Share

Lust In Love (Tagalog version)
Lust In Love (Tagalog version)
Penulis: Latte

Panimula

Penulis: Latte
last update Terakhir Diperbarui: 2024-10-29 19:42:56

Isang linggo na lamang ay magtatapos na ako sa kolehiyo at malapit ko na ulit makasama si Clara, ang nakatatanda kong kapatid. Siya din ang dahilan kung bakit nagsusumikap ako sa aking pag-aaral at siya lamang ang natatanggi kong inspirasyon sapagkat siya lang ang mayroon ako. Kahit gaano pa ang kahirap ang mamuhay mag-isa dito sa England nang walang sapat na kaalaman at pera ay pinilit kong makapagtapos sa kolehiyo upang may mauwi akong karangalan sa pagbalik ko ng Pilipinas.

Pagkatapos ng graduation namin ay agad din akong nag-impake nang aking mga gamit na dala-dala ang medalya at diploma na ipapakita ko sa kaniya bilang patunay na nakapagtapos na ako. 

Halos hindi na ako makapaghintay na makita siya at mayakap nang sobrang higpit. Nasasabik na rin akong isabit sa kaniya ang medalya ko at makita ang mga matatamis niyang ngiti sa labi.

Makalipas ang isang linggo ay muli akong nakabalik ng Pilipinas. Habang naglalakad ako palabas ng airport ay panay naman ang paglingon ko sa aking paligid at siya lang ang hinahanap ng aking mga mata.

"Charm!" Mabilis akong napalingon sa boses na aking narinig. Inakala kong si Clara ang tumatawag sa akin ngunit napagtanto kong si April pala, ang pinsan at kaibigan ko. Apurahan naman siyang tumakbo palapit sa akin sabay niyakap niya ako nang sobrang higpit na halos hindi na ako makahinga. Dahil doon ay tinulak ko siya palayo na may guhit nang ngiti sa aking labi.

"Bakit mag-isa ka lang? Nasaan si Clara?" Ang agad kong itinanong sa kaniya ngunit hindi siya sumagot bagkus ay binaling niya ang tingin niya sa tatlong maleta na dala ko.

"Sandali lang bakit ang dami mo yatang dala? Hindi ka na ba babalik ng England?" Aniya kaya nabaling din sa ibang bagay ang atensyon ko.

"Oo dahil nakapagtapos na ako." Tugon ko sabay pinakita ko sa kaniya ang aking natanggap na medalya. Nanlaki naman ang mga mata niya sa pagkamangha at agad niyang kinuha sa kamay ko ang medal sabay kinagat niya ito upang alamin kung tunay na gawa ito sa silver. 

"Ano ang ginagawa mo? Akin na nga iyan." Sabi ko sabay inagaw ko sa kaniya yung medalya at inilagay ito muli sa loob ng bulsa ng pantalon ko.

"Proud na proud ako sa iyo pinsan. Hindi ko inaasahan na makakaya mong mamuhay nang mag-isa sa malayong lugar na hindi kapaling ang iyong kapatid na si Clara." Aniya kaya muling sumagi sa isipan ko si Clara.

"Nga pala nasaan na siya? Bakit hindi mo siya kasama?" Usisa ko ngunit muli lang niyang binalewala ang sinabi ko sa kaniya na para bang wala siyang narinig. Dahil doon ay hindi ko na lang ulit binanggit si Clara sa kaniya at inisip ko na lamang na baka abala siya sa trabaho o baka naman naghahanda siya ng mga pagkain sa bahay upang sopresahin ako.

Sumakay agad kami ng taxi at inakala ko na sa bahay kami dederetso ngunit laking pagtataka ko nang huminto kami sa bahay nila. Tipong tatanungin ko sana siya pero agad naman siyang pumasok sa loob habang bitbit niya ang dalawang maleta. Dahil doon ay tahimik na lamang akong sumunod sa kaniya hanggang sa napagtanto kong naghihintay pala silang lahat sa akin doon sa loob habang may mga nakasabit pang dekorasyon at welcome back sign sa pader.

