Share

Chapter 1

Author: reveeruary
last update Last Updated: 2022-10-19 00:43:41

PAGPASOK ni Ensley sa kanilang resto, mapapansin na may ilang mga tao na rito para kumain ng kanilang almusal.

Ang kanilang restaurant ay nahahati sa tatlong menu. Meron pang almusal, tanghalian at gabihan. Ginawa ito para pwede sa lahat ang kanilang restaurant.

Isa rin ang kanilang resto sa mga binibisita ng mga taga ibang lugar o mga nag-babakasyon dahil na rin sa kakaibang konsepto ng kainan, masasarap din ang mga inihahanda nila at lalo na pamilya ang turingan nang mag kaka-trabaho.

Gusto kasi ng kanyang ina na maging masaya at puno ng pag-mamahal ang atmosphere ng kanilang resto.

Binati niya ang kanilang isang sikyo, "hi, kuya Skyler!" bati nito. "Hi, Ensley! Kanina ka pa hinahanap sa loob at kumain ka na raw." Sagot ni Skyler. "Masyado po kasi ako nag-enjoy pagmasdan yung araw. Sige, kuya mauna na po muna ako." Sagot ng dalaga.

Dumiretso na si Ensely sa kusina, pero bago siya makapasok ay naabutan muna niya ulit si Quinn sa counter na may customer na inaasikaso. Bumibili ata ito ng kape.

Nang lumingon sa kanya si Quinn, nag ngitian na lang sila.

Pumasok na si Ensley sa kusina, mas lalong bumango ito dahil sa mga pag kain na niluluto.

Nahanap niya agad si Lucas na tumutulong sa kusina. Doon sa gitna ng lamesa, may mataas na upuan doon at pumuwesto siya paupo roon at habang pinag-mamasdan ang mga tao roon na busy sa kani-kanilang trabaho.

Pag katapos ni Lucas sa ginagawa niya, napansin na rin siya nito. "Kanina ka pa hinahanap, bakit ang tagal mo? Tara at papa-kainin na kita." Parang nanay na sabi nito sa dalaga. "Ano?" hindi maintindihan na sagot ni Ensley. "What I mean is kumain ka na." paliwanag ni Lucas at gulo sa buhok ng dalaga.

"Lucas!" reklamo nito sa binata at tinawanan lang siya ni Lucas. "Nora, pag sabihan mo nga yung Lucas mo!" sumbong ni Ensley sa kaibigan na babae at isa rin sa assistant chef. "Ano ka ba naman, Ens. Anu-ano pinag-sasabi mo." hiyang sagot ni Nora sa kaibigan at namumula pa ito.

Tinawanan lang siya ni Ensley at bumalik na lang sa pag-gagawa ng kape si Nora.

Habang si Lucas naman ay gumagawa na ng almusal ni Ensley. "Dito po ako kain ha." Paalam ng dalaga sa mga tao roon. Sinagot naman siya ni Lucas habang nilalapag ang ginawang pag kain nito sa harapan niya.

Isa itong pancake na may blue berry, strawberry at honey. Inabutan din siya ng inumin na lemonade ni Nora dahil lemonade ang paborito niyang inumin. "Salamat sa pag kain at inumin" ani ni Ensley. "Bawal ka rito kumain." sagot naman ni Lucas habang naka poker face.

Tinitigan ni Ensley ang kaibigan, sa totoo lang gwapo talaga ito. Kayumanggi ang balat, kulay brown ang mga mata at may magandang tindig, pero platonic lang ang relasyon nilang dalawa at lalo na, gusto niya si Nora para kay Lucas.

Nginitian ni Ensley si Lucas, "Dali na" pag pilit nito. "No!" firm answered ni Lucas. "Tito Elberto, inaaway ako ng anak mo po." Sumbong niya sa tatay ni Lucas. "Pag bigyan mo na yan, Lucas. Alam mo naman na hindi kumakain yan na walang kasama." Suway ni Elberto sa anak.

