author-banner
GABE
GABE
Author

Nobela ni GABE

MAFIA'S FATAL ATTRACTION

MAFIA'S FATAL ATTRACTION

Stefano Sarti, a prominent mafia leader known for his brutality but also a loving husband and father, saw his empire and his very self irreversibly affected by his wife's death. Ang konting awa na natitira sa kanyang puso ay nawala. Naging isa siyang mabangis at mapanganib na nilalang. Walang ibang ginusto kung hindi ang patayin ang kanyang mga kaaway at ang mga taong sumira sa kanyang buhay na naging dahilan kung bakit nawalan ng ina ang kanyang anak. His heart had been hardened for a long time until he met Allegra, the woman who turn his life around. Wala siyang ibang alam gawin kundi ang pumatay ng tao at lalong wala siyang plano na palitan ang kanyang asawa sa tulad ni Allegra na isa lamang clown pero hindi niya namalayan na napapangiti na siya ng babae. Hindi lamang ang anak niya ang napapasaya nito kung hindi maging ang kanyang puso. The woman he thought would change his life turned out to be a manipulative and deceitful player... She was a woman who pretended to be his ally, but the truth is, she was a spy sent to bring him down. Si Allegra ay isa sa nagplano para patayin ang kanyang asawa. Paano niya mamahalin at pagkakatiwalaan ang babaeng sumira sa kanyang buhay at pumatay sa kanyang asawa?
Basahin
Chapter: Payback
Xander's povNagtagis ang bagang ko dahil sa galit nang malaman ko ang ginawa ni Stefano Sarte sa aking ama. Labis akong nagalit nang tawagan ako ng aking ina para sabihin ang nangyari; si Stefano Sarte ang pumatay sa aking ama. Sino nga ba ang hindi makakakilala sa taong iyon? Hindi lang dahil sa pagiging mafia boss nito, kundi dahil ubod ito ng yabang. Pakiramdam nito sa sarili ay Diyos na makapangyarihan..Hindi ko maintindihan kung ano ang gusto niyang patunayan; lahat na lang yata ng negosyante sa Pilipinas ay kinukuha at pinapatay niya. Ayaw nito nang nalalamangan... Nabalitaan ko ring pinatay ang asawa nitong si Silvia Sarte, at wala itong nagawa dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nito alam kung sino ang pumatay sa asawa nito.Pero ano naman ang kasalanan ng ama ko para patayin nito? Pinatay niya ang ama ko na parang baboy, at hindi ko iyon mapapalagpas. At wala akong pakialam kahit isang batalyon ang tauhan niya; wala akong pakialam kung sinasabing mabagsik siyang kalaban. B
Huling Na-update: 2025-01-27
Chapter: The Devil's Bargain
Makalipas ang ilang oras, huminto ang van namin sa harap ng isang abandonadong gusali sa gitna ng kagubatan. Napatingin ako sa dalawang tauhan ni Katamura. Tumawag na rin ako ng ibang mga tauhan namin para maging handa kami kung sakaling may ibang tao sa lugar ni Katamura. Mabuti na ang maging handa kami para hindi kami mapasubo sa aming pagsugod. Ang hangad ko lang naman ay ang angkinin ang laboratoryo ng paggawaan ng droga at wala ng iba. Tiningnan ko ang dalawang tauhan ni Katamura."Huwag ninyong balakin na kalabanin ako dahil hindi ninyo magugustuhan ang gagawin ko," pagbabanta ko."Hindi po mangyayari iyon, Don Stefano. Nasa likod na po namin kayo," sagot ng isang tauhan ni Katamura."Marami kayang tauhan sa loob?" tanong ko."Tama lang po ang bilang ng tao sa loob. Ang mga gumagawa lamang ng droga at ilang nagbabantay. Dumadami lang ang tauhan kapag pumupunta si Mr. Katamura," sagot niya.Tumango ako. Kinausap ko ang aking mga tauhan, inihanda sila sa paglusob sa laboratoryo
Huling Na-update: 2025-01-26
Chapter: The fall of Katamura
