Lauren's Point of View. "Yes huh?" he asked again kaya huminga ako ng malalim bago siya seryosong tinignan. "First of all, daddy ka ng baby ko. Kung tulad niya ang magiging wife mo in the future and my daughter needs you, papaano na lang? See how selfish that woman is." Itinuro ko pa ang pintong pinaglabasan ni Shane. "I can't let that woman or any other woman hurt my daughter. So pick wisely yung tanggap na may anak ka at may responsibilidad ka sa bata. J-Just like how my Mommy Miyu did, up until now she still cares for me even though I am not her child." I cleared my throat before looking away. "Alright, it's clear,” mahinahon niyang sabi kaya huminga ako ng malalim bago siya basta bastang tinalikuran. Nang makarating sa kwarto ay tamad na tamad akong naupo sa harap ng study table sa kung nasaan yung laptop, hanggang sa biglang tumunog ang cellphone ko ay sinagot ko kaagad ang tawag ng kakilala ko ang makita. "What's up mommy?" He started that made me laugh. "Mommy huh
Dumaan ang gabi ay may kumatok kaya naman binuksan ko 'yon dahil sa tingin ko sila Sierah na. "Nandito na ata sila," I announced that made Zai glanced before giving me a nod. I opened the door but to my surprised I saw Aji, my friend na kanina lang ay kausap ko. "What's up mommy?" Nakangising sabi niya kaya natawa ako. "Akala ko yung anak ko na, ang bilis mo namang nakarating?" Kwestyon ko. "Pasok ka," anyaya ko pa ngumisi naman siya at ibinaba ang paper bag na mukhang para sa amin ni Sierah. "Wala ka naman sa New York, ilang oras lang byahe. Palawan ka lang, nasa Cebu lang ako." Natatawang sabi niya kaya naman tinanaw ko si Zai. "Zai I have visitor," malakas na sabi ko at naupo sa harap ni Aji. "Ay gago nandito si Zai?" Pabulong na tanong ni Aji kaya tumango ako. "Ba't 'di mo sinabi, akala ko may duty." Natawa ako. "Ayos lang 'yan, sabayan mo na kami mag-gabihan. May room ka na ba dito?" Tanong ko sa kaniya, tumango siya bilang sagot. "I saw your dad, sinabi niya a
Hindi naman na siya nagsalita kaya naman habang pinipilit kong matulog ay hindi ko namalayan ang oras kung kaya't ng tignan ko ang wall clock ay napabuntong hininga ako ng isang oras na pala akong nagpipilit matulog.Mukhang tulog na tulog na ang kasama ko kung kaya't maingat akong humarap sa pwesto niya ngunit ganoon ako natigilan ng magkaharap kami, ngunit siya ay tulog at ako ang gising. Pasimple ko siyang pinagmasdan. Hindi ko rin talaga maintindihan ang ugali ng isang 'to, parehas silang tatlo na mahirap basahin, mukhang nasa dugo na nila 'yon dahil Garcia sila.I was really sorry, but I can't apologize yet dahil natatakot akong bumaliktad ang lahat I wanted to stay strong and fierce in front of everyone. I don't want to show my soft side and my weak spot.I'd rather be bad than good, I wanted to show everyone how bad I am so they won't expect anything good from me. I actually hated Zai because he saw me at my good spot kahit pa gaano kasama at mali ang ginagawa ko.Sa lalim ng
