"OO NGA PALA..." nalipat ang tingin ko sa harapan ng basagin niya ang malalim na aking pag-iisip.Nakaupo ito sa harapan na kaharap ko ngayon at may kung anong ibinigay sa kanya ang kasa-kasama niyang lalake pagkalapag ng private plane nito.Nasa himpapawid na kami papauwi sa Pilipinas at iniwan ang mga kasamahan ko sa Italya ng walang paalam. "Here..." inabot niya sa akin ang isang brown envelope na nagpakunot sa noo ko."What's this?" Bahagyang tanong ko habang pinagmasdan ko ito."Hmm...your favor?" Patanong na sagot niya.Pinukulan ko ito ng masamang tingin."Wag mo akong iniisin...badtrip ako ngayon..." saad ko na lang at pinagmasdan muli ang brown envelope."Edi wow! Ikaw pa nga itong tinulungang sinundo rito ikaw pa ang may ganang magalit..." he paused. "Your welcome Jakie.." sarkastikong wika niya habang nakangiti at napahalumbaba sa katapat nitong mesa at nakadungaw sa labas ng bintana."Tss" sinimulan ko na itong buksan ng magsalita ulit ito."Kung talagang bubuksan mo yan,
MALAKAS KONG sinipa ang hawak na baril ng lalaking bago pa ito pakapasok sa kusina. Nang malaglag ito ay hinila ko ito papasok sa pamamagitan ng pagsakal ko sa leeg nito sa aking mga braso.Kapagkuwan ay siniko ko ito sa batok para ito ay malawalan ng malay.Nilipat ko ulit ang paningin ko sa may exit door at doon nakikinita ko ang tatlong kalalakihan na pumasok may dala-dala itong mga silencer at itinutok ito sa aki.Shet! Wag namang ganyan! Pagagalitan ako ni ermat pag may nabasag na gamit dito 'e!Napabalikwas ako ng muntik na akong matamaan dahilan para mabilis akong nagtago sa entrance ng pinto ng kusina. Hindi parin sila tumitigil sa kakabaril sa gawi ko.Inilibot ko naman ang paningin sa paligid kako makakita ng pang-agaw pansin sa kanila.Nang makakita ako ay mabilis ko itong kinuha. Isa itong mumurahing vase may nakatatak na Made in China. Hindi pa nga nawawala ang price tag nito na bente pesos at sinkwenta centavo. Pwede na siguro ito.Hinihagis ko ito sa kanila at hindi nam
"LUMILIPAD NA naman yang isip mo Jakie." nalipat ang tingin ko sa nagsalita.Si Kevin.Umupo siya sa tabi kong bench dito sa likod ng manor. Three story house na may malaking garden dito sa likod at may swimming pool sa loob ng mansyon. At malalaking kahoyan ang nagpatago sa malaking bahay na ito. It is more like na sa gitna ng kagubatan may malaking mansyong nakatago pero nasa syudad kami for pate sake!Napairap ako sa hangin. Istorbuhin ba naman ako sa pagmununi-muni ko."Anong ginagawa mo dito?" Iritadong saad ko rito at tinaasan ng kilay."Uhmm...kasi bahay rin ito ng mga magulang ko na kasalukuyang mga magulang mo rin?" patanong na wika niya. Nakangiti ito ng malawak na pinagmamasdan ako. Yung para bang inaasar ako ng mga ngiti niya.Mapunit sana yang labi mo, leche!Marahas akong tumayo at aakmang aalis ng pigilan ako nito sa pamamagitan ng paghawak sa pulso ko.Piningkitan ko siya na ngayon ay naka-pout, "Ate Jakie, usap muna tayo..."Napangiwi ako sa itinawag niya sa akin. Po
KANINA PA ako palakad-lakad sa kinatatayuan ko habang kagat-kagat ang kuko ko sa kanang daliri. Ilang oras na akong naghihintay dito sa kwarto hindi parin sila tapos sa pag-uusap. Daig ang cabinet member kung makapag-usap sa tagal! Tapos hindi pa ako sinali sa usaping iyon. Unfair talaga!Pati ang asong si Sebastian ay nahihilo na sa kakasunod ng tingin sa akin. Siguro kung nakakapagsalita lang ang asong ito ay kanina pa ako binalyahan. Nakatitig lang sa akin si Sebastian habang nakaupo sa kama ko."Ano kaya pinag-uusapan nila doon Sebastian?" Tanong ko sa aso na animoy sasagot. Napairap lang ako ng mga mata ng seryosong nakatitig lang ang mga asul na mga mata nito sa akin. Saan kaya nagmana ang asong ito? Uurrghh!! Para akong tanga nito!Napahinto ako ng biglang bumukas ang pinto dahilan para mapahinto ako at mapalingon sa gawing iyon. Iniluwa nun si hilaw. Para akong nabunutan ng tinik ng makita ko siya."Anong pinag-uusapan niyo?" Pambungad ko agad na tanong sa kanya. Napalingon pa
