Share

KABANATA 2

last update Last Updated: 2021-07-30 22:47:19

KABANATA 2

Hinding hindi ko malilimutan ang pangyayari kung saan una kong nasilayan ang isang Leviticus Galford. He was so good to be true. Napakagwapo at kahit suplado ang una niyang dating para sa akin ay mabilis ko siyang nagustuhan.

I am studying in one of the highest paid school in the country. Hills University. At marami akong nakikitang gwapo at attractive na mga lalaki but none of them would surpass Levi.

Unang kita ko pa lang sa kanya para na akong nakulong sa isang magic world at siya lang ang nakikita ko. And in that world he was smiling at me. In that world he likes me too.

"Astrid!"

Halos mapatalon ako sa biglang sigaw ni mama. Mas lalo pa akong nagulat ng mapansing halos idikit na ni mama ang mukha niya sa akin.

"Ma! What are you doing?!" Inis kong tanong at mabilis na uminom ng juice.

"Ano ba naman kasing iniisip mo at ngumingiti ka diyang mag-isa? Ikaw ba Astrid Naomi Wadler ay nababaliw na?" Puno ng espekulasyon ang kanyang boses. Umirap ako at nagkunwaring busy na sa pagkain.

"Ano ka ba naman Ma! Meron bang ganitong kagandang baliw?" Biro ko.

"Oo meron. Ikaw!" She spat and pour the juice in my glass. Umirap ako at napatingin sa wall clock at halos maibuga ko ang aking kinakain ng makitang 10 minutes na lang ay late na ako sa school!

"Ma! Late na ako! Bakit 'di mo sa 'kin sinabi?!" Inis kong saad habang mabilis na sinusuot ang aking bag pack.

"Aba't! Ako ba ang estudyante sa ating dalawa?" Sarkastiko niyang sinabi kaya halos mapairap na naman ako.

Mabilis ko siyang hinalikan sa pisngi at kumaway.

"Alis na ako!" paalam ko at mabilis na pumara ng tricycle patungo sa school. Napailing na lang ako. Patay na naman ako sa teacher ko. Mathematics pa man din ang first class ko! Napasapo na lang ako sa aking noo.

I am now in Grade 12 at hindi pwedeng bumagsak dahil graduating student ako ngayon!

Halos takbuhin ko na ang kabuoan ng quadrangle makarating lang sa klase ng mas maagap pero huli na ang lahat. Sabusabukot man ang buhok ko sa pagtakbo hindi pa rin ako nakaabot dahil nadatnan ko ang teacher namin sa Math na nagtuturo na!

Napatingin ako kay Chloe at Hannah na nanlalaki ang mata sa akin at sinesenyasan akong pumasok na. Nilakasan ko ang aking loob at halos patingkayad pumasok sa room.

"Astrid...Naomi...Wadler," parang kulog sa gitna ng ulan ng banggitin ng teacher ang buo kong pangalan bago pa man ako nakaupo sa aking assigned seat.

"You're late again!" She said with her brows raising. Tumungo ako.

"Sorry Ma'am," paghingi ko ng paumanhin.

"At dahil late ka na naman pumunta ka sa faculty mamaya! May ipapagawa ako sayo!" Saad niya sa malakas na boses na para bang nasa kabilang baryo pa ang kanyang kausap.

"Yes ma'am," malumbay kong sinabi at tuluyan ng umupo.

"Ano ba naman kasing ginagawa mo Astrid? Bakit lagi kang late?" bulong sa akin ni Chloe. Bumuntong hininga na lang ako dahil isa lang naman ang ginagawa ko kung bakit ako nala-late. I was imagining about my prince charming again. Hindi ko na namalayan ang oras.

Nagpatuloy ang boring na klase hanggang lunch time.

"Ano? Dating gawi ba Astrid?" Tanong ni Hannah. Napabuntong hininga ako. Nakakalungkot lang na hindi ako sa kanila makakasama. Bwisit kasi eh! Bakit ba ako na late!?

"Hindi ako makakasama. Remember that I was late again?" Malungkot kong saad at naghalumbaba sa ibabaw ng mesa.

"Ano ba yan! Paano yan? Hindi ka man lang makakasilip sa prinsipe mo?" Chloe asked in dismay.

Mas lalo akong nawalan ng gana sa sinabi niya. Nakagawian na kasi namin ang magpunta sa STEM department after naming mag-lunch dahil katulad ko mayroon ding sinisipat sila sa STEM na crush nila.

