Napailing ako. Sa tulad naming mga illegal ang negosyo ay hindi mo masasabi ang tunay na dahilan kung bakit namatay. Kalokohan kung heart attack nga ang ikinamatay ni Mr. Agaton.
“Hindi ba nila kilala ang Sarte Organization? Kung kilala nila, alam kong hindi sila magdadalawang-isip na ibaba ang presyo nila. Mukhang baguhan lang naman ang Catamora na yan sa negosyo at kaibigan pa kamo ni Agaton. Nakakapagtaka lang.”
“Naisip ko rin yan, Don, pero wala naman na tayong pakialam sa mga ganyan. “
“You're right, but if we can get Catamora's lab, everything will be easier. We'll have the largest drug supply in the Philippines. Sa tingin ko naman ay kilala nila ang mga Sarte.”
“Sino ba naman ang hindi makakakilala sa Sarte? Kilala tayo dito sa Pilipinas, at walang pwedeng gumalaw sa atin. Walang pwedeng kumalaban.”
“Yun nga, Larry. Walang pwedeng kumalaban sa atin. Pero ano’ng nangyari? Nasalisihan nila tayo. Mahina tayo dahil hindi natin iyon napaghandaan. Binalian nila ako ng pakpak kaya lahat ay kukunin ko rin sa kanila at wala akong ititira. Wala na akong pakialam pa. "They want war? They'll get more war than they can handle."
“Naiintindihan kita, Don. Hayaan mo, malalaman din natin kung sino ang traydor sa organisasyon natin at sa mga kaaway natin. Lahat sila ay babalikan natin. Wala tayong ititira.”
Wala akong sinagot sa sinabi ni Larry. Buo na ang pasya ko---ang sakupan ang mga illegal na droga na humaharang sa mga negosyo namin.
GABI na akong nakauwi ng bahay. Ilang beses na akong umuuwi ng ganitong oras dahil sa trabaho, at napapabayaan ko na naman ang aking anak na si Sarah.
Bago ako tumuloy sa aking kwarto ay dumaan muna ako sa silid ni Sarah upang mag-good night. Pagdating ko roon ay naabutan ko ang clown na bantay ng aking anak at nagkatitigan kaming dalawa. Mabuti na lamang at naka-aircon ang kwarto ni Sarah, kaya hindi naiinitan ang clown, pero ako pakiramdam ko ay ako ang naiinitan sa tuwing tinitingnan ko ito.
“Bakit gising ka pa?” tanong ko. “Anong oras na. Matulog ka na, dahil tulog naman na ang alaga mo.”
“Umiiyak po kasi siya kanina at hinahanap ang mommy niya,” sagot ng clown. Natigilan ako at napatingin kay Sarah, na mahimbing nang natutulog. Alam kong naaamoy niya ang unan ng kanyang ina, kaya hindi ko mapigilang makaramdam ng awa para sa aking anak. Nangungulila ito sa ina na namatay.
“Sa umaga ba, malungkot din siya? Hinahanap niya rin ba ang mommy niya?” tanong ko ulit.
“Hindi naman po, pero minsan napapansin kong nalulungkot siya. Sinasabi niya pong nami-miss niya ang mama niyang si Silvia.”
Tumango ako nang bahagya sa sagot ng clown. “Sige na, magpahinga ka na rin. Ako ang naiinitan sa suot mo,” wika ko rito.
“Kanina ko pa po pala kayo hinihintay, Sir,” sagot niya.
Napakunot ang noo ko. “Bakit?”
“Hanggang ngayon po kasi, hindi niyo pa ako sinasahuran. Araw ng sahod ko ngayon, Sir. Inaabangan ko po kasi dahil magbibigay ako ng allowance sa mga kapatid ko.”
Natigilan ako sa sinabi niya. Isang buwan na pala siyang nagtatrabaho sa amin, at hindi ko man lang napansin.
“Sandali lang, kukuha ako ng pera. Pasensya ka na, masyado akong busy nitong mga nakaraang araw,” sabi ko sabay talikod papunta sa aking kwarto.
