💔💔💔💔💔
Hindi ako nakapagsalita. Wala akong mahimigan na pagsisinungaling sa tinig niya. Ganitong-ganito siya noon sa akin pero nasaktan na ako kaya ayokong magpadala. "Intensyon mo man o hindi, wag mo ng uulitin 'yon. Hindi mo ba inisip ang reputasyon mo? Gusto mo bang pagtawanan ka nila dahil nagkaanak ka sa panget na katulad ko? Isipin mo naman ang nararamdaman ni Rayana, Laxus--- "Fvck Rayana and everyone! Stop calling your self ugly cause you're not. Hindi ka panget sa paningin ko." Tumulo ang luha ko. "H-Halimaw lang gano'n?" "Kiray--- Galit ko siyang tiningnan. "Ano? Tama naman di'ba? Hindi mo na kailangan ipasampal sa akin 'yan dahil alam ko naman na ganyan ang tingin mo sa akin." Naalala ko ang mga sinabi niya sa akin noon. Hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin ako kapag naaalala ko 'yon. Pinahid ko ang luha ko at tumalikod sa kanya. Ayokong makita ang mukha niya. Mukhang nasasaktan kasi ito at nagsisisi, mukhang dinadaya ako ng paningin ko. "M-Maghahanap ako ng ibang hotel n
“Hindi naging masaya? Nagpapatawa ka ba?” Inis na hinarap niya ito. “Ano ang gusto mong palabasin ngayon? Na ako pa ang dahilan kaya hindi ka sumaya?” Puno ng sakit at hinanakit na tiningnan ko siya. “Hindi ba ‘yon naman ang gusto mo? Ang iwan ka namin ng anak mo at maglaho sa buhay mo? Kung hindi ka naging masaya, sisihin mo ang sarili mo. It’s your fault anyway.” Tinalikuran ko siya dahil baka ano pa ang masabi ko sa kanya. Ayoko naman na palaging kaming ganito, nag aaway sa harap ng bata. “Wala akong anak na halimaw!” Uminit na naman ang ulo ko ng maalala ‘yon. Hindi siya naging masaya kasi hindi sila nakasal ni Rayana? Well karma na iyon sa kanya. Kinabukasan akala ko ay hindi na tatayo si Laxus para lapitan ako dahil sa mga sinabi ko sa kanya kahapon pero mali ako. Tumayo siya buhat si Mumu, pero this time ay tumikim lang siya at hindi nagkomento. Hanggang sa umabot ang huling araw ng contest hindi na kami nakapag usap. Kapag sinusubukan nitong lapitan ako ay umiiwa
Wala sa sariling nakatingin lang ako sa kanya. Pinoproseso pa rin ng utak ko ang mga sinabi niya. Gusto kong sabihin na nabibingi lang ako, na epekto lang ito ng pagod ko. Na baka ito lang ang gustong marinig ng tenga ko. Pero ng makita ko ang sinseridad at nakikiusap nitong mga mata ay alam kong tama ang narinig ko, hindi ako nabibingi lang. ‘Come back to me my queen’ May kung anong pakiramdam na gumapang sa puso ko. Palagi kong sinasabi na hindi ko na siya mahal at nakamove in na ako. Na kinalimutan ko na siya simula ng matauhan ako. Pero ano itong pamilyar na pakiramdam sa dibdib ko. “Kiray…” Tawag nito sa akin ng pumiksi ako, dahilan para maalis ang kamay nito sa braso ko. “Please, Laxus. Tigilan mo nga ako. Kung taktika mo ito para makuha ang anak ko… neknek mo ulit. Pag usapan nalang natin ang tungkol sa custody sa susunod. Sa ngayon wala akong lakas para makipag argumento sayo, pagod ako.” Dali-dali ko siyang iniwan. Baka kung ano pang flowery words ang sabihin