Ako naman isang tao lang ang gusto kong makita sa lugar na 'yon. Sino pa? It's none other than the great Leviticus Galford!

Hindi napupuno ang araw ko sa tuwing hindi ko siya nakikita. Para bang isa na siya sa mga nakagawian ko sa bawat araw na lumilipas. My day won't be complete without seeing him. Kaya naman sobra akong nalulungkot sa araw na ito.

"O sige na. Aalis na kami ni Hannah. Goodluck Astrid!" Paalam ni Chloe. Bumuntong hininga ako at tumango na lang habang malungkot na kumakaway sa kanilang dalawa.

Mabagal akong naglalakad patungo sa faculty habang patuloy na nagbubuntong hininga. Hindi ko talaga maiwasang manghinayang. Sabagay may ibang araw pa naman.

Napangiti ako ng maalala ang schedule ni Levi. Tama. I memorized his schedule for nothing. Tiningnan ko ang wrist watch ko at napagtantong sa mga oras na ito ay nasa kiosk pa ito kasama si Finn, ang kaibigan nito.

Tama! And after the kiosk syaka pa siya pupuntang cafeteria! Tama! Kailangan ko lang gawin ng mabilis itong papagawin ng teacher ko sa 'kin!

Kaya naman ginanahan ulit akong maglakad. Nang makarating ako sa faculty ay agad akong inutusan ng teacher na magdala ng mga documents sa library para daw sa research requirements. Tumango na lang ako at sinunod ang sinabi niya.

Dala dala ko ang limpak limpak na documents sa aking braso habang hirap na hirap na humahakbang.

"Darn it!" Halos mapasigaw ako ng lumipad ang isang papel kaya binaba ko muna ang tore ng mga dokumento bago hinabol yung papel pero dahil mukhang pinaglalaruan ako ng hangin mas lalo pa itong lumayo!

"Bwisit naman oh!" naiinis kong sambit sabay tingin sa relo ko. Nakakainis! Malapit na silang matapos sa kiosk eh!

Dahil sa iritasyon ay halos mapasabunot ako sa aking sarili at maglupasay na sa damuhan. Natigilan lang ako ng may dalawang pares ng itim na sapatos ang humarang sa aking harapan. Kumunot ang aking noo at unti-unting tumaas ang tingin. At halos lumabas ang puso ko sa sobrang lakas ng tibok nito dahil sa taong nasa harapan ko.

Wait. Totoo ba ito? O baka halusinasyon? Napakurapkurap ako habang nagkakatitigan kaming dalawa. Pero iba sa aking pagkagulat siya naman ay kunot na kunot ang noo habang nakatingin sa akin.

"Hey!" Tawag niya sa akin na nagpabalik ng aking wisyo.

"H-Ha?" Kinakabahan kong tanong. Mas kumunot ang makakapal niyang kilay.

"You're blocking my way," suplado niyang sinabi at masama akong tiningnan. Doon ako natauhan. Oo nga naman Astrid! You're blocking his way! Mabilis akong tumabi at awkward na ngumiti sa kanya.

"Sorry-"

"Tss," he hissed and left.

Para akong mahihimatay sa interaksyon na 'yon! Kahit pa medyo suplado ay kaya kong tiisin basta ay si Levi!

Kaya naman labis labis ang lawak ng aking ngiti habang makauwi sa bahay. Para akong lumulutang sa langit.

Nang makauwi sa bahay ay nakita ko si mama na bihis na bihis. Kumunot ang noo ko sa kanya habang kitang kita ko ang mga kolorete niya sa kanyang mukha.

"May okasyon ba? Ba't ka nakaganyan?" Tanong ko.

Nang makita niya ako ay mabilis niyang hinila ang aking braso at mabilis na tinapat ang isang asul na bestida. Kunot na kunot naman ang noo ko sa kanya.

"Ma-"

"Magbihis ka ng mabilis Astrid Naomi! May social gathering ulit ang mga Galford! Kailangan mong magpaganda-"

"Ha?! Di nga?" Gulat kong tanong.

"Oo nga-"

"Damn it!" Bulong ko at mabilis na kumaripas ng takbo sa loob ng kwarto upang mag-ayos ng sarili!

