Share

Pangalawa

Author: Latte
last update Last Updated: 2023-01-16 14:42:41

Pagkapasok ko sa loob ng bahay ay dumeretso agad ako sa kuwarto ni Clara. Nakakalat ang mga gamit niya sa sahig at kama. Ngunit napukaw ng aking atensyon ang isang box na nakapatong sa computer desk niya. Nilapitan ko ito at binuksan kung saan napagtanto kong mga personal pala niya itong kagamitan na madalas niyang ginagamit at dinadala. Halos tumulo ang luha ko habang isa-isa ko itong tinitignan at nilalabas mula sa box. Hanggang sa may nahulog na litrato mula sa isang journal kaya pinulot ko ito kaagad at tinignan. 

Larawan niya ito na may kasamang tatlong lalaki na may guhit ng ngiti sa kanilang mga labi. Hindi niya nabanggit sa akin tungkol sa mga lalaking nasa picture. Marahil mga kaibigan niya ito o mga katrabaho. Kaya hindi ko ito pinagtuonan ng pansin bagkus ay binaling ko ang atensyon ko sa journal niyang nakita ko sa loob ng box. Umupo sandali ako sa kama habang binabasa ko ang mga nakasaad doon.

Parang isang ito personal na diary na sinusulatan niya ng bawat pangyayari sa kaniyang buhay o kung ano mang tumatakbo sa kaniyang isipan. Wala akong gaanong napansing kakaiba sa unang pahina nito. Ngunit habang binabasa ko ito ay tila unti-unti akong nagkaka-ideya kung ano ang ginagawa niya sa araw-araw at kung sinu-sino ang mga nakakasama niya.

Natigilan na lamang ako nang mabasa ko ang ilang pahina nito kung saan binabanggit niya ang tatlong lalaking nakilala niya at naging kaibigan. Marahil yung tatlong lalaking binabanggit niya ay yung mga lalaki ring kasama niya sa litrato. Pero ipinagpatuloy ko pa rin ang pagbabasa hanggang sa napansin ko na lang na paikli ng paikli ang bawat nakasaad doon. May ilang bakanteng pahina na hindi niya pa nasusulatan at inakala ko na hanggang doon na lang iyon ngunit nang ilipat ko ang bawat pahina ay napansin kong may nakasulat sa likod ng journal niya.

"September 03, 2018." Ang nakasulat doon na may tintang kulay pula na animoy espesyal sa kaniya ang araw na ito. Ngunit ano kaya ang ibig sabihin niya sa pangungusap na, "Sana ako na lang siya." Tila may binabanggit siyang ibang tao sa mga katagang iyon. Ngunit sino? At bakit niya iyon nasabi?

Habang malalim kong iniisip ang tungkol doon ay bigla ko naman nabitawan ang hawak ko nang makarinig ako ng malakas na doorbell mula sa labas. Pinulot ko muna sandali ang journal at pinatong ito sa kama bago ako lumabas ng kuwarto at tumungo sa pintuan.

"Charmaine Daquis?" Ang bungad na tanong sa akin ng delivery man.

"Oo, ako nga po." Tugon ko naman na may pagtango sa aking ulo. Bigla naman siyang may inabot sa aking maliit na box na ipinagtaka ko.

"Para po ito sa inyo. Pakipirmahan na lang po sa baba ng papel." Aniya at pagkatapos kong pirmahan iyon ay agad naman siyang umalis kaya hindi ko na nakuha pang tanungin siya.

Nagtataka naman akong napatitig sa box na natanggap ko. Nilibot ko ng tingin ang aking paligid ngunit wala naman akong napansing kakaiba doon kaya sinara ko na ang pinto at umupo ako sa sofa. 

Wala nakalagay kung sino ang nagpadala at ano kaya ang laman nito sa loob? Usisa ko kaya agad ko ding binuksan yung box kung saan may nakita akong isang pirasong papel na may nakasulat na, "Sa tingin mo ba nagpakamatay talaga siya?" nang mabasa ko iyon ay bigla naman akong napatayo at lumabas agad ng bahay upang hanapin sana muli yung delivery man ngunit kahit saan ako lumingon ay hindi ko na siya nakita pang muli.

Gusto ko sana siyang tanungin kung sino ang nagpadala sa akin ng box na iyon o kung kanino ba iyon nanggaling. Nararamdaman ko na malapit lang siya sa akin at maaaring nasa paligid ko lang siya ngayon kung saan palihim siyang nakatingin sa akin.

