Kinabukasan, nagmamadali akong tumungo sa bus station. Mabuti na lang at hindi pa dumadating ang bus, kaya nakatayo lang ako habang naghihintay. Maya-maya, nakita ko na ang bus, kaya nag-ready na ako.Maya-maya, nakita ko naman ang BMW ni Sir Miguel at parang papunta sa kinakaroonan ko ang sasakyan niya. Nagsimula na namang bumilis ang tibok ng puso ko, kaya bigla akong kinabahan. Dahil hindi ko alam ang gagawin, kumaway na lang ako sa kanya sa malayo para magpaalam at tumakbo na agad ako papunta sa bus kahit di pa siya tuluyang nakakalapit.Pagkapasok ko sa bus, nakita kong punuan na bus kasi may mga nakatayo na kaya naman tumayo na lang din ako. Ang init, ang sikip.Habang bumabyahe, naramdaman ko na parang may humihimas sa may legs ko na nagdulot ng kaba at takot sa akin. Parang nanigas ako sa kinatatayuan ko.Sinubukan kong lumayo pero lumapit pa din sya. Walang nakakapansin dahil abala lahat sa phone nila. Parang wala akong magawa.Naiiyak na ako dahil sa ginagawa ng manyakis
“You know what, masyadong maikli ang palda mo sayo, kaya ang dali dali mong matyansingan,” sabi niya habang nakatingi siya sa kin at naka crossed arms. Chineck ko naman ang suot kong palda at ganun naman talaga ang sukat ng uniform dito. “Uhm sir nakasunod naman ako sa proper size ng uniform, ito po ang required na haba,” tugon ko.“Tsk, mag rerequest ako na palitan na yang uniform na yan!” naiinis niyang sabi. Halatang nagaalala siya para sa akin. Alam ko namang hindi ako dapat kiligin, na dapat mag ingat ako pero hindi ko maiwasang maging masaya kapag kasama ko siya. Nagsimula na kaming maglakad at sinabayan niya lang ako pero bigla akong na bother paligid ko dahil feeling ko baka pinagtitinginan kami ng ibang mga students. Baka kung ano ano ang isipin ng iba sa amin pag nakita kaming magkasamang naglalakad. Nataranta tuloy ako at napakagat ako ng labi ko dahil sa pag aalala.Nakita ko agad ang isang bench na malapit sa akin kaya dali dali akong umupo dun at nagkunwari akong nag
“Pero sir-” di na naituloy ni Lea ang sasabihin ng inalis ni sir ang kamay ni Lea sa pagkakahawak sa akin.“Wag na wag mong sinasaktan si Serenity” natigilan ako sa sinabi ni sir. Halata sa mga mata niya ang inis kay Lea. Sa inis naman ay biglang nagwalk out si Lea.“Okay ka lang” nataranta ako ng lumapit sa akin si sir. Nababakas sa mga mata niya ang pag-aalala. “O-okay lang po” pautal utal kong tugon“Please go to my office after mong mag lunch” he said then natulala nalang ako hanggang sa makaalis na si sir.“Oyy, anong meron? Bakit may pagtatanggol na naganap? Tapos bakit namumula ka? Dont tell me may crush ka na kay sir?” pang aasar ni Celine.“Wala noh, na-touch lang ako kasi kahit paano tinulungan niya ako,” sabi ko. “Totoo? Di nga?” Pangungulit ni Celine.“Hay naku, ang kulit mo. Alis na nga ako, pinapapunta pa ako ni sir sa office niya. Mauna na ako,” Paalam ko nalang kasi di ako titigilan ni Celine.Nagtungo na agad ako sa office ni sir Miguel. Nang makarating ako ay naabu
