“Serenity, wait!”“Serenity! Let’s talk,” tawag niya pero dirediretso pa din ang takbo ko hanggang makarating ako sa may hallway. Wala ng mga estudyante dahil nagsiuwian na sila. Sinubukan kong bi
“Pero pakiramdam ko, parang iniiwasan niya ako,” sabi ko naman, na parang nanghihina.“Akala ko ba okay na kayo? Akala ko ba super close na kayo?” Pagtataka ni Nagi habang inaabot ang mga pulutan sa lamesa.“Akala ko nga din eh, pero biglang nagbago ang pakikitungo niya sa akin. Tapos lately kasama niya na lagi yung Aaron,” naiinis kong sabi.“Bro, baka maunahan ka na naman ah, ewan ko nalang talaga sayo,” pang-aasar ni Nagi.“Siraulo ka ba, kaya nga ginagawa ko ang lahat para maging close kami at iparamdam yung feelings ko sa kaniya,” sabi ko naman.“Kelan ba nagbago yung treatment niya sayo?” usisa naman ni Dylan.“Siguro nung dumating si Ava, mula nun nagbago na ang pakikitungo niya sa akin,” saad ko, na parang nalulungkot sa naisip.“Paano mo ba pakitunguhan si Ava sa harap niya?” usisa ni Nagi, na parang interesado sa kwento.“Alam nyo namang magkababata kami ni Ava diba? Pero kahit ganoon naglagay ako ng boundary between us dahil ayokong mag isip ng kung ano ano si Serenity. Ine
“May tinatapos lang kami sa thesis namin,” pagdadahilan ko, at nag-iwas ng tingin kay Miguel dahil sa hindi ko maipaliwanag na kaba.“Hayaan mo na sila Miguel, baka naman mailang silang gumawa ng dapat nilang gawin pag andun ang teacher nila,” kontra naman ni Ms. Ava na halatang nakikisawsaw sa usapan.“Oo nga po sir, okay lang ihahatid din naman ako ni Aaron,” saad ko.“Hi sir Miguel, hi maam Ava,” bati ni Aaron ng makababa na siya ng sasakyan.“Wow Aaron, ikaw ba yan? Grabeng glow up ha,” puri ni Ms. Ava kay Aaron, at halatang interesado sa amin.“Naku, di naman po. Thanks to Serenity siya ang dahilan,” paliwanag naman ni Aaron habang nakangiting nakatinginn sa akin.“Naku ha, I feel something. Bagay kayo ni Serenity,” kantyaw naman ni maam. Parang mas lalo lang tumaas ang kilay ni Miguel sa narinig.“Ava, stop it,” sabay kaming napatingin sa reaksyon ni Miguel. Mukhang naiinis siya sa sinabi ni Ava.“Okay, sige ingat na kayo ha,” ani Ms. Ava, na halatang nag-eenjoy sa pagti-tease s
“Is it okay if bilhan ko siya saglit?” tanong ni Miguel habang nakatingin sa akin kaya nagtaka ako kung bakit siya nag papaalam sa akin.“Ha? Oo naman.. bakit ka nagpapaalam sa akin. Of course you can,” aniko.“Okay, then aalis muna ako,” saad nya kaya tumayo na siya umalis at naiwan kaming dalawa ni Ms Ava at nagsimula siyang magtanong.“So, how’s Miguel? I mean your professor?” Usisa nya.“Okay naman po, mabait po si sir, lagi po niya akong tinutulungan,” tugon ko naman habang tinutusok-tusok ang steak na nasa plato ko.“Yeah, mabait talaga yan si Miguel. Kaya nga madalas namimisinterpret ng iba yung ginagawa niyang kabutihan. Akala nila special na sila for Miguel, but ang totoo ganun lang talaga siya.. minsan pinagsasabihan ko nga yan baka naman na-fall na sa kanya ang mga students niya.” Napakuyom ako sa sinabi niya. Parang gusto kong i-counter ang sinabi niya pero hindi ko alam kung pano ko sisimulan.“Ah oo nga po super bait ni sir,” tiim bagang sabi ko pero pinilit kong i-compos
