Leana’s POV “Bakit ka nag-resign sa trabaho mo?!” Agad akong napatakbo papunta sa sala dahil sa umalingawngaw na sigaw ni papa kay mama. Naabutan ko si Chance na hawak hawak si papa sa mga braso at agad namang nanlaki ang mga mata ko. Ano na naman bang nangyayari?! “Maghahanap nga ako ng iba! Ano ba! Hindi ka ba nakakaintindi?!”“Melda, alam mo kung gaano kahirap maghanap ng trabaho sa ngayon. Bakit?! Anong dahilan?! Sagutin mo ‘ko!”Napalingon ako kay mama na wala man lang bahid ng takot sa mukha dahil sa mga sigaw ni papa. “Papasok ako bilang katulong.” “Ano?!” “Mama? Bakit po?” tanong ko at nagpunta sa pagitan nila dahil natatakot ako na baka masaktan siya ni papa dahil sa galit. “Narinig ko na naghahanap ng katulong iyang amo mo. Papasok ako bilang katulong doon.” Napaawang ang labi ni papa at hindi makapaniwalang tinignan si mama. “Ang ganda ng trabaho mo Melda. Bakit kailangan mo pang lumipat?” “Nagsawa na ako sa dati kong trabaho.” Natahimik kaming lahat at pinanood
Nico’s POV I can’t wait for her any longer. We only have three weeks left before the new school year starts and she’s still not leaving their house. I tried to wait patiently but I couldn't. She’s okay, right? Did she get to rest? I’m having a hard time contacting her so I’ll just go and surprise her in their house. I bet she’s fine with it. I used to do that all the time though. Sanay na siya sa akin panigurado. Pumupunta ako roon kapag nakakaramdam ako ng pangungulila. Pumupunta ako roon noon kapag nag-aaway ang parents ko dahil ayoko namang madamay sa away nila. Gusto ko rin kamustahin sina tita at tito. Ang naalala ko ay hindi sila magkaayos nung huli naming pagkikita ni Leana. Tsaka isa pa ay nag-aalala ako. Nag-aalala ako dahil inactive si Leana sa social media. It may not be a big deal to others but It’s kind of worrisome for me. Being inactive on social media is not like her. I’ll just visit her and Chance too. I bet tita and tito had gone to work today. Pagkatapos na pagk
Nico’s POV “Nico, you came home late. I said you must go home at exactly six o’clock. You made us worried.” Napatingin ako sa wall clock at alas siete na pala ng gabi. “I’m sorry, my bad. I lost track of time.” Now, what do I do? I can’t even express the emotions I’m feeling right now. I can’t even cry despite the heavy feeling I have in my chest. I feel like I’m on the verge of tears but I can’t cry. It won’t come out. “I’m going to my room.” “I’ll call you when it’s dinner,” saad ni kuya pero umiling ako. “Don’t wake me up kuya. I’m going to sleep.” “Huh? Are you serious?” I feel so weak. My brain can’t process what happened a while ago in the garden. It was so fast. Ni hindi ko pa nga magawang paniwalaan na nangyari nga iyon. Hindi ko magawang paniwalaan ang mga sinabi ni Leana. I was still in the stage of denial I guess. Pagpasok ko sa kwarto ay sumalampak ako ng higa sa kama at agad na tinawagan si Leana. Napakatagal kong naghintay at akala ko nga ay kusa nang mapupu
Nico’s POV I’m tired of chasing her but my heart said I must not give up on her. I’m so drained and I don't know what to do about it. I slept a lot for days but it’s not even working. My brain is not functioning well because all I can think about was Leana and all those painful words she said to me as she attempted to push me away. Why am I doing this in the first place? She’s the one who was so eager to be friends with me at first but how did I end up chasing her instead? She promised a lot of things and I was a fool to believe that she will maintain her promises. Promises were meant to be broken but why did I still trust her words? I trusted her because she’s my friend. I thought it was going to be okay. I thought this one was going to be different but it turns out that the pain I felt when she ended her friendship with me was worse than the others. I thought being ghosted by someone already hurts. But hell, I was wrong. Getting to know the reason behind all of those is ten times
