Bigla na lang sumama pakiramdam ko kaya sobrang ikli ng update ko. Natulog ako kanina at 10 :30 na nagising . Pasensya na at bitin. Hanggang katapusan pa po ito. May 2 twist pa po ako. Thanks!
ATHENA'S POVNAPANGITI ako nang makita si Grae na himbing na himbing na sa pagtulog. Dapat babalik pa siya sa library niya, kaso... napagod na sa mainit na tagpo namin.Wala siyang saplot sa ilalim ng kumot namin. Kaya naman kita nang bahagya ang baba niya na umbok. Mukhang buhay pa kahit na tulog na siya.Inilapit ko ang sarili ko sa kanya at niyakap siya nang mahigpit.Ilang buwan na akong nakakatulog nang maayos. At mula iyon nang magsama kami ni Grae sa iisang bubong. Sabagay, alam ko ang kilos at galawan niya. Maging sa akin, alam niya rin. Kaya hindi ako nag-iisip."I love you so much, Grae," ani ko at ngumiti. "Good night." Pagkuwa'y pumikit na ako.Ramdam ko ang pagod paggising ko kinaumagahan. Hindi nga ako nagising agad sa unang alarm ng aking telepono. Dapat mag-e-exercise ako. Routine ko na ang maglibot sa subdibisyon kasama ang kasambahay o 'di kaya ang driver. Minsan, sumasama din ang mga bata."Morning, hon." Nakangiti si Graeson nang pumasok sa aming silid. "Hindi ka n
ATHENA’S POV“‘Y-yong totoo, Grae. M-may iba ka pa bang anak maliban kay Ayden? S-sino ba ang babaeng iyon sa buhay mo?”“God! She’s just a friend, hon.” Natigilan siya saglit. “P-pero may nangyari sa amin before. Pero hindi ibig sabihin no’n ay anak ko na ang batang ‘yon. Alam mo namang magkasama tayo sa inyo, before. Kaya napaka imposible. Alangan namang may kambal si Ayden dahil ang sabi mo nga, isa lang ang nakita niyo sa ultrasound at isa lang din ang iniluwal mo.”“O-oo,” ani ko. May punto si Graeson. Pero bakit kaya kamukha ni Ayden?“‘Wag mo na ngang pinag-iisip ‘yon. Kung gusto mo, magpapadala ako sa US ng imbestigador para imbestigahan ang nakita natin.”Tumango ako sa kanya. “S-sige. Hindi rin naman ako mapakali kasi. Sa twing tinitingnan ko ang litrato, si Ayden ang nakikita ko. Kaya gusto kong mapanatag, Grae.”“Sige, hon.” Kinabig ako ni Grae at hinalikan sa ulo. Ang daming isipin ko sa nakita sa totoo lang. Kung anak ba ‘yon ni Grae o may kakambal nga si Ayden. Pero
GRAESON’S POV NAKANGITING sinundan ko nang tingin ang Mommy ko na umalis sa tabi ko. Lalapitan niya ang kapatid niya at mga pinsan ko na kararating lang. Buti, hindi pa nagsisimula ang kasal namin. Saka hindi pa tapos magbihis si Athena. Napaayos ako nang tayo nang makita ko si Ate Ayeisha na papalapit sa upuang laan sa pamilya nila. Kumaway pa siya sa akin bago tumabi sa asawa niya. Tapos na niya sigurong bihisan si Athena. Kaya paniguradong magsisimula na ang kasal namin. Beach wedding at private ito kaya kami lang na mag-anak at ilang kaibigan at kakilala na mapagkakatiwalaan ang inanyayahan namin. Mahirap na baka makapasok ang Lester na iyon. Hindi man siya nagpaparamdam sa amin matagal na pero kinakabahan ako. Kinakabahan ako na baka mawala sa akin si Athena. Sa huling pag-uusap naming dalawa, ni Lester, gusto niyang kunin sa akin si Athena. Buti na lang, naging wanted din siya kaya hindi siya nagtagumpay. Kita ko ang pagmamadali ni Mommy nang marinig ang sinabi ng wedding
GRAESON’S POV“GET OUT of my room, now!” sigaw ko kay Norissa nang makitang nakahiga siya doon. At sino ang nagsabi sa kanya na pwede siyang mahiga sa silid ko? Si Athena lang ang pwedeng mahiga at pumasok sa silid ko.“Galit ka na naman,” aniya sa akin nang bumangon siya.“Malamang! Pumasok ka sa silid ko nang walang pahintulot. Kaya anong gusto mong maging reaksyon ko? Matutuwa? You’re not even my wife, kaya nagagalit ako.”“Hanggang ngayon ba umaasa kang babalikan ka ng asawa mo? Mamaya niyan, e, patay na siya.”Nagpantig ang tenga ko sa sinabi niya kaya nilapitan ko siya at hinawakan siya sa braso nang pagkahigpit.“What did you say?” Hindi na maipinta ang mukha ko ng mga sandaling iyon. Ang dami niyang sasabihin tapos sasabihin niyang patay na? No! Hindi pwede! Hindi lang si Athena, pati ang anak namin iyon kaya nagagalit ako.“G-Graeson… ang sinasabi ko lang naman dapat sa ‘yo, nagmo-move on.”“Bakit ako magmo-move on, huh? Buhay pa ang asawa ko kaya ‘wag na ‘wag mo siyang pag