Naka-ngiti lang si Ensley kay Lucas nang parang nang-aasar ito sa binata. Si Lucas naman ay nakatitig lang dito, nag-iisip kung ano pwedeng gawin sa babae dahil nakakainis talaga ito. "Samahan na lang kita sa labas kumain." labas sa ilong na sabi ng binata.

Tagumpay na ngumiti si Ensley sa kaibigan. Siya ulit ang nanalo sa kanila. "Kayo talagang mga bata, nag tatalo pa kayo. Araw-araw naman kayo sabay kumain." Pagalit ni Penelope sa mga bata na isang chef din sa resto. "Sorry po, Tita. Si Lucas kasi." paawa ni Ensley. Nginitian na lang sila ni Penelope at pinag-patuloy ang pag luluto.

Kinuha na ni Lucas ang plato ni Ensley para bitbitin palabas, kinuha naman ni Ensley ang inumin niya at sabay silang dumiretso palabas ng kusina.

"Ikaw kasi, may nalalaman ka pang No! No! dyan." pang-iinis ni Ensley sa best friend.

Nauna pumuwesto si Lucas sa paboritong lamesa ni Ensley, ang kanilang pwesto ay nasa kaliwang bahagi ng resto malapit sa bintana, pang two seater.

Umupo na si Ensley, at sinimulan na niya kumain. Habang si Lucas ay tahimik lang at pinapanuod si Ensley paano kumain.

Nang mapansin ni Ensley si Lucas nakatitig sa kanya, "Lucas, kumakain ako. Have manners naman." suway nito sa kaibigan. "Have manners ka dyan, di mo nga ako niyaya kumain. Kain ka lang bigla." pabarang na sagot ni Lucas. "Kain tayo, ayos na?" sagot ni Ensley. "Ens." Suway ng binata sa dalaga.

"Ito naman di na mabiro, sorry na! tsaka kailangan ko na kumain agad no! May trabaho pa tayo at yung upuan baka may gustong umupo rito." mabilis na paliwanag ni Ensley.

Tama naman si Ensley na may trabaho pa talaga sila, late na nga ito.

Tumingin na lang si Lucas sa paligid nito, may ilan na rin mga customers ang nag aalmusal at may ilan din na bumibili ng inumin lang, para sa mga taong mahilig sa kape.

May apat silang waiters na lalaki, pero sa ngayon dalawa pa lang ang naka duty na sina Kennedy at Cooper. Isa rin sa trabaho ni Ensley ang pag we-waiter, siya nga lang ang nag iisang babae sa kanila. May background music din sa loob ng resto, mga tug-tugin na pang pa-relax katulad ng mga jazz songs.

"Lucas, tapos na ako. Tara na!" sabi ni Ensley bago ubusin ang iniinom nitong lemonade.

Si Lucas na lang ang nag dala ng mga pinggan at baso na pinag kainan ng dalaga, at dumiretso na si Ensley sa backdoor ng kusina para makalabas at umakyat sa pangalawang palapag ng resto. Nasa gilid lang ang hagdan malapit sa garage nila.

Ang pangalawang palapag ay para lang sa mga employees. Andon naka lagay ang kanilang lockers and palikuran.

Pag bukas ng pintuan ni Ensley sa itaas, may dalawang kwarto ito. Isa para sa mga lalaki at isa naman ay para sa kanilang mga babae. Sa loob noon ay may tag isang palikuran.

Pumunta at binuksan na niya ang kwarto para sa mga babae, andon ang mga lockers nila. Lumapit si Ensley sa kanyang locker at kinuha ang uniporme nila. Hinubad niya ang kanyang puting short at pinalitan ito ng bestida na puti.

Para sa kanilang mga waiter na babae, bestida ang uniporme nila dahil tinutugma ito sa panahon na tag-init ngayon. Pinatong niya ang bestida sa itim na one piece bathing suit niya. Tinali niya rin ang mahabang buhok para hindi maging sagabal sa pag kilos niya mamaya at sinabit na rin niya sa baywang ang apron na kulay brown.

