LIKE 👍
Nagmamadali akong magluto para makakain na kami. Alam ko kasing pagod ito. Napahinto ako sa paghalo ng niluluto ko ng maramdaman ang titig nito. Paglingon ko ay tama ako, nakatingin ito. Ang mas kinagulat ko ay nasa harapan ko na ito. Hindi ko man lang namalayan ang paglapit nito. “I’m sorry…” Hindi ako kumibo. Sa loob ng isang linggo ay walang araw na hindi siya humihingi ng tawad sa akin. Alam kong sincere siya pero may parte sa puso ko na natatakot at ayaw maniwala. Masakit kasing umasa at sa huli ay masasaktan ka lang pala. “Kiray…” Isa pa ‘to. Sa tuwing tatawagin niya ako sa pangalan ko ay nanlalambot ako. Pinipilit ko lang na wag ipahalata na apektado ako. “Bakit kapag pinatawad ba kita aalis ka na?” Natigilan ito. “So hindi pa rin pala—“ “I’m not here just because i want you to forgive me.” Natigilan ako. Gusto kong iiwas ang mata ko sa malamlam na titig niya at wag magpaapekto sa nakikita kong lungkot sa mata niya pero hindi ko magawa. Si Laxus—kaya niyan
“Ha? Si Maureen ang babaeng ‘yon?” Nang tumango si Laxus ay napaawang ang labi ko. Si Maureen ay nagpanggap na si Rayana? Katulad ng ginawa ko ay nagpanggap din ito? “Walang hiyang Maureen ‘yan… akala ko matalik na kaibigan siya ni Rayana pero hindi pala… pati si Mommy Nissa ay sinubukan niyang lokohin.” “Actually, isang linggo ng mawala ka ay kinausap ako ni Mrs. Solante. Alam niya no’ng una palang na huwad si Maureen.” Natigilan ako. Kung gano’n bakit niya tinanggihan ang pagsamo ko? Natatandaan ko pa noon, nagmakaawa ako sa kanya. Pero tinanggihan niya ako dahil sa pekeng Rayana. “Sinabi ba niya ang dahilan?” Tumango si Laxus. “Yes. Sinabi niya sa akin na iyon ang nararapat… ang bumalik ka sa tunay mong katauhan at mahalin kita sa kung sino ka talaga.” “S-sinabi niya ‘yon?” Hindi ako makapaniwala. Akala ko ay pinili niya talaga ang pekeng Rayana. Pinag isipan ko pa siya ng masama. “Patawad, Kiray… patawad kasi huli na kita binalikan. Maniwala ka, ilang beses kong
(Kiray pov) Pagkatapos maligo ay nagwisik ako ng pabango. Gabi na at nagpasya kami na matulog sa iisang kwarto ni Laxus kasama si Mumu. “Hmm… ang bango ko na.” Katatapos ko lang maligo at magpaganda. Talagang naghilod ako ng maayos at sinigurong malinis at mabango ako para sa kanya. ‘Sinabi ko naman, di’ba? Kakainin ko siya mamaya.’ Napahagikgik ako sa isip ko habang naglalagay ng lipstick sa labi ko. Hindi ko mapigilang matawa sa sarili ko. Gabi na at patulog nalang ay nagpapaganda pa rin ako. Ilang araw na akong nagpipigil, kaya magpipigil pa ba ako? Siyempre hindi na. Saka alam kong pareho naman kami ni Laxus na sabik sa isa’t isa. Eh kanina nga halos ayaw na ako nitong lubayan ng tingin. Kulang nalang ay lapain ako nito sa lagkit ng titig nito sa akin. Bago lumabas ng banyo ay kumindat pa ako sa salamin. Natawa ako. Para na akong baliw. Paglabas ko ay napahawak ako sa dibdib. “L-Laxus naman, wag ka naman manggulat. Aatakihin ako sa ginagawa mo, eh.” “Oh, I’m sorry.” Mahi
(Laxus King pov) Pagkatapos magsindi ng isang stick ng sigarilyo, bumuga ako ng usok habang nakatingin sa labas ng bintana ng sasakyan. Pinapakalma ko ang sarili ko na huwag sumabog sa galit. Katatapos ko lang makipag-usap sa tauhang inutusan kong hanapin sila Zack. At hanggang ngayon ay hindi pa rin natatagpuan ang mag ina kasama si Joffrey. Those rats! Masyado silang magaling magtago, nagawa nilang takasan kahit sila Kairo na naghahanap dito. “Mr. King, nag aalala ako kina Madam at Mumu. Mas mabuti siguro na umalis muna kayo ng bansa.” Hindi nakaligtas sa mata ni Jigs ang labis na galit sa aking mukha. “No. We are staying here. I will kill those rats before they can lay their dirty finger on my wife and child.” Unti-unti ng natutupad ni Kiray ang mga pangarap nito. Soon ay magbubukas na ang Pastry Coffee Shop nito kasosyo si Zues, nakapagpatayo na rin ito ng dalawang Groceries Store, at nakapagdagdag ng pwesto sa palengke. And I know those decisions will surely break my w
