Leana’s POV “Wala kang club na pinili?” Habang nagliligpit ako ng mga gamit sa bag ko ay tinanong ako ng isang classmate ko tungkol sa hindi ko pagsali sa mga clubs. Umiling ako at nakita ko naman ang pag-usbong ng pagtataka sa mukha niya. “Kasali ka sa journalism noon hindi ba?” “Oo. Hindi naman sa wala akong magiging club sa buong school year. Nagdedesisyon lang ako kung saan ako sasali.” Kasinungalingan, Leana. Ang totoo ay hindi mo lang kaya. Hindi mo lang talaga kaya dahil masyado nang magulo ang utak mo. Puro na lang talaga kasinungalingan ang lumalabas sa bibig ko. Kung hindi ako magsisinungaling at sasabihin ko kung ano ba talaga ang mga nasa isip ko, sasabihin nila akong disappointment. Isang linggo pa lang naman nagsimula ang mga klase pero drained na drained na ako. Pakiramdam ko simula nung naging magulo ang sitwasyon ng pamilya namin ay siya ring pagkawala ko ng motivation sa paggawa ng best ko sa lahat ng mga bagay. Ano pang silbi ng pagiging trying hard ko sa m
Leana’s POV Kunot-noo kong pinagmasdan ang papel kong may mababang score. Bakit ba nagtataka pa ako kung bakit mababa ang nakuha ko eh hindi naman talaga ako nakapag-aral kagabi. Marami akong ginawa sa bahay at pagod ako kaya mas inuna ko ang pagtulog kaysa sa pagre-review. Agad ko itong nilukot at tinapon sa basurahan. Hindi iyon karapat dapat ipagmalaki. Babawi na lang ako sa susunod. Nagpunta ako sa canteen para bumili ng pagkain at babalik din sana agad sa classroom pero tinawag ako ni Xavier. “Leana!”“Hi.” “Musta na? Bihira na kitang makita ah.” “Madalas kasi ako sa classroom.” “Alam mo ba kung saan nagpunta ‘yung supladong ‘yun?” Bakit niya sa akin tinatanong? “Bakit?” “Mag practice sana kami eh kaso hindi namin siya mahanap.” “Hindi ko alam kung nasaan siya. Baka nandyan lang ‘yan. Try niyo i-check sa field.” “Sige. Oo nga pala, bwisit na ‘yun. Mang-iiwan.” Binigyan ko siya ng nagtatanong na tingin. “Nagpalipat siya sa STEM.” “Ha?!”Nanlaki naman ang mga mata ni
Leana’s POV Hindi ko talaga kailanman maiintindihan kung bakit lahat ng bagay ay may kapalit. Kung kailan medyo nabawasan na ang bigat sa loob ko dahil nagkausap na kami ni Nico, nabawi rin iyon pagkauwing-pagkauwi ko. Umalis na si papa sa trabaho niya. Napaka biglaan. Hindi namin alam kung ano ang rason niya. Basta na lang niyang ginawa iyon ng hindi man lang iniisip kung ano ang magiging sitwasyon ng pamilya namin kapag isa sa kanila ay nawalan ng trabaho. “Ate kahit ikulong mo pa ako rito naririnig ko pa rin ang gulo dyan sa labas!” Napahawak ako ng mahigpit sa doorknob dahil sa pilit na pagbukas ni Chance sa pinto. Kahit nanginginig at nanghihina ay pinilit kong ipunin ang lahat ng natitirang lakas ko para pigilan siya mula sa paglabas. “Hindi mo pwedeng makita. Dyan ka lang. Hindi ka pwedeng lumabas.” “Ate!” Napapikit ako sa napakalakas na sigaw niya mula sa kwarto. Base sa tinig niya ay umiiyak na siya. Nagkakasakitan sina mama at papa. Hindi iyon pwedeng makita ni Chanc
Leana’s POV “Hanggang kailan ka magiging ganito Chance?” Nag-iwas siya ng tingin at napahilot naman ako sa noo. “Dalawang linggo nang wala si papa.” “Mas mabuti na iyon kaysa naman sa nagsasama sila ni mama eh puro away naman ang nangyayari. Ayaw mo ba na gumaan muna ang loob nilang dalawa? Ayaw mo ba na magkaroon muna sila ng kapayapaan sa isip? Chance, hindi simpleng ayaw itong nangyayari sa kanila.” “Alam ko. Pero paano kapag hinayaan natin silang ganito eh masanay silang hindi nakikita ang isa’t-isa? Paano kung hindi na niya tayo babalikan ate?” Naitikom ko ang bibig ko at nilapitan siya. Hinawakan ko ang kamay niya pero hinigit niya iyon. “Nagpunta ako kina tito kanina.” “Bakit?” “Binisita si papa syempre. Ni hindi mo magawa edi ako na lang.” Napipikit ako ng mariin at kinumbinsi ang sarili ko na huwag na huwag siyang sisigawan dahil mag-aaway na naman kami. Ni hindi pa nga kami nagkakaayos tapos madadagdagan na naman? “Lagi na lang siyang lasing ate. Kinausap nga niya