Kinuha niya rin ang kanyang converse na kulay itim para ito ang suotin.

Nang sa tingin niya na ayos na ang itsura niya, dumiretso na siya pababa para simulan ang kanyang trabaho.

Bumalik na siya sa loob ng resto, busy na rin si Lucas sa pag aassist sa kanilang mga chef. Nasa kusina na rin ang kanyang tatay at di na niya ito inistorbo pa.

Tumuloy na siya sa labas para simulan ang kanyang trabaho, kahit na sobrang late na niya dahil mag aalas-dies na ng umaga.

May pumasok na isang babae, at sinundan niya ito kung saan ito uupo para makuhanan ito ng order. Lumabas ito sa terrace at umupo don sa pang two seater. Lalapitan na sana niya ito kaso bigla may sumunod na lalaki papunta sa babae.

May kasama pala ito, hindi niya alam kung bakit bigla na lang siya napahinto. Pagkatapos niya makabalik sa pag kabigla, sumunod na siya sa dalawang customers para kunin ang kanilang orders.

Lumapit na siya sa lamesa ng dalawa at inabutan niya sila ng menu, para makapili na ang mga ito. "He will not eat with me. Aalis na rin siya" sabi nang babae. "Right, Dior." nakangiting sabi ng babae sa lalaki.

Nabigla naman si Ensley sa pag tataray ng babae sa lalaki, naisip na lang niya baka may ginawang hindi maganda ang lalaki sa nobya niya kaya ganon umasto ang kapareha nito. Napatingin sa kanya ang lalaki na tinawag ng babae na Dior at napaiwas na lang siya ng tingin.

Related chapters

  • Loving, Ensley   Chapter 2

    "FINE, whatever you want!" sagot ni Dior sa babae sabay tayo nito sa upuan at dumiretso na palabas. Si Ensley at ang babae na lang ang naiwan, hindi alam ni Ensley kung paano babatiin o tatanungin na ba niya ito kung ano gusto nitong kainin. Napalingon sa kanya ang babae, medyo nagulat si Ensley at hindi na niya mabilang kung ilang gulat na ba ang naranasan niya sa kanilang dalawang customers. Minabuti na lang ni Ensley na batiin ang kanilang customer, sa tutuusin maganda ang babae. May long wavy hair ito na kulay itim, maputi at maganda rin ang pangangatawan nito. Mukhang nag babakasyon lang sila rito dahil para itong galing sa mayaman na pamilya at galing Centro. "Hi! Good morning. Gusto mo na ba mag order?" nakangiti nitong bati at tanong sa babae. Ngumiti rin ito sa kanya at nakita niya na may maputi at pantay na ngipin ito. "Actually, I don't know what to eat. Yung kapatid ko talaga yung may gusto kumain dito kaso-" putol nito nang may maalala ito. "Nevermind, may ire-recomm

    Last Updated : 2022-10-19
  • Loving, Ensley   Chapter 3

    NAKATAYO si Ensley sa harap ng dalampasigan habang nakatanaw ito sa pag akyat ng araw sa malawak na kalangitan.Maganda ang panahon ngayon, kahit may araw na hindi pa rin ganoon kainit sa balat ang sinag ng araw. Kagabi, nakausap niya ang dalawa niyang kuya. Sinabi nang kanyang kuya Logan na mga bandang tanghali pa ito makakauwi ngayong araw at ang kaniyang kuya Levi naman ay susunod pag katapos ng tatlong araw.HABANG nag pupunas ng lamesa si Ensley sa kanilang restaurant nang bandang tanghali, nagulat si Ensley nang may mag lapag ng echeveria plant sa lamesa na pinupunasan niya at napahinto na lang siya sa pag punas at inangat ang kaniyang ulo para alamin kung sino ang nag lapag ng halaman sa lamesa. Nakangiti ng malaki si Logan sa bunso nila habang nakatitig ito kay Ensley, napatawa na lang si Logan dahil sa pag laki ng mata ni Ensley sa gulat nang mapag tanto na ang kaniyang kuya Logan ang nag lapag ng echeveria plant sa lamesa.Nang makabawi sa gulat si Ensley ay agad niya ito