“Wag ka na magselos, patay na kaya yung tao. Saka sandali nga muna—“ tinulak ako ni Kitay. “Bago mo ako kainin, pwede bang sabihin mo muna sa akin kung saan galing ‘to?” Tanong nito sabay haplos ng tatlong bagong pilat sa dibdib ko. “N-nabaril ka na naman ba?” Nanubig ang mata nito ng hindi ako sumagot. “Isa lang ang hiling ko, Laxus. Alam mo naman ‘yon di’ba? Ang gusto ko ay palagi kang ligtas. Alam kong delikado ang uri ng trabaho mo. K-kahit ayaw ko na ipagpatuloy mo ang pagiging Mafia mo, tinanggap ko kasi mahal kita. I-isa lang ang hiling ko, wag mo sanang akong hayaan na mamatay ako sa pag aalala. W-wag mong hayaan na masaktan ka.” Isa ito sa rason kaya hindi agad ako bumalik sa mag ina ko—inayos ko ang lahat bago ko binitiwan ang magulong mundo na ayaw ni Kiray Masuyo ko itong tiningnan sa mata. “From now on, you don't have to worry, Queen. This is the last scar you will see on my body. There's no more dangerous work from now on, no more illegal businesses to attend to, an
“Wait, pwede na ba sa ganito si Mumu?” Tanong ni Laxus. Tumango ako sa kanya. “Wag kang mag alala, pwede ng kumain ang mahigpit 6months old na baby. Saka banana cake naman ‘yan, kaya okay lang.” Sagot ko rito. “No. Nag search ako about babies, hindi pa sila pwede kumain ng ganito. Infant cereal lang ang pwede sa kanila.” Tumayo si Laxus ay may kinuha sa kabinet, mula rito ay may nilabas itong maliit na infant food. “There you go, come to daddy, Mumu. Let me feed you.” Bumili pala ito ng mga infants food para kay Mumu. Sa lugar namin hindi kami maselan kaya hindi ako nababahala. Pero kapag nakikita ko na ganito kaalaga at kasigurista pagdating sa anak namin ay natutuwa ako. Noong una ay nahihirapan ito sa pag aalaga kay Mumu. Pero ngayon ay sanay na sanay na ‘to katulad ko. Pareho kaming natawa ni Laxus ng makatulog si Mumu na marungis pa habang nasa walker niya. Bubuhatin ko sana ito pero pinigilan ako ni Laxus. “Ako na ang bahala sa kanya.“ binuhat nito si Mumu at dinala s
(Kiray pov) Maaga akong nagising para maghanda sana ng aming almusal. Pero laking gulat ko ng pagdating ko sa kusina ay naabutan kong naghahanda na si Laxus ng breakfast namin. “Good morning, Queen.” Agad ako nitong nilapitan at hinalikan sa labi. Pinaghila pa ako nito ng upuan para paupuin. “Ang aga mo yata ngayon.” Nakangiting puna ko sa kanya. Nginitian niya ako bago naglapag ng mainit na gatas sa mesa. Naglapag din ito ng pancake na may chocolate syrup sa harapan ko bago umupo umupo sa upuang nasa harapan ko. Hindi ko maalis ang tingin ko sa gwapo nitong mukha habang inaasikaso niya ako. Hindi talaga ako makapaniwala na mamahalin ako ng katulad ni Laxus na pekpekto sa lahat ng bagay. Ang swerte ko dahil nasungkit ko ang puso ng katulad niya. Sinong mag aakala na ang katulad niya na matigas ang puso ay lalambot dahil sa pagmamahal. Nang tumingin siya sa akin at mahuli akong nakatingij ay nginitian niya ako. Namula ako dahil huling huli nito ang titig ko. “Go on, Queen
