“Isa’t kalahating milyon sa loob ng isang buwan???”Tila nababaliw nang kausap ni Izzy sa sarili habang mabagal na tinatahak ang maliit na eskinita kung nasaan nakatayo ang maliit nilang kubo.Mayamaya pa ay agad rin siyang napa nguso nang maalala ang huli nila pinag usapan ni Seth Santiqago kanina.“Saang kamay ng diyos ko naman kukunin ang ganoong pera? Naku naman kasi Isabel Vergara, ang yabang-yabang mo pa kanina habang kausap mo ang hudas na iyon, iyan tuloy ang napala mo.”Patuloy na pagkausap niya sa sarili sabay napa padyak dahil sa pangungunsumi.Kung bakit ba naman kasi sa dami ng tao sa mundo sa taong tulad ni Seth Santiago pa siya nanghingi ng tulong? Tuloy ngayon ay alam na alam niya nang mapapa hamak siya kapag lumipas ang isang buwan at hindi pa rin siya nakakapag bayad.“Ano nang gagawin ko ngayon? Eh kahit yata limang taon ang ibigay na palugit sa akin ng bwisit na lalaking iyon eh tiyak na hindi ko pa rin maku-kumpleto ang isa’t kalahatiung milyon paano pa kaya ang i
“Isabel Vergara, ano ba? Kanina mo pang pinaglalaruan ang pagkain mo, matatapos na lang ang lunch break niyo hindi pa rin nalalamanan iyang sikmura mo.”Nangungunsuming sita sa kanya ni Carl, malakas namang napa buga ng hangin si Izzy sabay ibinaba ang hawak na kubyertos.“Wala akong gana eh…”Matamlay niyang sagot saka napayuko.“Alam kong wala kang gana pero kailangan mong kumain, kailangan mong kumain para magkaroon ka naman ng lakas kahit paano.”“Eh pa-pasensya na… S-salamat sa masarap na pagkain pero kasi wala talaga akong gana eh, kahit anong pilit kong kumain pakiramdam ko eh ayaw tanggapin ng sikmura ko…”Sagot niya saka tamad na dinampot ang baso ng nag yi-yelong tubig sa tabi niya.“Izzy, it’s been two weeks mula nang mailibing si nanay Hilda, I am not going to nag you anymore about how you forced yourself to work and at the same time attend to your classes dahil alam ko naman na hindi ka makikinig and I understand kung bakit ka nagpipilit na pagurin masyado ang sarili mo,
Araw ng sabado, walang pasok si Izzy sa eskwela ngunit kahit ganoon ay maaga pa rin siyang nagising.Mag a-alas kwatro pa lamang ng madaling araw ay nakaligo na siya’t handa nang umalis para mag punta sa coffee shop kung saan siya nag ta-trabaho.Kaya lang palabas pa lamang sana siya ng bahay ay nakatanggap na siya agad ng text mula sa kaibigan at kasamahan sa trabaho, si Gina.Magandang umaga, duty ako ngayon at alam kong gising ka na, pinapasabi ni boss na hindi ka daw muna papasok ng ilang araw at huwag kang mag alala, bayad ang leave mo.Agad napasimangot si Izzy nang mabasa ang text message na iyon, kung sa ibang tao marahil malamang sa hindi ay nag tatalon pa sa tuwa na nabigyan ng ilang araw na bakasyon at bayad pa, pero hindi ibang tao si Izzy.Mas gugustuhin niya pang magpaka pagod sa trabaho kaysa ang tumanga lang sa bahay maghapon.“Maaalala lang kita ‘nay, masasaktan lang ako ulit…”Malungkot niyang sabi sa sarili sabay malakas na napabuga ng hangin bago muling bumalik sa
