Share

KABANATA 9

last update Last Updated: 2021-09-09 20:10:03

KABANATA 9

Wala pa si mama nang dumating ako sa bahay. Basang basa ako pagkauwi dahil sa lintik na Levi na 'yan! Damn it! Pag talaga nagkasakit ako ilulublob ko siya sa inidoro. Pagkatapos kong magbihis sa pajama ay nagluto ako ng pagkain sa dinner. Ako talaga madalas ang nagluluto ng dinner dahil laging late si mama dumating galing sa work.

Matapos kumain ay muli akong umakyat sa aking kwarto at tinapos ang mga assignment. Maagap akong natapos sa aking assignment kaya meron pa akong time mag scroll sa social media pero halos mapabangon ako nang may makita ako sa aking wall! At ang nag-post nito ay walang iba kundi si Leviticus Galford!

Leviticus Galford:

Astrid Naomi Wadler is a scam.

Nanlaki ang mata ko nang makita kung ilang shares, comments at angry react ito! At hindi ako makapaniwala nang mabasa ang mga comments! Lahat ito ay masasamang patama sa akin! Halos maitapon ko ang aking phone buti na lang nakita ko ang message ni Hannah at Chloe sa group chat namin.

Chloe:

What is happening Astrid? He posted on your wall!

Hannah:

This is disaster.

Ako:

Damn him! Kung ginagawa niya ito para asarin ako mas lalo lang ako naiinis sa kanya!

Chloe:

Sobra na talaga 'yang lalaking 'yan. Kung hindi lang siya gwapo baka nasugod ko na siya. Pero dahil gwapo siya baka masugod ko siya ng halik.

Napangiwi ako sa chinat ni Chloe.

Ako:

Tumigil ka nga Chloe!

Napabuntong hininga ako at pinatay ang aking phone.

"Nakakainis!" Nanggagalaiti ako sa inis bago nakatulog. Pagkagising ko ay si mama agad ang bumungad sa akin. As usual bangayan sa umaga ang almusal ko.

Para akong lantang gulay habang naglalakad patungo sa aking room. Pakiramdam ko ay nakatingin sa akin lahat ng tao at pinag-uusapan ako. S'yempre si Levi ang nag-post no'n! Malamang na halos lahat ng fan at humahanga sa kanya ay alam 'yon at nakita 'yon! At alam nating lampas sa kalahati ng populasyon ng school na ito ay gustong gusto si Levi. Kasama nga ako dati 'di ba?

"Now I know why boys likes her. She might be telling them scam to seduce them," narinig ko ito habang dumadaan sa kiosk ng school. Halos mapatungo ako habang dumadaan. I gritted my teeth at mas binilisan ang paglalakad.

Nang makapasok sa room ay mabilis akong napahinga nang maluwag. Agad lumapit sa akin si Hannah at Chloe.

"Kamusta? Nagpakita ba si Levi sa'yo ngayon?" Tanong ni Chloe. I sighed.

"Hindi! Pero...pinag-uusapan na ako ng buong campus ngayon!" Bwisit kong sinabi. Napabuntong hininga ang dalawa. Tinapik pa ako ni Chloe sa balikat.

"Patulan mo na lang kaya siya? Tutal gusto mo naman siya noon. Isa pa...kung papatulan mo siya matitigil ang lahat ng ito," Chloe suggested. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Anong akala mo sa akin? Talunan? Hindi ako takot sa kanya! At alam mo kung anong klase siyang lalaki! Hindi siya ang tipo kong lalaki!"

"Kung ganito na lang kaya ang gawin mo? Tell him you want him in a relationship. Titigil na siya sa mga kalokohan niya since he have you already. Pero...restrain yourself from falling for him and play him with your hands! 'Wag mong hahayaan na ikaw ang matalo dito," si Hannah naman.

Natigilan ako doon. Pero agad ding umiling.

"Hindi ko kaya Hannah-"

"It means you really are still in love with him," putol sa akin ni Hannah. Napakagat labi ako at nag-iwas ng tingin. Napakadelikado nang sinasabi ni Hannah. Para itong apoy at kung magkamali man ako siguradong masusunog ako. Kung hahayaan kong mangyari 'yon, hindi kaya ako ang matalo sa huli? Baka ako ang maging luhaan sa huli.

"Hindi naman sa gano'n. Pero..." natigilan ako at muling napabuntong hininga.