Sa bawat taon na lumipas at sa tuwing nagkakaroon ng gatherings ang mga Galford at imbitado ang mga employee katulad ni mama ay hindi ko pinapalampas. Lagi akong present sa lahat iniintay ang lalaki na dahilan kung bakit ako nandoon.

Minsan ay wala si Levi ngunit minsan naman ay nadalo siya. Madalang man siya magpakita ay hindi pa rin ako nawawalang ng pag-asa.

Napangiti ako. Ganoon din sa gabing ito. I will attend this gathering and wait for Levi to come out.

Related chapters

  • Loving the Heartbreaker (Tagalog)   KABANATA 3

    KABANATA 3Nagpa make-up ako kay mama para mas lalong umayos ang itsura ko. I am wearing a blue spaghetti strap dress. Maganda at kumikinang pa ito na halatang pinaghandaan ni mama para sa gabing ito."Alam mo bang wala ngayon ang asawa ni Sir Vincent? Nasa America daw kaya paniguradong malayang makakalapit ang mga tao sa kanya," saad ni mama habang nilalagyan ako ng kolorete sa mukha."Bakit naman nila gagawin 'yon? Sir Vincent is already married," I said."Syempre kahit kasal na si Sir Vincent marami pa rin ang naghahangad dun. Minsan nga sa trabaho eh marami akong nakikitang bumibisita sa opisina niya. Lahat ay sexy at mukhang mayayaman!""Pero ma, mukha namang hindi gagawa ng masama si Sir Vincent. He is a man with honor he will never commit adultery. Isa pa sobrang ganda kaya ni Mrs. Galford!" Ani ko.Tumango si mama."Alam ko naman yun Astrid. Ang sinasabi ko lang ay baka alam mo na...matukso rin kasi sobrang suplada ng asawa,"

    Last Updated : 2021-07-30
  • Loving the Heartbreaker (Tagalog)   KABANATA 4

    KABANATA 4Para akong napako sa kinauupuan ko habang nakatayo siya sa harapan ko. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Para akong nasampal ng kaliwa't kanan. Para akong nagising sa katotohanan.No.Nagising ako sa katotohanan."What are you doing here?" Tanong niya sa nanghihinalang tono. I gritted my teeth. What I witnessed right now was so unexpected. I can't believe that Hannah was right!I shouldn't have spend my five years crushing on him if I just known that he is a man...like this!"I-I was just strolling around and-""Naninilip ka?" Natigilan ako sa tanong niya. Nakita ko ang pagsulpot nung babae niya. She's beautiful. Mapupulang labi, mestiza, matangkad at pang-beauty queen ang ganda."N-No!" I denied and slowly stood up kahit pa medyo kumikirot pa rin ang ankle ko. Nakakainis! Bakit ba ako nadapa?! Ang tanga tanga ko naman!"Are you telling me that...you just accidentally went by here?" He asked suspicio

    Last Updated : 2021-07-30
  • Loving the Heartbreaker (Tagalog)   KABANATA 5

    KABANATA 5Pilit kong hinalukay ang aking isipan kung ano bang naiwanan ko kagabi sa gathering habang nag-lelecture ang teacher sa harapan. Lumilipad ang isipan ko at hindi na maintindihan ang sinasabi ng guro sa harapan!Kinakagat kagat ko pa ang dulo ng aking ball pen habang iniisip at binabalikan ang mga nangyari kagabi dahil hindi pwedeng maniwala ako kay Levi! Paano kung nagbubulaan lang siya? Paano kung trap ito at gusto niya lang makaganti dahil ako ang may kagagawan kung bakit nabitin siya kagabi?!Napailing ako at lalo pang kinabahan pero natigilan ako sa pag-iisip nang biglang may sumagi sa isipan ko. Naalala kong...naiwanan ko ang aking purse sa lamesa kung saan nakaupo si mama!Damn it! Hindi pala ni mama nakita yung purse ko at basta na lang umalis?!Para akong pinagsakluban ng langit at lupa sa na-realize. I didn't know that my mother would be this careless! Hindi man lang niya napansin na nakapatong ang purse ko sa ibabaw ng table! B