Nang makasunod kila Zai ay pinagtitinginan na naman kaming lahat. "Cafeteria na ba tayo kakain?" Anyaya niya. "Pwede rin, para 'di na mapalayo." Mahinahon na sabi ko at tumahimik lang habang nag-uusap silang dalawa ni Sierah. Matanong ang anak ko, like how does this work, how this work, how did they make it? Ganoon lahat itatanong niya. "Mommy why does love is special?" Sa tanong ng anak ko ay nagkibit balikat ako. "Daddy mo magaling diyan sa love love na 'yan." Sa sagot ko at pasimple akong sinagi ni Zai kaya natawa ako. "Totoo naman, expert ka magpayo 'di ba?" "Hindi lang magpayo, make the letter p upside down, I'm also great at that." Nakangising sabi niya, natigilan ako at inisip ang sinabi niya. If I turn in upside down then it will be letter b? Nang marealize ko ay malakas ko siyang pinalo sa likod. "Ang bastos mo ano ba!" Natawa siya ng natawa kaya naman ngumiwi ako. "Disgusting Zai, I'm disgusted." Dismayado kong sabi pero ngumisi lang siya. Nang makarating sa
"Gago naman kasi ng ipis na 'yon!" Inis kong sigaw at napapadyak pa. "This is so stressing! Una yung nararamdaman ni Sierah, pangalawa si Levi anak ng puting tupa naman!" Gitil ko pa. Ngunit ng marinig ang tawa ni Zai ay sinamaan ko siya ng tingin. "Nag-eenjoy ka ngayong nagsu-suffer ako? Nakakatuwa sabagay." Inis na sabi ko at tumayo na. Inis akong pumasok ng kwarto at pabatong ibinaba ang bag ko sa kung saan. "Badtrip mga malas sa buhay." Gigil kong bulong. You only got two choices Lauren, Marry Levi or marry Zai? Pag si Levi ang pinakasalan mo, kawawa kayong dalawa ni Sierah! Pero pag si Zai, titiisin mo lang konti yung ugali niya tapos hindi pa masasaktan si Sierah at lalong hindi nananakit ng pisikalan si Zai unlike dad and Levi. Pakikiusapan ko ba si Zai? Should we do fake marriage contract? Or should we marry each other in civil then just do annulment afterwards? Si Zai na lang, si Zai na lang dahil kahit papaano mukhang may awa pa siya dahil anak niya rin ang mad
Nagbihis ako ng damit, yung pajamas at sando tapos ay inipit ko ang buhok sa isang bun at tsaka muling lumabas. "What's your type ba?" I questioned hindi niya ako tinignan at nag-focus lang sa binabasa niya. "Kakausapin ko lang si dad, sasabihin ko ikaw pakakasalan ko." Mabilis kong paalam at lumabas ng kwarto na 'yon tapos kumatok sa katapat, nang mabuksan 'yon ay salubong ang kilay ni dad na tinignan ako bago sinenyasang pumasok. "D-Dad." "What?" "I'll marry Zai, for real." Mahinahon na sabi ko. "Si Levi na ang nasabihan ko, baka isahan niyo pa ako ng Garcia na 'yon." Mariing sabi ni dad. "Look dad, this is my life. You don't have the right to control who—" agad kong nasapo ang pisngi ng malakas niya akong sampalin dahilan para agad na mag-unahan ang luha sa mata ko at tinignan siya. "I'm the one who helped you survived! I'm the one who bought the milk for your child how could yo—" "Daddy Vince did that to me too! But he never treated me this way!" Galit na si
Kinaumagahan ay ganoon na lang ang gulat ko ng marinig ang tao sa labasan, nangunot ang noo ko kaya naman agad akong lumabas kahit wala pang hila-hilamos. Natigilan ako ng makita si dad, Sierah, Shane at Levi. "What are you doing here?" Nakataas ang kilay kong tanong. "Nasaan ang daddy mo Sierah?" Tanong ko sa bata. "D-Daddy goes to work po." Napalunok ako at sinenyasan ang anak kong lumapit, nang makalapit siya sa akin ay kusa siyang umiyak kaya naman pinantayan ko ang tangkad nito. "Bakit?" "T-They told me that you and daddy are not really together mommy." Nang madinig 'yon sa tinig ng anak ko ay kumuyom ang kamao ko at sinulyapan ang tatlo. "Mommy Doctor Shane admitted that she's daddy's girlfriend." Humihikbing sabi ng anak ko kaya naman pinahid ko ang luha nito. "A-And lolo confirmed it po, you'll also marry Tito Levi." Huminga ako ng malalim at pilit siyang nginitian. "Get inside your room anak, we'll talk later okay?" Nakangiting sabi ko rito, lumuluha itong tum
