Hello, readers! Ang novel na ito ay opisyal na pong natapos. First of all, gusto kong magpasalamat sa aking Editor sa pagbibigay ng opportunity na i-publish dito ang novel ko. Salamat po! Second, salamat po sa mga readers na sumuporta, nagbasa, nagbigay ng gems, at nagcomment! Sobrang na-a-appreciate ko po lahat. Maraming-maraming salamat po! Ito po ang unang novel na natapos ko dito sa Goodnovel at dahil po iyon sa inyong suporta. Salamat po sa pagsama sa journey nila Arc at Lian. Huwag kayong mag-alala, mag-pu-publish po ako ng susunod na novel dahil series po ito. Although, iba naman ang characters doon. Salamat po nang marami! Till the next story, this is not a goodbye.
Yours truly,Eternalqueen“Lian, bakit ba ayaw mong maniwala? Nakita ko nga si Anton may kasamang babae.”Napailing ako sa sinabi ng kaibigan kong si Lovely. Kanina pa niya ako kinukulit tungkol sa walang kwentang bagay. Hindi ako naniniwala sa sinasabi niyang may ibang babae ang boyfriend ko.“Baka naman kaibigan lang,” sabi ko at ipinagpatuloy ang pagpupunas sa mesa.“Kaibigan? Pero magkahawak ng kamay habang naglalakad?” nanggagalaiting sabi ni Lovely. “Hindi ko lang kasi na-pictur-an dahil nagmamadali na ako.”Natigilan ako sa aking ginagawa. Sa isip ko ay tumatakbo ang imahe ng boyfriend ko habang may ibang babae. Pakiramdam ko ay pinipiga ang puso ko. ‘Hindi totoo ang sinasabi niya. Walang ibang babae si Anton. Hindi magagawa ni Anton na mambabae. Apat na taon na ang relasyon namin, e. Kuntento siya sa akin at wala na siyang panahon para humanap ng iba.’“Lovely, kung ako sa ‘yo tatapusin ko na ang trabaho ko. Lagot tayo kay madam kapag naabutan niya tayong nagkukwentuhan,” sabi ko kay Lovely bago ako p
“I want a kiss and your number.”I gasped. He leaned closer and I stepped back until I felt the wall on my back. Now I’m trapped between his body and the wall. He put his hand on the right side on my head to corner me while he used his other hand to caressed my cheek.Is it okay to kiss a stranger? But then he helped me. Kung hindi siya sumabay sa ginawa ko kanina, baka pinagtawanan pa ako ni Anton kapag nalaman niyang hindi ko boyfriend ang lalaking ‘to. Besides, I also want to know how soft his lips are.Tumango ako at ngumisi siya. Mas lalo siyang lumapit sa akin kaya pumikit ako. Hinintay kong dumampi ang labi niya sa akin at nang mangyari ‘yon ay parang may sumabog na saya sa puso ko. Marahan ang paggalaw ng labi niya at sinubukan kong pantayan iyon. I copied every move of his lips on mine. He was not my first kiss but I felt like a first timer now. And when he slightly bit my lower lips, I gasped. He used that chance to push his tongue inside my mouth. The kiss went deeper and
It was already past midnight when I arrived home. The lights in our sala were opened and I saw my mother with her phone in her hands. She was smiling while typing something on it.My forehead creased. Dahandahan akong lumapit kay mama pero dahil malakas ang pakiramdam niya ay lumingon siya sa akin.“Lian, nandiyan ka na pala. Kanina pa kita hinihintay,” sabi ni mama.“Sorry po. Nag-hangout po kasi kami ni Lovely. Bakit n’yo po pala ako hinihintay? Dapat po natulog na kayo,” sagot ko.Ngumiti si mama at iminuwestra ang tabi niya. Nagtataka man ay umupo pa rin ako doon. Inilapag niya ang kaniyang phone sa center table bago humarap sa akin.“Anak, paano kung may nanliligaw sa akin? Mabait siya at maalaga. Ayos lang ba kung sasagutin ko siya?” tanong ni mama.Hindi ako nakakibo agad. Mahigit isang dekada nang walang lalaki sa buhay ni mama. Alam kong marami talagang nanliligaw sa kaniya kahit noong kamamatay pa lang ni papa pero ni isa ay wala siyang binigyan ng pansin. Kaya ngayong sinas