Maganda na ang buong gusali at mukhang bagong renovate. Malayo na ito sa nakakatakot at mukhang abandonang gusali na nakita ko noon. Napaawang ang aking labi ng makita ang mga letrang nakaukit sa taas ng gusali. ‘Kiray’s Pastry Shop’ “Laxus…” Hinalikan ni Laxus ang aking kamay. “I hope you like it, mahal kong reyna. I bought this place for you. Naalala ko kasi noon na sinabi mo na gusto mong magkaroon ng Pastry shop na malayo sa maingay at mataong lugar dahil gusto mo ng Pastry shop na makakapag relax ang mga costumers mo habang kumakain ng mga gawa mo. Sana nagustuhan mo ang sopresa ko sayo.” Masuyong wika nito habang hawak na ang kamay ko. Nanubig ang mata ko. Akala ko ay hindi ako pinapakinggan noon ni Laxus. Hindi kasi ito nagsasalita sa tuwing sinasabi ko ang tungkol sa aking mga plano in the future. Iyon pala ay nakikinig siya sa mga sinasabi ko. “Hey,” kinabig ako nito ng umiyak ako. Lumawarana ng pag aalala sa mukha nito ng magsalita. “Hindi mo ba nagustuhan ang d
(Saddie pov) Hinaplos ko ang sugat ni Morgan sa kilay habang nagpapasalamat sa diyos dahil ligtas ito. Buti nalang at hindi malubha ang tinamo nito. Kundi ay baka hindi lang gasgas ang natamo nitong mga sugat. Nang masiguro kong tulog na ito ay saka ako tumayo para kunin ang ointment na nireseta ng doktor para sa sugat nito. Pagkatapos lagyan ng ointment ang sugat nito ay kinumutan ko ito bago lumabas ng kwarto. “Masakit pa rin ba ang tiyan mo, iha?” Tanong ni mommy Kiray ng masalubong ko ito. May dala itong gatas para sa buntis. Dahil tulog si Morgan ay sa sala muna kami tumuloy. “Pasensya ka na sa nangyari, iha. Dapat ay nakinig ako kay Morgan. Hindi ka sana mawawalan ng malay kung sinunod ko ang sinabi ng anak ko.” Puno ng pagsisisi na sabi nito. Pagkalapag nito ng gatas ay hinawakan ko ang kamay nito. “Mommy, hindi mo kailangan humingi ng tawad, wala ka pong kasalanan. Ang totoo nga po ay nagpapasalamat ako dahil sinabi niyo sa akin. Dahil kung hindi ay baka hindi ko nalam
(Saddie pov) Halatang kinakabahan si Stephanie na makaharap si mama kaya hinawakan ko ito sa kamay. “Wag kang matakot, hindi nangangagat si mama.” Biro ko dito. Natawa ito ng bahagya. Pagkabukas ng pinto ay nakangiting sinalubong kami ni mama. Halatang nagulat pa si Stephanie dahil sa mainit na pagsalubong dito ng mama ko. “M-magandang hapon po, tita. P-para nga po pala sa inyo, herbal tea. Nalaman ko po kasi na kagagaling niyo lang sa sakit.” “Maraming salamat, iha. Nag abala ka pa. Halika maupo muna kayo ng kapatid mo.” Sumunod kami kay mama ng magpatiuna ito sa paglalakad. Habang naglalakad kami ay panay ang siko sa akin ni Stephanie. Halatang kabado pa rin ito na harapin ang mama ko. Hindi ko ito masisisi. Kasi kung ako ang nasa kalagayan nito ay baka gano’n din ako. Pagdating namin sa sala ay umupo kami. Naabutan pa nga namin na naglalaro ang mga stepbrother ko. Wala si tito ngayon dahil nasa trabaho ito kaya sila lang ang nasa bahay ngayon. “N-naku tita maraming s