Nakababa na at lahat si Izzy sa eroplanong sinakyan nila ni Carl papuntang Cagayan ay hindi pa rin maalis ang kaba ni Izzy, maging ang isiping-Paano nga kaya kung ang Seth Santiago na tiyuhin ni Carl at ang Seth Santiago na killa niya ay iisa?Paano nga ba Izzy?Tanong niya sa sarili saka malakas na napa buntong-hininga na agad namang umagaw sa atensyon ng kanyang best friend.“Are you okay?”Kunot-noong tanong nito, mabilis namang tumango si Izzy sabay nag pilit ng ngiti.“A-ayos lang ako… Bakit?”“Ang lalim kasi ng buntong-hininga mo, parang may kung anong nagpapagilo sa iyo, we’re here in Cagayan now, Izzy… We will be here for at least four days and I don’t want you to worry about anything, bakasyon ito, kaya gusto ko sanang mag enjoy ka nalang dito at mag relax.”“Ang haba naman ng sinabi mo…”Kunwaring naka nguso niyang sabi, hindi pa siya nakontento at nakuha niya pa itong irapan bago muling nag salita.“Tsaka oo na… Alam ko naman iyon eh, alam ko rin na kaya mo nga ako sinama
Welcome to my hotel, baby girl…Hindi makuhang sumagot ni Izzy matapos marinig ang malalim at baritonong tinig na iyon ng lalaki, sa halip na sumagot ay nanatili siyang tahimik habang pinipilit ang sariling umiwas sa malagkit na tingin nito.“Cat got your tongue?”Naka ngising tanong nito sa kanya habang dahan-dahang nag lakad palapit, wala sa sarili naman siyang napa atras na tila ba isang matagal at mapanganib na kaawaay ang kausap.“Huwag mo naman sanang ipahalata na parang ayaw mo akong makita…”Tila nag tatampong sabi nanaman nito, sinamahan pa ng pag simangot dahilan upang hindi maiswasan ni Izzy ang huwag mapa ngiti ng bahagya.“H-hindi naman sa gan- sa ganoon… H-hindi ko lang inaasahan na makita ka di- dito…”Pag sisinungaling niya.Sino nga ba naman kasi ang niloko niya? Gayong kanina pa man sa bahay hanggang sa biyahe niya papunta sa hotel ay ang isiping si Seth Santiago na kaharap niya ngayon at ang tiyuhin ng kanyang best friend ay iisa…At ngayon, hindi niya na kailangan
Pakiramdam ni Izzy ay halos mag dugo na ang sariling labi sa diin ng pagkaka kagat niya doon, pigil ang pag hingang pilit niyang sinalubong ang malalim na tingin sa kanya ni Seth Santiago.Isama pang hindi niya na rin malaman kung ilang minuto na lumipas at nanatili pa ring tahimik si Seth matapos niyang bangitin ang huling mga salitang sinabi niya rito kanina.Handa na akong mag bayad, Seth Santiago…Sino ba ang niloko niya? Gayong alam na alam niya naman na kahit ilang araw, lingo at buwan pa ang palipasin niya ay hindi siya magiging handa para dito, at alam niya ring batid iyon ni Seth.Kung hindi ba naman ay hindi siya nito titigan ng ganito.Dahil sa tila biglang pag daloy ng mga isiping iyon sa kanyang sistema at pagkapahiya na rin sa lalaki ay wala sa sariling navbawi na lamang ni Izzy ang tingin dito.“Hey…”Tawag nito sa kanya sa masuyong tinig, bago niya pa man tuluyang maiwas ang tingin dito ay naging maagap na itong hawakan ang kanyang baba upang pilit siyang iharap ulit d
Mabilis na napamulat ng mga mata si Izzy nang marinig ang sunod-sunod na mga katok sa pinto, babangon na sana siya upang pag buksan iyon nang agad ring matigilan matapos mapansin ang mabigat na brasong nakadagan sa kanyang baywang.Kinakabahan at dahan-dahan niyang sinulyapan ang katabing tila panandalian nawala sa kanyang isipan nang makatulog siya kanina.Sa kabila ng pagkataranta dala ng kung sino man ang tao sa labas ay hindi niya pa rin napigilan ang sariling mapa ngiti nang sandaling mapagmasdan gwapong mukha ng katabi, mahimbing ang tulog nito, maamo ang mukha at tila ba hindi aakalaing isa ito masungit at madalas ay walang reaksyon ang mukha sa tuwinang gising.Ilang sandali pa ang ginugol niya sa pag titig kay Seth Santiago, kung hindi pa nga lamang niya narinig ang muli nanamang pag katok ng kung sino sa labas ay hindi pa siya kikilos.Mabilis na nalipat ang tingin ni Izzy sa makisig nitong braso sa kanyang baywang kasabay ng pag dadalawang isip kung gigisingin niya na laman
