SAKSI ang malawak na kalangitan at karagatan sa dalawang tao na magkahawak ang kamay at unti-unti nahuhulog sa isa't isa na hindi nila namamalayan.Napatingin si Ensley sa kamay nila na magkahawak, mabilis din ang tibok nang puso ng dalaga. Kung maririnig lang ni Xavier ang kaniyang puso ay baka isipin nito na may sakit ito. Nagulat ang dalaga ng tumingin sa kaniya si Xavier at mas lalong bumilis ang tibok ng puso ni Ensley. Nangungusap ang mga mata nito. Hawak pa rin nito ang kaniyang kamay, at hindi niya namalayan na papalapit na ang mukha ni Xavier sa kaniya. Kinakabahan siya sa susunod na mangyayari at hindi rin siya makapag-intay sa gagawin nito. Hinawakan ni Xavier ang kaliwang pisngi ni Ensley habang nakatitig pa rin ang dalawa sa isa't isa. Binitawan ni Xavier ang pagkahawak sa kanang kamay ni Ensley at pinalit sa pag hawak sa baywang ng dalaga para mas lalo mapalapit ang dalawa sa bawat isa, nagulat si Ensley sa ginawa ng binata at nginitian lang siya ni Xavier. Aalis n
P R E S E N TMARAMING tao sa loob ng malaking pasilyo na pinag-darausan ng pagtatapos ng mga estudyante sa kanilang huling baitang sa high school. May mga estudyante na naka suot ng puting toga, magulang na naka-suot nang magarbo para sa okasyon nang kanilang mga anak.Sa harap nang kanilang eskwelahan, maraming mga kapamilya ang nag sama-sama para sa iisang kaganapan ngayon. Makikita sa mga ito ang saya dahil naka pag tapos na ang kanilang mga anak at sa susunod ay sasabak na ang mga ito sa bagong yugto nang kanilang buhay, ang kolehiyo. Lumapit si Ensley sa kaniyang mga magulang para yumakap at humalik sa mga pisngi nito. "Congratulations, anak. Proud kami ng papa mo at ng mga kuya mo sayo" sabi ni Mila sa anak habang nakayakap."Thank you, Mom and Pa!" At humalik sa pisngi ng ina at ama."Bunso, congrats!" Parang bata na sabi ni Logan sa kapatid na babae. "Congrats, bunso!" Sabi naman ng kaniyang kuya Levi na naka-ngiti sa kaniya at hinalikan ang pisngi nito.Nasa likod naman
INAAYOS ni Ensley ang gamit niya at nakapag-ayos na rin ito ng sarili. Tumawag na kanina si Parker, malapit na raw ito sa tinutuluyan niya at tatawag na lang ulit.Nasanay si Ensley na palaging sinusuot ay isang dress or bestida sa Costa, pero ngayon nakasuot siya ng isang high waist na pantalon at maiksing puting blouse na sinuotan nang isang gucci half loafers. "Hello?" Pag kasagot ni Ensley sa kabilang linya. "Nasa baba na ako, ano yung hotel room mo?" Tanong nito sa dalaga. "Ha? Ako na lang baba diyan. Pinababa ko na yung maleta ko diyan, intayin mo na lang ako sa lounge ng hotel." Sagot ni Ensley at hindi na niya inantay sumagot si Parker at pinatay na niya ang telepono.Nasa elevator siya nang maalala na hindi niya pala alam ang itsura nito, kaya tatawagan na lang niya ito mamaya kapag nakababa na siya. Habang nag lalakad si Ensley papunta sa lounge ng hotel ay dina-dial na rin niya ang contact number ni Parker."Alam kong tatawag ka" sagot ng kabilang linya na tumawa pa. "A-a