Habang kinukuha ko ang pera ay napailing ako. Napahiya ako dahil nakalimutan kong pasahurin siya. Mabuti na lamang at hindi siya nag-alsa balutan. Pagbalik ko sa silid ni Sarah ay naghihintay pa rin sa akin ang clown. Iniabot ko sa kanya ang ₱50,000.
Napansin kong napangiti siya at nakita ko ang pantay-pantay at mapuputi niyang ngipin. Bigla akong na-curious kung ano ang hitsura niya kapag walang clown makeup.
“Kailangan mo bang laging suot ang clown costume mo? Hindi ka ba naiinitan?” tanong ko.
“Paminsan-minsan po, inaalis ko rin, pero kapag gusto ni Sarah na mag-magic ako, kailangan naka-costume ako. Gusto ko kasing isipin niya na masaya lang ang pagiging bata,” paliwanag niya.
“Sige, matulog ka na at magpahinga,” sagot ko.
“Sir,” wika niya, kaya napatingin ako sa kanya. “Gusto niyo po ba ng kape? Ipagtitimpla ko kayo.”
Napakunot ang noo ko. “Marunong ka bang magtimpla ng kape?”
“Simple lang naman po iyon, Sir. Nagtrabaho po ako sa coffee shop dati, kaya marunong ako,” sagot niya.
Napakibit-balikat ako. “Sige, dalhin mo na lang sa opisina ko.”
“Sige po,” sagot niya.
Kinumutan ko si Sarah at bumalik ako sa opisina ko upang hintayin ang kape. Nakalimutan ko na namang tanungin ang pangalan ng clown… Habang abala ako sa mga papeles, maya-maya ay may kumatok. Pagbukas ng pinto, nakita ko ang clown na may dalang tasa ng kape. Wala na ang pulang wig nito at ang natural niyang buhok na nakalugay ang aking nakita.
“Ito na po ang kape ninyo, Sir,” sabi niya.
Napatitig ako. “Sigurado ka bang hindi mo ako nilalason o ginagayuma?” pabiro kong tanong.
Napatawa ito. “Sa panahon ngayon, naniniwala pa po kayo sa gayuma? Wala pa po akong plano sa mga bagay na iyan. Isa pa, 25 years old lamang ako, at may mga kapatid akong pinag-aaral.”
“Ganyan ka ba talaga?” tanong ko.
“Anong ibig niyo pong sabihin?”
“Isang tanong ko, napakarami mong sagot. Natural na magtatanong ako; baka kung ano ang nilagay mo sa kape ko lalo na at bigla-bigla mo akong aalukin ng kape.”
Napangiwi ang payasong kaharap ko.
“By the way, ano nga pala ang pangalan mo? Isang buwan ka na rito ay hindi ko pa alam ang pangalan mo.”
“Allegra de Luca po ang pangalan ko, Sir,” sagot sa kanya ng babae.
“Allegra,” ulit ko. “Sa tingin ko, hindi bagay sa iyo ang pangalang Allegra.”
“Bakit naman po, Sir? Dahil pang-sosyal ang pangalan kong Allegra, samantalang isa lang akong clown?” tanong niya.
“Hindi naman sa gano’n. Hindi ko lang na-anticipate na ganyan ang pangalan mo.”
“Are you anticipating my name? Bakit? Interesado ba kayo sa akin?” prangkang tanong ni Allegra sa akin kung kaya muntik ko nang maibuga ang kape.
“Pwede bang iwan mo na lang ako? Kung anu-ano ang sinasabi mo,” sagot ko.
“Sorry po. Goodnight, Sir,” ani ni Allegra bago lumabas ng opisina.