“Are you okay? You look weird…”Kunot ang noong tanong sa kanya ni Carl habang kumakain, kunwari naman itong inirapan ni Izzy.“Weird naman agad? Ayos lang ako, may naisip lang…”Pag dadahilan niya bago dinampot ang basong ng orange juice sa mesa.“Iniisip mo pa rin ba si nanay Hilda mo?”Nag aalalang tanong pa ni Carl, nag pilit ng ngiti si Izzy saka dahan-dahang tumango.“H-hindi naman siya nawala sa isip ko kahit kailan, Carl…”Sagot niya.Paano niya nga ba naman kasing sasabihin sa kaibigan na bukod sa kanyang ina ay hindi rin mawala sa isip niya ang lalaking walang sabi niyang naiwang nakatago sa banyo kanina.Malamang sa hindi ay inis na inis na si Seth Santiago sa kanya ngayon, lalo pa at nangako siyang mabilis niya lamang na kakausapin si Carl.Ano ba Izzy… Huwag mo na ngang sayangin ang energy mo sa pag iisip sa lalaking iyon, matanda na iyon, kaya niya nang alagaan ang sarili niya, tsaka siguro naman naka alis na iyon doon ngayon, ‘di ba?Tila isang baliw na kausao niya sa s
Matamis na napa ngiti si Izzy matapos mailagay sa tupperwear ang inilutong Calderetang manok, may pag mamadali pa niyang inayos iyon sa isang paper bag saka excited na ipinatong sa kitchen counter.Sandali niya pang inayos ang sarili saka tinawag na si Robert na siyang driver na pinag bilinan ni Seth."Alis na po tayo, manong Robert."Malaki ang ngiting sabi niya bago kinuha ang dalawang paper bag, ang isa ay may lamang pagkain habang ang isang mas maliit naman ay ang surpresang regalo niya para sa kanyang fiance.Mabilis namang kumilos si Robert upang ihanda ang sasakyan.Sa kompanyang pag aari ni Seth siya agad nagpa hatid. Kulang na lamang ay mapunit ang kanyang pisngi sa laki ng kanyang ngiti lalo at pag pasok na pag pasok niya pa lamang sa loob ay agad na siyang binati ng mga guards na bantay doon maging ang kanyang mga katrabaho."Andiyan ba si Seth?"Nakangiting agad niyang tanong kay Mark, ang secretary ni Seth. Agad naman itong napa ngiti nang makita siya saka tumango."Nasa
"Shania? You're the one behind all these?" Bakas sa tinig ang gulat na sabi ni Margaux habang titig na titig kay Shania, agad pang nakaramadam ng inis si Izzy nang makita ang pag silay ng isang matamis na ngisi sa labi nito na halatang nag iinis pa. "Don't act surprise now, Margaux, para namang hindi mo ako kilala. You know what I'm capable of. Actually hindi naman talaga kayo dapat kasama dito eh, kung hindi lang masyadong tatanga-tanga ang mga tao ko. Pinasok nila ang Ice Cream Shop at doon nag hintay sa babaeng 'to. Bakit ba kasi sumama pa kayong dalawa? And you!" Sabi nito saka siya sinamaan ng tingin sabay duro sa kanya. Mabilis naman siyang napa atras nang bahagyang umabante ang mga kasama nitong kalalakihan, sa itsura pa lang ng mga ito ay halatang hindi na ito gagawa ng maganda. Isama pang sa itsura ng mga ito ay halatang handa nitong gawin lahat ano man ang sabihin ni Shania. "Hindi ka talaga nadala sa mga pananakot na ginawa ko sa'yo. Nakuha mo pang lumipat sa bah