GRAESON’S POV“AHHHHH!” sigaw ko sa sobrang galit nang mapag-isa ako sa sasakyan. Ilang beses ko pang pinukpok ang kamay ko sa manibela, dahilan para masagi ko ang busina.Ilang buwan niya akong pinag-alala tapos malalaman kong kaya siya umalis para makapag-isip-isip daw. At bakit siya mag-iisip? Akala ko ba, sigurado na siya sa akin na magpakasal? Bakit ngayon sasabihin niya iyon? Kailan niya balak bumalik, huh? At ‘wag ko raw siyang hanapin dahil babalik naman siya?“God, Athena!” Naikuyom ko ang kamao ko sa sobrang galit. Bakit hindi niya kasi ako kinausap kung may problema siya sa akin? Pwede nama naming pag-usapan ito.Natagpuan ko na lang ang sarili ko sa isang bar. Nagpakalasing ako dahil kay Athena. Ang daming gumugulo sa isipan ko. Hindi kaya dahil sa batang nakita niya na kasama ni Norissa? Lumabas na ang imbestigasyon namin noon. At napag-alamang naming edited ang photo na iyon. Inamin na rin sa akin ni Norissa na may nagbayad sa kanya para i-post iyon. Hindi pa niya naki
ATHENA’S POV ***Flashback*** NAPADAING ako pagkamulat ng mata ko. Namumuting paligid ang nakita ko kaya kinabahan ako. Patay na ba ako? Napababa ako nang tingin sa aking tiyan. Malaki pa rin ang umbok niyon. Ibig sabihin, nasa loob pa ang bata! “Ahhh!” d***g ko ulit nang humilab iyon. “Gising ka na pala, Miss. Sandali at i-check ko ilang cm na.” Napapuwesto ang babaeng may stethoscope na nakasabit sa leeg. Nasa ospital ako! “Not yet dilated, doc.” Baling nito sa kasamang doctor na papasok. Nagsusuot ito ng surgical gloves. “A-ano hong ibig sabihin niyan? H-hindi pa ho ako manganganak?” “Yes, Misis. Hindi pa. Kaya I suggest na ilakad-lakad mo muna sa ospital. It seems like wala kang exercise nitong mga nagdaan. Have you?” Akmang sasagot ako nang biglang bumukas ang pintuan. Iniluwa no’n si Lester na ikinakuyom ko ng ngipin. “How’s my wife, Doc?” “Balikan na lang namin siya later, Mr. Magbanua. Hindi pa siya dilated,” “Pero humihilab na ang tiyan–” “Yes but hindi pa siya ha
ATHENA’S POVNAGKAGULO ang silid ko pagdating ng magulang niya at mas lalo nang dumating ang mga Santillan. Nalaman ng mga ito ang totoong nangyari. Kaya naman pinahigpitan nila ang siguridad ng ospital.“I want you to punish those who hurt my grandchild or Athena. Kill them kung kinakailangan.” Napalunok ako nang marinig ang sinabi ng ama ng asawa sa kausap nitong security personnel na ipinadala ulit ng kumpanya.Pinabalik nila si Rocco dahil ni-request ko. Wala siyang kasalanan that day dahil si Marieth ang kasama ko nang maglakad-lakad kami.Si Marieth ang nag-suggest na mag-iwan ako ng note para kay Grae at nilagay ko nga doon na aalis lang ako para magpahangin kaya ‘wag na niya akong hanapin. Kaya nag-sync-in sa aking isipan ang mga sinabi ni Grae nang magkita kami ulit. Akala niya, iniwan ko siya dahil si Kim ang gusto ko.Nasabi ko na rin sa kanila na may iniwan akong ebidensya sa basement na magpapatunay na sa akin iyon. Ang singsing namin ni Graeson at ang suot ko noong araw
ATHENA’S POVWALANG kurap-kurap ako habang nakatunghay kay Graeson at Norissa. Pakiramdam ko, may sumusuntok sa aking dibdib. Para ring may sumasakal sa akin, dahilan para mahirapan ako sa paghinga.“S-sa baba lang ako, Ma’am,” untag sa akin ni Rocco na ikinapitlag ko. Hindi ko alam kung gaano ako katagal sa posisyon. Pero parang huminto rin ang oras dahil halata pa rin ang pagkagulat sa dalawa ng mga sandaling iyon.Binalingan ko si Rocco. Ngumiti pa ako sa kanya para itago ang nararamdaman.“Lalabas na rin pala ako,” ani ko sa mahinang tinig. Tumingin pa ako sa braso niya.“P-pwedeng kumapit?” wala sa sariling tanong ko.Tumango naman ang personal bodyguard ko kaya lumapit siya sa akin. Muntik pa akong mabuwal. Para kasi akong nasa gilid ng bangin.“Athena, wait!” sigaw ni Graeson kapagkuwan. Dinig ko rin ang pagbagsak ng laptop sa sahig pero wala akong pakialam doon.“Graeson!” tawag naman sa kanya ng ina ni Prince.Napatigil ako sa paglakad nang makitang sumilip si Prince sa pintu