"Ang hirap mo rin akitin, hindi na ako marunong mang-akit dahil basta!" Ngiwing sabi ko at kumuha ng chicken at isang subuang kinain 'yon."Oh inaakit mo 'ko?" Tila nang-iinsulto niyang sabi dahilan para umirap ako."See ang yabang mo!" Singhal ko at ngumiwi."Luh, I was just asking. Ganiyan ka pala mang-akit." Pigil tawa niyang sabi kaya umirap ako."Pag sinubukan ko talaga, sinasabi ko sa'yo magsisisi ka." Ngiwing sabi ko dahilan para matawa siya at umiling iling."Ang tagal mo naman ako pakasalan, baka dumating na yung set date ni dad patay talaga ako." Ngiwing sabi ko."Hindi pa nga sure kung pakakasalan ka, mahal na ba kita?" Sa sumbat niya ay agad akong tumayo dahilan para magitla siya ngunit pinalo palo ko lang siya sa likod dahilan para matawa siya."H-Hey enough!" Sita niya pa muli."Ang yabang mo ha, ang yabang mo Zai Garcia!" Ngiwing sabi ko at tumayo sa harap niya habang nakataas ang kilay."Tandaan mo attorney ang nagkagusto sa akin noon! Isang business man at—""At isang
The hub is just walking distance dahil around the hotel lang siya so if any tourist will visit the hub, there's a hotel. Nang papasok na sa hub ay marami na kaagad ang bumati sa kaniya kaya napalunok ako ng makahulugan nila akong tignan."I don't think I am welcome here," bulong ko kay Zai dahilan para tumigil siya."Everyone is welcome." Mahina niya ring sagot, nang matanaw ang group of friends niya ay bigla akong tinubuan ng hiya."You came again, nice seeing you here." The other guy greeted me with a smile on his lips kaya ngumiti rin ako."Thanks."Ngunit nang makita na si Shane ay kusang lumabas ang maldita kong mukha, pasimple akong umirap at naupo sa tabi ni Zai. Occupying the seat so she can't sit beside him.Madalas sa kanila ay may mapanghusgang titig, ang iba ay normal lang at madalas sa hindi chismosa ay ang mga lalake. "Isang stick ka pre?" Tanong ng isa, natigilan ako ng makita ang isang kaha ng sigarilyo."Lights?" Zai asked and grabbed the box of cigarettes."Yeah, nev
After that kiss he glanced at them. "Maybe you know my answer?" Zai answered and pick up the box of cigarettes and the lighter before leaving kaya agad agad akong sumunod ngunit sa labas ng hub siya nagsindi at muling humipak. "Y-You." Wala sa sarili ko siyang dinuro ngunit sinulyapan niya lang ako at abalang hipakin ang usok at pag-laruan. "T-Tama na nga 'yan." Sita ko at inagaw sa kaniya pero itinaas niya kaya umawang ang labi ko. "You're not my wife yet." He stated before inhaling the stick again that made me glare. Mabilis kong inagaw ang kahon at lighter dahilan para matigilan siya. "Hindi ka titigil ah." Kumuha ako ng stick at sisindihan na sana ngunit mabilis niyang pinatay ang kaniya at inagaw sa akin ang kinuha ko. "'Di na." Seryoso niyang sagot at itinago na 'yon. "Throw it." Utos ko ngunit umiling siya. "Zai throw it, it's not healthy." Dismayadong sita ko ngunit tinitigan niya ako ng matagal. "Ibibigay ko 'to sa may ari." Mahinahon niyang sabi kaya tumigil na
