Naalimpungatan ako dahil sa mabigat na bagay na nakadagan sa tiyan ko. Antok akong tumagilid pero naramdaman ko ang biglang paghapit ng baywang ko . Kaagad akong nagmulat at napabangon at nang marinig ko ang paos na ungol mula sa katabi ay biglang nagwala ang puso ko. Nanlalaki ang mga mata kong nilingon ang katabi at nakita ang mala-diyos na lalaking mahimbing ang tulog sa tabi ko.Nakadantay ang kamay niya sa tiyan ko at pareho kaming hubad. Biglang ramagasa sa ala-ala ko ang mga nangyari kagabi. The moans, shouts, laughter, chuckles and everything about what we did last night. Biglang namula ang mga pisngi ko saka dahan-dahan na tinanggal ang mabigat niyang braso sa tiyan ko. And my eyes widened in shock when he opened his eyes after I did that. Mamula-mula ang mata niya at magulo ang buhok.Napalunok ako dahil kaagad kaming nagkatitigan. Kabado kong hinawakan ang makapal na kumot na nakatabon sa hubad kong dibdib. Biglang bumaba ang mga mata niya sa dibdib ko dahil doon kaya mas
"Feigh, call me Gin. Just Gin," Kaagad kong inalis ang tingin ko kay Luke para bumaling sa nakangiting lalaki sa harap ko. Napalunok ako ng dahan-dahan saka napatango na lang ng walang kahit anong sinasabi."Magpapaalam na po ako," mahinang sabi ko saka tuloy-tuloy na umalis sa lugar na iyon ng hindi tumitingin sa kahit kanino.Gusto kong batukan ang sarili ko dahil nagpapakatanga na naman ako. Pero wala akong maitutulong sa sarili ko dahil ito talaga na yata talaga ako. Nakakatakot pa lang magmahal. Nakakasira ng isip at puso. Nakakatakot, at gustuhin ko mang takasan ay hindi ko magawa.Biglang tumulo ang mga luha ko kaya kaagad ko iyong pinunasan saka bahagya akong tumawa ng sarkastiko."Tapos kapag lumapit siya parang wala lang ulit? Ano ba, Feigh," sabi ko sa sarili ko."Hey, I'm sorry about earlier," mabilis kong pinatuyo ng tuluyan ang mga luha ko dahil may biglang pumigil sa siko ko kaya nahinto ako sa paglalakad. Agaran kong nilingon ang gumawa ng bagay na iyon at napasinghap
The moment he went out Tiya Mila came. Kaagad akong tumikhim saka nagpunas ng luha. Umupo rin ako ng maayos saka pilit na ngumiti kay Tiya Mila na biglang napabuntong hininga."Feigh," mahinang usal niya habang dahan-dahan na lumalapit sa akin kaya mabilis akong napaiwas ng tingin.She sighed once again. "Ano ang plano mo?" mahinang tanong niya. Napakurap ako ng isang beses saka marahan na tuminghala sa puting kisame ng kwarto na ito."Tatapusin ko na lang po muna ang buwan na ito tapos aalis na po ako," medyo paos na sagot ko. Ramdam ko na anumang oras ay tutulo na muli ang mga luha ko kaya mariin akong pumikit.Nakapag Desisyon na ako. Tatapusin ko na lang ang buwan na ito kasi sayang ang magiging sahod ko. Hindi ko na kaya pang magtagal kasi durog na durog na ako. Gustuhin ko man dahil gusto kong tulungan ang sarili at pamilya ko pero ang hirap-hirap. Nasasaktan ko na rin ang sarili ko ng paulit-ulit kaya dapat lang na ako na ang lumayo. Ako na dapat ang lumayo sa una pa lang. Kas
Napatulala na lang ako sa kisame at ilang sandali pa ay muling pumasok si Tiya Mila na may kasama na nurse. The nurse smiled at me so I smiled back. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin para tanggalin ang dextrose na nakakabit sa kamay ko. Napangiwi ako sa sakit sa hatid niyon pero nang tuluyang matanggal ay mabilis akong umalis sa kama."Feigh, dahan-dahan," sabi ni Tiya Mila pero mabilis akong naglakad diretso sa pinto. Hindi na ako naghintay pa ng kahit isang segundo dahil mabilis ko iyong binuksan.Grabe ang kabog ng puso ko habang sumisilip wko sa bawat hallway na nakikita ng mga mata ko. At bigla akong nanlumo nang makita na wala ang gusto kong makita sa mismong labas ng kwartong ito.Nanghihina akong napasandal sa hamba saka napahinga ng malalim.Why do I hope over and over again?"May hinahanap ka?" tanong ni Tiya Mila kaya mabilis akong umiling."Magbibihis lang po ako," mahinang sabi ko habang hindi makatingin sa kanya."May dala akong damit mo sa bag, kunin mo na lang," sabi