    Last Updated : 2021-08-31
  • Loving the Heartbreaker (Tagalog)   KABANATA 6

    KABANATA 6Halos nagpaulit-ulit sa akin ang mga salita ni Levi! Para na itong sirang radyo na paulit-ulit sa aking isipan!Bumaluktok ako sa aking kama at niyapos ang aking unan. 11 pm na nang gabi pero heto pa rin ako gising na gising at iniisip ang lalaking 'yon!Bumuntong hininga ako at kinuha ang aking phone para magbukas ng social media account. Pagkabukas ko pa lang ay puro message nina Hannah at Chloe ang nakita ko. Nagtatanong kung nakuha ko raw ba yung purse ko. Hindi ko 'yon pinansin at binuksan ang notifications ko.At halos bumaligtad ang aking mundo ng may makitang hindi inaasahan doon! Napatulala at halos lumipad kung saan ang utak ko!Namamalikmata lang ba ako?Kaya lang napapikit ako nang mariin at napadaing sa sakit nang bumagsak sa mismong mukha ko 'yong cell phone!"Punyeta!" Singhal ko at napaupo sa kama habang hawak-hawak ang aking mukha. Pero gayon pa man ay kinuha ko ang aking phone at tiningnan muli ang notific

    Last Updated : 2021-09-08
  • Loving the Heartbreaker (Tagalog)   KABANATA 7

    KABANATA 7Hindi ako mapakali. Lumalagpas lang sa kabila kong tainga ang mga sinasabi ni ma'am sa unahan. Para ako ritong kiti-kiti dahil hindi na ako mapakali."You look constipated," Levi chuckled beside me pero pabulong. Huminga ako nang malalim. Pinangako ko sa sarili kong hinding hindi na ako magkakagusto sa lalakeng katulad ni Levi. Hind siya 'yong mga tipo ko. I want a guy who's gentleman. Para bang prince charming na nakikita ko sa mga fairytales pero mukhang walang gano'n sa totoong buhay!"Why don't you accept my request on social media? I didn't know you're such a snobber?" He whispered. I clenched my jaw as I stared at the teacher in front of me. Bakit ba ngayon pa siya lapit nang lapit sa akin ngayong na realize ko nang pangit pala ang ugali niya?Kung kailan lumalayo ako at ayaw ko na siyang makita tsaka pa naging ganito!"Don't talk to me," I whisperee back para maiwasan ang pagkakapansin sa amin ng teacher. Ayaw kong mapagalit

    Last Updated : 2021-09-08
  • Loving the Heartbreaker (Tagalog)   KABANATA 8

    KABANATA 8Hindi ako mapakali sa kwarto ko dahil paulit-ulit na nagpe-play sa utak ko 'yong sinabi ni Levi. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Kinakabahan ako at naiinis at marami pang iba.He said he likes me. Pinaglalaruan niya ba ako? Sa limang taon na sinusulyapan ko siya mula sa malayo ni isang tingin ay hindi niya ako sinulyapan. While I was waiting for his glance he was lauhing with his friends. I was so pathethic for admiring him from afar. At ngayong alam ko na ang buo niyang pagkatao syaka niya ngayon sasabihin na gusto niya ako?Hindi ko alam kung bakit at paano at ayaw ko nang malaman pa. Ang dapat kong gawin ngayon ay umiwas dahil maaaring ako ang next target niya. Imposibleng nagsauli lang siya ng purse ko ay gusto niya na ako!Napabangon ako sa aking higaan nang pumasok si mama sa kwarto ko. Kunot na kunot ang noo ko nang makita ko siyang ayos na ayos. Ano na namang meron?"Bumangon ka diyan Astrid! Bilis! May fine dinin

    Last Updated : 2021-09-08
  • Loving the Heartbreaker (Tagalog)   KABANATA 9

    KABANATA 9Wala pa si mama nang dumating ako sa bahay. Basang basa ako pagkauwi dahil sa lintik na Levi na 'yan! Damn it! Pag talaga nagkasakit ako ilulublob ko siya sa inidoro. Pagkatapos kong magbihis sa pajama ay nagluto ako ng pagkain sa dinner. Ako talaga madalas ang nagluluto ng dinner dahil laging late si mama dumating galing sa work.Matapos kumain ay muli akong umakyat sa aking kwarto at tinapos ang mga assignment. Maagap akong natapos sa aking assignment kaya meron pa akong time mag scroll sa social media pero halos mapabangon ako nang may makita ako sa aking wall! At ang nag-post nito ay walang iba kundi si Leviticus Galford!Leviticus Galford: Astrid Naomi Wadler is a scam.Nanlaki ang mata ko nang makita kung ilang shares, comments at angry react ito! At hindi ako makapaniwala nang mabasa ang mga comments! Lahat ito ay masasamang patama sa akin! Halos maitapon ko ang aking phone buti na lang nakita ko ang message ni Hannah at Chloe sa g

