Hindi naman na siya nagsalita kaya naman habang pinipilit kong matulog ay hindi ko namalayan ang oras kung kaya't ng tignan ko ang wall clock ay napabuntong hininga ako ng isang oras na pala akong nagpipilit matulog.Mukhang tulog na tulog na ang kasama ko kung kaya't maingat akong humarap sa pwesto niya ngunit ganoon ako natigilan ng magkaharap kami, ngunit siya ay tulog at ako ang gising. Pasimple ko siyang pinagmasdan. Hindi ko rin talaga maintindihan ang ugali ng isang 'to, parehas silang tatlo na mahirap basahin, mukhang nasa dugo na nila 'yon dahil Garcia sila.I was really sorry, but I can't apologize yet dahil natatakot akong bumaliktad ang lahat I wanted to stay strong and fierce in front of everyone. I don't want to show my soft side and my weak spot.I'd rather be bad than good, I wanted to show everyone how bad I am so they won't expect anything good from me. I actually hated Zai because he saw me at my good spot kahit pa gaano kasama at mali ang ginagawa ko.Sa lalim ng
Nang makasunod kila Zai ay pinagtitinginan na naman kaming lahat. "Cafeteria na ba tayo kakain?" Anyaya niya. "Pwede rin, para 'di na mapalayo." Mahinahon na sabi ko at tumahimik lang habang nag-uusap silang dalawa ni Sierah. Matanong ang anak ko, like how does this work, how this work, how did they make it? Ganoon lahat itatanong niya. "Mommy why does love is special?" Sa tanong ng anak ko ay nagkibit balikat ako. "Daddy mo magaling diyan sa love love na 'yan." Sa sagot ko at pasimple akong sinagi ni Zai kaya natawa ako. "Totoo naman, expert ka magpayo 'di ba?" "Hindi lang magpayo, make the letter p upside down, I'm also great at that." Nakangising sabi niya, natigilan ako at inisip ang sinabi niya. If I turn in upside down then it will be letter b? Nang marealize ko ay malakas ko siyang pinalo sa likod. "Ang bastos mo ano ba!" Natawa siya ng natawa kaya naman ngumiwi ako. "Disgusting Zai, I'm disgusted." Dismayado kong sabi pero ngumisi lang siya. Nang makarating sa
"Gago naman kasi ng ipis na 'yon!" Inis kong sigaw at napapadyak pa. "This is so stressing! Una yung nararamdaman ni Sierah, pangalawa si Levi anak ng puting tupa naman!" Gitil ko pa. Ngunit ng marinig ang tawa ni Zai ay sinamaan ko siya ng tingin. "Nag-eenjoy ka ngayong nagsu-suffer ako? Nakakatuwa sabagay." Inis na sabi ko at tumayo na. Inis akong pumasok ng kwarto at pabatong ibinaba ang bag ko sa kung saan. "Badtrip mga malas sa buhay." Gigil kong bulong. You only got two choices Lauren, Marry Levi or marry Zai? Pag si Levi ang pinakasalan mo, kawawa kayong dalawa ni Sierah! Pero pag si Zai, titiisin mo lang konti yung ugali niya tapos hindi pa masasaktan si Sierah at lalong hindi nananakit ng pisikalan si Zai unlike dad and Levi. Pakikiusapan ko ba si Zai? Should we do fake marriage contract? Or should we marry each other in civil then just do annulment afterwards? Si Zai na lang, si Zai na lang dahil kahit papaano mukhang may awa pa siya dahil anak niya rin ang mad
