LIKE 👍
Hindi lamang ang barista ang natawa, maging ang katabi niyang lalaki na naka-sumbrero din. “Mukhang may galit ka yata sa boss mo.” “Anong ako ang may galit sa kanya? Siya kamo ang may galit sa akin.” Nakairap niyang tugon. Natigilan siya… sandali… bakit parang pamilyar ang boses ng katabi niya? Sinubukan niyang sumilip sa mukha nito, pero tumalikod na ito at umalis. Sinundan niya ito ng tingin. Matangkad, matipuno ang katawan… kaboses pa ni Adius. Lumapit ang barista sa kanya ng nakangiti. “Miss, nanununtok na kape para sayo.” Anito sabay lapag ng kape sa harapan niya. Pagka-amoy niya dito ay ilang beses siyang napa-hatsing. At ng tikman niya ito, sunod-sunod siyang napaubo ng hindi maipinta ang mukha. Nag alala ang barista. “Miss, ayos ka lang ba? Ang sabi mo kasi—“ Nag-thumbs siya. “G-good job, kuya… ito nga ang kailangan ko.” Ewan nalang niya kapag hindi pa makontento sa kapeng ito ang ‘hudyong lalaking iyon. “Sir, narito na ang kape mo.” Nilapag niya sa harap
Para pala kay Kiro ang kape na pinabili ni Adius. Kung maaga lang sana niya nalaman, tinadtad niya ng kiss ang gilid ng mug. Indirect kiss daw kasi ang tawag doon. Nang iinom na si Kiro ng kape, maagap na kinuha ito ni Adius sa kamay ng kapatid. “This coffee is cold. Go downstairs and buy a new one.” “Anong malamig? Mainit pa yan, no!” Lumapit siya kay Adius at tinangka na agawin ang kape sa kamay nito, pero maagap na tinaas nito ang baso. Nanlaki ang mata niya ng ito ang uminom ng kape—ayon, nangitim ang mukha nito ay sunod-sunod na naubo. “W-what the fvck is this, Skye?!” Halos umalingawngaw sa buong lugar ang malakas na boses nito. Natatarantang tumingin siya sa labas ng pintuan. Nakabukas pa naman ang pinto. Paano kung may makarinig na tinawag siya nito sa pangalan lamang niya. “S-sabing tawagin mo akong Miss Malason, eh!” Kainis naman! Indirect kiss na sana sila ni Kiro, pero paepal ang hudyong ito! “Woah!” Tinaas ni Kiro ang kamay, “mabuti pang umalis na ako bago pa ako
Nangalumbaba na tumingin siya kay Adius na abala sa pagbabasa ng mga papeles, habang hinihintay nito na matapos siyang magluto. “Bakit kailangan na kasama pa ako? Bakit hindi nalang ikaw ang pumunta don ng mag isa?“ “Because you’re my fiancee. Natural lang na nasa tabi kita at kasama sa anumang event na dapat kong puntahan.” Humaba ang nguso niya. “Eh, hindi pa ako nakaka-attend ng party ng mga rich people. Baka mapahiya ka lang.” Binaba ni Adius ang hawak na papeles at may babala na tiningnan siya. “Then getting ready to accept the consequences if that’s happen. Ayoko na napapahiya ako, so better watch your actions when we’re together.” “Nyi-nyi-nyi…” mahina niyang bulong. Ayaw naman pala nitong mapahiya. Kung ganon, bakit hindi nalang siya nito iwan at umattend ng mag isa. Kailangan niyang makaisap ng dahilan para hindi makasama. “Sir, gabi na.” Sumilip siya sa relong nasa bisig. “Kitams? Alas siyete na kaya gahol na para bumili ng susuotin ko sa party. Ayaw mo naman si