    Last Updated : 2022-10-19
  • Loving, Ensley   Chapter 4

    PAGBUKAS ni Ensley ng pintuan sa kusina ng resto, nagulat na lang siya nang nakaupo sa counter si Xavier habang kausap ang ate Quinn niya. Nang mapansin ni Xavier si Ensley, na palabas na nang counter dali-dali siya nag paalam kay Quinn at kinuha ang coffee na inorder niya para kay Ensley."Ens, wait!" tawag ni Xavier, at huminto naman si Ensley pero hindi pa rin ito humaharap sa binata. Inaantay niya lang ito makalapit sa kaniya. "Good morning, I bought you coffee" bati at abot ni Xavier ng kape kay Ensley. Tinitigan mo na siya ni Ensley at bumati pabalik ng "Morning" at binaling ang tingin sa kape na bitbit ng binata "I don't drink coffee, sorry" sagot ni Ensley. "Oww, sayang" disappointed na sabi ni Xavier. "Ays, akin na nga" frustrated na pag kuha ni Ensley sa kape dahil ayaw niya may nasasayang na pag-kain or inumin.Nag lalakad na sila palabas ng resto, "I thought sabi mo hindi ka nainom ng kape?" Magulo na tanong ng binata. "Ayoko may nasasayang na pag kain at inumin" fl

    Last Updated : 2022-10-19
  • Loving, Ensley   Chapter 5

    DUMIRETSO si Ensley sa labas, bitbit ang isang galon na vanilla ice cream at pumunta siya sa counter, para doon kainin ang ice cream na kinuha niya dahil pinag ti-tripan na naman siya ng mga tao sa loob ng kusina. Nakita niya si Xavier kasama na nito ang mga kaibigan niya, at lima na sila. Hindi na lang niya ito pinansin at umupo na siya sa mataas na umupuan sa counter nila, para simulan na ang pag kain ng vanilla ice cream niya. Lumabas na rin si Lucas sa kusina at tinitigan siya nito at tumawa ng saglit. Tinarayan niya ulit ito, hindi na niya pinansin at kinain na ulit ang ice cream. Nang may mag salita sa likuran niya. "Kakainin mo yan lahat? Tataba ka na naman niyan." Pang-asar ni Lucas sa kaibigan. Hindi pinansin ni Ensley si Lucas. "Aray naman, kanina ako yung nag tatampo ah, ang bilis naman bumaliktad." Pang konsensya na sabi ni Lucas sa kaibigan. Sinundot-sundot naman ni Lucas ang tagiliran ni Ensley na mas lalong kinainisan ang dalaga. "Isang sundot mo pa, mata mo na ang

    Last Updated : 2022-10-19
  • Loving, Ensley   Chapter 6

    NAISIP nina Xavier at Ensley na mag lakad-lakad sa tabing dagat habang tinatanaw ang pag akyat ng araw. "Tuwing pinapanuod ko ang araw na umakyat, palagi lang ako nakaharap dito at naka-upo sa buhangin. Hindi ko naisip na maganda rin pala mag lakad-lakad." Kwento ni Ensley kay Xavier. Masaya naman na nakikinig si Xavier sa kwento ng dalaga. Nasabi na rin sa kaniya ng dalaga na mamayang gabi na ang uwi ng isa pa nitong kuya. "Gagawa ako ng oreo macarons para kay kuya Levi mamaya, peace offering kumbaga. Nabasag ko kasi yung frame niya na bigay ni ate Aria, yung girl friend niya—." Kwento pa nito kay Xavier. Matimtim naman nakikinig ang binata. "Pwede rin kita gawan kung gusto mo?" Tanong ni Ensley kay Xavier sabay tingin dito, at mali ang ginawa niya dahil nakatitig na rin ito sa kaniya.Bumilis na naman ang tibok ng puso ni Ensley, napaiwas na lang siya rito. "Pero wag na lang pala, hindi pala ako magaling mag luto." Bawi ni Ensley sa sinabi at nauna mag lakad habang pinag lalarua