NAKATAYO lang si Ensley habang nakatitig sa lalaking tinawag ni Parker na Dior. Hindi siya makapaniwala sa nangyayari sa kaniya, malalagot talaga siya kapag nalaman ng mga magulang niya ito at ng mga kuya niya.Alam niyang madami pa siyang oras para mag isip pero hindi niya pwede sabihin sa mga ito na naubusan siya ng slot sa dormitoryo at ngayon ay nasa bahay siya ng isang lalaki na hindi niya kilala.Hindi niya pwede ma-disappoint ang mga kuya niya at lalo na ang mga magulang niya. Nag sisimula pa lang siya maging independent sa sarili. "Hey!" Tawag sa kaniya ni Dior pero hindi niya ito pinapansin dahil marami ang tumatakbo sa isipan niya. "Hindi ko pwede ma-disappoint sila Mama." Wala sa sariling sabi ni Ensley kay Dior. Hindi alam ni Dior ang gagawin kay Ensley lalo na mukhang nag sisimula na ito mag panic dahil sa naging sitwasyon nito. Malilintikan talaga si Parker kapag nakita niya ito, sabi ni Dior sa sarili. "You can stay here." Walang gana na sabi ng binata kay Ensley a
MAAGA si Ensley nagising dahil sanay talaga ito gumising ng maaga. Iba nga lang ngayon, kung dati nagising siya ng maaga para maabutan ang pag taas ng araw pero ngayon hindi na niya masusubaybayan iyon. Naka suot pa ng pang-tulog si Ensley nang ito'y bumababa sa first floor. Suot niya ang paborito niyang short sleeve checked sa itaas at short checked sa pang ibaba naman na kulay pula. Habang bumababa sa hagdan at tinatali ang maiksi niyang buhok na hirap niya talian ay nakita niya si Dior sa sala na may inaayos na mga papeles at mukha rin itong aalis dahil naka pang alis ito. "Good morning" bati ng dalaga sa binata. "Bago ka kumain, may papapirmahan muna ako sayo." Sagot nito sa kaniya."Ano yon?" Habang nag lakad palapit sa sofa at umupo rito. Inabot naman ni Dior ang mga papeles kay Ensley at sinimulan ito basahin."Oh! Contract?" Tanong ng dalaga more like sa sarili nito. "Don't worry hindi naman kita tatakasan and mag babayad ako. Nabigay na ba ni Parker yung payment ko?" Sabi
SA mga sumunod na araw ay ang ginawa lang ni Ensley ay ang pag iwas kay Dior at hindi naman siya nahirapan dahil ganoon din ang ginagawa nito sa kaniya. Nakaupo at nanunuod naman si Dior sa sala nang bumababa mula sa kwarto si Ensley. Nung mga nakaraan na araw ay nag dadala pa rin si Dior ng mga babae rito sa bahay niya at gabi gabi rin nagigising sa ungol na naririnig ni Ensley sa kabilang kwarto pero ni isang beses ay hindi siya nag salita dito at nag reklamo. "May tirang ulam diyan kung gusto mo kumain." Sabi ng binata sa kaniya. Akala niya hindi siya nito napansin o kung napansin man siya ay akala niya mag kukunwari itong hindi siya nakita."Okay!" Sagot naman ni Ensley "kumain ka na ba?" Habol niya pang tanong pero hindi naman sumagot si Dior. "D-dior, ano kasi—" nahihiyang tawag ni Ensley dito. "P-pwede mo ba akong samahan sa lamesa kumain?" Pag papatuloy ni Ensley sa pag sasalita.Napalingon naman si Dior sa dalaga, hindi makatingin si Ensley dito. Walang sabi sabi ay tumayo
MAY plano na mag kita sina Ensley at Chloe sa isang tea house after class. Itinulak na ni Ensley ang glass door ng tea house at pag pasok niya ay naamoy niya agad ang mabangong aroma ng tea. Dumiretso agad siya sa two-seater na lamesa at hindi muna nag order dahil iintayin niya muna ang kaibigan. May ilan din na mga estudyante ang naroon. Ang ilan ay nag-aaral o kaya nag kukwentuhan.Napansin naman niya si Chloe na pumasok na at tinaas niya ang kaniyang kamay para makita siya ng kaibigan. "Kanina ka pa ba?" Tanong ni Chloe kay Ensley. "No, kakarating ko lang." Sabi nito at ngumiti.Si Chloe na ang nag order para sa kanila, pumunta na ito sa counter at habang si Ensley naman ay nag hintay sa upuan nila.Pagkatapos umorder ay bumalik na si Chloe sa upuan nila, bitbit ang dalawang drinks na inorder nito at tag isang blue berry cheesecake. Madalas sila mag punta sa tea house para mag kwentuhan lang o kaya gumawa ng projects pero ngayon ay kwentuhan lang talaga ang pinunta nila. Sinim
