“Ayy, may ka-date ka mamaya?”Muntik nang mapa talon sa gulat si Izzy nang mula sa kanyang likuran ay biglang sumilip ang kaibigan.Agad niya naman iton sinamaan ng tingin.“Pating! Ano ba? Kelan ka pa naging usyosero?”“Hoy! Correction, usyosera… Babae ako ano, tsaka FYI, hindi ko sadya, nakita lang kitang kanina pang parang natatae habang nakikipag titigan diyan sa selpon mo, hindi ko napigilang sumilip.”Maarteng sabi nito na nakuha pang pamaywangan siya.“Ehhh… Kasi wala ito, hayaan mo na, kunwari nalang wala kang nabasa.”Sagot ni Izzy saka nag mamadaling ibinulsa ang luma niyang cell phone.“Anong wala ka riyan? May nag aya nga sa iyo ng date ano? Sino iyon? Huwag mong sabihing si papa Carl iyon dahil hindi iyon mag ti-text ng ganoon.”Pangungulit pa sa kanya ni Pating, napa buga na lamang naman ng hangin si Izzy saka ito inirapan.“Eh wala nga kasi iyon, tsaka hindi date ‘yon ano, gusto lang makipag kita nung tao, baka may kailangan lang sabihin.”"May gusto lang sabihin pero a
Hindi maipinta ang mukha ni Seth habang inis na hinihintay ang babaeng ipinasundo niya pa sa driver niyang si Robert.Naka ilang ulit na rin siyang sumilip sa suot na mamahaling relo sabay mapapa iling sa tuwinang makikita ang oras.Masyado nang late para makipag kita pa sa babaeng iyon, whatever reason that Isabel Vergara has for her to be ignoring his calls all through the day must be valid enough for his content.Malakas na napa buga ng hangin si Seth bago pabagsak na naupo sa pang isahang sofa sa kanyang sala, inis niya ring dinampot ang baso ng whiskey na nasa center table, nagawa niya pa iyong paikutin sa kamay bago inisang lagok ang laman niyon.If one would ask him why on Earth he wanted to see that woman this late, Seth wouldn’t know the answer, ano nga ba naman kasi ang meron sa babaeng iyon? Bukod sa masyado itong inosente, unsophisticated at unang tingin pa lamang sa kilos at pananalita nito ay halata nang laki ito sa kalye ay hindi niya mapigil ang kagustuhang nasa malapi
Mariin na lamang na napisil ni Izzy ang magkabilang braso ni Seth dahil sa malalim at mapusok na halik na iyon.Halos kapusin na rin siya sa pag hinga ngunit sa hindi malamang dahilan ay kung bakit tila ayaw niya ring tumigil ito, sa kabila ng kagustuhang itulak palayo ang lalaki ay hindi niya magawa, pakiramdam ni Izzy ay nawala lahat ng kanyang lakas, isama pa ang bahagyang panginginig ng magkabila niyang tuhod dahil sa pinag halong nerbyos at kaba.Hindi malamang ni Izzy kung dapat niya bang tugunin ang halik na iyon o umaktong isang tuod at hindi alam ang gagawin.Marahas na nahigit ni Izzy ang pag hinga nang ilang sandali pa ay ang lalaki na mismo ang naunang kumalas sa kanilang halikan.Wala namang nagawa si Izzy kung hindi ang salubungin na lamang ang mabigat nitong titig sa kanya, ngunit mayamaya pa ay muli nanaman siyang napa singhap nang walang sabi nanaman siya nitong hinila sabay mulin siniil ng halik sa labi.Sa ikalawang pagkakataon ay mas malalim ang halik nito, mas map
