Matapos ang umagahan ay ako na mismo ang bumili ng copy using my online bank, after that hinayaan kong sulitin ni Sierah ang panonood bago pa man sila magpasukan.Dumating ang gabi ay nakauwi na si Zai ngunit ni tignan siya ay hindi ko ginawa, hindi na rin ako nagluto ng food umorder na lang ako ng lutong bahay dishes. Saktong natapos maligo si Zai ng dumating ang inorder kong food."Thank you." I stated before closing the door and started making the food.Mukhang natigilan si Zai ng makita ang food na binili ko. "You ordered?" He asked pero tumango lang ako before calling Sierah at sakto namang dumating si Dad.Tahimik akong naupo nang makaupo na ang lahat, I served them food and then started eating quietly. "You look pissed anak," napatingin ako kay dad at pilit na ngumiti."I am not dad, ganito talaga ang normal facial expressions ko." Pagsisinungaling ko at sumubo ng kanin upang hindi nila kausapin."Kumusta ang trabaho?" Tanong ni dad kay Zai ngunit nakatutok lang ako sa plato ko
Lauren's Point of View.Nang makarating sa mall ay hindi ko inaasahan na this mall is Zai's mall, that's the deal they both agreed with Kuya Luke. "Really daddy? This big mall is yours?" Nanlalaking mata na sabi ni Sierah."Yes, soon to be yours." Nakangiting sabi ni Zai.At dahil nag request na naman ng laruan ang anak kong medyo gastador ay kinunsinti naman ng tatay niya wala na akong nagawa kundi sumunod na lang sa kanila, habang naglalakad ay nangunot ang noo ko ng makita ang pamilyar na babae.Habang abala ang anak namin sa pagpili ng laruan ay pasimple kong siniko si Zai. "Girlfriend mo." Inginuso ko si Dr.Shane na gumagawa ng eksena sa women's apparel."Daddy! Come with me!" Nang yayain ni Sierah ang daddy niya ay nagkibit balikat ako kay Zai."Can you find out what's happening?" He asked that made my eye brows furrowed."Huwag ako—""May usapan tayo na gagawin mo ang gusto ko," wika niya kaya napairap ako at padabog na pasimpleng lumapit doon. Wala akong balak magpakita kay Dr
"Kung ganoon bakit si Lauren?! Magkasama na kayo sa iisang kwarto tinatawagan mo pa rin! Ano ba talaga Zai—""Just please stop mentioning her here! She's fucking innocent in this relationship we have!" Zai raised his voice that made me swallowed hard."How dare her! I really hate her Zai. Huwag ka na lang pumayag sa deal niyo, stop helping her—""Shane she's the mother of my child! I can't let her marry that asshole! Ano ba?" Zai irritatedly reply."Hindi mo naman talaga ako gusto, hindi mo naman talaga ako minahal, kasi hanggang ngayon si Lauren pa rin ang pinapanigan mo. Aalis na ako." Mariing sabi ni Shane and she was about to leave but Zai stopped her."Hindi ganoon 'yon." "Sorry." Nang marinig ang mahinahon na tinig ni Zai ay bumuntong hininga ako bago ako nagpanggap na kadarating lang."Where the hell is my room car— oh it's open." Nilakasan ko ang tinig at tsaka pumasok."H-Hey." Bati ko ngunit ng magtama ang mata namin ni Shane ay kusa akong umirap."Wala ba kayong sariling k