Nagbihis ako ng damit, yung pajamas at sando tapos ay inipit ko ang buhok sa isang bun at tsaka muling lumabas. "What's your type ba?" I questioned hindi niya ako tinignan at nag-focus lang sa binabasa niya. "Kakausapin ko lang si dad, sasabihin ko ikaw pakakasalan ko." Mabilis kong paalam at lumabas ng kwarto na 'yon tapos kumatok sa katapat, nang mabuksan 'yon ay salubong ang kilay ni dad na tinignan ako bago sinenyasang pumasok. "D-Dad." "What?" "I'll marry Zai, for real." Mahinahon na sabi ko. "Si Levi na ang nasabihan ko, baka isahan niyo pa ako ng Garcia na 'yon." Mariing sabi ni dad. "Look dad, this is my life. You don't have the right to control who—" agad kong nasapo ang pisngi ng malakas niya akong sampalin dahilan para agad na mag-unahan ang luha sa mata ko at tinignan siya. "I'm the one who helped you survived! I'm the one who bought the milk for your child how could yo—" "Daddy Vince did that to me too! But he never treated me this way!" Galit na si
Kinaumagahan ay ganoon na lang ang gulat ko ng marinig ang tao sa labasan, nangunot ang noo ko kaya naman agad akong lumabas kahit wala pang hila-hilamos. Natigilan ako ng makita si dad, Sierah, Shane at Levi. "What are you doing here?" Nakataas ang kilay kong tanong. "Nasaan ang daddy mo Sierah?" Tanong ko sa bata. "D-Daddy goes to work po." Napalunok ako at sinenyasan ang anak kong lumapit, nang makalapit siya sa akin ay kusa siyang umiyak kaya naman pinantayan ko ang tangkad nito. "Bakit?" "T-They told me that you and daddy are not really together mommy." Nang madinig 'yon sa tinig ng anak ko ay kumuyom ang kamao ko at sinulyapan ang tatlo. "Mommy Doctor Shane admitted that she's daddy's girlfriend." Humihikbing sabi ng anak ko kaya naman pinahid ko ang luha nito. "A-And lolo confirmed it po, you'll also marry Tito Levi." Huminga ako ng malalim at pilit siyang nginitian. "Get inside your room anak, we'll talk later okay?" Nakangiting sabi ko rito, lumuluha itong tum
"Okay lang ako. Look nakangiti pa nga ako, hindi naman ako natatakot kay Levi." I lied and smiled more. "They're not scary enough to haunt me." Mayabang na sabi ko, but earlier was my biggest fear. Natatakot akong pinagtataasan ng boses, natatakot akong sinasampal ng mga lalake. Bumuntong hininga si Zai at inakay na ako upang maupo sa sofa. "Sit there," utos niya at dinuro pa ang sofa kaya nakangiti akong tumango. Nang makaalis siya ay agad kong pinahid ang pisngi ng may luhang tumulo doon, para akong batang pinahid ang luha ko gamit ang likod ng palad ko. Hanggang sa bigla kong marinig ang matunog na tsk tsk tsk dahilan para malingon ko 'yon. "Really Lauren? Not scared?" Ngiwing sabi niya at naupo sa tabi ko kaya naman humaba ang nguso ko. "Stop trying to be tough and show me how scared you are, 'yan ang nakuha sa'yo ni Sierah." Dismayado niyang sabi at inakbayan ako kaya naman aalisin ko na sana 'yon pero hinapit niya na ako at tinapik tapik sa likod kaya naman lumabi ako
Days past and nire-ready na namin ni Zai ang birthday party ni Sierah na balak ni Sierah ganapin sa bahay nila Kuya Luke at Ate Mia para makasama si Laze at Jami. Sobrang busy rin ni Zai sa ospital kaya binubulabog ko lang siya pag day off niya.Ngayon ay pupunta pa lang sana ako ng ospital para kuhanin ang ideya ni Zai sa invitation cards dahil usapan namin ay siya ang bahala doon kaya naman habang nasa elevator ay hinintay ko ang pagpunta nito sa floor niya.Nagdala na rin ako ng lunch niya dahil I should make him fall in love with me pa 'di ba? Nang makalabas ng elevator ay lumabas na ako at dumeretso sa office ni Zai ngunit ganoon ako nadismaya ng marinig ang usapan.Natural kampi sila kay ipis, workmate nila eh."Isn't she ashame? She keeps on showing his fac—""Her face, not his. Babae ako." Pagtatama ko dahilan para tumaas ang kilay ng isang doctor na masasabi kong may kapit sa patalim."Really, binibig deal mo 'yon?" Nakataas ang kilay niyang tanong."Hindi na dapat, pero chin