DAHIL sa kahihiyan, hindi ni Skye alam kung paano haharapin si Adius. Kaya naman iniwasan niya ang binata na makasalubong. Pagkatapos niyang maligo at magpalit ng suot, umalis na siya kahit hindi pa siya nakapaghugas ng plato. “Skye!!!” Gumanti siya ng kaway kay Wamos ng makita ito. “Andun na si Jolina?” Tumango ito. “Oo, hinatid ko na. Siya nga pala. Bakit kailangan na ako pa ang maghatid at sundo sayo? Mayaman naman ang asawa mo, bakit hindi ka magpahatid sa driver niya?” “Mayaman lang yun pero may pagkadamot. Saka lulubog-lilitaw ang mga bodyguards o driver nun. Tinalo pa nila ang kabute. Tara na, marami pa kaming bibilhin. Saka may good news ako sa inyo.” Pagkasakay ng motorsiklo nito ay agad na silang umalis. Nang makarating sila ng divi ay agad na bumaba siya sa motorsiklo ni Wamos at nilapitan si Jolina. “Skye!!!!” Bumes-0 sila sa isa’t isa at umakto na parang mayaman sabay tawa ng malakas. “Mag aalas otso na, ilang oras nalang ay magsasarado na ang ibang store. T
Kinabukasan, maaga siyang nagising at nagluto ng pagkain ni Adius. Halos isang buwan na din silang magkasama pero hanggang ngayon ay wala parin siyang masyadong alam tungkol dito maliban sa mga simpleng bagay katulad ng, ayaw nito sa mga lutong-restaurant na pagkain, hindi ito mahilig sa kape, mahilig itong mag-boxer short kapag nasa bahay lang, at masama talaga ang ugali nito. “Is this the best you can do?” “S-sir?” Ipinatong ni Adius ang files sa ibabaw ng mesa pagkatapos basahin ito at walang ekspresyon na tumingin ito sa kaharap. “I’m disappointed with this presentation. Did you and your team put enough effort into it? We need to impress Silvestre Inv. Corp., not just go through the motions. This is trash…” Naaawa na sinundan ni Skye ang may edad na babaeng empleyado ni Adius. Trash daw. Hindi ba pwede na wag ng magdugtong ng harsh na salita? Walang araw talaga na walang lumalabas sa opisina nito na nanlulumo, o laglag ang balikat. Pero sabagay. Baka kaya isa ito sa
Hindi ni Adius magawa na ihakbang ang mga paa. Dumarami na ang mga bisita, sigurado na hindi magtatagal ay magsisimula na ang party. Napapitlag ang binata ng malakas na hampasin ni Skye ang pang upo niya. “The heck, Skye—“ “Sila Tita Alena!” Tumalon-talon ang dalaga habang kumakaway sa magulang ng binata. Puțangina! Sunod-sunod na napamura si Adius, sa bawat talon ni Skye ay siya naman na apak nito sa kanyang paa. Makapal ang sapatos niya, ngunit tila tumagos ang takong nito sa laman niya. “Tita, Tito! Mabuti nalang po at nakita ko kayo. Si Adius kasi ayaw akong i-tour. Kanina pa kami nakatayo dito.” Nagpalinga-linga si Skye, “nasan po si Kiro?” Napanguso ang dalaga ng mapansin na wala ang hinahanap ng mata niya. Si Adius kasi ang daming arte! Nakakainis! Sinamaan niya ito ng tingin. Kumunot ang noo niya ng mapansin na napakadilim ng mukha nito ngayon. “Adius—este, babe, ayos ka lang?” Nag aalala niyang tanong ng mapansin na sobrang pula ng mukha nito. “Naku, tita Alena
Biglang nagsalita ang isa babae. “Madam, hindi na namin ipa-plantsa ang buhok mo dahil maganda ang pagka-curl niya. Kailangan lang natin siya gawan ng style para ma-emphasize ang ganda ng maliit at magandamong mukha.” May babae na humawak sa legs at paa niya. Mula sa kahon ay naglabas ito ng kulay itim na heels, na kung hindi siya nagkakamali ay mamahalin. Habang may umaayos at nag-i-spray sa buhok niya, may mga nag-aahit naman ng kilay niya, habang may naglalagay ng kung ano-ano sa mukha niya. “Wag kang mag alala, ma’am. Hindi na kami mag aapply ng makapal na makeup dahil maganda na kayo at makinis ang mukha mo. Kailangan lang natin na ahitin at ayusin ang kilay mo dahil medyo hindi pantay. Saka ang lips mo, kailangan lang lagyan ng moisturizer bago lagyan ng lipstick dahil dry.” Habang inaayusan siya, tinuturuan siya ng mga ito kung paano alagaan ang balat niya. Napansin din niya na ang lahat ng mga gamit na dala ng stylist ay kasya sa kanya. Katukad ng singsing, heels, at br