Huminga ako ng malalim, mamaya ko na lang siya tatawagan ulit pag tapos na sila. It feels so awkward sa tuwing sinasabihan ko siya pero noon naman hindi. "D-Daddy.." Napalingon ako sa anak ko ng nakanguso itong mag maktol. "You're cold baby?" Tanong ko at sobrang hininaan ang aircon at mas binalot siya ng kumot. "D-Doctor daddy mommy." Bumuntong hininga ako at tsaka nasapo ang sariling noo. "Mommy's here baby." Mahinang sabi ko, she's being dependent to his dad because he's a doctor. I contacted Zai but he's not answering kaya naman wala akong choice but to call Aji, siya naman ang inaasahan ko noon. Nang pagkaring no'n ay nasagot kaagad. "Hey.." "Aji, I need your help." Mahinahon kong sabi. "Hmm? Bakit? Ano 'yon?" "Sierah have fever, can you buy me her medicine? Yung parang dati." "Okay, wait me there." He stated and ended the call dahilan para makahinga ako ng maluwag, pinunasan ko muna si Sierah at makalipas ang kinse minutos ay dumating na si Aji kaya naman patakbo
Dumating ang ala sais ng umaga ay halos kulang ang tulog ko ngunit sinamahan naman kami ni Aji kaya ayos lang, tulog pa rin si Sierah. Habang inaayos ko ang breakfast na hinatid ng ospital ay bumukas ang pinto at nang makita ko si Zai ay tumaas agad ang kilay ko. "Oh buhay ka pa pala?" Sarkastika kong sabi ngunit lumapit siya agad kay Sierah. "Kumusta siya?" Tanong ni Zai kaya naman ngumisi ako. "Ano bang pakialam mo? Ilang tawag pa ba dapat ang kailangan mo bago mo sagutin? Ilang texts pa ba Zai?" Galit na tanong ko na. "Lauren, huwag kayong mag-away dito. Mag-usap kayo sa labas, sa office niya. Ako na muna bahala sa kaniya." Aji said at inayos ang kumot ni Sierah kaya naman ngumiwi ako. "Wala kaming pag-uusapan, umalis ka na lang Zai." Mariing sabi ko. "I-I los—" "You had sex with her, you had fun all night while your daughter is sick. Alas onse pa lang tinatawagan na kita, ano sarap na sarap?" Natigilan si Zai at tinitigan ako. "H-Hindi ganoon—" "Wala akong pakia
After that tahimik siyang nagbantay kay Sierah kaya naman hindi na ako kumontra dahil nilinaw naman niya ang totoo, tsk pasalamat siya. "Hoy." Nalingon ko si Aji kaagad. "You look like a jealous wife kanin—" "Stop daydreaming Aji, anong sinasabi mo? Baliw ka na ata eh." Mabilis kong sabi that made him laugh. "Totoo, you look jealous. Since that night, if only I could tease you but the situation is not accurate." He stated kaya naman ngumiwi ako at umiling. "Asa." "In denial ka 'no?" Tanong niya na para bang siya na mismo ang sumagot sa tanong niya kaya pasimple akong umirap. "You're my friend but look at you teasi—" "Because I only use this mouth to spit truths." Nakangiting sabi ni Aji. "Bro, we'll just buy foods." Paalam ni Aji at inakbayan ako papaalis doon, nanatili siyang nakaakbay at normal na 'to sa amin noon pa lang. "Alam mo kasi noon, nasa stage mo rin ako. I was really in denial mas malala pa sa'yo. Imagine, my heart flattered a lot of times but I have th
That made me think a lot, napailing na lang ako sa sarili ng marealize kung gaano ako ka-tanga noon kay Kent Axel to extent that I am the one who hurt him, I am the one that made him stay away from me. I even hurt an innocent woman because I was being possessive. I should trust him before, but It's all okay now. Nang makabalik ay tahimik lang akong kumain dahil nauna ng kumain si Sierah, basta basta na lang akong naupo not realizing nasa tabi pala ako ni Zai at nagitgit ko na siya. Dahilan para agaran akong umayos. "Are your head on clouds young lady?" Nagtatakang tanong niya kaya umirap lang ako. Bigla ay naalala ko ng hinalikan niya ako, bakit nga ba niya ako hinalikan no'n? Is he crazy na ba? Or he's tripping? "Mommy, kailan po ako lalabas ng ospital?" Tanong ni Sierah kaya nginitian ko siya. "Ask your daddy baby, he's your doctor." Nakangiting sagot ko. "Tomorrow 'nak or this night." Nakangiting sabi ni Zai. "Okay daddy," sagot ng anak ko at nahiga na muli. Naging ma