Serenity’s Pov“Ouch” sabi ko sabay hawak sa ulo ko. Iminulat ko ang mata ko at nakita kong nasa kwarto na pala ako. Kinuha ko ang phone ko at tinignan kung anong oras na. “4am na pala, ang sakit ng ulo ko. “ bulong ko sa sarili ko. Napakababa talaga ng tolerance ko sa alak. Nagtungo agad ako sa CR at tinignan ang sarili sa CR. Bigla ko nalang naalala ang nangyari kagabi. Biglang nagflash back ang pinag gagawa ko kagabi.(Flashback)“A-laaam mooo nakaaakakainisss kahh! Pina-asaaahh moooo koooh! Kung kelaaaann mahal naaa kitaaa sakaaa mo akoo iiiiwaaannn!” sabi ko habang hawak hawak ang bote ng alak.“Serenity, lasing ka na . Tama na yan,” sabi naman ni Miguel habang inaalalayana ko kasi pagewang gewang na ako na naglalakad sa loob ng bahay. “Nooo! Alaam mooo baaang sinaaktan mo ako? Bakittt kaasiii 16 years old laaaang akoooo noon? Kaaasii akaaalaaa mooo utooo utooo akooooh??”“Seren-” magsasalita pa sana siya pero tinakpan ko ang bibig niya“Shhhhhhh!! Maaakiinigg kaaah saa akkkinn!
Miguel’s POVNang matapos na kaming magready, nag-decide kaming magkwentuhan muna sa may terrace. Gusto naming sulitin ngayong gabi dahil bukas ay babalik na siya =sa unit niya. Nakaramdam ako ng lungkot, kung pwede lang dito nalang sana siya.“Teka, naubos na yung pagkain natin, gagawa langa ko saglit atsaka kumuha ka na rin ng beer kasi naubos na pala natin yung ilang can ng beer,” sabi ko kaya nagtungo muna ako sa kusina para magprepare ng snacks at sinundan naman niya ako para kumuha ng beer. Naupo siya sa highchair at pinanood akong habang naghihintay sa kaniya. Hindi ko maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan niya akong magluto. Medyo nakainom narin ata siya dahil namumula na ang mukha niya.“Mukhang mamimiss ko ang luto mo,” sabi niya habang nakapangalumbaba na nakatingin sa akin kaya naman napatingin rin ako sa akin. Parang nag-init ata ang pisngi ko, nakakahiya naman.“Pwede naman kitang ipagluto pa rin kahit na hindi ka na dito nag-stay,” sabi ko habang nag-preprepare ng p
Naglibot kami sa iba't ibang tindahan, nag-shopping ng mga bagong damit at sapatos. Bumili rin kami ng mga pang-skin care at contact lenses para sa kanila. Na-enjoy namin ang paglalakad-lakad at pagkukuwentuhan. Una naming hinatid si Celine sa bahay nila. Pagkatapos, nagpahatid naman ako kay Aaron sa tapat ng building ng condo ko.“Dito ka pala nakatira,” ani Aaron.“Oo, salamat sa paghatid,” saad ko.“Walang problema, pag kailangan mo ng masasakyan or driver, magsabi ka lang,” wika niya.“Thank you,” sambit ko.“Salamat din ngayong araw. Feeling ko mas naging mukhang tao na ako,” pagbibiro niya.“Gwapo ka naman, kunting make-over lang. Wag mong kalimutan isuot ang contact lens mo ha. Mas gusto ko pag wala kang salamin, mas gwapo ka atsaka for sure madaming magugulat sayo bukas pag nakita ka. Baka madaming magka-crush sayo,” pagbibiro ko.“Hindi ah, sige na alis na ako. Ingat ka,” sabi niya sabay sakay na ng sasakyan at umalis na.Papasok na sana ako ng building ng bigla akong mabunggo