Huli na para pigilan ko pa si Allegra dahil hinawakan na niya ang aking necktie para ayusin. Kanina ko pa kasi iyon inaayos, pero hindi ko magawa-gawa dahil sa pag-uusap namin. Napatitig na lamang ako sa kanyang mukha.“Huwag na po kayong magalit. Sanay naman po ako na ginagawa ko ito sa aking tatay. Ang totoo nga niyan, master ko na yata ang pag-aayos ng necktie,” nakangiting sagot sa akin ni Allegra. Ang distansya sa pagitan naming dalawa ay halos kalahating dangkal na lamang. Naamoy ko ang kanyang hininga, at alam kong naaamoy din niya ang akin, pero tila walang pakialam si Allegra. Para siyang inosenteng bata na hindi ko maintindihan. Ilang sandali pa, napatitig siya sa akin kaya hinawakan ko ang kanyang kamay. Bahagyan ko siyang inilayo sa mukha ko.“Hindi mo ako tatay para gawin mo ito sa akin. I'm your boss, Allegra, don't forget that.”“Tapos na po.”Hindi pinansin ni Allegra ang sinabi ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko noon. Ako na lamang ang tumalikod para umiwas sa kanya. P
Huling Na-update: 2025-01-25
Chapter: Intrusion
Hindi ko alam kung ano ang tatakpan ko nang makita ko ang isang babae sa tapat ng pinto ng aking opisina. Hindi na ako nakabalik pa sa aking kwarto dahil madalas naman akong nasa opisina ko at doon na ako natutulog. Sabay pa kaming napasigaw ng babae dahil sa pagkagulat. Mabilis kong hinila ang kumot sa kama upang itakip sa aking katawan. Ang pagkalalaki ko ay mukhang nagulat din dahil sa babae."Fuck! What the hell??? You don't even know how to knock, and you just barge into my room?" bulalas ko sa babaeng nakatakip pa rin ang mukha at nakatalikod sa akin. Pakiramdam ko ay namula ang buong mukha ko dahil sa nangyari. "Allegra, right?" tanong ko pa."Kanina pa po kasi ako kumakatok, Sir, pero wala namang sumasagot sa akin kaya po binuksan ko na ang pinto at pumasok na po ako," sagot ni Allegra."Pwede ka nang humarap," sagot ko sa babae, kaya dahan-dahan itong humarap sa akin. Wala pa rin akong pang-itaas na damit, pero ang pang-ibaba ko ay nakatakip na ng kumot. Kanina ay hindi ko ma
Huling Na-update: 2025-01-25
Chapter: Unexpected Encounters
Pagkalabas ni Allegra ay napangiti ako. Simula nang mamatay ang aking asawa ay ngayon lang ulit ako napangiti, at sa clown pa. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla akong na-curious kung ano ang itsura niya kapag hindi naka-costume.Sa halip na magtrabaho, lumabas ako ng opisina at bumaba. Nagising yata ako sa kapeng ininom ko at sa kakaisip sa clown kung ano ang itsura sa likod ng makapal nitong make-up. Naka-swimming trunks lang ako dahil plano kong mag-night swimming. Ugali ko nang magbabad sa pool kapag maraming iniisip habang umiinom. Mabilis akong lumusong sa pool pagkatapos kong ilagay sa gilid ng swimming pool ang alak na dala-dala ko. Salamat sa pinalagay kong solar heater sa pool para hindi ko maramdaman ang lamig. Pinagsawa ko ang katawan ko sa tubig. Gusto kong pagurin ang katawan ko sa paglangoy para paghiga ko ay matutulog na lamang ako. I grabbed a bottle of alcohol, poured some into a glass, and quickly drank it. Napapikit ako nang gumuhit sa lalamunan ko ang tapang n
Huling Na-update: 2025-01-24
Chapter: A Name Revealed
Napailing ako. Sa tulad naming mga illegal ang negosyo ay hindi mo masasabi ang tunay na dahilan kung bakit namatay. Kalokohan kung heart attack nga ang ikinamatay ni Mr. Agaton.“Hindi ba nila kilala ang Sarte Organization? Kung kilala nila, alam kong hindi sila magdadalawang-isip na ibaba ang presyo nila. Mukhang baguhan lang naman ang Catamora na yan sa negosyo at kaibigan pa kamo ni Agaton. Nakakapagtaka lang.”“Naisip ko rin yan, Don, pero wala naman na tayong pakialam sa mga ganyan. ““You're right, but if we can get Catamora's lab, everything will be easier. We'll have the largest drug supply in the Philippines. Sa tingin ko naman ay kilala nila ang mga Sarte.”“Sino ba naman ang hindi makakakilala sa Sarte? Kilala tayo dito sa Pilipinas, at walang pwedeng gumalaw sa atin. Walang pwedeng kumalaban.”“Yun nga, Larry. Walang pwedeng kumalaban sa atin. Pero ano’ng nangyari? Nasalisihan nila tayo. Mahina tayo dahil hindi natin iyon napaghandaan. Binalian nila ako ng pakpak kaya lah
Huling Na-update: 2025-01-21
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status