(Kiray pov) Napanganga ako ng makita ang napakaraming gamit sa tapat ng bahay ko. Paranh may maglilipat bahay. Teka kanino kaya ang mga ‘to? Hindi ko naman natandaan na nagpapaupa ako. “Manong, sandali lang ho. Baka nagkamali kayo ng pinagdeliveran nitong mga ‘to, wala po akong natandaan na may lilipat sa bahay ko ngayon.” Saka kung meron man dapat ay alam ko. Tumingin ang driver sa hawak nitong papel bago tumingin sa akin. “Tama naman ang address na nakalagay dito, ma’am. Kung gusto mo tawagan mo nalang si Sir. Siya nalang ang kausapin mo. Papunta na rin naman siya dito ngayon.” Ani nito bago umalis kasama ang limang paynante. Sir? Pagkalapag ko kay Mumu sa crib ay nakarinig ako ng busina sa labas. Akala ko ay bumalik ang truck para kumpirmahin na tama ang sinabi ko kanina. Pero laking gulat ko ng makita ang isang malaking van sa labas. Mula rito ay bumaba si Laxus na nakapormal attire pa. Suot ang dark blue coat na pinailaliman ng white polo, black pants at black leather
(Kiray po) Napasinghot ako ng makaamoy ng nasusunog. Nakita ko na may makapal na usok na nanggaling sa kusina kaya nagmamadali akong tumakbo papunta dito. “Anong…” nagbukas-sara ang ilong ko ng makita si Jigs na naka apron habang nagluluto. “Jigs, ano ang ginagawa mo dito ngayon?” May alanganing ngiti na binati ako nito. “Madam, good morning.. Ako kasi ang nakatokang magluto ngayon. Nakalimutan ko hindi nga pala ako marunong magluto h-hehe.” “Ate Kiray! Ate Kiray! Si Manang!” Humahangos na dumating si Nene kasama si Ren, parehong namumutla ang dalawa. “Si Manang, masakit ang likod hindi na makatayo!” Natampal ko ang noo ko. Hindi ko alam kung ang nasusunog ba naming kusina o si Manang ang uunahin ko. ‘Hindi sila magpapabigat.’ Ito ang sinabi nila sa akin bago tumira sa bahay ko. Hindi nga sila nagpapabigat pero sakit naman sa ulo ang dala nila. Una, si Jigs. Ang galing nito sa baril pero hindi marunong maglinis at magluto. Ilang beses ng muntik masunog ang bahay ko dahil di
Nagmamadali akong magluto para makakain na kami. Alam ko kasing pagod ito. Napahinto ako sa paghalo ng niluluto ko ng maramdaman ang titig nito. Paglingon ko ay tama ako, nakatingin ito. Ang mas kinagulat ko ay nasa harapan ko na ito. Hindi ko man lang namalayan ang paglapit nito. “I’m sorry…” Hindi ako kumibo. Sa loob ng isang linggo ay walang araw na hindi siya humihingi ng tawad sa akin. Alam kong sincere siya pero may parte sa puso ko na natatakot at ayaw maniwala. Masakit kasing umasa at sa huli ay masasaktan ka lang pala. “Kiray…” Isa pa ‘to. Sa tuwing tatawagin niya ako sa pangalan ko ay nanlalambot ako. Pinipilit ko lang na wag ipahalata na apektado ako. “Bakit kapag pinatawad ba kita aalis ka na?” Natigilan ito. “So hindi pa rin pala—“ “I’m not here just because i want you to forgive me.” Natigilan ako. Gusto kong iiwas ang mata ko sa malamlam na titig niya at wag magpaapekto sa nakikita kong lungkot sa mata niya pero hindi ko magawa. Si Laxus—kaya niyan
“Ha? Si Maureen ang babaeng ‘yon?” Nang tumango si Laxus ay napaawang ang labi ko. Si Maureen ay nagpanggap na si Rayana? Katulad ng ginawa ko ay nagpanggap din ito? “Walang hiyang Maureen ‘yan… akala ko matalik na kaibigan siya ni Rayana pero hindi pala… pati si Mommy Nissa ay sinubukan niyang lokohin.” “Actually, isang linggo ng mawala ka ay kinausap ako ni Mrs. Solante. Alam niya no’ng una palang na huwad si Maureen.” Natigilan ako. Kung gano’n bakit niya tinanggihan ang pagsamo ko? Natatandaan ko pa noon, nagmakaawa ako sa kanya. Pero tinanggihan niya ako dahil sa pekeng Rayana. “Sinabi ba niya ang dahilan?” Tumango si Laxus. “Yes. Sinabi niya sa akin na iyon ang nararapat… ang bumalik ka sa tunay mong katauhan at mahalin kita sa kung sino ka talaga.” “S-sinabi niya ‘yon?” Hindi ako makapaniwala. Akala ko ay pinili niya talaga ang pekeng Rayana. Pinag isipan ko pa siya ng masama. “Patawad, Kiray… patawad kasi huli na kita binalikan. Maniwala ka, ilang beses kong