“Sigurado ka ba na peke ‘yan? May ebidensya ka?” Napaawang ang labi niya sa sinabi nito. “Ano? Pero humiram ka sa akin, sapat ng ebidensya ‘yon.” “Sa palagay mo maniniwala sila na humiram ako?” Mayabang na ngumisi ito at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. “Alam ko ang background mo kaya imposibleng makabili ka ng mamahaling kwintas na katulad no’n. Isang limited edition na APL necklace na nagkakahalaga ng 65 Million? Sabihin mo nga sa akin, saan mo napulot ‘yon? Ninakaw mo? O baka naman may sugar daddy kang nagregalo sayo?” Alam ni Skye na masama ang ugali ng babaeng ito. Pero hindi niya inasahan na ganito katindi. “Ibalik mo nalang ang kwintas para matapos na ang usapang ito,” 65 million? Nanuyo ang lalamunan niya sa takot. Ngayon palang ay natatakot na siya kapag nalaman ni Adius na nawawala ang kwintas. Ngumisi lamang ito. “Hindi mo ako masagot? Siguro nga ay ninakaw mo! Magpasalamat ka nalang dahil binenta ko bago ka pa mahuli ng ninakawan mo! Subukan mo pang habulin
Kanina pa nila pinapatahan si Queenie. Ibang klase pala umiyak ang batang yon, hindi tumitigil. Nagsalit-salitan pa sila ni Aimee para patahanin ito. Tumayo siya at sinalubong si Adius ng dumating ito. Yumakap ito sa bewang niya at humalik sa kanya ng makalapit siya. “Where’s Queenie?” Kunot-noo na tanong nito. Nakanguso na tinuro niya ang second floor. Hindi pa kasi umuuwi sila Aimee. Ayaw pa ni Queenie, gusto daw nito hintayin ang tito Adius nito. “Nasa taas siya, hinihintay ka.” Mukhang gusto nito makasiguro na tutupad siya sa sinabi kanina. “Ibang klase pala umiyak ang batang ‘yon, hindi na tumitigil.” Kumunot ang noo ni Adius sa sinabi niya. “Really?” Parang hindi ito naniwala sa sinabi niya. “Oo nga, babe. Hinahanapan niya ako ng pinsan. Loko kasi si Xian eh, kung ano-ano ang sinasabi sa bata.” Sa lahat talaga ng pinsan ni Adius ito ang pilyo. Mabuti nalang at napatahan nila ni Aimee si Queeni. Kawawa naman kasi, paos na dahil sa kakaiyak. Pagdating nila sa second floor,
Kinabukasan ay umalis din sila ni Adius. Kailangan na nilang bumalik dahil maraming trabaho na naiwan ang binata. Gusto pa sana niyang makabonding si Serena ng medyo matagal pa pero si Adius masyadong nagmamadali. Akala nga niya ay marami talagang gagawin pero gusto lang pala siyang masolo ng loko. Imbes kasi na bumalik ay nasa yate lang sila. Dalawang araw na rin sila dito. Pero ayos lang din naman sa kanya. Kahit saan basta kasama niya si Adius ay ayos lang. “Babe! Dalian mo! May nahuli akong isda!” Tuwang-tuwa na sabi niya kay Adius ng makahuli siya ng isda. Napasimangot siya ng makita kung paano siya nito tawanan ng makita ang huli niya. “Isda pa rin naman ‘to ah. Anong nakakatawa.” Mahinang bulong niya. “Throw it back into the sea, babe,” anito na nakatawa pa. “Ayoko nga.” Kahit kasing liit ito ng dilis ay isda pa rin ito. “Hmp. Mayabang ka lang kasi malaki ang nahuhuli mo. Hintayin mo lang na makahuli ako ng malaki,” parang batang bulong niya habang nakanguso. Sinunod nam