“Kayo po kasi eh, tinatawag nyo akong baby, nadala tuloy ako,” napakagat ako ng labi ng sinabi ko yun. “Okay lang naman sa akin na tawagin mo akong baby kapag andiyan siya,” nakita ko namang napalunok siya ng sinabi niya yun kaya palihim tuloy akong napangiti. "Eh baka naman po may magalit pag tinawag kitang baby… pag andiyan si Drew?" Curious talaga ako, gusto kong malaman kung may girlfriend ba siya. Tumawa siya, at umiling pero hindi pa rin ako kumbinsido sa sagot niya. "Walang magagalit noh, basta ikaw yung tumawag sa akin ng baby ayos lang." Parang hindi pa rin ako naniniwala. "Okay Baby, este sir," pang-aasar ko. Napansin kong namula ang tenga niya. Parang may kakaiba sa hangin, halo-halo ang saya at kaba. "Tsk, bigla ko tuloy naalala nung tinawag mo akong matandang binata last time eh," sabi niya, nakatingin sa akin. Hindi ko napigilang tumawa. Mukhang hindi pa rin niya nakakalimutan 'yon. “Sir I didn't expect that you were holding onto a grudge po ah” sabi ko “It
Miguel’s PovNaalala ko pa, 16 years ago, noong una kong makita si Serenity; she was around 5 years old at ako ay 10."Ma, andito na po ako sa school ni Cassy," sabi ko habang kausap si mama sa phone. "Yes, my little boy, text ka kapag magkasama na kayo. Malapit na din kami ni dad mo dyan. Hintayin nyo nalang kami sa loob ha," sabi ni mommy.Binaba ko na ang phone ko at naupo na muna sa may bench habang pinagmamasdan ang mga batang naghahabulan. Maya-maya, may biglang nadapa na batang babae sa harap ko at umiiyak siya. Kaya dali-dali ko siyang tinulungan na itayo, pero patuloy pa din ang pag-iyak niya. Kaya kinuha ko agad ang tissue sa bag ko."Tahana, baby," sabi ko habang inaayos ang buhok na nagulo dahil sa pagkakadapa niya. Kumuha din ako ng lollipop sa bulsa ko at ibinigay sa kaniya, kaya huminto na siya sa pag-iyak.Pinaupo ko siya sa bench habang nakaupo ako sa baba at nakaluhod ang isa kong tuhod para punasan ang nagasgas niyang tuhod sa pagkakadapa. Hinipan-hipan ko ito at ni
Noong una, natutuwa lang ako kay Serenity. Ang cute niyang bata. Tuwing magpupunta kami sa kanila Azriel, nakikita ko siyang nahihiya. Pero nang malaman kong may boyfriend na siya, nagalit at nagselos ako, lalo na nang malaman kong pamangkin ko pala ang naging boyfriend niya.Kahit alam kong mali dahil sa age gap namin, hindi ko napigilang aminin sa kanya ang nararamdaman ko. Pero nangyari ang aksidente kay Dad at kailangan kong pumunta ng England. Hindi ko intensyon na magtagal doon, gusto kong bumalik agad para kay Serenity.Habang nasa England, nakatanggap ako ng sulat mula sa Pilipinas. "Kuya," tawag ni Cassy. "Cassy, bakit? Tinatapos ko lang lahat ng mga naiwan ni Dad na trabaho at uuwi na rin ako sa Pilipinas.""Okay, may letter ka pala from Philippines," sabi niya sabay abot sa akin. Nagtaka ako kung bakit may sulat ako mula roon.Binuksan ko ang sulat at sinimulan kong basahin.Mahal kong Kuya Miguel,Narinig ko ang nangyari sa papa mo at nakikiramay ako sa'yo. Gusto ko lang s