    Last Updated : 2021-09-09
  • Loving the Heartbreaker (Tagalog)   KABANATA 10

    KABANATA 10Wala nang makakapagpabago pa ng isip ko. Buo na ang desisyon ko at hindi ako magpapatalo sa kanya. Ang kailangan ko lang ay lakasan ang loob ko. Kaya naman kinabukasan pagkapasok sa eskwelahan ay agad kong hinanap si Levi. Maagap akong pumasok para makapunta sa kanyang room.Hinihingal pa ako nang dumating ako sa room nila. Ang lahat ay napatingin sa akin. Bahagya akong nahiya nang makita silang magbulong bulungan dahil sa presensya ko rito sa pintuan. Huminga ako ng malalim."N-Nakita niyo ba...si Levi?" Tanong ko. Tumaas ang kilay ng mga babae. Para bang isang kasalanan ang banggitin ang pangalan ni Levi sa kanilang harapan. Medyo nawalan tuloy ako ng lakas ng loob. Tama nga kaya ang gagawin ko? Ito nga ba ang paraan para matapos na ang kabaliwan ni Levi? Umiling ako. Hindi ka dapat mabilis sumuko Astrid!"At bakit? A scam girl like you doesn't have a right to even mention his name." Mataray na sinabi nung babaeng may eye liner. Napalunok ak

    Last Updated : 2021-09-10

Latest chapter

  • Loving the Heartbreaker (Tagalog)   EPILOGUE (THE FINAL CHAPTER)

    EPILOGUE (THE FINAL CHAPTER) “Levi…I told you…I am just…paying my debt and after this we’re nothing but strangers, right?” Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Something happened to us back on the yacht, but it feels like it was all nothing to her. Yes! Sinabi ko sa kanya na ang tangi ko lang dahilan kung bakit ginagawa ko ang lahat ng ito ay dahil sa utang nila sa daddy ko. But fuck! Ayaw ko ng lokohin ang sarili ko. Ginawa ko ang lahat ng ito hindi dahil gusto ko ring ibalik ang sakit na pinaranas niya sa akin noong iniwan niya ako. Ginawa ko ang lahat ng ito dahil hanggang ngayon…mahal na mahal ko pa rin siya. Hanggang ngayon siya pa rin ang laman ng puso at isipan ko. Hanggang ngayon lahat ng parte ng katawan ko siya lang ang hinahanap. It was fucking ridiculous. To love someone like this is so ridiculous. Hindi ko nga namalayan na lahat pala ng ginagawa ko ay para sa kanya. I earned the highest position in my grandfather’s company para hindi ako mapasunod ng lolo ko sa pag

  • Loving the Heartbreaker (Tagalog)   EPILOGUE (Part 5)

    EPILOGUE (Part 5)Hindi ko kayang palipasin ang buong gabi na galit sa akin si Astrid. Hindi ko makakayang hayaan siyang mag isip ng masama sa akin. Maaaring tinago ko ang lahat ng ito at hindi sinabi sa kanya pero hindi magbabago na mahal na mahal ko siya.Kaya lang kahit anong gawin ko pakiramdam ko hindi umaayon sa akin ang panahon. Hindi ako nakatiis na kausapin si Astrid. Pumunta ako sa kanyang bahay at nadatnan ko roon si Nellen Wadler at dahil alam niyang may alam ako sa relasyon niya sa aking ama agad siyang nag isip ng masama sa akin.“Levi! Tigilan mo ang anak ko! Ito ba ang plano niyo ni Leslie? Sinabi kong ‘wag niyong idamay ang anak ko! Ako ang nagkamali! Babayaran ko kung ano man ang ginastos ni Vincent kay Mr. Chua! Tigilan niyo na ‘to!”She knows my mom’s plan. Marahil ay kinompronta siya ni Mommy at sinabi ang detalyeng ‘yon. Now she thoughts that I have a bad intention with her daughter. Wala rin naman akong pakialam sa per ana pinambayad ni daddy sa utang nila ang g

  • Loving the Heartbreaker (Tagalog)   EPILOGUE (Part 4)