"You very did well hija. Sobrang proud na proud kami sa iyo." Ang sabi ni tita sa akin, ang nanay ni April sabay yumakap siya sa akin at marahan na hinaplos ang aking likuran. Hanggang sa isa-isa na silang lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit gaya ng pagkayakap sa akin kanina ni April nang makita niya ako sa airport.

Habang masaya silang nagkukwentuhan ay panay naman ang paglibot kong tingin sa bawat kamag-anak naming naroroon ngunit wala sa kanila ang inaasahan kong tao. Wala doon si Clara. Wala doon ang aking ate. Nasaan kaya siya? Hindi ba niya alam na ngayong araw ako dadating? O baka naman may pinuntahan lang siya sandali? 

Halos hindi na ako mapakali kakaisip sa kaniya. Panay ang pagsilip ko sa pintuan at umaasang makikita ko siya doon ngunit lumipas ang pagdapit hapon ay wala pa rin siya. Kahit saan man ako tumingin ay hindi ko siya nakikita ni anino niya ay hindi ko mahagilap.

Nasaan ka na ba, Clara? Bakit ang tagal mo? Bakit wala ka pa rin dito?

Hanggang sa sumapit na ang gabi. Naghihintay pa rin ako sa kaniyang pagdating. Nakaupo lamang ako malapit sa pintuan habang hawak ko sa aking kamay ang aking medalya at upang isabit ito kaagad sa kaniya sa oras na pumasok siya nang pintuang iyon. Pero kinakabahan na ako at nag-aalala sa kaniya dahil anong oras na ay hindi pa rin siya umuuwi. 

Nang biglang napadaan si April sa harapan ko kaya tinawag ko siya at hinawakan sa kaliwang braso niya. Nahinto naman siya at napalingon sa akin.

"Bakit, Charm? May gusto ko bang kainin?" Tanong niya pero umiling naman ako sa aking ulo.

"Alam mo ba ang phone number ni Clara? Anong oras na kasi pero hindi pa rin siyang dumadating. Sa tingin mo ba okay lang siya? O baka naman abala lang siya sa trabaho niya?" Usisa ko ngunit bigla siyang natahimik at napatingin sa aming paligid kung saan lahat sila ay nakatingin sa aming dalawa.

"Bakit? Anong problema? May mali ba akong nasabi?" Tanong ko ngunit walang sumasagot sa kanila maging si April ay umiiwas ng tingin sa akin. Dahil doon ay mas lalo tuloy akong kinabahan at napatayo ako.

"Ano ba talaga ang nangyayari, April? Bakit hindi ka nagsasalita diyan? Bakit sa tuwing binabanggit ko siya sa iyo ay parang iniiwasan mo akong sagutin. May dapat ba akong malaman?" Pagkasabi ko ay dahan-dahan naman siyang umangat ng tingin sa akin na may pagtulo ng luha sa kaniyang mga mata kaya mas lalo akong nausisa. 

"Charm ang totoo kasi niyan wala na si Clara. Apat na taon na siyang patay." Tugon niya habang nanginginig ang boses niya at lumuluha ang mga mata.

Natulala naman ako sa sinabi niya at parang nabingi ako sa mga narinig ko. Malinaw para sa akin ang mga sinabi niya ngunit hindi ko ito matanggap. Hindi ko ito kayang tanggapin. Hindi ito matatanggap ang ganitong klaseng kasinungalingan.

"Nagbibiro ka lang hindi ba? Hindi totoo iyang sinasabi mo. Siguro pinaprank niyo ako at may hidden kamera na nakatutok sa akin ngayon 'no? Akala mo siguro hindi ko malalaman ang binabalak mo, April." Ang sabi ko habang nililibot ko ng tingin ang mga kamag-anak naming nakatingin sa aming dalawa habang may bakas ng lungkot sa kanilang mga mukha.