"Izzy... Izzy wake up..."Pilit nag mulat ng mata si Izzy nang marinig ang mahina at halos pabulong na boses ng pamilyar na tinig na iyon. Nanlalabo ang mga matang pilit niyang inaninag ang may ari ng boses saka bahagyang napa ngiwi nang maramdaman ang kirot mula sa likod ng kanyang ulo.Ano ba ang nangyari?Nag tataka niyang tanong sa sarili, mayamaya pa ay agad na binalot ng kaba ang kanyang dibdib nang malala ang nangyari sa Ice Cream shop kanina. Pilit niyang ikinilos ang mga kamay at paa ngunit lalo lamang siyang nakaramdam ng matinding takot nang mapagtantong naka gapos iyon."Izzy... Are you awake?"Muling pabulong na tawag sa kanya ng babae sa harap niya, mariin pa siyang napamura nang makilala iyon."Margaux?""Si Jane... I can't wake her up... Kanina ko pa siyang tinatawag pero I don't think she can hear me... Oh my God... I don't know what the hell is going on, where are we?"Bakas ang takot sa tinig na sabi ni Margaux, isama pang nanlalaki ang mga mata nito, madilim man an
Sa kabila ng takot at pagaalala na unti-unting bumabalot sa puso ni Izzy ay hindi pa rin naman napigil noon ang kahit paano ay i-enjoy ang ilang araw nilang bakasyon sa Cagayan.Halos hindi rin maalis sa ang masayang ngiti sa kanyang mga labi habang tahimik na pinapanuod sina Margaux, Andrea, Pating, Miya pati na rin ang couple na sina Carl at Jane na masayang gumagawa ng sand castles, partner sina Andrea at Margaux, sina Jane at Carl naman ang magkasama habang si Pating naman at si ang kanyang tiyong , si Miya naman ay piniling ang bata niyang pinsan ang kampihan pati ang asawa ng kanyang tiyong.Hindi maitago ang tawa sa kanyang lalamunan nang mag umpisang mag talo ang magkapatid na si Andrea at Margaux habang galit na galit naman si Jane sa boyfriend na si Carl.Hindi naman masisi ni Izzy ang mga ito kung sandyang gusto ng lahat na manalo lalo at si Seth ang may pakana na pa mini contest na iyon."Sure ka ba sa pa premyo mo? Hindi ba masyado naman yatang malaki?"Nag aalala niyang
Wala ring nagawa si Seth nang sabihin niya ritong gusto niya pa ring pumasok sa trabaho bilang secretary ni Miya.Ayaw niya rin kasing maburyo sa bahay nito, isama pang sadyang hindi siya sanay na walang ginagawa.Pero syempre, kasama sa pagpayag nito ang kondisyong sabay silang papasok at sabay rin silang uuwi."Wala pa rin bang balita tungkol sa taong may gustong manakit sa akin?"Tanong niya habang hinihintay ang pina-deliver nitong pagkain sa opisina nito."I'm still working on that, Isabel... Pero sadyang matigas ang mga lalaking iyon, hanggang ngayon kasi ay ayaw pa ring mag salita."Mariing nakagat ni Izzy ang sariling labi saka nanghihinang napa upo sa sofa sa opisina nito."Hey, I don't want you to worry about anything... It's not good for you. I promise I'm working things out. Kung kinakailangang umalis tayo sa bansa, I'll do that as long as I can make you safe."Pag alo sa kanya ni Seth nang mapansin nito ang pag aalala niya."Hindi naman iyon ang iniisip ko... Hindi naman
"So ano nga ba ang nangyari? Bakit ka na ospital?"Nag aalalang tanong ni Carl, wala pa halos ilang minuto nang dumating ito sa bahay ni Seth kasama ang girlfriend na si Jane.Kakauwi niya lamang galing sa ospital matapos ang ilang araw niyang pag tira doon. Maayos naman na ang pakiramdam niya kaya lamang ay si mapilit si Seth, mas mabuti na raw na doon muna siya para masigurong maayos ang lagay ng baby sa tiyan niya."May nangyari lang nitong nakaraan.""May kinalaman ba iyon sa mga taong sumusunod sa'yo?"Tanong ni Carl, sandali namang nangunot ang kanyang noo sa pag tataka bagay na tila agad ring napansin ni Carl."Nabangit saakin ni uncle Seth. He mentioned someone is after you, when I asked what's with all those guards."Sabi nito, marahan naman siyang napa tango saka marahas na napa buga ng hangin."Don't worry, tutulong ako para malaman kung sino ang nasa likod ng lahat ng 'to. All of us, not just uncle Seth is worried about you, at hindi lang siya ang nag aalalang baka nag aal