    Last Updated : 2022-11-08
  • Loving, Ensley   Chapter 7

    NASA dining area ang mag anak na Ignacio para mag salu-salo sa kanilang gabihan. Ngayon na lang ulit kumain ng buo ang mga ito, lalo na kakarating lang ni Levi galing Centro. Naka-upo sa mag kabilang dulo ang kanilang ina at ama. Habang pinag gigitnaan naman nila Levi at Logan ang kanilang bunso na si Ensley. Nasa kabilang bahagi naman si Xavier na mag isa lang naka-upo, kaharap ang mag kakapatid. Tahimik lang ang lahat at pinapakiramdaman ang bawat isa, habang nakatingin ang buong pamilyang Ignacio kay Xavier. Para itong ini-imbistegahan sa akto ng mga kuya ni Ensley at ang mga magulang nila ang taga-monitor. Hindi na kinakaya ni Ensley ang tensyon sa buong paligid, hindi na rin niya magawa tumingin ng diretso kay Xavier sa hiya.Ngunit si Xavier ay hindi man lang makitaan na kinakabahan ito, sa tutuusin naka-ngiti pa ito sa mga kapatid niya."Kuya Levi, nasabi ko na ba sayo na ginawan kita ng oreo macarons?" Pag iiba ni Ensley para hindi na kay Xavier naka focus ang mga ito. Ti

    Last Updated : 2022-11-10
  • Loving, Ensley   Chapter 8

    SAKSI ang malawak na kalangitan at karagatan sa dalawang tao na magkahawak ang kamay at unti-unti nahuhulog sa isa't isa na hindi nila namamalayan.Napatingin si Ensley sa kamay nila na magkahawak, mabilis din ang tibok nang puso ng dalaga. Kung maririnig lang ni Xavier ang kaniyang puso ay baka isipin nito na may sakit ito. Nagulat ang dalaga ng tumingin sa kaniya si Xavier at mas lalong bumilis ang tibok ng puso ni Ensley. Nangungusap ang mga mata nito. Hawak pa rin nito ang kaniyang kamay, at hindi niya namalayan na papalapit na ang mukha ni Xavier sa kaniya. Kinakabahan siya sa susunod na mangyayari at hindi rin siya makapag-intay sa gagawin nito. Hinawakan ni Xavier ang kaliwang pisngi ni Ensley habang nakatitig pa rin ang dalawa sa isa't isa. Binitawan ni Xavier ang pagkahawak sa kanang kamay ni Ensley at pinalit sa pag hawak sa baywang ng dalaga para mas lalo mapalapit ang dalawa sa bawat isa, nagulat si Ensley sa ginawa ng binata at nginitian lang siya ni Xavier. Aalis n

    Last Updated : 2022-11-11
  • Loving, Ensley   Chapter 9

    P R E S E N TMARAMING tao sa loob ng malaking pasilyo na pinag-darausan ng pagtatapos ng mga estudyante sa kanilang huling baitang sa high school. May mga estudyante na naka suot ng puting toga, magulang na naka-suot nang magarbo para sa okasyon nang kanilang mga anak.Sa harap nang kanilang eskwelahan, maraming mga kapamilya ang nag sama-sama para sa iisang kaganapan ngayon. Makikita sa mga ito ang saya dahil naka pag tapos na ang kanilang mga anak at sa susunod ay sasabak na ang mga ito sa bagong yugto nang kanilang buhay, ang kolehiyo. Lumapit si Ensley sa kaniyang mga magulang para yumakap at humalik sa mga pisngi nito. "Congratulations, anak. Proud kami ng papa mo at ng mga kuya mo sayo" sabi ni Mila sa anak habang nakayakap."Thank you, Mom and Pa!" At humalik sa pisngi ng ina at ama."Bunso, congrats!" Parang bata na sabi ni Logan sa kapatid na babae. "Congrats, bunso!" Sabi naman ng kaniyang kuya Levi na naka-ngiti sa kaniya at hinalikan ang pisngi nito.Nasa likod naman