Nico’s POV “Another letter huh?” rinig ko ang pang-aasar na tono sa boses ni Brentross. Hindi ko siya pinansin at nanatiling nakatitig sa isang handwritten letter na galing sa isang estranghero. Bigla ko na lang itong nakita na nakasiksik sa ilalim ng bag ko. Buti naman at hindi niya ang binuksan ang bag ko para roon ipasok ang ibinigay niya. Napangiti ako ng tipid. I appreciate their efforts to give me gifts. Whether it’s grand or not. I usually receive handwritten letters at my table or in my notebooks. And their letters always have the same context. I always receive compliments about the way my voice sounds, the way I play my guitar, and the way I look. I appreciate those who admire me. Isiniksik ko ito sa bag ko at binalik ang tingin sa mga kabanda. “Ikaw lang ang taong nakita ko na hindi itinatapon ang mga binibigay ng mga hindi mo naman kilala,” ani Adam. “Why would I throw it? They made an effort. Tsaka paano kapag nakita nila na itinatapon ko lang ang binibigay nila? Iis
Leana’s POV “Ate, sabi ni tito uuwi na si papa mamaya.” Dapat ay naka concentrate ako ngayon sa papel ko dahil kasalukuyan kaming nag qu-quiz pero ngayon pa talaga pinili ng utak ko na isipin ang mga problema ko sa buhay. Paulit ulit na pumapasok sa utak ko ang sinabi ni Chance kaninang umaga na uuwi na raw si papa. Dapat ay excited ako pero bakit parang may mali? Parang ayokong maniwala na uuwi na talaga siya. Paano uuwi si papa kung ayaw niya sa amin ni mama? Uuwi lang siya para kay Chance? Uuwi lang siya dahil hindi na niya matiis ang kapatid ko na araw araw pumupunta sa kinaroroonan niya dahil ayaw niyang umuwi? Epekto man ng alak ang pagiging ilag sa akin ni papa, sumasama pa rin talaga ang loob ko. Kailangan ko silang intindihan dahil hindi lang naman ako ang nahihirapan pero bakit nadadamay kami sa mga away nila? Nananahimik lang naman kami ni Chance pero siya itong nananakit na para bang hindi niya kami anak. Kinakabahan ako sa magiging eksena sa bahay mamaya kung talaga n
Leana’s POV Pinanood ko kung paano mahigpit na niyakap ni Chance si papa. Hindi na ako nagtaka nung makita kong umiiyak siya dahil bukod sa siya ay isang papa’s boy, antagal niya kasing nawala. Kahit gustong-gusto kong tumakbo palapit sa kanila at yumakap din ay hindi ko magawa dahil ayaw sa akin ni papa. Kaya ko nga pinipigilan ang sarili kong magpunta sa bahay nina tito nitong mga nakaraang araw dahil binantaan niya ako na hindi siya uuwi sa susunod na bibisitahin ko siya ron. Parang tuod lang akong nakatayo mula rito sa pwesto ko at pinapanood silang dalawa. Pasimple kong sinulyapan si mama at kumunot ang noo ko dahil hindi man lang niya tinitignan si papa kundi nakatitig lang siya sa sahig. Wala man lang akong makitang galak sa mukha niya. Hinawakan ko ang kamay niya at dahan-dahan naman siyang napatingin sa akin. “Hindi niyo po ba sasalubungin si papa?” mahinang tanong ko at hindi siya umimik. Hinila ko siya palapit sa pwesto nina Chance at napatingin naman sa amin si papa.
Leana’s POV Dahan-dahan akong umalis mula sa kama dahil wala rin naman silbi itong paghiga na ginagawa ko. Hindi ako makatulog sa dami ng mga iniisip ko. Hindi tuwid ang paraan ng pag-iisip ko ngayon. Hindi tulad noon na kaya ko pang isantabi ang mga naiisip ko. Ngayon kasi ay para na akong nakikinig sa isang mismong tao na nagsasalita sa tabi tenga ko dahil sa sobrang lakas ng mga ito. Isinuot ko ang hoodie ko at nilagay ang magkabilang kamay papasok sa bulsa nito bago sinulyapan ng tingin si Chance. Nakakadagdag bigat sa dibdib ang mga pinapakita niyang pag-uugali ngayon pero hindi ko siya mapuna dahil alam kong nasasaktan siya mula sa pag-alis ni papa. Hindi naman siya naging bastos. Naging tahimik nga lang at hindi na madalas makipag-usap. Maski sa akin na lagi niyang kinakausap gabi gabi kahit walang kwenta ang mga pinagsasasabi niya. Natatakot ako na kapag hindi niya sinabi ang laman ng isip niya ay magkaroon ng problema. Wala nang maingay dito sa bahay. Kapag nasa bahay, ma