“Hindi mo ba sasagutin?” Tanong ko kay Stephanie. Nandito kami ngayon sa isang restaurant at kumakain. Bigla nalang kasi ito nag alok na ililibri ako ng lunch. Gusto daw nito makabonding ako kahit minsan sa labas. Hindi na ako nagpasama kay mommy Kiray at mama dahil sinundo naman ako nito kanina sa bahay. Bumuntonghininga ito. Kanina pa kasi nagriring ang cellphone nito sa tawag nila papa at tita Letty. Mukhang hanggang ngayon ay wala itong balak makipag usap sa magulang nito. “Saddie, hindi kasi madaling gawin ‘yon. Hindi pa sa ngayon. Teka nga pala. Diba may lakad ka ngayon? Samahan na kita.” “Ah oo nga pala. Sigurado ka ba? Baka kasi mamaya makaistorbo ako sa pasok mo.” “Naku hindi. Day off ko ngayon. Saka naboboring ako sa inuupahan ko eh. Kaya sasamahan na kita.” Kinawit nito ang kamay sa braso ko. “May gwapo ba sa pupuntahan natin? Baka meron, single ako at pwedeng-pwede ireto.” “Lokoloko ka. May dadalawin lang ako. Saka may kukunin ako sa bahay.” Tingnan mo ‘tong bab
“Happy birthday, Mumu!” Natawa kami nila mommy ng sumimangot ito. Paano ay sinuprise namin ito gamit ang kids party. Eh wala kasi kaming ibang maisip ni mommy Kiray. Kaya ito ang naisip namin para maiba naman. “Happy birthday, Mumu… happy birthday, Mumu… happy birthday happy birthday… happy birthday to you!!!” Sabay naming kanta ni Mommy, habang sila daddy Laxus at Kirl ay natatawang umiiling sa gilid. “Hipan mo na ang kandila anak. Pero bago ‘yon ay mag wish ka muna.” “Mom!” “Oh bakit? Sasabihin mo na naman na hindi totoo ‘yon? Aba tingnan mo, nakapag asawa ka ng katulad ni Saddie dahil ‘yon anh wish mo noong bata ka. Hindi lang maganda ang naging asawa mo, mabait at mapagmahal pa. Kaya sige na, magwish ka na.” Pamimilit dito ng mommy nito. Napapailing nalang na sumunod ito. Wala din kasi kaming balak na tigilan ito. Nakangiting lumapit ako sa kanya at nilagay sa ulo niya ang birthday hat na may character pa ni Mickey mouse. “Ano ang winish mo, Mumu? Hindi naman
(Saddie pov) bumuntong hininga ako habang nakangalumbaba na nakatingin sa cake na ginawa ko. Dalawang aras na akong nagpapractice na gumawa ng cake pero hindi ako natututo. Sinunod ko naman ang mga binilin sa akin ni mommy Kiray. Tumatawang nilapitan ako ni mama. “Anak, isang linggo pa naman ang birthday ng asawa mo. May pitong araw ka pa para mag aral.” “Paano kung hindi pa rin masarap ang gawa ko?” Ngumuso ako ng tumawa ito. Nawawalan na kasi ako ng pag asa na sasarap ang gawa ko. “Masarap man ‘yan o hindi ang mahalaga anak ay nag effort ka. Sigurado ako na magugustuhan ni Morgan anuman ang ibigay mo sa kanya. Saka sa palagay ko ay wala na siyang hihilingin pa ngayon dahil dito.” Sabay himas nito sa nakaumbok kong tiyan. Napangiti ako. Tama si mama. Sigurado na kahit ano ang ibigay ko ay maa-appreciate ng asawa ko. Nandito ngayon si mama dahil wala si mommy Kiray para samahan ako. Saka gusto nito na maalagaan din ako habang buntis ako dahil nga maselan ako. Malaki na
(Saddie pov) Tumingin ako sa salamin. Medyo nahahalata na ang tiyan ko. Mag aapat na buwan na rin pala ang pinagbubuntis ko. Lumapit si Morgan sa akin at hinapit ako. “Are you ready?” “Medyo. Pero kinakabahan pa rin ako.” First time ko kasi na dadalo sa isang Business event na kasama si Morgan. Annual party kasi ng kumpanya kaya kinakailangan na dumalo ang mga King. Ayoko sanang sumama dahil hindi naman ako sanay na dumalo sa malaking pagtitipon na gaya no’n. Pero mapilit si Morgan. “Relax, my love. Isa ka na ngayong King kaya madalas na tayong pupunta sa mga event na kagaya nito ng magkasama. Don’t be nervous… nasa tabi mo lang ako. Saka wala namang kakain sa’yo do’n.” Tawang biro nito. Ngumuso ako. “Alam mo naman na hindi ako marunong makipag socialize.” Sagot ko rito. Naglakbay ang asul nitong mata sa kabuohan ko. Nakasuot kasi ako ngayon ng Peplum Blue dress na halos umabot sa talampakan ang haba. Kahit medyo bukol na ang tiyan ko ay napakaganda ko pa rin sa suot ko.