Mariin na lamang na napa pikit si Izzy dahil sa labis na kahihiyan nang makita ku ng paano siyang tawanan ni Seth Santiago.Sino nga ba naman kasi ang niloko niya? Kahit naman may dala siyang pera ngayon, malamang sa hindi ay pinaka malaki na ang limang daan.At sigurado rin siyang alam iyon ni Seth Santiago, malamang rin ay pinagtatawanan siya nito ngayo dahil doon o hindi kaya naman ay baka iniisip nitong napaka hilig niyang mangutang.Hindi naman ito masisisi ni Izzy, kamakailan lamang ay nagawa niya nang lkumamit dito para sa pera, ngayon naman ay nangungutang siya para pambayad sa pagokain ito naman ang may order.Napanguso na lamang si Izzy sa isiping iyon saka napasimangot sa lalaki.“Huwag mo na akong tawanan, pwede ba? Kasi naman eh wala naman kasi talaga akong pambayad dito, hindi ako mahilig mangutang, baka lang iyon ang iniisip mo at baka rin kaya mo ako tinatawanan ngayon dahil iniisip mong utangera ako…”Seryosong sabi ni Izzy habang pilit na nakikipag titigan kay Seth,
Sa kanila ng pagtutol ni Izzy na sumama pa rin pabalik sa bahay ni Seth Santiago ay wala na rin naman siyang nagawa kung hindi ang pumayag na lamang matapos nitong sabihin ang mga salitang-If you think that I am asking you, you are mistaken. I want you to stay with me tonight and I won’t take no for an answer…Wala sa sariling napasimangot si Izzy nang tila muli nanamang marinig ang masungit na tinig na iyon ng lalaki, bukod sa nararamdamang inis para dito ay tila mas matindi pa rin yata ang inis niya para sa sarili.Paano’t sa hindi malamang dahilan, pakiramdam niya ay wala siyang karapatang hindian ito.“Isabel, I am glad you decided to stay with me here tonight.”Agad na sabi sa kanya ni Seth pag pasok na pag pasok pa lamang nila sa mamahaling condo nito, nakuha pa nitong ngumisi ng nakaka loko na tila ba intensyon na nitongg inisin siya lalo.Nag pilit naman ng ngiti si Izzy sa lalaki habang pinipilit ang sariling huwag itong irapan.“You won’t take no for an answer kamo, ‘di ba?
“D-dito ako matutulog?”Hindi makapaniwalang tanong ni Izzy nang dalhin siya sa isang malaking silid ni Seth Santiago.Sa laki ng sili na iyon ay hindi niya maitago ang labis na pamamangha, tuloy ay hindi siya mapalagay lalo at mukhang hindi niya na rin kailangan pang itanong sa lalaki kung siya lamang ba ang matutulog doon o hindi.“This is my room, Isabel…”Balewalang sabi ni Seth habang hindi inaalis ang matalim na titig sa kanya.“K-kung ganon ba-bakit dito mo ako dinala?”“Psh… Isn’t it obvious? I want you to stay here with me, you will be sleeping in my bed, Isabel.”Sagot nito saka nag kibit-balikat dahilan upang mapa tanga na lamang dito si Izzy.Hindi malaman ang isasagot na pinili niya na lang ang mapatango habang pinipilit ang sariling huwag mag tanong kung bakit.Sa tingin niya rin naman kasi ay alam niya na ang sagot sa tanong na iyon, itanong niya man dito o hindi.Paano ka ba napunta sa ganitong sitwasyon, Izzy? Ano ba talagang klase ng tao itong nasamahan mo?Tahimik n
“S-sorry, hindi ko sinasadya… Nagulat lang ako sa bigla mong pag pasok at pag sasalita…”Mbilis na paliwanag ni Izzy saka natatarantang pilit dinampot ang frame sa sahig, sa taranta ang pag mamadali pa ay maging ang mga basag na salaming nag kalat sa sahig ay walang pag iingat niyang pinulot, tuloy ay muli niyang nabitawan ang frame nang masugatan ang kamay niya.Dahil doon ay tila lalo lamang nag init ang ulo niu Seth, natatarantang napa tingin siya sa lalaki nang mabilis siyang lapitan nito bago marahas na inagaw ang picture frame bago niya pa man iyon muling madampot.“Leave it!”Matigas ang tinig na utos nito, bakas ang matinding galit sa mga mata habang mariin siyang tinititigan.Mabilis namang nag iwas ng tingin si Izzy at sa halip na sundin ang utos nito ay pinili niyang damputin pa rin ang mga bubog.“I said leave it, Isabel. You’ve done enough already!”Sigaw sa kanya ng lalaki, mas malakas ang tinig nito kesa kanina dahilan upang lalo lamang mataranta si Izzy.“Ano ba sa sin