Leana’s POV “Wala kang club na pinili?” Habang nagliligpit ako ng mga gamit sa bag ko ay tinanong ako ng isang classmate ko tungkol sa hindi ko pagsali sa mga clubs. Umiling ako at nakita ko naman ang pag-usbong ng pagtataka sa mukha niya. “Kasali ka sa journalism noon hindi ba?” “Oo. Hindi naman sa wala akong magiging club sa buong school year. Nagdedesisyon lang ako kung saan ako sasali.” Kasinungalingan, Leana. Ang totoo ay hindi mo lang kaya. Hindi mo lang talaga kaya dahil masyado nang magulo ang utak mo. Puro na lang talaga kasinungalingan ang lumalabas sa bibig ko. Kung hindi ako magsisinungaling at sasabihin ko kung ano ba talaga ang mga nasa isip ko, sasabihin nila akong disappointment. Isang linggo pa lang naman nagsimula ang mga klase pero drained na drained na ako. Pakiramdam ko simula nung naging magulo ang sitwasyon ng pamilya namin ay siya ring pagkawala ko ng motivation sa paggawa ng best ko sa lahat ng mga bagay. Ano pang silbi ng pagiging trying hard ko sa m
Leana’s POV Kunot-noo kong pinagmasdan ang papel kong may mababang score. Bakit ba nagtataka pa ako kung bakit mababa ang nakuha ko eh hindi naman talaga ako nakapag-aral kagabi. Marami akong ginawa sa bahay at pagod ako kaya mas inuna ko ang pagtulog kaysa sa pagre-review. Agad ko itong nilukot at tinapon sa basurahan. Hindi iyon karapat dapat ipagmalaki. Babawi na lang ako sa susunod. Nagpunta ako sa canteen para bumili ng pagkain at babalik din sana agad sa classroom pero tinawag ako ni Xavier. “Leana!”“Hi.” “Musta na? Bihira na kitang makita ah.” “Madalas kasi ako sa classroom.” “Alam mo ba kung saan nagpunta ‘yung supladong ‘yun?” Bakit niya sa akin tinatanong? “Bakit?” “Mag practice sana kami eh kaso hindi namin siya mahanap.” “Hindi ko alam kung nasaan siya. Baka nandyan lang ‘yan. Try niyo i-check sa field.” “Sige. Oo nga pala, bwisit na ‘yun. Mang-iiwan.” Binigyan ko siya ng nagtatanong na tingin. “Nagpalipat siya sa STEM.” “Ha?!”Nanlaki naman ang mga mata ni
Leana’s POV Hindi ko talaga kailanman maiintindihan kung bakit lahat ng bagay ay may kapalit. Kung kailan medyo nabawasan na ang bigat sa loob ko dahil nagkausap na kami ni Nico, nabawi rin iyon pagkauwing-pagkauwi ko. Umalis na si papa sa trabaho niya. Napaka biglaan. Hindi namin alam kung ano ang rason niya. Basta na lang niyang ginawa iyon ng hindi man lang iniisip kung ano ang magiging sitwasyon ng pamilya namin kapag isa sa kanila ay nawalan ng trabaho. “Ate kahit ikulong mo pa ako rito naririnig ko pa rin ang gulo dyan sa labas!” Napahawak ako ng mahigpit sa doorknob dahil sa pilit na pagbukas ni Chance sa pinto. Kahit nanginginig at nanghihina ay pinilit kong ipunin ang lahat ng natitirang lakas ko para pigilan siya mula sa paglabas. “Hindi mo pwedeng makita. Dyan ka lang. Hindi ka pwedeng lumabas.” “Ate!” Napapikit ako sa napakalakas na sigaw niya mula sa kwarto. Base sa tinig niya ay umiiyak na siya. Nagkakasakitan sina mama at papa. Hindi iyon pwedeng makita ni Chanc
Leana’s POV “Hanggang kailan ka magiging ganito Chance?” Nag-iwas siya ng tingin at napahilot naman ako sa noo. “Dalawang linggo nang wala si papa.” “Mas mabuti na iyon kaysa naman sa nagsasama sila ni mama eh puro away naman ang nangyayari. Ayaw mo ba na gumaan muna ang loob nilang dalawa? Ayaw mo ba na magkaroon muna sila ng kapayapaan sa isip? Chance, hindi simpleng ayaw itong nangyayari sa kanila.” “Alam ko. Pero paano kapag hinayaan natin silang ganito eh masanay silang hindi nakikita ang isa’t-isa? Paano kung hindi na niya tayo babalikan ate?” Naitikom ko ang bibig ko at nilapitan siya. Hinawakan ko ang kamay niya pero hinigit niya iyon. “Nagpunta ako kina tito kanina.” “Bakit?” “Binisita si papa syempre. Ni hindi mo magawa edi ako na lang.” Napipikit ako ng mariin at kinumbinsi ang sarili ko na huwag na huwag siyang sisigawan dahil mag-aaway na naman kami. Ni hindi pa nga kami nagkakaayos tapos madadagdagan na naman? “Lagi na lang siyang lasing ate. Kinausap nga niya