HUMAWAK si Ensley sa jacket na suot ni Xavier para sa suporta. Inalalayan naman siya ni Xavier sa pag yakap sa kaniyang baywang para hindi ito matumba.Kitang-kita sa mga kilos ng dalawa kung gaano sila kasabik sa bawat haplos at halik ng isa't isa. Hindi rin mapigilan ni Ensley ang pag ungol sa loob ng bibig ni Xavier na mas lalong pina-lalim ng binata ang halik sa dalaga. Natauhan na lang si Ensley ng may marinig na ingay sa hindi kalayuan. Tinulak niya si Xavier na hinabol ang kaniyang labi. Napatitig naman si Ensley sa mga mata nito, at pagkatapos ay lumingon lingon sa paligid pero wala siyang nakitang tao. "Ens" pag tawag sa kaniya ni Xavier. Bigla si Ensley napaurong dahil mali ang ginawa nila. MALING-MALI. "S-stop" mahinang sabi ng dalaga sa binata. "B-baka hinahanap ka na sa loob, mauna ka na p-pumasok. S-susunod na lang ako." Habol pa ni Ensley at umiwas ito ng tingin sa kaniya."Ah—" hindi alam ni Xavier ang sasabihin dahil alam niya rin na mali ang ginawa nila at ayaw
D I O R M O O R ESA APAT na sulok ng silid ay maririnig ang tunog ng isang classical song na "La vie en rose" by Edith Piaf. Tumutugtog ito sa isang retro vinyl record player stereo habang si Dior ay busy sa pag pinta sa gitnang bahagi ng silid. Palagi siya nag papatugtog sa tuwing nag pipinta siya. Maraming nakakalat na kagamitan para sa pag pipinta niya at maraming mga canvas rin ang naka display sa dingding at sa sahig. Sa isang banda naman ay may isang cabinet, kung saan nakalagay ang mga vinyl records ng binata. Sa katunayan ay hindi niya talaga gusto maging sunod na mag papatakbo ng kanilang kompanya. Para sa kaniya ay hindi siya para roon. Ngunit wala siyang magagawa dahil sa kaniya umaasa ang ama niya at isa pa ay masyado pa rin bata si Riley para sa ganoong bagay. Pagkatapos nang kaarawan ng dalaga ay hindi ito umuwi sa bahay ni Dior dahil tuwing weekend ay sa kapatid nito ito natuloy. Araw ng linggo. At kanina pa siya rito nakaupo at nag pipinta. Pumunta kahapon ang
T H R E E Y E A R S A F T E RHABANG hawak ni Ensley sa kamay ang palumpon ng boho flowers ay pinag-masdan niya ang buong paligid. Maraming bisita ang makikita, mga pamilya at mga kaibigan. Kita sa mga mata at ngiti ng mga ito ang saya. Nakasuot ang mga ito ng magagarang kasuotan para sa okasyon ngayon. Kasalukuyan din sila nasa isang kagubatan. Dito naisipan ganapin ang importante na okasyon ngayon.Binaling niya ang tingin sa lalaki nasa unahan. Masaya itong naka tingin at makikita sa mga mata nito kung gaano nito inantay ang araw na ito, kahit siya ay hindi na rin mapigilan na ngumiti at maluha sa nakikita sa unahan. Sa tinagal nang pag iintay nila ay ngayon ay mag iisang loob na ang dalawang matalik nilang kaibigan na sina Xavier at Zoey.Naka-suot siya ngayon ng isang kulay kayumanggi na mahabang velvet gown. May slit din ito sa gilid at short sleeve ang gown na may mahabang v cut sa dibdib. Tumuloy na siya sa pag lakad sa aisle. Kahit hindi siya ang ikakasal ay kinakabahan