"Okay lang ako. Look nakangiti pa nga ako, hindi naman ako natatakot kay Levi." I lied and smiled more. "They're not scary enough to haunt me." Mayabang na sabi ko, but earlier was my biggest fear. Natatakot akong pinagtataasan ng boses, natatakot akong sinasampal ng mga lalake. Bumuntong hininga si Zai at inakay na ako upang maupo sa sofa. "Sit there," utos niya at dinuro pa ang sofa kaya nakangiti akong tumango. Nang makaalis siya ay agad kong pinahid ang pisngi ng may luhang tumulo doon, para akong batang pinahid ang luha ko gamit ang likod ng palad ko. Hanggang sa bigla kong marinig ang matunog na tsk tsk tsk dahilan para malingon ko 'yon. "Really Lauren? Not scared?" Ngiwing sabi niya at naupo sa tabi ko kaya naman humaba ang nguso ko. "Stop trying to be tough and show me how scared you are, 'yan ang nakuha sa'yo ni Sierah." Dismayado niyang sabi at inakbayan ako kaya naman aalisin ko na sana 'yon pero hinapit niya na ako at tinapik tapik sa likod kaya naman lumabi ako
=Elvira’s Point Of View= Ngunit bago pa man makasagot muli ay napahinto ako sa pagtunog ng cellphone ko and it was Caleb. “Oh, the fiance’s calling. Are you not gonna answer him?” he asked, there was a hint of sarcasm on his voice and he watched me stare at my phone. Huminga ako ng malalim at sinagot ang tawag. “Caleb—” “I have a bad news,” sobrang hina ng boses ni Caleb sa kabilang linya. Nakakapagtaka naman dahil ano pa ba ang bad news na darating sa buhay ko? “What is it?” Narinig ko ang matunog na paghinga ni Caleb sa kabilang linya. “He’s here. I think he followed you back to the Philippines, Elle. He is here…” Labis na nangunot ang noo ko. He’s here? Sino? “Sino—” I was cut off when I heard a familiar voice on the other line. “Are you calling Elle? Tell her not to diss me. I’ll wait for her, here…” At ang tinig na ‘yon ay nagbigay kaba sa aking puso. ‘No way!’ “A-Ano— b-bakit siya nandito?” naguguluhang tanong ko, shit… “Just come here and take him out bef
=ELVIRA’S POINT OF VIEW= Tangina niya. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko siyang sinulyapan habang kausap niya yung Angela na ’yon. Mula sa ngisi niya, sa paglapit niya, sa paraan ng pagkakadantay ng kamay niya sa likod ng babae—lahat ng ’yon ay sinasadya. And he’s doing a damn good job pissing me off. Tinungga ko na lang yung laman ng baso ko. Mapakla. Masakit sa lalamunan. Pero mas okay na ‘to kesa makita pa siyang nakangiti ng gano’n sa ibang babae. Gago talaga ’yon. “Hey,” mahinang bati ni Caleb, sabay abot ng isang basong tubig. “You okay?” Hindi ko siya sinagot. Imbes ay pinanood ko si Zian habang tumatawa pa sa joke nung Angela. Halos mapamura na lang ako ulit. “Ano, umuusbong na naman feelings mo?” “Shut up,” iritadong bulong ko. “Eh mukha kang gusto mo nang lapitan at bunutan ng pilikmata si ate girl eh.” Napairap ako sabay harap kay Caleb. “Gago ka ba? Bakit ako magseselos? Hindi na kami, ‘di ba?” “Oo nga. Pero hindi naman ibig sabihin non, di