Antok na antok akong sumandal sa sofa at pipikit na sana pero may pumitik sa noo ko dahilan para irita akong magmulat. "Sleep inside the room, Hindi ka naman siguro matutulog sa kung saan saan ng hindi ka nasa kama?" Sumbat niya kaya umirap ako. "I barely sleep last night! Kasi wala ka 'no. Nakakainis 'to." Singhal ko at padabog na pumunta sa kwarto namin at basta na lang akong nahiga sa sobrang pagod. Naalimpungatan ako sa pagkakahiga at nakabalot pa ako ng kumot, ngunit narinig ko ang tinig ni Zai. "Kumain ka na, alas diyes na. Nalipasan ka na." Nangunot ang noo ko at naupo. "Si Sierah kumain na?" Tanong ko bigla. "Yeah, pinauna ko na siyang kumain dahil may gamot pa siyang iinumin. Kanina pa siya tulog," wika niya kaya ngumuso ako at muling humilata. "Hindi ako nagugutom," nagrereklamo kong sabi pero tinapik niya ang paa ko kaya napangiwi ako. "Hindi ka gutom, pero nalipasan ka. Gusto mo ulcer sunod mong sakit?" Sumbat niya pa kaya napairap ako. "Magkaka-ulcer ba pag
=Elvira’s Point Of View= Salubong ang kilay kong nakatitig sa computer expert habang magkakrus ang mga braso ko. Inaantay ang resulta ng cellphone ni Zian. “Matagal pa po ba?” naiinip kong kwestyon at hindi mapakali. Ramdam ko kasi ang kaba sa dibdib habang mas tumatagal ako dito. “30 mins pa,” sagot nito at panay ang pindot sa kanyang keyboard habang nakasaksak ang cellphone. Nang matapos ay inabot nito sa akin ang cellphone kaya naman agad kong kinalkal ‘yon ngunit natigilan ako nang makita na walang ibang mensahe na na-retrieve yung expert. Labis akong nakahinga ng maluwag not until i-back ko ang messages at makita ang usapan nila ng daddy niya. It made me curious… And nervous… Hindi ko napigilan lalo na nang magpop up ang ilan sa mga deleted messages… Halos sumikip ang dibdib ko sa nabasa. [CONVERSATION] Dad (Zai): Son, have you cleared the mission? Dad (Zai): Make sure it’s successful, so we don’t stress. Zian: What mission dad? I thought i’m all goods?
=Elvira’s Point Of View= And there’s Ms. Santos, making a scene. “She pushed me!” sabi niya habang kumpulan ang taong tumulong sa kanya. “Paano kita matutulak Ms. Santos? I’m way far from you,” sabi ko at tinaasan siya ng kilay. “You did it!” bulyaw niya kaya tinignan ako ng lahat. “Well, if you say so?” tugon ko. Later on, dumating si Zian at sinulyapan kaming dalawa. “What’s wrong here?” kwestyon niya at lumapit sa akin. “Ewan, tatanga-tanga siya ayon nadapa tapos biglang ibabato ang sisi sa akin na tinulak ko daw siya,” sagot ko at prenteng naupo sa office chair. “You really pushed me! Aminin mo na! Stop having everyone’s sympathy that you’re innocent!” sunod-sunod niyang sigaw. Napangiwi na lang ako. Siya naman talaga yung nagsisinungaling at hindi ako, isa pa siya kaya yung tinutukoy niya? Siya nga ‘tong nagbibintang eh. Siraulo talaga. “That’s enough,” awat ng iba, ngunit natigilan ako sa pahabol na sabi ng ilan sa mga mas matataas sa akin. “Engr. Monte