Lauren's Point of View. "Yes huh?" he asked again kaya huminga ako ng malalim bago siya seryosong tinignan. "First of all, daddy ka ng baby ko. Kung tulad niya ang magiging wife mo in the future and my daughter needs you, papaano na lang? See how selfish that woman is." Itinuro ko pa ang pintong pinaglabasan ni Shane. "I can't let that woman or any other woman hurt my daughter. So pick wisely yung tanggap na may anak ka at may responsibilidad ka sa bata. J-Just like how my Mommy Miyu did, up until now she still cares for me even though I am not her child." I cleared my throat before looking away. "Alright, it's clear,” mahinahon niyang sabi kaya huminga ako ng malalim bago siya basta bastang tinalikuran. Nang makarating sa kwarto ay tamad na tamad akong naupo sa harap ng study table sa kung nasaan yung laptop, hanggang sa biglang tumunog ang cellphone ko ay sinagot ko kaagad ang tawag ng kakilala ko ang makita. "What's up mommy?" He started that made me laugh. "Mommy huh
Dumaan ang gabi ay may kumatok kaya naman binuksan ko 'yon dahil sa tingin ko sila Sierah na. "Nandito na ata sila," I announced that made Zai glanced before giving me a nod. I opened the door but to my surprised I saw Aji, my friend na kanina lang ay kausap ko. "What's up mommy?" Nakangising sabi niya kaya natawa ako. "Akala ko yung anak ko na, ang bilis mo namang nakarating?" Kwestyon ko. "Pasok ka," anyaya ko pa ngumisi naman siya at ibinaba ang paper bag na mukhang para sa amin ni Sierah. "Wala ka naman sa New York, ilang oras lang byahe. Palawan ka lang, nasa Cebu lang ako." Natatawang sabi niya kaya naman tinanaw ko si Zai. "Zai I have visitor," malakas na sabi ko at naupo sa harap ni Aji. "Ay gago nandito si Zai?" Pabulong na tanong ni Aji kaya tumango ako. "Ba't 'di mo sinabi, akala ko may duty." Natawa ako. "Ayos lang 'yan, sabayan mo na kami mag-gabihan. May room ka na ba dito?" Tanong ko sa kaniya, tumango siya bilang sagot. "I saw your dad, sinabi niya a
Hindi naman na siya nagsalita kaya naman habang pinipilit kong matulog ay hindi ko namalayan ang oras kung kaya't ng tignan ko ang wall clock ay napabuntong hininga ako ng isang oras na pala akong nagpipilit matulog.Mukhang tulog na tulog na ang kasama ko kung kaya't maingat akong humarap sa pwesto niya ngunit ganoon ako natigilan ng magkaharap kami, ngunit siya ay tulog at ako ang gising. Pasimple ko siyang pinagmasdan. Hindi ko rin talaga maintindihan ang ugali ng isang 'to, parehas silang tatlo na mahirap basahin, mukhang nasa dugo na nila 'yon dahil Garcia sila.I was really sorry, but I can't apologize yet dahil natatakot akong bumaliktad ang lahat I wanted to stay strong and fierce in front of everyone. I don't want to show my soft side and my weak spot.I'd rather be bad than good, I wanted to show everyone how bad I am so they won't expect anything good from me. I actually hated Zai because he saw me at my good spot kahit pa gaano kasama at mali ang ginagawa ko.Sa lalim ng
Nang makasunod kila Zai ay pinagtitinginan na naman kaming lahat. "Cafeteria na ba tayo kakain?" Anyaya niya. "Pwede rin, para 'di na mapalayo." Mahinahon na sabi ko at tumahimik lang habang nag-uusap silang dalawa ni Sierah. Matanong ang anak ko, like how does this work, how this work, how did they make it? Ganoon lahat itatanong niya. "Mommy why does love is special?" Sa tanong ng anak ko ay nagkibit balikat ako. "Daddy mo magaling diyan sa love love na 'yan." Sa sagot ko at pasimple akong sinagi ni Zai kaya natawa ako. "Totoo naman, expert ka magpayo 'di ba?" "Hindi lang magpayo, make the letter p upside down, I'm also great at that." Nakangising sabi niya, natigilan ako at inisip ang sinabi niya. If I turn in upside down then it will be letter b? Nang marealize ko ay malakas ko siyang pinalo sa likod. "Ang bastos mo ano ba!" Natawa siya ng natawa kaya naman ngumiwi ako. "Disgusting Zai, I'm disgusted." Dismayado kong sabi pero ngumisi lang siya. Nang makarating sa
