DARK The Mafia Boss Chapter 37NAPADAING ako sa sakit ng bigla-bigls na lamang akong marahas na ihinagis ako ng isa sa mga tauhan ni Vianno dahilan upang muntik na akong ngumudngod sa sahig. Sinamaan ko naman ito ng tingin pero hindi na ako pinansin nito dahil agad na itong umalis sa silid na tinutuluyan ko.Kanina, habang walang tigil ako sa kakaiyak sa nalaman ko ay bigla na lamang ako hinila nito at ibinalik rito. Pero ang kinaiinis ko lang ay sinara ang pagmo-moment ko kanina. Sarap sipain ni koya.Kung may lakas lang ako ngayon dahil na drain na lahat dahil sa nalaman ko kanina ay malamang sa alamang tinabunutan ko na ang kalbong iyon. Akala mo kung sinong gwapo kalbo naman.Padabog akong tunayo at pinagbagan ang dumi sa aking damit. Kapagkuwan ay masama kong tinitigan ang pinto kung saan lumabas ang kalbong iyon at marinig ang paglock nito mula sa labas, pagkatapos ay marahas akong lumapit rito at pinagsisipa ang pinto. Kung nagsasalita lang ito ay kanina pa ako minura nito ba.
DARK The Mafia Boss Chapter 38"ONE MORE!" kahit nahihirapan at napapagod ay binibigay ko parin ang lahat sa pagsuntok ng punching bag sa harapan ko.Maghapon akong nag-eensayo. Physical and mentally. Hurt.Maisip ko lang ang nangyari isang buwan na ang nakakalipas ay gusto kong magwala dahil sa poot at galit na aking nararamdaman. Matapos na nangyari ay ilang linggo akong umiiyak at nasasaktan.Ang tanga-tanga mo kasi Aileen. Nagpapaniwala ka sa lalaking iyon! Tignan mo tuloy nauto ka. At higit sa lahat ay ginamiy ka pa."On more, Aileen!" nabalik ako sa ulirat ng malakas na sigaw ni Khaterryn ang pumailanlang sa buong silid.Matapos kong umiyak na parang tanga ay napagtanto ko na hindi na maibabalik pa ang lahat. Ay, eto ako, nag-eensayo, inabala ang sarili upang kalimutan ng nangyari.Dahil sa nangyaring iyon ay nagbago ang lahat. Ang kilala nilang Aileen noon ay may nagbago, pero konti lang naman. Maliban sa matagal na akong maganda ay naging matatag na ako. Matatag sa lahat ng ba
DARK The Mafia Boss Chapter 39"BAKIT ba ang tagal mo sa loob?"Nilingon ko ang nagsalita na ngayon ay nakasmingot at nakapanabay ang dalawang braso sa dibdib. Obviously, ganoon parin ang ekspresyon sa mukha nito. Walang-wala.Ngumuso lamang ako habang inilapag ang mga damit na sinukat sa loob ng fitting room, Wala naman akong nagustohan 'e."Aris, obvious ba na ang dami ng mga damit na kinuha niya, aabotin talaga yan ng siyam-siyam sa kakasukat ng mga iyan," pagtatanggol naman sa akin ni Kesha.Nakapangiti ako sa pagtatanggol sa akin ni Kesha. Kaya nga magaan na ang loob ko sa dalawang ito. Kasi hindi nila ako tinuring na parang preso lang. Para ko na rin silang mga kaibigan katulad ng noong na kay kila Dark pa ako. Napabuga tuloy ako ng hangin, kamusta na kaya iyong tatlo iyon."Isang oras?" diin ni Aris. "One hour, Kesha! Ganoon siya katagal doon sa pesteng fitting room na iyon!" okay, hindi naman siya galut doon diba?Si Kesha naman ay napakamot na lamang sa ulo nito at pagkuwan a
DARK The Mafia Boss Chapter 40WAITING his assigned target, Jaycob grab his pack of cigarettes on his pocket. Picking one and then lit it up. The mentol taste of the cigar found into his mouth. Blew into the air.Expecting anything strange around, found nothing but, bored.Bumalik siya sa pagkakasandal ng mamahaling sasakyan. Napabuga siya ng malalim."Anything new?" nilingon ang nagsalita. Natagpuan niya si Darrfyl na may hawak na take-out na kape ng Starbucks, with a muffin on his mouth.Katulad niya may nakatoka rin itong babantayan. At hindi niya alam kung bakit ito nandito.Iba na kapag gwapo, kahit lalake namimiss ka na. Lalong-lalo na at siya si Jaycob Vios ang pinakagwapong nilalang na ipanganak sa balat ng lupa.Napailing. Sinagot niya ang huli. "Nothing strange."Sa huling pagkakataon bago itapon ang yosing ginamit, nilanghap bago ibinuga ang usok."Lucky bastard," Pagkuwan ay naibulalas na lamang ni Darrfyl.Nilingon niya lalake, "Hmm?" nakataas ang kilay niyang tanong."Sh