Kailangan ko na talagang umalis. Dahil kapag umalis ako ay matutulungan ko ang sarili kong umiwas sa sakit. Nakakaawa na ako. Ayaw ko na. Suko na ako. Duwag man pero wala naman na akong hahabulin pa dito. Pipilitin ko na lang na maghanap ng trabaho sa amin para makapag-ipon ng paunti-unti. Basta huwag lang dito.Matapos humagulgol sa isang sulok ay pilit akong naglakad pabalik sa quarters. Basang-basa ako dahil malakas na ang buhos ng ulan na sinuong ko pero wala na akong pakialam. Naghahalo na ang luha at tubig ulan sa mukha ko pero hindi ko iyon binigyan ng pansin.Kaagad akong pumunta sa drawer kung nasaan ang mga damit ko at kaagad ko iyong kinuha para ilagay sa bag na sa akin mismo. Tumutulo ang luha ko habang ginagawa iyon. At nang marinig ko na bumukas ang pinto ay hindi ako lumingon. Ipinagpatuloy ko lang ang pag-iimpake."Feigh! Anong ginagawa mo?" dinig kong gulat na sabi ni Tiya Mila at nakarinig rin ako ng malakas na pagsinghap."Feigh!" Si Ate Gina naman ngayon ang nagsal
Nagising ako sa isang purong puti na kwarto kaya mabilis akong bumangon. Images flashes inside my head so I immediately touched my flat stomach.Anong nangyari?Mabilis na dumaloy ang masaganang luha sa pisngi ko dahil posibleng totoo ang mga nasa isip ko. Did I lost my baby? Nang bumukas bigla ang pinto ay kaagad akong tumingin doon. I saw a nurse coming so I immediately stood up. "Ma'am, huwag po muna kayong gumalaw!" mabilis na pagpigil niya sa akin pero tinabig ko lang ang kamay niya."Sinong nagdala sa akin? Anong nangyari? Sabihin mo!" humahagulgol na tanong ko sa nurse kaya bahagya siyang umatras. Sinubukan niya ulit akong hawakan pero muli kong tinabig ang kamay niya.Ano bang mali sa akin? Bakit parang pinaparusahan ako. Bakit parang sinalo ko lahat ng pasakit sa mundo? Ano pa bang kulang? Ano pa bang dapat na maranasan ko?"Ma'am, calm down—""Paano ako kakalma kung wala akong alam na mga nangyayari?!" malakas na sigaw ko sa nurse kaya mas lalo siyang nataranta. I held my
Sobrang bilis ng paglipas ng mga araw. I never became complete again. Sa dami ng naranasan ko at sa dami ng nawala sa akin ay parang gusto ko na lang sumuko sa buhay. But I can't.After my mother's wake at our house I decided to find a lot of jobs. Pumasok ako sa lahat ng pwedeng pagkakitaan."Anak, huwag mong sagarin ang sarili mo sa trabaho. Magtatrabaho ako sa construction sa bayan kaya huwag mo ng alalahanin ang pangkain natin," sabi ni Tatay sa akin kaya malungkot akong ngumiti.Suot ko pa rin ang uniporme ko bilang kahera sa isang maliit na store sa bayan. Pagod ako pero ayaw kong ipahalata iyon kay Tatay."Hindi naman po mahirap ang trabaho ko, Tay. Okay lang po saka balak kong mag-aral na sa pasukan kaya mag-iipon po ako kahit kaunti," sabi ko kaya napabuntong hininga si Tatay. Kita ko ang lungkot sa mga mata niya kaya nakaramdam ako ng awa para sa aming dalawa.Hindi pa rin ako okay. Umiiyak pa rin ako gabi-gabi dahil sa maraming mga dahilan. I wish I could move forward. Araw
Life is never been easy. But I promised myself to move forward. Bumalik ako sa pag-aaral sa sumunod na taon pero patuloy pa rin akong nagtatrabaho para sa allowance at bayarin sa school. Nagtatrabaho si Tatay ng kung ano-ano pero ayaw kong humingi pa sa kanya. I need to finish my course to find a stable job. For my late mother and child and for my father. Gusto kong ayusin ang buhay ko. Gusto kong ayusin ang buhay ko kahit paunti-unti lang.I busied myself with my studies and my work. At sa pagdaan ng araw, buwan at taon ay wala akong naisip na iba kundi ang makapagtapos. I guess I'm okay now. What happened in the past stays as history.I can now think of it without crying. I can now remember him without getting hurt so I guess I'm really fine. Time heals my broken heart and I manage to move forward without me noticing it. I've moved on. I've moved on after crying every night. Nakatulong siguro na wala akong balita sa kanya at hindi ko na ulit siya nakita. Maybe he's already married