(Kiray pov) Pagkatapos maligo ay nagwisik ako ng pabango. Gabi na at nagpasya kami na matulog sa iisang kwarto ni Laxus kasama si Mumu. “Hmm… ang bango ko na.” Katatapos ko lang maligo at magpaganda. Talagang naghilod ako ng maayos at sinigurong malinis at mabango ako para sa kanya. ‘Sinabi ko naman, di’ba? Kakainin ko siya mamaya.’ Napahagikgik ako sa isip ko habang naglalagay ng lipstick sa labi ko. Hindi ko mapigilang matawa sa sarili ko. Gabi na at patulog nalang ay nagpapaganda pa rin ako. Ilang araw na akong nagpipigil, kaya magpipigil pa ba ako? Siyempre hindi na. Saka alam kong pareho naman kami ni Laxus na sabik sa isa’t isa. Eh kanina nga halos ayaw na ako nitong lubayan ng tingin. Kulang nalang ay lapain ako nito sa lagkit ng titig nito sa akin. Bago lumabas ng banyo ay kumindat pa ako sa salamin. Natawa ako. Para na akong baliw. Paglabas ko ay napahawak ako sa dibdib. “L-Laxus naman, wag ka naman manggulat. Aatakihin ako sa ginagawa mo, eh.” “Oh, I’m sorry.” Mahi
“Salde, halika ka, anong oras na.” Madilim na ang langit kaya tinawag na ni Letty ang asawang si Salde, na ngayon ay nakatanaw sa lumang bahay nilang mag asawa. Bumuntonghininga ang ginang. “Wala na tayong magagawa pa, Salde. Kasalanan natin ‘to. Kung hindi tayo naging ganid ay hindi masisira ang pamilya natin. Hindi rin sana magagalit sayo ang mga anak mo.” Nang muntik ng makunan si Saddie at nalaman ni Stephanie ang ginawa nilang mag asawa ay nasuklam ito. Lalo na nang malaman nito na noon ay naging kabet siya ni Salde at dahilan ng pagkasira ng pamilya nito. All this time, buong akala ng kanilang anak ay anak lamang sa pagkabinata ni Salde si Saddie. Nagsingaling si Letty at hindi naman siya itinama ni Salde. Kaya lumaki ang kanilang panganay na hindi alam ang totoo. Nakadama ng kalungkutan si Letty ng maalala ang anak, maging si Salde ay puno ng pagsisisi na naluha. “Wag mo akuin ng mag isa ang kasalanan, Letty. Bilang ama ay napakalaki ang pagkakamaling nagawa ko. Hindi lang
(Morgan pov) “Wala pa rin nahuling driver! Hindi ba nakapagtataka? Apat na beses ka ng muntik maaksidente pero wala naman driver ang mga sasakyan na muntik makabangga sayo. Aksidente ba talaga ‘to o sinadya? Saka lahat ng sasakyan na ginamit ay unidentified at hindi kilala kung sino ang may ari!” “The cctv footages? Did you check it?” “Oo, pero katulad no’ng nauna ay blindspot at hindi naabot ng cctv ang mga nangyari.” Pinigilan ko ang magmura ng malakas. Ayoko kasing magising si Saddie ngayon na mahimbing na natutulog. “Mag imbestiga ka. Sigurado na may maiiwang butas ang may pakana ng ito. Ireport mo agad sa akin ang malalaman mo.” Utos ko rito bago binaba ang tawag. I clenched my fist. Tama si Jerome. Nakapagtataka na apat na beses itong nangyari. Sa una ay iisipin mong aksidente ang lahat. Pero ng marinig ko ang huling sinabi nito ay napaisip na ako. This is not a fvcking incident —plano ito at sinadya. Ngunit sino ang gagawa nito? Naningkit ang mata ko ng may hin