    EPILOGUE (Part 4)Pinilit akong kausapin ni daddy ngunit pilit akong umiiwas. Hindi ko siya kayang kausapin. Pakiramdam ko sa oras na magharap kami mag-aaway lang kaming dalawa. Mas lalo lang lalaki ang gusot sa pagitan naming dalawa.Ngunit wala na akong nagawa nang sabihan ako ni lolo isang araw. Magkakaroon raw ng family gathering at exclusive lang ‘yon para sa aming pamilya. Kaya naman nagpaalam ako kay Astrid tungkol doon. Ngunit hindi ko inasahan na kaming tatlo lang ang uupo sa family gathering na ‘yon.“Where’s grandpa?” I asked as I sat down on my seat.“He decided not to go. He wants us to settle our problem on our own,” sambit ni daddy. Nanatili namang tahimik si mommy.“I wonder kung kaya mong i-settle ang problema ng pamilya?” sarkastiko kong tanong. Hindi ko matiis na mapuno na naman ng galit. I remember the scene I witnessed in his office. Dad sighed problematically. Isang diretso kong ininom ang isang baso ng wine sa aking harapan.“I am trying my best to fix this fami

  • Loving the Heartbreaker (Tagalog)   EPILOGUE (Part 3)

    EPILOGUE (Part 3)Nabitin ako dahil sa babaeng ‘yon. Hindi ko alam kung anong ginagawa no’n doon at kung bakit siya naninilip sa ginagawa namin. Napailing na lang ako. Marahil kahit inosente ang babaeng ‘yon kuryuso pa rin siya sa mga ganoong bagay.“Levi,” natigilan ako nang tawagin ako ni daddy. Napatingin ako sa kanya at napansin ko ang pangbabaeng purse sa kanyang kamay. Kumunot ang noo ko doon.“Schoolmate mo si Astrid ‘di ba?” he asked. My brows furrowed. “Who’s Astrid?” nagtataka kong tanong. Nakita ko ang pagsimangot niya sa akin. “My secretary’s daughter. Naiwanan niya yata itong purse sa table nila. Give it to her,” he said. Napatitig ako sa purse na iyon. How did he know na sa anak talaga ‘yon ng secretary niya?“How did you know it was her?” I asked. Napatitig siya sa akin. Lumikot ang kanyang mata at basta na lang kinuha ang aking kamay at pinahawakan sa akin ang purse.“I just know. Ibigay mo na lang. Baka mahalaga ‘yan kay Astrid,” he said and left. Napatitig ako sa pur

  • Loving the Heartbreaker (Tagalog)   EPILOGUE (Part 2)

    EPILOGUE (Part 2)Lumipas lang ang ilang araw binalik ni daddy ang sasakyan ko pero kahit ganoon hindi ‘yon ang naging dahilan ng pagbabago sa gawi ko. I enjoy my life this way. Ito lang ang paraan para makalimutan ko kung anong klase pamilya mayroon ako.When I turned eighteen, I didn’t think twice but to enjoy being at legal age. Dahil doon ay malaya na akong makakalabas pasok sa bar nang hindi nagbubulaan sa aking edad. Dad always scolds me about that pero wala na naman siyang magagawa kundi ang hayaan ako dahil hindi ko rin naman siya susundin. At alam niyang hindi na uubra sa akin ang mga punishment niya.“Levi, we have a gathering later—”“I don’t want to attend, Mom.” mabilis kong pagtanggi. Medyo may hang over pa ako sa party kagabi kaya wala akong gana mag breakfast ngayon at mas lalo pa akong nawalan ng gana nang marinig ‘yon kay Mommy.“Your grandparents will be there…” she added, still trying to convince me. I continued finishing my plate like I did not hear anything. My g

  • Loving the Heartbreaker (Tagalog)   EPILOGUE (Part 1)

    EPILOGUE (Part 1)Leviticus Galford“Paano mo nagawa sa ‘kin ‘to, Leslie?!” isang galit na boses ang narinig ko na nagmumula sa second-floor ng aming malaking bahay. Holding my robot toy, I followed where the noise coming from, and I saw dad and mom. Dad looks furious while mom was crying miserably.Noon hindi ko nauunawaan ang tagpong ‘yon. Nasanay na ako sa madalas na pag aaway ng magulang ko kaya hindi na ito bago. Pero sa lahat ng pag aaway nila ito ang pinakamalala. Rinig na rinig sa buong bahay ang pagkabasag ng mamamahaling figurine dahil sa galit ni daddy.“I trusted you! I’ve been faithful to you tapos ito ang igaganti mo?!” may hinanakit at galit sa boses ni daddy. Hindi nila alam na pinapanuod ko sila at malinaw na naririnig ang kanilang mga sinasabi. Kung alam nilang nandito ako paniguradong magkukunwari na naman silang masaya.“I-I’m…sorry, Vincent! Hindi ko…sinasadya! Please…listen to me…ikaw ang mahal—”“Wag mong sabihing ako ang mahal mo matapos kitang makitang may kah