"Alam mong hindi ko kailaman magagawang lokohin ka lalo na kung may kinalaman kay Clara. Totoo ang lahat nang sinasabi ko, Charm. Hindi ako nagsisinungaling. Hindi ako gumagawa lang ng kuwento o nang kung anu-anong prank video. Wala na talaga si Clara. Matagal na siyang patay. Namatay siya habang nasa England ka at nag-aaral iyon ang totoo." Pagkasabi niya ay napahawak naman ako sa noo ko at hindi ko alam ang gagawin ko. Bigla na lang ako nakaramdam ng pagkahilo at paninikip mula sa dibdib ko. 

Kailangan kong ilabas ang lahat nang ito kung hindi ay baka magkasakit naman ako. 

Nawala sa isip ko na may mga matatanda kaming kasama doon. Basta na lang ako nagwala at sumigaw ng malakas habang walang hinto ang pagtulo ng mga luha ko. Kahit anong gamit ang makita ko sa paligid ay binabato ko sa sahig kahit na wala ako sa sariling bahay ko.

"Charm tumigil ka na. Pakalmahin mo muna ang sarili mo at uminom ka na muna ng tubig." Lumapit naman sa akin ang nanay ni April habang inaabutan niya ako ng isang basong tubig. Doon na ako mas lalong napraning at sa kaniya ko ibinuhos ang lahat nang nararamdaman ko.

"Ano ang sinabi mo? Uminahon ako? Sa tingin niyo ba ganoon lang kadali iyon? Apat na taon akong nawala at halos magdamag akong naghihintay sa upuan na ito para lang sa wala. Pero wala ni isa sa inyo ang naglakas-loob na sabihin sa akin ang totoo. Alam niyo ba kung ano ang nararamdaman ko ngayon? Pakiramdam ko ay pinaglalaruan niyo ako. Para akong tanga na nagkaupo dito at nag-aabang para pala sa isang bangkay. Kung ikaw ang nasa posisyon ko makukuha mo pa bang uminahon?" Saad ko na ikinabigla naman nilang lahat dahil tila lumagpas na ako sa aking limitasyon at hindi ko na siya ginalang bilang mas matanda sa akin.

"Huwag mong pagsalitaan ng ganiyan si nanay. Marahil naduwag siyang sabihin sa iyo ang totoo ngunit wala naman siyang balak ilihim sa iyo ang tungkol kay Clara." Ang sabi naman ni April kung kaya't nabaling ang tingin ko sa kaniya sabay napangisi naman ako.

"Kung ganoon kasalanan ko pa pala kung bakit ako nagkakaganito ngayon at kung bakit nagagalit ako sa inyo? Wala ba akong karapatang magsalita ng totoo?" Tugon ko sabay lumapit sa akin ang nanay niya at tipong hahawakan sana niya ako sa kamay ngunit agad naman akong umiwas sa kaniya.

"Huwag na huwag niyo akong hahawakan o lalapitan. Ayoko munang makita kayong lahat. Gusto kong mapag-isa." Pagkasabi ko ay binitbit ko ang lahat ng gamit ko at umalis ako sa bahay nila. Hinabol naman ako ni April at paulit-ulit niya akong tinatawag sa pangalan ko ngunit hindi ako humihinto o lumilingon man lang sa kaniya. Nagkataon na may dumaan na taxi kaya agad akong pumara at sumakay doon. Napansin kong tinatawag pa rin niya ako ngunit hindi ko na lang siya pinansin. 

Tinungo ko sandali ang aking ulo habang panay ang pagluha ng mga mata ko. Nahihiya akong ipakita sa taxi driver ang mga namumugto kong mga mata at ayokong mahalata niya na umiiyak ako kaya nanatili lamang ang ulo ko hanggang sa makarating ako ng bahay.

Pagkababa ko ng taxi ay sandali kong tiningala ang aking ulo upang pagmasdan ang bahay namin. Hindi ito gaanong kalakihan at sapat lamang ito para sa dalawang tao. Ngunit para sa aming dalawa ni Clara ay malaki na ito at sakto lang para sa mga kaunti naming kagamitan. 