(Saddie pov) Hinaplos ko ang sugat ni Morgan sa kilay habang nagpapasalamat sa diyos dahil ligtas ito. Buti nalang at hindi malubha ang tinamo nito. Kundi ay baka hindi lang gasgas ang natamo nitong mga sugat. Nang masiguro kong tulog na ito ay saka ako tumayo para kunin ang ointment na nireseta ng doktor para sa sugat nito. Pagkatapos lagyan ng ointment ang sugat nito ay kinumutan ko ito bago lumabas ng kwarto. “Masakit pa rin ba ang tiyan mo, iha?” Tanong ni mommy Kiray ng masalubong ko ito. May dala itong gatas para sa buntis. Dahil tulog si Morgan ay sa sala muna kami tumuloy. “Pasensya ka na sa nangyari, iha. Dapat ay nakinig ako kay Morgan. Hindi ka sana mawawalan ng malay kung sinunod ko ang sinabi ng anak ko.” Puno ng pagsisisi na sabi nito. Pagkalapag nito ng gatas ay hinawakan ko ang kamay nito. “Mommy, hindi mo kailangan humingi ng tawad, wala ka pong kasalanan. Ang totoo nga po ay nagpapasalamat ako dahil sinabi niyo sa akin. Dahil kung hindi ay baka hindi ko nalam
(Saddie pov) Halatang kinakabahan si Stephanie na makaharap si mama kaya hinawakan ko ito sa kamay. “Wag kang matakot, hindi nangangagat si mama.” Biro ko dito. Natawa ito ng bahagya. Pagkabukas ng pinto ay nakangiting sinalubong kami ni mama. Halatang nagulat pa si Stephanie dahil sa mainit na pagsalubong dito ng mama ko. “M-magandang hapon po, tita. P-para nga po pala sa inyo, herbal tea. Nalaman ko po kasi na kagagaling niyo lang sa sakit.” “Maraming salamat, iha. Nag abala ka pa. Halika maupo muna kayo ng kapatid mo.” Sumunod kami kay mama ng magpatiuna ito sa paglalakad. Habang naglalakad kami ay panay ang siko sa akin ni Stephanie. Halatang kabado pa rin ito na harapin ang mama ko. Hindi ko ito masisisi. Kasi kung ako ang nasa kalagayan nito ay baka gano’n din ako. Pagdating namin sa sala ay umupo kami. Naabutan pa nga namin na naglalaro ang mga stepbrother ko. Wala si tito ngayon dahil nasa trabaho ito kaya sila lang ang nasa bahay ngayon. “N-naku tita maraming s
“Hindi mo ba sasagutin?” Tanong ko kay Stephanie. Nandito kami ngayon sa isang restaurant at kumakain. Bigla nalang kasi ito nag alok na ililibri ako ng lunch. Gusto daw nito makabonding ako kahit minsan sa labas. Hindi na ako nagpasama kay mommy Kiray at mama dahil sinundo naman ako nito kanina sa bahay. Bumuntonghininga ito. Kanina pa kasi nagriring ang cellphone nito sa tawag nila papa at tita Letty. Mukhang hanggang ngayon ay wala itong balak makipag usap sa magulang nito. “Saddie, hindi kasi madaling gawin ‘yon. Hindi pa sa ngayon. Teka nga pala. Diba may lakad ka ngayon? Samahan na kita.” “Ah oo nga pala. Sigurado ka ba? Baka kasi mamaya makaistorbo ako sa pasok mo.” “Naku hindi. Day off ko ngayon. Saka naboboring ako sa inuupahan ko eh. Kaya sasamahan na kita.” Kinawit nito ang kamay sa braso ko. “May gwapo ba sa pupuntahan natin? Baka meron, single ako at pwedeng-pwede ireto.” “Lokoloko ka. May dadalawin lang ako. Saka may kukunin ako sa bahay.” Tingnan mo ‘tong bab
“Happy birthday, Mumu!” Natawa kami nila mommy ng sumimangot ito. Paano ay sinuprise namin ito gamit ang kids party. Eh wala kasi kaming ibang maisip ni mommy Kiray. Kaya ito ang naisip namin para maiba naman. “Happy birthday, Mumu… happy birthday, Mumu… happy birthday happy birthday… happy birthday to you!!!” Sabay naming kanta ni Mommy, habang sila daddy Laxus at Kirl ay natatawang umiiling sa gilid. “Hipan mo na ang kandila anak. Pero bago ‘yon ay mag wish ka muna.” “Mom!” “Oh bakit? Sasabihin mo na naman na hindi totoo ‘yon? Aba tingnan mo, nakapag asawa ka ng katulad ni Saddie dahil ‘yon anh wish mo noong bata ka. Hindi lang maganda ang naging asawa mo, mabait at mapagmahal pa. Kaya sige na, magwish ka na.” Pamimilit dito ng mommy nito. Napapailing nalang na sumunod ito. Wala din kasi kaming balak na tigilan ito. Nakangiting lumapit ako sa kanya at nilagay sa ulo niya ang birthday hat na may character pa ni Mickey mouse. “Ano ang winish mo, Mumu? Hindi naman