DARK The Mafia Boss Chapter 41"ACHOOO!" magkakasakit ata ako dahil kanina pa hindi matapos-tapos ang pagbahing ko. Tulad din ngayon, hindi rin matapos-tapos ang paglalagay ng kung anu sa mukha ko.Alam ko naman na maganda na ako pero mas lalo pa nila ako pagagandahin. Sabi nga, magtira rin ako para sa iba. Duh.Sabi nga ni Vianno noong isang araw ay ngayon na gaganapin ang auction.At kanina pa ako hindi mapakali. Dahilan para paulit-ulit akong sinisita ni Aris dahil masisira ang ginagawa niya sa akin. Napasimangot tuloy ako.Pagkatapos akong ayusan ay ibinigay sa akin nito ang isang may kalakihang kahon. Iniabot ko ito at walang tanong-tanong na pumasok sa banyo. Mukhang magkakasakit ata ako. Huhubels.Sampung minuto akong nagtagal dahil sa hindi ko alam kung paano ito susuotin at ang bagal pa ng kilos ko."Achooo!" waaaah! Suminghot-singhot pa ako."Hey, are you okay, Miss Aileen." bagot ko siyang tinitigan. Obvious ba?Ngumuso ako na ikinasimangot niya. Kapagkuwan ay kumunot ang n
DARK The Mafia Boss Chapter 42HABANG hila-hila ni Dark ang aking mga kamay ay pilit akong nagpupumiglas sa higpit ng pagkakahawak nito sa akin. Kahit na napakaingay ng buong paligid dahil na rin sa mga taong nagpapanic at sa mga putok na nanggagaling sa mga armas nito. Hindi rin naman ako magpapahuli dahil kahit na anong piglas at sigaw ko sa lalaking ito ay parang wala lang itong naririnig mula sa akin.Like, duh, ang isang dyosang kagaya ko ay iniisnab ng isang lalaking baliw na kagaya niya? Argh!"Ano ba Dark! Bitawan mo nga ako!" paulit-ulit ko na lang na sinigaw iyon pero para lang siyang bingi at hindi ako pinapansin. At dahil na rin abala siya sa pagpapatumba ng mga hindi ko alam na mga kalaban.Para nga lang itong walang nangyare sa paligid dahil kung makabaril sa mga taong humaharang sa dindaanan namin ay kalmado lamang ang mukha nito sa pagpapaputok ng baril. At asintadong-asintado ito makabaril dahil sa gitna ng noo ito natatamaan ng mga ito na ikinangiwi ko sa bawat punti
DARK The Mafia Boss Chapter 43"I SAID, STOP IT!" sigaw niya at marahas na hinawakan ang magkabila kong mga braso dahilan para mapahinto ako. Napatitig naman ako sa mga mata nitong nagpupuyos sa galit.Kasabay rin 'nun ang marahas niyang pagbitaw sa aking mga kamay. Binalik at itinuon nito ang atensyon sa harap ng manibela. Bakas parin sa mukha nito ang galit at frustasyon.Habang nakakuyom ang aking mga kamao ay nakatuon rin ang aking atensyon sa harap. Hinuhupa ang galit. Katulad rin ng aming nararamdaman ay galit rin ang panahon.Kulog at kidlat. Sinamahan pa ng malakas na hangin at pagbuhos ng ulan sa labas. Ingay lamang ng buhos ng ulan ang namamagutan sa aming dalawa. Wala ni isa ang nagtangkang magsalita.Bakit pa, kahit na magsalita ako rito ay para pa rin ang baliw sa kakaputak ni ang kasama ko ay walang planong magsalita. Nasasayang lang ang laway ko sa kanya. Marahas akong napabuntong."Iuwi mo na ako," sa wakas ay salita ko. Kahit na bulong iyon ay sapat na para marinig ni
DARK The Mafia Boss Chapter 44BAHAGYANG napasimangot at ngumuso ako na tinatanaw ang buong paligid muka sa kinauupan ko. Kahit medyo malayo ang kinauupuan ko sa matao at napakaingay na tao sa harap ay hindi ko mapigilang mapangiwi at maubo, dahil sa sari-saring usok na nalalanghap ng inosente kong baga.At nasa iisang tao lang nakatutok ang aking magagandang mga mata. As in, yung parang eagles eye. Yung tutok na tutok at pwede ng malusaw o kaya bumulaga na lang sa sahig dahil sa sama ng tingin. Yung predator na ready-ng ng lapain ang biktima niya. Don't get me wrong ha, duh, napaka-dyosa ko lang para susunda lang ang isang kagaya niya. Nagkataon lang na nandito siya na nakipaglampungan sa babaeng nakakandong sa hita niya at ang hudas ay hinihimas pa ang hita nito. At buti na lang talaga, dahil madilim itong kinauupuan kong couch dito sa bar. Yes, tama. Oo. Tama ulit. Nasa bar ako dahil nagpumilit akong sumama kay Vianno na sumama rito dahil nabuburyo na ako sa mansyon niya.Habang in