Nakipagkasundo ako kay Dad na kapag napataas ko ang sales ng branch namin dito sa England pagbibigyan niya ako sa hiling ko sa kaniya. Kaya naman ginawa ko ang lahat para mapataas ang sales ng branch sa England at pagkatapos ng isang taon ay nagtagumpay naman ako.“Congrats my son! You never failed me. Look company parin natin ang nangunguna pagdating sa investment. I’m so proud of you! So what’s your request my dear son?” tanong ni Dad habang nasa opisina niya ako.“Thanks dad, gusto kong ako na ang magmanage ng main branch natin sa Pilipinas and I’d like you to transfer Kaiser here in England.” sabi ko.“But Kaiser is also doing great sa pagtulong sa pagmamanage sa Philippines Branch” pagkontra ni Dad.“But I'm better than him. Since andito naman si Cassy, pwede nilang pagtulungan ang pagmamanage dito and aside from that, mas malaki ang needs natin sa Pilipinas.” pangangatuwiran ko.“Okay, whatever you want son. But please kung ano man ang hindi niyo pinagkakasunduan ng pamangkin mo
Serenity’s POV"Nag-breakfast ka na?" tanong ni Sir Miguel habang nagda-drive. Papasok na ulit kasi kami sa school."Ah, o-po," sabi ko na lang para di na niya ako ilibre ng breakfast. Kasi kapag papasok kami ng school at di ako nakakapag-breakfast, lagi niya akong binibilhan ng gusto ko, kaya nahihiya na ako."You're not good at lying," wika niya habang nakatingin sa akin. Kaya ayun, huli na naman ako."Nalate po kasi ako ng gising, kaya di ko na naharap mag-breakfast," ang hirap talaga magsinungaling sa harap niya.Maya-maya ay niliko na niya ang sasakyan niya at huminto ulit sa isang coffee shop. Bumaba siya at iniwan ako sa loob ng sasakyan. Mula dito sa sasakyan, tanaw na tanaw ko siya na umoorder ng paborito kong Strawberry cake at triple dark mocha na decaf.Alam na alam na niya kasi ang gusto ko, at di ako nagsasawa.Maya-maya ay natatanaw ko na siyang pabalik sa sasakyan. "Here," sabi niya sabay abot ng binili niya."Thank you po," sabi ko habang kinukuha ko ang bread.Pinaan
Serenity's POVUnang gabi namin sa Japan pagkatapos ng byahe nagtungo agad kami sa nirentahang bahay ni Miguel. Pagkapasok namin napatulala ako sa nakita ko. Ang bahay namin ay parang isang fairytale. Puno ng mga kandila, mga bulaklak, at mga petals.“Miguel, ano ito?” Tanong ko, ang mga mata ko ay nanlalaki sa pagkamangha.“Para sa iyo, mahal ko,” sabi ni Miguel, at ngumiti siya ng matamis.“I want to make this honeymoon extra special, especially after what we went through. I just want us to celebrate our love, to enjoy this new chapter in our lives together.”Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako papunta sa sala.Sa gitna ng sala, may nakalatag na kumot, may nakapatong na mga unan, at may nakahanda nang mga kandila.“Naghanda ako ng picnic sa bahay,” sabi ni Miguel.“Talaga?” Tanong ko, ang mga mata ko ay nanlalaki sa tuwa.“Oo,” sabi ni Miguel, at ngumiti siya.“Naisip ko lang, bakit kailangan pang pumunta sa ibang lugar para ma-enjoy ang pagsasama? Pwede
Miguel's POV Nakatayo ako sa altar, nakaharap sa mga bisita. Nasa likod ko ang mga groomsmen ko - si Nagi na palaging nagbibiro, si Dylan na seryoso pero mabait, at si Aaron na tahimik pero laging andyan para sa akin. Narinig kong nagtatawanan sila sa likod, nagkukuwentuhan habang naghihintay. Pero hindi ko sila naririnig. Ang tanging naririnig ko lang ay ang tibok ng puso ko, parang nagwawala sa kaba. Parang napakatagal ng paghihintay. Parang gusto kong tumakbo palabas, tumakbo at kunin agad si Serenity. Natanaw ko na ang babaeng nakasuot ng puting trahe de boda.. Narito na siya. Ang babaeng pinakamamahal ko. Ang babaeng nagpatibok sa puso ko mula pagkabata. Ang babaeng nagbigay kulay sa buhay ko. Ang babaeng hinintay ko mula noon Narinig kong nagtawag na ang wedding organizer, hudyat na magsisimula na ang seremonya. Ang tibok ng puso ko ay bumilis. Parang gusto kong huminga ng malalim, pero parang hindi ko na magawa. Tumingin ako sa mga bisita. Nakita ko ang mga