    Last Updated : 2022-11-12

Latest chapter

  • Loving, Ensley   Special Chapter

    D I O R M O O R ESA APAT na sulok ng silid ay maririnig ang tunog ng isang classical song na "La vie en rose" by Edith Piaf. Tumutugtog ito sa isang retro vinyl record player stereo habang si Dior ay busy sa pag pinta sa gitnang bahagi ng silid. Palagi siya nag papatugtog sa tuwing nag pipinta siya. Maraming nakakalat na kagamitan para sa pag pipinta niya at maraming mga canvas rin ang naka display sa dingding at sa sahig. Sa isang banda naman ay may isang cabinet, kung saan nakalagay ang mga vinyl records ng binata. Sa katunayan ay hindi niya talaga gusto maging sunod na mag papatakbo ng kanilang kompanya. Para sa kaniya ay hindi siya para roon. Ngunit wala siyang magagawa dahil sa kaniya umaasa ang ama niya at isa pa ay masyado pa rin bata si Riley para sa ganoong bagay. Pagkatapos nang kaarawan ng dalaga ay hindi ito umuwi sa bahay ni Dior dahil tuwing weekend ay sa kapatid nito ito natuloy. Araw ng linggo. At kanina pa siya rito nakaupo at nag pipinta. Pumunta kahapon ang

  • Loving, Ensley   Epilogue

    T H R E E Y E A R S A F T E RHABANG hawak ni Ensley sa kamay ang palumpon ng boho flowers ay pinag-masdan niya ang buong paligid. Maraming bisita ang makikita, mga pamilya at mga kaibigan. Kita sa mga mata at ngiti ng mga ito ang saya. Nakasuot ang mga ito ng magagarang kasuotan para sa okasyon ngayon. Kasalukuyan din sila nasa isang kagubatan. Dito naisipan ganapin ang importante na okasyon ngayon.Binaling niya ang tingin sa lalaki nasa unahan. Masaya itong naka tingin at makikita sa mga mata nito kung gaano nito inantay ang araw na ito, kahit siya ay hindi na rin mapigilan na ngumiti at maluha sa nakikita sa unahan. Sa tinagal nang pag iintay nila ay ngayon ay mag iisang loob na ang dalawang matalik nilang kaibigan na sina Xavier at Zoey.Naka-suot siya ngayon ng isang kulay kayumanggi na mahabang velvet gown. May slit din ito sa gilid at short sleeve ang gown na may mahabang v cut sa dibdib. Tumuloy na siya sa pag lakad sa aisle. Kahit hindi siya ang ikakasal ay kinakabahan

  • Loving, Ensley   Chapter 43

    BINALINGAN niya ang paningin ng umusog si Dior sa tabi niya. Nasa dining area sila ngayon nag gagabihan. Kasama rin nila sina Mikee at Kevin sa hapag. Kanina ay nag pababa si Chloe malapit na Mall at may kikitain pa raw ito. Kanina niya pa rin naririnig nag kukwentuhan ang mga ito. Habang siya ay tahimik lang nakikinig sa mga ito at sumasagot kapag tinatanong siya. "Penny for your thoughts?" Tanong ni Dior sa kaniya na kina-ilinganan niya lang.Sa totoo lang ay naiinis siya sa sarili niya dahil nag seselos siya kay Mikee. Kinu-kompare niya ang sarili rito.Mukha na kasi itong may maibubuga sa buhay. Maganda, matalino at may trabaho na. Natatakot siya na baka bumaling ang atensyon ng kasintahan dito lalo na sobrang angat ito sa kaniya. MAY party na ginaganap sa company nila Dior. Andito sila ngayon sa hotel dahil dito gaganapin ang celebration sa pag managed ng binata sa branch sa States dahil naging successful ang naging deal nito sa isang kilalang company. Kasama sina Mikee at