"Gago naman kasi ng ipis na 'yon!" Inis kong sigaw at napapadyak pa. "This is so stressing! Una yung nararamdaman ni Sierah, pangalawa si Levi anak ng puting tupa naman!" Gitil ko pa. Ngunit ng marinig ang tawa ni Zai ay sinamaan ko siya ng tingin. "Nag-eenjoy ka ngayong nagsu-suffer ako? Nakakatuwa sabagay." Inis na sabi ko at tumayo na. Inis akong pumasok ng kwarto at pabatong ibinaba ang bag ko sa kung saan. "Badtrip mga malas sa buhay." Gigil kong bulong. You only got two choices Lauren, Marry Levi or marry Zai? Pag si Levi ang pinakasalan mo, kawawa kayong dalawa ni Sierah! Pero pag si Zai, titiisin mo lang konti yung ugali niya tapos hindi pa masasaktan si Sierah at lalong hindi nananakit ng pisikalan si Zai unlike dad and Levi. Pakikiusapan ko ba si Zai? Should we do fake marriage contract? Or should we marry each other in civil then just do annulment afterwards? Si Zai na lang, si Zai na lang dahil kahit papaano mukhang may awa pa siya dahil anak niya rin ang mad
=ELVIRA’S POINT OF VIEW=[2 Years Later…]“Pa naman! Yung shoes mo kasi!” bulyaw ko kay papa nang bababa na kami ng Van sa bagong bahay na binili ko sa Pinas. Graduating na kasi si Clayn na naisipang magpaiwan sa Pinas.“Tsk, sandali kasi anak…”“Jusmiyo! Nagkapera na’t yumaman balasubas pa rin ang ugali!” bulyaw ni mama at hinampas si papa sa likod kaya napangiti ako.“Papa magagalit na naman si Clayn kapag na-late ka! Sino sasama sa kanyang umakyat!” reklamo ko at nagmamadaling kinuha ang susi sa bantay ng bahay na binili ko dito.“Sa car na!” natatarantang sabi ko ngunit bago pa man makasakay ay tumigil ang isang simpleng sasakyan sa harap ng bahay.Nang bumaba ang driver no’n ay nanlaki ang mata ko ngunit nangunot ang noo niya. “Nagmamadali kayo ate?”“Oh! Gagraduate ka di ba?!” gulat na sabi ko.“Luh? Bukas pa oy. Utak mo nasa ibang bansa pa,” singhal niya kaya napahinto ako.‘Seryoso ba?’Nakahinga ang lahat ng maluwag kaya naman napakamot ako sa sintido at pumasok sa bahay. “Na
Zian’s Point Of View Napamulat ako nang maramdaman ang kakaibang kirot sa binti ko, bahagyang nanlabo ang mata ko ngunit hindi ko makakalimutan ang mukha ni Elle na lumantad sa harapan ko. Tila kanina lang… “Ah, hmm..” It was even hard for me to speak… “Zian?” “Anak?!” Sunod kong pagkurap ay lumantad ang mukha ng magulang ko. Napapikit akong muli baka lumantad ang mukha na hinihintay ko. “M-Mom… S-Si Elle?” mahinang sabi ko at nahirapang igalaw ang braso ko kahit binti. “She’s not here, son…” sagot ni dad, nangunot ang noo ko at pinilit bumangon. ‘That’s impossible. I know I’m not hallucinating when I saw her…’ “I just saw her dad, just a while—” “A while? You’ve been asleep for three days…” mahinahon na sabi ni dad at tinuro ang paa ko. “You can’t even walk until we remove this cement.” ‘Three days?’ “She didn’t visit me?” pabulong kong tanong. Bahagya pa ngang namaos ang boses ko dahil sa pagkatuyo ng lalamunan. “She didn’t…” sa sagot nila ay labis akong nas