Pakiramdam ko ay tumigil ang paligid. Hindi ako kumukurap habang tinititigan ang mukha ng lalaking nasa ibabaw ko. Hindi ako p’wedeng magkamali. Malinaw na malinaw pa rin sa isip ko ang itsura ng lalaking nakasama ko no’ng gabing ‘yon at kamukhang-kamukha siya ng step-brother ko.“Am I still drunk? Or am I dreaming again? Bakit nakikita na naman kita? Hindi mo ba talaga ako titigilan?” sunod-sunod na tanong niya sa akin.Kumunot ang noo ko. Mukhang naguguluhan din siya at mukhang hindi rin siya makapaniwalang makita ako. Sino ba naman ang hindi magugulat?Tatlong buwan. Tatlong buwan na mula nang huli ko siyang makita. Oo, may parte sa akin na gusto rin siyang makita pero hindi sa ganitong pagkakataon. Grabeng coincidence naman ito! Parang kailan lang ka-one night stand ko siya tapos ngayon step-brother ko na siya?“Teka nga!” sigaw ko bago siya itinulak. Bumangon kaagad ako at huminga nang malalim. “Paano nangyari ‘to?”“Wait...this is not a dream? You’re really here? Paano ka napun
Warning: R18+Padabog kong sinarado ang pinto sa inis. Ang lakas niya talagang mang-asar. Nahihirapan tuloy akong maniwala sa sinabi ni Tito Rayver tungkol kay Arc. Parang gawa-gawa niya lang ang lahat ng iyon dahil anak niya si Arc.Sinigurado kong naka-lock ang pinto para walang ibang makapasok. Nang kampante na ako ay saka ako nagtungo sa kama at umupo. Mas malaki ang kama ko dito kumpara sa kama ko doon sa dati naming bahay. Sabagay, hindi hamak naman na mas malaki ang kwarto ko dito.May sarili akong banyo at may walk-in closet din. Sa kaliwang side nakalagay ang study table habang nasa kanan naman ang vanity table. Inayos ko ang mga damit ko sa closet pagkatapos ay nilagay ko na rin sa study table ang mga libro ko. Nang matapos ay saka ko naisipang magbihis at magpahinga. Nakatulog din ako kaagad at paggising ko ay madilim na sa labas. Nakabukas pa kasi ang bintana ng kwarto ko kaya kitang-kita ko ang madilim na kalangitan.Pinagmasdan ko saglit ang mga bituin bago ko isinarado
Warning: R18+Hindi ko alam kung tama bang pumayag ako sa gusto niya. Natatakot ako sa susunod na mangyayari. Natatakot akong tuluyang mahulog ang puso ko kay Arc.He’s my step-brother for damn sake! I’m having a secret affair with my step-brother. Pumasok ang liwanag mula sa siwang ng kurtina kaya napagtanto kong umaga na. Ni hindi ko nagawang pumikit man lang. Habang si Arc ay tulog na tulog sa tabi ko. Napangiti ako habang pinagmamasdan siya. Bahagyang nakakunot ang noo niya na para bang kahit sa panaginip ay may kaaway siya.Sobrang tangos ng ilong niya at ang kanyang mga labi, sobrang pula at lambot. Gustuhin ko mang manatili pa sa tabi niya, kailangan ko nang bumangon. May pasok ako ng ten o'clock kaya maghahanda na ako. Dahandahan kong tinanggal ang braso niyang nakayakap sa beywang ko. Malalim ang tulog niya kaya nagawa kong kumawala sa kanya nang walang hirap. Isinuot ko ulit ang damit ko bago ako lumabas ng kwarto niya. Nagtungo ako sa kwarto ko para maligo at makapag-ayo