Halos nanginginig ang mga kamay ko sa sobrang galit matapos kong malaman ang lahat. Hindi ko alam kung kakayanin kong mamuhay mag-isa sa bahay na ito na punong-puno ng mga masasayang alaala naming dalawa.

"Clara, nakabalik na ako sa bahay. Nandito na ako ang kapatid mong si Charmaine." Bulong ko habang minamasdan ko ang labas ng bahay. Halos nanginginig ang mga labi ko at ayaw huminto ng mga luha ko. "Bakit hindi mo ako hinintay? Hindi ba't nangako ako sa iyo na babalik ako." Dugtong ko sabay napayuko ako at kinagat ko ang ibaba ng aking labi.

"Naniniwala ako na hindi totoo ang sinasabi nila na nagpakamatay ka. Aalamin ko ang katotohanan sa likod ng iyong ikinamatay at sisiguraduhin kong pagdudusahan ito ng mga taong gumawa sa iyo. Hinding-hindi ko sila mapapatawad. Dudurugin ko sila sa mga kamay ko at ililibing ko sila ng buhay. Pinapangako ko sa iyo na paghihigantihan kita. Lahat ng mga taong umapi sa iyo at nagtago ng pagkamatay mo lahat sila ay magbabayad sa ginawa nila sa iyo." Bulong ko habang nakakuyom ng madiin ang dalawa kong kamao.

Bab terkait

  • Lust In Love (Tagalog version)   Pangalawa

    Pagkapasok ko sa loob ng bahay ay dumeretso agad ako sa kuwarto ni Clara. Nakakalat ang mga gamit niya sa sahig at kama. Ngunit napukaw ng aking atensyon ang isang box na nakapatong sa computer desk niya. Nilapitan ko ito at binuksan kung saan napagtanto kong mga personal pala niya itong kagamitan na madalas niyang ginagamit at dinadala. Halos tumulo ang luha ko habang isa-isa ko itong tinitignan at nilalabas mula sa box. Hanggang sa may nahulog na litrato mula sa isang journal kaya pinulot ko ito kaagad at tinignan. Larawan niya ito na may kasamang tatlong lalaki na may guhit ng ngiti sa kanilang mga labi. Hindi niya nabanggit sa akin tungkol sa mga lalaking nasa picture. Marahil mga kaibigan niya ito o mga katrabaho. Kaya hindi ko ito pinagtuonan ng pansin bagkus ay binaling ko ang atensyon ko sa journal niyang nakita ko sa loob ng box. Umupo sandali ako sa kama habang binabasa ko ang mga nakasaad doon.Parang isang ito personal na diary na sinusulatan niya ng bawat pangyayari sa k

  • Lust In Love (Tagalog version)   Pangatlo

    Isang linggo ang nakakaraan ay muli na naman akong nakatanggap ng box mula sa unknown sender. Sa loob nito ay may lumang cellphone kung saan bigla itong nag-ring at may tumatawag. Sinagot ko naman ito kaagad at nilapit sa aking tenga."Sino ito at ano ang kailangan mo sa akin?" tanong ko ngunit natagalan naman siya bago tumugon tangging mabigat lamang niya na paghinga ang naririnig ko. "Alam ko na ikaw ang nagpapadala sa akin nitong box. Bakit mo ako tinutulungan at paano mo nakilala si Clara?" dagdag ko ngunit muli akong nakarinig ng katahimikan sa kaniya at bigla na lang niya akong binabaan ng tawag. Hanggang sa nag-vibrate yung cellphone at nakatanggap ako ng text message mula sa kaniya."Magkita tayo sa 107 Savante Ramos St. at Mr. Bean coffee shop, seven sharp in the evening." Ang mensaheng pinadala niya sa akin. Sinubukan kong i-trace ang IP address niya ngunit nahirapan akong hanapin siya dahil lumang cellphone ang gamit niya at mukhang tinapon lang niya ito sa kung saan. Gay