Hindi maalis ang ngiti sa labi ni Skye habang kumakaway sa kuya niya na lulan ng sasakyan. Pabalik na kasi ito sa hospital kasama ang mga personal nurse at bantay nito. Lumapit siya kay Adius at umabrasiyete sa braso nito. “Salamat, babe ha. Di ko alam na may sandamakmak na sweet side ka pala.” Ang swerte ko talaga. Kilig na dugtong ng isip niya. Malayong-malayo ito sa unang lalaki na nakikala niya noon. Akala niya ay wala na itong alam kundi ang manakot at mam-blackmail ng tao, hindi naman pala. Hindi lang ito magaling sa kama, sweet at maalaga din pala. Napahagilhik siya sa naisip niya. Pagkasakay nila ng kotse ay muli siyang kumapit sa braso nito. Linta na kung linta, eh ano naman. Gustong-gusto niya kasi na nahahawakan si Adius. Ang tigas kasi ng mga muscles, ang sarap pisil-pisilin. “Hindi tayo babalik sa office?” Nakakunot ang noo na tanong niya ng mapansin na iba ang tinatahak nilang daan. “Pupunta tayo sa bahay ng pinsan ko. Kukunin ko ang mga kaibigan ko.” Sagot
Habang lulan sila ng sasakyan habang tinatahak ang daan patungo sa restaurant, narinig ni Skye na may tinawagan si Adius. “Good. Take care of him,” utos nito bago binaba ang tawag. Nang makita nitong nakatingin siya ay ngumiti ito, “Why?” Sumikdo ang dibdib niya. Ngumiti lang naman si Adius pero daig pa niya ang aatakihin sa puso sa sobrang lakas at bilis ng kabog nito. ‘Grabe ang epekto ng lalaking ito sa akin. Ang tindi!’ “Uhm, ina-appreciate ko lang ang ganda ng likha ng diyos.” He chuckled, “So, are you telling me now that I’m handsome to you?” Nang makita ng binata kung paano namula ang dalaga ay muli itong mahinang natawa. “Don’t worry, babe. I think the same.” Kunwari ay umirap si Skye at nag-tse dito. Pinigilan lang niya na huwag magpapadyak sa kilig. Pagdating nila sa restaurant ay inalalayan siya nitong bumaba ng sasakyan hanggang sa makapasok sila sa loob. Agad na umagaw ng pansin ang presensya ni Adius sa paligid. Ang lahat ng babae mapabata man o matanda a
Ngayong araw ang balik nila ni Adius sa trabaho. Malaki na ang pinagbago ng set-up nila ngayon. Kung noon ay umiiwas siyang malaman ng lahat ang pagiging fiancee ni Adius, ngayon ay hindi na. Taas-noo pa nga siyang naglalakad papasok. Mukhang kumalat na sa lahat kung sino siya, gumalang kasi ang lahat ng empleyado na nakakasalubong niya. “Rachel! Maecel!” Tawag niya sa dalawa ng makita ito. Pero imbes na lapitan siya ng dalawa ay magalang na yumuko sila na parang takot. “M-ma’am Malason, ikaw pala. M-may kailangan po kayo?” Utal na tanong ni Rachel. “P-pasensya na po pala sa mga sinabi namin noong nakaraan,” sabi naman ni Maecel. Bumuntong-hininga siya. Alam niyang nagulat ang dalawa pero hindi niya akalain na kikilos sila nang ganito. Daig pa niya ang nakakatakot ba boss at hindi nila kaibigan. “Ano ba kayong dalawa. Ako pa rin ito, si Skye, okay? Kung makareact naman kayo diyan parang hindi tayo magkakaibigan,” may tampong sabi niya. Umakbay siya sa dalawa na ikinaiktad n
Para silang bagong kasal ni Adius, palagi silang nagtata-lik kung may pagkakataon. Nakarating pa nga sila ng ibang bansa para lang magbakasyon. Pero duda si Skye doon. Tingin nya kasi ay gusto lang siyang masolo ni Adius. Hihihi. “Ahhh, sige pa, Adius! Ahhh ganyan nga!” Ung0l niya habang binabay0 siya ni Adius mula sa likuran habang nakatuwad siya dito sa kama. Bawat ul0s nito ay halos tumirik ang kanyang mata… medyo mahapdi pa rin kasi ang laki pero mas lamang na ang sarap. “Ughh! Ughh! Ughh! Fvck, Skye, you’re squeezing my c0ck… ang sarap mo—ughh!” Nahihibang na ung0l ng binata habang bumabayo ng sagad at walang hinto. Kumibot ang perlas niya at napahiyaw siya ng tamaan ni Adius ng paulit-ulit ang gspot niya, halos mamaluktot ang mag daliri niya sa sarap, “Ahhh sige pa, Adius… shit ma talaga ang sarap ng batu-ta mo ahhh… ahhh sige pa… ahhh…” Adius spanked her ass. Noon ay hindi gusto ni Adius ang babaenh maingay kata-lik, pero pagdating kay Skye ay lalo siyang nabubuhayan… pa