Pagkatapos kumain ni Lovely ay sabay na kaming nagtungo sa kanya-kanyang building namin. Nasa isip ko ang sinabi niya kanina. Kapag nahuli kaming dalawa ni Arc sa ginagawa namin, hindi ko alam ang magiging reaksyon ni mama at ni Tito Rayver. Ang pinakamalalang p'wedeng mangyari ay maghiwalay sina mama at Tito Rayver. Ayos lang kung mapalayas ako, pero hindi kakayanin ng konsensya ko kapag nasaktan si mama nang dahil sa akin. Mabilis na natapos ang lahat ng klase ko ngayong araw. Nag-aayos ako ng gamit habang abala sa pag-uusap ang mga kaklase ko. Ang lalakas pa nga ng mga boses nila.“Lian, gusto mo bang sumama sa ‘min?”Tumingin ako kay Daniela, ang class representative namin. Kumunot ang noo ko. “Saan?” tanong ko.“Birthday ko ngayon. May party sa bahay invited kayong lahat. Punta ka, ha?” sagot niya.Sumulyap ako sa aking relo at nakitang alas tres na. Papasok pa ako sa trabaho.“Susubukan ko. May trabaho pa kasi ako baka seven o'clock pa ang out ko,” paliwanag ko.Ngumiti siya
Kinabukasan ay nag-aalmusal na sina mama at Tito Rayver pagkababa ko. Umupo ako sa tabi ni mama bago sumulyap sa bakanteng upuan ni Arc.“Sa condo daw natulog si Arc kagabi. Hindi ka ba niya sinundo, Lian?” tanong ni Tito Rayver.Umiling ako. “Hindi po. Medyo gabi na po kasi ako nakauwi.”Hindi pala siya umuwi kagabi. Sana huwag na siya umuwi kahit kailan. Doon na lang siya sa condo niya at huwag na siyang magpapakita sa ‘kin.“I see. About your internship, tinawagan ko na ang staff ko doon sa hotel. Ine-expect ka na nilang pumunta doon anytime soon. Kailan mo ba gustong magsimula?” tanong niya.Napaisip ako. Marami pa kasing dapat gawin. Ipapaalam ko pa sa department head namin kung anong company ang napili ko at magpapadala sila ng letter. Aayusin ko rin ang mga kailangang requirements. “Baka po sa Friday or next week. I’ll inform you na lang po kapag pupunta ako doon,” sagot ko.Natawa siya kaya kinabahan ako. “Si Arc na lang ang kausapin mo tungkol diyan. Magiging abala kami ng m
Hello, readers! Ang novel na ito ay opisyal na pong natapos. First of all, gusto kong magpasalamat sa aking Editor sa pagbibigay ng opportunity na i-publish dito ang novel ko. Salamat po! Second, salamat po sa mga readers na sumuporta, nagbasa, nagbigay ng gems, at nagcomment! Sobrang na-a-appreciate ko po lahat. Maraming-maraming salamat po! Ito po ang unang novel na natapos ko dito sa Goodnovel at dahil po iyon sa inyong suporta. Salamat po sa pagsama sa journey nila Arc at Lian. Huwag kayong mag-alala, mag-pu-publish po ako ng susunod na novel dahil series po ito. Although, iba naman ang characters doon. Salamat po nang marami! Till the next story, this is not a goodbye.Yours truly,Eternalqueen
“I didn’t had sex with anyone last night. Umuwi ako dito sa condo. Whether you believe me or not, that's the whole truth. Now, I guess it’s your turn to explain.”Damn! I never imagined myself that I would do something crazy like this for her. Really, Arc? Explaining to a woman? Just to make sure that she won't misunderstood anything? “Tungkol sa nakita mo, si Leo ang humalik sa ‘kin. He confessed that he likes me. Ayaw ko namang ma-offend siya kaya sabi ko pag-iisipan ko.”“Reject him,” I said.I hate to admit this but I don't want another man pursuing her. I don't want to see her being touched and kissed by someone. It makes me...mad.Mabuti na lang at madali siyang kausap. Dahil kung hindi niya i-re-reject ang lalaking ‘yon, ako mismo ang maglalayo sa kanya. After our argument, I decided to cook for her. It was years ago when I learned my love language. It was act of service and physical touch with a little words of affirmation. I love to spoil the person that is special to me. M