  • Loving the Heartbreaker (Tagalog)   KABANATA 65

    KABANATA 65Hindi ako makatingin kay Levi habang lumalabas ako ng sasakyan niya. Nagpalipas kami ng buong gabi sa loob ng kanyang sasakyan malapit lang sa dagat at madaling araw pa lang ay hinatid niya na ako pauwi. Ayaw ko na sanang maalala ang mga nangyari kagabi pero sa bawat ngisi niya naalala ko ang bawat detalye!Damn it! Dahil sa kanya nabalot na ng lumot ang isip ko!“Una na ako…” paalam ko sa kanya nang makalabas na ako at hawak na ang pinto ng kanyang sasakyan para maisarado ito. He smiled at me. Nakakainis! Alam ko naman na gwapo siya pero bakit hanggang ngayon nagugulat pa rin ako sa mga ngitian niyang ganyan?“Set a date for me to officially meet your mom, alright?” he informed me. Tumango ako sa sinabi niya at tuluyan nang sinarado ang pinto ng sasakyan niya. Napag usapan nga namin kanina ang tungkol diyan. Gusto niyang makausap ng maayos si mama. Alam ko naman na hindi maganda ang tingin ni mama sa kanya dahil sa nangyari noon.Huminga ako ng malalim at pumasok na sa ba

  • Loving the Heartbreaker (Tagalog)   KABANATA 64

    KABANATA 64R18Magkahawak kamay kami habang naglalakad sa dalampasigan. Hawak-hawak namin sa kabilang kamay ang aming sapatos kaya malaya naming nadadama ang pinong buhangin sa aming paa. Madilim na ang paligid pero dahil sa ilaw na nanggagaling sa mga lamp ay maliwanag pa rin sa aming mata ang aming nilalakaran.Pinagmasdan ko ang magkahawak naming kamay ni Levi. Kahit sa simpleng haplos lang kanyang kamay sa akin ay para na akong nililipad sa langit. Masyadong malakas ang epekto sa ‘kin ni Levi at sa ngayon parang hindi ko na talaga siya kayang pakawalan.“You’re being silent. You’re thinking something else?” he asked, breaking my thoughts. Tumaas ang tingin ko sa kanta. Madilim na ang kalangitan ngunit para sa aking mata nagningning ang kanyang mukha.“Nasa’n na ang mommy mo?” tanong ko. Alam kong ayaw niyang pag usapan ang tungkol sa mommy niya pero hindi ko mapigilang macurious.“I told her to leave us alone,” sambit niya. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa kanyang sina

  • Loving the Heartbreaker (Tagalog)   KABANATA 63

    KABANATA 63Natagpuan ko na lang ang sarili ko na naglalakad sa harapan ng malawak na dagat. Ilang oras na rin akong nakatambay dito ngunit hindi ako nagsasawang pagmasdan ito. Tinitigan ko ang araw na malapit nang lumubog. Nagkulay kahel ang kalangitan at sumalasamin sa dagat ang kulay nito.Napakaganda nitong pagmasdan ngunit bakit puro kalungkutan ang nararamdaman ko? Naalala ko noong kababagong lipat lang namin dito sa Legazpi. I was sorrowful and painfully suffering emotionally. Ang tangi ko lang takbuhan ay ang dagat at tahimik na kinakausap si papa.Hindi ko inaasahang nandito na naman ako, nasasaktan at tahimik na hinihiling na sana’y buhay pa ang aking ama. At muli na naman akong bumabalik sa marami kong what ifs.What if papa never died? What if he stayed with us? What if mom didn’t fall in love with Mr. Vincent Galford? Magtatagpo kaya ang mundo namin ni Levi? Mamahalin ko kaya siya ng ganito?Hindi ko alam kung bakit kung ano pa yung nagpapasaya sa’yo ‘yon pa ang napakahir

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status