“Isa’t kalahating milyon sa loob ng isang buwan???”Tila nababaliw nang kausap ni Izzy sa sarili habang mabagal na tinatahak ang maliit na eskinita kung nasaan nakatayo ang maliit nilang kubo.Mayamaya pa ay agad rin siyang napa nguso nang maalala ang huli nila pinag usapan ni Seth Santiqago kanina.“Saang kamay ng diyos ko naman kukunin ang ganoong pera? Naku naman kasi Isabel Vergara, ang yabang-yabang mo pa kanina habang kausap mo ang hudas na iyon, iyan tuloy ang napala mo.”Patuloy na pagkausap niya sa sarili sabay napa padyak dahil sa pangungunsumi.Kung bakit ba naman kasi sa dami ng tao sa mundo sa taong tulad ni Seth Santiago pa siya nanghingi ng tulong? Tuloy ngayon ay alam na alam niya nang mapapa hamak siya kapag lumipas ang isang buwan at hindi pa rin siya nakakapag bayad.“Ano nang gagawin ko ngayon? Eh kahit yata limang taon ang ibigay na palugit sa akin ng bwisit na lalaking iyon eh tiyak na hindi ko pa rin maku-kumpleto ang isa’t kalahatiung milyon paano pa kaya ang i
Matamis na napa ngiti si Izzy matapos mailagay sa tupperwear ang inilutong Calderetang manok, may pag mamadali pa niyang inayos iyon sa isang paper bag saka excited na ipinatong sa kitchen counter.Sandali niya pang inayos ang sarili saka tinawag na si Robert na siyang driver na pinag bilinan ni Seth."Alis na po tayo, manong Robert."Malaki ang ngiting sabi niya bago kinuha ang dalawang paper bag, ang isa ay may lamang pagkain habang ang isang mas maliit naman ay ang surpresang regalo niya para sa kanyang fiance.Mabilis namang kumilos si Robert upang ihanda ang sasakyan.Sa kompanyang pag aari ni Seth siya agad nagpa hatid. Kulang na lamang ay mapunit ang kanyang pisngi sa laki ng kanyang ngiti lalo at pag pasok na pag pasok niya pa lamang sa loob ay agad na siyang binati ng mga guards na bantay doon maging ang kanyang mga katrabaho."Andiyan ba si Seth?"Nakangiting agad niyang tanong kay Mark, ang secretary ni Seth. Agad naman itong napa ngiti nang makita siya saka tumango."Nasa
"Shania? You're the one behind all these?" Bakas sa tinig ang gulat na sabi ni Margaux habang titig na titig kay Shania, agad pang nakaramadam ng inis si Izzy nang makita ang pag silay ng isang matamis na ngisi sa labi nito na halatang nag iinis pa. "Don't act surprise now, Margaux, para namang hindi mo ako kilala. You know what I'm capable of. Actually hindi naman talaga kayo dapat kasama dito eh, kung hindi lang masyadong tatanga-tanga ang mga tao ko. Pinasok nila ang Ice Cream Shop at doon nag hintay sa babaeng 'to. Bakit ba kasi sumama pa kayong dalawa? And you!" Sabi nito saka siya sinamaan ng tingin sabay duro sa kanya. Mabilis naman siyang napa atras nang bahagyang umabante ang mga kasama nitong kalalakihan, sa itsura pa lang ng mga ito ay halatang hindi na ito gagawa ng maganda. Isama pang sa itsura ng mga ito ay halatang handa nitong gawin lahat ano man ang sabihin ni Shania. "Hindi ka talaga nadala sa mga pananakot na ginawa ko sa'yo. Nakuha mo pang lumipat sa bah