What the hell is he talking about? I like Zai? Duh! As if I do edi hindi ko na lang sana siya iniwan noon. Imposible hindi nga ako nag-aalala gaano at hindi ko siya gaanong naiisip sa isang araw.Tama baka nahihibang lang siya, I should give him a time baka nadadala lang siya dahil sa pag-amin niya, lutang akong pumasok ng hotel room at tsaka ibinaba ko ang bag at naupo sa sofa kasabay ng pagpikit.I'm confident that I don't like him, hindi naman mabilis tumibok ang puso ko sa tuwing nakikita ko siya, hindi rin ako naiilang, hindi ako conscious, iba. Iba talaga yung naramdaman ko kay Kent Axel noon sa ngayon kaya malabong mangyari 'yon 'no.I'm only doing this for Sierah. Period.Because of Aji, everything became awkward. I just feel so conscious, nakakabaliw sa pakiramdam. Zai seems normal but I am not that normal. "Laure—""Ay!" Halos matakpan ko ang bibig ng mapasigaw sa gulat, nangunot ang noo ni Zai at tinitigan ako."Why are you so jumpy out of a sudden?" He asked that made me s
=Elvira’s Point Of View= Salubong ang kilay kong nakatitig sa computer expert habang magkakrus ang mga braso ko. Inaantay ang resulta ng cellphone ni Zian. “Matagal pa po ba?” naiinip kong kwestyon at hindi mapakali. Ramdam ko kasi ang kaba sa dibdib habang mas tumatagal ako dito. “30 mins pa,” sagot nito at panay ang pindot sa kanyang keyboard habang nakasaksak ang cellphone. Nang matapos ay inabot nito sa akin ang cellphone kaya naman agad kong kinalkal ‘yon ngunit natigilan ako nang makita na walang ibang mensahe na na-retrieve yung expert. Labis akong nakahinga ng maluwag not until i-back ko ang messages at makita ang usapan nila ng daddy niya. It made me curious… And nervous… Hindi ko napigilan lalo na nang magpop up ang ilan sa mga deleted messages… Halos sumikip ang dibdib ko sa nabasa. [CONVERSATION] Dad (Zai): Son, have you cleared the mission? Dad (Zai): Make sure it’s successful, so we don’t stress. Zian: What mission dad? I thought i’m all goods?
=Elvira’s Point Of View= And there’s Ms. Santos, making a scene. “She pushed me!” sabi niya habang kumpulan ang taong tumulong sa kanya. “Paano kita matutulak Ms. Santos? I’m way far from you,” sabi ko at tinaasan siya ng kilay. “You did it!” bulyaw niya kaya tinignan ako ng lahat. “Well, if you say so?” tugon ko. Later on, dumating si Zian at sinulyapan kaming dalawa. “What’s wrong here?” kwestyon niya at lumapit sa akin. “Ewan, tatanga-tanga siya ayon nadapa tapos biglang ibabato ang sisi sa akin na tinulak ko daw siya,” sagot ko at prenteng naupo sa office chair. “You really pushed me! Aminin mo na! Stop having everyone’s sympathy that you’re innocent!” sunod-sunod niyang sigaw. Napangiwi na lang ako. Siya naman talaga yung nagsisinungaling at hindi ako, isa pa siya kaya yung tinutukoy niya? Siya nga ‘tong nagbibintang eh. Siraulo talaga. “That’s enough,” awat ng iba, ngunit natigilan ako sa pahabol na sabi ng ilan sa mga mas matataas sa akin. “Engr. Monte