"Hannah...hindi magandang paglaruan natin ang sitwasyong katulad nito. The right thing to do is to stay away from him. 'Yon lang," saad naman ni Chloe. Kahit ako ay naguguluhan na. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung anong gusto sa akin ni Levi at bigla niya na lang ginulo ang tahimik kong mundo.

Napabuntong hininga ako at patuloy na nilipad ng hangin ang aking utak kahit pa nagtuturo na ang teacher namin. Nang dumating ang lunch ay mas napili naming kumain sa mall kaysa sa cafeteria. Ayaw ko rin kasing makita si Levi at mas lalong ayaw kong marinig ang mga tsismis sa akin, na hindi naman totoo.

Masaya kaming kumakain sa isang fast food restaurant sa isang mall nang biglang tumunog ang phone ko sa isang tawag. Tiningnan ko ang caller at halos manlamig ang aking mukha sa pamilyar na number. Hindi ko man na-i-save ang number niya, natandaan ko naman ito!

Si Levi!

I cancelled the call and pretend it was nothing. Bumalik ako sa kwentuhan pero natigilan na naman ako nang tumunog na naman ito.

"Sino ba 'yan? Why are you keep ignoring it?" Hannah asked. Ngumisi sa akin si Chloe.

"Wag mong sabihing si Levi 'yan?" Tanong niya, nang-aasar. Umirap ako at kinancel ulit ang tawag.

"Tigilan mo nga ako Chloe," saad ko at sumubo ng isang fries. Halos itapon ko ang aking phone nang tumunog na naman ito. Napakakulit naman nito! I was about to cancel it again when someone spoke behind me.

"How many times you'll ignore my calls?" Nanigas ako sa aking kinauupuan. Narinig ko ang mahinang tili ni Chloe at nakita ko naman ang natatagong ngisi sa labi ni Hannah. Umupo si Levi sa harapan ko. Nakangisi na siya at maaliwalas ang mukha.

"Bakit ka nandito? Pati ba naman dito ay guguluhin mo ako?" Iritado kong tanong.

"Masama bang pumunta dito? Sa'yo ba 'to?" Balik niyang tanong na mas lalong nagpainis sa akin. Pakiramdam ko ay isa akong dragon na nag-iipon ng apoy para ibuga sa kanya.

"Oo nga naman Astrid. Hindi nga naman sa'yo 'tong fast food chain," saad ni Chloe sa tono nang nang-aasar. Sinamaan ko siya nang tingin pero mas lalo siyang ngumisi.

"And seriously? Bakit dito ka kumakain? Fast foods isn't healthy Astrid," he added. Nag-igting ang panga ko at padabog na tumayo at kinuha ang mga gamit ko.

"Pakielam mo ba?! Kapal ng mukha!" Singhal ko at padabog na umalis do'n. Sumunod sa akin si Chloe at Hannah.

"Paano niya nalaman na nandito tayo?" Tanong ni Chloe.

"Alam mong madaming galamay ang isang Leviticus Galford. S'yempre alam niya lahat," Hannah answered her.

Umupo ako sa isang bench malapit sa game station. Tumabi sa akin si Hannah at Chloe.

"Anong gagawin mo?" Tanong ni Hannah. Bumuntong hininga ako. Buo na ang loob sa desisyon. Hindi ako titigilan ni Levi hangga't gumaganito ako. Mas lalong tumatakbo ako sa kanya mas lalo siyang magiging pursigido. Hindi ko alam kung anong pakay niya at kailangan kong alamin 'yon. Alam kong nagbubulaan siya na gusto niya ako. Bulaan siya! Hindi 'yon totoo! Dahil sa limang taon na nagpapansin ako sa kanya hindi niya ako napapansin! Napansin niya lang ako nang isauli niya ang purse na naiwan ko!

"Gagawin ko ang sinabi ni Hannah," determinado kong sinabi. Napamaang si Hannah at Chloe sa akin. Hindi sila makapaniwala sa narinig.

"Sigurado ka ba diyan? Alam mong delikado 'yan! Paano kung ikaw ang masaktan sa huli-"

"Hinding hindi ako mahuhulog sa kanya! Never again!" Saad ko ng may punong puno ng determinasyon.

Tama Astrid Naomi. Gawin mo ang lahat nang makakaya mo para matalo siya. Kung akala niya ay easy girl ako nagkakamali siya. Kung akala niya ay mapapasama ako sa listahan ng mga babae na sinaktan niya...pwes hindi ako!