Serenity's POV “Sayang hindi nya man lang makikita ang paglaki ni Caelius” malungkot na sabi ni Uncle Azriel habang ipinapatong ang bulaklak na dala namin sa puntod. Bigla namang tumulo ang luha ko. “Sana kasama pa rin natin sya noh?” Sabi ko naman at hinaplos naman ni Uncle Azriel ang likod ko. “Mommy!!” Napalingon ako at tumatakbo naman si Caelius papunta sa amin kasama nya si Cassy at Nagi at Dylan kaya napangiti ako . Ipinatong naman nila ang dala nilang bulaklak sa puntod. Napabuntong hininga ako dahil sa panghihinayang. “Kung nandito ka lang sana..” bulong ko habang nakatingin sa puntod nya. Maya-maya ay may biglang bumungad na boquet of tulips sa harapan ko. Kaya napangiti ako. “Bakit may paflower pa” “Ang lagay ba si mama lang ang may bulaklak? Syempre pati ang pinakakamahal ko” “Hoy Miguel! Napakacheesy mo talaga kahit kelan hindi ka nahiya nasa harap tayo ng puntod ng mama ni Serenity.” pang aasar ni Nagi kaya nagtawanan naman ang lahat. “Mga lokoloko ta
Serenity's POV Nang makarating kami sa ospital, dinala agad si Miguel sa emergency room at pinatabi lang kami ng mga nurse. Maya-maya ay dumating na rin si Uncle Azriel. "Serenity, anong nangyari?" Tanong niya, ang mukha niya ay puno ng pag-aalala. "Uncle si Miguel ... may nangyaring masama." Sagot ko, ang boses ko ay nanginginig. Tumingin ako sa relo ko. Ilang minuto na ang nakalipas. Parang isang siglo na ang lumipas. Hinihintay namin ang doktor sa labas ng emergency room. “Anong oras ba sila matatapos?” Tanong ko, ang boses ko ay halos bulong na lang. “Relax ka lang, Serenity.” Sabi ni Uncle Azriel. “Magtiwala ka lang.” “Hindi ko alam kung kaya kong magtiwala. Natatakot ako.” Sabi ko. “Natatakot akong mawala siya sa akin..” Nakatayo kami ni Uncle Azriel. Magkahawak ang kamay. Tumingin ako kay Uncle. “Uncle, natatakot ako” “Andito lang ako , Serenity.” Sabi ni Uncle, at niyakap niya ako ng mahigpit. Ang init ng yakap niya ang nagbigay sa akin ng kaunting kapanatagan. Hind
“Tito ginawan kita ng juice.” narinig ko. “Wow! Salamat! Tara doon tayo sa Sofa. Naupo sila sa sofa at ang kamera ay nakatutok kay Miguel. Nakita kong kinuha ni Miguel ang baso at ininom ang juice. Hindi ko mapigilan ang ngiti ko. “Good job anak.” Bulong ko sa sarili ko. Ilang minuto lang, nakita kong nagsimulang umubo si Miguel. “Tito, okay ka lang po ba?” Tanong ni Caelius. Pero hindi na nakasagot si Miguel. Bigla siyang napahawak sa lalamunan niya. “Mommy! Mommy!” Sigaw ni Caelius. “Caelius, anak! Anong nangyari?” Rinig kong sigaw ni Serenity. Tumayo ako at lumabas ng van. Pumasok ako sa loob ng bahay. Nakita kong nakahandusay na si Miguel sa sahig. Hindi ko mapigilan ang ngiti ko. “Ang bilis naman.” Sabi ko sa sarili ko. “Miguel!” Sigaw ni Serenity. Nilapitan niya si Miguel. “Miguel, gising! Miguel!” Sabi niya, at niyugyog niya ang balikat ni Miguel. Pero hindi na gumising si Miguel. Nakita kong nagsimula nang umiyak si Serenity. “Kaiser! Ano ba ‘tong ginawa mo?!