Pagkalabas ni Allegra ay napangiti ako. Simula nang mamatay ang aking asawa ay ngayon lang ulit ako napangiti, at sa clown pa. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla akong na-curious kung ano ang itsura niya kapag hindi naka-costume.Sa halip na magtrabaho, lumabas ako ng opisina at bumaba. Nagising yata ako sa kapeng ininom ko at sa kakaisip sa clown kung ano ang itsura sa likod ng makapal nitong make-up. Naka-swimming trunks lang ako dahil plano kong mag-night swimming. Ugali ko nang magbabad sa pool kapag maraming iniisip habang umiinom. Mabilis akong lumusong sa pool pagkatapos kong ilagay sa gilid ng swimming pool ang alak na dala-dala ko. Salamat sa pinalagay kong solar heater sa pool para hindi ko maramdaman ang lamig. Pinagsawa ko ang katawan ko sa tubig. Gusto kong pagurin ang katawan ko sa paglangoy para paghiga ko ay matutulog na lamang ako. I grabbed a bottle of alcohol, poured some into a glass, and quickly drank it. Napapikit ako nang gumuhit sa lalamunan ko ang tapang n
Hindi ko alam kung ano ang tatakpan ko nang makita ko ang isang babae sa tapat ng pinto ng aking opisina. Hindi na ako nakabalik pa sa aking kwarto dahil madalas naman akong nasa opisina ko at doon na ako natutulog. Sabay pa kaming napasigaw ng babae dahil sa pagkagulat. Mabilis kong hinila ang kumot sa kama upang itakip sa aking katawan. Ang pagkalalaki ko ay mukhang nagulat din dahil sa babae."Fuck! What the hell??? You don't even know how to knock, and you just barge into my room?" bulalas ko sa babaeng nakatakip pa rin ang mukha at nakatalikod sa akin. Pakiramdam ko ay namula ang buong mukha ko dahil sa nangyari. "Allegra, right?" tanong ko pa."Kanina pa po kasi ako kumakatok, Sir, pero wala namang sumasagot sa akin kaya po binuksan ko na ang pinto at pumasok na po ako," sagot ni Allegra."Pwede ka nang humarap," sagot ko sa babae, kaya dahan-dahan itong humarap sa akin. Wala pa rin akong pang-itaas na damit, pero ang pang-ibaba ko ay nakatakip na ng kumot. Kanina ay hindi ko ma
Huli na para pigilan ko pa si Allegra dahil hinawakan na niya ang aking necktie para ayusin. Kanina ko pa kasi iyon inaayos, pero hindi ko magawa-gawa dahil sa pag-uusap namin. Napatitig na lamang ako sa kanyang mukha.“Huwag na po kayong magalit. Sanay naman po ako na ginagawa ko ito sa aking tatay. Ang totoo nga niyan, master ko na yata ang pag-aayos ng necktie,” nakangiting sagot sa akin ni Allegra. Ang distansya sa pagitan naming dalawa ay halos kalahating dangkal na lamang. Naamoy ko ang kanyang hininga, at alam kong naaamoy din niya ang akin, pero tila walang pakialam si Allegra. Para siyang inosenteng bata na hindi ko maintindihan. Ilang sandali pa, napatitig siya sa akin kaya hinawakan ko ang kanyang kamay. Bahagyan ko siyang inilayo sa mukha ko.“Hindi mo ako tatay para gawin mo ito sa akin. I'm your boss, Allegra, don't forget that.”“Tapos na po.”Hindi pinansin ni Allegra ang sinabi ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko noon. Ako na lamang ang tumalikod para umiwas sa kanya. P