Hindi ito isang babala kun'di isang malaking clue na tama ang hinala kong hindi nagpakamatay si Clara kun'di pinatay siya.

Ngunit sino? Sino ang gagawa non sa kaniya at ano ang dahilan niya bakit niya siya pinatay?

Sa mga sandaling iyon ay wala akong nararamdamang takot o pangamba na baka kasalukuyan akong minamatyagan mula sa hindi kalayuan ng taong nagpadala sa akin ng sulat na ito. Determinado akong malaman ang katotohanan at kung sino ang pumatay kay Clara. Kaya hindi ako nag-aksaya ng bawat oras at bumalik ako sa kuwarto niya upang muling basahin ang journal niya. Umaasa ako na may mahahanap akong clue na makakapagturo sa akin kung sino ang nasa likod nang lahat o kung ano ba talaga ang tunay na nangyari sa kaniya. Ngunit gaya ng aking inaasahan ay hindi iyon naging madali. Ni hindi ako makalabas ng bahay at hindi ko namamalayang dalawang araw na pala akong nasa loob lamang ng aking kuwarto habang nakaharap sa computer.

Hindi ako tumigil sa pagtuklas at maigi kong pinag-aralan ang bawat nakasaad sa journal niya na halos masaulo ko na ang lahat ng mga nakasulat doon. Hanggang sa may bigla na lang lumabas na ads na may malaswang litrato ng isang lalaking n*******d. Hindi ko na lang sana ito papansinin ngunit parang pamilyar sa akin ang babaeng kasama niya sa litrato kung saan nakahiga siya sa kama. Dahil sa pagkausisa ko ay binuksan ko ito at bigla na lang nag-play ang isang malaswang vidyo kung saan nagtatalik ng hubo't hubad ang isang lalaki at babae. Hindi ko na tinapos pa ang vidyo dahil hindi ko gusto ang makapanuod ng mga ganoong klaseng video. Gayunpaman ay nagbasa ako ng ilang mga komento kung saan napansin ko na may pinag-uusapan silang tila sikat na vidyo. Sa bandang ibaba ay may nakita akong link kaya agad ko itong pinindot ang binuksan.

Katulad ng inaasahan ko ay isa rin itong malaswang vidyo ngunit sa natigilan naman ako at natulala nang makita ang babaeng n*******d sa vidyo ay ang kapatid ko, si Clara.

Napatakip ako ng aking bibig at bigla na lang tumulo ang luha sa aking mga mata habang pinapanuod ko iyon. Halos napatayo ako at nanginginig ang buong katawan ko dahil sa mga nakita ko. Lumabas agad ako ng kuwarto ko at tumungo ako sa labas upang makalanghap ng sariwang hangin. Hindi ako makahinga sa mga nadiskubre ko at mga nakita. 

Hindi si Clara iyon. Marahil kamukha lang niya ang babaeng nasa vidyo. 

Pinilit kong lokohin ang sarili ko para lang pakalmahin ang aking sarili ngunit hindi pa rin iyon naging sapat upang kalimutan ko ang lahat. Tila paulit-ulit pa itong nagpapakita sa isipan ko kung saan nanlambot ang mga tuhod ko at napaupo ako habang mahigpit akong nakahawak sa gilid ng pinto. 

Habang hinahabol ko ang aking hininga ay bigla naman bumuhos ang malakas na ulan. Hindi ko namalayan na ilang oras na akong nakaupo doon sa labas ng bahay at kanina pa pala ako nababasa sa ulan. Hanggang sa napaangat ako ng tingin at napansin kong may taong nakatingin sa akin mula sa hindi kalayuan habang may hawak siyang itim na payong. Tinitigan ko naman ng maigi ang mukha niya ngunit nakatakip siya ng itim na mask at nakasuot siya ng itim na kapote.

Ilang minuto kaming nagkatitigan sa isa't-isa nang biglang sumagi sa isipan ko ang tungkol sa sulat na aking natanggap mula sa unknown sender. Dahil doon ay napatayo ako at iniisip na baka siya ang taong iyon. Baka siya ang nagpadala sa akin ng sulat na iyon. Marahil ay magkakilala sila ni Clara at maaaring may nalalaman siya tungkol sa pagkamatay niya. 

Kung totoong isa siyang witness ay kailangan ko ng tulong niya. Kailangan kong mapalapit sa kaniya at kailangan kong marinig sa kaniya ang totoo.

Tipong lalapitan ko sana siya ngunit bigla naman siya tumalikod at kumaripas ng takbo palayo sa akin dahil doon ay hindi ko siya nakuhang kwestyunin tungkol sa mga nangyari kay Clara.

