AVA OLIVIA LEVESQUE a.k.a CIARA LUMIPAS PA ANG ILANG ARAW ngayon na tatanggalin ang cast sa kamay ko kaya naman masaya ako. Dahil hindi na ako mahihirapan kumilos, “Yan tanggal na. Masakit pa ba?” Tanong ni Doc sa akin. Umiling ako ago mag salita. “Hindi na po Doc, salamat po..” pasasalamat ko at tumayo na ako. Ginalaw-galaw ko ang daliri ko at sinuntok ko ito sa hangin. “Okay na po talaga doc, hindi na po siya masakit..” masaya kong wika ulit. “Mabuti kung ganun, huwag mo muna pwersahin at i-exercise mo din ito minsan okay?” Paalala nito habang naka ngiti. “Opo!” Sagot ko. Matapos nito ay nag paalam na ako agad, lumabas na ako ng hospital at sumampa sa aking motor. Habang nag su-suot ako ng helmet ko, napansin si Flame na may dala itong box ng cake patungo ito sa sasakyan niya. “Ang astig ng sasakyan niya..” bulong ko, ang ganda kasi nito, para talaga siyang apoy, kaso volcano naman ang sasakyan nito. Dark red and black ang kulay, kumikintab ito sa liwanag, marami nagsasabi n
AVA OLIVIA LEVESQUE a.k.a CIARASa buong akala ko tapos na ang gabing ito ngunit mali ako..Napa lingon ako ng mag salita si Flame tuluyan na akong naka baba pero nagtatago ako sa gilid. Dumating na rin ang ibang mga parak, “Anong nangyayari?!” Tanong ko.Nakita ko na pinalibutan sila ngunit hindi man lang sila nagpakita ng takot. “Uulitin niyo na naman ang mga nangyari noon? Papatay na naman ako ng mga tao ng gobyerno?” Malamig na tanong ng isang lalaki.Nilabas nito ang isang dalawang kulay Gintong Desert Eagle na baril, nakakamangha ang ganda ng baril nito. “Umalis kana Olivia, dahil madadamay kana dyan!” Utos ni Bryant.Ngunit nakita ko yung lalaki kanina na patungo sa isang malaking puno at umakyat ito. “Dito muna ako gusto ko mapanood ang magaganap..” wika ko at nag tago ako sa isang eskinita.“Hay*p ka! Balakid ka talagang Lavistre ka! Tapusin siya!” Sigaw ni Clinton.Ngunit napa singhap ako nang may nag datingan na mga babae, “Jenny, Barbara, Yuri at Teri! Gawin niyo na!” Utos
AVA OLIVIA LEVESQUE a.k.a CIARA MATAPOS NILA AKO KAUSAPIN sa nangyayari ngayon sa kompetisyon. Nag handa na sila ng kailangan ko, i need to demo how to cut perfectly the Salmon. Kaya ito ang gagawin ko. Imbes na Kitchen’s Turn ang demo sa isang exclusive room kami kung saan may camera dito at mapapanood din kami. Nag palit na ako ng damit ko at inipit ko ng maayos ang buhok ko at lumabas na ako sa silid ko dito. “Are you good, Chef Ciara?” Tanong sa akin ni Miss Monique. “Yes Ma’am, I’m all set..” sagot ko at nginitian ko ito, ngumiti ito sa akin at nag lakad na kami patungo sa isa pang kitchen. “Hindi na ba masakit ang kamay mo?” Tanong nito sa akin habang naglalakad kami. Tumango ako bago sumagot. “Hindi na kaya ko na ulit mag luto..” sagot ko at pinakita ko sa kanya ang kamay ko. Natawa pa ito at binuksan na ang pinto. “Pasok ka na maya maya papasok na rin sila,” naka ngiti nitong aya kaya nauna na ako, Nakita ko ang lugar na napaka linis at ang sahig ay yari sa kahoy, ang
AVA OLIVIA LEVESQUE a.k.a CIARA “Guys are you ready?” Tanong ni Chef Bong kaya napa lingon ako. “Yes Chef!” Sagot ng mga amateur Chef, “Philip? Open the Kitchen’s Turn now..” mahinahon kong utos. “Yes chef!” Sagot nito at agad na itong umalis. Huminga naman akong malalim. Nang makita ko na nag aaway ang girl team, hinati sila sa babae at lalaki, minsan naman ay random. “Girls! Anong problema niyo?” Tanong ko sa mga ito. “Nothing Chef..” sagot ni Maddy sa akin. Nag salubong ang kilay ko at nilapitan ko ang mga ito. “Look, don’t ruin the lunch service! Get back to your senses and cook!” Inis kong paalala sa kanila. Yumuko naman ang mga ito, “Sorry Chef..” paghingi ng paumanhin ng dalawang babae. Tumalikod na ako at nag handa na ako para sa first order ng magkabilang team. “Chef, here's the first order table 1..” wika ni Philip, tumango ako at kinuha ko ito. “Both team nag order sila? Pero iisang menu lang naman..” tanong ko dito. “Yes Chef, but the old lady there, she said sa