Makalipas ang ilang oras, huminto ang van namin sa harap ng isang abandonadong gusali sa gitna ng kagubatan. Napatingin ako sa dalawang tauhan ni Katamura. Tumawag na rin ako ng ibang mga tauhan namin para maging handa kami kung sakaling may ibang tao sa lugar ni Katamura. Mabuti na ang maging handa kami para hindi kami mapasubo sa aming pagsugod. Ang hangad ko lang naman ay ang angkinin ang laboratoryo ng paggawaan ng droga at wala ng iba. Tiningnan ko ang dalawang tauhan ni Katamura."Huwag ninyong balakin na kalabanin ako dahil hindi ninyo magugustuhan ang gagawin ko," pagbabanta ko."Hindi po mangyayari iyon, Don Stefano. Nasa likod na po namin kayo," sagot ng isang tauhan ni Katamura."Marami kayang tauhan sa loob?" tanong ko."Tama lang po ang bilang ng tao sa loob. Ang mga gumagawa lamang ng droga at ilang nagbabantay. Dumadami lang ang tauhan kapag pumupunta si Mr. Katamura," sagot niya.Tumango ako. Kinausap ko ang aking mga tauhan, inihanda sila sa paglusob sa laboratoryo
Xander's povNagtagis ang bagang ko dahil sa galit nang malaman ko ang ginawa ni Stefano Sarte sa aking ama. Labis akong nagalit nang tawagan ako ng aking ina para sabihin ang nangyari; si Stefano Sarte ang pumatay sa aking ama. Sino nga ba ang hindi makakakilala sa taong iyon? Hindi lang dahil sa pagiging mafia boss nito, kundi dahil ubod ito ng yabang. Pakiramdam nito sa sarili ay Diyos na makapangyarihan..Hindi ko maintindihan kung ano ang gusto niyang patunayan; lahat na lang yata ng negosyante sa Pilipinas ay kinukuha at pinapatay niya. Ayaw nito nang nalalamangan... Nabalitaan ko ring pinatay ang asawa nitong si Silvia Sarte, at wala itong nagawa dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nito alam kung sino ang pumatay sa asawa nito.Pero ano naman ang kasalanan ng ama ko para patayin nito? Pinatay niya ang ama ko na parang baboy, at hindi ko iyon mapapalagpas. At wala akong pakialam kahit isang batalyon ang tauhan niya; wala akong pakialam kung sinasabing mabagsik siyang kalaban. B
Stefano's povNABITAWAN ko ang aking cellphone nang marinig ko ang sinabi ng anak ni Katamura sa kabilang linya. Nanginig ako nang marinig kong pinagbantaan nito ang buhay ng aking anak. Nanlamig ang mga kamay ko na para bang may yelong dumadaloy sa aking mga ugat. Ang takot ko ay hindi ko maintindihan. Hindi ko magawang huminga nang maayos, ang bawat paghinga ko ay parang may tumutusok sa aking dibdib. Ang boses ng lalaking aking kausap ay malalim at puno ng poot ng galit. "Sinong kausap mo?" tanong sa akin ni Larry."Si Sa--rah," sagot kong hindi ko matuloy ang sasabihin."Anong nangyari sa kanya?" bulalas kaagad ni Larry. Hindi na kasi ako makagalaw."Binalikan siya ng anak ni Katamura.""This is what I'm telling you, Stefano!" bulalas pa nito at doon lamang ako nagising. Napatakbo na ako palabas ng opisina para umuwi at hinabol naman ako kaagad ni Larry. Takot na takot ako ng mga oras na yun. Nanginginig na ako. Ako na ang nagmaneho pauwi ng bahay sa kagustuhan na makauwi kaagad
Stefano's pov"Gusto ko rito, Daddy!" bulalas ni Sarah pagkababa pa lamang namin ng eroplano. "Dito na ba tayo titira, Daddy?"Ibinaba ko si Sarah. Tuwang-tuwa itong naglakad sa dalampasigan, habang sina Allegra at Yaya Melly ay tuwang-tuwa rin."Ito yata ang unang pagkakataon ko, Yaya Melly, na makaapak sa white sand," ani Allegra."Ako rin," sagot ni Yaya Melly kay Allegra. Hindi ko mapigilang mapangiti sa pag-uusap ng dalawa dahil parang mga bata rin ang mga ito.Kanina lamang ay balot ng takot ang mga puso ng mga ito pero ngayon ay nagagawa na nilang ngumiti dahil sa bagong tanawin."Dito na muna tayo pansamantala, anak. Malayo sa gulo at tahimik dito; walang manggugulo sa atin.""Pero, Daddy, huwag mo kaming iiwan dito. Kailangan ka namin. Paano kung bumalik ang mga 'bad' na iyon at pasabugin na naman nila ito? Ayokong mamatay, Daddy.""Sssshhh," saway ko kay Sarah. "Nandito na si Daddy, at hindi na babalik ang mga iyon. Sisiguraduhin 'yon ni Daddy sa'yo, okay? Kaya huwag ka nang