Nagulat si Morgan pagdating dahil sinabi ko dito na nagluto ako para sa kanya. “Niluto mo ang lahat ng ito?” Gulat na tanong nito. Nang tumango ako ay nag isang linya ang kilay nito. “Hindi ba sinabi ko na sayo na huwag mong pagurin ang sarili mo?” “Ngayon lang naman, Mumu. Matagal na rin kasi no’ng pinagluto kita kaya nagluto ako para sayo. Wag ka ng magalit please…” Sobrang saya ko kasi matapos mapanood ang interview rito. Kaya naisip ko na paglutuan ito. Kahit man lang dito ay makabawi ako sa ginawa nito. Malambing na yumakap ako rito at nagpapacute na tumingala rito. Nahihiya man akong magpacute dahil ang tanda ko na ay kailangan kong gawin. Epektib naman ang ginawa ko dahil bumuntonghininga ito at gumanti sa akin ng isang mahigpit na yakap. “May nangyari ba? You look happy…” puna nito ng mapansin na hindi mawala ang ngiti sa labi ko. “Kasi ano… napanood ko ‘yung interview sayo. Ikaw ha, hindi mo man lang sinabi sa akin na magpapa interview ka. Kung hindi pa nabanggit ng mo
Hindi pala madaling magbuntis. Noong una ay nagki-crave lang ako sa mga pagkain. Pero ngayon ay palagi na akong nahihilo at sumusuka tuwing umaga. Mabuti nalang at nandiyan sila mommy Kiray. Ito ang nagpapakalma kay Morgan at nagsasabi na normal lang ang pinagdadaanan ko. “Bye, my love. Babalik din ako asap. Kailangan ko lang i-close ang deal na ito for the company.” Tumingin si Morgan sa ina pagkatapos nitont humalik sa labi ko. “Mom, ikaw na muna ang bahala sa asawa ko. Pagkatapos ng meeting ko ay babalik agad ako.“ tumingin ito sa akin. “Ano ang gusto mong pasalubong pag uwi ko?” Ngumuso ako. Lahat kasi ng gusto ko ay nandito na sa bahay, mapa pagkain man ‘yan o kung ano. Wala na akong hahanapin pa. Palagi kasi nitong sinisiguro na makukuha ko ang lahat bg gusto ko. “Basta umuwi ka lang ng ligtas ay masaya na ako, Mumu. Ingat ka ha…. I love you!” “I love you more, my love. I’ll go ahead, mom!” Humalik din ito sa noo ng mommy nito bago tuluyang nagpaalam. Nakangiti naman na
(Saddie pov) “Sigurado ka ba iha sa gusto mo?” Hinimas ko ang tiyan ko bago tumango kay mommy. “Oho, mommy. Napag usapan na namin ito ni Morgan.” Sagot ko rito. Nandito kami ngayon sa isang obgyne clinic para magpacheck up. Ngayon kasi ang schedule ko para magpatingin sa doktor. Dapat si Morgan ang kasama ko pero nagkaroon ito ng mahalagang lakad kasama si daddy Laxus papunta ng Italy. Kaya si mommy Kiray ang kasama ko ngayon magpacheck up. Gusto ko sana ni Morgan na hindi sumama sa daddy nito dahil gustong-gusto nito na samahan ako magpacheck up pero pinigilan ko ito. Alam ko kasi ang responsibilidad nito bilang panganay na anak. Kailangan nitong tumulong sa pamilya nito pagdating sa pagpapatakbo ng mga negosyo. Saka may next time pa naman para sumama ito. Tumingin ako sa black and white na monitor kung nasaan ang imahe ng batang nasa sinapupunan ko. Napag usapan namin ni mommy Kiray kung kailan ko balak na magpa ultrasound. Pero wala sa plano namin ni Morgan na alamin a