Pero wait...hindi ba't sinaktan niya na ako nang makita ko siya na may ibang...kasama sa garden at...mabilis akong umiling at tinanggal ang isipin na 'yon!

Hindi! Hindi ako mapapabilang sa mga babaeng sinaktan at pinaluha niya!

Related chapters

  • Loving the Heartbreaker (Tagalog)   KABANATA 10

    KABANATA 10Wala nang makakapagpabago pa ng isip ko. Buo na ang desisyon ko at hindi ako magpapatalo sa kanya. Ang kailangan ko lang ay lakasan ang loob ko. Kaya naman kinabukasan pagkapasok sa eskwelahan ay agad kong hinanap si Levi. Maagap akong pumasok para makapunta sa kanyang room.Hinihingal pa ako nang dumating ako sa room nila. Ang lahat ay napatingin sa akin. Bahagya akong nahiya nang makita silang magbulong bulungan dahil sa presensya ko rito sa pintuan. Huminga ako ng malalim."N-Nakita niyo ba...si Levi?" Tanong ko. Tumaas ang kilay ng mga babae. Para bang isang kasalanan ang banggitin ang pangalan ni Levi sa kanilang harapan. Medyo nawalan tuloy ako ng lakas ng loob. Tama nga kaya ang gagawin ko? Ito nga ba ang paraan para matapos na ang kabaliwan ni Levi? Umiling ako. Hindi ka dapat mabilis sumuko Astrid!"At bakit? A scam girl like you doesn't have a right to even mention his name." Mataray na sinabi nung babaeng may eye liner. Napalunok ak

    Last Updated : 2021-09-10
  • Loving the Heartbreaker (Tagalog)   KABANATA 11

    KABANATA 11Alam kong malakas ang loob ko nang maisip na pumayag sa gusto ni Levi dahil ayaw ko na ng ginugulo niya ako. Naisip kong baka tama si Hannah. Na hindi dapat ako magpatalo. Na hayaan kong magpaagos sa kanyang alon at sa dulo ay siya ang saktan ko bago niya pa magawa sa akin ang madalas niyang ginagawa sa mga babae niya.Pero ngayon...nawawalan na ako ng pag asa. Hindi ko maiwasang kabahan sa mga maaaring mangyari. Pero...kung magpapatuloy akong ganito at hindi confident mas lalo akong masasaktan sa huli. Kailangan kong patunayan sa sarili ko na hindi naman talaga malalim ang nararamdaman ko sa kanya. Kailangan kong patunayan sa sarili ko na hindi ako naaapektuhan sa kanya.Tama. Hindi dapat ako nagtatago sa kanya. I should act normally! Bahala na!Kinabukasan nakita ko ang breakfast sa lamesa with sticky notes. Umalis ng maagap si mama dahil daw sa trabaho. Kaya naman kumain ako ng mag-isa at habang tumatagal at iniisip kong magkikita kami ni L

    Last Updated : 2021-09-11
  • Loving the Heartbreaker (Tagalog)   KABANATA 12

    KABANATA 12Mababaliw na ata ako. Kulang na lang ay ang i-confine ako sa mental hospital para umayos ang utak ko. Halo halo ang pakiramdam ko. Hindi ko na alam ang dapat kong maramdaman. Shit!Lutang akong umupo sa harapan ni Hannah at Chloe habang kumakain sila ng lunch sa cafeteria. Parehas silang nabitin ang pagsubo dahil sa bigla kong pag-upo sa harapan nila."Oh? Anong drama 'yan? 'Wag mong sabihing break na agad kayo?" Natatawang tanong ni Hannah. Umiling ako habang natutulala. Chloe snapped a finger in front of my face but my mind is still floating in the air."Wala ito. Hannah, I think wala na sa katinuan ang kaibigan natin!" Chloe chuckled. Tama si Chloe! Sinong hindi mawawala sa katinuan kung naaalala ko kung paano ko siya hinalikan?! Damn! I initiated the kiss!? Pano ko 'yon ginawa?! I mean...bakit ko 'yon ginawa?!Darn it!"Kumain ka na nga lang! Simula nang guluhin ni Levi ang buhay mo na stress na ng bongga ang mukha mo!" natat