AVA OLIVIA LEVESQUE a.k.a CIARA BAGO MAG UMPISA ANG GABI biglang may nag flash na news sa tv sa aking dressing room. Napa tigil ako sa pag ipit ng buhok ko ng makita kong nasusunog ang condominium kung saan ako nakatira. Patayo na ako ng mag ring ang cellphone ko, agad kong sinagot ito. “Bryant! Ang bahay ko at gamit ko?!” Nag alala kong tanong. “Nakuha na namin ang gamit mo mas lalo ang sniper mo. Huwag kana mag aalala at kami na rin bahala doon..” mahinahon nitong sagot. Nakahiga na ako ng maluwag ng marinig ko yun, “Salamat babawi talaga ako..” pasasalamat ko dito at binaba ko na ang tawag ko dito. Umayos ako ng upo ulit at inipit ko na ang buhok ko, huminga ako ng malalim at umiling. “Huwag ka muna mag isip ng hindi maganda ngayon, kailangan ka ni Chef Bong..” pagkausap ko sa sarili ko. Napa lingon ako ng may kumatok at nag bukas ng pinto. “Kailangan nyo na po lumabas mag uumpisa na po..” wika ng staff. “Okay po, sunod na ako..” ngumiti ako at tinago ko ang cellphone ko at
AVA OLIVIA LEVESQUE a.k.a CIARA “Good morning!” Pagbati ni Chef Bong sa lahat. Naka tayo lang ako at sa tabi ko si Chef Casimiro. “Good Morning Chef..” pagbati ng lahat dito. “Last night we have shit service right?” Tanong ni Chef sa mga ito. “Yes Chef..” sabay sabay na sagot ng mga ito. Nanatili akong naka tayo habang pinapanood sila. “But now i have a challenge to all of you. In Fact this idea is coming from Chef Ciara, one of the winning member will received the expensive trip on one of my biggest restaurant in Makati..” paliwanag ni Chef Bong. Nakita ko ang mga excitement sa mga mata ng mga chefs na ito, kaya nag salita na ako. “Simple lang naman ang task..” wika ko at tumabi na ako kay Chef Bong na abot langit ang ngiti. “Are you guys ready?” Tanong ko sa kanila. “Yes Chef!” Sagot ng mga ito. Ngumiti naman ako sinenyasan ang isa sa mga waiter ni Chef Bong. Nang nailagay sa mesa ang pagkain na ginawa ko ay nag salita ako sa salin ng wika ng French. “Comment vas-tu? est-c
AVA OLIVIA LEVESQUE a.k.a CIARAMAKALIPAS ANG DALAWANG ARAW hindi ko na iku-kwento ng buo ang ang nangyari noong linggo. Dahil hindi na ako naka abot pero ang alam ko isa lang ang natanggal dahil sa palpak na serving ng mga babae.Bakit nga ba ako hindi na naka abot pa? Dahil kailangan ko na umalis dahil kailangan ako makausap nila Kazimir. Kaya wala akong nagawa kundi mag paalam na, pinayagan naman ako dahil nakiusap ako.Bumaba ako ng motor ko at nag tungo sa loob, mabuti hindi pa ako nakaka balik sa mansion ng mga Clemenza dahil nag padala naman ako ng text na hindi na muna ako babalik. May kailangan lang ako gawin.Pag pasok ko nakita ko agad na kumpleto sila ngayon, kaya lumapit ako at nag bigay ako ng galang kay Boss Kazimir kahit ang tauhan ko nandito na rin.“Mabuti dumating kana, mag simula na tayo..” wika ni Alejos kaya nag salita na sila.“Nitong nakaraan nakarating sa amin na ginamit ng mga Clemenza ang pangalan ng organization para sa kanilang gawain. At ang grupo ni Ava
CLINTON MATHEW HOWARD CLEMENZA Paglabas ko ng kwarto ko isang malakas na sampal ang sumalubong sa akin na naging dahilan bakit ako napa lingon sa kanan ko. “Ano itong lumabas na balita tungkol sayo? Pati ang dati mong secretary na babae ginagalaw mo?!” Tanong ni mommy sa akin na kina laki ng mata ko. “Mom? Hindi yan totoo bakit ko naman gagawin yun?!” Tanong ko at pagtanggi. “You’re mouth telling me a lie but your eyes not. Ayusin mo ito Clinton, nasira na ang reputasyon natin simula ng pumasok sa eksena ang mga Lavistre!” Utos ni mommy at umalis na ito sa harapan ko. Umiling ako at nag tungo ako agad sa labas hindi na ako kumain ng agahan sa opisina na lang. “Tara na..”utos ko sa bagong driver ko, sumakay ako sa sasakyan ko at nang maka sakay ako. Nakita ko si Ciara na nag didiling ng halaman, hindi pa ako nakaka kuha ng kahit anong information mula dito. Pero isinantabi ko na muna ito dahil kailangan ko mag focus kay Britney kung paano namin malulusutan ang ginawa ni Brent Val