I was so sure that I didn't want to see her again after that night. But even though the days passed by like a blur, she still bombarding my mind.Malaking pagkakamali para sa akin na hindi ko kinuha ang number niya. I didn't even ask her name! Hindi ko naman talaga ugaling tanungin ang pangalan ng mga babaeng nakakasama ko, pero pagdating sa kanya, parang gusto kong alamin pati ang address niya.I tried to find another girls after her but I just couldn't take her off my mind. Is she a witch? Did she bewitch me?Kailangan ko siyang alisin sa isip ko. Kailangan kong patunayan sa sarili ko na wala siyang epekto sa akin. But I just couldn't. The image of her underneath me kept on replaying in my mind. Her smell and her taste...damn! Hindi ko na ba talaga siya makikita?As embarrassing as it was, but I tried to go back to that bar where I first met her. But she never went there again. It was even worst than a Cinderella love story. At least sa kwentong ‘yon, may naiwang sapatos si Cindere
The music was banging in my ears and the lights were blinding my eyes but it didn’t bother me. I gulped the alcohol in my glass before I leaned on the steel bar and watched the people dancing.My attention was caught by a girl dancing in the middle of the crowd. She was swaying her hips throughout the beat of the music while raising her arms in the air. Her hair were moving against her slim body.I felt something ignited inside me. I tried to look away but all I could do was stare at her while my forehead knitted.Suddenly, she opened her eyes and caught my stares. The lights reflected in her eyes and she looked like a goddess of the dancefloor. I felt my member twitched. This is not good.I need to go to the comfort room and freshen up. But I didn't expect to see her outside. And when she suddenly approached me and touched my arm, my buddy became hard. Hindi ko alam ang nangyayari pero hinayaan ko siya. Sa tingin ko ay kinukulit siya ng lalaking kausap niya. “Siya ang ipinalit mo
“Your mom...is dead.”At such a young age, I became aware of the concept of death. The feeling of permanently losing a special someone. The feeling of being alive but half of you is lifeless. As a kid, I had so many questions in my mind. Questions that were increasing as time passed by. I had so many why’s and what ifs. But none of them had an answer. No one told me the answer and no one...made me understand why death isn’t something you can escape of.I was curious why someone had to die. As curious as why tears kept on falling from my eyes as I stared at the coffin in front of me. I glanced at the portrait of my mother. She was smiling. As if telling me that everything will be fine. “Arc, gusto mo bang silipin ang mommy mo?” tanong ni dad.Umiling ako. I don't want to see her cold and lifeless body inside that coffin. I don’t want to remember her face that way. Ang gusto kong huling imahe niya sa isip ko ay ang nasa portrait na nasa harapan ko.As a child, it was hard for me to a
NOTE: This is going to be the last chapter written in Lian’s POV. Thank you so much for joining the journey of their love story. I will publish the next parts in ARC'S POV so stay tuned!WARNING: R18+“Hey, look at me.”Umiling ako at mas itinago ang mukha ko. Pero bumangon siya kaya wala na akong magawa. Nakita ko ang multo ng ngiti sa labi niya na para bang natatawa siya sa itsura ko.“You really want to eat balut now?” he asked and I nodded. “Okay fine, let’s go out and look for it. Huwag ka nang umiyak.”Pinunasan niya ang luha sa mata ko bago ako tinulungang bumangon. Nagsuot lang ako ng blazer sa ibabaw ng pantulog ko dahil tinatamad na akong magbihis. Madilim sa loob ng bahay dahil tulog pa ang lahat ng tao. Tahimik kaming lumabas ng bahay at sumakay sa kotse niya. Nagmaneho si Arc palabas ng subdivision at nagsimulang maghanap ng balut sa highway. Nakasilip ako sa bintana para walang makalampas na tindahan sa akin.Inabot yata kami ng halos isang oras bago kami nakakita ng is