    Last Updated : 2021-09-12
  • Loving the Heartbreaker (Tagalog)   KABANATA 13

    KABANATA 13Nakabusangot ang mukha ko habang sumusunod sa kanya. Nasa likuran niya ako at kitang kita ko kung paano maglingunan ang mga babae sa kanya. Isang lakad niya lang ay nagiging center of attraction siya, kaya naman nakakahiyang sumabay sa kanya sa paglalakad. I would prefer to walk behind him than to walk next to him.Bumuntong hininga ako nang maalala kung paano ako naging girlfriend ng isang Leviticus Galford. Pakiramdam ko sa isang iglap lang ay nagbago ang ihip ng hangin sa aking mundo. Hindi ko maintindihan at hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ako. Pero baka nga...ganitong lalaki siya. Hindi siya papayag hangga't hindi niya nakukuha ang gusto niya.Kaya naman isa ako sa mga babaeng pinaglalaruan niya. Pero gusto kong patunayan na iba ako sa lahat ng naging babae niya. Ayaw kong maging katulad nila na sa huli ay sila ang umiiyak."What the hell are you doing?" Halos mapatalon ako nang tumigil siya sa paglalakad at lumingon sa akin. Natigi

    Last Updated : 2021-09-13
  • Loving the Heartbreaker (Tagalog)   KABANATA 14

    KABANATA 14Nagising ako sa malakas kong alarm. Agad kong pinatay ito at napabuntong hininga na lang. Sinadya ko talagang agapan ang alarm dahil baka sunduin nga ako ni Levi at ayaw kong makita kami ni mama. Hangga't maaari ay gusto kong itago kay mama. Ano na lang ang sasabihin niya kapag nalaman niyang nakikipagrelasyon ako sa anak ng boss niya? At isa pa...alam ko namang hindi totoo itong relasyon na ito.Hindi ko nga alam kung bakit ginagawa pa ito ni Levi. He's just wasting his time. Dahil sigurado naman akong hindi ako bibigay sa kanya. Mabilis akong nag-ayos at nagsuot ng uniform namin. Kulay puting long sleeves at kulay blue na vest ang uniform sa Hills University. Kulay blue din ang above the knee splits skirt. Naka long white socks at black shoes ang kadalasang bumubuo sa uniform. Samantalang sa lalaki naman ay kulay puting longsleeves at kulay blue rin na vest. Kulay blue din ang kanilang slocks.Humikab ako habang sinusuklay ko ang aking itim na itim

    Last Updated : 2021-09-14
  • Loving the Heartbreaker (Tagalog)   KABANATA 15

    KABANATA 15Hindi ako makapaniwala na umiiyak ako ngayon dahil sa lalaking 'yon! Pagkatapos ng pag-uusap namin sa restroom ay hindi na kami muling nagkita. He just texted me that he'll get home early after the class. I am so emotional and I can feel the pain punching my heart. Ayaw ko na ng ganito pero paano ako makakawala sa kamay ni Levi? Hindi ko alam. At mas lalong ayaw kong masaktan ng ganito! Hindi ako martyr at mas lalong hindi ako masochista para hayaan ang lahat ng ganito sa akin!Gumulong ako sa aking kama at pilit kinalma ang sarili. Hindi ako makatulog dahil hanggang ngayon naaalala ko pa rin ang pag-uusap namin ni Levi. Bakit? Ano ba talaga ang dahilan niya? Bakit gusto niya akong matali sa kanya? Hindi ko siya maintindihan.Bumangon ako nang marinig kong may sasakyang tumigil sa harapan ng bahay namin. Kumunot ang noo ko at mabilis na dumungaw sa bintana ng kwarto ko. Patay na ang mga ilaw sa kwarto ko at medyo madilim sa labas pero kitang kita ko

    Last Updated : 2021-09-15
  • Loving the Heartbreaker (Tagalog)   KABANATA 16

    KABANATA 16Ilang araw din kaming gano'n ni Levi. Sa umaga ay susunduin niya ako, sa lunch ay magkasabay kami at pagkatapos ng klase ay pupunta kami ng mall para kumain hanggang sa ihatid niya ako pauwi. Madalas kaming mag-away sa maraming bagay at madalas akong mainis sa mga walang kwenta niyang sinasabi.Pero kahit anong tingin ko sa sitwasyon namin alam ko talagang may dahilan kung bakit gusto ako ni Levi. Sa mga araw na magkasama kami normal naman ang lahat kaya hindi ko talaga malaman kung anong dahilan niya.At dahil madalas kaming magkasama ni Levi alam na rin ng lahat na may relasyon kami. Madalas kong marinig na isa lang talaga ako sa mga paiiyakin ni Levi at madalas kong ring marinig na hindi seryoso si Levi sa akin. Sa totoo lang hindi na nila kailangang ipaalala sa akin 'yon bawat araw dahil alam ko na ang lahat nang 'yan. Hindi ko nga alam kung bakit nandito pa rin ako.Tahimik akong naghahanap ng libro sa loob ng library ng biglang sumulpot