BINALINGAN niya ang paningin ng umusog si Dior sa tabi niya. Nasa dining area sila ngayon nag gagabihan. Kasama rin nila sina Mikee at Kevin sa hapag. Kanina ay nag pababa si Chloe malapit na Mall at may kikitain pa raw ito. Kanina niya pa rin naririnig nag kukwentuhan ang mga ito. Habang siya ay tahimik lang nakikinig sa mga ito at sumasagot kapag tinatanong siya. "Penny for your thoughts?" Tanong ni Dior sa kaniya na kina-ilinganan niya lang.Sa totoo lang ay naiinis siya sa sarili niya dahil nag seselos siya kay Mikee. Kinu-kompare niya ang sarili rito.Mukha na kasi itong may maibubuga sa buhay. Maganda, matalino at may trabaho na. Natatakot siya na baka bumaling ang atensyon ng kasintahan dito lalo na sobrang angat ito sa kaniya. MAY party na ginaganap sa company nila Dior. Andito sila ngayon sa hotel dahil dito gaganapin ang celebration sa pag managed ng binata sa branch sa States dahil naging successful ang naging deal nito sa isang kilalang company. Kasama sina Mikee at
SA DALAWANG buwan ni Dior sa US ay umuwi rin si Ensley sa Costa para bumisita sa mga magulang niya at hindi niya kasama ang mga kapatid. Umupo si Ensley sa lamesa malapit sa bintana ng resto at inilapag din roon ang laptop at kaniyang libro. 11:30 ng umaga sa kaniya habang 10:30 pm naman kala Dior. Pinag patuloy niya muna ang pag babasa habang inaantay ang binata na tumawag sa kaniya. Umaangat ang kaniyang ulo ng mag lapag ng plato na may pag kain si Lucas sa lamesa niya. "Lunch mo, Ens." "Thanks, Lucas." Tinanguhan lang siya nito bago bumalik sa kusina. Pagkaalis ni Lucas ay doon din ang pag tunog ng laptop niya. Nilingon niya ito at nakita na tumatawag na si Dior sa kaniya. May ngiti sa labi na inaccept niya ang tawag nito. "Good evening, Mr. Dior Moore." Bati niya sa binata na kina-ngiti rin nito. Kita sa mukha nito ang pagod pero nagagawa pa rin nito ngumiti sa kaniya. "Good evening, Misis Moore." Balik na bati ng binata sa kaniya na kina-bigla niya. Tumawa ng mahina si D
ILANG araw na umiiwas si Ensley kay Dior. Alam niyang mali ang pinag gagawa niya pero hindi niya talaga kayang harapin si Dior lalo na na-giguilty din siya sa mga naging desisyon niya rito. Baka nga nag tatampo rin ito sa kaniya. University at bahay lang siya nag lalagi. Kapag tinatanong siya ni Chloe ay palagi niya nililihis ang usapan at sa tuwing nakikita niya si Dior ay mabilis siya umaalis para hindi sila mag tagpo. Hindi rin naman siya nito tine-text o tinatawagan. Ganoon din ang ginagawa niya rito. Nag taklob siya agad ng kumot nang marinig ang pag katok ng kapatid niya sa pinto ng kwarto niya. Narinig niya ang unti-onti nitong pag bukas ng pinto at mga yapak nito patungo sa kama niya."I know, you're awake Ensley." Bumuntong hininga muna siya bago niya tinanggal ang kumot sa pag kakataklob sa buong mukha niya. Nakita niya ang kuya Levi niya nakatayo sa gilid ng kama niya. "Kuya, hindi ako gutom." Pag rarason niya sa kapatid."We'll wait you downstairs in 5." Maotoridad na
PAREHAS na hindi makabasag pinggan habang nanunuod ang mag kasintahan sa loob ng sinehan. Si Ensley ay may hawak na popcorn at kina-kain ito habang tahimik nanunuod at patuloy na umaandar ang palabas sa unahan na pinamagatan na "Harley Quinn: Birds of Prey." Si Dior naman ay tahimik lang din nakatutok sa pinapanuod. "You want popcorn?" Alanganin na tanong ng dalaga rito ngunit tumanggi na kumuha si Dior sa popcorn na kina-kain niya. Binalik na lang ulit niya ang tingin sa unahan at inubos ang kina-kain. Nang matapos ang palabas ay lumabas na sila ng sinehan, kumapit siya sa braso ng binata at tinitigan ito. "Gutom na ako, sa Jollibee na lang tayo kumain, ha?" "Okay." Simpleng saad ni Dior sa dalaga na hindi niya mawari kung bakit kanina pa ito walang gana. Ito naman ang nag yaya na lumabas sila pero kanina pa itong walang imik sa kaniya. Tumango siya at ngumiti rito. Nag patuloy na sila papunta sa Jollibee para roon kumain. "Gusto ko ng fried chicken, spaghetti at burger. Gusto