=ELVIRA’S POINT OF VIEW= Nagmadali kong sinundan ang emergency address ng cellphone niya. Pero papunta na sa ospital ang location ng cellphone niya dahilan para sumunod ako doon. Pagkarating ay napalunok ako nang makita siyang nasa stretcher at duguan. Humabol ako habang hinahapo. Hindi ko maunawaan ang nararamdaman. ‘Hindi ko alam ang gagawin ko kung sakaling mapano man siya…’ Inasikaso siya kaagad ng mga doctor at nang lalapit na sana ako ay mabilis akong hinarang ng mga pulis. “Sino sila ma’am?” “T-The girlfriend, a-anong nangyari?” kinakabahang sagot ko. Napaghawak ko ang dalawang kamay. “Ma’am, hindi pa kami makakapagbigay ng buong detalye. Pero ayon sa initial report, may nangyaring habulan sa may 7th Alley Street at nadamay ang sasakyan ng boyfriend niyo,” paliwanag ng pulis habang sinusulyapan ang dugong nakapahid sa gilid ng braso ko—hindi ko man lang namalayan na nagkaroon ako ng dugo ni Zian habang sinusubukan siyang lapitan kanina. Nanlabo ang paningin ko. Par
=Elvira’s Point Of View= Sumunod na araw ay tila gulo ang namagitan sa pamilya ko. Pagkalito, mga kwestyon na hindi masagot ng totoo. “Ang tanong ko bakit biglaan ang alis natin? Gumaganda na ang buhay natin dito oh!” gitil ni mama sa harapan ni papa. Para akong isang manekin sa harapan nila, nakatulala lang sa palitan at batuhan nila ng mga salita. “Mas gaganda naman ang buhay natin doon, mas tahimik—” “Hindi ‘yon! Bakit biglaan nga ang alis! Hindi mo nasasagot ang tanong ko! We’re already settling down again! So why leave?” nauubos pasensyang sabi ni mama kaya napapikit ako ng mariin. “It’s because of me, ma.” Sumingit na ako sa pagitan nila para hindi na sila magtalo pa. “Elle? Bakit ikaw?” tanong ni mama, naguguluhan. “Zian and I broke up,” mahinahon na sabi ko. Napahinto siya at hindi makapaniwalang tumitig sa akin. Hindi siya nakasagot at napasulyap kay papa. “May pera naman ho ako kung ‘yon ang problema, mas gaganda rin ang buhay natin sa ibang bansa. Malaki an
=Elvira’s Point Of View= I prepared a resignation letter. I have 5 days left and I don’t want to leave my work hanging. Pumunta ako sa opisina upang magpasa ng resignation letter at alam kong makikita ko siya. Pagkapasok sa office at taas noo akong lumapit sa desk niya. Unti-unti na nagsalubong ang kilay niya nang makita ako after two days. Marahan ko namang inilapag sa harapan niya ang resignation letter at doon siya napahinto. “What’s this?” malamig niyang sabi. “I’m resigning,” sobrang hina kong sabi. Nang salubungin ko ang mata niya ay napansin ko ang pasimpleng pag-igting ng panga niya. Huminga siya ng malalim. “Pati trabaho madadamay? Aren’t you being too immature, Elle?” nauubos pasensya niyang sabi kaya umiwas tingin ako. “Ang tagal mong pinaghirapan makapagtapos, para makakuha ng ganito ka-stable na trabaho. Pero dahil hiniwalayan mo ‘ko, pati ito iiwan mo?” Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. “Answer me, Elle. Ano bang nangyayari sa’yo? I can understand if you’r
=ZIAN’S POINT OF VIEW= Pagkarating namin sa condo, hindi ko na inisip kung may makakakita sa akin habang buhat ko si Elvira. Mas importante siya kaysa sa kahit anong mapapansin ng iba. Binaba ko siya sa kama, pero hindi pa man ako nakakaupo nang lumayo siya sa akin. Niyakap niya ang sarili, nanginginig pa rin. “Elvira…” malalim akong huminga, pinipigilan ang sarili ko. “Sino? Sino ang kumuha sa’yo?” Hindi siya agad sumagot. Nakayuko lang siya, pilit na iniiwasan ang mga mata ko. “Elvira,” mas madiin kong tawag, pilit kong kinakalma ang boses ko. “Sinong gumawa nito sa’yo?” Nakita ko kung paano siya napalunok, kung paano siya bahagyang umatras sa kama na parang natatakot. Pero hindi siya sumagot. “Damn it, Elvira! Sabihin mo sa akin kung sino!” Sigaw ko, hindi na napigilan ang galit at takot ko. “Para mahuli ko, para masuklian ko ang ginawa nila sa’yo!” Sa halip na sumagot, napapikit siya at napailing. “Stop it,” mahina niyang sabi, halos hindi ko marinig.