    Last Updated : 2021-09-16
  • Loving the Heartbreaker (Tagalog)   KABANATA 17

    KABANATA 17Hindi ako makatingin sa kanya pagkatapos ng nangyari. Nag-iinit ang pisngi ko habang siya naman ay titig na titig sa akin. Lumunok ako ng mariin at bahagya siyang tinulak."M-May klase pa ako..." I said and slightly pushed him away but he still remained in front of me, locking me in place. Kaya naman iritado na ako sa kanyang bumaling. Bakit ba pinapahirapan niya pa ako? Nakakainis!"Hindi pa tayo tapos mag-usap," he softly said. The frustration in his face is gone now. It was replaced by an unknown emotion in his eyes. Masyado akong natutupok ng kanyang mga mata. Akala ko noon kaya ko. Akala ko mananalo ako sa kanya. Pero sa huli ako pa rin ang talo."A-Ano pa ba ang kailangan nating pag-usapan--""Sumama ka sa 'kin." Usal niya at walang sabi sabing hinigit ako kung saan. Nanlaki ang mata ko nang mapansin kong nasa parking kami! Until we stopped in front of his car!"Levi! Ano bang ginagawa mo?! May klase pa tayo!" Sigaw k

    Last Updated : 2021-09-18

Latest chapter

  • Loving the Heartbreaker (Tagalog)   EPILOGUE (THE FINAL CHAPTER)

    EPILOGUE (THE FINAL CHAPTER) “Levi…I told you…I am just…paying my debt and after this we’re nothing but strangers, right?” Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Something happened to us back on the yacht, but it feels like it was all nothing to her. Yes! Sinabi ko sa kanya na ang tangi ko lang dahilan kung bakit ginagawa ko ang lahat ng ito ay dahil sa utang nila sa daddy ko. But fuck! Ayaw ko ng lokohin ang sarili ko. Ginawa ko ang lahat ng ito hindi dahil gusto ko ring ibalik ang sakit na pinaranas niya sa akin noong iniwan niya ako. Ginawa ko ang lahat ng ito dahil hanggang ngayon…mahal na mahal ko pa rin siya. Hanggang ngayon siya pa rin ang laman ng puso at isipan ko. Hanggang ngayon lahat ng parte ng katawan ko siya lang ang hinahanap. It was fucking ridiculous. To love someone like this is so ridiculous. Hindi ko nga namalayan na lahat pala ng ginagawa ko ay para sa kanya. I earned the highest position in my grandfather’s company para hindi ako mapasunod ng lolo ko sa pag

  • Loving the Heartbreaker (Tagalog)   EPILOGUE (Part 5)

    EPILOGUE (Part 5)Hindi ko kayang palipasin ang buong gabi na galit sa akin si Astrid. Hindi ko makakayang hayaan siyang mag isip ng masama sa akin. Maaaring tinago ko ang lahat ng ito at hindi sinabi sa kanya pero hindi magbabago na mahal na mahal ko siya.Kaya lang kahit anong gawin ko pakiramdam ko hindi umaayon sa akin ang panahon. Hindi ako nakatiis na kausapin si Astrid. Pumunta ako sa kanyang bahay at nadatnan ko roon si Nellen Wadler at dahil alam niyang may alam ako sa relasyon niya sa aking ama agad siyang nag isip ng masama sa akin.“Levi! Tigilan mo ang anak ko! Ito ba ang plano niyo ni Leslie? Sinabi kong ‘wag niyong idamay ang anak ko! Ako ang nagkamali! Babayaran ko kung ano man ang ginastos ni Vincent kay Mr. Chua! Tigilan niyo na ‘to!”She knows my mom’s plan. Marahil ay kinompronta siya ni Mommy at sinabi ang detalyeng ‘yon. Now she thoughts that I have a bad intention with her daughter. Wala rin naman akong pakialam sa per ana pinambayad ni daddy sa utang nila ang g

  • Loving the Heartbreaker (Tagalog)   EPILOGUE (Part 4)