=Elvira’s Point Of View= Wala akong nagawa kundi sumang-ayon. Ayoko nang patagalin pa ang usapan. Habang nasa elevator kami, tahimik lang akong nakatayo sa tabi niya. Nararamdaman ko ang mga tingin niya, pero ni hindi ko man lang siya nilingon. “Hon…” muli niyang bungad nang makasakay kami sa kotse. “Zian, please. Huwag mo akong kausapin,” pigil ko, idinirekta ang tingin sa bintana habang nagmamaneho siya. Ramdam kong may gusto pa siyang sabihin, pero buti na lang at pinili niyang manahimik. ** Pagdating sa bahay, agad akong bumaba ng kotse bago pa siya makapag-park nang maayos. Tumawag pa siya sa akin, pero hindi ko na siya nilingon. Diretso akong pumasok sa loob at dumiretso sa kwarto ko. Pagkasarado ko ng pinto, doon ko na lang ibinuhos ang inis ko. Sinipa ko ang gilid ng kama at mariing napasapo sa noo. “Anong gagawin ko?” bulong ko sa sarili ko habang paulit-ulit na pumapasok sa isip ko ang text ni Ms. Santos. Naalala ko ang malanding ngiti ng babaeng iyon noo
=Elvira’s Point Of View= Pagdating namin sa condo ni Zian, agad siyang nagbukas ng ilaw at inilapag ang dala niyang mga gamit sa lamesa. Pamilyar na sa akin ang lugar na iyon dahil ilang beses na rin akong nakapunta roon. Simple lang ang interior design ng condo—modern pero hindi masyadong sosyalin. Pero kahit ganoon, ramdam mo ang presensya ni Zian sa bawat sulok ng unit. “Gusto mo ng coffee?” tanong niya habang naglalakad patungo sa kitchen area. “Hindi na. Gusto ko na lang magpahinga,” sagot ko habang hinubad ang heels ko at naupo sa sofa. Sumilip siya mula sa kitchen, hawak ang tasa ng tubig. “Pagod ka ba? Ang aga pa ah, usually energetic ka pa sa ganitong oras.” “Tsk, ikaw kasi eh. Yung meeting kanina, nakakastress. Lalo na si Ms. Santos, parang gusto akong lamunin ng buhay,” sagot ko habang hinilot ang mga paa kong medyo sumasakit na. Lumapit siya sa akin, iniwan ang hawak na tasa sa center table, at umupo sa tabi ko. Walang sabi-sabi, kinuha niya ang isang paa ko at m
=Elvira’s Point Of View= Pagkabalik ni Zian sa office ay sinalubong ko siya. “Oh, glad you didn’t left, yet. I have something to discuss,” kalmadong sabi ni Zian at hinarap ako. “Ano?” bungad ko. Kinain kaagad ako ng kuryosidad ko sa bungad niya. May ‘glad’ eh. “I tried to have you in my project, but the CEO allowed you to take part but only for a week and 3 days. In short, we’ll be together for 10 days.” “Oh?” gulat na sabi ko. “Syempre, Garcia yata ‘to, hon?” mayabang niyang sabi kaya napangiti ako. “Did you pull some strings?” gulat na sabi ko. Nanlaki ang mata niya. “Syempre hindi! Honey naman, nakiusap kaya ako. Sabi ko pa hindi ko kaya mag-isa pero kaya naman, gusto ko lang nakikita ka palagi.” “Daming paliwanag ah?” asar ko. “You’ll sleep on my condo, tonight?” pag-iiba niya ng usapan kaya tumango ako. “Then should we break the bed?” he whispered, may halong landi ang kanyang tono. Tumaas ang kilay ko. “Am I your bed warmer Ian Zachary?” pagbibiro ko na iki
=Elvira’s Point Of View= Dalawang linggo na ang nakalipas mula nang insidenteng iyon. Alam ko naman na siguro, kahit papaano ay hindi na maulit pa ‘yon. Pupunta ako sa site na pinagtatrabahuan ni Zian. Magkahiwalay na naman kasi kami ng project na hawak. Dala-dala ko ang favorite lunch niya ay pinasok ko ang site. “Si Zian?” bungad ko. “Nasa office niya po engineer,” sagot ng isa sa mga kasamahan niya kaya pumunta ako doon. Ngunit pagbukas ko ng pinto ay napahinto ako nang makita ang isang babae na kaharap niya. Ngunit napansin ko rin ang kakaibang titig ng babae kay Zian. Siguro ay ito ang kliyente niya dahil mukhang mayaman manamit. I knocked on the slightly opened door at doon ko nakuha ang atensyon nilang dalawa. “Come in, Elle.” Nilapitan ko si Zian at inilapag ang kanyang pagkain. “Lalabas rin muna ako, may meeting ka pa naman—” “No, I actually need you here. Since the client is requesting this, can you check the blueprint?” mahinahon na sabi ni Zian at inabot s