=Elvira’s Point Of View= Wala akong nagawa kundi sumang-ayon. Ayoko nang patagalin pa ang usapan. Habang nasa elevator kami, tahimik lang akong nakatayo sa tabi niya. Nararamdaman ko ang mga tingin niya, pero ni hindi ko man lang siya nilingon. “Hon…” muli niyang bungad nang makasakay kami sa kotse. “Zian, please. Huwag mo akong kausapin,” pigil ko, idinirekta ang tingin sa bintana habang nagmamaneho siya. Ramdam kong may gusto pa siyang sabihin, pero buti na lang at pinili niyang manahimik. ** Pagdating sa bahay, agad akong bumaba ng kotse bago pa siya makapag-park nang maayos. Tumawag pa siya sa akin, pero hindi ko na siya nilingon. Diretso akong pumasok sa loob at dumiretso sa kwarto ko. Pagkasarado ko ng pinto, doon ko na lang ibinuhos ang inis ko. Sinipa ko ang gilid ng kama at mariing napasapo sa noo. “Anong gagawin ko?” bulong ko sa sarili ko habang paulit-ulit na pumapasok sa isip ko ang text ni Ms. Santos. Naalala ko ang malanding ngiti ng babaeng iyon noo
=Elvira’s Point Of View= Pagdating namin sa condo ni Zian, agad siyang nagbukas ng ilaw at inilapag ang dala niyang mga gamit sa lamesa. Pamilyar na sa akin ang lugar na iyon dahil ilang beses na rin akong nakapunta roon. Simple lang ang interior design ng condo—modern pero hindi masyadong sosyalin. Pero kahit ganoon, ramdam mo ang presensya ni Zian sa bawat sulok ng unit. “Gusto mo ng coffee?” tanong niya habang naglalakad patungo sa kitchen area. “Hindi na. Gusto ko na lang magpahinga,” sagot ko habang hinubad ang heels ko at naupo sa sofa. Sumilip siya mula sa kitchen, hawak ang tasa ng tubig. “Pagod ka ba? Ang aga pa ah, usually energetic ka pa sa ganitong oras.” “Tsk, ikaw kasi eh. Yung meeting kanina, nakakastress. Lalo na si Ms. Santos, parang gusto akong lamunin ng buhay,” sagot ko habang hinilot ang mga paa kong medyo sumasakit na. Lumapit siya sa akin, iniwan ang hawak na tasa sa center table, at umupo sa tabi ko. Walang sabi-sabi, kinuha niya ang isang paa ko at m
=Elvira’s Point Of View= Pagkabalik ni Zian sa office ay sinalubong ko siya. “Oh, glad you didn’t left, yet. I have something to discuss,” kalmadong sabi ni Zian at hinarap ako. “Ano?” bungad ko. Kinain kaagad ako ng kuryosidad ko sa bungad niya. May ‘glad’ eh. “I tried to have you in my project, but the CEO allowed you to take part but only for a week and 3 days. In short, we’ll be together for 10 days.” “Oh?” gulat na sabi ko. “Syempre, Garcia yata ‘to, hon?” mayabang niyang sabi kaya napangiti ako. “Did you pull some strings?” gulat na sabi ko. Nanlaki ang mata niya. “Syempre hindi! Honey naman, nakiusap kaya ako. Sabi ko pa hindi ko kaya mag-isa pero kaya naman, gusto ko lang nakikita ka palagi.” “Daming paliwanag ah?” asar ko. “You’ll sleep on my condo, tonight?” pag-iiba niya ng usapan kaya tumango ako. “Then should we break the bed?” he whispered, may halong landi ang kanyang tono. Tumaas ang kilay ko. “Am I your bed warmer Ian Zachary?” pagbibiro ko na iki
=Elvira’s Point Of View= Dalawang linggo na ang nakalipas mula nang insidenteng iyon. Alam ko naman na siguro, kahit papaano ay hindi na maulit pa ‘yon. Pupunta ako sa site na pinagtatrabahuan ni Zian. Magkahiwalay na naman kasi kami ng project na hawak. Dala-dala ko ang favorite lunch niya ay pinasok ko ang site. “Si Zian?” bungad ko. “Nasa office niya po engineer,” sagot ng isa sa mga kasamahan niya kaya pumunta ako doon. Ngunit pagbukas ko ng pinto ay napahinto ako nang makita ang isang babae na kaharap niya. Ngunit napansin ko rin ang kakaibang titig ng babae kay Zian. Siguro ay ito ang kliyente niya dahil mukhang mayaman manamit. I knocked on the slightly opened door at doon ko nakuha ang atensyon nilang dalawa. “Come in, Elle.” Nilapitan ko si Zian at inilapag ang kanyang pagkain. “Lalabas rin muna ako, may meeting ka pa naman—” “No, I actually need you here. Since the client is requesting this, can you check the blueprint?” mahinahon na sabi ni Zian at inabot s