    EPILOGUE (Part 4)Pinilit akong kausapin ni daddy ngunit pilit akong umiiwas. Hindi ko siya kayang kausapin. Pakiramdam ko sa oras na magharap kami mag-aaway lang kaming dalawa. Mas lalo lang lalaki ang gusot sa pagitan naming dalawa.Ngunit wala na akong nagawa nang sabihan ako ni lolo isang araw. Magkakaroon raw ng family gathering at exclusive lang ‘yon para sa aming pamilya. Kaya naman nagpaalam ako kay Astrid tungkol doon. Ngunit hindi ko inasahan na kaming tatlo lang ang uupo sa family gathering na ‘yon.“Where’s grandpa?” I asked as I sat down on my seat.“He decided not to go. He wants us to settle our problem on our own,” sambit ni daddy. Nanatili namang tahimik si mommy.“I wonder kung kaya mong i-settle ang problema ng pamilya?” sarkastiko kong tanong. Hindi ko matiis na mapuno na naman ng galit. I remember the scene I witnessed in his office. Dad sighed problematically. Isang diretso kong ininom ang isang baso ng wine sa aking harapan.“I am trying my best to fix this fami

  • Loving the Heartbreaker (Tagalog)   EPILOGUE (Part 3)

    EPILOGUE (Part 3)Nabitin ako dahil sa babaeng ‘yon. Hindi ko alam kung anong ginagawa no’n doon at kung bakit siya naninilip sa ginagawa namin. Napailing na lang ako. Marahil kahit inosente ang babaeng ‘yon kuryuso pa rin siya sa mga ganoong bagay.“Levi,” natigilan ako nang tawagin ako ni daddy. Napatingin ako sa kanya at napansin ko ang pangbabaeng purse sa kanyang kamay. Kumunot ang noo ko doon.“Schoolmate mo si Astrid ‘di ba?” he asked. My brows furrowed. “Who’s Astrid?” nagtataka kong tanong. Nakita ko ang pagsimangot niya sa akin. “My secretary’s daughter. Naiwanan niya yata itong purse sa table nila. Give it to her,” he said. Napatitig ako sa purse na iyon. How did he know na sa anak talaga ‘yon ng secretary niya?“How did you know it was her?” I asked. Napatitig siya sa akin. Lumikot ang kanyang mata at basta na lang kinuha ang aking kamay at pinahawakan sa akin ang purse.“I just know. Ibigay mo na lang. Baka mahalaga ‘yan kay Astrid,” he said and left. Napatitig ako sa pur

  • Loving the Heartbreaker (Tagalog)   EPILOGUE (Part 2)

    EPILOGUE (Part 2)Lumipas lang ang ilang araw binalik ni daddy ang sasakyan ko pero kahit ganoon hindi ‘yon ang naging dahilan ng pagbabago sa gawi ko. I enjoy my life this way. Ito lang ang paraan para makalimutan ko kung anong klase pamilya mayroon ako.When I turned eighteen, I didn’t think twice but to enjoy being at legal age. Dahil doon ay malaya na akong makakalabas pasok sa bar nang hindi nagbubulaan sa aking edad. Dad always scolds me about that pero wala na naman siyang magagawa kundi ang hayaan ako dahil hindi ko rin naman siya susundin. At alam niyang hindi na uubra sa akin ang mga punishment niya.“Levi, we have a gathering later—”“I don’t want to attend, Mom.” mabilis kong pagtanggi. Medyo may hang over pa ako sa party kagabi kaya wala akong gana mag breakfast ngayon at mas lalo pa akong nawalan ng gana nang marinig ‘yon kay Mommy.“Your grandparents will be there…” she added, still trying to convince me. I continued finishing my plate like I did not hear anything. My g

  • Loving the Heartbreaker (Tagalog)   EPILOGUE (Part 1)

    EPILOGUE (Part 1)Leviticus Galford“Paano mo nagawa sa ‘kin ‘to, Leslie?!” isang galit na boses ang narinig ko na nagmumula sa second-floor ng aming malaking bahay. Holding my robot toy, I followed where the noise coming from, and I saw dad and mom. Dad looks furious while mom was crying miserably.Noon hindi ko nauunawaan ang tagpong ‘yon. Nasanay na ako sa madalas na pag aaway ng magulang ko kaya hindi na ito bago. Pero sa lahat ng pag aaway nila ito ang pinakamalala. Rinig na rinig sa buong bahay ang pagkabasag ng mamamahaling figurine dahil sa galit ni daddy.“I trusted you! I’ve been faithful to you tapos ito ang igaganti mo?!” may hinanakit at galit sa boses ni daddy. Hindi nila alam na pinapanuod ko sila at malinaw na naririnig ang kanilang mga sinasabi. Kung alam nilang nandito ako paniguradong magkukunwari na naman silang masaya.“I-I’m…sorry, Vincent! Hindi ko…sinasadya! Please…listen to me…ikaw ang mahal—”“Wag mong sabihing ako ang mahal mo matapos kitang makitang may kah