Allegra's POV"Fuck! Anong klaseng lugar ito? Wala man lang signal!" Ang sakit na ng mga kamay ko kakapindot, pero hindi ko pa rin matawagan ang pamilya ko. Nangangalay na ang kamay ko kakangat ng cellphone, pero wala pa ring signal. Kanina pa ako rito sa dalampasigan at parang tangang tumatalon-talon para makahanap ng signal."Anong ginagawa mo?" tanong ng boss ko. Ang boses nito ay nagpanginig sa akin... Napaharap ako bigla. "Sinong kausap mo?" ulit pa nito."Kausap?" Sagot kong natataranta. Para kasing si Kamahalan kung magsalita ang kaharap ko. Nakakatakot. Itinuro ni Sir Stefano ang cellphone ko. "Anong ginagawa mo sa cellphone? Hindi ba ginagamit 'yan para tumawag? So, sinong kausap mo?"Napakunot-noo ako. "I'm just trying to make a call, Sir, pero sabi n'yo nga po 'di ba, walang signal? Kaya kahit iangat ko pa ang kamay ko, at kahit umakyat pa ako ng bundok, mukhang wala pa ring signal!""Sino ba kasi ang tatawagan mo? Your boyfriend?""Excuse me po, Sir. Wala pa po akong boy
Allegra's pov Pinagmamasdan ko lang si Stefano habang nagluluto siya sa kusina. Hindi nabawasan ang kakisigan niya dahil sa pagluluto; habang pinagmamasdan ko siya, para siyang isang maskuladong chef. Nawawala na yata ako sa sarili dahil ang kaaway ko na dapat patahimikin ay nagugustuhan ko na ngayon. “You probably haven’t seen your bank account yet because you don’t have a signal, but I’ve already deposited the money I promised you. I know it’s not the amount you deserve, but I want you to use it. Kakailanganin mo ‘yan para sa pamilya mo.” Hindi ako nakaimik dahil sa sinabi ni Stefano. "Hindi ko naman kailangan ng malaking pera para mabuhay. Nabuhay naman kami sa simple lamang." "Alam ko iyon, lalo na’t masipag ka Allegra, pero tinutupad ko lang ang pangako ko… kabayaran ‘yan sa ginawa ko at sa patuloy kong gagawin sa’yo,” wika pa ni Stefano kaya napatitig ako sa kanya. Tamang-tama, tumingin din siya sa akin, at nagtama ang mga mata namin. Biglang lumakas ang tibok ng puso k
Allegra's povNatigilan si Allegra sa kakaibang titig ni Yaya Melly. Alam kong nagdududa na ito sa kaniya at kay Stefano. Kung si Sarah ay inosente, si Yaya Melly ay hindi."Nakita kong pumasok si Sir kanina," panimula ni Yaya Melly. "Ayaw ko sanang makialam, pero para ka na ring anak sa akin. Sa isang buwan mong pananatili rito, napalapit ka na sa akin," dagdag pa niya. Hindi nakasagot si Allegra. Hindi ko kayang makipagtitigan kay Yaya Melly dahil sa nadarama niyang pagka-guilty. "Hindi mo kilala ang amo natin, Allegra. Hindi siya ordinaryong tao. Matagal na akong naninilbihan sa pamilyang ito, at alam ko ang ginagawa ng mga amo natin. Alam ko ang trabaho niya. Kung anong klaseng lalaki siya. Hindi siya 'yung tipong nasa fairytale, at lalong hindi siya 'yung knight in shining armor. Sinasabi ko 'to hindi dahil sa langit siya at ikaw ay lupa, kundi dahil ayokong masaktan ka. Ito ang totoong mundo, Allegra. Bata ka pa, dalaga ka pa… Bakit mo kailangang pumayag sa gusto ni Sir?"Namum