Hindi malaman ni Izzy ang dapat na gawin, gustohin niya mang sumigaw upang manghingi ng tulong ay hindi niya magawa sa takot na baka kapag ginawa niya iyon ay bigla siyang sugurin ng dalawang lalaking nasa harap niya ngayon.Tila lalo pang kumabog sa takot at kaba ang kanyang dibdib nang sa nanlalabo niyang paningin ay naninga niya ang hawak nitong patalim nang bahagya iyong kuminang sa liwanag ng ilaw ng banyong iyon."A-anong ka-kailangan niyo?"Bagama't kinakabahan at hindi malaman ang gagawin ay nagawa niya pa ring mag tanong, nakita niya pa kung paanong ngumisi ang lalaking may pulang buhok bago sumagot."Kami wala, si boss meron. Pasensya na, hindi naman namin gustong saktan ka, napagutusan lang kami."Sabi ng isa pa na para bang isang malaking biro lamang ang mga nangyayari at kung ano man ang sadya ng mga ito sa kanya."S-sinong nag u- nag utos sa inyo?""Hindi mo na kailangang malaman pa iyon. Kailangan lang namin, sumama ka ng maayos para hindi ka na masaktan pa. Huwag ka na
"Bakit ang laki ng ngiti mo? Sarap ba tulog mo?"Naka ngising tanong agad ni Izzy kay Seth, bakas kasi ang tuwa sa mukha nito pag pasok na pag pasok pa lamang sa kusina ng bahay nito, kanina pa siya naruon at katatapos lamang mag luto ng agahan habang si Seth naman ay halatang kakagising lang."Nothing... You cooked?"Tanong nito, mabilis naman siyang tumango bilang sagot."You should have let the maids do that.""Ang aga pa naman, mahaba pa ng kaunti ang oras para sa trabaho kaya iyan, breakfast lang naman eh, simpleng sinangag at itlog, ham at bacon. Hindi ako napagod, promise. Kain na."Sagot niya saka inayos ang pingan sa mesa."Coffee?"Tanong niya pa dahilan upang lalong lumaki ang ngiti sa mga labi ni Seth na ikinakunot naman ng kanyang noo."Bakit?"Nag tataka niyang tanong."Nothing, I'm just happy that you are here. Safe. And I just find it a liitle funny how we're living together and I'm not even your boyfriend yet."Sagot nito, kunwaring lalo namang nangunot ang noo ni Izz
"Bakit mo iniwan ang meeting mo?"Agad na tanong ni Izzy kay Seth pagka sara pa lamang ng pinto ng opisina nito. Agad pa siyang napa ngisi nang makitang i-lock niyo iyon.Sa ilang buwan nilang magkasama mula noong maging okay sila, kung may isang bagay siyang palagian napapansing kay Seth, iyon ang ugali nitong hindi mag lock ng pinto."I got your text, you said you have something really important to tell me, you are more important than a boring meeting, so... What is it that you want talk about?"Seryosong tanong nito saka marahang nag lakad palapit sa kanya, mariin niya pang nakagat ang sariling labi nang ipulupot nito ang isang braso sa kanyang baywang, gumanti naman siya ng yakap sa leeg nito dahilan upang agad na sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi nito."N-nakita ko si Carl kanina."Sa halip na derektang sabihin ang talagang sadya niya dito ay ang mga salitang iyon ang lumabas sa kanyang mga labi, tuloy ay bahagya siyang napa ngiwi na ikinatawa naman ni Seth."So I've heard