Marahil natatakot siya mapahamak o baka naman may iba pa siyang nililihim?

Bumalik ako sa loob ng bahay at tumungo sa aking kuwarto. Kahit basang-basa ang buong katawan ko ay umupo sa harap ng komputer at bumuga ng malalim bago ko muling pinanuod ang vidyo niya. Kahit diring-diri ako sa mga nakikita ko ay pinilit kong buksan ang dalawang mata ko para lang malaman ang dahilan kung bakit niya iyon ginawa at kung bakit niya naisipang gawin iyon.

Gayunpaman kilala ko si Clara. Hindi niya iyon gagawin ng walang dahilan. Natitiyak kong may malalim siyang dahilan kung bakit niya iyon ginawa. Pero kahit ano pa man ang dahilan o kahit gaano pa kalaki ang problema niya ay hindi niya iyon kailanman maiisipang gawin nang dahil lamang sa pera.

Marahil ay pinilit siyang gawin iyon. Marahil ay pinagtangkahan ang buhay niya at natatakot siya sa mga ito kapag hindi niya sinunod ang mga pinag-uutos nila. At kapag nalaman ko na tama pala ang hinala ko ay sisiguraduhin kong malalaman ng buong mundo kung gaano sila karuming tao. Hinding-hindi ko palalampasin kahit isang hibla ng kanilang mga buhok. Lahat sila ay papahirapan ko at magdudusa sa mga kamay ko.

Papatayin ko silang lahat.

Halos nakaidlip ako sa aking upuan na basang-basa pagkatapos kong panuorin ang lahat ng vidyo niya. Nagising na lamang ako sa door bell na narinig ko kaya agad akong tumayo at tumungo sa pinto. Pagbukas ko ng pintuan ay wala akong nadatnan na ibang tao doon maliban na lang sa isang box. Kaya binuhat ko ito at pinasok sa loob na may bakas ng pagtataka sa aking mukha.

Marahil pinadala ito sa akin ng taong nagpadala din sa akin ng sulat kahapon. 

Pagbukas ko ng box ay may nakita akong tatlong litrato ng lalaki na may nakasulat na pangalan sa likod. Mas lalo akong nausisa dahil ang mga lalaking nasa litrato ay ang mga lalaki ring kasama ni Clara sa picture na nahulog mula sa journal niya.

Dahil doon ay agad akong tumungo sa kuwarto ko at umupo sa harap ng kompyuter. Sinerch ko ang pangalan ng mga lalaki sa litrato at natulala na lamang ako nang malaman kung sinu-sino sila at kung ano ang tunay nilang pagkatao.

Related chapters

  • Lust In Love (Tagalog version)   Pangatlo

    Isang linggo ang nakakaraan ay muli na naman akong nakatanggap ng box mula sa unknown sender. Sa loob nito ay may lumang cellphone kung saan bigla itong nag-ring at may tumatawag. Sinagot ko naman ito kaagad at nilapit sa aking tenga."Sino ito at ano ang kailangan mo sa akin?" tanong ko ngunit natagalan naman siya bago tumugon tangging mabigat lamang niya na paghinga ang naririnig ko. "Alam ko na ikaw ang nagpapadala sa akin nitong box. Bakit mo ako tinutulungan at paano mo nakilala si Clara?" dagdag ko ngunit muli akong nakarinig ng katahimikan sa kaniya at bigla na lang niya akong binabaan ng tawag. Hanggang sa nag-vibrate yung cellphone at nakatanggap ako ng text message mula sa kaniya."Magkita tayo sa 107 Savante Ramos St. at Mr. Bean coffee shop, seven sharp in the evening." Ang mensaheng pinadala niya sa akin. Sinubukan kong i-trace ang IP address niya ngunit nahirapan akong hanapin siya dahil lumang cellphone ang gamit niya at mukhang tinapon lang niya ito sa kung saan. Gay