Rey's povIn anger, I threw the glass of wine I was holding. I couldn't get in touch with Allegra. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ito gumagawa ng paraan para makausap ako. Nakausap ko naman ito ng makakuha ito ng signal pero ngayon ay hindi ko na ito ma-contact at kahit text ay wala akong matanggap mula sa babae na labis kong kinagalit. Pinukol ko ng masamang tingin ang ama ni Allegra ng ipatawag ko ito."Update?" sigaw ko. Halos manginig ito sa aking harapan dahil sa takot."Hin-'di rin po namin ma-contact si Allegra ngayon boss... Sa tingin ko ay wala talagang signal kung nasaan man siya," sagot ni Jess sa akin. "Fuck! Huwag niya lang susubukan na traydurin ako dahil hindi na kayo makakaalis ng buhay rito. Hindi niyo na makukuha pa ang kalayaan na gusto ninyo. This is your only last chance, Jess.""Hindi yun magagawa ni Allegra, Boss. Sigurado po ako na hindi na kayo ta-traydurin ng akin anak lalo na at alam niya nasa ka pa hamakan kami.""Dapat lang! Naiinip na ako. Nauub
Stefano’s povHINDI ko mapigilan ang hindi magtaka nang hindi ko makita si Allegra paggising ko. Si Yaya Melly lang ang nakita kong kasama ni Sarah na kumakain sa kusina.“Si Allegra?” tanong ko.“She’s sick, Papa,” sagot sa akin ni Sarah kung kaya napakunot nag aking noo.“Sick?” ulit ko pa.“Pinuntahan ko siya kanina at ang sabi niya ay masama raw ang kanyang pakiramdam kung kaya pinagpahinga ko na muna.”“Dinalhan ko po siya ng gamot, Papa,” ani pa ni Sarah.“That’s good, baby,” ani kong ginulo ang buhok ni Sarah. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit nag-alala ako nang malaman kong may sakit si Allegra.“Kumain na po kayo sir,” yaya sa akin ni Yaya Melly.“Sige,” sagot ko.Habang kumakain ay si Allegra ang nasa isipan ko. Hindi ito mawala-wala sa isip ko. Simula nang may nangyari sa amin sa treehouse ay hindi naging maganda ang aking paghihiwalay at hindi pa kami nakakapag-usap. Hindi ko na kasi ito pinigilan pa nang bigla na lamang itong umalis na tila ba nagising sa gin
Allegra's pov Mahinahon kong kinuha ang mga damit kong nakakalat sa treehouse at nagmamadaling nagbihis. Para akong sasabog sa pagmamadali para lang makalayo kay Stefano. Nakaupo lang ito sa higaan nakatingin sa akin. Tila wala itong balak na magbihis dahil nakahubot hubad pa rin ito.. Hindi man lang ako pinigilan nang bumaba ng treehouse, pero ayos na rin iyon dahil hindi ko rin kayang salubungin ang mga titig niya. Para akong nanghihina sa mga titig niya. Hindi ko lubos sa akalain na ibinigay ko ang aking iniingatang pagkababae kay Stefano. Nagpadala ako sa mga yakap at halik nito at ngayon ay natatarantang tumatakbo pabalik ng bahay na akala mo ay pinilit na ibigay ang sarili. Lumagpas ako sa hangganan ng aking trabaho. Nakalimutan ko na si Stefano ay parte lamang ng aking trabaho at hindi dapat pinagtutuunan ng pansin. Pagpasok ko ng bahay, wala sina Yaya Melly at Sarah. Mukhang tulog na sila sa kwarto nila kaya dali-dali akong pumasok sa kwarto ko. Ayokong maabutan ako ni Stefan
Walang tigil na sa pagliyad si Allegra dahil sa aking ginagawa... Ang daliri ko ay lumalabas pasok sa pagkababae nitong basang-basa pa rin. Sabik na sabik na akong magsanib ang aming mga katawan pero hindi ko kaagad magawa dahil sa excitement na aking nararamdaman. Sinusulit ko ang oras na magkasama kaming dalawa. Pakiramdam ko ay nag-aapoy ang aking katawan dahil sa init na aking nararamdaman. Ang mga hubad na katawan namin na tumatama sa bawat isa ay sobrang init. Nararamdam ko rin ang init sa katawan ni Allegra. Hindi sapat ang hangin na nagmumula sa maliit na bintana ng mga oras na iyon dahil tagaktak ang pawis ko habang patuloy sa pagpapaligaya sa babae. Nang hindi na ako makatiis ay umibabaw na ako kay Allegra..Napatitig ako sa mukha ng babae. Wala na akong makita pang pagtanggi sa mukha nito at tila hinihintay na ang pag-iisa ng aming katawan. "Are you ready?" tanong ko sa babae. Ang pagkalalaki ko ay tinutukso na ang lagusan nito at tila hindi na makapaghintay. "I will make s