=Elvira’s Point of View= Babe. Nabingi ako sa narinig ko. At hindi ko alam kung dahil ba sa shock o dahil sa sakit na sumaksak sa dibdib ko. Pero tangina—sino ba ako para masaktan? Wala na kami. Matagal na. At sinabi ko na sa sarili ko na hindi ko siya hahayaang makita ang kahinaan ko ulit. So bakit ganito? Bakit parang may humigpit sa lalamunan ko? Tahimik akong pumikit ng ilang segundo, pilit nilulunok ang kung anumang bumara sa dibdib ko. Nang idilat ko ang mga mata ko, naroon pa rin siya—nakatayo, hawak ang telepono sa tenga niya, pero sa akin nakatingin. At putangina. Hindi ko alam kung imahinasyon ko lang, pero parang may kung anong kasiyahang dumaan sa mga mata niya nang makita ang reaksyon ko. Gago ka talaga, Ian Zachary Garcia. Kailangan kong makaalis. Kailangan kong lumabas bago pa niya makita ang epekto ng ginagawa niya sa akin. Pero bago ko pa magawa, naglakad siya papalapit—sobrang lapit, hanggang sa halos isang dangkal na lang
=Elvira’s Point of View= Hanggang ngayon, pakiramdam ko nasa loob pa rin ako ng conference room na ‘yon—kahit nasa sasakyan na ako, kahit si Caleb ay nagsasalita sa tabi ko, kahit patuloy na umaandar ang mundo sa labas. Dahil sa isang hawak lang. Isang titig lang. Tangina. Muling bumalik sa isip ko kung paano niya ako hinawakan—hindi mahigpit, pero sapat para pigilan ako. Hindi marahas, pero hindi rin malambing. Parang hindi niya alam kung dapat ba niya akong hayaang umalis o dapat ba niyang sabihin ang isang bagay na hindi ko maintindihan. Pinikit ko ang mga mata ko saglit at mariing napabuntong-hininga. “El, okay ka lang?” tanong ni Caleb, bahagyang binagalan ang pagmamaneho niya. Nagmulat ako ng mata at pilit ngumiti. “Yeah. Just tired.” Sinamaan niya ako ng tingin. “Tired or stressed?” Ngumuso ako. “Both.” “Because of your ex?” asar niyang tanong. Napairap ako. “Caleb, please.” “Nagtatanong lang naman, baka kasi—” “I’m fine,” madiin kong putol sa sasabih
=Elvira’s Point of View= Napapitlag ang daliri ko sa ibabaw ng keyboard. Hindi ko alam kung dapat ko bang buksan ang email o balewalain na lang. Pero kahit anong pilit kong huwag bigyang pansin, tila may sariling isip ang kamay ko at agad na tinap ang notification. From: Engr. Ian Zachary Garcia Subject: Design Revision Meeting - Urgent Elvira, We need to discuss the design revisions for the structural framework of the arena. The client has requested modifications that will affect the load distribution. The meeting is scheduled for tomorrow at 10 AM in the main conference room. Be there. • Garcia Wala man lang Regards o kahit anong pormalidad. Diretso. Walang emosyon. Walang bahid ng kung anong familiarity. Para bang… hindi niya ako dating kilala. Napalunok ako. Gusto kong matawa sa sarili ko. Ano ba kasing ini-expect ko? Na pagkatapos ng dalawang taon, magiging casual lang kami? Na babati siya ng Hey Elle, long time no see! at tatawanan namin ang lahat ng nakaraa
=Elvira’s Point of View= Nag-freeze ako. Sa pagitan ng sobrang tahimik na silid at ng dagundong ng pintig ng puso ko, hindi ko agad nagawang gumalaw. Nakatayo lang ako roon, hawak ang documents, habang nararamdaman ko ang malamig na presensyang nanggagaling kay Zian sa isang banda—at ang mainit na boses na pumuno sa silid mula sa likuran ko. Dahan-dahan akong huminga bago ko tuluyang nilingon ang nagsalita. At sa unang pagkakataon mula nang bumalik ako sa Pilipinas, nakita ko ulit si Caleb. Matangkad, nakasuot ng light gray button-down shirt, at relaxed ang postura. Pero ang unang sumalubong sa akin ay ang mga matang puno ng lambing, tila ba masayang-masaya siyang makita ako. “Elle.” Muling tawag niya, mas malambing ngayong mas malapit na siya. Saka niya inilagay ang kamay niya sa baywang ko, marahan akong inilapit sa kanya. “Kanina pa kita hinahanap. Bakit hindi ka nag-update?” Alam kong dapat akong sumagot. Pero hindi ko magawa. Hindi dahil sa tanong niy