PAGKALABAS ko sa pula kong Tesla Model S P85D ay bumungad agad sa akin ang napakarami at maiingay na tao. May dala-dala pa silang mga banner. Napakunot ang noo ko sa nakikita sa paligid.Bakit ang dami yatang tao tao ata ngayon sa school?Nagpatuloy lang ako sa paglalakad na nakakunot ang noo. Nagtataka kung anong nangyayare sa school ng wala ako."Sigurado akong mananalo ang Business Ad. laban sa Engineering!"Rinig kong sabi ng nasa harapan ko. Anong laban? May suntukan at patayan ba ngayon sa school?Tinapik ko ang mga lalakeng nag-uusap sa harapan dahilan para lingunin ako nito na magkasalubong ang dalawang kilay nito."Bakit?" Tanong niya na may inis sa boses nito.Tinaasan ko ito ng kilay. Suntukin ko ito 'e."Anong meron?" Tanong ko sa kanila.Nagkatingin silang magbabarkada at pinagtawanan pa ako ng mga loko."Hahaha! Saang lupalop ka ba nanggaling at hindi mo alam kung anong meron ngayon?" Si boy one yun na tinanungan ko. Blonde ang buhok nito na akala siguro nito na ikinagwa
HALOS nakatulala lang ako sa wala ng buhay na katawan ni Roshell Greene. Na ngayon ay pinagkukompulan na ng maraming mga tao. Naging maingay narin ang paligid dahil sa nangyari.Ang mga security guard naman dito sa school ay pinipigilan ang ibang mga studyanteng lumapit sa katawan ni Roshell Greene.Parang masusuka ako sa hitsura sa nakakaawa niyang katawan. Bali-bali at lasug-lasog ang mga buto nito dahil na rin sa malakas na pagkabagsak nito mula sa itaas. Ginilitan din ang leeg nito. Nagkalat rin sa sahig ang dugo nito and she is coated all over with her own blood.Lumapit kay hilaw ang school dean at may sinabi ito na itinango niya.Napakaseryoso ng mukha nito. Para bang anumang sandali ay papatay ito ng tao sa kaseryosohan ng mukha nito. Nasa kabilang bulsa ang kanang kamay nito na lumapit sa gawi."Let's go," saad niya sabay hinawakan ang palapulsohan ko. At kinaladkad kung saan. Hindi na ako umangal pa dahil alam kong napaka-importante ng sinabi sa kanya ng dean.Lumabas kami n
NANG makalabas na ako sa cctv room at iniwan ang dalawa sa loob dahil na-o-op na ako sa kanila. Dahil sila na ang nag-uusap tungkol sa Helium ba yun? Ay! Ewan.Tinahak ko ang daan papunta sa canteen ng school. Sana bukas pa ito ng dahil sa nangyare. Atsaka, gutom na talaga ako. Wala siguro silang balak na kumain kaya iniwan ko na lang ang mga damuhong yon.Marami pa namang estudyante dito sa parang wala ngang nangyare kanina. Nakikipag-chikahan pa sila pero yung labang kanina na Business Ad. vs Engineering Dept. ay pinahinto nila.Papaliko na sana ako ng magkabanggaan kami ng isang babae dahilan para magkanda hulog ang mga gamit nito."Shit!" Bulong ko sa sarili."Sorry..." Aniya dahilan para manayo ang mga balahibo ko sa katawan dahil sa malamig na boses nito.Tinitigan ko lang siyang nagpupulot ng mga gamit niya. Masama na kung masama pero para kasing pamilyar ang boses nito. Parang narinig ko na kung saan, hindi ko lang matandaan.Nang matapos ito sa pagpupulot ng gamit ay tumayo s
BUKAS na ang huling araw ng school fest. at ilang araw na rin ang nakakalipas matapos ang nangyari pagpatay sa isang estudyante dito sa university na si Roshell Greene. Para ngang walang nangyari dahil ang mga estupidents ay abala sa mga pagchichikahan o kaya ang pagchi-cheer sa mga kaibigan o ang tinatawag na kras nila.Parang wala lang sa kanila na may nangyare noong isang araw. At walang kahit na sino ang nagtangkang pag-usapan ito sa labas ng school. Wala ding balita patungkol dito sa media. Siguro, sinisigurado nila na walang makakalabas na balita tungkol aa nangyare at ayaw nilang masira ang magandang pangalan ng eskwelahan."Nakikinig ka ba sa akin, Jakie?"Napalingon ako sa katabi ko na ngayon ay nakakunot na ang noo nito. At tumigil kami sa paglalakad sa hallway na ngayon ay puno ito mga estudyanteng nagkakasiyaha.Napakamot ako sa batok. Ngayon ko lang napagtanto na kasama ko pala si Vicente."Ano nga iyong sinasabi mo?"Pinaikot nito ang mata."Tsk! You're spacing out Jakie