KAHAPON ng tanghali bumalik sina Dior sa Centro. Nangako kasi ito na babalik sa pasko para sa kapatid na si Riley. Nilagay niya rin sa list na bisitahin ang kapatid nito pag bumalik na siya sa Centro. Napa-ngiti siya nang binalik niya ang atensyon sa mga gold fish niya na maligalig na lumalangoy sa pond nila sa resto. Katapos niya lang bigyan ng pagkain ang mga ito.May isang linggo na lang sila at pagkatapos ng new year ay babalik na ulit sila sa Centro. Pagkatapos mag pakain at mag dilig din ng mga halaman ay bumalik na siya sa loob ng resto. "Ens! Naninibago pa rin ako nandito ka." Saad ni Quinn, tumawa naman siya rito at pagkatapos ay pumasok na sa loob ng kusina. Gusto niya kasi matuto mag luto, sabi ng kuya Logan niya at ni Lucas ay tuturuan siya ng mga ito. Nang makita si Nora ay binati niya ito nasa gilid, gumagawa ito ng beverage pagkatapos ay nag tungo na siya kala Lucas at Logan. May ine-experiment ang mga ito na pwedeng maging bagong recipe ng resto. Sa mga sumunod
SA ILANG araw na pamamalagi nila rito sa Costa ay madalas na pumupuslit si Dior sa kwarto niya pero katulad nung nakaraang gabi ay hindi na niya ito hinayaan. Hanggang yakap lang ang nagagawa nito at matulog sa tabi niya.Nailang kasi siya nang pag kagising niya kinabukasan dahil hindi mapigilan ni Parker na ngumiti sa kaniya nang nakakaloko. Ginising niya rin ito nang maaga para bumalik ito sa guest room, dahil hindi niya alam ang sasabihin sa magulang niya kapag nalaman ng mga ito, sa kwarto niya natutulog si Dior.Dalawang araw na lang at pasko na. Nalaman niya rin na bukas ay kaarawan ni Dior. Nagulat talaga siya nang malaman iyon dahil wala siyang katiting na idea na kaarawan nito bukas.Kahapon pa rin siya nag iisip kung ano ba ang pwedeng iregalo rito pero wala siyang maisip dahil lahat naman na ata ay meron na ito. "Alam ko na, sarili mo na lang." Suggestion ni Chloe sa kaniya. Andito sila ngayon sa loob ng kusina, tinutulungan nila si Nora at kasama rin nila si Zoey. "Bibi
NAGISING siya sa tunog ng kaniyang alarm clock. Katulad ng nakasanayan sa tuwing andito siya sa Costa. Nag set siya ng alarm clock kagabi bago matulog. Minulat niya ang mata at tinurn-off ang alarm clock niya. Maganda ang gising niya kaya nag tatalon muna siya saglit para mas lalo siya magising bago tumuloy na sa sarili niyang palikuran. Nang matapos siya ay dumiretso siya agad sa closet niya para kumuha ng damit dito. Nag suot siya ng isang one-piece bathing suit na may spaghetti strap na kulay sky blue at pinatungan niya ng high-waisted linen shorts na kulay itim. Para naman sa mukha niya ay nag sunscreen siya at liptint lang habang hinayaan niya lang nakalugay ang kaniyang buhok. Balak niya pumunta sa dalampasigan para abangan ang pag sikat ng araw. Nang makababa na siya ay naabutan niya ang pamilya niya, maliban kay Levi. "Good morning." Bati niya sa mga ito at lumapit para humalik sa pisngi ng mga ito. "I missed this." Saad ng ina niya habang may ngiti sa labi naka tingin sa