=Elvira’s Point Of View= Next morning, nagising akong may nakahiga sa tabi ko. Sa labas ng comforter, dahan-dahan akong nagmulat at nakita ko si Zian na kakwentuhan ko kagabi. Hindi ko inaasahan na matutulugan ko siya. Matagal kong minasdan ang gwapo niyang mukha na kapag tulog ay akala mo sobrang inosente sa pagiging angelic. Napangiti ako at maingat na tumayo upang maghilamos at magbrush. Bumalik kaagad ako sa kama at minasdan siyang muli. Bahagya kong inilapit ang mukha sa kanya at dinampian siya ng mabibilis na halik sa kung saang parte ng kanyang mukha. “Mmm,” rinig ang pagmamaktol niya ay mas napangiti ako. Pinadaan ko ang hintuturo sa dimples niyang kita kahit na magkalapat ang kanyang mga labi. Napatitig ako sa nakakaakit niyang labi at inilapit ang labi ko doon. Dinampian ko ‘yon at dahil doon ay napamulat siya. “Damn, I forgot,” pabulong niya at matamis na ngumiti. Napakusot ng mata at uminat pa. “Brush lang ako hon, let’s continue the kiss after. Conscious ka
Zian’s Point of View Habang pinapanood ko si Elle at ang kapatid niyang si Clayn, hindi ko maiwasang mag-isip ng malalim. Malaki ang posibilidad na ang galit ng mga gumawa nito ay hindi lang nakatuon sa pamilya niya, kundi pati sa akin. “Dad, I need you to check something,” bulong ko habang lumapit sa ama ko. Tumango siya, alam na may malalim akong pinaplano. “Anak, siguraduhin mong hindi ka masyadong madadala ng emosyon. Alam mo kung gaano kahirap kapag pinairal mo ‘yon.” “Dad, this isn’t about emotions. This is about survival,” sagot ko, matigas ang boses. “Hindi ko hahayaang ulitin nila ito kay Elle o kay Clayn.” Tumango ang daddy ko, pero ramdam ko ang bigat ng tingin niya. Alam niyang hindi ko basta-bastang hahayaang matapos ito nang hindi sila nagbabayad. Elvira’s Point of View Habang nakatingin ako kay Zian, hindi ko maiwasang mapansin ang pagbabago sa kanya. Siya pa rin ang mayabang at makulit na Zian na nakilala ko, pero ngayon, iba na ang aura niya. Para siyang
Zian’s Point of View “Kung gusto mong iligtas ang batang ito, simple lang ang usapan,” sabi ng lider. “Lumuhod ka at aminin mong natalo ka.” Napangiti ako nang bahagya. “I don’t think so.” Bago pa siya makapagsalita ulit, mabilis kong hinugot ang baril mula sa likod ko at pinaputukan ang pinakamalapit sa kanya. Bagsak ang isa sa mga tauhan niya bago pa sila makapag-react. “Putang ina! Barilin siya!” sigaw ng lider. Nagkagulo ang lahat. Ginamit ko ang mga haligi ng warehouse bilang cover habang nagpaputok ako pabalik sa kanila. Isa-isa kong tinarget ang mga tauhan niya hanggang sa natira na lang ang lider. “Please! Don’t kill me!” sigaw niya habang nagtatago sa likod ni Clayn. “Pakawalan mo siya,” utos ko, ang baril ko’y nakatutok sa kanya. “Pakiusap—” Walang pag-aalinlangan, pinaputukan ko ang kamay niyang may hawak kay Clayn. Napasigaw siya sa sakit at nabitawan ang kapatid ni Elle. Elvira’s Point of View Tumakbo ako papasok nang makita kong ligtas na si Clayn. “