=ZIAN’S POINT OF VIEW= “ELVIRA! ELVIRA!” Paulit-ulit kong isinisigaw ang pangalan niya, pero wala na. Naputol ang linya. Mabilis kong hinagilap ang susi ng sasakyan at halos patakbong lumabas ng condo. Wala akong pakialam kung sino ang mababangga ko. Putangina! May kumukuha sa kanya. At hindi ko alam kung saan sila pupunta. Habang nasa sasakyan, mabilis kong dinial ang isang numero sa phone. Hindi ako pwedeng maghintay lang. Hindi ako pwedeng walang gawin. “Trace a number for me. Now.” “Huh? Boss, anong number?” Binanggit ko ang number ni Elvira. Halos mabali ang daliri ko sa sobrang higpit ng hawak sa manibela. Damn it. Damn it! Biglang kumabog nang malakas ang dibdib ko. Kung anong ginawa ko sa kanya kanina, ngayon, mas matindi ang takot na nararamdaman ko. Dahil ngayon… Baka tuluyan ko na siyang mawala. =ELVIRA’S POINT OF VIEW= Ang bigat ng talukap ng mga mata ko, parang may bumabagsak na bakal sa katawan ko. Malamig ang paligid.
=Elvira’s Point Of View= “Now, tell me everything! What is it? Why did you point your gun at me?” mariing kwestyon ko sa kanya. Inabot niya sa akin ang cellphone at nasapo ang noo. “D-Does your father also borrow Clayn’s phone?” seryosong tanong ni Zian sa akin na ikinakunot ng noo ko. “Oo, bakit? A-Ano ba kasi—” “This phone is used by the founder to call someone, from below…” paliwanag ni Zian kaya umawang ang labi ko. “So it’s either you, Clayn, or your dad…” Naestatwa ako sa seryoso niyang inasik, tila tumigil ang daloy ng dugo ko. “A-Ano?” nauutal na tanong ko. “H-Hindi ko maintin—” “Naiintindihan mo. Ayaw mo lang intindihin,” mariing sabi niya kaya nanghihina akong napayuko at nasapo ang mukha. ‘Kailan pa?’ “K-Kung kaya mo pa matulog sa isang bubong kasama ako, go ahead, but if you can’t stay and breathe the same air, leave.” Ang malamig niyang boses ay labis na sinaktan ang puso ko. Pinilit ko tumayo, inabot ko ang bag ko na nasa sahig. “I-I can’t,” mahinang
=Elvira’s Point Of View= A few weeks later, napapansin ko kung gaano kaabala si Zian sa projects na hawak niya. Hindi ko naman masyadong nakakamusta ang tungkol sa napag-usapan namin noon dahil busy rin ako sa trabaho. Gumaganda na rin ang kita ko kahit papaano, tumataas ang sahod at higit sa lahat dumarami na ang projects na nahahawakan ko. Mapamaliit man o malaki. Ngunit tila mas nagtaka ako nang isang araw ay tila lumayo ang loob ni Zian sa akin. Pansin ko ang mga pag-iwas niya sa hawak ko, at ang pagdikit sa akin ay tila nabawasan. Anong mali? Anong meron? Isang gabi ay maganda ang tapos ng trabaho ko kung kaya’t naisipan kong ayain sana siya matulog sa bahay namin ngunit… “Sa inyo? Okay lang ba kung sa condo ko na lang?” tanong niya. “P-Pwede naman,” mahinahon na sagot ko, pilit na dinedeadma ang tila may pagkamalamig niyang tugon. Nakakapagtaka… “Hmm, okay. Let’s go?” tanong niya kaya matipid akong ngumiti at sumama sa kanya. Humawak ako sa braso niya nang m