=Elvira’s Point Of View= Next morning, nagising akong may nakahiga sa tabi ko. Sa labas ng comforter, dahan-dahan akong nagmulat at nakita ko si Zian na kakwentuhan ko kagabi. Hindi ko inaasahan na matutulugan ko siya. Matagal kong minasdan ang gwapo niyang mukha na kapag tulog ay akala mo sobrang inosente sa pagiging angelic. Napangiti ako at maingat na tumayo upang maghilamos at magbrush. Bumalik kaagad ako sa kama at minasdan siyang muli. Bahagya kong inilapit ang mukha sa kanya at dinampian siya ng mabibilis na halik sa kung saang parte ng kanyang mukha. “Mmm,” rinig ang pagmamaktol niya ay mas napangiti ako. Pinadaan ko ang hintuturo sa dimples niyang kita kahit na magkalapat ang kanyang mga labi. Napatitig ako sa nakakaakit niyang labi at inilapit ang labi ko doon. Dinampian ko ‘yon at dahil doon ay napamulat siya. “Damn, I forgot,” pabulong niya at matamis na ngumiti. Napakusot ng mata at uminat pa. “Brush lang ako hon, let’s continue the kiss after. Conscious ka
Zian’s Point of View Habang pinapanood ko si Elle at ang kapatid niyang si Clayn, hindi ko maiwasang mag-isip ng malalim. Malaki ang posibilidad na ang galit ng mga gumawa nito ay hindi lang nakatuon sa pamilya niya, kundi pati sa akin. “Dad, I need you to check something,” bulong ko habang lumapit sa ama ko. Tumango siya, alam na may malalim akong pinaplano. “Anak, siguraduhin mong hindi ka masyadong madadala ng emosyon. Alam mo kung gaano kahirap kapag pinairal mo ‘yon.” “Dad, this isn’t about emotions. This is about survival,” sagot ko, matigas ang boses. “Hindi ko hahayaang ulitin nila ito kay Elle o kay Clayn.” Tumango ang daddy ko, pero ramdam ko ang bigat ng tingin niya. Alam niyang hindi ko basta-bastang hahayaang matapos ito nang hindi sila nagbabayad. Elvira’s Point of View Habang nakatingin ako kay Zian, hindi ko maiwasang mapansin ang pagbabago sa kanya. Siya pa rin ang mayabang at makulit na Zian na nakilala ko, pero ngayon, iba na ang aura niya. Para siyang
Zian’s Point of View “Kung gusto mong iligtas ang batang ito, simple lang ang usapan,” sabi ng lider. “Lumuhod ka at aminin mong natalo ka.” Napangiti ako nang bahagya. “I don’t think so.” Bago pa siya makapagsalita ulit, mabilis kong hinugot ang baril mula sa likod ko at pinaputukan ang pinakamalapit sa kanya. Bagsak ang isa sa mga tauhan niya bago pa sila makapag-react. “Putang ina! Barilin siya!” sigaw ng lider. Nagkagulo ang lahat. Ginamit ko ang mga haligi ng warehouse bilang cover habang nagpaputok ako pabalik sa kanila. Isa-isa kong tinarget ang mga tauhan niya hanggang sa natira na lang ang lider. “Please! Don’t kill me!” sigaw niya habang nagtatago sa likod ni Clayn. “Pakawalan mo siya,” utos ko, ang baril ko’y nakatutok sa kanya. “Pakiusap—” Walang pag-aalinlangan, pinaputukan ko ang kamay niyang may hawak kay Clayn. Napasigaw siya sa sakit at nabitawan ang kapatid ni Elle. Elvira’s Point of View Tumakbo ako papasok nang makita kong ligtas na si Clayn. “