  • Loving, Ensley   Chapter 42

    SA DALAWANG buwan ni Dior sa US ay umuwi rin si Ensley sa Costa para bumisita sa mga magulang niya at hindi niya kasama ang mga kapatid. Umupo si Ensley sa lamesa malapit sa bintana ng resto at inilapag din roon ang laptop at kaniyang libro. 11:30 ng umaga sa kaniya habang 10:30 pm naman kala Dior. Pinag patuloy niya muna ang pag babasa habang inaantay ang binata na tumawag sa kaniya. Umaangat ang kaniyang ulo ng mag lapag ng plato na may pag kain si Lucas sa lamesa niya. "Lunch mo, Ens." "Thanks, Lucas." Tinanguhan lang siya nito bago bumalik sa kusina. Pagkaalis ni Lucas ay doon din ang pag tunog ng laptop niya. Nilingon niya ito at nakita na tumatawag na si Dior sa kaniya. May ngiti sa labi na inaccept niya ang tawag nito. "Good evening, Mr. Dior Moore." Bati niya sa binata na kina-ngiti rin nito. Kita sa mukha nito ang pagod pero nagagawa pa rin nito ngumiti sa kaniya. "Good evening, Misis Moore." Balik na bati ng binata sa kaniya na kina-bigla niya. Tumawa ng mahina si D

  • Loving, Ensley   Chapter 41

    ILANG araw na umiiwas si Ensley kay Dior. Alam niyang mali ang pinag gagawa niya pero hindi niya talaga kayang harapin si Dior lalo na na-giguilty din siya sa mga naging desisyon niya rito. Baka nga nag tatampo rin ito sa kaniya. University at bahay lang siya nag lalagi. Kapag tinatanong siya ni Chloe ay palagi niya nililihis ang usapan at sa tuwing nakikita niya si Dior ay mabilis siya umaalis para hindi sila mag tagpo. Hindi rin naman siya nito tine-text o tinatawagan. Ganoon din ang ginagawa niya rito. Nag taklob siya agad ng kumot nang marinig ang pag katok ng kapatid niya sa pinto ng kwarto niya. Narinig niya ang unti-onti nitong pag bukas ng pinto at mga yapak nito patungo sa kama niya."I know, you're awake Ensley." Bumuntong hininga muna siya bago niya tinanggal ang kumot sa pag kakataklob sa buong mukha niya. Nakita niya ang kuya Levi niya nakatayo sa gilid ng kama niya. "Kuya, hindi ako gutom." Pag rarason niya sa kapatid."We'll wait you downstairs in 5." Maotoridad na

  • Loving, Ensley   Chapter 40

    PAREHAS na hindi makabasag pinggan habang nanunuod ang mag kasintahan sa loob ng sinehan. Si Ensley ay may hawak na popcorn at kina-kain ito habang tahimik nanunuod at patuloy na umaandar ang palabas sa unahan na pinamagatan na "Harley Quinn: Birds of Prey." Si Dior naman ay tahimik lang din nakatutok sa pinapanuod. "You want popcorn?" Alanganin na tanong ng dalaga rito ngunit tumanggi na kumuha si Dior sa popcorn na kina-kain niya. Binalik na lang ulit niya ang tingin sa unahan at inubos ang kina-kain. Nang matapos ang palabas ay lumabas na sila ng sinehan, kumapit siya sa braso ng binata at tinitigan ito. "Gutom na ako, sa Jollibee na lang tayo kumain, ha?" "Okay." Simpleng saad ni Dior sa dalaga na hindi niya mawari kung bakit kanina pa ito walang gana. Ito naman ang nag yaya na lumabas sila pero kanina pa itong walang imik sa kaniya. Tumango siya at ngumiti rito. Nag patuloy na sila papunta sa Jollibee para roon kumain. "Gusto ko ng fried chicken, spaghetti at burger. Gusto