"Izzy... Izzy wake up..."Pilit nag mulat ng mata si Izzy nang marinig ang mahina at halos pabulong na boses ng pamilyar na tinig na iyon. Nanlalabo ang mga matang pilit niyang inaninag ang may ari ng boses saka bahagyang napa ngiwi nang maramdaman ang kirot mula sa likod ng kanyang ulo.Ano ba ang nangyari?Nag tataka niyang tanong sa sarili, mayamaya pa ay agad na binalot ng kaba ang kanyang dibdib nang malala ang nangyari sa Ice Cream shop kanina. Pilit niyang ikinilos ang mga kamay at paa ngunit lalo lamang siyang nakaramdam ng matinding takot nang mapagtantong naka gapos iyon."Izzy... Are you awake?"Muling pabulong na tawag sa kanya ng babae sa harap niya, mariin pa siyang napamura nang makilala iyon."Margaux?""Si Jane... I can't wake her up... Kanina ko pa siyang tinatawag pero I don't think she can hear me... Oh my God... I don't know what the hell is going on, where are we?"Bakas ang takot sa tinig na sabi ni Margaux, isama pang nanlalaki ang mga mata nito, madilim man an
Sa kabila ng takot at pagaalala na unti-unting bumabalot sa puso ni Izzy ay hindi pa rin naman napigil noon ang kahit paano ay i-enjoy ang ilang araw nilang bakasyon sa Cagayan.Halos hindi rin maalis sa ang masayang ngiti sa kanyang mga labi habang tahimik na pinapanuod sina Margaux, Andrea, Pating, Miya pati na rin ang couple na sina Carl at Jane na masayang gumagawa ng sand castles, partner sina Andrea at Margaux, sina Jane at Carl naman ang magkasama habang si Pating naman at si ang kanyang tiyong , si Miya naman ay piniling ang bata niyang pinsan ang kampihan pati ang asawa ng kanyang tiyong.Hindi maitago ang tawa sa kanyang lalamunan nang mag umpisang mag talo ang magkapatid na si Andrea at Margaux habang galit na galit naman si Jane sa boyfriend na si Carl.Hindi naman masisi ni Izzy ang mga ito kung sandyang gusto ng lahat na manalo lalo at si Seth ang may pakana na pa mini contest na iyon."Sure ka ba sa pa premyo mo? Hindi ba masyado naman yatang malaki?"Nag aalala niyang
Wala ring nagawa si Seth nang sabihin niya ritong gusto niya pa ring pumasok sa trabaho bilang secretary ni Miya.Ayaw niya rin kasing maburyo sa bahay nito, isama pang sadyang hindi siya sanay na walang ginagawa.Pero syempre, kasama sa pagpayag nito ang kondisyong sabay silang papasok at sabay rin silang uuwi."Wala pa rin bang balita tungkol sa taong may gustong manakit sa akin?"Tanong niya habang hinihintay ang pina-deliver nitong pagkain sa opisina nito."I'm still working on that, Isabel... Pero sadyang matigas ang mga lalaking iyon, hanggang ngayon kasi ay ayaw pa ring mag salita."Mariing nakagat ni Izzy ang sariling labi saka nanghihinang napa upo sa sofa sa opisina nito."Hey, I don't want you to worry about anything... It's not good for you. I promise I'm working things out. Kung kinakailangang umalis tayo sa bansa, I'll do that as long as I can make you safe."Pag alo sa kanya ni Seth nang mapansin nito ang pag aalala niya."Hindi naman iyon ang iniisip ko... Hindi naman
"So ano nga ba ang nangyari? Bakit ka na ospital?"Nag aalalang tanong ni Carl, wala pa halos ilang minuto nang dumating ito sa bahay ni Seth kasama ang girlfriend na si Jane.Kakauwi niya lamang galing sa ospital matapos ang ilang araw niyang pag tira doon. Maayos naman na ang pakiramdam niya kaya lamang ay si mapilit si Seth, mas mabuti na raw na doon muna siya para masigurong maayos ang lagay ng baby sa tiyan niya."May nangyari lang nitong nakaraan.""May kinalaman ba iyon sa mga taong sumusunod sa'yo?"Tanong ni Carl, sandali namang nangunot ang kanyang noo sa pag tataka bagay na tila agad ring napansin ni Carl."Nabangit saakin ni uncle Seth. He mentioned someone is after you, when I asked what's with all those guards."Sabi nito, marahan naman siyang napa tango saka marahas na napa buga ng hangin."Don't worry, tutulong ako para malaman kung sino ang nasa likod ng lahat ng 'to. All of us, not just uncle Seth is worried about you, at hindi lang siya ang nag aalalang baka nag aal