Serenity's POV "Caelius?" Tawag ko, pero hindi niya ako sinagot. Kanina ko pa kasi sya hinahanap. "Miguel, nakita mo ba si Caelius?!" Tanong ko, ang boses ko ay nanginginig sa pag-aalala. "Hintayin lang natin si Caelius dito," sabi ni Miguel, pero kahit siya ay mukhang nag-aalala na rin. Ilang minuto na ang lumipas, pero wala pa rin si Caelius. "Miguel,wala talaga sya kanina naglalaro lang sya sa bakuran pero ngayon wala na sya," sabi ko, ang pakiramdam ko ay lumulubog sa takot. "Hintayin lang natin, baka kinuha sya ni Azriel" sabi ni Miguel, pero hindi ko na siya pinakinggan. Alam kong may mali. Biglang nag ring ang phone at tumawag si uncle. Sinagot naman iyon ni Miguel. "Baby, si Kaiser nakatakas raw.” parang biglang may mabigat na bagay na dumagan sa dibdib ko parang hindi ako makahinga. "Hindi kaya si Kaiser ang kumuha kay Caelius," sabi ko, ang kaba ay sumisiksik sa lalamunan ko. "Relax ka lang Serenity, magiging okay rin ang lahat.” Sabi ni Miguel, pero hindi ko na siy
Miguel's POV “Tama ba ang naririnig ko, Serenity? Hindi anak ni Kaiser si Caelius?” Tanong ko. Tumango si Serenity. “Oo, Miguel.. Ginamit niya ang amnesia ko para mapaniwala ako. Bago pa man ako maaksidente buntis na ako. Dapat isusurprise kita sa araw ng kasal natin na magkaka-baby na tayo pero dinukot nya ako at ng makatakas ako at nakita nya tayo ay binangga nya tayo.” "Kaiser," sabi ko, ang boses ko ay puno ng galit. "Hindi ka makakalusot sa ginawa mo. Sisiguraduhin kong maparusahan ka sa ginawa mo sa amin." Lumabas kami ng silid, at hindi na kami lumingon pa. "Thank you, babe," sabi ni Serenity. "Thank you dahil hindi mo ako iniwan.” "Walang anuman, babe. Mahal na mahal kita." Niyakap ko siya ng mahigpit. “Babe, hindi pa rin ako makapaniwalang anak ko si Caelius. Kaya pala, kaya pala ganoon nalang kalapit ang loob ko sa kanya. Kaya pala hindi ko magawang magalit sa kanya.Babe, sobrang saya ko. Daddy na ako? Daddy na ako! Daddy na ako Serenity!” hindi ko makapaniwalang sab
Miguel’s POV Maya-maya ay nagkamalay na si Serenity. Lumabas muna sila at iniwan kaming dalawa upang makapag usap. “ Serenity.” bulalas ko Habang hawak hawak ang kamay nya. Inalalayan ko syang maupo sa higaan. Nakatitig lang sya sa akin at hindi nagsasalita. Parang sasabog ang dibdib ko sa sobrang saya. Hindi ko alam kung ano ang mas nararamdaman ko: kilig, tuwa, o pasasalamat. Ang mga luha ko ay hindi ko na mapigilan, pero hindi dahil sa lungkot, kundi dahil sa sobrang saya. Pero kailangan ko ng sabihin ang gusto kong sabihin sa kanya. “Baby, alam kong nagdesisyon kang lumayo sa akin. Pero baby, hindi ko kaya. Hindi ko kayang mawala ka sa akin. Wala akong pakialam sa nakaraan. Kung nagkamali ka man sa akin, kung si Kaiser man ang tatay ni Caelius, wala akong pakialam. Ituturing ko siyang tunay na anak. Mamahalin ko siya, bumalik ka lang sa akin Serenity. Wag mo lang akong iwan.” Pakiramdam ko ay naiiyak ako ulit, pero pinigilan ko. Gusto kong maging malakas para sa kanya. Na
Miguel’s POV Nasa gilid kami ni Caelius ng pedestrian lane, hinihintay si Cassy. Si Caelius, abala sa cellphone niya, ay naglalaro ng bola. Bigla na lang itong nahulog at gumulong papunta sa kalsada. Nakita ko siyang napatingin sa bola, tapos sa mga sasakyan. Isang kotse, medyo mabilis ang takbo, ang papalapit sa kanya. "Caelius!" sigaw ko. Tumakbo ako nang mabilis hangga't kaya ko. Parang slow motion ang lahat. Nakita ko ang gulong ng kotse, ang mukha ni Caelius na puno ng gulat. Naabutan ko siya, niyakap ko siya nang mahigpit. Napapikit ako at pagkatapos, biglang bumalik sa akin yung araw na nawala si Serenity. Yung pagbangga, yung pagkawala niya... Hindi aksidente yun. Naalala ko na si Kaiser pala ang nasa likod nun. Siya ang kumuha kay Serenity, siya rin yung nagmaneho ng kotse na bumangga sa amin ni Serenity. Kaya ba nawalan ng alaala si Serenity? Kaya ba na-comatose ako ng mahigit 2 taon?. Lahat ng pira-pirasong alaala, nag-connect na. Si Kaiser ang may kasalanan. Napadilat