Bab terbaru

  • Lust In Love (Tagalog version)   Pangatlo

    Isang linggo ang nakakaraan ay muli na naman akong nakatanggap ng box mula sa unknown sender. Sa loob nito ay may lumang cellphone kung saan bigla itong nag-ring at may tumatawag. Sinagot ko naman ito kaagad at nilapit sa aking tenga."Sino ito at ano ang kailangan mo sa akin?" tanong ko ngunit natagalan naman siya bago tumugon tangging mabigat lamang niya na paghinga ang naririnig ko. "Alam ko na ikaw ang nagpapadala sa akin nitong box. Bakit mo ako tinutulungan at paano mo nakilala si Clara?" dagdag ko ngunit muli akong nakarinig ng katahimikan sa kaniya at bigla na lang niya akong binabaan ng tawag. Hanggang sa nag-vibrate yung cellphone at nakatanggap ako ng text message mula sa kaniya."Magkita tayo sa 107 Savante Ramos St. at Mr. Bean coffee shop, seven sharp in the evening." Ang mensaheng pinadala niya sa akin. Sinubukan kong i-trace ang IP address niya ngunit nahirapan akong hanapin siya dahil lumang cellphone ang gamit niya at mukhang tinapon lang niya ito sa kung saan. Gay

  • Lust In Love (Tagalog version)   Pangalawa

    Pagkapasok ko sa loob ng bahay ay dumeretso agad ako sa kuwarto ni Clara. Nakakalat ang mga gamit niya sa sahig at kama. Ngunit napukaw ng aking atensyon ang isang box na nakapatong sa computer desk niya. Nilapitan ko ito at binuksan kung saan napagtanto kong mga personal pala niya itong kagamitan na madalas niyang ginagamit at dinadala. Halos tumulo ang luha ko habang isa-isa ko itong tinitignan at nilalabas mula sa box. Hanggang sa may nahulog na litrato mula sa isang journal kaya pinulot ko ito kaagad at tinignan. Larawan niya ito na may kasamang tatlong lalaki na may guhit ng ngiti sa kanilang mga labi. Hindi niya nabanggit sa akin tungkol sa mga lalaking nasa picture. Marahil mga kaibigan niya ito o mga katrabaho. Kaya hindi ko ito pinagtuonan ng pansin bagkus ay binaling ko ang atensyon ko sa journal niyang nakita ko sa loob ng box. Umupo sandali ako sa kama habang binabasa ko ang mga nakasaad doon.Parang isang ito personal na diary na sinusulatan niya ng bawat pangyayari sa k

  • Lust In Love (Tagalog version)   Panimula

    Isang linggo na lamang ay magtatapos na ako sa kolehiyo at malapit ko na ulit makasama si Clara, ang nakatatanda kong kapatid. Siya din ang dahilan kung bakit nagsusumikap ako sa aking pag-aaral at siya lamang ang natatanggi kong inspirasyon sapagkat siya lang ang mayroon ako. Kahit gaano pa ang kahirap ang mamuhay mag-isa dito sa England nang walang sapat na kaalaman at pera ay pinilit kong makapagtapos sa kolehiyo upang may mauwi akong karangalan sa pagbalik ko ng Pilipinas.Pagkatapos ng graduation namin ay agad din akong nag-impake nang aking mga gamit na dala-dala ang medalya at diploma na ipapakita ko sa kaniya bilang patunay na nakapagtapos na ako. Halos hindi na ako makapaghintay na makita siya at mayakap nang sobrang higpit. Nasasabik na rin akong isabit sa kaniya ang medalya ko at makita ang mga matatamis niyang ngiti sa labi.Makalipas ang isang linggo ay muli akong nakabalik ng Pilipinas. Habang naglalakad ako palabas ng airport ay panay naman ang paglingon ko sa aking pa

DMCA.com Protection Status