  • Loving the Heartbreaker (Tagalog)   KABANATA 65

    KABANATA 65Hindi ako makatingin kay Levi habang lumalabas ako ng sasakyan niya. Nagpalipas kami ng buong gabi sa loob ng kanyang sasakyan malapit lang sa dagat at madaling araw pa lang ay hinatid niya na ako pauwi. Ayaw ko na sanang maalala ang mga nangyari kagabi pero sa bawat ngisi niya naalala ko ang bawat detalye!Damn it! Dahil sa kanya nabalot na ng lumot ang isip ko!“Una na ako…” paalam ko sa kanya nang makalabas na ako at hawak na ang pinto ng kanyang sasakyan para maisarado ito. He smiled at me. Nakakainis! Alam ko naman na gwapo siya pero bakit hanggang ngayon nagugulat pa rin ako sa mga ngitian niyang ganyan?“Set a date for me to officially meet your mom, alright?” he informed me. Tumango ako sa sinabi niya at tuluyan nang sinarado ang pinto ng sasakyan niya. Napag usapan nga namin kanina ang tungkol diyan. Gusto niyang makausap ng maayos si mama. Alam ko naman na hindi maganda ang tingin ni mama sa kanya dahil sa nangyari noon.Huminga ako ng malalim at pumasok na sa ba

  • Loving the Heartbreaker (Tagalog)   KABANATA 64

    KABANATA 64R18Magkahawak kamay kami habang naglalakad sa dalampasigan. Hawak-hawak namin sa kabilang kamay ang aming sapatos kaya malaya naming nadadama ang pinong buhangin sa aming paa. Madilim na ang paligid pero dahil sa ilaw na nanggagaling sa mga lamp ay maliwanag pa rin sa aming mata ang aming nilalakaran.Pinagmasdan ko ang magkahawak naming kamay ni Levi. Kahit sa simpleng haplos lang kanyang kamay sa akin ay para na akong nililipad sa langit. Masyadong malakas ang epekto sa ‘kin ni Levi at sa ngayon parang hindi ko na talaga siya kayang pakawalan.“You’re being silent. You’re thinking something else?” he asked, breaking my thoughts. Tumaas ang tingin ko sa kanta. Madilim na ang kalangitan ngunit para sa aking mata nagningning ang kanyang mukha.“Nasa’n na ang mommy mo?” tanong ko. Alam kong ayaw niyang pag usapan ang tungkol sa mommy niya pero hindi ko mapigilang macurious.“I told her to leave us alone,” sambit niya. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa kanyang sina

  • Loving the Heartbreaker (Tagalog)   KABANATA 63

    KABANATA 63Natagpuan ko na lang ang sarili ko na naglalakad sa harapan ng malawak na dagat. Ilang oras na rin akong nakatambay dito ngunit hindi ako nagsasawang pagmasdan ito. Tinitigan ko ang araw na malapit nang lumubog. Nagkulay kahel ang kalangitan at sumalasamin sa dagat ang kulay nito.Napakaganda nitong pagmasdan ngunit bakit puro kalungkutan ang nararamdaman ko? Naalala ko noong kababagong lipat lang namin dito sa Legazpi. I was sorrowful and painfully suffering emotionally. Ang tangi ko lang takbuhan ay ang dagat at tahimik na kinakausap si papa.Hindi ko inaasahang nandito na naman ako, nasasaktan at tahimik na hinihiling na sana’y buhay pa ang aking ama. At muli na naman akong bumabalik sa marami kong what ifs.What if papa never died? What if he stayed with us? What if mom didn’t fall in love with Mr. Vincent Galford? Magtatagpo kaya ang mundo namin ni Levi? Mamahalin ko kaya siya ng ganito?Hindi ko alam kung bakit kung ano pa yung nagpapasaya sa’yo ‘yon pa ang napakahir

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status