(Saddie pov) bumuntong hininga ako habang nakangalumbaba na nakatingin sa cake na ginawa ko. Dalawang aras na akong nagpapractice na gumawa ng cake pero hindi ako natututo. Sinunod ko naman ang mga binilin sa akin ni mommy Kiray. Tumatawang nilapitan ako ni mama. “Anak, isang linggo pa naman ang birthday ng asawa mo. May pitong araw ka pa para mag aral.” “Paano kung hindi pa rin masarap ang gawa ko?” Ngumuso ako ng tumawa ito. Nawawalan na kasi ako ng pag asa na sasarap ang gawa ko. “Masarap man ‘yan o hindi ang mahalaga anak ay nag effort ka. Sigurado ako na magugustuhan ni Morgan anuman ang ibigay mo sa kanya. Saka sa palagay ko ay wala na siyang hihilingin pa ngayon dahil dito.” Sabay himas nito sa nakaumbok kong tiyan. Napangiti ako. Tama si mama. Sigurado na kahit ano ang ibigay ko ay maa-appreciate ng asawa ko. Nandito ngayon si mama dahil wala si mommy Kiray para samahan ako. Saka gusto nito na maalagaan din ako habang buntis ako dahil nga maselan ako. Malaki na
(Saddie pov) Tumingin ako sa salamin. Medyo nahahalata na ang tiyan ko. Mag aapat na buwan na rin pala ang pinagbubuntis ko. Lumapit si Morgan sa akin at hinapit ako. “Are you ready?” “Medyo. Pero kinakabahan pa rin ako.” First time ko kasi na dadalo sa isang Business event na kasama si Morgan. Annual party kasi ng kumpanya kaya kinakailangan na dumalo ang mga King. Ayoko sanang sumama dahil hindi naman ako sanay na dumalo sa malaking pagtitipon na gaya no’n. Pero mapilit si Morgan. “Relax, my love. Isa ka na ngayong King kaya madalas na tayong pupunta sa mga event na kagaya nito ng magkasama. Don’t be nervous… nasa tabi mo lang ako. Saka wala namang kakain sa’yo do’n.” Tawang biro nito. Ngumuso ako. “Alam mo naman na hindi ako marunong makipag socialize.” Sagot ko rito. Naglakbay ang asul nitong mata sa kabuohan ko. Nakasuot kasi ako ngayon ng Peplum Blue dress na halos umabot sa talampakan ang haba. Kahit medyo bukol na ang tiyan ko ay napakaganda ko pa rin sa suot ko.
Nagulat si Morgan pagdating dahil sinabi ko dito na nagluto ako para sa kanya. “Niluto mo ang lahat ng ito?” Gulat na tanong nito. Nang tumango ako ay nag isang linya ang kilay nito. “Hindi ba sinabi ko na sayo na huwag mong pagurin ang sarili mo?” “Ngayon lang naman, Mumu. Matagal na rin kasi no’ng pinagluto kita kaya nagluto ako para sayo. Wag ka ng magalit please…” Sobrang saya ko kasi matapos mapanood ang interview rito. Kaya naisip ko na paglutuan ito. Kahit man lang dito ay makabawi ako sa ginawa nito. Malambing na yumakap ako rito at nagpapacute na tumingala rito. Nahihiya man akong magpacute dahil ang tanda ko na ay kailangan kong gawin. Epektib naman ang ginawa ko dahil bumuntonghininga ito at gumanti sa akin ng isang mahigpit na yakap. “May nangyari ba? You look happy…” puna nito ng mapansin na hindi mawala ang ngiti sa labi ko. “Kasi ano… napanood ko ‘yung interview sayo. Ikaw ha, hindi mo man lang sinabi sa akin na magpapa interview ka. Kung hindi pa nabanggit ng mo