  • Loving, Ensley   Chapter 39

    KAHAPON ng tanghali bumalik sina Dior sa Centro. Nangako kasi ito na babalik sa pasko para sa kapatid na si Riley. Nilagay niya rin sa list na bisitahin ang kapatid nito pag bumalik na siya sa Centro. Napa-ngiti siya nang binalik niya ang atensyon sa mga gold fish niya na maligalig na lumalangoy sa pond nila sa resto. Katapos niya lang bigyan ng pagkain ang mga ito.May isang linggo na lang sila at pagkatapos ng new year ay babalik na ulit sila sa Centro. Pagkatapos mag pakain at mag dilig din ng mga halaman ay bumalik na siya sa loob ng resto. "Ens! Naninibago pa rin ako nandito ka." Saad ni Quinn, tumawa naman siya rito at pagkatapos ay pumasok na sa loob ng kusina. Gusto niya kasi matuto mag luto, sabi ng kuya Logan niya at ni Lucas ay tuturuan siya ng mga ito. Nang makita si Nora ay binati niya ito nasa gilid, gumagawa ito ng beverage pagkatapos ay nag tungo na siya kala Lucas at Logan. May ine-experiment ang mga ito na pwedeng maging bagong recipe ng resto. Sa mga sumunod

  • Loving, Ensley   Chapter 38

    SA ILANG araw na pamamalagi nila rito sa Costa ay madalas na pumupuslit si Dior sa kwarto niya pero katulad nung nakaraang gabi ay hindi na niya ito hinayaan. Hanggang yakap lang ang nagagawa nito at matulog sa tabi niya.Nailang kasi siya nang pag kagising niya kinabukasan dahil hindi mapigilan ni Parker na ngumiti sa kaniya nang nakakaloko. Ginising niya rin ito nang maaga para bumalik ito sa guest room, dahil hindi niya alam ang sasabihin sa magulang niya kapag nalaman ng mga ito, sa kwarto niya natutulog si Dior.Dalawang araw na lang at pasko na. Nalaman niya rin na bukas ay kaarawan ni Dior. Nagulat talaga siya nang malaman iyon dahil wala siyang katiting na idea na kaarawan nito bukas.Kahapon pa rin siya nag iisip kung ano ba ang pwedeng iregalo rito pero wala siyang maisip dahil lahat naman na ata ay meron na ito. "Alam ko na, sarili mo na lang." Suggestion ni Chloe sa kaniya. Andito sila ngayon sa loob ng kusina, tinutulungan nila si Nora at kasama rin nila si Zoey. "Bibi

  • Loving, Ensley   Chapter 37

    NAGISING siya sa tunog ng kaniyang alarm clock. Katulad ng nakasanayan sa tuwing andito siya sa Costa. Nag set siya ng alarm clock kagabi bago matulog. Minulat niya ang mata at tinurn-off ang alarm clock niya. Maganda ang gising niya kaya nag tatalon muna siya saglit para mas lalo siya magising bago tumuloy na sa sarili niyang palikuran. Nang matapos siya ay dumiretso siya agad sa closet niya para kumuha ng damit dito. Nag suot siya ng isang one-piece bathing suit na may spaghetti strap na kulay sky blue at pinatungan niya ng high-waisted linen shorts na kulay itim. Para naman sa mukha niya ay nag sunscreen siya at liptint lang habang hinayaan niya lang nakalugay ang kaniyang buhok. Balak niya pumunta sa dalampasigan para abangan ang pag sikat ng araw. Nang makababa na siya ay naabutan niya ang pamilya niya, maliban kay Levi. "Good morning." Bati niya sa mga ito at lumapit para humalik sa pisngi ng mga ito. "I missed this." Saad ng ina niya habang may ngiti sa labi naka tingin sa

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status