Allegra's povHINDI ko na alam kung paano pa ako makakatakas sa maiinit na halik at haplos ni Stefano. Alipin na ako sa ginagawa ng lalaki at hindi ko na kaya pang tutulan ang ginagawa ng lalaki. Nababaliw na ako. Wala na akong ginawa kundi ang lumiyad sa tuwing na sinisipsip ng lalaki ang aking munting korona na wala pang karanasan."Ohhhh... Stefano," ungol ko. Napapasabunot ako sa buhok ng lalaki at pilit pa itong idinidiin sa aking dibdib. Hindi ko lubos akalain na ganito pala kasarap ang halik ng isang lalaki----pero si Stefano ay hindi lang basta lalaki. Ito ang misyon ko...May misyon akong dapat gawin kung kaya nasa tabi akongayon ng lalaki pero hindi kabilang sa misyon ko ang ibigay ang sarili rito.Tumigil si Stefano at tinitigan ako."May pagkakataon ka pang pigilan ako, Allegra," ani pa nito sa akin."Akala ko wala kang balak na pakawalan ako? Sabi mo nga hindi ba na wala akong choice?" tanong ko. Ngayon pa ba ako aatras kung kailan nakakaramdam na ako ng sarap? Hindi na ya
Stefano's povHindi na ako nakapag-isip ng mga oras na iyon lalo na at parang alipin ako ng aking nararamdaman. Nababasa ko ang pangamba sa mga mata ni Allegra pero wala na akong pakialam. Mabilis ko itong hinawakan sa braso at inilapit sa akin mukha. Naging mabilis ang aking paghinga. Maging ang pagtibok ng aking puso ay sobrang bilis na tila ba nakikipaghabulan sa aking paghinga."Sir," tinig iyon ni Allegra pero hindi ko na iyon pinansin mabilis ko itong hinawakan at marahas na hinalikan. Nang una ay hindi tinutugon ni Allegra ang aking mga halik pero hindi pa rin ako tumigil. Desidido akong ipagpatuloy ang aking ginagawa ..Ang dila ko ay naging malikot sa loob ng kanyang bibig at kahit pa tumututol si Allegra sa gusto ko ay hindi ako huminto hanggang sa tinugon na rin ito ang mga halik ko. Lihim akong napangiti dahil nagtagumpay akong maangkin ang labi nito. Aam kong wala pang karanasan sa paghalik si Allegra dahil sa paraan ng paggalaw ng labi nito pero madali itong matuto at sin
Stefano’s pov“WHERE ARE YOU?” gulat na bungad sa akin ni Larry nang tawagan ako nito. “Hindi kita makontak.”Nasa treehouse ako ng mga oras na iyon para kausapin ito. Sunod-sunod na phone calls ang ginawa ko.“I’m sorry.. Walang signal dito. Kailangan ko pa umakyat ng bundok para lang makausap ka at napakahirap gawin yun.”“Nasaan ka ba? Tell me… Pupuntahan kita.”“No… Huwag na, higit na kailangan ka diyan.”“No, Stefano… Kailangan mo rin ako diyan. Bakit ayaw mong sabihin kung nasaan ka?” tanong pa ni Larry sa akin.“Ang gawin mo nalang ay hanapin mo ang anak ni Katamura. I want him----dead.”“Nagtatago na siya ngayon. Ang asawa naman ni Katamura ay nasa ibang bansa na at hindi ko alam kung saang bansa. Mukhang pinaghandaan ito ni Xander Katamura.”Napakuyom ako sa aking kamao. Hindi pwedeng matakasan ako ng Xander Katamura.“Sigurado akong hinahanap ni Xander ngayon. Gusto niyang ipaghigante ang pagkamatay ng kanyang ama at ang pagkuha mo ng laboratory nila.”“Hindi ako natatakot,