Napasinghap siya ng sip-sipin ni Adius ang dila niya. Oo ilang beses na silang naghalikan pero ngayon lang ginawa ito ng binata. Imbes mandiri siya dahil naghahalo ang mga laway nila ay lalo siyang nasabik… parang may gayuma ang lasa ni Adius, nakakatakam, parang ayaw niyang tigilan. Hinawakan niya ang mukha ni Adius, pinagdiinan ang labi nito sa kanya, nakuha naman nito ang gusto niya dahil mas pumusok ang halik nito, kapwa sila naghahabol ng kanilang hininga ng maglayo sila. “This is your fault, Skye…” hingal na sambit nito, “matigas kasi ang ulo mo—“ he groaned when her hand touched his length down there. Kailangan lang pala niyang tigasan palagi ang ulo niya para mapansin ng binata. Kung alam lang niya ay noon pa sana niya ito ginawa. “S-skye…” umalon ang lalamunan nito ng igalaw niya ang kamay, mahinang humihinas sa kahabaan nito na ngayon ay buhay na buhay. Pareho silang lasing ang mga mata sa pagnanasa, kahit walang salita na mamutawi sa labi nila ay makikita na pareho
Buong biyahe ay halos mangisay si Skye sa sobrang kilig. Malinaw naman kasi na nagseselos si Adius dahil ayaw nito na may umaaligid sa kanya na iba. Siguro hindi lang nito maamin kasi bago palang sila, o kaya nahihiya ito. Pero magandang sign iyon ng magandang simula ng relasyon na bubuohin nila. Akala niya ay nagbibiro lang ito ng sabihin nito na dumating na ang wedding gown na susuotin niya para sa kasal nila pero hindi pala. Naabutan niya sila ttia Alena at Aimee na abala sa pagcheck ng 4 gown na pinagawa para sa kanya. Oo, apat ang pinagawang gown para sa kanya. Isa para sa simbahan, isa para sa reception, isa para kapag sumayaw na sila at isa para sa kanilang pag-alis papunta sa honeymoon. Napanganga siya ng makita niya ang apat na gown na susuotin niya. Kulang ang salitang “wow” para ilarawan kung gaano kagaganda ang mga ito. “Skye, mabuti at dumating ka na, iha,” nilapitan ni Alena ang magiging manugang at iginiya palapit sa apat na mannequin na nakasuot ang gown, “Tingnan m
Pagkatapos nilang kumain ni Adius ay bumalik sila sa kani-kanilang trabaho. Habang pareho silang abala, hindi niya mapigilan ang sarili na magnakaw ng sulyap dito. Hindi maalis ang ngiti sa labi niya sa sobrang kilig. Nitong nakaraan lang ay masama ang loob niya, pero ngayon ay abot hanggang langit ang saya niya. Sobrang laki na kasi ng improvement ng relasyon nila ngayon. 'This is it, Skye... kaunting kembot nalang ay makukuha mo din si Adius!' Cheer ng utak niya. Pagkatapos ng trabaho ay nagligpit na siya ng mga gamit. "Bye, Sir. Mag-iingat ka," Paalam niya sa binata ng mauna na itong lumabas. Oras na kasi ng uwian. Pagkalabas niya ng opisina ay nadatnan niya sina Maecel at Rachel na naghihintay sa kanya kasama si Argus. "Tara na, Skye," "Ha? Saan?" kunot ang noo na tanong niya. "Nakalimutan mo na ba? Birthday ko ngayon kaya lalabas tayo nila Sir Argus. Treat ko!" sabi ni Maecel. Hinawakan siya ng dalawang kaibigan sa braso at saka mahinang bumulong, "Chance mo na ito, Sky