=Elvira’s Point of View= You won’t lose, Elle. Pinanindigan ko ‘yon. For the rest of the inspection, I kept my composure. Wala akong pakialam kahit na naramdaman kong nasa peripheral vision ko si Ian Zachary Garcia, kahit na bawat utos niya sa site workers ay para bang may halong pwersang sinasadya niyang iparamdam sa akin. He didn’t talk to me again. And I sure as hell didn’t talk to him either. Pero sa bawat hakbang namin sa site, sa bawat pagkakataong napapalapit kami sa isa’t isa, ramdam ko ang presensya niya—sobrang dilim at lamig na parang sinusubukan niya akong lamunin. Tangina, gusto niya akong gibain? Hindi ako patitinag. Sa dulo ng walkthrough, tumigil kami sa isang elevated section ng site kung saan tanaw ang buong proyekto. Kasama namin ang clients at project director, nagdidiscuss ng final remarks. Ako naman, tahimik na nakatingin sa site, pilit na ine-enjoy ang tanawin para mawala ang bigat sa dibdib ko. But then, I felt it. A presence too close.
=Elvira’s Point of View= Four months later. Hindi ko inaasahan ‘to. Never in my wildest imagination did I think that I’d be working on the same project as Ian Zachary Garcia. Pero heto kami ngayon—magkaharap sa isang boardroom meeting, kasama ang iba pang engineers at project heads. Alam ko namang maliit lang ang mundo ng mga katulad namin, pero bakit ngayon pa? Bakit dito pa? Zian looked even sharper than before. He was wearing a tailored navy-blue suit, sleeves folded just enough to reveal his watch-clad wrist. His hair was neatly styled, but there was still that effortless look—parang kahit hindi siya mag-ayos, perpekto pa rin. At ang presensya niya… Damn. He didn’t even need to speak, pero ramdam mo agad ang bigat ng dating niya. Parang isang utos niya lang, susunod ang lahat. But what really hit me the hardest? It was how cold he was. Para akong hangin sa harapan niya. Ni hindi man lang nagbago ang ekspresyon niya nang makita ako sa loob ng meeting room. Pa
=Elvira’s Point of View= Tama si Clayn. Mas lalong hindi ko na kayang basahin si Zian. At kung may isa pang bagay na hindi ko matanggap, ito ‘yon—hindi ko inasahan na mas lalong hindi ko siya kayang iwasan. Dahil pagkatapos ng gabing ‘yon, hindi ko inaasahan na muling magtatagpo ang mga landas namin. At hindi ko rin inaasahan kung paano niya ako tinitigan sa pagkakataong ‘to. Walang pag-aalinlangan. Walang alinlangan. Walang kahit anong bakas ng emosyon. Parang hindi niya ako kilala. Parang hindi kami nagkaroon ng kahit anong nakaraan. The next time I saw him was at an unexpected place—a corporate event in a high-end hotel. I wasn’t supposed to be here. Pero dahil sa biglaang imbitasyon ng isang business partner na may kaugnayan sa proyekto ko abroad, napilitan akong dumalo. It was a formal gathering, a networking event for professionals in engineering, architecture, and construction industries. Sa una, I was focused on my work. Kausap ko ang ilang investors