Isang oras na ang nakalipas pero hindi pa rin bumabalik si Arc. Nagugutom na ako pero dahil wala pa siya ay hindi muna ako kumain. Gusto kong sabay kami mag-dinner. At gusto ko siya ang magluto para sa akin.“Lian, doon ka na sa loob maghintay. Lumubog na ang araw kaya lalamig na dito sa labas,” sabi ni mama.Lumabas kasi ako ng bahay at dito ako sa harap ng pinto umupo habang naghihintay. Gusto ko kasing makita kaagad ang pagdating ni Arc. Naiinip lang din naman ako sa loob.Umiling ako. “Dito lang po ako. Hindi niya kasi sinasagot ang tawag ko e.”“Baka nagmamaneho siya kaya hindi niya sinasagot ang tawag mo. Sige na, pumasok na tayo sa loob.”Sumimangot ako bago tumayo. Papasok na sana kami ni mama nang matanaw ko ang pagpasok ng kotse ni Arc sa gate. Nanlaki ang mga mata ko at pagkahinto pa lang ng sasakyan ay tumakbo kaagad ako patungo sa kanya. “Arc!” tawag ko sa kanya pagkalabas niya ng sasakyan.Sinalubong niya kaagad ako nang nakakunot ang noo. “Don’t run. You’re pregnant s
I fell asleep in his car during the ride to his condo. Naramdaman ko ang paghinto ng sasakyan pero tinatamad akong dumilat. Narinig ko ang pagbukas at sara ng pinto bago binuksan ni Arc ang pinto sa tabi ko.“Baby, we’re here,” he whispered.Gumalaw ako para yumakap sa kanya. Inaantok na talaga ako kaya ayaw ko nang maglakad.“Do you want me to carry you?” he asked.Hindi ako kumibo. Mayamaya lang ay naramdaman kong para akong lumulutang. Iyon pala ay binuhat niya na ako paakyat sa condo niya. Pagdating sa kwarto ay marahan niya akong inilapag sa kama. Maingat niya ring tinanggal ang sandals ko at kinumutan ako. He kissed my forehead before he switched off the lights.“Goodnight,” he whispered.Kinabukasan ay nagising ako dahil parang bumabaliktad ang sikmura ko. Tumakbo kaagad ako papuntang banyo para doon sumuka. Nakakapit ako sa toilet bowl habang pilit na inilalabas ang laman ng tiyan ko. Pero hanggang duwal lang naman ang aking nagawa. Tumayo ako at naghilamos sa lababo para ma
“Hindi na ako makikipagkita sa inyo ni Arc. Pero handa akong pagbayaran ang mga kasalanan ko. Kung magsasampa kayo ng demanda, handa akong harapin ‘yon.”Umiling ako. “Para saan pa? Dalawang taon na ang lumipas. Siguro naman natuto ka na sa mga pagkakamali mo.”Ayaw ko nang ungkatin pa ang mga nangyari. Lahat kami ay nagmahal lang. Lahat naging biktima ng pag-ibig. Ang pagkakamali lang nila, masyado silang nagpabulag sa pagmamahal. Nagawa nilang manakit ng ibang tao dahil lang nagmamahal sila.“Ngayon naiintindihan ko na,” sabi ni Marianne. “Kung bakit mahal na mahal ka ni Arc. Dahil malinis ang puso mo. Hindi ko alam kung paano mo ako nagawang mapatawad. Sa laki ng kasalanan ko sa ‘yo, may karapatan kang isumpa ako.”Ngumisi ako. “Hindi pa naman kita napapatawad.”Natigilan siya. “Ayaw ko lang ungkatin pa ang nakaraan pero hindi pa din kita napapatawad. Hindi ko alam kung kailan pero darating din ang araw na mapapatawad kita.”Ngumiti siya. “Naiintindihan ko. Sige na, aalis na ako.