    Last Updated : 2023-01-16
  • Lust In Love (Tagalog version)   Panimula

    Isang linggo na lamang ay magtatapos na ako sa kolehiyo at malapit ko na ulit makasama si Clara, ang nakatatanda kong kapatid. Siya din ang dahilan kung bakit nagsusumikap ako sa aking pag-aaral at siya lamang ang natatanggi kong inspirasyon sapagkat siya lang ang mayroon ako. Kahit gaano pa ang kahirap ang mamuhay mag-isa dito sa England nang walang sapat na kaalaman at pera ay pinilit kong makapagtapos sa kolehiyo upang may mauwi akong karangalan sa pagbalik ko ng Pilipinas.Pagkatapos ng graduation namin ay agad din akong nag-impake nang aking mga gamit na dala-dala ang medalya at diploma na ipapakita ko sa kaniya bilang patunay na nakapagtapos na ako. Halos hindi na ako makapaghintay na makita siya at mayakap nang sobrang higpit. Nasasabik na rin akong isabit sa kaniya ang medalya ko at makita ang mga matatamis niyang ngiti sa labi.Makalipas ang isang linggo ay muli akong nakabalik ng Pilipinas. Habang naglalakad ako palabas ng airport ay panay naman ang paglingon ko sa aking pa

    Last Updated : 2023-01-16

Latest chapter

  • Lust In Love (Tagalog version)   Pangatlo

    Isang linggo ang nakakaraan ay muli na naman akong nakatanggap ng box mula sa unknown sender. Sa loob nito ay may lumang cellphone kung saan bigla itong nag-ring at may tumatawag. Sinagot ko naman ito kaagad at nilapit sa aking tenga."Sino ito at ano ang kailangan mo sa akin?" tanong ko ngunit natagalan naman siya bago tumugon tangging mabigat lamang niya na paghinga ang naririnig ko. "Alam ko na ikaw ang nagpapadala sa akin nitong box. Bakit mo ako tinutulungan at paano mo nakilala si Clara?" dagdag ko ngunit muli akong nakarinig ng katahimikan sa kaniya at bigla na lang niya akong binabaan ng tawag. Hanggang sa nag-vibrate yung cellphone at nakatanggap ako ng text message mula sa kaniya."Magkita tayo sa 107 Savante Ramos St. at Mr. Bean coffee shop, seven sharp in the evening." Ang mensaheng pinadala niya sa akin. Sinubukan kong i-trace ang IP address niya ngunit nahirapan akong hanapin siya dahil lumang cellphone ang gamit niya at mukhang tinapon lang niya ito sa kung saan. Gay

  • Lust In Love (Tagalog version)   Pangalawa

    Pagkapasok ko sa loob ng bahay ay dumeretso agad ako sa kuwarto ni Clara. Nakakalat ang mga gamit niya sa sahig at kama. Ngunit napukaw ng aking atensyon ang isang box na nakapatong sa computer desk niya. Nilapitan ko ito at binuksan kung saan napagtanto kong mga personal pala niya itong kagamitan na madalas niyang ginagamit at dinadala. Halos tumulo ang luha ko habang isa-isa ko itong tinitignan at nilalabas mula sa box. Hanggang sa may nahulog na litrato mula sa isang journal kaya pinulot ko ito kaagad at tinignan. Larawan niya ito na may kasamang tatlong lalaki na may guhit ng ngiti sa kanilang mga labi. Hindi niya nabanggit sa akin tungkol sa mga lalaking nasa picture. Marahil mga kaibigan niya ito o mga katrabaho. Kaya hindi ko ito pinagtuonan ng pansin bagkus ay binaling ko ang atensyon ko sa journal niyang nakita ko sa loob ng box. Umupo sandali ako sa kama habang binabasa ko ang mga nakasaad doon.Parang isang ito personal na diary na sinusulatan niya ng bawat pangyayari sa k

  • Lust In Love (Tagalog version)   Panimula

    Isang linggo na lamang ay magtatapos na ako sa kolehiyo at malapit ko na ulit makasama si Clara, ang nakatatanda kong kapatid. Siya din ang dahilan kung bakit nagsusumikap ako sa aking pag-aaral at siya lamang ang natatanggi kong inspirasyon sapagkat siya lang ang mayroon ako. Kahit gaano pa ang kahirap ang mamuhay mag-isa dito sa England nang walang sapat na kaalaman at pera ay pinilit kong makapagtapos sa kolehiyo upang may mauwi akong karangalan sa pagbalik ko ng Pilipinas.Pagkatapos ng graduation namin ay agad din akong nag-impake nang aking mga gamit na dala-dala ang medalya at diploma na ipapakita ko sa kaniya bilang patunay na nakapagtapos na ako. Halos hindi na ako makapaghintay na makita siya at mayakap nang sobrang higpit. Nasasabik na rin akong isabit sa kaniya ang medalya ko at makita ang mga matatamis niyang ngiti sa labi.Makalipas ang isang linggo ay muli akong nakabalik ng Pilipinas. Habang naglalakad ako palabas ng airport ay panay naman ang paglingon ko sa aking pa

DMCA.com Protection Status