Hindi malaman ni Izzy ang dapat na gawin, gustohin niya mang sumigaw upang manghingi ng tulong ay hindi niya magawa sa takot na baka kapag ginawa niya iyon ay bigla siyang sugurin ng dalawang lalaking nasa harap niya ngayon.Tila lalo pang kumabog sa takot at kaba ang kanyang dibdib nang sa nanlalabo niyang paningin ay naninga niya ang hawak nitong patalim nang bahagya iyong kuminang sa liwanag ng ilaw ng banyong iyon."A-anong ka-kailangan niyo?"Bagama't kinakabahan at hindi malaman ang gagawin ay nagawa niya pa ring mag tanong, nakita niya pa kung paanong ngumisi ang lalaking may pulang buhok bago sumagot."Kami wala, si boss meron. Pasensya na, hindi naman namin gustong saktan ka, napagutusan lang kami."Sabi ng isa pa na para bang isang malaking biro lamang ang mga nangyayari at kung ano man ang sadya ng mga ito sa kanya."S-sinong nag u- nag utos sa inyo?""Hindi mo na kailangang malaman pa iyon. Kailangan lang namin, sumama ka ng maayos para hindi ka na masaktan pa. Huwag ka na
"Bakit ang laki ng ngiti mo? Sarap ba tulog mo?"Naka ngising tanong agad ni Izzy kay Seth, bakas kasi ang tuwa sa mukha nito pag pasok na pag pasok pa lamang sa kusina ng bahay nito, kanina pa siya naruon at katatapos lamang mag luto ng agahan habang si Seth naman ay halatang kakagising lang."Nothing... You cooked?"Tanong nito, mabilis naman siyang tumango bilang sagot."You should have let the maids do that.""Ang aga pa naman, mahaba pa ng kaunti ang oras para sa trabaho kaya iyan, breakfast lang naman eh, simpleng sinangag at itlog, ham at bacon. Hindi ako napagod, promise. Kain na."Sagot niya saka inayos ang pingan sa mesa."Coffee?"Tanong niya pa dahilan upang lalong lumaki ang ngiti sa mga labi ni Seth na ikinakunot naman ng kanyang noo."Bakit?"Nag tataka niyang tanong."Nothing, I'm just happy that you are here. Safe. And I just find it a liitle funny how we're living together and I'm not even your boyfriend yet."Sagot nito, kunwaring lalo namang nangunot ang noo ni Izz
"Bakit mo iniwan ang meeting mo?"Agad na tanong ni Izzy kay Seth pagka sara pa lamang ng pinto ng opisina nito. Agad pa siyang napa ngisi nang makitang i-lock niyo iyon.Sa ilang buwan nilang magkasama mula noong maging okay sila, kung may isang bagay siyang palagian napapansing kay Seth, iyon ang ugali nitong hindi mag lock ng pinto."I got your text, you said you have something really important to tell me, you are more important than a boring meeting, so... What is it that you want talk about?"Seryosong tanong nito saka marahang nag lakad palapit sa kanya, mariin niya pang nakagat ang sariling labi nang ipulupot nito ang isang braso sa kanyang baywang, gumanti naman siya ng yakap sa leeg nito dahilan upang agad na sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi nito."N-nakita ko si Carl kanina."Sa halip na derektang sabihin ang talagang sadya niya dito ay ang mga salitang iyon ang lumabas sa kanyang mga labi, tuloy ay bahagya siyang napa ngiwi na ikinatawa naman ni Seth."So I've heard